You are on page 1of 2

ARALING PANLIPUNAN 5

Ikaapat na Markahan – Ikalimang Linggo

Pangalan:____________________________________________Pangkat: __________________

PARTISIPASYON NG IBA’T- IBANG SEKTOR NG KABABAIHAN SA PAKIKIBAKA NG


BAYAN

Konsepto/Aralin
1. Maria Josefa Gabriela Silang - asawa ni Diego Silang, matapang at malakas ang loob. Siya
ang ika-isang Pilipino na naging pinuno ng mga kawal sa Ilocos na lumaban sa mga Espanyol.
2. Gregoria de Jesus - kilala sa tawag na Oriang, kanyang palayaw Lakambini o First Lady ng
Katipunan, asawa ni Andres Bonifacio. Tagapangalaga/tagapagtago ng lihim na dokumento
ng samahan.
3. Gliceria Marella de Villavicencio - nang mapatay noong 1872 ang mga paring GOMBURZA,
nagsimula na si Gliceria at ang kanyang asawa sa pagiging aktibo sa Propaganda.
Sinupurtahan niya ang propaganda at Katipunan. Noong 1898, ipinahiram niya ang kanyang
barko kay Aguinaldo. Nang pinagamit niya sa mga Espanyol ang kanilang tahanan ay sinikap
niyang maging mabuting espiya.
4. Patrocino Gamboa - Siya ay tubong Iloilo na nagmula sa isang mayamang angkan ng mga
illustrado. Nakatulong siya sa paniniktik at sa pag-iipon ng pondo para sa rebolusyon. Naging
aktibo rin siya bilang miyembro ng Red Cross.
5. Melchora Aquino - “Ina ng Katipunan” Mother of the Philippine Revolution, kanlungan ng
mga rebolusyonaryo ang kanyang lugar. Siya ay hinuli at ikinulong dahil sa kaniyang pagtulong
sa mga Katipunero. Ginamot, pinakain at kinupkop ang mga sugatang Katipunero.
6. Teresa Magbanua - nagmula sa mayamang angkan na tubong Pototan Iloilo. Nakilala siya sa
kaniyang husay sa pamumuno at tinawag na Nay Isa.
7. Trinidad Tecson - Kasama ang ilang Katipunero, pinangunahan niya ang pagkolekta ng mga
armas sa Lungsod ng
Kalookan at San Isidro, Nueva Ecija.Nakipaglaban siya sa mga Espanyol sa pamumuno ni Isidro
Torres sa San Rafael, Bulacan. Nakidigma laban sa mga Amerikano kasama si Hen. Gregorio del
Pilar. Siya ay naging Ina ng Biak na Bato at Ina ng Red Cross dahil sa kanyang pag-aaruga sa
mga sugatang Pilipino at mga nasalanta ng digmaan.

Pagsasanay 1
Panuto: Piliin ang tamang sagot.
1. Siya ang Ina ng Red Cross dahil sa kanyang pag-aaruga sa mga sugatang Pilipino at mga
nasalanta ng digmaan.
A. Trinidad Tecson
B. Melchora Aquino
C. Teresa Magbanua
D. Gregoria de Jesus

2. Ang tagapangalaga o tagapagtago ng lihim na dokumento ng samahan.


A. Patrocino Gamboa
B. Gregoria de Jesus
C. Melchora Aquino
D. Trinidad Tecson

3. Siya ay tubong Iloilo na nakatulong sa paniniktik at sa pag-iipon ng pondo para sa rebolusyon.


Naging aktibo rin siya bilang miyembro ng Red Cross.
A. Patrocino Gamboa
B. Teresa Magbanua
C. Melchora Aquino
D. Trinidad Tecson 4. Nang gamitin ng mga Espanyol ang kanilang tahanan, sinikap
niyang maging mabuting espiya. Sino siya?
A. Gliceria Marella de Villavicencio
B. Teresa Magbanua
C. Melchora Aquino
D. Trinidad Tecson

5. Sino ang Ina ng Katipunan?


A. Trinidad Tecson
B. Melchora Aquino
C. Gregoria de Jesus
D. Teresa Magbanua

Pagsasanay 2
Panuto: Pagtapatin ang Hanay A at Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
Hanay A Hanay B
________1. Asawa ni Diego Silang A. Trinidad Tecson
________2. Lakambini ng Katipunan B. Teresa Magbanua
________3. Ina ng Katipunan C. Melchora Aquino
________4. Tinawag na “Nay Isa” D. Maria Josefa Gabriela Silang
________5. Ina ng Biak na Bato E. Gregoria De Jesus

MELC - 4th Quarter Week 5


Natataya ang partisipasyon ng iba’t-ibang rehiyon at sektor (katutubo at kababaihan) sa pakikibaka ng bayan. (AP5PKB-IVf-4)
Batayang Aklat: AP 5 Pilipinas bilang Isang Bansa pahina 208-223

Inihanda ni:
IMELDA MARFA
AP Teacher

You might also like