You are on page 1of 10

Lesson Exemplar inEdukasyon sa Pagpapakatao Using the IDEA Instructional Process

Learning Area Edukasyon sa Pagpapakatao 4


Learning Delivery Modality Online Distance Learning

Paaralan Alapan 1 ES Grade Level 4


LESSON
Name of Teacher Jennelyn A. Ocampo Learning Area EsP
EXEMPL
Teaching Date and Time Quarter
AR Sept 13-24, 2021 1st

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagkakaroon ng
katatagan ng loob, mapanuring pag-iisip, pagkamatiyaga,
pagkamapagtiis, pagabukas-isip, pagkamahinahon at pagmamahal
sa katotohanan na magpapalaya sa anumang alalahanin sa buhay
ng tao bilang kasapi ng pamilya
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa nagng may mapanuring pag-iisip ang tamang
pamamaraan/pamantayan sa pagtuklas ng katotohanan
C. Pinakamahalagang Kasanayan sa
Pagkatuto (MELC) (Kung Nakapagsasabi ng katotohanan anuman ag maging bunga nito
mayroon, isulat ang
pinakamahalagang kasanayan sa
pagkatuto o MELC
D. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang
pagpapaganang kasanayan.)
II. NILALAMAN Pagsasabi ng Katotohanan
III. KAGAMITAN PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro MELC EsP G4 Q1, PIVOT BOW R4QUBE,

Curriculum Guide: (p.67)

b. Mga Pahina sa Kagamitang


4-15
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdagang Kagamitan mula
sa Portal ng Learning
Resource
B. Listahan ng mga Kagamitang Unang Markahan – Modyul 1:
Panturo para sa mga Gawain sa Pagsasabi ng katotohanan anuman ang maging bunga nito
Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan Pamilya
Modyul na naglalaman ng mga gawain at konsepto.
Internet
Laptop
IV. PAMAMARAAN
A. Introduction (Panimula) Paalala:
Ipaalala ng guro ang mga patakaran sa klaseng on-line.
Halimbawa: Huwag gamitin ang mikropono habang nagsasalita
ang guro o kapwa mag-aaral, panatiliing nakabukas ang camera
ng gamit na gadget, atbp.
Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.

1. Nakabasag ng plato ang iyong kapatid. Ano ang dapat niyang


gawin?
a. magsinungaling c. aminin ang nagawa
b. ibintang sa kapatid d. wala sa nabanggit

2. Ano ang magandang katangian ang nais ipaunawa ng tanong


sa bilang 1?
a. Maging masunurin c. Maging mabait
b. Maging matulungin d. Maging matapat

3. Naglalakad ka patungo sa inyong paaralan. Sa iyong


paglalakad nakapulot ka ng pitaka. Ano and dapat mong gawin
a. itago ang pitaka
b. kukunin ang lamang pera at ibibili ng kendi
c. kunin ang lamang pera at itapon ang pitaka
d. ipagbibigay alam sa guro na may napulot na pitaka
4. Bumili ka ng bigas sa tindahan. Sobra ang naibigay na sukli ng
matandang tindera. Ano ang pinakamabuti mong gawin?
a. ibibili ulit sa matandang babae ang sobrang sukli b. ibibigay sa
nanay ang binigay na sukli ng tindera
c. ibibigay sa namamalimos na nakaupo malapit sa tindahan
d. bibilangin ulit ang sukli at isasauli ang sobra sa matandang
tindera

5. Kung ako ay magsasabi ng totoo…


a. ako ay makukulong sa alalahanin sa buhay
b. mapagtatakpan ko ang isang pagkakamali ng ibang tao
c. mapaninindigan ko ng buong tapang ang baluktot na katwiran
d. maipapakita ko ang paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng
sarili at ng kapwa

6. Mapapatunayan ko na ako ay may dignidad sa sarili at sa


kapwa kung...
a. pananatilihin kong lihim ang lahat
b. magsisinungaling ako para hindi ako mapahiya
c. magsasabi ako ng katotohanan anuman ang maging bunga nito
d. hindi ako magsasabi ng totoo, hindi nila malalaman ang aking
ginawa
7. Nagsisinungaling dahil…
a. may itinatago
b. ito ay nararapat
c. ito ay isang birtud
d. upang sila ay pagkatiwalaan

8. Nagtanong ang iyong guro kung bakit hindi tama ang


magsinungaling. Ano ang iyong maaaring isagot?
a. ito ay isang panloloko
b. marami ang magtitiwala sa iyo
c. malalaman ang totoong pangyayari
d. nagpapakita ng pagmamahal sa katotohanan

