You are on page 1of 8

Banghay-Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 5

Unang Markahan
Ikasiyam na Linggo

Aralin 9: Pagsasabi Nang Tapat, Pagsasama Nang Maluwat

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagkakaroon ng mapanuring
pag-iisip sa pagpapahayag at pagganap ng anumang gawain na may kinalaman sa
sarili at sa pamilyang kinabibilangan CG pahina 67

B. Pamantayan sa Pagganap
Naisasagawa ang mga kilos, gawain at pahayag na may kabutihan at katotohanan
CG pahina 70

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto


Nakapaghihinuha na nakapagdudulot ng kabutihan sa pagsasama nang maluwag
ang pagsasabi nang tapat EsP5PKP-Ii-36

II. NILALAMAN

ARALIN 9: Pagsasabi Nang Tapat, Pagsasama Nang Maluwat


Batayang Pagpapahalaga: Pagkamatapat (Honesty)

KAGAMITANG PANTURO:

B. Iba Pang Kagamitang Panturo


Lakip Blg. 1 Pabula “Si Buwaya at Si Matsing”, Laptop (powerpoint presentation),
Lesson Plan in ESP 5, 2013 Edition, mp. 30-31, Lesson Plan in ESP 5, 2013
Edition, p. 28, rubric, short bond paper, graphic organizer, Marangal 5, p. 49

III. PAMAMARAAN

UNANG ARAW

Alamin Natin

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at o pagsisimula ng bagong aralin

Itanong:

Bakit kailangang ugaliin natin ang pagpapahayag ng katotohanan kahit masakit sa


kalooban?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Itanong:
Ano ang mga nais mong maunawaan sa salitang katotohanan?

C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin

Ibigay ang sariling kaisipan tungkol sa kasabihan:


“Sa Pagsasabi ng Tapat, Pagsasama’y Nagluluwat.”
D. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan

Basahin nang tahimik ang pabulang “Si Buwaya at Si Matsing”

Si Buwaya at Si Matsing

Isang araw, gutom na gutom si Buwaya ngunit wala siyang makitang pagkain kahit
saan. “Kaibigang Matsing, gutom na gutom na ako,” ang tawag ni Buwaya. “Bigyan mo
naman ako ng iyong pagkain.” “Oo,” ang pangiting sagot ni Matsing. “Heto,” sabay itsa ng
balat ng saging sa lugar ni Buwaya. “Kaibigang Matsing, hindi ba’t ako’y kaibigan mo rin?
Bakit hindi mo ako bigyan ng saging diyan sa buwig na iyong kinakain?” ang pahimutok na
sambit ni Buwaya. “Gusto mo ba akong mamatay sa gutom?” “Oo, kaibigang Buwaya.
Totoong naging kaibigan kita. Naging matapat ako sa’yo. Lahat ng bagay ay hinahatian
kita. Ngunit ano ang iginanti mo sa akin? Hindi ba’t muntik mo na akong kainin?” ang
paliwanag ni Matsing. At siya’y nagpatuloy. “Nasaan ang katapatan mo sa akin? Nasaan
ang pakikipagkaibigan mo sa akin?” “Patawad, kaibigan, hindi ko na ito uulitin,” ang samo
ni Buwaya. “Ako sana ay muli mong tanggapin at tuloy bigyan ng pagkain.” Sumagot si
Matsing. “Minsan akong naging tapat at minsan ding naging iyong kaibigan. Minahal kita
nang lubus-lubusan ngunit ang iginanti mo ay kataksilan. Paano kita
mapagpakakatiwalaan gayong hindi ka naging tapat?” At si Matsing ay nagpatuloy ng
pagkain hanggang sa maubos ang buwig ng saging. Pagkatapos niyang kumain ay
naglambitin siyang papalayo at iniwan si Buwaya na bubulung-bulong. “Kung naging tapat
lamang ako sa aming pagkakaibigan, kung naging tapat lamang sana ako sa pakikisama
sa kanya, sana ay mayroon pa ako akong kaibigan at sana ay napawi ang aking gutom.”
At si Buwaya ay tungo ang ulo sa pagsisisi na umalis na sa kanyang kinalalagyan.
(Sanggunian: Lesson Plan in ESP 5, p. 30)

F. Paglinang sa kabihasaan

Talakayin ang pabula gamit ang mga sumusunod na tanong.


