You are on page 1of 7

School Bataan Peninsula State Grade Level : 4

University

DETAILED Teacher Bamba,Gerald S. Learning Area : Music


LESSON
PLAN
Teaching Dates and Quarter : 2
Time

I. Mga Layunin  Makilala ang iba’t ibang insrumentong bumubuo ng


rondalya
 Nagagamit ang mga instrumentong bumubuo sa
rondalya
 Pagpapahlaga sa limang pangunahing instrumentong
bumubuo sa rondalya.

A. Pagpapahalaga

II. Nilalaman  MGA INSTRUMENTONG BUMUBO SA


RONDALYA

III. Kagamitan  Mga larawan,


 Kartolina

IV. Sanggunian  MSEP (musika IV) pahina 113-116

V. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

Bago natin simulant ang ating aralin sa araw na


ito, maaring bang tumayo ang lahat at hingin
natin ang prisensya ng panginoon.
(Tatayo ang mga bata at mananalangin)

B. Pagbati

Magandang araw mga bata!


Magandang araw din po sir.
C. Pagtatala ng lumiban

Genesis mayroon bang lumiban sa klase


ngayon araw?
Ikinagagalak ko pong imungkahi na walang
lumiban sa klase ngayong araw!
Magaling! Bigyan nga natin ng spaghetti clap
ang bawat isa
*Spaghetti Clap*

D. Pagwawasto ng takdang aralin

Kahapon ay nagbigay ako ng takdang aralin,


tama ba?
Opo sir!

Ilabas ang takdang aralin at makipagpalitan sa


inyong katabi at ating iwawasto ang mga ito.
Buuin ang mga salita:
1) P_r__sy_n (perkusyon)
2) Po__ya_g (pompyang)
3) _am_ol (tambol)
4) Ti_p__i (timpani)

Ipasa ng tahimik ang mga takdang aralin.

E. Pagbabalik aral

Mga bata naalala pa ba ninyo ang mga


tinalakay natin kahapon?
Opo ma’am!

Mahusay! Ano nga ulit ang tinalakay natin?

Mga halimbawa po ng mga instrumentong


Magaling! Ano ano nga ulit ang mga perkusyon po ma’am!
halimbawa ng mga instrumentong perkusyon?

Sige nga Harold?

Mahusay! Ano pa? Tambol po ma’am!


Timpani po ma’am!

Sige nga Jasper?


Ma’am pompyang at tambol po maam!

Ano-ano pa? sige nga Jenny Mae.

Napakahusay mga bata! Lahat ng inyong mga


binanggit ay tama!

Bigayan nga natin sila ng spaghetti clap!


(Ang mga bata ay papalakpak)

F. Pagganyak

Mga bata mayroon akong inihandang mga


larawan. Ang gagawin niyo lamang ay
tutukuyin kung ano ano ang mga ito.

(ipapakita ang mga larawan sa pisara)  Bandurya


 Oktabina
 Laud
 Baho de arko
 Gitara
Mahusay mga bata! Bigyan niyo ang mga sarili
niyong tatlong palakpak.
Clap! Clap! Clap!

G. Pagalalahad

Ang ating tatalakayin ngayon ay ang mga


larawan pinakita sa inyo kanina ito ay ang
mga intrumento bumubuo sa pangkat ng
rondalya.

Pakibasa nga ang ibig sabihin ng rondalya, sige


nga Maddie.
Ang rondalya ay isang pangkat ng mga
instrumentong may kwerdas. Maaring gamitin
sa pangsaliw sa oag awit at maari din namang
tumugtog bilang isang pangkat.

Mahusay! Ito rin ay karaniwang ginagamit ang


rondalya sa mga pagtitipong filipiniana sa mga
palatuntunan sa paaralan at sa pistang bayan.
Lima ang pangunahing instrumentong
bumubuo sa pangkat ng rondalya ito ang mga
bandurya, oktabina, laud, baho de arko at
gitara.ang instrumentong ito ay may tiyak na
tono at may kanya kanyang timbre kaya’t
mayroong bahagi sa awit o komposisyong
musical na bagay sa kanikanilang tunog unahin
natin ang bandurya.

