You are on page 1of 9

School Bataan Peninsula State Grade Level : 2

University

DETAILED Teacher Bamba,Gerald S. Learning Area : Values


LESSON Education/Edukasyon sa
PLAN Pagpapakatao.

Teaching Dates Quarter : 1


and Time

I. Mga Layunin  Makiisa sa anumang programa ng paaralan na


makatutulong sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan
sa pamayanan at bansa.

A. Pagpapahalaga  Pagpapakita ng pagmamalasakit sa ating ng pamayanan


at bansa.

II. Nilalaman  PAGMAMALASAKIT SA KAPALIGIRAN

III. Kagamitan  Mga larawan


 Cartolina
 Manila paper
 Pentelpen

IV. Sanggunian  Edukasyon sa Pagpapakatao 2, Patnubay ng Guro, pahina


124-127

V. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

1. Pagbati

Magandang Umaga mga bata!


Magandang Umaga Sir, Mabuhay!

2. Panalangin

Manatiling naka tayo para sa ating panalangin.

Therese maari mo bang pangunahan ang ating


panalangin?
Tayo’y yumuko at damhin nating lahat ang
presensya ng ating Panginoon.

Diyos ama, Salamat po sa lahat ng biyaya.


Gawin nyo po kaming mabuting bata.
Masigasig sa pag-aaral, masunurin sa guro at
magulang at pagmahal sa kapwa. Nawa’y
maging daan kami sa kapayapaan ngayon at
magpakailanman. Amen.

Maraming salamat Therese.


Walang anuman po sir.

Maaari na kayong maupo mga bata.


Salamat po.

3. Pagtatala ng Lumiban
Mayroon bang lumiban sa inyong mga
kaklase?
Maari ko bang maraning sa bawat lider ng
grupo?
Sa unang grupo, mayroon bang lumiban sa
Ikinagagalak ko pong sabihin na wala pong
inyo?
lumiban sa aming grupo.

Sa pangalawang grupo, mayroon bang lumiban


Ikinagagalak ko pong sabihin na wala pong
sa inyo?
lumiban sa aming grupo.

At sa pangatlong grupo, mayroon bang


Ikinagagalak ko din pong sabihin na wala pong
lumiban sa inyo?
lumiban sa aming grupo.

Magaling mga bata. Natutuwa ako’t walang


lumiban sa klase ngayon.
Dahil diyan bigyan ng tatlong palakpak ang
inyong sarili. Clap! Clap! Clap!

4. Pagwawasto ng Takdang-Aralin
Kuhanin nyo na ang inyong kuwaderno sa
Edukasyo sa Pagpapakatao para sa
pagwawasto ng ating takdang-aralin kahapon. (Kukuhanin ang kuwaderno ng mga mag-aaral)
Magpalitan na ng kuwaderno para sa
pagwawasto ng takdang-aralin.
(Magpapalitan na ng kuwaderno ang mga mag-
aaral)

Panuto: Piliin ang pinakatamang sagot sa


bawat sitwasyon. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa sariling sagutang papel.
1. Ano ang gagawin mo kung nakita mo ang
iyong kamag-aral na nadapa habang siya ang
naglalakad.
a) Tatawanan ko siya.
b) Hindi ko na lang siya papansinin, kunwari
ay wala akong nakita.
c) Tutulungan ko siyang makatayo.

2. Inuutusan ka ng iyong Nanay na bumili sa


tindahan ng sibuyas, ngunit ikaw ay naglalaro
sa iyong kompyuter. Ano ang nararapat mong
gawin?
a) Susundin ko si nanay at itutuloy na lamang
ang paglalaro kapag tapos na ang kanyang
pinapagawa.
b) Susundin ko si nanay ng may pagdadabog at
pagsisimangot.
c) Magbibingi-bingian na lamang.

3. Nakapulot ka ng isang daan habang ikaw ay


naglalakad papuntang paaralan. Ano ang
gagawin mo sa perang napulot mo?
a) Pambibili ko ng pagkain.
b) Isasauli ko sa lost and found ng aming
paaralan.
c) Ibibigay ko sa aking nanay.

Mga Sagot:
1) C
2) A
3) B
Sino ang nakakuha ng tatlo? dalawa? isa?
(Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral batay
sa kanilang iskor)
Mahusay mga bata! Natutuwa ako’t nakakuha
kayo ng mataas na iskor.

5. Balik-Aral
Bago tayo dumako sa ating panibagong aralin
magbalik-aral muna tayo.
Anong aralin ang tinalakay natin kahapon mga
bata?
Sige nga Denise.
Paggamit po ng Po at Opo.

Magaling!

Tinalakay natin kahapon ay ang Paggamit ng


Po at Opo sa mga nakatatanda sa atin
Kayo ba mga bata gumagamit kayo ng Po at
Opo sa mga nakatatanda sa inyo? Gaya na
lamang ng Nanay at Tatay nyo. Maging ang
mga Lolo at Lola nyo.
Opo lagi po naming ginagamit ang Po at Opo
kapag kami po ay nakikiusap sa kanila.
Magaling! Ako’y natutuwa sa inyo dahil kayo
ay magagalang na bata.

B. Panlinang na Gawain

Pagganyak

Mga bata, ano ang masasabi niyo sa paaralan


na nasa larawan?

