You are on page 1of 6

Aralin 7.

1: Ang mga Bayani ng Sariling Lalawigan at


Rehiyon

Panimula
Ang bawat lalawigan ay may mga natatanging kasapi na
sadyang maipagmamalaki ng lalawigan. Kung minsan pa ay
nakikilalal ang lalawigan dahil sa mga kahanga – hangang kasapi na
ito. Sila ay ang mga bayani ng lalawigan. Paano ba nagiging bayani?
Maraming uri ng bayani ang nakikita sa lalawigan. Ang karaniwan ay
ang nag – alay ng kanilang buhay upang maging maging Malaya ang
sariling lalawigan. Ang ibang bayani ay sumapi na rin sa mga
samahan na may layuning isulong ang paglaya ng buong bansa.
Ngunit, alam mob a na mayroon ding bayani na hindi man nag – alay
ng buhay sa digmaan, inalay naman ang sarili para mapaunlad ang
lalawigan. Pag – aaralan natin sa araling ito ang mga bayani ng ating
lalawigan. Mahalagang makilala sila upang mapahalagahan ang
kanilang natatanging ambag sa lalawigan. Ngunit bukod pa ditto,
kailangan din na maunawaan kung paano natutukoy ang bayani. Sa
pamamagitan nito, higit pa nating makilala ang ating lalawigan

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

1. Makapaghinuha ng mga katangian ng isang bayani batay sa


kanilang nagawa at kontribusyon sa bayan;
2. Makilala ang mga bayani ng sariling lalawigan at rehiyon; at
3. Makagagawa ng simpleng pananaliksik tungkol sa isang bayani
ng lalawigan at rehiyon

224
Alamin Mo

Tuklasin Mo
Sino – sino ang mga itinuturing na bayani? Sila ba’y mga
namatay sa digmaan? May nakikita ka rin bang tao na
nagmamalasakit sa kapwa sa pamamagitan pagbibigay serbisyo sa
mga mahihirap? Ano naman ang turing mo sa mga tao na nagpasikat
sa lalawigan sa larangan ng edukasyon, palakasan, at iba pang
sining? Bayani nga ang turing sa lahat ng mga ito. Sila ang mga
ordinaryong mamamayan na nakapag – ambag sa ikauunlad ng
sariling bayan, sa digmaan man o sa kapayapaan.

Sa inyong lalawigan, sino – sino kaya ang mga taong ito?


Basahin muna ang sipi ng talambuhay ng ilang mamamayan na nag –
alay ng kanilang buhay at talent para sa kanilang lalawigan. Paano
mo maihahambing ang nagawa nila sa mga tinuturing na bayani sa
iyong lalawigan.

225
Gregorio del Pilar

Si Gregorio del Pilar ang binansagang


“Bayani ng Pasong Tirad” at pinaka-
batàng heneral sa Himagsikang Filipino.
Unang nakilála ang kagitingan ni Goyo sa
Labanang Kakarong, isang lugar sa
Pandi, Bulacan. Dahil dito’y nabigyan siyá
ng ranggong tinyente. Kinagulatan siyá
sa pag-asinta ng rebolber. Sa kaniyang
kahusayan sa pakikidigma ay itinaas ang
ranggo niya sa tenyente-koronel.
Kabilang siyá sa lumagda sa Konsti-tusyong Biyak-na-Bato.

Mariano Ponce

Si Mariano Ponce ay isa sa mga lider ng


Kilusang Propaganda at kaibigang matalik
si Rizal.

Isinilang siyá noong 23 Marso 1863 sa


Baliuag, Bulacan. Dahil sa kanyang
talento sa pagsulat ay sumali siya sa
grupo nina Jose Rizal. Isa siyá sa
tagapagtatag ng La Solidaridad sa
Barcelona, España. Gumamit siyá ng mga
sagisag-panulat na Naning, Kalipulako, at Tigbalang. Nahalal siyá bilang
kinatawan ng Bulacan sa Philippine Assembly.

226
Marcelo H. del Pilar

Nakilala si Marcelo H. del Pilar bilang Plaridel.


