You are on page 1of 9

Lesson Exemplar in ARALING PANLIPUNAN Using the IDEA Instructional

Process

SDO Name of Vanessa V.


Imus City
Teacher Maalat
LESSON
Learning Area/ Grade Level
EXEMPLAR Araling Panlipunan 6
component
Quarter 1st Quarter CODE AP6PMK-Ih-11
Learning Delivery Days Taught
5
Modality

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Ang mag-aaral ay…
- naipamamalas ang mapanuring pag-unawa
at kaalaman sa bahagi ng Pilipinas sa
globalisasyon batay sa lokasyon nito sa
mundo gamit ang mga kasanayang
pangheograpiya at ang ambag ng
malayang kaisipan sa pag-usbong ng
nasyonalismong Pilipino
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay…
- naipamamalas ang pagpapahalaga sa
kontribusyon ng Pilipinas sa isyung
pandaigdig batay sa lokasyon nito sa
mundo
C. Pinakamahalagang Kasanayan sa  Nalalaman ang mga kontribusyon ng mga
Pagkatuto (MELC) (Kung mayroon, isulat Natatanging Pilipinong nakipaglaban para
ang pinakamahalagang kasanayan sa sa kalayaan
pagkatuto o MELC  Nabibigyang halaga ang mga kontribusyon
ng mga natatanging Pilipinong
nakipaglaban para sa kalayaan
 Naipapamalas ang kahalagahan ng mga
kontribusyon ng natatanging Pilipinong
nakipaglaban para sa kalayaan
D. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang pagpapaganang
kasanayan.)
II. NILALAMAN Kontribusyon ng mga Natatanging Pilipinong
nakipaglaban para sa Kalayaan
III. KAGAMITAN PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro MELC- pahina 37
AP Curriculum Guide- AP6PMK-Ih-11, pahina 126

b. Mga Pahina sa Kagamitang Pang Pilipinas: Bansang Papaunlad 6.2000. Pp.191-


mag-aaral 194
c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdagang Kagamitan mula sa https://prezi.com/p/ltpd9jaj4cju/kontribusyon-ng-
Portal ng Learning Resource mga-natatanging-pilipinong-nakipaglaban-para-sa-
kalayaan/
Learning Resource Portal
https://lrmds.deped.gov.ph/detail/10603

B. Listahan ng mga Kagamitang Panturo


para sa mga Gawain sa Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Introduction (Panimula) Sagutin ng TAMA o MALI:

1. Nakamit ng Pilipinas ang ganap na kalayaan


noong Hunyo 12, 1898.
2. Si Andres Bonifacio ang tinaguriang Ama ng
Katipunan.
3. May mga pangulo ng Pilipinas ang itinuturing
ding mga bayani.
4. Espanyol ang wikang panturong ginamit ng
mga Amerikano sa pagtuturo sa mga Pilipino.
5. Hapones ang pinakamatagal na sumakop sa
ating bansa.

Pagpapakita ng mga larawan.


Punan ng wastong titik ang mga patlang upang
matukoy ang nasa larawan.

EM_ L_ 0 A G _ I N _ L D _ M_GU_L M_LV_R


GR_GO_IO D_L PI_AR

Ipakita ang concept map. Pag-aralan kung ano


ang nakapaloob dito.

KONTRIBUSYON NG
MGA NATATANGING
PILIPINONG
NAKIPAGLABAN
PARA SA KALAYAAN

Ano sa palagay ninyo ang ang kinalaman ng mga


larawang ito sa ating paksa ngayon?

Napag aralan natin kung paano tayo nasakop ng


mga dayuhan at kung paano natin nakamit ang
ating kasarinlan at kalayaan. Ngayon pag-aaralan
natin ang mga naging kontribusyon ng mga
natatanging Pilipino na nakipaglaban para sa ating
kasarinlan.

