You are on page 1of 2

“Pasabog”

Ngayong panahon ng pandemya, marami ang binansagang mga makabagong bayani ng


lipunan. Isa na rito ang mga sundalo na patuloy ang pagsasakripisyo at pagtataya ng buhay para
sa seguridad ng lahat. Hindi biro ang kanilang paghihirap lalo na’t kabilang sila sa mga taong
matatapang na nangunguna sa giyera ng kalusugan laban sa hindi nakikitang katunggali. Ngunit
kahit anumang banta ang naidudulot ng propesyong ito ay tunay ngang matatag at walang
kinakatakutan ang mga Pilipino. Ito ay dahil sa kabila ng lahat, marami pa rin sa ating mga
kababayan ang buong lakas na nag-aalay ng buhay para lamang makapaglingkod sa bayan.

Pananabik at hindi matutumbasang saya ang naramdaman ng mga bagong gradwadong


sundalo na nagmula sa lupang pinangako---ang Mindanao. Ito ay matapos nilang magawa ang
una nilang misyon upang maging isang ganap na mandirigma ng bansa. Animo’y mga ibon na
nakalabas sa hawla ang maihahalintulad sa kanila dahil bakas sa mga mukha nito ang kasiyahan
na tila ay walang hanggan. Subalit hindi lamang sila ang labis na natutuwa kundi maging ang
mga naiwang pamilya na naghihintay sa kanilang nakasasabik na pagbabalik.

Ngunit sadya ngang mapaglaro ang tadhana. Nitong Ika-4 ng Hulyo taong kasalukuyan
ay parang kinamot ng matatalim na kuko ang puso ng bawat Pilipino. Ito ay matapos maibalita
ang pagbagsak ng C130 military aircraft ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Sitio
Amman, Barangay Bangkal Patikul, Sulu sakay ang hindi bababa sa 85 na bilang ng mga sundalo
upang isakatuparan ang susunod nilang misyon na kung saan ay ang pagdidistino. Nailathala na
limampung sundalo ang sugatan samantalang apatnapu’t dalawa naman ang tuluyan ng
namamaalam.

Dinaig ng isang madugong bakbakan ang trahedyang hindi inaasahan ng sambayanan.


Buhay ay nalagas hindi dahil sa umuulang mga bala at nag-aapoy na mga bomba kundi dahil sa
isang hindi mahinuhang kaganapan na simula ngayon ay maituturing na lamang bahagi ng
masalimuot na kasaysayan. Sa isang iglap, naglaho ang lahat ng pangarap. Ang mga ngiti’t
halakhak na inakalang walang hanggan ay biglang nawakasan.

Ni isa’y walang makapaniwala na ang isang eroplano na inakala nilang maglilipad ng


kanilang mga pangarap ay siya pang wawasak ng kanilang mga plano para sa hinaharap.
Napakasakit lamang isipin na hindi pa nga nila nasimulan ang kanilang ninanais ay agad itong
natapos nang napakabilis. Wala ng iba pang nagawa ang mga naulilang pamilya kundi tanggapin
ang katotohan at hayaan na lamang na maghilom ang mga sugat sa pamamagitan ng patuloy na
pag-agos ng mga luha.

Tiwala at pagiging malakas, iyan na lamang ang pinanghahawakan ng mga sundalong


nakaligtas. Lubos ang kanilang pasasalamat dahil sa kabila ng agaw-buhay na laro ng kapalaran
ay milagrong humihinga pa sila nang nagising mula sa bangungot na dala ng trahedyang hindi
malilimutan. Mahirap man intindihin ang mga kaganapan subalit iisa lamang ang tiyak, may
dahilan ang lahat.

Sa kabila ng pangyayari, nakatataba ng pusong isipin na nangingibabaw pa rin ang


pagmamahal at pagkakaisa ng mga Kristiyano at Muslim na hindi nagdalawang isip na tumulong
sa mga nakaligtas at nag-aagaw buhay na mga biktima. Sapagkat iyan ang lahing Pilipino,
nagtutulungan sa panahon ng kagipitan.

S.U.N.D.A.L.O. Pitong letra ngunit buong-buhay ang nakataya. Kahit konting oras lamang
meron sila para sa kanilang pamilya ay tiniis nila. Sarili man ay mapabayaan basta’t
magampanan lamang ang buwis-buhay na tungkulin para sa inang bayan at sa kaligtasan
mamamayan. Katapangan nila ay tunay na kahang-hanga, karapat-dapat na ipagmalaki at
bigyan ng halaga.

Hindi nga nauubusan ng surprisa ang buhay, araw-araw may hatid na pasabog. Ngunit
paano kung ang pasabog na iyon ay ikagugunaw ng iyong mundo? Lalaban ka pa ba o susuko
na. Kaya kinakailangan na maging handa tayo sa anumang panahon dahil hindi lahat ng suprisa
dulot ay saya. Minsan, ang inaasahan nating pasabog ng buhay ay para sa ikabubuo ng ating
pagkatao, yon pala ay ikadudurog at ikababasag ng ating mga puso.

You might also like