Ipinanganak siya noong ika-30 ng Agosto
taong 1850 sa Cupang, San Nicholas,
Bulacan. Nanguna siyang propagandista para
sa reporma ng Pilipinas at naging editor at
publisher din ng La Solidaridad.
Kilalang-kilala siya bilang si Plaridel isang
matalentong tao, marunong magpiyano,
biyolin at flute. Mahusay din siya sa larong
fencing. Itinatag ni Plaridel ang Diaryong
Tagalog para mailathala ang pagpuna at
pagpansin kung papaano namamalakad ang gobyernong Espanyol sa
Pilipinas.

Trinidad Tecson

Si Trinidad Perez Tecson ay babaeng


bayani ng Himagsikang Filipino at kilala
bilang“Ina ng Biyak-na-Bato.” Isa siyá sa
iilang kababaihan na humawak ng armas at
nakipaglaban kasáma ng mga kalalakihan
sa rebolusyon. Binansagan din siyáng ina
ng Red Cross sa Filipinas para sa kaniyang
paglilingkod sa mga kasámang Katipunero.

227
Pio Valenzuela

Si Pio Valenzuela ay isang manggagamot


at naging mataas na pinunô ng Katipunan.
Bilang pagkilala sa kaniyang kabayanihan,
ipinangalan sa kanya ang isang siyudad sa
Metro Manila, ang Lungsod Valenzuela
(dating Polo, Bulacan).

.Sa panahon ng pananakop ng mga


Amerikano, itinalaga siyáng presidente
municipal ng Polo at naging pangulo siyá
ng dibisyong militar ng Polo. Naging
gobernador din siya ng Bulacan na mas piniling ibenta ang sariling lupa
para itulong sa mga bulakenyo.

Sila ay kabilang sa mga tinaguriang bayani ng ating bansa na


nagmula sa Gitnang Luzon. Maaari rin nating tawagin na isang bayani ang
mga taong naglaan ng kanilang panahon, sarili, talino, at mga
pagpupunyagi upang makatulong sap ag – unlad ng lalawigan na kanilang
kinabibilangan. Bayani rin na maituturing ang mga taong nagbigay ng
karangalan na naging daan sa pagbabago at pag – unlad ng isang lugar.
Ang mga taong handing magsakripisyo upang makatulong sa kapwa ay
dapat rin kilalanin bilang isang bayani. Kahit hindi sila nagbuwis ng buhay,
ang kanilang mga nagawa para sa bayan ay maituturing rin na
kabayanihan.

228
Sagutin ang mga sumusunod:

Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Sino – sino ang bayaning nabanggit? Ano – ano ang naging


kontribusyon nila sa bayan?
2. Ano – ano ang katangian ng mga bayaning binanggit sa talata?
Ano sa palagay moa ng iba pang katangian ng isang bayani?
3. Sino – sino ang kinikilalang bayani sa inyong lugar?
4. Ano ang naging kontribusyon nila sa inyong lalawigan/rehiyon
upang ituring silang bayani?
5. Paano mo mabibiyang-halaga ang mga pagpupunyaging ginawa
ng mga bayaning ito para sa inyong lalawigan o rehiyon?
6. Sa iyong palagay, ang simpleng pagtulong ba sa kapwa at bayan
ay maituturing din na kabayanihan? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Gawain Mo

Gawain A

Punan ang graphic organizer. Isulat ang hinihinging impormasyon


sa bawat kolum. Sundan ang ibinigay na halimbawa.

Bayani ng Lalawigan Katangiang Ginawa para sa Paraan ng


ipinamalas bayan pagpapakilala
Gat. Uban katapangan Nagtanggol sa bayan Pinagawan ng
bantayog o rebulto

Sources:
https://philippineculturaleducation.com.ph/del-pilar-gregorio/
https://philippineculturaleducation.com.ph/ponce-mariano/
https://philippineculturaleducation.com.ph/tecson-trinidad/
https://philippineculturaleducation.com.ph/valenzuela-pio/

May-Akda: Cielito E. Gumban


Teacher – I
Paaralan: Bagong Buhay A Elementary School

229

You might also like