Pakibasa nga Deanna.

Ang bandurya ay may maraming kwerdas.


Mayroon itong tatlong kwerdas sa bawat tono.
Ito ay maaaring ihambing sa soprano
karaniwang tinutugtug nito ang pangunahing
himig o melodiya.
Tama ang bandurya ay may tonong soprano.
Tinutugtug rin ito sa pamamagitan ng
pagkalabit ng kwerdas.

Susunod naman ang Oktabina.

Pakibasa nga Pauline.


Ang oktabina naman ay mas malaki kaysa
bandurya. Ang hugis ay tulad ng maliit na
bandurya. Ito ang tenor sa grupo sa pagkat
matagingting ang timbre nito.
Mahusay! Tama ito ay maliit at tenor sa grupo.
Susunod naman ay laud.

Pakibasa nga Beatrice.

Ang laud ay hugis tulad ng sa bandurya subalit


ito ay mas malaking kaunti, mababa ang tunog
ng laud at ito ang sumusuporta sa melodiya
Mahusay! Ito rin ang alto sa rondalya.

Ang susunod ay ang baho de arko, pakibasa


nga Kathrina.

Ito ang pinakamalaking instrument ng


rondalya, kasing taas ito ng tao kaya’t
tinutugtog ng nakatayo
Mahusay! Ito naman ay may apat na kwerdas
mataba at may timbreng mababa.
At ang panghuli naman ay ang gitara, pakibasa
nga Kim.

Gitara naman ay nagbibigay ng akorde bilang


pansaliwsa sa mga melodiyang nanggagaling
sa instrumentong rondalya.
Tama! Sapagkat isang daloy ng himig lamang
ang natutugtog ng bandurya, oktabina, laud, at
baho de arko kayat kailangan ng pansaliw na
gitara.

Naintindihan ba ninyo mga bata?

H. Paglalahat

Ano nga ulit ang ating aralin ngayon?

Mga instrumentong bumubuo sa rondalya po


sir!
Mahusay! Ano ano nga ulit ang mga ito, maari
mo bang isa isahin? Sige nga Sanya?

Napakahusay! Bigyan nga natin siya ng 5


Sir bandurya, oktabina, laud, baho de arko at
palkpak pansaliw na gitara po.

Clap! Clap! Clap!

I. Paglalapat

Mga bata mayroon akong inihandang


pagsususlit kumuha lamang ng isang buing
papel at sagutan ang mga sumusunod.

(ipapaskil ang pagsususulit)

PANUTO: Basahing mabuti ang mga


sumusunod. Punan ang patlang ng tamang
sagot.
1) __________ ito ay instrumentong
rondalya ang itinuturing na soprano ng
grupo. ( bandurya)
2) __________ ito ang instrumentong
rondalya na maaring gamitin pansaliw
(gitara)
3) __________ ito ang pinakamalaking
instrument ng rondalya (arko de baho)
4) __________ mababa ang tunog at
kalamitang kahugis ng bandurya ngutit
mas malaki ng kaunti (laud)
5) __________ ito ay instrumentong
rondalya na tulad ng isang maliit na
gitara. (oktabina)

J. Pagpapahalaga

Ano ano nga ulit ag instrumentong rondalya.

(babasahin ang nasa pisara)

Magaling! Ang ma instrumentong rondalya ay


kalimitang ginagamit sa nga pagtitipong
filipiniana sa mga palatuntunan sa paaralan at
sa pistang bayan ito ay nag papakita n gating
kultura at n gating kasaysayan kaya’t marapat
lamang na atin ito’y pahalagahan, inagatan,
kilalanin at pagyamanin pa.

K. Takdang Aralin

Gumuhit ng isa sa mga instrumentong rondalya


sa malinis na papel at kulayan ito.

May tanong pa ba tungkol sa ating pinag aralan


nagayon?

Wala na po sir!

Mahuasay! At doon na nagtatapos ang ating


aralin!

Paalam mga bata!

Paalam din po sir at paalam din po sa aking


mga kamag aral!

Prepared by: Gerald S. Bamba


BEEd 3-A

You might also like