You are on page 1of 10

Learning Area Araling Panlipunan 6

Learning Delivery Modality Modular Distance of Modality

Paaralan San Joaquin ES Baitang Baitang 6


LESSON Guro Adrian C. Casanova Asignatura Araling Panlipunan
EXEMPLAR Petsa Markahan Una
Oras Bilang ng Araw 3 araw

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa at kaalaman sa bahagi ng Pilipinas
sa globalisasyon batay sa lokasyon nito sa mundo gamit ang mga kasanayang
pangheograpiya at ang ambag ng malayang kaisipan sa pag-usbong ng
Nasyonalismong Pilipino.

B. Pamantayan sa Pagganap
Naipamamalas ang pagpapahalaga sa kontibusyon ng Pilipinas sa isyung
pandaigdig batay sa lokasyon nito sa mundo.

C. Pinakamahalagang
Kasanayan sa Pagkatuto Natatalakay ang Partisipasyon ng mga Kababaihan sa Rebolusyong Pilipino
(MELC) AP6 PMK-Ie-8
D. Pagpapaganang Kasanayan
E. Pagpapayamang Kasanayan Pagtalakay sa Partisipasyon ng mga Kababaihan sa Rebolusyong Pilipino

II. NILALAMAN Partisipasyon ng mga Kababaihan sa Rebolusyong Pilipino

III. KAGAMITAN PANTURO


A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng CG p. 124
Guro
b. Mga Pahina sa Kagamitang
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk Kayamanan p. 40
d. Karagdagang Kagamitan
mula sa Portal ng Learning
Resource
B. Listahan ng mga Kagamitang Powerpoint presentation, module Larawan, Chart
Panturo para sa mga Gawain sa
Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Panimula Noong ikaw ay nasa ikalimang baitang, napag-aralan mo ang katayuan ng
mga kababaihan noong unang panahon sa lipunan. Kinilala sila bilang kapantas
ng mga lalaki. Bukod sa pagiging ina at tagapangalaga sa pamilya may
mahalagang papel silang ginampanan sa lipunan.
Paunang Pagtataya:

Hanapin sa loob ng kahon ang mga pangalan ng mga kababaihang


nagkaroon nang mahalagang partisipasyon sa Rebolusyong Pilipino

B. Pagpapaunlad
Pagganyak:

Masdan ang mga larawan ng mga kilalang babae sa Rebolusyong


Pilipino.

Ano-ano kaya ang mahahalagang papel na ginampanan nila sa Rebolusyong


Pilipino?

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan

Pagpapakita ng Powerpoint Presentation

Partisipasyon ng mga Kababaihan sa Rebolusyong Pilipino


May mahalagang papel na ginampanan ang mga kababaihan sa
Rebolusyong Pilipino, hindi maikakailang malaki at mahalaga ang ginampanan
ng bawat isa. Ang mga kababaihan noong panahon ng himagsikan ay
naglayong makamtan ang inaasam-asam ng kalayaan laban sa mga mapang-
abusong Espanyol kung kayat sa kabila ng kanilang kasarian ninais nilang
umanib sa katipunan upang tumulong at makipaglaban para makamit ang
kalayaan.Ang mga kababaihan sa katipunan ay mga asawa, anak, kapatid o di
kaya ay malapit na kamag-anak ng mga katipunero.
Ang mga sumusunod ay mga kababaihang nagkaroon ng malaking
partisipasyon sa Rebolusyong Pilipino:
( a ) Melchora Aquino

Ako si Melchora Aquino. Kilala bilang


Tandang Sora. Tinagurian akong Ina ng
Katipunan. Sa matandang gulang na 84, ako ay
nakibahagi sa mga adhikain ng mga katipunero
para sa kasarinlan. Nagpatuloy at nag-alaga ng
mga sugatang katipunero, nagpakain at
nagbigay ng gamot sa mga ito.

Source: pinterest.ph

( b ) Gregoria de Jesus

Ako si Gregoria de Jesus, pangalawang


asawa ni Andres Bonifacio. Kilala bilang
“Lakambini ng Katipunan” at binansagang
“Orang Dampuan”. Ako ay panagalawang
Pangulo ng kababaihang kasapi ng katipunan.
Naging tagapamahala ako ng mga armas at
iba pang kagamitan ng katipunan at
nangasiwa din ng mga papeles na nauukol sa
kilusan.

Source: esquiremag.ph

( c ) Trinidad Tecson

Ako si Trinidad Tecson isang nars.


Kilala bilang “Ina ng Biak-na-Bato” at “Mother
of Mercy”. Itinuring din akong “Ina ng
National Philippine Red Cross”. Hinangaan
ako sa aking tapang dahil lumagda ako sa
kilusan gamit ang sarili kong dugo. Kasama
ako sa matagumpay na pagsamsam ng mga
katipunero sa armas ng mga Espanyol sa San
Isidro, Bulacan.

