You are on page 1of 16

4

FILIPINO
Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto
Pagsulat sa Timeline
ng mga Pangyayari
Ikalawang Markahan - Ikatlong Linggo

1|Pahina
FILIPINO – Ikaapat Baitang
Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
Pagsulat sa Timeline ng mga Pangyayari
Ikalawang Markahan - Ikatlong Linggo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng kagamitan. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anomang parte nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot sa Kagawaran.
Bumuo sa Pagsusulat ng Kagamitan
sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto

Manunulat: Jazzie T. Santander


Editor: Mary Anne C. Angeles
Tagasuri: Jhoana D. Esposo
Tagaguhit at Taga-anyo: Larjay H. Deliguin
Tagalapat: Albin Lee A. Arabe at Janmar A. Molina
Tagapamahala: Leonardo D. Zapanta EdD, CESO V
Michelle Ablian-Mejica EdD
Manolito B. Basilio EdD
Ma. Lilybeth M. Bacolor EdD
Garry M. Achacoso
Rachelle C. Diviva

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon


Rehiyon III
Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales
Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph
Pagsulat sa Timeline
ng mga Pangyayari

Panimula

Lahat tayo ay may mga karanasang hindi malilimutan


tungkol sa pamilya, sa kaibigan o maging sa mga pangyayaring
hindi nawawala sa isipan. Maaring ito ay masaya, malungkot,
nakakatakot, nakakaiyak o nakakatawa.

Sa araling ito, mailalarawan mo ang mahahalagang pangyayari


sa iyong buhay o sa buhay ng ibang tao sa pamamagitan ng
paggawa ng timeline.

Handa ka na bang matuto?

Kasanayang Pampagkatuto

Nakasusulat ng timeline tungkol sa mga pangyayari sa


binasang teksto. (F4PU-IIc-d-2.1)

1|Pahina
Mga Layunin
Sa Pagtatapos ng Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:
1. nakikilala ang timeline at ang gamit nito sa pag-aaral ng
mahahalagang pangyayari sa buhay hanggang sa
kasalukuyang edad;
2. napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa timeline ayon
sa larawan; at
3. nakabubuo ng timeline ng mga pangyayari tungkol sa
nabasang teksto.

Balik Aral

Bigyan ng hinuha ang mga sumusunod na teksto. Piliin ang


letra ng inyong sagot.

1. Nagtungo sa kagubatan ang mga mandirigma upang


hanapin ang nawawalang prinsesa.
a. Nawala sa gubat ang mga mandirigmang naghanap sa
prinsesa.
b. Natagpuan ng mga mandirigma ang prinsesa at
nagdiwang ang kaharian.
c. Umuwing luhaan ang mga mandirigma.
d. Nabigo ang mga mandirigma sa paghahanap sa prinsesa.

2|Pahina
2. Masayang nagtatakbuhan ang mga mag-aaral isang umaga
sa loob ng paaralan. Walang ano-ano’y biglang kumalembang
ang kampana ng paaralan.
a.Hudyat na upang maglaro ang mga bata.
b.Oras na upang magsimula ang klase.
c.Tinatawag ang mga batang nagtatakbuhan ng kanilang
punongguro.
d.Pipila na ang mga bata upang magbigay respeto sa
watawat ng Pilipinas.

