You are on page 1of 8

ARALIN 7 GAWAIN

Kristle Jeian V. Astrero FIL 101 (1:30 – 3:00pm) TF

PANIMULANG GAWAIN:

Sino ang ituturing nating mga bayani? Isulat ang kaniyang katangian at gumawa ng buod ng
ideal na bayani.

1. Si Darna ay maituturing na bayani sapagkat niligtas niya ang sambayanan gamit ang kanyang
natatanging pisikal na lakas at kapangyarihan. Ginagamit niya ito upang iligtas ang sambayanan
laban sa mga masasamang tao at kalaban.

2. Si Jose Rizal ay bayani sapagkat ginamit niya ang kanyang pluma at nobela upang lumaban sa
mananakop ng ating bansa. Isa itong matalinong paraan upang ipaglaban ang kalayaan nating
mga Pilipino sapagkat ginamit niya ang kanyang talino upang makipaglaban sa halip na gamitin
ang pisikal na lakas.

3. Ang aking ina ay maibibilang na isang bayani sapagkat labis ang sakripisyo, pagmamahal, at
pag-aalagang ibinibigay niya sa amin sa araw-araw. Sa panahon ngayon, maituturing na ang
ating ina ay isang bayani dahil sa kakaibang taglay nila ng kapangyarihan at lakas na naipapakita
at eto ay ang pagmamahal sa kanilang pamilya.

4. Si Pangulong Manuel L. Quezon ay bayani sapagkat siya ay isang sundalo at politikong


naging pangalawang pangulo ng Pilipinas at pinangunahan ang unang Independent Mission sa
U.S. Congress noon 1919. Siya rin ay kinilala bilang pangulo ng Komonwelt. Siya rin ang
pangulong nagbigay sa wikang Filipino.

BUOD:

Ngunit para sa akin, ang ideal na bayani ay ang handang maglingkod sa kapwa ng walang
hinihiling na kapalit. Ang may malinis na hangarin sa bayan at bansa, maging sa kanyang kapwa.
At handing isakripisyo ang kanyang oras at buhay upang tumulong sa ikakaunlad ng kanyang
sarili, kapwa, o maging ng bansa. Higit sa lahat, ang pagpapakatao ay isang uri ng kabayanihan
na kahit sino man ay kaya itong gawin at ibahagi. Hindi man tulad sa ating napapanood sa
telebisyon at pelikula, ngunit ang isang bayani na may pagpapakatao at kumikilos ng naayon sa
kanyang puso at misyon sa buhay ay isang bayani. Kahit sa maliliit na paraan na ginagawa ng
bawat isa, ay maituturing itong napakaling tulong sa sambayanan ay maituturing na bayani.
Tandaan, na kahit sino man at sa ano mang paraan, maari tayong maging bayani sa sarili nating
gawa.
TASAHIN 1

Kristle Jeian V. Astrero Ika labing tatlo ng Abril, 2022

BMLS 1A

I. PAGPUPUNO SA PATLANG. Isulat sa patlang ang nawawalang impormasyon


upang mabuo ang pahayag.
Mula sa nabasang sanaysay na “Bayani”, ayusin ang mga titik ng mga salitang
kapitalisado upang mabigyang katuturan ang salita. Isulat sa patlang ang sagot:

1. Maibuwis KASMIASOPIRIY Maisakripisyo


2. Kuwaresma HAMAL AN RAWA Mahal na araw
3. Kakatwa AKIBAKA Kakaiba
4. Nagmumulat PANAWAGNAUPA Nagpapaunawa
5. Laanan YALANG Lagyan
6. Palasak NIRAWKANA Karaniwan
7. Kataliwasan BIKAKALANTRA Kabaliktaran
8. Kalasag NAGAPANG Panangga

1. Ang salitang pinagmulan ng salitang bayani ay “heros” na ang kahulugan ay


tagapagtanggol.

2. Isulat ang iba pang salita na katumbas ng salitang bayani:


a. Seruare mula sa salitang Latin
b. Bayani sa Filipinas
c. Banuar sa mga Ilokano