EMILIO AGUINALDO
B. Development (Pagpapaunlad)  Pinuno ng pangkat Magdalo ng Katipunan sa
Cavite
 Pangulo ng Pamahalaang ReboLusyonaryo
makaraang buuin ang Kongreso sa Malolos at
ratipikahin ang kasarinlan at konstitusyon nito
noong Enero 21, 1899
 Sumama sa samahang Masonry (kabilang ni
Jose Rizal, Apolinario Mabini, Juan Luna,
Marcelo del Pilar at Graciano Lopez Jaena)
upang mapabuti ang kalagayan ng bayan
 Pumayag sa kasunduan sa Biak- na-Bato na
nilagdaan niya noong Disyembre 14,1897 dahil
sa paniniwalang hindi na magtatagumpay ang
digmaan
 Pumayag sa kusang loob na pagpapatapon sa
kanya sa Hongkong kapalit ang bayad-
pinsalang nagkakahalagang P400,000 na
ginamit niya sa pagbili ng mga armas na
inilaan pagbalik niya sa bansa
 Nagdisenyo sa bandila ng Pilipinas na siyang
iwinagayway sa Kawit, Cavite noong Hulyo 12,
1898
 Nadakip ni Heneral Frederick Funston kasama
ang kanyang mga tauhan sa Palanan, Isabela
noong Marso 23,1901
 Nagretiro sa pagiging pangkaraniwang
mamamayan makaraang itatag ang
pamahalaang kolonyal ng Estados Unidos

( https://www.youtube.com/watch?v=q6R8AXutp3I

Sagutin ang mga sumusunod:


1. Sino ang unang pangulo ng unang republika ng
Pilipinas?
2. Ano ang naging hangarin ni Aguinaldo sa pag-
aklas?
4. Bakit hindi siya nagtagumpay sa kanyang pag-
aaklas sa mga Amerikano?
5. Naibigan ba ng mga Pilipino ang pamumuno ni
Emilio Aguinaldo? Bakit?

GREGORIO DEL PILAR


 Isa siya sa pinakabatang heneral na
nagsakripisyo ng kanyang sarili upang
bantayan ang Tirad Pass para hindi
masundan ng mga kaaway na Amerikano ang
noo'y pangulo na si Emilio Aguinaldo.
 Matagumpay niyang sinalakay ang barracks
ng mga Espanyol sa Munisipalidad ng
Paombong.
 Pinamunuan din nya ang labanan sa Quingua
at Tirad Pass na kung saan nasigurado and
pagtakas ni Pangulong Emilio Aguinaldo
 Sumugod siya kahit 60 na sundalo lang ang
dala niya laban sa 300 na Amerikanong
sundalo. Sa 60 na sundalong iyon, walo lang
ang nabuhay at nag ulat kay Aguinaldo.
 Malaki sana ang kanilang pag-asang
magtagumpay ngunit isang katutubong Igorot
ang nagturo sa mga Amerikano ng lihim na
daan patungo sa itaas ng bundok
 Noong una, napigilan ng mga sundalong
Pilipino ang pag-atake ng mga kaaway, ngunit
isang bayarang espiya, si Jose Galut ang
nagkanulo sa mga Pilipinong sundalo kaya
naman nakapasok ang mga kaaway. Sa araw
ding ito, nabaril si del Pilar at binawian agad
ng buhay.
(https://www.youtube.com/watch?
v=Lo4mlGm0wB4)

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:


1. Anong pangyayari ang naganap sa Tirad
Pass?
2. Sinu-sino ang mga mahahalagang taong
sangkot sa Pasong Tirad?
3. Sinu-sino ang mga hinahabol na mga sundalo?
4. Ano mahalagang papel ang ginampanan ni
Gregorio del Pilar?
5. Bakit naging bayani ng Pasong Tirad si
Gregorio del Pilar?

