You are on page 1of 41

ESP 4 YUNIT 3

Aralin 5
Sariling Disiplina sa Pagsunod
Sa Mga Batas

MARVIE T.BLANCO
FOUR-KINDNESS
URDANETA I CENTRAL SCHOOL
URDANETA CITY,PANGASINAN
Sariling Disiplina sa Pagsunod sa mga Batas

Ang disiplina ay kakambal ng kabutihan. Ang taong may sariling


disiplina ay gumagawa kung ano ang mabuti at mainam para sa
lahat. Ang taong may disiplina ay kahanga-hanga at mayroon ding
maayos na kinabukasan. Ang pagkakaroon ng pansariling disiplina
ay bunga ng positibong pagtugon sa kung ano ang magandang
ibinubulong ng sariling konsiyensiya. Kapag ang lahat ng tao ay
may disiplina, magdudulot ito ng katiwasayan sa lipunan at lubos
na kaunlaran ng bansa.
DAY 1

ALAMIN NATIN
. “Gusto ba ninyo ng buhay na laging may nakakakita sa lahat ng inyong
ginagawa?”

. “Paano kaya kung ganoon ang bawat isa sa atin?”

“Alam natin na ang ilan sa mga tao ay gumagawa lamang


nang mabuti dahil alam nilang may ibang taong nakakakita sa
kanila. Ano ang masasabi ninyo sa mga taong ganoon?”
Basahin ang kuwento.

Kahit Walang Nakakakita, Gumawa ng Tama

Maaga pa lamang ay gising na si Dante. Kailangan niya


kasing maagang makarating sa paaralan dahil naatasan ang
kanilang pangkat na maglinis ng hardin at magdilig ng mga tanim
na gulay na pag-aari ng kanilang baitang. May programa kasi ang
kanilang paaralan na tinawag nilang proyektong LUNTIAN na
ang ibig sabihin ay Lupang Napabayaang Taniman, Ingatan, at
Alagaan Natin. Ito ay ang pagtatanim ng mga halamang gulay at
pampalamuti sa mga bakanteng lupa na malapit sa kanilang silid-
aralan. Bawat baitang ay may sakop na mga lugar. Pati ang mga
pader ay hitik sa pananim dahil sa mga nakasabit na malalaking
lata, makukulay na galon, pininturahang mga bote ng softdrinks
na may halaman. Maging mga lumang bota tuwing tag-
ulan na may iba’t ibang laki at klase ay ginamit at tinaniman.
Ang mga gulong na pinagpatong-patong ay naging malalaki
at makukulay na paso ng namumulaklak na mga halaman.

