You are on page 1of 14

Department of Education

Region III
DIVISION OF CITY OF SAN FERNANDO

Self-Instructional Packets (SIPacks)


Edukasyon sa Pagpapakatao 6
Ikatlong Markahan
Ika-anim na Linggo

Mungkahing Timeline sa Paggawa ng SIPacks sa ESP


BAWAT LINGGO
A. Balik-aral sa nakaraang aralin/pagsisimula ng bagong Alalahanin
aralin Sagutin
Unang B. Paghahabi ng layunin sa aralin (Ano ang inaasahang
Basahin
Araw Maipamalas Mo)
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin
Sagutin
(Alamin Mo)
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng
Sagutin
Ikalawang bagong kasanayan #1 (Isagawa Mo)
Araw E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng
Sagutin
bagong kaalaman #2 Isapuso Mo
Ikatlong
F. Paglinang ng Kabihasaan (Tandaan Mo) Basahin
Araw
G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay
Sagutin
Ikaapat (Isabuhay)
na Araw H. Paglalahat ng Aralin (Paghinuha ng Mahalagang Basahin o
Konsepto) Sagutin
Ikalimang I. Pagtataya ng Aralin (Subukin) Sagutin
Araw J. Karagdagang gawain/takdang-aralin Sagutin

*maaaring sagutin ang mga gawain sa EsP ayon sa itinakdang oras ng inyong
paaralan

PANGKALAHATANG PANUTO
Sa mag-aaral:
Sa iyong pagbabasa, isaisip mo na ang mga ginawang SIPacks na ito ay
makapagbibigay ng dagdag-kaalaman at impormasyon sa iyo bilang mag-aaral.
Lilinangin din ng mga aralin ang iyong kasanayan na nakabatay sa
Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto o MELCs. May mga nakatakdang
gawain na iyong sasagutin sa bawat pahina para sa isang linggong aralin.

i
Para malubos ang paggamit sa mga kagamitang pagkatuto (SIPacks),
isaalang-alang ang mga sumusunod na paalala:

1. Huwag madaliin ang pagbabasa. Unawaing mabuti ang aralin.


2. Alamin sa iyong guro kung sa mga SIPacks sasagot o gagamit ng sagutang
papel.
Kung hindi susulatan ang mga SIPacks sundin ang panuto 3 & 4
3. Isusulat ang lahat ng iyong sagot sa ISANG BUONG PILAS NG PAPEL ng
PAD PAPER (one whole sheet) bilang SAGUTANG PAPEL (Answer Sheet)
4. HUWAG KALIMUTANG isulat ang mga sumusunod na impormasyon sa iyong
SAGUTANG PAPEL bago sumagot sa mga gawain.

a. Ang Iyong Buong Pangalan (mag-aaral) e. Bilang ng Kwarter


b. Ang Iyong Antas at Pangkat f. Linggo ng Pagsagot
c. Asignatura at Petsa ng Pagsagot g. Bilang ng Gawain, Pamagat at
d. Pangalan ng Iyong Guro sa Nasabing Asignatura Bilang ng mga Aytem

Narito ang isang halimbawang ilustrasyon ng mga panuto sa itaas:

Buong Pangalan: (Hal. Juan P. Dela Cruz) Asignatura: (Hal. ESP 6) Kwarter: (Hal. 3)
Antas at Pangkat: (Hal. 6 Sagittarius) Pangalan ng Guro: (Hal. Rizza Y. Malang)
Linggo ng Pagsagot: (Hal. Ika-anim na Linggo) Petsa ng Pagsagot: (Hal. March 22-26,2021)

Gawain blg. __ Pamagat ng Gawain:_______________

1.
2.
3.
4.

Gawain blg. __ Pamagat ng Gawain:_______________

1.
2.
3.

