You are on page 1of 17

Gabay sa Pagtuturo ng Filipino

Baitang 10
Taong Panuruan 2017- 2018

Aralin 3.4

ARALIN 4 – Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay

Tula Mula sa Uganda


Isinalin sa Filipino ni Bb. Mary Grace A. Tabora
Salin sa Ingles ni Jack H. Driberg ng
A Song of a Mother To Her Firstborn
Wastong Gamit ng Simbolismo at Matatalinghagang Pananalita

Pamantayang Pangnilalaman

 Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga tula mula sa isang


bansa sa Africa na nagpapakita ng pagmamahal ng ina sa anak ganoon din ang
kahalagahan ng paggamit ng simolismo at matatalinghagang pananalita sa pagiging
masining sa pagbuo ng tula

Mga Pokus na Tanong

 Panitikan: Paano naiiba ang tulang Malaya sa tulang tradisyunal at paano nasasalamin
sa mga tula ang kultura ng bansang pinagmulan nito?

 Gramatika at Retorika: Paano mkatutulong ang paggamit ng simbolismo at


matatalinghagang pananalita sa pagiging masining sa pagbuo ng isang tula?

Mahalagang Pag-unawa

 Naiiba ang tulang Malaya sa tulang tradisyunal dahil sa hindi nito pagtataglay ng sukat at
tugma

 Nailalarawan sa mga tula ang kultura ng bansang pinagmulan nito

 Nakatutulong sa pagiging masining sa pagbuo ng tula ang paggamit ng simbolo at


matatalinghagang pananalita

Inaasahang Pagganap

 Nalalapatan ng himig ng nilikhang tula


Mga Kasanayang Pampagkatuto sa Bawat Domain

 Pag-unawa sa Napakinggan

 Nasusuri ang kasiningan at bisa ng dalawang uri ng tula batay sa halimbawa ng mga ito

 Paglinang ng Talasalitaan

 Naiaantas ang mga salita ayon sa sidhi ng damdaming ipinahahayag ng bawat isa

 Pagsulat

 Nalalapatan ng hiig ang isinulat na sariling tula

 Panonood

 Nakapapanood ng sabayang pagbigkas o kauri nito batay sa


- Kasiningan ng akdang nabasa
- Kahusayan ng pagbigkas

 Pag-unawa sa Binasa

 Naihahambing ang pagkakaulad at pagkakaiba ng sanaysay sa ibang akda

 Wika at Gramatika

 Nasusuri ang kasiningan at bisa ng dalawang uri ng tula batay sa napakinggang


halimbawa nito

 Pagpapahalaga

 Nkabubuo ng kaisipan tungkol sa tulang malaya at tulang tradisyunal maging sa


kulturang nakapaloob dito at ang kahalagahan ng simbolismo at matatalinghagang
pananalita sa pagiging masining ng tula

 Estratehiya sa Pag-aaral

 Naisasagawa ang pangangalap ng mga kaalaman tungkol sa kultura ng bayang


pinanggalingan ng tula
BAITANG 10 – Abad BAITANG 10 – De BAITANG 10 –
Santos Jesus Lakan Dula
BAITANG 10 – BAITANG 10 – BAITANG 10 –
Mabini Lim Ponce UNANG ARAW

TUKLA
SIN
I. Mga Kasanayang Pampagkatuto

A. Naibibigay ang kaisipan sa tulong ng mga larawan

B. Natutuoy ang mga matatalinghagang pananalita mula sa binasang tula

C. Nasasagutan ang mga katanungan sa ulong ng inihambing na mga tula

II. Proseso ng Pagkatuto

A. Panimulang Gawain

Pagbabahaginan ng mga kaalaman ukol sa bansang Uganda sa tulong ng larawan.

 bigay ang nais ipabatid ng larawan ukol sa bansang Uganda.

B. Pangkatang Gawain

Pangkat 1- “Ano ang naaalala mo?” Pagsulat ng nabuong kaisipan sa tabi ng larawan.
_______________ ______________

_______________ ______________

 Paano ipinakita ng ina ang kanyang pagmamahal sa kanyang anak?

Pangkat 2 - Salungguhitan ang matatalinghagang pananalitang ginamit sa tula.

Ina
Ni Pedro Gatmaitan
(bahagi lamang)

Nanunuot hanggang sa buto ang daing na naririnig


Ng babaeng nagdarandam sa loob ng isang silid;
Pagmasdan mo’t nakaratay sa hihigan niyang banig
Himas-himas ang balakang na masakit na masakit;
Sinasarili ang hirap, kinakaya an gang hinagpis
At talagang nakahandang ang buhay man ay mapatid;
Papaano’y isang inang buong pusong nagtitiis
Dahilan sa kaniyang anak na isisilang sa daigdig.

