You are on page 1of 9

Banghay-Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 5

Unang Markahan
Ikapitong Linggo

Aralin 7: Ipahayag Natin, Matapat na Saloobin

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Nilalaman
Naipapamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagkakaroon ng mapanuring
pag-iisip sa pagpapahayag at pagganap ng anumang gawain na may kinalaman sa
sarili at sa pamilyang kinabibilangan CG pahina 67

B. Pamantayan sa Pagganap
Naisasabuhay ang pagkakaroon ng tamang pag-uugali sa pagpapahayag at
pagganap ng anumang gawain CG pahina 68

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto


Nakapagpapahayag nang may katapatan ng sariling opinyon/ideya at saloobin
tungkol sa mga sitwasyong may kinalaman sa sarili at pamilyang kinabibilangan
(EsP5PKP-Ig-34)

II. NILALAMAN

Aralin 7: Ipahayag Natin, Matapat na Saloobin

Batayang Pagpapahalaga: Pagkamatapat (Honesty)


Pagmamahal sa Katotohanan (Love of Truth)

KAGAMITANG PANTURO:

B. Iba Pang Kagamitang Panturo


Marangal 5, mp 43-58, powerpoint presentation, short bond papers, rubric, activity
sheets, worksheet, graphic organizer, pangkulay

III. PAMAMARAAN

UNANG ARAW

Alamin Natin

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at o pagsisimula ng bagong aralin


Bakit kailangang ugaliin natin ang matapat na pagpapahayag ng katotohanan?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Ilahad ang layunin sa araw na ito

C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin


Paano mo ipinakikita ang pagiging matapat sa inyong paaralan at tahanan?

D. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan


Pabasahin ng guro ang mga bata ng isang maikling kuwento na may pamagat na

“Tama o Mali?” naka-flash sa PowerPoint Presentation


Tama o Mali?
Nalalapit na ang pagsusulit para sa Unang Markahan. Nagmamadaling
umuwi si Jose pagkagaling sa paaralan upang mag-aral sapagkat aminado
siyang mahina sa klase at sa mga asignatura. Nanlumo si Jose sa dami ng dapat
pag-aralan at isaulo.
Nang nagpasyang magpahingang saglit ni Jose nakita niya sa labas ng
bintana ng kanilang sala ang mga kalaro na masaya at maingay na naglalaro ng
basketball. Napabuntunghininga na lamang ito sa sarili at tiningnan muli ang pinag-
aaralang aklat.
Sa sobrang pagod ay naisip ni Jose na gumawa na lamang ng kodigo o di
kaya ay mangopya na lamang sa magiging katabi sa klase.
Lumipas ang mahabang oras at hindi pa rin siya nangangalahati sa mga
asignaturang pag-aaralan. Napag-isipan niyang umidlip na muna at pagkagising na
lamang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

F. Paglinang sa kabihasaan

Itanong ng guro ang mga sumusunod:

1. Bakit nagmamadaling umuwi si Jose?

2. Bakit nakaramdam ng panlulumo si Jose?

3. Ano ang nakita ni Jose nang saglit itong tumanaw sa bintana ng kanilang sala?

4. Ano ang naisip ni Jose na solusyon sa kanyang problema tungkol sa pag-aaral


para sa kanilang Unang Markahan?

5. Ano ang balak gawin ni Jose pagkagising mula sa pagkakaidlip?

G. Paglalapat ng mga aralin sa pang-araw-araw na buhay

Indibidwal na Gawain:
Kung iyong gagawan ng magandang wakas ang binasang kuwento kahapon, ano
ang magiging nilalaman nito? Isulat inyong sagot sa isang buong papel.

Lakip #3 rubric

Gamitin ang pamantayan sa ibaba upang mabigyan ng wastong puntos ang bawat
mag-aaral

Puntos % Lebel Katangian ng Isinulat na sanaysay

10 90-100% Napakahusay Buo ang kaisipan, konsistent, kompleto


ang detalye
Malinaw (hindi na manghuhula pa ang
babasa kung ano ang layunin ng
sumulat)
Gumamit ng wastong bantas
8 85-89% Mahusay
May kaisahan at may sapat na detalye
May malinaw na intensyon
Gumamit ng wastong bantas
6 80-84% Katamtaman
Konsistent, may kaisahan, kulang sa
detalye
Di-gaanong malinaw ang intensyon
4 75-79% Mahina Gumamit ng wastong bantas

Hindi ganap ang pagkabuo


Kulang ang detalye
Di-malinaw ang intensyon
2 74 Pababa Napakahina Hindi wasto ang bantas na ginagamit

Hindi konsistent, walang sapat na


detalye
Malabo ang intensyon
Di-wasto ang bantas

H. Paglalahat ng Aralin

Bakit mahalaga ang katapatan sa lahat ng gawain?