5. Tandaan na ang lahat ng mga gawain na iyong sasagutin ay magsisilbing


awtput at ibibigay sa iyong guro sa nasabing asignatura para iwasto at itala
sa class record.
6. Kapag nahihirapan o hindi maintindihan makipag-ugnayan sa inyong
guro sa EsP.
7. Higit sa lahat, ialay sa Panginoon ang lakas at talino na ibibigay mo sa
pagsagot sa mga aralin.

ii
Edukasyon sa Pagpapakatao 6
Ikatlong Markahan – Ika-anim na Linggo

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman (Content Standards)
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagmamahal sa bansa at
pandaigdigang pagkakaisa tungo sa isang maundlad, mapayapa at
mapagkalingang pamayanan

B. Pamantayan sa Pagganap (Performance Standards)

Naisasagawa ang mga gawain na may kaugnayan sa kapayaan at kaayusan


tungo sa pandaigdigang pagkakaisa

C. Pamantayan sa Pagkatuto (Learning Competencies)

1. Naisasakilos ang pagtupad sa mga batas pambansa at pandaigdigan:

1.1 pagtupad sa mga batas para sa kaligtasan sa daan; pangkalusugan;


pangkapaligiran; pag-abuso sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot;
1.2 lumalahok sa mga kampanya at programa para sa pagpapatupad ng batas
tulad ng pagbabawal sa paninigarilyo, pananakit sa hayop, at iba pa; at
1.3 tumutulong sa makakayanang paraan ng pagpapanatili ng kapayapaan
(EsP6PPP- IIIh-i–40)

II. NILALAMAN
Paksa: Pagtupad sa Batas nang may Kasiyahan
Kaugnay na Pagpapahalaga: Disiplina, kapayapaan, pakikilahok

III. KAGAMITANG PANTURO


A. Sanggunian:
Ylarde, Zenaida R., and Peralta, Gloria A. Ugaling Pilipino sa Makabagong
Panahon. 1946-A F. Torres St., cor. Diamante Ext. Sta. Ana, Manila:
VICASISH Publication and Trading, Inc. 2016.
Ph.114-119, 120-125, 126-131

B. Iba pang sanggunian


https://www.scribd.com/doc/83496714/Rubric-Para-Sa-Poster
https://images.app.goo.gl/ELESJKZDkkfaHunU9

1
IV. PAMARAAN
A. Balik-aral sa Nakaraang aralin at/o Pagsisimula ng Bagong Aralin
Magandang buhay! Kumusta ang gising mo? Naipakita mo ba sa iyong
takdang aralin ang iyong pagkamalikhain? Marahil ikaw ay handa na para sa ating
susunod na aralin.
Ang mga batas at patakarang ginagawa ng tao ay para rin sa ikabubuti ng
tao. Ito ay isang katotohanang dapat nating alalahanin sa mga pagkakataong tila
tayo ay natutuksong hindi sumunod sa batas at patakaran. Halimbawa, kapag tayo
ay natutuksong tumawid sa 'di tamang tawiran dahil walang nakabantay na pulis,
dapat ay isipin natin na naririyan ang tamang tawiran upang tiyakin na ligtas tayong
makatatawid sa kalsada. Gayundin naman, ang pagsunod sa batas at patakaran ay
masasabing daan tungo sa ating pag-unlad. Halimbawa, ang pagbabayad ng buwis
ng mga mamamayan ang pinagmumulan ng bawat proyektong pangkaunlaran at
pangkalusugan na kinakailangan upang umunlad ang ating bansa. Bukod pa rito,
nakatutulong din sa pagkakaroon ng katahimikan at kaayusan ang pagsunod sa
batas ng mga mamamayan, dahil kapag walang sumusuway sa batas, payapa ang
pamumuhay ng bawat isa.
Bago tayo tumungo sa ating aralin basahin ang pahayag sa ibaba.

Bilang isang mamamayang Pilipino


Ako ay susunod sa mga batas na itinakda
Tungo sa maayos at mapayapang bansa

Ayon sa binasang pahayag, ano kaya ang ating bagong aralin?

Gawain 1: Tama o Mali.

Panuto: Isulat ang Tama kung ito ay dapat gawin at Mali naman kung hindi. Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel.

______1. Itinatapon ko ang aking basura kahit saan.


______2. Tumatawid ako sa tamang tawiran.
______3. Sumusunod ako sa mga protocols ng pamahalaan tungkol sa pag-
iwas sa COVID-19.
______4. Lumalabas ako ng bahay sa panahon ng quarantine.
______5. Tumutulong ako sa pagpapanatiling malinis ang kapaligiran.

Pag-isipan ang mga sagot sa mga sumusunod na tanong.


1. Bakit kailangang sumunod sa mga batas ng lipunan?
2. Sa iyong palagay, ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng iba’t-ibang
mga batas?
3. May batas bang ipinapatupad sa inyong lugar? Magtala ng 3 o 5 batas.