9. Namimigay ng “relief goods” ang mga frontliners ng inyong


baranggay, ang iyong ina ay nabigyan na. Nakita mong
binibigyan ulit ang iyong ama. Ano ang dapat mong gawin?
a. manahimik sa isang tabi
b. magpasalamat sa frontliner
c. magkunwaring wala kang nakita
d. sabihin sa iyong ama na ibalik ang relief dahil nabigyan na
kayo

10. Ang mga sumusunod na pahayag ay mga negatibong bunga


ng pagsisinungaling o hindi pagsasabi ng totoo maliban sa isa:
a. malulubog ka sa kasalanan
b. pagmumulan ng alitan o hidwaan
c. matutuwa ang iyong mga magulang
d. mawawalan sa iyo ng tiwala ang iyong kapwa

Ibigay ng guro ang tamang sagot sa mga katanungan at hayaang


iwasto ng mga mag-aaral ang kanilang mga sagot. Sabihan ang
mga mag-aaral na maaaring hindi na nila gamitin ang modyul
kung nakakuha sila ng 100% tamang sagot at makinig nang
mabuti at gawin ang mga susunod na gawain kung sila ay may 1 o
higit pang maling kasagutan.

B. Development (Pagpapaunlad) Pagganyak


Bigyan ng 5 minuto ang mga mag-aaral upang basahin ang
kwentong nasa bahaging Tuklasin ng modyul.

Hindi Ko Kayang Magsinungaling!


ni: Jennelyn A. Ocampo
Araw ng Huwebes. Maaring lumabas ang mga taga
Barangay Alapan na may mga Quarantine Pass upang mamili ng
pagkain para sa kanilang pamilya dahil sa COVID - 19 na
nararanasan ngayon ng lahat ng mga tao saan mang dako ng
mundo.

“Mahal, pagkatapos mong mamili ay pupunta ako sa


kabilang subdibisyon para sa SAP (Social Amelioration Program)
distribution,” wika ni Lito sa kanyang asawa. Simpleng tango ang
tugon ng kanyang asawa.

Nang makauwi mula sa pamimili si Jonie agad siyang


naglinis ng katawan bago siya maghanda ng kanilang kakainin
para sa kanilang hapunan habang ang kanyang asawa naman ay
nagtungo na sa kabilang subdibisyon. Makalipas ang kalahating
oras, nakabalik na si Lito sa kanilang bahay.

“Mahal, negatib,” malungkot na sabi niya kay Jonie. Hindi agad


naintindihan ng kanyang asawa ang kanyang sinabi. Kaya’t inulit
niya ang katagang “negatib”.

“Anong negatib?” tanong ni Jonie. Doo’y isinalaysay ni


Lito sa kanyang asawa ang tunay na nangyari sa pamamahagi ng
SAP o ayuda.

“Mabilis lang mahal ang pila kasi hapon na. Maayos


naman akong ininterbyu ng taga - DSWD. Binasa niya ang
nakasulat sa SAP form na ipinasa ko, kwento ni Lito.

“Ikaw pala ay tricycle driver at nahinto ka sa pagpasada.


Guro ang iyong asawa, wika ng taga - SWD. Sumagot ako ng
“Opo. Ang aking asawa ay guro sa pampublikong paaralan.”
Napatingin sa kanya ang taga DSWD.

Patuloy na nagkwento si Lito sa kanyang asawa. “Pwede


ko sanang sabihin na sa private school ka nagtuturo para
mabigyan ako ng SAP. Pero hindi ko kayang magsinungaling,”
mariin niyang sabi.

Niyakap siya ni Jonie habang sinasabi, “Proud ako sa iyo!


Sagutin ang mga tanong at isulat ang mga sagot sa patlang.

1. Tungkol saan ang kwentong iyong binasa?


_______________________________
2. Ano ang sitwasyon na nararanasan ng mga tao na
binanggit sa kwento?
_______________________________
3. Ano ang ibig sabihin ng SAP? Lahat ba ay
makakatanggap ng tulong na ito mula sa ating gobyerno?
_______________________________
4. Tama ba ang ginawa niLito?_________ Ni Jonie?
_________
5. Kung ikaw si Lito gagawin mo rin ba ang ginawa niya?
Bakit?
_______________________________

C. Engagement (Pagpapalihan)

Pag-aralan ang Venn Diagram. Isulat sa kaliwang bahagi ang


maaaring maging positibong bunga kapag ikaw ay nagsabi ng
katotohanan. Isulat din sa kaliwang bahagi ang maaaring maging
negatibong bunga nito.