Isang linggong gagawin ng bawat naatasang pangkat ang


mga nakasaad na tungkulin na nakapaskil sa pader. Nakasulat din
sa pader ang mga tungkulin ng ilang nagpalistang parent volunteers
na siyang gumagabay sa kanila sa tamang pagtatanim, paglilinis,
pangangalaga, at pagdidilig. Natutuwa si Dante dahil hilig niyang
magtanim. Magsasaka kasi ang kaniyang ama na paminsan-minsan
ding dumadalaw sa kanilang hardin upang tingnan ang kalagayan
nito.
Gusto ni Dante na masiguro na maaga ring makararating sa
paaralan ang mga kasapi sa kaniyang pangkat. Pinag-usapan na nila
ito. Nais nilang matuwa ang kanilang gurong si Gng. Arellano. Ang
mga kasaping babae ang maghihiwa-hiwalay ng mga papel at bote
na maaaring ibenta. Bawat klase ay may ganitong sistema. Iniipon
nila ang napaghiwa-hiwalay na mga bagay sa itinalagang material
recovery facilities o MRF para sa bawat baitang. Tuwing Biyernes
ng umaga ay may dumarating na kakalap at bibili ng kanilang
mga basura. Iniipon nila ang mga napagbentahan sa alkansiya ng
kanilang klase at ito ay maaari nilang gamitin sa pangangailangan
sa kanilang silid-aralan, para sa kanilang Christmas party o kung
minsan ay sa katapusan ng klase kung saan ay nagkakaroon sila
ng masayang noodle party kasama ang kanilang guro. Tinawag
naman nila ang programang ito na project TACOS o trash as cash
once segregated.
Ganito sila kasipag araw-araw. Awtomatikong kumikilos para
sa dalawang nabanggit na proyekto ng paaralan. Sinimulan nila ang
mga proyektong ito dalawang taon na ang nakararaan mula nang
magsimulang mamuno ang kanilang punongguro.
Masaya si Dante sa ganitong sitwasyon. Alam niyang ang
mga proyektong ito ay may kabuluhan. Bukod sa hilig niya sa
pagtatanim ay may pagpapahalaga rin siya sa kalikasan. Alam
niyang ang pagkasira ng kalikasan ay patuloy na nagaganap kaya’t
nais niyang maging bahagi ng pagkasalba nito. Sinasabi rin niya
ito sa kaniyang mga kaklase dahil nais din ni Dante na pati sila
ay makiisa sa kaniyang gusto. Naniniwala naman sa kaniya ang
kaniyang mga kamag-aral.
Malayo-layo pa lang si Dante ay naririnig na niya na may tao
na pala sa loob ng hardin. Napabulong na lamang siya na baka
ang kaklase niya na mas maagang pumasok sa kaniya ang naroon.
Laking gulat niya nang makita niya si Gng. Arellano.

“O, Dante nandiyan ka na pala. Magandang umaga sa iyo,”


bati ni Gng. Arellano.

“Opo, ma'am. Magandang umaga rin po,” sagot naman ni


Dante.
“Mainam naman at maaga ka. Nais kong ibalita sa iyo na
kayo bilang mga lider ng pangkat sa bawat klase ay pararangalan
ng punongguro mamaya sa flag ceremony,” dagdag ng kaniyang
guro.

“Bakit po kaya, ma'am?” masayang tanong ni Dante.


“Kahapon kasi sa aming pagpupulong pagkatapos ng
maghapong klase ay ibinalita niya sa aming mga guro na ang ating
paaralan ay pararangalan dahil tayo ay nagwagi sa buong rehiyon
bilang 2013 Most Sustainable and Ecofriendly School. At iyon ay
dahil sa inyong maaasahang mga lider ng bawat pangkat at sa mga
parent volunteers na tumutulong sa atin,” masayang sagot ng guro
habang nakahawak sa magkabilang balikat ni Dante.
“Talaga po? Yeheyyyyy!” masayang sagot ni Dante na
nanlalaki ang mga mata.

“Siya, ituloy mo na itong aking pagdidilig at sasabihan ko pa


ang kapuwa mo lider at aabisuhan ko rin ang iba pang mga magulang
na pumunta at maghanda sa isasagawang pagpaparangal,” sagot
ng guro habang iniaabot kay Dante ang hose na pandilig.
Habang nagdidilig ay parang nakalutang sa hangin ang
diwa ni Dante. Masaya siya! Masayang-masaya! At alam niyang
hindi mababayaran ninuman ang kasiyahang iyon. Gusto niyang
ipagpatuloy pa ang kaniyang nasimulan. Kahit walang nakakakita ay
patuloy niyang isasagawa ang adhikain na patuloy niyang sinasabi
sa kaniyang mga kamag-aral. Kahit walang nakakakita ay alam
niyang may Diyos na nakamasid at siyang nalulugod sa kabutihang
ginagawa ninuman. Kahit walang nakakakita, ang isang tao ay
dapat na may disiplina sa sarili na gumawa ng tama at mabuti para
sa kapakanan ng kapuwa, kabutihan ng bansa at higit sa lahat ng
kaligtasan ng kalikasan na mahal na mahal niya.
Sagutin ang mga tanong:

1. Anong mabuting asal ang ipinakita ni Dante sa kuwento na


nais niyang ipagaya rin sa kaniyang mga kaklase?