2
B. Paghahabi ng Layunin sa Aralin
Sa linggong ito, ang nilalaman ng iyong aralin ay tungkol sa pagtupad sa mga
batas pambansa at pandaigdigan at ang kahalagahan ng mga ito sa pagpapanatili
ng kapayapaan. Ngayon, ating subukan ang iyong nalalaman tungkol sa batas
pambansa at pandaigdigan? Handa ka na ba?

Narito ang mga dapat kong malaman sa araling ito:

1. natutukoy ang mga batas na pangkalsada, pangkalusugan, pangkapaligiran at


pag-abuso sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot;
2. naipaliliwanag kung bakit kailangang ipatupad na mabuti at hindi pabago-bago
ang mga batas; at
3. natutukoy ang mga paraan sa pagpapaunlad ng paggalang sa mga batas
at awtoridad.

C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin


(Alamin Mo)
Gawain 2: Larawan-Suri

Panuto: Suriin ang mga larawan. Tukuyin kung ano ang batas/patakaran na
ipinapahiwatig ng mga larawan na nasa ibaba. Ipaliwanag ang kahalagahan ng
pagsunod sa mga batas na ito. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1.

2.

3.

3
4.

5.

D. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong


Kasanayan #1 (Isagawa Mo)
Gaano mo kaalam ang mga batas na pangkalsada, pangkalusugan, at
pangkapaligiran?
Basahin ang mga batas sa ibaba. Alamin kung ano ang nilalaman ng
bawat isa.

PHILIPPINE CLEAN COMPREHENSIVE


SEAT BELT LAW AIR ACT DANGEROUS
DRUGS ACT OF 2002
RA 8750 o Seat Belt UseRA 8749 o Philippine Ano ang Republic Act
Act of 1999 Sa ilalim ng
Clean Air Act of 1999 Ito 9165?
nabanggit na batas, ay naglalayong Ang Republic Act 9165 ang
papatawan ng panatilihing malinis ang tinaguriang Comprehensive
kaparusahan ang mga hangin sa pamamagitan Dangerous Drugs Act of
tsuper, operator, may-ari
ng pagbuo ng mga 2002.
ng sasakyan pati ang mga
pambansang programa at Ano ang layunin ng
manufacturer; assembler,
pagpigil sa polusyon sa RA9165? Layunin ng
importer at distributor ng
hangin. RA9165 na pangalagaan
mga sasakyan na hindi Ang DENR o Department ang kapakanan ng
of Environment and
tumatalima sa paglalagay mamamayan, lalung-lalo na
at paggamit ng seat belt.
Natural Resources ay ang mga kabataan, laban
inaatasan ng batas na sa pinsalang dulot ng
Sa seksyon 4 ng batas, magsagawa ng mga droga.
ang nagmamaneho at ang polisiya at programa
pasahero sa unahan ng upang epektibong Sino-sino ang nasasakop
pampubliko o pribado makontrol at mapigilan ng RA 9165?

4
mang sasakyan ay ang polusyon sa hangin Mapaparusahan sa ilalim
obligadong gumamit ng sa bansa. Katuwang ng ng batas RA 9165 ang mga
kanilang seat belt habang DENR ang ilang ahensiya taong: nagbebenta; at
umaandar ang sasakyan. ng gobyerno gaya ng gumagamit ng
National Statistical ipinagbabawal o ilegal na
Sa seksyon 5 ng batas, Coordination Board, mga droga at mga kauri nito.
ipinagbabawal ang lokal na pamahalaan at Paano makakatulong ang
pagpapaupo sa unahan non-government RA 9165 sa anti-drug policy
ng sasakyan ng mga organizations. ng pamahalaan? Sa
batang anim na taong Ang nasabing ahensiya ay pamamagitan ng RA9165,
gulang pababa. inaatasan ding bumuo ng titiyakin ng pamahalaan na:
emission standards para mahuhuli ang mga taong
sa mga industriya at mga nagbebenta at gumagamit
katulad na ng ipinababawaI na gamot
establisyamento na at mapapatawan sila ng
naglalabas ng mga kaukulang parusa;
pollutant sa hangin. Ang magkakaroon ng isang
mga nasabing pambansang programa sa
pamantayan ay pagsugpo sa pagkalat ng
nagsasaad ng maximum ilegal na droga upang ang
limit ng pollutant na mga taong
maaaring ibuga ng mga nangangailangan ng gamot
industriya. na ipingbabawal ay
Bukod dito, ipinagbabawal malayang makagamit nito
din ng batas ang para sa kanilang
paninigarilyo sa mga karamdaman; at
pampublikong gusali, mga magkakaroon ng tuloy-tuloy
pampublikong sasakyan at na programa para sa
iba pang lugar na hindi gamutan at rehabilitasyon
itinalaga para sa ng mga nagiging biktima ng
paninigarilyo at ang pang-aabuso ng gamot.
pagsusunog (incineration)
ng mga biochemical at
hazardous waste na
maaaring magsanhi ng
mga mapanganib na
pollutant.