MIGUEL MALVAR
 Si Miguel Malvar ang huling Pilipinong heneral
na sumuko sa mga Amerikano
 Matapos ang pagsiklab ng Digmaang Pilipino-
Amerikano, siya ay hinirang na brigadier
general noong Marso 1899. Nakipaglaban siya
sa mga pwersang Amerikano sa Muntinlupa,
San Pedro Tunasan, Kalamba at Kabuyaw.
Pagkatapos ay hinirang siya bilang division
general at chief of the second zone in
command.
 Matapos mahuli si Heneral Aguinaldo, siya ang
naging bagong commander-in-chief ng mga
pwersang Pilipino. Sa isang manifesto para sa
sambayanang Pilipino, na may petsang Hulyo
31, 1901, hinihimok niya ang pagpapatuloy sa
paglaban sa mga pag-atake ng Amerika.
 Ngunit ang paglaban sa mas malakas na
kaaway ay naging mahirap para sa puwersa ni
Malvar. Nilipon ng mga militar ng Amerika ang
mga sibilyan sa kanilang military zone.
Sinunog nila ang mga nayong laban sa
kanilang pananakop kasama ang mga pananim
at hayop. Ang kanilang pangunahing layunin ay
gutumin ang mga gerilya.
 Gayunpaman, nadama ni Malvar na
maipagpapatuloy niya ang laban para sa
kalayaan ng kanyang bansa, kahit pa ang
kanyang mga tauhan ay nabawasan at ang
kanilang mga armas at mga sandata ay unti-
unting naubos. Dagdag pa dito ang gutom,
pagod at pagkakasakit dahil sa tuloy-tuloy na
pagmamartsa sa kagubatan habang ang mga
sundalong Amerikano ay patuloy na tumutugis
sa kanila.
 Bilang pagkilala sa kanyang kapansin-pansin
na tapang at pagkamakabayan, binigyan siya
ng awtoridad ng Amerika ng isang marangal na
pakikitungo. Siya ay hindi pinabilanggo o
ipinatapon. Pinahintulutan siyang umuwi at
mamuhay nang payapa kasama ng kanyang
pamilya at mga kasamahan. Siya ay muling
sumabak sa agrikultura at komersyo. Kalaunan
siya ay inialok sa pagka-gobernador ng
Batangas ngunit magalang niya itong
tinanggihan.

 ( https://www.youtube.com/watch?v=EhvV3fx46CA

1. Ano ang ibinigay ng awtoridad ng Amerika


bilang pagkilala sa pinakahuling heneral na
sumuko laban sa kanila?
2. Paano mo mabibigyang halaga ang mga
naging nagawa ni Miguel Malvar sa ating
bansa?
C. Engagement (Pagpapalihan)
Gumamit ng graphic organizer sa pagsagot ng
gabay na tanong.
Ano ang mga
naging hadlang
sa pagkamit ng
kalayaan ng
bansa?

Magbigay ng mga katangian ng mga Pilipinong


nakipaglaban upang makamit ang ating kalayaan
gamit ang fishbone.

D. Assimilation (Paglalapat) PAGLALAHAT:

Ang mga bayani nati’y nag-iwan ng mga


aral at halimbawa nang sila’y lumaban at
nagbuwis ng buhay para sa ating kalayaan.
Ipinamalas nila na ang pagmamahal sa tinubuang
lupa at sariling lahi ay ang pinakadakilang anyo ng
pag-ibig. Ikinintal nila sa ating mga isipa’t
damdamin na ang pagkakaroon ng sariling
pamahalaan ay mahalagang salik ng pagkabansa
– isang pamahalaang kinikilala, iginagalang at
ipinagmamalaki ng mga nasasakupan. Kaakibat
ng pagtatatag ng sariling pamahalaan ay ang
pagbalangkas ng saligang batas na magiging
batayan ng mga alituntuning susundin ng mga
mamamayan para sa ikabubuti ng lipunang
kanilang ginagalawan. (http://nhcp.gov.ph/%EF%BB
%BF%EF%BB%BFisang-pagpupugay-sa-ating-mga-bayani-at-
sa-pamana-nilang-kalayaan/
Punan ang hinihingi sa bawat bilang. Isaayos ang
mga titik sa bawat kahon upang mabuo ang iyong
sagot.
1. Siya ang unang naging pangulo ng Republika
ng Pilipinas.
OILIME ODAGUILAN
_________________________

2. Kilala siya bilang pinakabatang heneral na nag-alay


ng buhay upang palayain ang mga Pilipino sa kamay
ng mga kaaway.

RLAIP LED IOROGREG


________________________

3. Pinakahuling Pilipinong heneral na sumuko


laban sa mga Amerikano

VALMAR GUMIEL
______________________

4. Sa anong pangat ng Katpunan kabilang si


Aguinaldo?
LODAMAG
___________________

5. Ang mga Pilipinong nagbuwis ng kanilang mga


buhay para sa bayan ay maituturing nating
mga
AYNIBA
_______________

V. PAGNINILAY  Bilang isang mag-aaral, ano ang maaari mong


maging kontribusyon sa ating bayan upang
maipakita ang iyong pagiging makabayan at
tunay na Pilipino?

 Para sa inyo, ano ang kahalagahan ng


kalayaan at maraming Pilipino ang nagbuwis
ng buhay makamit lamang ito?
 Dapat ba nating kilalanin ang mga sakripisyo
nila para sa ating bansa? Bakit?

Nauunawaan ko na ___________________________.

Nabatid ko na ________________________________

You might also like