You are on page 1of 5

Learning Area Araling Panlipunan

Learning Delivery Modality

Alapan 1 Elementary
Paaralan Baitang 6
School
Araling
LESSON Guro Van Christian L. Duenas Asignatura
Panlipunan
EXEMPLAR
Petsa Markahan Q1 W4
Bilang ng
Oras 5
Araw

I. LAYUNIN 1. Nakikilala ang mga kababaihan sa rebolusyong


Pilipino.
2. Natatalakay ang mga ambag ng mga kababaihan
sa rebolusyong Pilipino.
3. Nasasabi ang mga paraan ng pagpapahalaga sa
mga kababaihan ng rebolusyong Pilipino.
A. Pamantayan Pangnilalaman naipamamalas ang mapanuring pag-unawa at
kaalaman sa bahagi ng Pilipinas sa globalisasyon
batay sa lokasyon nito sa mundo gamit ang mga
kasanayang pangheograpiya at ang ambag ng
malayang kaisipan sa pag-usbong ng
nasyonalismong Pilipino
B. Pamantayan sa Pagganap naipamamalas ang pagpapahalaga sa kontribosyon
ng Pilipinas sa isyung pandaigdig batay sa lokasyon
nito sa mundo

C. Mga Kasanayan sa Natatalakay ang partisipasyon ng mga


Pagkatuto kababaihansarebolusyon Pilipino. (AP6PMK-Ie-8)

D. Pinakamahalagang * Natatalakay ang partisipasyon ng mga


Kasanayan sa kababaihansarebolusyon Pilipino (MELC – Q1 Week
Pagkatuto (MELC) 4)
E. Pagpapayamang Kasanayan
Ang partisipasyon ng mga kababaihan sa
II. NILALAMAN
rebolusyong Pilipino
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
a. Mga pahina sa Gabay ng MELC AP G6 Q1 p. 17
Guro PIVOT BOW R4QUBE p. 176
AP Curriculum Guide p. 124
Teachers Guide p.
b. Mga pahina sa
Kagamitang Pang-mag-
aaral
c. Mga pahina sa Teksbuk Tuklas Lahi 6 p. 39-40
d. Karagdagang Kagamitan
mula sa Portal ng Learning
Resource
B. Iba pang Kagamitang larawan
Panturo
IV. PAMAMARAAN
A. Panimula (Pagpapakita ng Larawan)

Itanong:
Kilala ba ninyo ang mga nasa larawan?
Sinu-sino sila? Ano ang kanilang nagawa?
Mahalaga ba ng tungkuling kanilang
ginampanan/ginagampanan sa ating lipunan? Bakit?

Itanong:
Sino ang pinakadakilang babae na kilala mo?
Bakit siya dakila para sa iyo?

Itanong sa klase.

 Lahat ba ng mga bayani ay mga lalaki? Sa


panahon ng digmaan ano kaya ang naging
papel ng mga kababaihan?
 Ano ang kanilang naiambag?
 Nakatulong ba sila sa rebolusyon?
 Napapahalagahan ba ang kanilang
partisipasyon sa rebolusyon Pilipino?

B. Pagpapapunlad Paghambingin ang dalawang larawan

Panuto: Gabay ang Ilustrasyon, Isulat ang


naunawaan tungkol sa pagkakatulad at pagkakaiba
ng dalawang larawan
Gawain 1
Ano ang naiambag ng mga kababaihan sa
rebolusyon Pilipino?
 Kung meron man silang partisipasyon sa
rebolusyong Pilipino ano ang mga ito?

Gawain 2
 Magbigay ng mga pangalan ng mga
kababaihan na kilala dahil sa kanilang buwis-
buhay na partisipasyon sa rebolusyon
Pilipino?

Gawain 3
 Gumupit o gumuhit ng larawan ng mga
kababaihan na may malaking partisipasyon sa
rebolusyon Pilipino.
C. Pakikipagpalihan SINO AKO?

1. Tinawag akong Joan of Arc ng Katagalogan.


Ako ang tanging babaeng heneral ng
rebolusyon.________________________

2. Tinawag na Flornce Nightingale ng Panay


dahil sa kanyang panggagamot sa mga
sugatang kawal-Pilipino. ________________

3. Bayaning babae ng Jaro. Siya ay naging


manggagawang intelihente ng Ilo-ilo.
_______________________

4. Lakambini ng katipunan. Kauna-unahang


babaeng kasapi ng katipunan
__________________

5. Kilala bilang ina ng Biak na Bato


____________________

6. Kilala ako sa tawag na Ina ng Katipunan


____________________

7. Ako ang naghabi ng pambansang watawat ng


Pilipinas. ____________________

8. Ako ang tanging babaeng namuno sa


pakikipaglaban ng mga kawal-Pilipino sa
Visayas. _______________

AYUSIN MO
Panuto: Ayusing mabuti ang mga letra upang mabuo
ang mahalagang konsepto.

Sa simula, ang pagiging ______________ sa


(AKSAIP)
Katipunan ay para sa kalalakihan lamang. Upang
mabigyan ng ____________ ang ______________
(N A M A L A A K) (A K A B A B I H A N)
Tungkol sa mga kaganapan, binigyan sila ng bahagi
sa ___________. Ang kababaihan ang ___________
(TIKANANPU) (OGATATGAN)
ng mahahalagang ___________ ng samahan. Kapag
(PEPALES)
ang Katipunan ay may _________ sa bahay ng isang
(LUNGPO)
kasapi nagsasagawa ang mga babae ng
_____________, ___________ , at ___________
(YASASAPAG) (AWITNA) (WANSAYA)
sa sala o labas ng bahay kasama ang ilang
___________________ upang hindi isipin ng mga
(KATINEROPU)
kawal-Espanyol na may masamang nangyayari. Higit
sa lahat, may mga babaeng kasama sa larangan ng
____________________ sa mga Espanyo
(LABANPAKIKIPAG)

D. Paglalapat I-tseck ang mga nagawa/ambag ng mga kababaihan


sa rebolusyon.
____ Nagtatago ng mga mahahalagang lihim na
dokumento ng katipunan
____ Nagbibigay ng impormasyon sa mga kawal-
Kastial tungkol s rebolusyon
____ Ipinakilala ang rebolusyon sa mga Espanyol
____ Sumali sila sa pakikipaglaban laban sa mga
Espanyol
____ Nagtahi sa sagisag ng kalayaan ng ating bansa
____ Nag-alaga, naggamot sa mga sugatang
katipunero
____ Namuno sa pakikipaglaban
____ Nakipagkaibigan sila sa mga Espanyol
____ Nagpakain at pinamalagi sa kanilang bahay ang
mga sugatang katipunero
____ Kung may pulong ang mga katipunero, ang mga
kababaihan ay nagsasayawan, nagkakantahan at
nagsasaya upang hindi mahalata ang mga guardia
sibil at isipin lamang ng mga ito na sila ay
nagdiriwang

V. PAGNINILAY
Nauunawaan ko na ________________.
Nabatid ko na ________________

You might also like