REPUBLIC ACT NO. REPUBLIC ACT NO. REPUBLIC ACT NO.


9003 (Ecological Solid 9211 (Tobacco Regulation 8485 na mas kilala sa
Waste Management Act of Act of 2003) tawag na Animal Welfare
2000) Batas Ukol sa Pagkontrol Act of 1998
Mahigpit na ipinagbabawal sa Paggamit ng Ang unang batas na
ang pagtapon ng basura Produktong Tabako komprehensibong
sa mga pribado at Ipinagbabawal ng batas na nagtadhana sa tama at
pampublikong lugar. Ang ito ang paninigarilyo sa makataong pangangalaga
sinumang lumabag ay mga pampublikong lugar ng mga mamamayan sa

5
magmumulta ng hindi gaya ng elevator, airport, lahat ng hayop sa
bababa sa 300 piso ngunit terminal, restawran, Pilipinas. Sinasabi ng
hindi lalagpas sa 1,000 ospital, at paaralan. batas na dapat mabigyan
piso o magsasagawa ng Nakasaad din sa batas na ang lahat ng hayop ng
community service ng ito ang pagbabawal sa wastong pangangalaga at
ilang araw ngunit hindi mga menor de edad, o maaaring maparusahan
lalagpas sa 15 araw. mga indibidwal edad 18 ang sinumang
pababa, sa pagbili, mapatunayang lumalabag
pagbenta, at paghithit ng dito.
sigarilyo at iba pang
produktong tabako.

Gawain 3: Mga Batas, Alamin Mo!

Panuto: Isulat ang batas na tinutukoy at magbigay ng isang pangungusap na


nilalaman nito. Gawin ito sa sagutang papel.

Pangalan ng Batas Nilalaman ng Batas


1. Pangkapaligiran
2. Kaligtasan sa Daan
3. Pang-aabuso sa
ipinagbabawal na gamut
4. Pangkalusugan
5. Pagbabawal sa
paninigarilyo
6. Pananakit sa hayop

E. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong


Kasanayan #2 (Isapuso Mo)
Tayong mga Pilipino ay kilala sa pagiging masayahing tao sa buong mundo.
Mga sakuna gaya ng baha, lindol o maging ang pandemya na kinakaharap natin
ngayon ay hindi magiging hadlang upang mawala ang mga ngiti sa ating mga labi.
Bagkus ang mga sakunang ito ang dahilan upang tayo ay lumaban at magsumikap
na abutin ang mga pangarap natin sa buhay kagaya ng pagkakaroon ng
kapayapaan, hindi lang sa ating bansa, kung hindi maging sa buong mundo.
Ngunit paano nga ba natin makakamtan ang kapayapaang matagal na nating
pinapangarap na maabot? Naitanong mo na ba sa iyong sarili kung bakit lagi tayong
nakararanas ng mga ganitong klase ng sakuna? Idagdag pa dito ang nakakatakot na
COVID-19 virus na naging sanhi upang maharap tayo sa sitwasyon natin ngayon.
Marahil ang mga tao ang dahilan nito. Marami sa atin ang umaabuso sa ating
mga likas na yaman dahil sa mga illegal na gawain gaya ng pagpuputol ng mga
puno sa mga kabundukan, paggamit ng mga dinamita sa pangingisda, pagtatapon
ng basura kahit saan, pagsusunog at iba pa. Nagagawa ng ibang tao ang mga ito

6
dahil hindi nila kinikilala o sinusunod ang mga batas ng ating pamahalaan. Kung
hindi tayo susunod sa mga batas na ipinaiiral ng ating pamahalaan, paano natin
makakamit ang kapayapaang matagal na nating gustong makamtan? Kaya
nararapat lamang na bawat isa sa atin ay matutong tumupad sa mga batas, lumahok
at tumulong sa mga programa ng pamahalaan na may kinalaman sa kapayapaan.