Source: wanderingbakya.com

( d ) Teresa Magbanua

Ako si Teresa Magbanua. Kilala bilang


“Joan of Arc” ng kabisayaan. Ito ay
sumisimbolo sa aking katapangan at
kahusayan sa taktika ng pakikipaglaban.
Dahil dito itinalaga ako bilang komandante sa
hilagang Iloilo. Sa una kong pakikipaglaban
ay matagumpay kong nagapi ang puwersang
Espanyol.

Source: philnews.ph
( e ) Marina Dizon Santiago

Ako si Marina Dizon Santiago. Anak ng


isang katipunero at kauna-unahang babaeng
kasapi ng katipunan. Itinilaga rin akong kalihim ng
katipunan. Sinunog ko ang lahat ng dokumento ng
katipunan pagkatapos mabunyag ito. Upang hindi
malaman ng mga Espanyol ang sikretong kilusan.
Pinangunahan ko ang pagtatanghal upang ilihis
ang atensyon ng mga Espanyol habang
nagpupulong ang mga Katipunero.

Source: scribd.com

( f ) Josefa Rizal

Ako si Josefa Rizal, kapatid ni Jose


Rizal. Kilala ako bilang si “Panggoy”. Ako ay
nagkaroon ng sakit na epilepsy ngunit sa
kabila ng aking sakit, nagawa ko pa din na
umanib sa katipunan at maging isang
Katipunera. Naglingkod bilang pangulo ng
lupon ng kababaihan sa katipunan.

Source: wanderingbakya.com

( g ) Gabriela Silang

Ako si Gabriela Silang, asawa ni Diego


Silang. Ipinigpatuloy ko ang pakikipaglaban
sa mga Espanyol ng mamatay ang aking
asawa.

Source: philippineone.com

( h ) Agueda Kahabagan

Ako si Agueda Kahabagan taga Sta. Cruz,


Laguna. Kinilala bilang babaeng heneral ng
himagsikan. Kilala ako sa tawag na Heneral
Agueda.

Source: slideshare.net
( i ) Gregoria Montoya

Ako si Gregoria Montoya, taga Cavite.


Nakipaglaban ako sa mga labanan laban sa
mga Espanyol. Nasawi habang
nakikipaglaban.

Source: slideshare.net

( j ) Delfina Herbosa de Natividad

Ako si Delfina Herbosa de Natividad, isa


ako sa tumahi ng bandila ng Pilipinas.
Sumapi ako sa katipunan dahil sa
impluwensya ng aking Katipunerong asawa.

Source: en.wikipedia.org

Paglalahad ng Konsepto:

Sagutin ang mga tanong na nasa loob ng ulap.

Ano ang naging partisipasyon ng


mga kababaihan sa Rebolusyong
Pilipino?

2. Ano-ano ang epekto sa samahan


ng pagkakaroon ng mga
babaing
kasapi?

3. Ano ang kaugnayan ng mga


kababaihan sa mga kasapi ng
katipunan?
Ano ang naging papel ni
Gregoria de Jesus sa
katipunan?

5. Bakit kinilalang Ina ng Biak-na


Bato si Trinidad Tecson?

6. Tama ba na sumali ang mga


kababaihan sa rebolusyon?
Bakit?

7. Paano naka apekto sa mga


babaing kasapi ng katipunan
ang
kanilang tungkulin bilang ina o
kapatid?

8. Paano mo mabibigyang halaga


ang mga ambag o partisipasyon
ng mga kababaihan sa panahon
ng Rebolusyong Pilipino?

7. Pakikipagpalihan Pagtalakay ng bagong konsepto:

Gawain 1:

Pagtambalin ang larawan ng mga kababaihan sa naging partisipasyon nila sa


Rebolusyong Pilipino.
1. a. Nars ng Biak-na-Bato

2. b. Ina ng Katipunan

3. c. Nagpatuloy ng laban ng nasawing asawa

4. d. Heneral ng himagsikan

5. e. Tagapamahala ng mga armas

6. f. Isa sa tumahi ng watawat ng Pilipinas

7. g. Komandante sa Hilagang Iloilo

8. h. Pangulo ng lupon ng kababaihan

9. i. Nasawi habang nakikipaglaban

10. j. Kaunaunahang babaeng kasapi ng KKK

Gawain 2:

Piliin sa loob ng kahon sa ibaba kung sino ang tinutukoy ng mga sumusunod.

__________1. Babaeng heneral na nakipag laban sa mga Espanyol.


__________2. Nag-ingat ng mahahalagang dokumento ng katipunan.
__________3. Nagpatuloy sa laban ng asawa laban sa Espanyol.
__________4. Nagpatuloy ng mga katipunero sa kanilang tahanan.
__________5. Nasawi habang nakikipaglaban sa mga Espanyol.
__________6. Nag-aruga ng mga sugatang katipunero.
__________7. Pinangunahan ang pagtatanghal upang ilihis ang atensyon ng
Espanyol.
__________8. Nag-lingkod bilang pangulo ng kababaihan.
__________9. Isa sa tumahi ng watawat ng Pilipinas.
__________10. Gumamit ng mga taktika sa pakikipaglaban sa mga Espanyol.

