You are on page 1of 5

Banghay ng Pagtuturo sa Filipino 4

I. Layunin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nailalahad ang kapwang pang-abay o pandiwa sa kantahing bayan.
b. Nakaaawit ng mga iba’t ibang kantahing bayan na binubuo gamit ng
mga pang-abay.
c. Naibabahagi ang sariling karanasan sa pamamagitan ng paggawa ng
tula na tumutukoy sa kanilang sarili gamit ang mga halimabawa ng
pang-abay.

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Pang-abay
B. Sanggunian:
Lalunio, L., Ph. D & Ril, F. (2010). Hiyas ng Wika.
LG&M Corporation. G. Araneta Ave.
cor. Ma. Clara St. Quezon City
C. Kagamitan: Kanta “Bayan Ko”, Kantahing Bayan
D. Pagpapahalaga: Naimumungkahi ang buhay gamit ang pang-abay na
isusulat sa patula.
E. Oras: Isang Oras

III. Pamamaraan (10 minuto)


A. Panimula/Bago Kumanta
-Panalangin
-Pagbati
-Pagtala ng paliban

1. Pagsasanay
Pagbibigay ng katuturan ng salitang nasa plaskard.
*minumutya*
2. Balik Aral
Alam niyo ba kung ano ang ibig sabihin ng “minumutya”?
Paano kaya natin magagamit ang salitang “minumutya” sa ating
kapwa?
Ano bang halimbawa ng wika ang salitang “minumutya”?
Paano natin malalaman kung ito bang salita ay halimbawa ng
pang-abay?
3. Pagpapayaman ng Talasalitaan
a. Gumamit ng larawan sa pagbibigay ng kahulugan ng “minumutya”.

b. Gamitin sa pangungusap. Anak kung minumutya.


4. Pagganyak
Narinig niyo na ba ang awiting “Bayan Ko”?
5. Pagganyak ng Tanong
Ano kaya ang ipinapahiwatig ng kantang “BayanKo” para sa
ating mga Pilipino?
Sino kaya ang sumulat ng kantang “Bayan Ko”? Jose Corazon de
JESUS NOONG 1929 . NA NILAPATAN NG TUGOG NI
CONSTANCIO DE GUZMAN. NAGING POPULAR
SA PANAHON NI MARCOS.
Sa anong uri ng pang-abay ba ito nailalarawan? PAMANAHON,
PANLUNAN AT PAMAMARAAN.

B. Panlinang na Gawain (10 minuto)


1. Pagkanta

Bayan Ko

Ang bayan kong Pilipinas Kulungin mo at umiiyak


Lupain ng ginto’t bulaklak Bayan pa kayang sakdal dilag
Pag-ibig na sa kaniyang palad Ang di magnasang makaalpas!
Nag-alay ng ganda’t dilag.
Pilipinas kong minumutya
At sa kaniyang yumi at ganda Pugad ng luha ko’t dalita
Dayuhan ay nahalina Aking adhika,
Bayan ko, binahag ka Makita kang sakdal laya!
Nasadlak sa dusa.
Ibon mang may laying lumipad

-Napansin niyo ba na may halimbawa ng pang-abay?


-Anu-ano ang mga ito?
-Ano ba ang ibig sabihin ng kantang ito?
-Ano ba sa tingin ninyo ang ibig sabihin ng kantahing bayan?
-Kailangan ba talaga nating pahalagahan ang sariling atin?
-Ano ba sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng pang-abay?

Kantahing Bayan- ay mga awit ng mga Pilipinong ninuno at


hanggang ngayon ay kinakanta o inaawit pa rin.
Halimbawa:
Leron, Leron Sinta Atin Cu Pung Singsing
Dalagang Pilipina Paru-pArong Bukid
Bahay Kubo
Manang Biday

Pang-abay- o adberbiyo na nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri


at kapwa pang-abay. Sumasagot ito sa mga
tanong na paano, gaano, kailan at saan.

C. Paglalapat/Pagkatapos Bumasa (25 minuto)


1. Pagsasanay
Basahin ang seleskyon. Ayusin a pagkakasunud-sunod ang mga
pangunahing diwa na bumubuo sa seleksyon. At salungguhitan
kung ito ba ay may halimbawa ng pang-abay. Isulat ang sagot na bago
ang numero.

5 1. At sa kaniyang yum ikat ganda


3 2. Pag-ibig ang kaniyang palad
4 3. Nag-alay ng ganda’t dilag
8 4. Nasadlak sa dusa.
7 5. Bayan ko, binihag ka
1 6. Ang bayan kong Pilipinas
2 7. Lupain ng ginto’t bulaklak
6 8. Dayuhan ay nahalina
10 9. Kulungin mo ay umiiyak
9 10. Ibon mang may layang lumipad

2. Pangkatang Gawain
Hahatiin ang klase sa dalawang grupo at bibigyan ang tig kada
grupo isang kanta upang kantahin ito sa harap ng klase. At
salungguhitan ang mga halimbawa ng pang-abay. Kinakailangang
ibahin ang tuno ng kantang ito. At ipakita sa harap ng klase.

Leron, Leron Sinta

Leron, leron sinta Ang ibigin ko’y


Buko ng papaya, Lalaking matapang,
Dala-dala’y buslo, Ang baril nya’y pito,
Sisidlan ng sinta, Ang sundang nya’y syam
Pagdating sa dulo’y Ang lalakarin nya’y
Nabali ang sanga Parte ng dinulang
Kapos kapalaran, Isang pinggang pansit
Humanap ng iba. Ang kanyang kalaban.

Gumising ka, Neneng, Leron, leron sinta


Tayo’y manampalok, Buko ng papaya,
Dalhin mo ng buslong Dala-dala’y buslo,
Sisidlan ng hinog. Sisidlan ng sinta,
Pagdating sa dulo’y Pagdating sa dulo’y
Lalamba-lambayog, Nabali ang sanga
Kumapit ka, neneng, Kapos kapalaran,
Baka ka mahulog. Humanap ng iba.

Leron, leron sinta


Buko ng papaya,
Dala-dala’y buslo,
Sisidlan ng sinta,
Pagdating sa dulo’y
Nabali ang sanga
Kapos kapalaran,
Humanap ng iba.

Bahay kubo

Bahay kubo sibuyas, kamatis


Kahit munti bawang, at luya
Ang halaman doon sa paligid-ligid ay puno ng linga
Ay sari sari
Singkamas at talong
Sigarilyas at mani
Sitaw, bataw, patani
Kundol, patola, upo’t kalabasa
At tsaka mayron pang
Labanos, mustasa

2 Pagtataya (15 minuto)


Gumawa ng isang tula na tumutukoy sa iyong sarili. Gumamit
ng hindi bababa sa tatlong halimbawa ng pang-abay.
Kailangang ito ay may dalawang stanza at tig-aapat na taludtud.

PAMANTAYAN 5 4 3
NAPAKAHUSAY MAHUSAY KARANIWAN
KAHANDAAN
20%
NILALAMAN
20%
WIKA
20%
KAWASTOHA
N
(PANG-ABAY)
40%

Inihanda ni:

Mary Joy L. Daigdigan


BEED-II

You might also like