Malinis, maayos, maganda at maaliwalas po


ang kapaligiran sir.
Ganito rin ba ang paaralan na inyong
pinapasukan?
Opo sir.

C. Pagtatalakay

May babasahin akong tula para sa inyo. Pero


bago koi to basahin, ano ang inyong dapat
gawin kapag nagbabasa ko ng tula?

Huwag pong mag-iingay at making po ng


Magaling! mabuti.

Handa naba kayo para sa tulang aking


babasahin?

Handang handa na po sir.


Ang pamagat ng tulang aking babasahin ay “Sa
Aming Paaralan”.
Ano nga ulit ang pamagat ng tula mga bata?
Sa Aming Paaralan po sir
Mahusay, nakikinig nga talaga kayo.
Sisimulan ko na.

Sa Aming Paaralan
Ni: RB Catapang

Guro’t mag-aaral ay natutulungan,


Sa kalinisan at kaayusan ng paaralan.
Dulo’t nito’y maganda sa kalusugan,
Siguradong ang sakit ay maiiwasan.
Basurang nabubulok at di-nabubulok
Ay paghiwalayin.

Mga papel ay ipunin at muling gamitin,


Plastik ay i-recycle at huwag sunugin.
Tulong sa kapaligiran ay palaging isipin,
Kung ng ito ay ating gagawin.
Malinis na hangin ay ating lalanghapin,
Kaya’t paglilinis ay lagging ugaliin,
Tandaan at palaging gawin.

Ano-ano ang mga Gawain sa pagpapanatili ng


kalinisan at kaayusan ng paaralan?
Pinaghihiwalay po ang nabubulok at di-
nabubulok na basura sir.

Magaling! Ano pa mga bata?


Pagrerecycle po ng mga plastic na basura.

Mahusay, meron pa bang ibang sagot mga


bata?
Pagtutulungan po sa paglilinis ng guro’t mag-
aaral.

Magaling! Lahat ng sinagot nyo ay tama.

Bilang isang mag-aaral paano mo maipapakita


ang iyong pakikiisa sa mga programa sa iyong
paaralan? Sa pakikiisa at pagiging aktibo po sa aktibidad
po ng programa.

Napakahusay! Bigyan nyo ng limang palakpak


ang inyong mga sarili mga bata.
Clap! Clap! Clap! Clap! Clap!

B. Paglalahat

Ang pakikiisa sa iba’t ibang programa ng


paaralan para sa pagpapanatili ng kalinisan at
kaayusan ay pagpapakita ng pagmamalasakit
sa kapaligiran ng ating pamayanan at bansa.

Maliwanag ba mga bata?

Opo sir!

C. Paglalapat

1. Unang Gawain (Pangkatang Gawain)

PANUTO: Iguhit sa patlang ang


masayang mukha kung tama o wasto ang

isinasaad ng pahayag at malungkot na


mukha naman kung hindi wasto o Mali.
Opo sir. Nauunawaan po namin ito.
Mga inaasahang sagot.
Nauunawaan ba ang panuto mga bata?
1.
_____1. Pagsusunog ng basura.
2.
_____2. Pagkakalat ng basura sa daan.
_____3. Pagrerecycle ng mga plastic na basura. 3.
_____4. Paggamit ng dinamita sa pangingisda.
4.
_____5. Pagpuputol ng mga kahoy sa gubat.
_____6. Paghihiwalay sa nabubulok at di- 5.
nabubulok na basura.
6.
_____7. Pagatatanim ng halaman.
_____8. Pagwawalis sa daan. 7.
_____9. Panghuhuli ng mga ibon.
8.
_____10. Pagdilig sa mga halaman.

9.

10.

2. Ikalawang Gawain

(Pangkatang Gawain)

Ipapangkat ko ang klase sa dalawang pangkat.


Bawat pangkat ay bibigyan ko ng mga gulo-
gulong letra. Ang gagawin nyo lamang ay
buuin ang mga letra para makabuo ng mga
salita.
Maliwanag ba mga bata?

Opo sir, Maliwanag po.


Para sa Unang Pangkat ito ang bubuuin nyo.
1.
I A N L S M I

2.

L A H M A N A

Para sa Ikalawang Pangkat.


1.

C E R Y C L E

2.

T I M A N

Bibigyan ko lamang kayo ng limang minute


para tapusin ang inyong Gawain. Maliwanag
ba?
Opo sir!

(Makalipas ang limang minuto)


Tapos naba kayo mga bata?
Tapos napo kami sir.
Unang pangkat ipakita niyo na ang inyong
gawain.

Para po sa una, ito po ang aming nabuong


sagot.
1.

M A L I N I S

2.

H A L A M A N

Clap! Clap! Clap! Clap! Clap!

Magaling unang pangkat. Bigyan natin sila ng


limang palakpak.

At para naman sa Ikalawang Pangkat?

Ito po ang aming nabuo sir.


1.
R E C Y C L E

2.

T A N I M

D. PAGTATAYA

Para sa inyong susunod na gawain,


Maglista kayo ng limang paraan upang
maipakita ang pagmamalasakit sa ating
kapaligiran.
1.
2.
3.
4.
5.

E. TAKDANG-ARALIN

Sa isang oslo na papel, gumawa o gumuhit ng


isang poster o islogan na nagpapakita ng
pagmamalsakit sa kapaligiran ng ating lipunan
at bansa.

Prepared by: Gerald S. Bamba


BEEd 3-A

You might also like