2. Tulad ni Dante, bakit kailangan nating gumawa ng kabutihan


sa kapaligiran kahit walang nakakakita?

3. Paano natin magaganyak ang ating mga kamag-aral, mga


kapamilya, at mga kapuwa Pilipino na magkaroon ng disiplina
para sa kapaligiran?
4. Bakit kaya naganyak ang ilang magulang na tumulong at
sumuporta sa mga programa ng paaralan?

5. Kung ikaw ay isang lider ng inyong pamayanan, paano mo


mapasusunod ang mga mamamayan para sa inyong mga
proyektong ukol sa kapaligiran?
DAY 2

Isagawa Natin
Gawain 1
Sumulat ng isang pangungusap kung ano ang dapat mong
magawa bilang disiplinadong mamamayan para sa sumusunod na
larawan. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Ilog na marumi at may karatulang Pasilyo ng paaralan at may karatulang


‘Bawal magtapon ng basura’ ‘Munting basura, pakibulsa na’
Basurang umaapaw at may karatulang Batang nagsisiga ng basura at may
‘Tumulong sa pagpapanatili ng ‘Karatulang malinis na hangin,
Kalinisan’ ating bantayan’
Lalaking nagtpuputol ng puno at may Bakanteng lote at may karatulang
Karatulang ‘ Save the forest’ ‘Clean and Green’
Gawain 2

Arkitekto Kami!

1. Lumahok sa pangkat na sasabihin ng guro. Pumili ng lider.


Bawat pangkat ay ilalaan sa isang bahagi ng paaralan na
dapat bigyan ng pansin ukol sa kalinisan at kaayusan.

2. Gamit ang manila paper, gumawa ng plano kung paano


ito mapagaganda. Iguhit ito na mayroon ng plant box, mga
nakatanim na halamang gulay o namumulaklak at mga
puno. Maglagay rin ng mga karatula ukol sa kalinisan ng
kapaligiran.

3. Pipiliin ng guro ang may pinakamagandang plano.


Sabihing iguhit sa manila paper ang isang plano kung paano
mapagaganda pa ang lugar na inilaan para sa kanila.

e. Sabihing dapat makita sa plano ang mga plant boxes, mga


nakatanim na halamang gulay o namumulaklak at mga puno.

f. Pipiliin ng guro ang may pinakamagagandang plano. Maaaring


magbigay ng ribbon ang guro sa bawat pangkat na mapipili.
DAY 3

Isapuso Natin
“Bakit kaya kailangang mag-stamp ang mga tao sa mga legal
na dokumento kagaya ng sedula?”
“Tulad ng sedula, palad ang gagamitin natin sa pag-iistamp o
pagbakat sa isang buong bond paper. Berdeng water color lamang
ang ating gagamitin. Sasagisag ito sa inyong konbiksiyon o matinding
hangarin bilang mga sundalong magliligtas sa kalikasan.”

“Pagkatapos ninyong magawa ito at habang pinatutuyo ninyo


ang kaniya-kaniyang bond paper, gawin at buuin ninyo ang Panata
para sa Kapaligiran. Kapag sigurado ka na sa iyong panata ay isulat
mo na ito nang may disenyo sa ilalim ng inistamp o binakat mong
palad sa bond paper.”
Hand stamping at panata para sa Kapaligiran.

1. Gamit ang water color na berde, lagyan ng kulay ang palad


na hindi ginagamit sa pagsusulat.
2. Kapag sigurado ka na at puno na ng kulay ang bawat daliri
ay sabay-sabay mong ii-stamp sa isang nakahandang puting
bond paper.
3. Hayaan muna itong matuyo.
4. Habang nagpapatuyo ay buuin mo ang ‘Panata para
sa Kapaligiran’ na nasa kabilang pahina. Buuin mo ang
pangungusap at kapag sigurado ka na sa iyong panata ay
isulat ito ng may disenyo sa ilalim ng ini-stamp mong daliri sa
bond paper.