3. Batay sa sanaysay, ano-ano ang konsepto ng bayani sa sumusunod na panahon:


a. Katutubo
 Sa lumang panahon, kinikilala ang mga bayani na nagtataglay ng
kakaibang lakas at kapangyarihan. Naniniwala tayo sa mga anting-anting
na isang kapangyarihang magbigay ng proteksyon upang hindi masaktan o
kaya ay tablan ng kahit na anong mapaminsala at nakamamatay na
sandata. Isa o anumang kumbinasyon ng mga anting-anting ay nakasasapat
na upang magkaroon ng lakas at kapangyarihan, tagabulag, kakayahang
pagalawin nang kakatwa ang mga bagay sa paligid at mag-anyo ng kahit
na anumang naisin tulad ng sa hayop o ng anumang bagay sa paligid.
b. Panahon ng mga mandirigma
 Sila ay malalakas at may pagmamalasakit sa bayan na handang
magtanggol sa kanilang pangkat at sa karamihan. Ang pangnahing
katangiang taglay ay lakas, kahandaan sa pakikidigma para sa layuning
magtanggol ng bayan. Walang hinihinging kasunduan o kaya ay kasulatan
sapagkat ang tanging kuwalipikasyon lamang ay ang kaakuhan at
kakusahan ng kalooban na humarap sa digmaan ng kalasag at kumintang
para sa kabutihan ng bayan.
c. Panahon ng mga kastila
 Natutuhan ang konsepto ng kabayanihan na ayon sa pagpapakasakit,
pakikipaglaban at pagbubuwis ng buhay para sa bayan. Kakayahang
ipreserba ang kultural na kalagayan, pagkaisahin ang mga mamamayan at
pagtanggol ng bayan.
d. Panahon ng Amerikano at Hapon hanggang sa panaahon ng Kasarinlan
 Naglaan ng pagpapahalaga sa edukasyon, paggawa at paglilingkod ay nag
iwan ng marka na ang kabayanihan aay maaaring makamit kung
mayroong mabuting edukasyon sapagkat makatutulong sa paggawa at
makapaglilingkod sa kapwa.
e. Kasalukuyan (ngayon)
 Sa kasalukuyan ay napakaraaming aaspeto ng isang mamamayan ang
nagtataglay ng katangian ng isang bayani. Katulad na lamang ng
kabayanihan ng mga OFW dahil sa kanilang pagsasakripisyo para sa
kanilang pamilya. Isa pa rito ay ang kabayanihan sa larangan ng isports,
katulad ni Manny Pacquiao na kung saan nagbibigay pagkilala sa ating
bansa sa kanyang kahusayan sa boksing. Samantalang sa larangan naman
ng edukasyon nagpamalas ng kabayanihan si Efren Penaflorida na
nagbabahagi ng kaalaman sa mga maralita gamit ag kanyang kariton.
Maging ang mga maliit na bagay katulad na lamang ng pagsauli ng salapi
sa may ari ay isang uri ng kabayanihan. Ang pagpapahalaga sa
pagpapakatao ay isang uri ng kabayanihan

4. Para sa akin, ang isang bayani ay iyong may pagmamalasakit sa kapwa at


pagpapakatao dahil ang pagpapakatao ay isang napakahalagang aspeto sa ating buhay
na dapat pahalagahan. Ang pagpapakatao ay tinuturing mo o nakikita mo ang iyong
kapwa ng pantay at walang kinikilingan. Pantay na pagtrato, pantay na
pakikisalamuha, at pantay na pagtulong. Ang pagpapakatao ay isang uri ng
kabayanihan sapagkat ang isang taong nagpaphalaga rito ay isang mamamayang may
pagpapahalaga rin sa buhay ng iba, sa kanyang sarili at maging sa bansa. Humanity sa
ingles na isang napakasimpleng salita ngunit may malalim na depinisyon at epekto sa
bawat isa. Pagpapakato o humanity ang magtutulay sa ating pagkakaisa,
pagtutulungan, at pagpapahalaga na maaring magamit at gawin na kahit sino man. Sa
paraang ito, tayong lahat ay isang bayani.

II. MALIKHAING PAGLALAPAT. Pumili ng isang paksa sa ibaba. Ipahayag ang iyong
konsepto sa pamamagitan ngalinman sa pag-awit, spoken word poetry, pagsulat ng
tula o sanaysay o kaya pagguhit.

PAKSA: Ang pagkasilang ng bayani sa panahon ng pandemya

Nararapat lamang na sila‟y ituring na bayani sa panahon ng pandemya. Sa kabila ng


peligro na kanilang araw-araw na kinaharap, ang pagsagip sa buhay ng bawat isa ang kanilang
nagging unang misyon simula ng sila ay tumahak sa propesyong ito. Ito ang nagging dahilan at
nagtulak para sa akin na kunin ang kursong kaugnay sa medisina, upang katulad nila ay
makapagbigay ako ng pag alaga at pagapahalaga sa buhay ng bawat isa. Saludo kami sa inyo
mga tagapag alaga ng buhay at kalusugan!
ARALIN 8 GAWAIN

Kristle Jeian V. Astrero FIL 101 (1:30 – 3:00pm) TF

GAWAIN. . Isulat ang iyong kaisipan kung bakit masasabing “It‟s More Fun in the Philippines”
at kung ano ang mga katangi- tangi sa Pilipinas kaya masasabing “Only in the Philipines”.