1. Sino ang dalawang dating magkaibigan?
2. Ano ang nakasira sa kanilang samahan?
3. Ano ang aral na iyong napulot mula sa kuwento?
4. Mayroon ka rin bang kaibigan?
5. Tapat ka ba sa kanya?
6. Bakit kailangan ang katapatan sa isang samahan?
7. Ano ang mahirap mawala sa isang samahan?
8. Paano ito mapapanatili?
9. Ano ang epekto ng ginawa ni Buwaya kay Matsing?
10. Maibabalik pa kaya ang tiwala ni Matsing kay Buwaya? Bakit?
11.
G. Paglalapat ng mga aralin sa pang-araw-araw na buhay
Itanong:

Mula sa inyong mga karanasan, ano ang inyong nararamdaman kung kayo ay
nagsasabi ng totoo tungkol sa inyong nagawang kasalanan?
H. Paglalahat ng Aralin

Itanong:
Ano ang kahalagahan ng pagsasabi ng tapat sa isang samahan?

I. Pagtataya ng Aralin

Pasulat o pasalita:

Bilang isang anak, dapat ka bang masgsabi ng totoo sa iyong mga magulang
kung ikaw ay may nagawang kasalanan?

IKALAWANG ARAW

Isagawa Natin

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at o pagsisimula ng bagong aralin

Itanong kung ano ang kahalagahan ng pagsasabi ng tapat sa isang pamilya?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Ipahayag na ngayong araw na ito ay magsasagawa ang bata ng pangkatan at


indibidwal na gawain.

E. Pagtalakay sa bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1

Hayaan ang mga mag-aaral na pumili ng lider ng bawat pangkat. Pag-usapan ng


bawat pangkat ang nilalaman ng larawang mabubunot sa pamamagitan ng
pagsagot sa tanong na: “ Bakit nararapat na maging matapat ang isang tao? ”.
Pagkatapos ng limang minuto, tumawag ng isang mag-aaral sa bawat pangkat
upang mag-ulat ng kanilang napagkasunduang sagot sa katanungan.

F. Paglinang sa kabihasaan

Itanong:

-Ano ang nararamdaman ninyo habang ginagawa ang gawain?


-Bakit mahalaga na maging tapat sa isang tao?
G. Paglalapat ng mga aralin sa pang-araw-araw na buhay

Indibidwal na Gawain:

Sa isang short bond paper, gumuhit ng isang sitwasyon na nagpapakita ng pagiging


tapat sa inyong kaibigan.
Ipaliwanag kung ano nagiging epekto ng pagiging tapat ninyo sa isa’t isa.

Rubrik sa Pagguhit at Music Video

Pamantayan 5 4-3 2-1


Kaisahan Lahat ng mga Isa o dalawa sa Tatlo o mahigit pa
kasapi ay nakiisa mga kasapi ay ay hindi nakiisa sa
sa gawain hindi nakiisa sa mga gawain
gawain
Kaugnayan Lahat ng ipinakita May isa o May tatlo o mahigit
ay may dalawang ipinakita pang ipinakita ang
kaugnayan sa ang walang walang kaugnayan
paksa. kaugnayan sa sa paksa.
paksa
Kahandaan Natapos agad Natapos ang Hindi natapos ang
ang gawain bago gawain sa takdang gawain sa
ang itinakdang oras. itinakdang oras.
oras

H. Paglalahat ng aralin

Itanong:
Paano nakatutulong ang pagiging tapat sa isa’t isa sa isang pagsasama?

I. Pagtataya ng aralin

Ano ang magiging bunga ng hindi pagiging tapat sa isa’t isa?

IKATLONG ARAW

Isapuso Natin

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at o pagsisimula ng bagong aralin

Ano ang kahalagahan ng pagiging matapat sa kapwa?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Ilahad ang layunin sa araw na ito.

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)

Gamit ang graphic organizer, magkaroon ng talakayan tungkol sa


kahalagahan ng pagiging tapat sa isang pagsasama

Kahalagahan ng
pagiging tapat sa isang
pagsasama
H. Paglalahat ng Aralin

Ipahayag:
“ Magandang samahan ang maidudulot ng pagsasabi ng tapat“.

I. Pagtataya ng aralin

Itanong:
Paano mo maipakikita ang katapatan sa mga sumusunod:
a. magulang
b. kapatid;
c. kaibigan?

J. Karagdagang Gawain para sa takdang-aralin at remediation

Pangkatang Gawain:

Gumawa ng isang music video gamit ang inyong cellphone na


nagpapakita ng pagiging matapat sa inyong kapwa.

Tingnan ang Lakip Blg. 2

Rubrik sa Pagguhit at Music Video

Pamantayan 5 4-3 2-1


Kaisahan Lahat ng mga kasapi Isa o dalawa sa mga Tatlo o mahigit pa ay
ay nakiisa sa gawain kasapi ay hindi hindi nakiisa sa mga
nakiisa sa gawain gawain
Kaugnayan Lahat ng ipinakita ay May isa o dalawang May tatlo o mahigit
may kaugnayan sa ipinakita ang walang pang ipinakita ang
paksa. kaugnayan sa paksa walang kaugnayan
sa paksa.
Kahandaan Natapos agad ang Natapos ang gawain Hindi natapos ang
gawain bago ang sa takdang oras. gawain sa itinakdang
itinakdang oras oras.