3. Malayo ang tirahan ng batang si Liza. Araw-araw ay


naglalakad siya pagpasok at pauwi ng paaralan. Sa kaniyang
paglalakad nanlaki ang kaniyang mata nang may makita sa
damuhang nilalakaran.
a. Nakakita ng ahas sa damuhan si Liza.
b. Nadumihan ang paa ni Liza sa pag-apak sa damuhan.
c. Nakakita ng batang multo si Liza sa damuhan.
d. Nakakita ng sampung piso si Liza sa nilalakaran.
4. Masipag mag-aral ang magkakapatid na Anton, Bebang at
Juana, bagama’t kapos sa buhay ay hindi nila pinababayaan
ang kanilang pag-aaral.
a. Nakatapos sa pag-aaral ang magkakapatid at nakakuha
ng magandang trabaho.
b. Huminto sa pag-aaral ang magkakapatid dahil mas
kailangan nila kumita ng pera.
c. Nagtrabaho ang magkakapatid upang makatapos ng pag-
aaral.
d. Kahit kapos sa buhay ay nagsumikap ang magkakapatid
na mag-aral..
5. Halos gabi-gabi ay nagpupuyat si Anton sa paglalaro ng
Mobile Legend. Madaling araw na siya natutulog. Kung
minsan pa nga ay hindi na siya nakakatulog dahil sa
3|Pahina
kagustuhang makapaglaro. Hanggang sa isang araw nakita
na lamang ng ina na nakahiga si Anton sa kanyang kama.
a. Hindi na nakayanan ni Anton ang sobrang puyat at siya
ay nakatulog.
b. Nagkaroon ng sakit si Anton dahil sa kalalaro ng ML.
c. Nagsawa nang maglaro si Anton ng ML.
d. Sumakit ang ulo ni Anton dahil sa pagod at puyat.

Pagtalakay sa Paksa
Pangyayari sa Buhay ng Pamilya Balagtas
ni Jazzie Tiong- Santander
Magsaysay E/S, Castillejos Zambales

Taong 2011 nang magpasyang lumagay sa tahimik ang


magkasintahang Nanding at Anita. Mula nang ikasal ay napuno
ng pagmamahalan ang kanilang ipinatayong munting tahanan.

Kahit masaya ang kanilang pagsasama ay tila ba may


kulang sa kanilang buhay. “Kailan kaya tayo mabibiyayaan ng
supling?” ang sabi ni Anita sa asawa. “Magdasal lang tayo asawa
ko, ibibigay din ng Diyos ang ninanais mo” ang sabi ni Nanding
sa asawa.

Lumipas ang dalawang taon, dininig ang kanilang


panalangin. Tuwang-tuwa ang mag-asawa sa biyayang laan ng
langit sa kanila. Halos araw-araw na kinakausap ni Anita ang
supling na nasa sinapupunan niya.

Taong 2014 nang masilayan nila ang kanilang hiling na


supling. Walang pagsidlan ang tuwa ng mag-asawang Balagtas
nang masilayan ang anak.

4|Pahina
Lumipas pa ang isang taon lalong nagbigay ng kasiyahan
ang munting supling sa mag asawa nang ito ay magdiwang ng
unang kaarawan.

Halina at ating suriin ang talaan ng mahahalagang


pangyayari sa buhay nang pamilya Balagtas.

Halina at ating suriin ang talaan ng mahahalagang pangyayari


sa buhay nang pamilya Balagtas.

Mga Pangyayari sa Buhay ng Pamilya Balagtas

2011 201 3 201 4 201 5

1. Ano-anong pangyayari ang nakikita sa larawan?


2. Mahalaga ba ang mga pangyayari sa pamilya Balagtas? Bakit?
3. Ano ang napansin mo sa pagkakatala ng mga pangyayari?

5|Pahina
Alam mo ba?

Ang Timeline ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng


mga pangyayari base sa paglipas ng panahon.

Ipinapakita nito kung kailan naganap ang mga pangyayari


at ang mga bagay na nagbago. Maitala ang sunod-sunod na
pangyayari sa buhay, kasaysayan o anumang gawain na gusto
nating ilarawan.

Nagpapakita ito ng talahanayan ng mga importanteng


kaganapan sa mga nakaraang taon o kaganapan na lumipas na.

Gawain

Pinatnubayang Pagsasanay 1
Panuto: Gamit ang mga oras na makikita sa mga kahon.
Sumulat ng isang pangyayari na kadalasan ninyong ginagawa
gamit ang nasabing talahanayan.