5. Pipiliin ng guro ang may pinakamagandang hand stamping


at Panata para sa Kapaligiran.
Ako ay nilalang ng Diyos katulad din ng kalikasan.
Katungkulan ko ang pangalagaan ang kapaligiran at ang kalikasan.

Para sa ikagaganda ng kapaligiran, ako ay .


Para sa kalinisan nito, ako ay . Para
tularan ako ng aking mga kamag-aral, ako ay
upang lalo pang maging maayos ang aming paaralan. Sa bahay
naman ako ay upang matuwa ang aking mga
magulang. Nais ko ring ang buong bansa at ang mundo ay maging
ligtas kaya ako ay susunod sa .

Kasihan nawa ako ng Poong Maykapal.


Paalala sa Guro

Ayon sa Republic Act 9512: Environmental Awareness and Education


Act of 2008 ito ay isang batas na itinataguyod ang kamalayan tungkol sa
kapaligiran sa pamamagitan ng Environmental Education at sumasaklaw
sa integrasyon sa kurikulum ng paaralan sa lahat ng antas, maging ito ay
pampubliko o pribado, kabilang ang pormal, teknikal, bokasyonal, at out-of-
school youth na kurso o mga programa.
Ang Seksiyon 6 ng batas ay nagsasabi na ang DepEd, CHED, TESDA,
DENR, DOST at iba pang mga ahensiya ng gobyerno, sa pagsangguni
sa mga dalubhasa sa kapaligiran at sa academe, ay humantong sa
pagpapatupad ng edukasyon at kamalayan sa mga programang pampubliko
sa proteksiyon at pangangalaga ng kapaligiran sa pamamagitan ng
collaborative inter-agency at mga multi-sectoral sa pagsusumikap sa lahat
ng antas.

Nakasaad sa ikapitong adhikain ng Millenium Development Goals


o MDG ng United Nations ang masiguro ang pagpapanatili ng kalikasan.
Kaakibat nito ang tatlong mahahalagang layunin tulad ng :

1. Isama sa konsepto ng sustainable development o likas–kayang


pagpapaunlad sa mga batas at programa ng bawat bansa upang
maibalik ang pagkawala ng mga likas na kayamanan,

2. Makalahati, sa taong 2015, ang bilang ng mga taong may koneksiyon


sa malinis at naiinom na tubig, at

3. Makamit ang makabuluhang pagbuti sa buhay ng humigit-kumulang


100 milyong tao na nakatira sa mahihirap na mga lungsod.
Dahil sa mga nabanggit, marapat lamang na ang bawat isa, bata
man o matanda ay patuloy na makapag-isip at makapagpasiya nang wasto
tungkol sa epekto ng tulong-tulong na pangangalaga sa kapaligiran para sa
kaligtasan ng bansa at daigdig. Susunod ang bawat isa sa mga pinaiiral na
batas at alituntunin para sa pangangalaga ng kapaligiran.