Gawain 4: Larawan - Suri

Panuto: Tignan at gawing basehan ang larawan na nasa ibaba. Bumuo ng tatlong
pangungusap kung paano ka makatutulong sa pagkamit ng kapayapaan sa ating
bansa o sa buong mundo. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1.

2.

3.

https://images.app.goo.gl/ELESJKZDkkfaHunU9

F. Paglinang ng Kabihasaan (Tandaan Mo)

Unawain mo at intindihin ang babasahin:


Ang mga batas ay isinagawa upang ang bawat isa ay tahimik na mamuhay
sapagkat ito ay dapat sundin para sa ikabubuti nating lahat. May batas ng tao at may
batas ng Diyos. Kung ang batas ng tao ay sinusunod para sa ikatatahimik nating
lahat, ang batas ng Diyos o ang Sampung Utos ay ibinigay sa atin ng Panginoon sa
pamamagitan ni Moises sa upang tayo ay maging mabuting tao dahil hangad ng
ating Lumikha na tayo ay mapabuti para sa ikatatahimik ng ating kaluluwa at sa
pagdating ng panahon ay makakasama natin Siya sa buhay na walang hanggan.
Ang batas ng tao ay mga tuntunin upang mas maging maayos ang isang
bansa. Kailangan itong sundin upang mapanatili natin ang pagiging payapa ng ating
pamumuhay at hindi na makasagabal sa iba pang mamamayan.
Ang batas ay ginawa upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng bawat
isa, kung sinuman ang lalabag sa mga batas na ipinatutupad ng pamahalaan ay may
nakalaang parusa, pagmumulta o pagkakakulong.

Ang kahalagahan ng pagsunod sa mga batas, kautusan at alituntunin:


1. Mahalalaga na sumunod tayo sa mga batas, kautusan at alituntunin na
ipinatutupad dahil ang mga ito ay ginawa para sa ating kabutihan.
2. Mahalaga ang pagsunod sa mga batas, kautusan at alituntunin upang hindi
tayo mapahamak

7
3. Mahalaga ang pagsunod sa batas, kautusan at alituntunin upang mas umunlad
ang ating bayan.
4. Ang pagsunod sa batas, kautusan at alituntunin ay pagpapakita na ikaw ay isang
mabuting mamamayan

Pagnilayan ang mga sumusunod na tanong:


1.Ano ang batas? Bakit mahalaga ang pagsunod sa batas?
2. Paano nakakatulong ang batas sa pagkamit ng kapayapaan?
3. Anong mga pagpapahalaga ang dapat nating linangin upang makasunod sa mga
ipinapatupad na batas at makamit ang kapayapaan?

G. Paglalapat ng aralin sa Pang-araw-araw na Buhay


(Isabuhay Mo)
Maraming mga programang pangkapaligiran, pangkalusugan at pangkalsada
ang inilulunsad ng ating pamahalaan. At bawat mamamayan ay nararapat lamang
na makilahok o tumulong sa pagpapatupad ng mga ito.

Gawain 5: Programa: Salihan Na!

Panuto: Gamit ang tsart sa ibaba, magbigay ng halimbawang programa na


pangkapaligiran, pangkalusugan at pangkalsada at paraan kung paano ito
maisasagawa. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Programa Paraan ng Pagsasagawa

1.Pangkapaligiran

2. Pangkalusugan

3. Pangkalsada

H. Paglalahat ng Aralin (Paghinuha ng Mahalagang Konsepto)


Ang batas ay isinagawa upang mapanatili natin ang kaayusan hindi lamang
sa ating tahanan, paaralan, pamayanan kundi maging sa pandaigdigan. Maipakikita
natin ang ating disiplina sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas ng ating
pamahalaan. Ito ay tungo sa pandaigdigang pagkakaisa. Ang pagtupad sa mga
batas ay nakatutulong sa pagkakaroon ng katahimikan at kaayusan sa isang bansa
at ang bawat paglabag dito ay may nakalaan na parusa.