Mga Pang araw araw na


Mga Bagay na Ginagawa
Gawain

6:30 ng umaga
8:00 ng umaga
12:00 ng tanghali
4:00 ng hapon
6:00 ng gabi

6|Pahina
Pinatnubayang Pagsasanay 2

Panuto: Lagyan ng bilang 1-5 ang mga larawan ayon sa


pagkakasunod sunod ng pangyayari sa timeline.

hina

Pang-isahang Pagsasanay

Panuto: Basahin ang teksto tungkol sa dating Pangulong Ramon


Magsaysay. Pagkatapos ay gawan ng timeline ang mahahalagang
pangyayari sa kaniyang buhay.

Talambuhay ni Pangulong Magsaysay

Si Ramon Magsaysay ay ang ika-7 Pangulo ng Pilipinas na


kilala bilang "the Guy" o "Presidente ng Masang Pilipino". Siya ay
ipinanganak sa Iba, Zambales noong Agosto 31, 1907 at
pangalawang anak ni Exequiel Magsaysay at Perfecta del Fierro.
Ang kanyang ama ay isang panday at ang kanyang ina naman ay
isang guro sa kanilang lugar sa Zambales.

Nag-aral ng elementarya si Ramon sa bayan ng Castillejos,


Zambales at sekundarya sa Zambales Academy sa San Narciso
Zambales. Noong 1927, siya ay pumasok sa Unibersidad ng
Pilipinas sa kursong may kinalaman sa medisina ngunit noong

7|Pahina
taong 1928 ay lumipat si Magsaysay sa Jose Rizal College at
kung saan siya ay nagtapos sa kursong Commerce.

Noong 1933 ay ikinasal si Magsaysay kay Luz Banzon at


sila ay biniyayaan ng tatlong anak at ito ay sina Teresita,
Milagros at Ramon Magsaysay Jr.

Noong 1950 naman ay nahalal siya bilang Secretary of


Defense at matagumpay na napasuko ang grupong
HUKBALAHAP. Tumagal ang kanyang panunungkulan hanggang
1953 at kalauna'y nagresign at naging Presidential Candidate
laban kay dating pangulong Elpidio Quirino.

Naging matagumpay ang pagtakbo ni Magsaysay at nang


taong ding iyon ay nanumpa bilang ika-pitong presidente ng

Pilipinas.

Noong December 30, 1957, pabalik na ng Maynila galing


Cebu si Pangulong Ramon Magsaysay at ang tatlumpu’t anim na
kasama nito ay namatay sa plane crash.

Talambuhay ni Pangulong Ramon Magsaysay

Agosto 31, 1907______________________ 1927________________

_____________________________________ 1928 _______________

_____________________________________ 1933 _______________

_____________________________________ 1950 _______________

_____________________________________ 1953 _______________

December 30, 1957____________________________________________

8|Pahina
Pagsusulit

Panuto: Gumupit ng larawan ng mga pagdiriwang sa inyong


pamilya mula noong ikaw ay ipinanganak upang makabuo ng
isang timeline.

Mga Pagdiriwang na Kasama ang Aking Pamilya

Pangwakas

Piliin ang letra ng inyong sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Ito ang mga pagkakasunod-sunod ng mga mahahalagang


pangyayari sa buhay ng tao.
a. Timeline c. kaarawan
b. edad d. pangyayari
2. Ang unang pangyayari sa buhay ng isang tao.
a. kamatayan c. kasal
b. kapanganakan d. binyag
3. Ano ang nilalaman ng timeline?
a. petsa at taon ng mahahalagang pangyayari

9|Pahina
b. mga karanasan ng isang tao sa buhay
c. mga pagsubok na dumating sa buhay ng isang tao
d. lahat ng nabanggit
4. Saan ginagamit ang timeline?
a. sa pagkukuwento ng mga pangyayari sa buhay
b. sa mga hindi malilimutang pangyayari
c. sa pagguhit ng mga pangyayari
d. lahat ng nabanggit
5. Ano ang nasa larawan?

a.Talahanayan ng pangyayari sa buhay ng tao

b.Timeline ng pagsasaya
ng isang tao

c.Timeline ng paglalaro

d.Timeline ng pagiging
bata

Mga Sanggunian

Bagong Filipino.blogspot.com “Bagong Bayani”


https://bayaningfilipino.blogspot.com/2017/08/talambuha
yniramon-magsaysay.html

Brainly.ph - For students. By students.