I. Pagtataya ng Aralin

Tama ba ang naisip ni Jose na solusyon sa kanyang mga problema? Bakit?

IKALAWANG ARAW

Isagawa Natin

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at o pagsisimula ng bagong aralin


Bakit mahalaga ang pagiging matapat?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Paano mo ipinapakita ang katapatan sa iyong sarili at pamilya?


dinala at sabihin kung anong ginawang pagkalinga o pagtulong sa kanilang kapwa.

E. Pagtalakay sa bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1

Pangkatang Gawain:

Pangkat I : Magsagawa ng “role play” na nagpapakita ng isang pangyayari na


hinihingi ang katapatan sa sarili at pamilya.

Pangkat II: Gumuhit ng isang larawan na naglalahad ng katapatan sa sarili at


pamilya.

Pangkat III: Ipakita ang katapatan sa sarili at pamilya sa pamamagitan ng


“phantomine”.

Lakip #2
Gamitin ang pamantayan sa ibaba upang mabigyan ng wastong puntos ang bawat
grupo

PAMANTAYAN 5 4-3 2-1

1. Kaayusan Maayos na Naisagawa ang Naisagawa ang


naisagawa ang gawain subalit gawain subalit
gawain. nangangailangan pa nangangailangan pa
ng patnubay. ng higit na patnubay.

2. Kaisahan Lahat ng kasapi May 1-2 kasapi ang May 3 o higit pang
ay nakiisa. hindi nakiisa. kasapi ang hindi
nakiisa.

3. Kalinawan Malinaw na Naipahayag ang Naipahayag ang


naipahayag ang kaisipan subalit may kaisipan subalit
kaisipan. detalyeng hindi malabo ang
naunawaan. pagkakahayag.

F. Paglinang sa kabihasaan

Naipakita ba ng bawat grupo ang katapatan sa sarili at pamilya?

Mahalaga ba ang pagiging matapat sa iyong sarili at pamilya?Bakit?

G. Paglalapat ng mga aralin sa pang-araw-araw na buhay

Ano-anong pangyayari sa pamilya na naipakita mo ang iyong katapatan?

H. Paglalahat ng aralin

Ano ang kahalagahan ng pagiging tapat sa iyong sarili at pamilya?

I. Pagtataya ng aralin

Pasalita:

Ano ang magiging bunga ng pagiging matapat sarili at sa pamilya?

IKATLONG ARAW

Isapuso Natin

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at o pagsisimula ng bagong aralin


Ano ang kahalagahan ng pagiging matapat sa sarili at pamilya?
B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Madalas mo bang ipinakikita ang katapatan sa iyong sarili at pamilya?

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)


Nararapat bang maging matapat sa lahat ng pagkakataon?

Saan ba dapat natin simulan ang pagiging matapat?

Mahalaga bang maging matapat muna sa sarili at sa pamilyang


kinabibilangan? Bakit?

G. Paglalapat ng mga aralin sa pang-araw-araw na buhay

Narinig mong nagsisinungaling ang kaibigan mo sa inyong guro tungkol sa


tunay na may kasalanan sa pagkakabasag ng salamin sa inyong silid-aralan.
Malaki ang babayaran dito kung kaya’t walang umaamin sa iyong mga kaklase. Ano
ang gagawin mo?

H. Paglalahat ng Aralin
Ano-ano ang kahalagahan ng pagiging matapat sa sarili, tahanan at komunidad?
Ilagay sa graphic organizer

KAHALAGAHAN NG
KATAPATAN

SARILI TAHANAN KOMUNIDAD

I. Pagtataya ng aralin

Tseklis:

Bigyan ng marka ang sarili. Lagyan ng tsek (/) ang sagot na nagpapatunay
ng pagpapahayag ng matatapat at matatag na saloobin sa sarili at sa kapwa tao.

Palagi Paminsan- Hindi


minsan ginagawa
1. Iniiwasan ko na makipag-away sa
aking mga kaklase
2. Sumisingit sa pila sa pagbili ng pagkain
sa kantina
3. Matiyaga kong tinutulungan ang aking
kaklase na hindi nakaiintindi sa leksiyon.
4. Ginagawa ko ang mga trabaho sa
bahay kahit hindi inuutusan
5. Hindi ko sinusunod ang utos ng mga
guro

J. Karagdagang Gawain para sa takdang-aralin at remediation

Nakita mo ang isang tindera sa palengke na kulang ang sukli na ibinigay kay Lola
na bumili ng gulay. Ano ang gagawin mo?
Gumawa ng 4-5 linya na awit.