Gawain 6: Pagbuo ng Konsepto

Panuto: Buuin ang mga pahayag batay sa napag-aralan. Piliin sa mga salita na
nasa loob ng kahon ang naaangkop na sagot sa bawat bilang. Isulat ang iyong sagot
sa sagutang papel.

8
kapayapaan kaayusan magsilbing ar al
pagpapatupad pagkilala kabutihan

disiplina impormasyon serbisyo


pagpapatupad ng batas payapa at masaya batas

1. Ang mga batas ay isinasagawa at ipinatutupad upang rnägkaroon ng


__________ at kaayusan.
2. lnaasahan na ang mga mamamayan ay susunod sa batas upang
magkaroon ng __________.
3. Ang mga batas pangkalusugan ay makatutulong sa mga mag-aaral sa
pamamagitan ng pagbibigay ng tamang __________ at pagpapatupad nito.
4. Pinarurusahan ng batas ang mga sumusuway upang ito ay __________.
5. Kapag may kaayusan sa pamayanan, ang mga rnamamayan ay __________.
6. Sa pagpapatupad at pagsunod sa mga batas mahalaga ang pagkakaroon
ng __________.
7. Ang kalayaan ay matatamasa ng mga tao kapag sila ay sumusunod
sa mga __________.
8. Dapat na pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang __________ ng mga batas.
9. Mas magiging maunlad ang ating bansa at ang mundo kung lahat ay __________.
10. Ang mga batas at patakarang ginagawa ng mga tao ay para rin sa
__________ ng tao.

I. Pagtataya ng Aralin (Subukin Mo)

Gawain 7: Kaya Mo Ito!

A. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat ang TAMA kung
wasto ang pinapahayag nito at MALI kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong sagutang
papel.

________1. Ang pagtupad sa mga batas ng pamahalaan ay mga balakid lamang sa


kung ano ang nais nating gawin.
________2. Makatutulong ang disiplina sa sarili upang makamit ang kapayapaan.
________3. Nararapat lamang na ingatan at pahalagahan ang ating kapaligiran
dahil dito rin tayo kumukuha ng ating ikinabubuhay.
________4. Bilang isang mamamayan sa inyong barangay, maaaring huwag ka na
lang kumibo kapag ikaw ay may nakitang nagtatapon ng basura
kahit saan.
________5. Ugaliing sumunod sa mga batas pangkalsada upang makaiwas
sa disgrasya.

9
B. Pagtugmain

Panuto: Piliin sa Hanay B ang katumbas na batas na nasa Hanay A. Isulat ang letra
ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

Hanay A Hanay B

1. Republic Act 9165 A. Philippine Clean Air Act of 1999


2. Republic Act No. 9003 B. Ecological Solid Waste
Management Act of 2000
3. Republic Act No. 8485 C. Comprehensive Dangerous Drugs
Act of 2002
4. Republic Act 8750 D. Seat Belt Use Act of 1999
5. Republic Act 8749 E. Animal Welfare Act of 1998

J. Karagdagang Gawain / Takdang-Aralin


Gawain 8: Paggawa ng Poster

Panuto: Pumili ng isang paksa sa ibaba. Ipakita ang pagmamahal mo sa iyong


bayan sa pamamagitan ng pagguhit. Lagyan ng maikling pagpapaliwanag.

1. Tumutupad ako sa Batas nang may Kasiyahan


2. Katulong tayo sa Pagpapatupad ng Batas
3. Kapayapaan, Sisikapin Ko

Rubrik sa Pagmamarka

Pamantayan Indicator Puntos


1. Nilalaman/ Naipakita at naipaliwanag ng maayos ang 6
Kaangkupan mensahe sa paglalarawan ng konsepto
Ng konsepto
2. Pagkamalikhain Orihinal ang ideya at gumamit ng tamang 5
kombinasyon ng kulay upang mailahad ang
nilalaman at mensahe
3. Kabuuang Malinis at maayos ang presentasyon 4
presentasyon
Kabuuan 15

Binabati kita! Iyo na namang natapos ang mga gawain sa ating aralin
ngayon. Batid ko na iyong lubos na naunawaan ang mga batas sa ating bansa. At
batid ko rin na napagtanto mo na kung bakit kinakailangan nating pahalagahan at
sumunod sa mga ito.

