You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 6

I. Layunin: Sa loob ng 60 minutong talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:


A. Natatalakay ang partisipasyon ng mga kababaihan sa Rebolusyong Pilipino.;
B. Naisa-isa ang kababaihan na nakiisa sa mga gawain sa Rebolusyon Pilipino;
C. Nailalahad ang mga gawain ginawa ng mga kababaihan sa pagkamit ng kalayaan
sa panahon ng rebolusyon;
D. Napapahalagahan ang ambag ng mga kababaihan sa rebolusyong Pilipino; at
E. Nakapananaliksik ng sariling pagpapahayag ukol aa topiko.

II. Nilalaman:
A. Paksa: Partisipasyon ng mga Kababaihan sa Rebolusyong Pilipino
B. Kagamitan: Larawan, Jumbled Letters, Graphic Organizer(T-chart)
C. Sanggunian: Araling Panlipunan 6 Mk-le-8

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati at Panalangin
2. Pagtala ng lumiban sa klase
3. Pagbabalik-aral
Itanong: Sino ang ama ng himagsikan?
Paksa: Partisipasyon ng mga Kababaihan Sa Rebolusyong Pilipino
B. Pagganyak
Sa pamamagitan ng Pass-the-Ball technique, sasagutan ng mga piling mag-aaral
ang mga sumusunod na katanungan;
• Ano ang papel na ginampanan ng mga kababaihan sa panahong Espanyol?
• Ano ang mga karapatan ng mga kababaihan sa mahabang panahon ng
pananakpp ng mga Espanyol?
•Bakit mahalaga ang kababaihan sa lipunan noon at ngayon?
C. Panlinang Gawain
1. Sa pamamagitan ng (jumbled letters) ang mga mag-aaral ay bubuin ang
mga salita na nasa kahon:

BRULEOSYNO KAHANBAIBA PIPINLIO

Mga katanungan;
1. Ano ang masasabi ninyo aa nabuong salita? Ito’y tumutukoy sa ano?
2. Ano ang ibig sabihin ng salitang “rebolusyon”?
3. Bakit kaya hindi pantay ang tingin sa kababaihan noon?
4. Ano sa palagay ninyo ang maiiambag niyo kung kayo ang nasa
sitwasyon ng mga kababaihan noon?
5. Dapat bang pagtuunan ng pansin ang katangian ng mga kababaihan?
Ipaliwanag.

2. Sa pamamagitan ng mga larawan ang mga mag-aaral ay magpupuna ng


pangalan sa bawat larawan ng kababaihan, at pipili sa sagot sa loob ng
kahon.
Mga Pagpipilian;

• Gregoria De Jesus

•Josefa Rizal

•Melchora Aquino

•Teresa Magbanua

•Marcela Agoncillo

• Marina Dizon Santiago

•Trinidad Tecson

Mga Katanungan;
1. Kilala nyo ba ang mga babae aa larawan?
2. Ano kaya ang papel na ginampanan nila para aa ating kasarinlan?
3. Nakatulong ba sika sa rebolusyon? Bakit?
4. Lahat ba ng bayani ay lalaki?
5. Napapahalagahan ba ang kanilang partisipasyon sa Rebolusyong Pilipino?
3. Graphic Organizer: Gamit ang T-chart ang mga bawat mag-aaral ay
magsasadula ng buhay ng kababaihan noong panahon ng rebolusyon at
ngayon;

Kababaihan noon Kababaihan ngayon

D. Pangwakas na Gawain
1. Pagbubuod: Itanong: Sino-sino ang mga kababaihan sa panahong Rebolusyong
Pilipino?
2. Pagpapahalaga: Itanong: Ano ang kahalagahan nila sa Rebolusyong Pilipino?
3. Pagpapayaman ng Aralin:
“I-Awra Mo!”
Ang bawat mag-aaral ay maglalabas ng isang pirasong papel at magsulat ng
repleksiyon
ukol aa natalakay, ang mag-aaral na makakapagsagot ay may gantimpala mula sa
guro.

IV. Ebalwasyon
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at bilugan ang inyong
sagot.

1. Kilala bilang “Lakambini ng Katipunan”.


a. Gregoria de Jesus
b. Marcela Agoncillo
c. Trinidad Tecson
2. Siya ang tumahi sa unang bandilang Pilipino na ginamit ng Pangulong Emilio
Aguinaldo noong Hunyo 12, 1898.
a. Gregoria de Jesus
b. Marcela Agoncillo
c. Trinidad Tecson
3. Bayani ng himagsikanh Pilipino at kilala bilang “Ina ng Biak-na-Bato”.
a. Gregoria de Jesus
b. Marcela Agoncillo
c. Trinidad Tecson
4. Siya ang natatanging babeng heneral na lumaban sa Ilo-ilo.
a. Teresa Magbanua
b. Marcela Agoncilla
c. Marina Dizon Santiago
5. Siya ang laging nangunguna sa pag-awit at pagsasayaw ulang iligaw ng pansin ang
paikut-ikot na mga guwardiya sibil aa mga lihim na pulong ng katipunan.

a. Teresa Magbanua
b. Marcela Agoncilla
c. Marina Dizon Santiago
6. Ipinanganak siya noong Mayo 9, 1875 at anak ng ulirang mag- asawang sina Nicolas de
Jesus at Baltazar Alvarez.
a. Gregoria de Jesus
b. Marcela Agoncillo
c. Trinidad Tecson
7. Pinakain niya at ginamot ang mga katipunero at hindi tinangkang isiwalat ang lihim na
Katipunan.
a. Josefa Rizal
b. Melchora Aquino
c. Gregoria de Jesus
8. Siya ang naging kalihim ng mga lupon ng kababaihan.
a. Marina Dizon Santiago
b. Melchora Aquino
c. Trinidad tecson
9. Hinangaan siya sa galing sa paghawak ng sandata.
a. Marina Dizon Santiago
b. Melchora Aquino
c. Trinidad tecson
10. Naging pangulo sa lupon ng kababaihan.
a. Josefa Rizal
b. Melchora Aquino
c. Gregoria de Jesus
11. Siya ay binansagang "Joan of Arc ng Kabisayan
a. Gregoria de Jesus
b. Marina Santiago
c. Teresa Magbanua
12. Siya ay kilala sa tawag na "tandang sora".
a. Marina Dizon Santiago
b. Melchora Aquino
c. Trinidad tecson
13. Una siya sa mga kababaihang nagpatala noong Hulyo 1893
bilang katipunerang handang tumulong sa pakikidigma
a. Trinidad Teeson
b. Gregoria de Jesus
c. Marina Santiago
14. Ang kakayahang mamuno, lakas ng loob at kagitingan ng babae ang dan lamang sa
mga katangiang ipinakita.
a. Teresa Magbanua
b. Melchora Aquino
c. Gregoria de Jesus

15. Isa siya sa ilang kababaihan na humawak ng armas at nakipaglaban kasama ng


kalalakihan sa rebolusyon sa Bulacan
a Josefa Rizal
b. Melchora Aquino
c. Trinidad Tecnon

V. Takdang-Aralin
Gumupit ng larawan ng kababaihan noon at ngayon. Idikit ito sa bondpaper at isulat ang
pagbabago nito.

Inihanda ni:
Bb. Antonette C. Paclibar
Gurong Nagsasanay

Iniwasto ni:
Bb. Debbie Joyce D. Quimson
Gurong Tagapagsanay

You might also like