https://brainly.ph

https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-1-
learnersmaterial-in-araling-panlipunan-q1q4

10 | P a h i n a
11 | P a h i n a
Balik-Aral Pangwakas
Maaaring magkakaiba ang sagot ng Maaring magkakaiba ang sagot ng
mga bata sa pagbibigay ng hinuha mga bata sa pagbibigay hinuha
Pagsusulit
Pinatnubayang Pagsasanay 1
1. A
Maaring magkakaiba ang sagot ng
2. B
mga bata
3. A
4. A
Pinatnubayang Pagsasanay 2
5. A
4 1 2 5 3
Pang Isahang Pagsasanay
Timeline ni Ramon Magsaysay
Agosto 31, 1907
Ipinanganak si Ramon Magsaysay
Agosto 1927
Pumasok sa Unibersidad ng Pilipinas
upang mag-aral ng medisina
1928
Lumipat sa Jose Rizal College
1933
Ikinasal kay Luz Banzon
1950
Nahalal bilang Secretary of Defense
1953
Naging Presidential Candidate
December 30, 1957
Namatay sa plane crash
Susi sa Pagwawasto
Pasasalamat

Ipinaaabot ng Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales


ang taos-pusong pasasalamat sa mga sumusunod, na nakapag-ambag ng
tagumpay para sa paghahanda, pag-unlad, pagtiyak ng kalidad, paglimbag
at pamamahagi ng Ikalawang Markahang Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto sa lahat ng asignatura sa iba’t ibang antas bilang
tugon sa pagbibigay sa mag-aaral ng naaangkop na kagamitang
pampagkatuto hango sa Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto
(MELCs) - ayon sa mga pagsasanay na nakabatay sa mga pamantayan ng
pinatnubayang kasanayan at tuwirang pagtuturo:

Una, ang Learning Resource Development Team na binubuo ng mga


manunulat, tagaguhit at taga-anyo sa kanilang iginugol na panahon at
kakayahan upang makabuo ng iba’t ibang kinakailangang kagamitang
pampagkatuto.

Ikalawa, ang mga tagapatnugot sa nilalaman, tagasuring pangwika, at


mga tagasuring pandisenyo na maingat na nagwasto at bumuo sa lahat ng
Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto upang matiyak ang
kawastuhan at katugunan sa mga pamantayan ng Kagawaran ng
Edukasyon;

Ikatlo, ang Panlalawigang Pamahalaan ng Zambales sa kanilang


patuloy na paglalaan ng tulong-pinansyal upang mapunan ang gugugulin sa
paglilimbag ng mga kagamitang pampagkatuto na magagamit ng mga
magulang at mag-aaral sa tahanan.

Ikaapat, ang mga gurong tagapatnubay at mga guro sa bawat


asignatura sa kanilang malapit na pakikipag-ugnayan sa mga punongguro,
sa kanilang lingguhang pamamahagi at pagbabalik ng mga Kagamitan sa
Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto at sa kanilang madalas na
pagsubaybay sa pag-unlad ng mag-aaral sa lahat ng paraan; at

Panghuli, ang mga magulang at iba pang pantahanang tagapagdaloy


sa kanilang pagbibigay sa mag-aaral ng kinakailangang patnubay at gabay
upang maisagawa ang mga gawain at upang patuloy na matulungan ang
bawat mag-aaral na maging responsableng indibiduwal sa hinaharap.

Sa inyong patuloy na paghahatid ng kaalaman sa mapanghamong


panahon ay lubos na makamit ang sama-samang pagpupunyagi at matibay
na malasakit na pagsilbihan ang ating mag-aaral na Zambaleño.

Muli, ang aming walang hanggang pasasalamat!

Tagapamahala
Para sa katanungan o karagdagang puna,
maaaring sumulat o tumawag sa:

Schools Division of Zambales


Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph

You might also like