Ang buwan ng Nobyembre ay itinalaga bilang Environmental


Awareness Month.
Tandaan Nati n
Ang kalikasan ang tunay na ating tahanan hindi lang ang
ating bahay na tinitirahan. Ito ay dapat lamang nating pahalagahan,
ingatan, at pangalagaan. Inaasahan ang pansariling disiplina
upang higit na maingatan, maisalba, o maibalik ang buhay ng ilang
naghihingalong bahagi ng kapaligiran tulad ng maruruming ilog at
mga nakakalbong kabundukan at ng pagdumi ng hangin. Paano pa
kaya tayo mabubuhay kapag tuluyan na itong namatay, nawala, at
hindi na karapat-dapat gamitin?
Nilalayon ng United Nations na tumaas ang bilang ng mga
taong may koneksiyon sa malinis at naiinom na tubig. Dahil dito,
nararapat lamang na ang bawat isa, bata man o matanda ay patuloy
na makapag-isip at makapagpasiya nang wasto tungkol sa epekto
ng tulong-tulong na pangangalaga sa kapaligiran para sa kaligtasan
ng bansa at daigdig. Sumunod ang bawat isa sa mga pinaiiral na
batas at alituntunin para sa pangangalaga ng kapaligiran.
Bilang pakikiisa sa iba’t ibang panawagan upang maibalik at
mapanatili ang kagandahan at kalinisan ng kapaligiran, pinaiigting
ang mga batas o panuntunang pinaiiral kung saan ang bawat
mamamayan ay hinihikayat na gumalang at sumunod sa mga batas.
Sa ganitong paraan, maaaring muling maibalik ang mga likas yaman
na minsan nang nasira tulad ng maruruming ilog at nakakalbong
bundok dahil sa kawalan ng disiplina at katigasan ng ulo ng mga
tao. Kailangang maunawaan at maipamalas ng bawat tao ang
pagkakaroon ng sariling disiplina sa pagmamahal sa kalikasan para
sa mas maganda at kaaya-ayang pamayanan, mas maunlad na
bansa tungo sa pandaigdigang pagkakaisa.
DAY 4

Isabuhay Natin
“Tulad ng ginawa natin kahapon, alam kong naisapuso na
ninyo ang pagiging mabuting mag-aaral dahil sa pagsunod sa mga
batas at tuntunin sa pangangalaga ng kapaligiran. Ngayong araw
naman ay mas nais kong makita kung tataglayin nga ninyo ang
katangiang ito habang kayo ay nabubuhay.”

“Masarap ba sa pakiramdam kapag nagiging bahagi ka ng


paghilom ng mga sugat o pagkasira ng ating kalikasan?”

“Pumikit nga tayo at huminga nang malalim at damhin ang inyong mga sarili
Pangkatang Gawain

Bumuo ng apat na pangkat. Pumili ng lider at sundin ang


panuto para sa bawat pangkat.

Pangkat 1 - Gumawa ng infomercial na humihikayat sa mga


tao sa pansariling disiplina tungo sa kaligtasan
ng kalikasan.

Pangkat 2 - Gumawa ng skit na nagpapakita ng paggawa


ng maganda para sa kalikasan kahit walang
nakakakita.

Pangkat 3 - Gumawa ng awit na nagsasaad ng mga batas


na dapat nating sundin ukol sa pangangalaga
sa kalikasan kahit walang nakakakita.

Pangkat 4 - Gumawa ng komiks na naglalarawan ng


komunidad na may sariling disiplina at tulong-
tulong na nangangalaga sa kalikasan.
DAY 5

Subukin Natin
Lagyan ng  
kung palagi, kung paminsan-minsan, at 
kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
Paminsan-
Gawain Palagi Hindi
minsan
1. Nakikiisa ako sa paglilinis ng
silid-aralan kapag araw na ng
paglilinis ng aming pangkat.
2. Hindi ko itinatapon sa bintana
ng sasakyan ang mga balat
ng pagkain matapos kumain
kapag ako ay nagbibiyahe.
3. Inilalagay ko muna sa bulsa
ang aking basura kapag nakita
kong walang basurahan sa
paligid.
4. Nakikiisa ako at tumutulong sa
mga programang pangkalinisan
at pangkapaligiran sa aming
paaralan.
5. Pinupulot ko ang mga kalat sa
mga pasilyo at iba pang lugar
sa paaralan kahit walang nag-
uutos sa akin.
Nakatutuwa dahil nadagdagan na naman ang iyong kaalaman ukol sa
pagmamahal at pangangalaga sa kapaligiran. Lagi mong tatandaan na
lagi kang bahagi ng mundo na iyong ginagalawan kaya’t lagi mong
isaisip, isapuso, at isagawa ang mga gawaing makapagsasalba ng
ating kalikasan kahit walang nakakakita, dahil ang tunay na pag-uugali
ng isang tao ay nakikita kapag siya ay nag- iisa.

You might also like