Pagsasabi ng
Katotohanan

Iguhit ang kung ang pahayag ay nagpapakita ng


kahalagahan at pagsabi ng katotohanan, kung hindi
nagpapakita ng pagpapahalaga.
_______1. Nagsabi ng totoo si Ana kahit alam niya na
masasaktan ang kaniyang kapatid.
_______2. Naging payapa ang kalooban ng Nanay sa narinig
niyang katotohanan mula sa kanyang anak.
_______3. Nagsinungaling si Ramon sa pag aakalang maililihim
niya ang kanyang ginawa.
_______4. Nawalan ng tiwala ang kanyang guro dahil hindi niya
sinabi ang totoong nangyari.
_______5. Hindi inamin ng pasyente na siya ay nakararanas ng
mga sintomas ng Covid-19 kaya pati ang doktor na tumingin sa
kanya ay nahawa na rin.

Karagdagang Gawain
Iguhit ang hugis puso sa kwaderno. Isulat sa loob ng hugis puso
ang sariling opinyon ukol sa kahalagahan ng pagsasabi ng
katotohanan.
D. Assimilation (Paglalapat) Gawain 1
Sagutin ang mga sumusunod sa pamamagitan ng
paglalagay ng tsek (√) sa angkop na hanay.

Ako ba ay… Madalas Minsan Hindi

1. Nagsasabi ng totoo sa
aking mga magulang?
2. Nagsisinungaling sa
aking guro kung bakit
wala akong sagot sa
aming takdang aralin?

3. Natatakot mapahiya
sa pagsabi ng
katotohanan?

4. May tinatago kaya


ayaw kong magsabi ng
totoo?

5. May pagpapahalaga
sa aking sarili at sa
kapwa kaya nagsasabi
ako ng katotohanan?

Sagutin ang mga tanong:


1. Batay sa iyong sagot sa itaas, ano ang natuklasan mo sa
iyong sarili?

kapwa katotohan na naging bunga sa


iyong sinabi pagsabi mo ng
totoo

magulang

kapatid/pinsan

lolo/lola

Kapit-bahay

kaibigan

2. Masaya ka ba sa iyong natuklasan? Bakit?


___________________________________________

3. Kung madalas mong ginagawa ang pagsasabi ng


katotohanan, ano kaya ang magiging epekto nito sa iyo at sa
iyong kapwa?

___________________________________________

4. Sa mabubuting bagay na minsan mo lang ginagawa, anong


pagbabago ang maaari mong gawin? Bakit?

5. Kung hindi mo ginagawa ang pagsasabi ng totoo, ano kaya


ang maaaring maging bunga nito saiyo at sa iyong kapwa?

___________________________________________

Gawain 2

Muling alalahanin ang isang pangyayari na iyong


naranasan sa pagsasabi ng katotohanan sa iyong:

1. Ano ang naramdaman mo sa pagsabi mo ng totoo sa


iyong magulang? Kapatid? Lolo? Kapit bahay? kaibigan?
_____________________________________
2. Ano kaya ang kanilang naramdaman sa pagsabi mo ng
totoo?

3. Sa iyong palagay, tama ba ang ginawa mong pagsabi ng


totoo?
Paglalapt sa Pang Araw-Araw na Buhay

Gumawa ng isang liham para sa taong nais mong sabihan


ng katotohanan.

1.
Pagtataya
Basahin ang mga tanong at isulat ang titik ng napiling
sagot sa kwaderno.

1. Bakit may mga taong nagsisinungaling?

a. may itinatago
b. ito ay nararapat
c. ito ay isang birtud
d. upang sila ay pagkatiwalaan

2. Sa kasabihang “Huwag matakot na magsabi ng totoo, Ang


katotohanan ang magpapalaya sa iyo”, anong salita ang
kumakatok sa iyong puso?
a. iyo c. katotohanan
b.matakot d. lahat ng nabanggit
3. Ano ang mabuting pag-uugali ang ipinapakita sa kasabihan?
a. Maging matulungin c. Maging mabait
b. Maging masunurin d. Maging matapat

4. Ang mga sumusunod ay mararanasan mo kung ikaw ay


magsasabi ng totoo maliban sa isa:
a. ikaw ay masasanay manloko
b. marami ang magtitiwala sa iyo
c. malalaman ang totoong pangyayari
d. nagpapakita ng pagmamahal sa katotohanan

5. Naabutan kayo ng lockdown ng iyong ina sa bahay ng lola mo.


Ang mga frontliners doon ay namamahagi ng “relief goods”.
Nakita mong bibigyan ulit ang iyong lola. Ano ang dapat mong
gawin?
a. manahimik sa isang tabi
b. magpasalamat sa frontliners
c. magkunwaring wala kang nakita
d. sabihin sa iyong ina na ibalik ang relief dahil
nabigyan na ang iyong lola

V. PAGNINILAY Magsusulat ang mga bata sa kanilang


kwaderno, journal o portfolio ng kanilang
nararamdaman o realisasyon gamit ang mga
sumusunod na prompt:
Naunawaan ko na __________________.
Nabatid ko na _______________________.

You might also like