Josefa Rizal
Trinidad Tecson
Teresa Magbanua
Gabriela Silang
Gregoria de Jesus
Delfina Herbosa de Natividad
Gregoria Montoya
Melchora Aquino
Marina Dizon Santiago
Agueda Kahabagan

Gawain 3:
Talakayin ang naging partisipasyon ng mga sumusunod na kababaihan sa
Rebolusyong Pilipino. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Siya ang tagapag-ingat ng lahat ng mahahalagang kasulatan at kagamitan ng


KKK.
A. Marina Dizon C. Trinidad Teczon
B. Melchora Aquino D. Gregoria de Jesus

2.Siya naman ang ina ng Biak-na-Bato dahil siya ang nagsilbing nars sa mga
Katipunero.
A. Marina Dizon C. Trinidad Teczon
B. Melchora Aquino D. Gregoria Montoya

3. Siya ang naguna sa pagligaw ng mga patrol na Espanyol sa pamamagitan ng


kanyang pag-awit at pag-sayaw
A. Marina Dizon C. Trinidad Teczon
B. Gabriela Silang D. Delfina Natividad

4. Inaruga at kinupkop niya ang mga katipunero sa kanyang bahay.


A. Marina Dizon C. Trinidad Teczon
B. Narcisa Lagos D. Melchora Aquino

5. Siya ang nagpatuloy ng pakikipaglaban sa namayapa niyang asawa.


A. Trinidad Rizal C. Marcela Agoncillo
B. Gabriela Silang D. Agueda Kahabagan

6.Ang mga sumusunod ay ang mahahalagang tungkulin ginampanan ng mga


kababaihan sa Rebolusyong Pilipino maliban sa isa.
A. Nag-aruga ng mga sugatang kasapi.
B. Nagtago ng mga dokumento ng samahan.
C. Kumampi sa pang-aabuso ng mga Espanyol.
D. Nakipaglaban sa mga labanan laban sa Espanyol.

7.Ang mga naging kasaping kababaihan ng Rebolusyong Pilipino ay karaniwang


A. kaibigan C. asawa, anak, kapatid
B. kapitbahay D. May katungkulan sa gobyerno

8. Ano ang ginawa ni Marino Dizon Santiago upang maitago ang lahat ng
dokumento ng KKK?
A.Sinunog C. Pinaanod sa tubig
B. Ibinaon sa lupa D. Itinago sa aparador

9. Sino ang anak ng isang katipunero na umanib agad-agad sa samahan ng


malaman niya ang lihim na Katipunan?
A. Marina Dizon C. Teresa Magbanua
B. Gregoria Montoya D. Agueda Kahabagan

10. Sino ang itinalagang komandante ng Iloilo dahil sa angkin niyang


katapangan?
A. Josefa Rizal C. Teresa Magbanua
B. Gabriela Silang D. Gregoria Montoya

8. Paglalapat Talakayin
Nagulantang and buong mundo sa kumakalat na pandemya na
Coronavirus disease o kilala sa tawag na COVID-19. Isa ang bansang Pilipinas
na humaharap sa napakalaking suliraning ito. Na kumitil at patuloy pang
kumikitil ng maraming buhay sa ngayon. Ang kalaban natin sa ngayon ay hindi
mga mapang-abusong Espanyol kundi isang makamandag na virus na hindi
natin nakikita o nahahawakan man lang. Sa madaling salita, ito ay napakahirap
sugpuin. Bilang isang mag-aaral sa ika-anim na baitang, ano sa palagay mo ang
naging partisipasyon ng mga kababaihan sa pagsugpo sa COVID-19?
Isulat ang iyong kasagutan sa loob ng papel na ito.
Paglalahat sa aralin:

EXIT CARD

Pasasagutan ng guro sa mag-aaral ang mga katanungan tungkol sa


pinag-aralan.
 Ano ang aking natutunan sa aralin?
- Ang mga kababaihan na nagkaroon ng partisipasyon sa
Rebolusyong Pilipino at sina:
1.____________________________________
2.____________________________________
3.____________________________________
4.____________________________________
5.____________________________________
 Ano pa ang nais kong malaman tungkol sa aralin?

- Ang mga kababaihang ito ay nagging kasapi ng Katipunan


lalo na ng maitatag ang sangay ng kababaihannoong 1883.
Marami sa mga unang kasapi ay mga _______, _______,
_______ at malapit na kamag-anak ng mga katipunero.

Karagdagang gawain para sa Takdang Aralin:

Ano-ano ang nagawa ng mga kababaihan para sa pagkamit ng kalayaan sa


bansa?

V. PAGNINILAY Magsusulat ang mga bata sa kanilang kwaderno, journal o portfolio ng


kanilang nararamdaman o realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt:

Naunawaan ko na __________________.
Nabatid ko na _______________________.

You might also like