IKAAPAT NA ARAW

Isabuhay Natin

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at o pagsisimula ng bagong aralin

Panoorin ang nilikhang music video ng bawat pangkat at itanong kung ano ang
ipinakikita ng bawat isa..

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Ngayong araw ay magkakaroon kayo ng isang gawain tungkol sa ating aralin.

C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin

Itanong:
Paano mo sasabihin sa iyong mga magulang o kaibigan ang iyong totoong
damdamin o saloobin na hindi mo pa naipahahayag sa kanila?
G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-araw-araw na Buhay

Indibidwal na Gawain:

“Saloobin Mo, Isulat Mo”

Habang nakikinig sa isang musika, ipikit ang inyong mga mata at


alalahanin ang isang bagay o damdamin na hindi mo maipahayag sa inyong
mga magulang o kaibigan. Ipahayag ito sa pamamagitan ng isang liham.
Tiyaking sumunod sa wastong paraan ng pagsulat ng isang liham.

Gabay ng mag-aaral:
1. Ilagay sa loob ng sobre ang inyong nabuong liham at selyohan.
2. Isulat ang pangalan ng taong inyong padadalhan.
3. Tanungin ang klase kung sino ang handang ibigay ang liham sa
kinauukulan.
4. Para sa mga handa na, gawing takda ang pagbibigay ng liham. Ngunit
para sa mga hindi pa handa, maaaring hikayatin ng guro ang mga bata na
ibigay muna ito sa kanya at maaari ng kunin kapag siya ay handa na.

H. Paglalahat ng Aralin

Itanong:
Ano ang mahalagang konsepto na natutuhan ninyo sa isinagawang gawain?
Ipaliwanag ito.

I. Pagtataya ng aralin

Kumletohin ang isang pangako.

Pangako
Ang pagiging mabuti at totoo sa lahat ng oras ay kaaya-aya. Nakabubuti rin
ang pagsasabi ng tapat para sa pagsasama ng maluwat. Kaya simula ngayon ay
pipilitin kong gawin ang mga bagay na ito:
1. ___________________________________________________________
2. ___________________________________________________________
3. ___________________________________________________________
4. ___________________________________________________________
5. ___________________________________________________________

J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation

Bumuo ng isang maikling usapan na nagpapakita ng pagiging tapat sa kapwa na


nagiging dahilan ng pagsasama ng maluwat. Gawin ito sa papel.
IKALIMANG ARAW

Subukin Natin

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at o pagsisimula ng bagong aralin

Balikan ang kahalagahan ng pagsasabi ng tapat sa isang pagsasama.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Ilahad na ngayong araw ay susukatin ang mga natutuhan ng mga bata sa


araling ito.

H. Paglalahat ng Aralin

Balikan ang mga konseptong natutuhan sa loob ng isang linggo.

I. Pagtataya ng Aralin

Isulat ang Tama kung nagpapakita ng mabuting gawain at Mali kung hindi.
gawin ito sa sagutang papel.

____1. Sinabi ni Marie kay Josie na maganda ang damit nito kahit hindi ito bagay dito
upang hindi niya ito masaktan.
____2.Si Dan ay palaging lumiliban sa klase at naglalaro lamang sa mga computer shops.
Napansin ito ng kanyang kaibigang si John. Kinausap niya ito at sinabing
makasisira sa pag-aaral ang kanyang ginagawa.
____3. Nakita ni Flora na nabasag ni Mildred ang plorera ng guro. Nakiusap si Mildred na
huwag itong sabihin sa iba. Ngunit sinabi ni Flora na kailangan itong sabihin sa
guro at baka mapagbintangan pa ang iba.
____4. Maaga pa lamang ay gising na si Jun upang magwalis sa bakuran. Nakakita siya
ng gusot na papel at pagsimot niya ito ay pera. Agad siyang tumingin sa paligid at
isinilid ito sa bulsa.
____5. Narinig ni Jessa na nagpaalam ang kanyang ate Lorna na pupunta sa bahay ng
kaklase upang gumawa ng proyekto. Isang oras ang nakalipas, inutusan naman si
Jessa ng kanyang ina na pumunta sa bayan upang mamalengke. Habang siya ay
naglalakad, nakita ang kanyang ate na kasama ang boyfriend nito. Pag-uwi niya,
agad niya itong sinabi sa kanila.

J. Karagdagang Gawain para sa takdang-aralin at remediation


Gumawa ng isang dyornal tungkol sa mga natutuhan mo sa araling ito.
IV. MGA TALA

V. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya

B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation

C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation

E. Alin sa mga estratihiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos? Paano ito

You might also like