IKAAPAT NA ARAW

Isabuhay Natin

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at o pagsisimula ng bagong aralin

Bakit mahalagang maging matapat sa lahat ng pagkakataon?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Naisabuhay mo na ba ang pagiging matapat? Sa anong paraan mo ito ginawa?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Itanong:
Ano ang iyong gagawin upang maipakita ang katapatan sa inyong pamilya?

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-araw-araw na Buhay


Lakip #5 Activity Sheet

Sa paanong paraan mo maisasabuhay ang katagang

“Gumawa ng mabuti kahit walang nakatingin”?

Sa tahanan Sa paaralan

Sa komunidad
Gamitin ang pamantayan sa ibaba upang mabigyan ng wastong puntos ang bawat
mag-aaral

PAMANTAYAN 5 4-3 2-1

1. Kaayusan Maayos na Naisagawa ang Naisagawa ang


naisagawa ang gawain subalit gawain subalit
gawain. nangangailangan pa nangangailangan pa
ng patnubay. ng higit na patnubay.

2. Kaisahan Lahat ng kasapi May 1-2 kasapi ang May 3 o higit pang
ay nakiisa. hindi nakiisa. kasapi ang hindi
nakiisa.

3. Kalinawan Malinaw na Naipahayag ang Naipahayag ang


naipahayag ang kaisipan subalit may kaisipan subalit
kaisipan. detalyeng hindi malabo ang
naunawaan. pagkakahayag.

H. Paglalahat ng Aralin

Paano mo maipakikita ang katapatan sa tahanan? Sa paaralan? at sa


komunidad?

I. Pagtataya ng aralin

Saan dapat natin simulan ang pagiging matapat?

Ito ba ay nakabubuti o nakasasama?

J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation


Pagninilay

Bumuo ng pangako tungkol dito.

Ang pagiging mabuti at tapat sa lahat ng oras ay kaaya-aya, Dahil dito pipilitin kong
gawin ang mga bagay na ito:

1.______________

2. ______________

3. ______________
IKALIMANG ARAW

Subukin Natin

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at o pagsisimula ng bagong aralin


Ano-ano ang kahalagahan ng pagiging matapat sa sarili, tahanan at
komunidad?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


Ano ang iyong nararamdaman sa pagsasabi ng totoo?

H. Paglalahat ng Aralin

Tandaan:

Ang pagpapahayag ng matapat at matatag na ideya o saloobin tungo sa


sarili at sa kapwa sa lahat ng oras at sitwasyon ay isang mahalagang katagian para
magkaroon ng isang masaya, maayos at matiwasay na pamumuhay.

I. Pagtataya ng Aralin
Pasagutan ng guro ang sumusunod:

Isulat ang MT kung ang sumusunod na sitwasyon ay nagpapahayag ng


matapat at matatag na saloobin tungo sa sairili at sa kapwa.at HT naman kung
hindi.

__________ 1.Nasusunog ang bahay ng inyong kapitbahay. Ginising mo ang iyong mga
kapatid at sama-samang lumabas ng bahay upang makapaghingi ng saklolo
sa iba pang kapitbahay.

__________ 2.Nakita mong inagaw ng isa mong kamag-aral ang baon ng isang kinder sa
inyong paaralan. Dahil sa takot na masuntok ng kamag-aral, ikaw ay
tumahimik na lamang.

__________ 3.Pinagtawanan ng nakababata mong kapatid ang isang lumpo nakatabi na


ninyo sa simbahan. Pinagsabihan mo siya at ibiniling huwag nang uulitin
ang ginawa.

__________ 4. May nakasalubong kang mama na hindi mo kakilala at nagtatanong kung


saan siya pwedeng tumuloy. Dinala mo siya sa bahay ng punong barangay.

J. Karagdagang Gawain para sa takdang-aralin at remediation

Sumulat sa isang journal ng mga sitwasyon tungkol sa iyong karanasan/suliranin ng


iyong pamilya/kaibigan/paaralan/pamayanan at isulat ang iyong ibinahaging
ideya/opinyon saloobin.

IV. MGA TALA

V. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya

B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation

C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation


E. Alin sa mga estratihiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos? Paano ito

You might also like