10
11
I. Gawain 7: H. Gawain 6:
A. 1. Mali 1. kapayapaan
2. Tama 2. kaayusan
3. Tama 3. impormasyon G. Gawain 5
E. Gawain 4
4. Mali 4. magsilbing aral 1. Maaaring ma-
Maaaring ma-
5. tama 5. payapaatmasaya 2. iba-iba ang
iba-iba ang sagot
B. 1. C 6. pagkabilanggo 3. sagot ng mga
ng mga bata
2. B 7. batas bata
3. E 8. pagpapatupad
4. D 9. pagpapatupad ng
5. A batas
10. kabutihan 10. kabutihan
D. Gawain 3: Pangalan ng Batas Nilalaman ng Batas
1. Pangkapaligiran Republic Act No. 9003 Mahigpit na ipinagbabawal ang
Ecological Solid Waste pagtapon ng basura sa mga
Management Act of 2000 pnbado at pampublikong lugar.
2. Kaligtasan sa Daan RA 8750 o Seat Belt Use Act Sa seksyon 4 ng batas, ang
of 1999 nagmamaneho at ang
pasahero sa unahan ng
pampubliko 0 pribado mang
sasakyan ay obligadong
gumamit ng kanhlang seat belt
habang umaandar ang
sasakyan.
3. Pang-aabuso sa ipinagbabawal Republic Act 9165/ Pangalagaan ang kapakanan
na gamot Comprehensive Dangerous ng mamamayan, lalung-lalo na
Drugs Act of 2002 ang mga kabataan, laban sa
pinsalang dulot ng droga.
4. Pangkalusugan RA 8749 o Philippine Clean Air Ito ay naglalayong panatilihing
Act of 1999 malinis ang hangin sa
pamamagitan ng pagbuo ng
mga pambansang programa at
pagpigil sa polusyon sa hangin.
5. Pagbabawal sa paninigarilyo Republic Act No. 9211 Ipinagbabawal ng batas na ito
(Tobacco Regulation Act of ang paninigarilyo sa mga
2003) pampublikong lugar gaya ng
elevator, airport, terminal,
restawran, ospital, at paaralan.
6. Pananakit sa hayop Republic Act No. 8485 na mas Ang unang batas na
kilala sa tawag na Animal komprehensibong nagtadhána
Welfare Act of 1998 sa tama at makataong
pangangálaga ng mga
mamamayan sa lahat ng hayop
sa Pilipinas.
C. Gawain 2: A. Gawain 1: Tama o Mali
1. Health Protocols for 1. Mali
Covid-19 2. Tama
2. Bawal tumawid 3. Tama
3. Bawal manigarilyo 4. Mali
4. Bawal magkalat 5. Tama
5. Say No to Drugs
1. maaaring ma-iba-iba
*Sa pagpapaliwanag, 2. ang sagot ng mga
maaaring mag-iba-iba ang 3. bata
sagot ng mga bata
SUSI SA PAGWAWASTO
12
Rodel D. Lintag
Remedios D. Sitchon
Rosalin S. Muli, Ph. D
Grupo ng Tagapaglinang: Imelda P. Macaspac, Ph. D
Patnugot ng Wika: Edelwiza Cadag
Vivian R. Dumalay
agwawasto
Agnes R. Bernardo
Rosalinda S. Ibarra, Ph. D
Tagasuri ng Nilalaman: Jean R. Canlas, Ph.D
Patnugot: Jean R. Canlas, Ph. D
Manunulat: Rizza Y. Malang
Grupo ng Tagapaglinang ng SIPacks agwawasto
Grupong Tagapaglinang
J. Gawain 8: Poster-Maaaring ma-iba-iba ang sagot ng mga bata
Rubrik sa Pgguhit
Pamantayan Indicator Puntos
1. Nilalaman/ Naipakita at naipaliwanag ng maayos ang 6
Kaangkupan mensahe sa paglalarawan ng konsepto
ng
konsepto
2. Orihinal ang ideya at gumamit ng tamang 5
Pagkamalikhain kombinasyon ng kulay upang mailahad ang
nilalaman at mensahe
3. Kabuuang Malinis at maayos ang presentasyon 4
presentasyon
Kabuuan 15
https://www.scribd.com/doc/83496714/Rubric-Para-Sa-Poster

You might also like