You are on page 1of 4

DAILY LESSON LOG

LEARNING AREA: ARALING PANLIPUNAN 6 1st QUARTER


SCHOOL: MABUTTAL ELEMENTARY SCHOOL WEEK : 06
NAME OF TEACHER DATE : 10-21-2021
SHERYLOU A. BLANCO
TIME:
Content Standard: Ang mag-aaral ay…
naipamamalas ang mapanuring pag-unawa at kaalaman sa bahagi ng
Pilipinas sa globalisasyon batay sa lokasyon nito sa mundo gamit ang
mga kasanayang
pangheograpiya at ang ambag ng malayang kaisipan sa pag-usbong ng
nasyonalismong Pilipino

Performance Standard: Ang mag-aaral ay…


naipamamalas ang pagpapahalaga sa kontribosyon ng Pilipinas sa isyung
pandaigdig batay sa lokasyon nito sa mundo
Learning Competencies: Natatalakay ang partisipasyon ng mga kababaihan sa rebolusyong
Pilipino

Learning Code:
AP6PMK-Ie-8

Materials: Power point presentation, Araling Panlipunan Modyul 4

A. Reviewing previous  Sa pamamagitan ng larong Fact or Bluff suriin ang kakayahan ng


lesson or presenting the magaaral batay sa nakaaraang aralin.
new lesson
 Hulahoops! (Ipasusuri sa mga mag-aaral ang mga larawan)
 Sino ang nasa larawan?
 Ano ang kontribusyon nito sa kasaysayan ng Pilipinas?

B. Establishing a purpose
for the lesson

 Alam mo ba na mayroon ding mga kababaihan ang nag buwis ng


C. Presenting
kanilang buhay para sa minamahal nilang bansa?
examples/instances of the
 May kilala ba kayong babaeng bayan sa panahon ng rebolusyon?
new lesson
D. Discussing new
concepts and practicing  Di kaila sa ating kasaysayan na malaki ang naging bahagi ng
new skills #1 kababaihan sa panahon ng rebolusyon.
 Ano-ano kaya ang mga naambag nila para sa bayan?
 Handa na ba kayo? Ating isa-isahin at kilalanin ang kababaihan
sa likod ng makasaysayang rebolusyon.
Sino ang nasa
larawan?
Isa isahing ipakita
ng mga
kontribusyon nito
sa Rebolusyong
Pilipino.
I processo ang
talakayan sa
pamamagitan ng
pagtatanong sa
ideya ng mga bata.

 Gawin ang ang katulad na estilo ng talakayan sa iba pang mga


kababaihan sa Rebolusyong Pilipino.

 Ilabas ang module at buklatin sa pahina 12. Bigkasin ng may


damdamin ang tulang “ANG KABABAIHAN SA
REBOLUSYON “ ni Mitzet M. Alva

Kababaihan sa Rebolusyon
Lupang Sinilangan kung tawagin natin,
Bansang Pilipinas, malaya na, malaya na,
Magigiting na bayani, mga babae mandin,
May taimtim na hangarin sa bansang may pag-asa

Lukso ng damdaming pagka-Pilipino,


Sa pag-alaga ng pamilya ginagawa na,
Sa umaga ay kilos dalagang Pilipina,
Pag-gabi ay sadyang magiting na pinunong nagkakaisa.
E. Discussing new
concepts and new skills #2
Melchora Aquino at Trinidad Tecson,
Mga katipunera may tapang at lakas ng loob,
Sila ay nagdugtong ng buhay ng katipunero,
Mapalaganap ang makabansang pagsubok nito.

Gregoria de Jesus, Marina Santiago at Teresa Magbanua


Kapwa pinuno dala-dala ay tapang nila,
Marcela Agoncillo, kaakit-akit ang loob niya,
Sa pagtahi ng watawat ganda ay masdan.

Mga babae kung ituring ngunit sila ay ibahin,


Pagmamahal sa bansang Pilipinas purihin,
Dapat parisan ang lahing matapang,
Tularan ngayon hanggang sa katapusan.

 Ano-ano ang katangian ng kababaihan sa panahon ng rebolusyon?


F. Developing mastery  Ganito pa rin ba ang kababaihan sa ngayon?
(Leads to Formative  Dapat bang tularan ang ating mga kababaihan noong panahon ng
Assessment) rebolusyon? Sa anong paraan natin sila matutularan?
Kilalanin kung sino ang tinutukoy sa bawat pahayag.
1. Siya ang Kabiyak ni Andres Bonifacio; nagtago ng lihim na mga
dokumento ng Katipunan; nagpakain sa mga katipunero;
nagsilbing mangagamot sa mga sugatan; at namuno sa mga ritwal
ng Samahan?
2. Siya ang nanguna sa pagtahi ng bandila ng Pilipinas?
3. Siya ay tinawag na “Tandang Sora”; nagsilbing mangagamot sa
G. Finding Practical mga sugatan; nagpakain sa mga katipunero at nagpahiram ng
applications of concepts bahay niya upang magsilbing pulungan ng mga pinuno ng
and skills in daily living rebolusyon.
4. Siya ang nagsilbing pinuno ng kababaihan sa Katipunan; at isa sa
mga nagplano ng mga sayawan habang nagpupulong ang mga
pinuno upang malinlang ang mga guwardiya sibil.
5. Siya ay kilala sa paghawak ng armas at nakipaglaban kasama ang
kalalakihan sa rebolusyon; siya rin ang tumulong sa mga
kasamang katipunerong nasugatan lalo na sa kaganapan sa Biak-
na-Bato.
Ang mga kababaihan na nakiisa sa pakikipaglaban upang
H. Making generalizations makamit ang kalayaan ng bansa ay sina Gregoria de Jesus, Josefa Rizal,
and abstractions about the Marcela Agoncillo, Trinidad Tecson, Melchora Aquino, Teresa
lesson Magbanua at Marina Santiago. Iba’t Iba ang mga partisipasyon na
ginawa ng mga kababaihan nabanggit sa rebolusyon Pilipino.

Sabihin ang TAMA kung ang pahayag sa pangungusap ay totong


tungkulin ng kababaihan sa panahon ng rebolusyon at MALI kung hindi.
_____1. Ang ilan ay nagsanay sa paghawak ng armas na panlaban at
natutong sumakay sa kabayo upang makalaban kasabay ng kalalakihan sa
rebolusyon.
_____2. Kumikilos ang kababaihan ayon sa kanilang pagnanais at
sariling pagkukusa.
I. Evaluating Learning
_____3. Nagkaroon ng sariling pangkat ang kababaihan noong panahon
ng Katipunan.
_____4. Nanguna sa kontra-paniniktik o pagtatangkang matuklasan ng
mga kalaban ang kanilang istratihiya sa labanan.
_____5. Sa tulong ng kababaihan, napanatiling lihim ang pangkat ng
alayaan sa loob ng apat na taon.
Ibigay ang naging kontribusyon ng magigiting na kababaihan
sa panahon ng rebolusyon upang makamit natin ang kalayaan. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

Kababaihan sa Rebolusyon Kontribusyon


1. Gregoria de Jesus
J. Additional Activities for 2.Josefa Rizal
Application or remediation
3.Marcela Agoncillo
4.Trinidad Tecson
5.Melchora Aquino
6.Teresa Magbanua
7.Marina Santiago

Prepared by: Checked:


SHERYLOU A. BLANCO JACQUELINE B.
UGAS
Teacher I Master Teacher I

Noted:
MARIA ESTRELLA A. BARCARSE
Principal III

You might also like