You are on page 1of 2

Mga Bagong Bayani

Sa panahon ngayon, simple lang ang ibig sabihin ng bayani: makatulong at


makapaglingkod para sa ikakabubuti ng mamayan. Subalit, nakapakababaw ang depinisyon ng
bayani sa kasalukuyan. May Jose Rizal o Lapu-Lapu pa ba? O mayroong na tayong sariling bersyon na
parehas ang layunin ng ating mga bayani?

Naka-ukit na sa ating kasaysayan ang mga pambansang bayani kagaya ni Jose Rizal, Andres
Bonifacio, Apolinario Mabini, Emilio Aguinaldo, Lapu- Lapu at maraming pang ibang bayani. Mga
bayani na ipinagtanggol at ipinaglaban ang ating kasarinlan. Ngunit, sa makabagong panahon iba na
ang ating kahulugan at konsepto ng “bayani”. Ang mga bayani ay ating mga kababayan na
tumutulong para sa kapakanan ng Inang Bayan at para sa ating ikauunlad bilang isang nasyon at
kommunidad.

Noong taong 2020, binalot ang mundo ng isang nakakamamatay ng sakit na tinatawag na
COVID-19. Sa laban kontra pandemya umusbong ang mga makabagong bayani. “Frontliners” kung
tawagin ang mga bayani na ito, kabilang dito ng mga doctor, nars, medical technician, pulis, at
sundalo at guro. Sa panahong nababalot ng lungkot at takot, buong tapang na hinarap ng mga
frontliners na ito ang mga hamon. Hindi matatawaran ang serbisyo ng mga frontliners sa panahon ng
pandemya at sa kasalukuyan, halos puyat, pagod at hindi na makapagpahinga ang mga frontliners
dahil mahalaga ang kanilang presensiya.

Ramdam man ang sitwasyon, nakakahanga ang kanilang tapang na harapin ang isang kalaban
na hindi nakikita kahit na walang kasiguraduhan ang kanilang kaligtasan at kung makakauwi parin
sila sa kanilang minamahal sa bawat laban na kanilang kinakaharap . Pero hindi lang mga doktor at
nars ang maituturing bayani, maituturing bayani rin ang mga sundalo at pulis na sa kabila ng mga
pagsubok at di-tiyak ang kanilang pag- uwi sa kanilang mga minamahal, tuloy parin ang kanilang
paglilingkod para mapangalagaan ang seguridad nating mga mamamayan.

Maituturi rin na bayani ang mga guro, hindi lang sa panahon ng pandemya ngunit noong wala
pang pandemya pinapatunayan nila na sila ay bayani. Bagama’t sila ay hindi nakasuot ng kapa at
hindi humawak ng bala upang ipagtanggol ang ating bansa, sila ay naglilingkod para sa kapakanan at
kinabukasan ng batang Pilipino. Kahit may pandemya tuloy parin ang kanilang pagsisikap at
determinasyon upang mapaunlad ang edukasyon.

Hindi matutumbasan ang mga kahanga-hangang ginawa ng ating mga bagong bayani sa
kasalukuyan. Kahit ang kanilang paa ay parang malapit na sa hukay tuloy pa rin ang paglilingkod may
pandemya man o wala patuloy parin para sa ikabubuti ng kanilang bayan. Ang dedikasyon at tapang
ng mga makabagong bayani na ito ay lalong umusbong sa panahon ng krisis. Sa ngayon, ang mga
frontliners o mga bayani ng kasalukuyang henerasyon ay nanatiling nakatayo para mag lingkod sa
anumang unos na dadating.

.
Pinatunayan ng mga bayani na ito na hindi kailangan na makipagdigma para lang matawag na
bayani. Hindi lang basta propesyon lamang ang pagiging frontliner kundi nangangailangan ito ng
katatagan, pagsasakripisyo at pag-aalay ng buhay at puso para sa taong pagsisilbihan.

You might also like