Masasabi kong Its more fun in the Philippines dahil sa


natatangi nitong katangiang walang makakapantay.
Ang ating bansa ay mayaman sa kultura, tradisyon,
malusog na tanawin at atraksyon na labis na dinadayo
at karapat dapat na ipagmalaki. Isa sa mga katangi tangi
sa Pilipinas na masasabing kong “only in the
Philippines” ay ang mismong mamamayan nito.
Sapagkat tayong mga Pilipino ay kilala bilang
“hospitable” sa ating mga bisita. Isa pa ay ang gamit
natin sa transportasyon na tinatawag na “jeep”, ito ay
makikita lamang sa Pilipinas.

PANIMULANG GAWAIN. Sukatin ang iyong kaalaman hinggil sa iba‟t ibang kaugaliang
Filipino sa pamamagitan ng pagsagot sa mga inilarawan sa pahayag. Maaaring sa Filipino o sa
Ingles ang sagot. TIYAK na sagot lamang ang isulat sa patlang. Iwasto ang sagot pagkatapos.
Makikita ang mga sagot sa ibaba ng gawain.

BAYANIHAN 1. Tungkol ito sa pagtutulungan ng magkakapitbahay,


magkakapamilya o kaya ay kabaranggay na gawin ang isang bagay nang sama-sama at may
iisang layunin. Sa mga lalawigan, maaari itong tumukoy sa paglilipat ng bahay na karaniwang
gawa sa pawid at kawayan sa pamamagitan ng tulong-tulong na pagbubuhat nito.

CLOSE FAMILY TIES 2. Ito ay tungkol sa pagbubuklod-buklod ng isang pamilya o


magkakamag-anak. Isa ito sa mga uri o sistemang panlipunan ng mga Filipino. Tiyak nitong
tinutukoy ang pagsasama-sama ng mga magulang at kanilang mga anak kahit na ang mga ito ay
may sarili nang pamilya kaya‟t ang tahanan ay binubuo ng dalawa o higit pang mag-anak.

PAGMAMANO 3. Isang gawi o kilos panlipunan na nagpapahiwatig ng paggalang sa


mga nakatatanda. Ginagawa ito sa pamamagitan ng paglalapat ng kamay sa noo at magalang na
pagyukod.

PAKIKISAMA 4. Hangarin ng kaugaling ito na magkaroon nang maayos na


pakikitungo sa kapwa. Hindi ito sapilitang pakikibahagi sa pangkat kundi sanhi ito ng „hiya‟ na
sapagkat mga kasamahan o kaibigan ang nagyaya ay nararapat lamang na maging kasama sa
anumang lakad o layunin.

UTANG NA LOOB 5. Ang pagtulong ay walang hinihintay na kapalit. Sa mga panahon


ng pangangailangan, nakikiramay ang mga taong kakilala at kamaganak at taos ito sa kanilang
kalooban, kaya itinuturing na kailanman ay hindi ito maaaring bayaran ng anumang halaga ng
salapi o bagay.

AMOR PROPIO 6. Higit na pinahahalagahan nito ang kabutihan ng pagkatao o


dignidad. Sa mga Filipino, tatalikdan ang anumang kayamanan huwag lamang maging mababa
ang pagtingin ng iba sa kaniyang sarili.

DELICADEZA 7. Ito ay isang kaugaliang Filipino na ibabagay ang pagkilos ayon


sa kung ano ang tanggap ng lipunan. Tiyak na inihahayag nito na hindi dapat gawin ang isang
bagay o desisyon at baka may ibang masasaktang damdamin.

ISANG SALITA 8. Ang kaugaliang ito ay nahahawig sa kasabihang “Ang taong may
hiya, ang salita ay panunumpa”. Dito, kailangang tuparin ang anumang ipinangako.

PO AT OPO 9. Ang pagbanggit sa mga salitang ito ay nagpapahiwatig ng


paggalang sa mga nakatatanda. Sinasabi ito ng mga kabataan bilang manipestasyon ng
kababaang loob, paggalang o pagrespeto.

FILIPINO HOSPITALITY 10. Ito ang isa sa mga kilalang kaugalian ng mga Filipino. Ang
mainit na pagtanggap ng mga Filipino sa mga kaanak at kaibigan maging sa mga dayuhan ay
bukambibig dahil ang karanasang dulot ng pagiging malayo sa sariling tahanan ay hindi
nararamdaman.
TASAHIN 2

Kristle Jeian V. Astrero Ika labing tatlo ng Abril, 2022

BMLS 1A
Mga salitang nahanap:
1. Political Agenda 11. Po at opo
2. Pamamanhikan 12. Respeto
3. Kababaang loob 13. Disiplina
4. Amor Propio 14. Pagmamano
5. Pagsunod 15. Bayanihan
6. Pakikipagkapwa 16. Hospitality
7. Delicadeza 17. Utang na loob
8. Korapsiyon 18. Katapatan
9. Pagtanggap 19. Droga
10. Rape 20. Panig

You might also like