Nakagagaya ng aliw ang di-matapos na galak


Ng babaeng naghehele sa kalung-kalong na anak;
Namumupol sa gunita ng kundimang masasarap
Mapahimbing lamang ang bunsong maya’t maya’y umiiyak;
Sa ubod ng kaniyang dibdibi tinitigis ang katas
Ng biyayang sa laman ng kanyang lama’y pampalakas;
Papaano’y ina siyang tumalaga sa lahat
Mapalaki lang sa mundo ang anak na nililiyag

 Ano ang ipinahihiwatig ng tula?


Pangkat 3 - Pagbasa at pag-unawa sa kasunod na mga tula. Pahalagahan ang mga ito
sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong batay sa mga dati nang alam sa tula.

Ako ang Daigdig II


Ni Alejandro G. Abadilla Ako
Ang daigdig ng tula
I Ako
Ako Ang tula ng daigdig
Ang daigdig Ako ang malayang ako
Ako Matapat sa sarili
Ang tula Sa aking daigdig
Ako ang daigdig Ng tula
Ng tula Ako
Ang tula Ang tula
Ng daigdig ng daigdig
Ako ako
Ang walang maliw na ako ang daigdig
Ang walang kamatayang ako ng tula
Ang tula ng daigdig ako
Ang Ilaw sa Parol
Ilaw!.... Gabi-gabi ang ilaw na yaon
Ay sinisindihan sa loob ng parol
Isang munting kamay , kulubot at luoy
Ang di na nagsawang sa habang panaho’y
Laging nag-iilaw sa ulilang balkon

May pitong taon na ang nakalilipas


Mula ng umalis ang bugtong na anak
Lumaki sa layaw, nagmana ng pilak
At nang magbinatang busog sa pangarap
Nilisan ang Ina’t ang mundo’y nilipad

Kaya buhat noon, ang inang may hapis


Sa buntunghininga’y sugatan ang dibdib
Inang palibhaya’y ina ng pag-ibig
Nasa kanyang puso ang bunsong nawaglit
Hinihintay-hintay na muling magbalik

Ang kanyang pag-asa’y darating sa bahay


At nang magbinata’y busog sa pangarap
Kaya gabi-gabi ang ina’y may tanglaw
Ilaw ng pag-ibig sa dating tahanan
Patnubay ng anak sa kanyang pagdatal!

Ibong nakukulong kapag nakalaya,


Di ibig dumapo sa sangang mababa!
Ito ang nangyari sa ating binate,
Sa nasang makamtan ang sangmundong-tuwa’y
Halos hindi itungtong ang paa sa lupa!
Mabilis ang kampay ng kanyang pakpak
Na nakikihabol sa lipad ng limbas
Ibig na ang langit ay kanyang malipad
Kahit pagkatapos, sa siwang ng ulap,
Magsabulalakaw na muling malaglag.

 Paano naiiba ang pagkakabuo ng tulang “Ako ang Daigdig” sa “Ang Ilaw sa
Parol”?
Pangkat 4 – Score Mo! Ishow Ko!

DIMENSYON NAPAKAHUSAY ( 3 ) MAHUSAY ( 2 ) KATAMTAMAN ( 1 )


Akibong nakilahok ang lahat Aktibong nakilahok ang Aktibong nakilahok
Pagkakaisa ng kasapi. nakararami ang ian

Lubhang malinaw ang Naging malinaw ang Di-gaanong malinaw


Pagsasalita at
pagbigkas at paghatid ng paghatid ng mensahe ang mensahe
Pagbigkas
mensahe
Lubos na nagpamalas ng Naging malikhain sa Di-gaanong naging
Pagkamalikhain pagkamalijhain at paghahanda malikhain sa
paghahanda paghahanda

C. Pagbabahaginan ng bawat pangkat

D. Pagbibigay-feedback at pagmamarka ng bawat pangkat

E. Sintesis

Batay sa panimula at mga gawain, punan mo ng sagot ang nakatala sa balangkas


kaugnay ng magiging paksa ng aralin.

I. Tula II. Kayarian ng Tula


A. Bansa A.
1. 1. Katangian
B. Paksa a.
1. b.
C. Layunin III. Elemento ng Tula
1. A.
2. B.
3. C.
D. Katangian D.
a.
b.
c.

III. Kasunduan

A. Basahin : Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay


Modyul sa Filipino 10 pp. 279 - 280

B. Sumipi ng awiting madalas na ipinanghehele ng ina sa anak.


BAITANG 10 – Abad BAITANG 10 – De BAITANG 10 –
Santos Jesus Lakan Dula
BAITANG 10 – BAITANG 10 – BAITANG 10 –
Mabini Lim Ponce

IKALAWANG ARAW

LINAN
GIN
. Naiaantas ang mga salita ayon sa sidhi ng damdaming ipinahahayag ng bawat isa
B. Nasusuri ang tula batay sa mga elemento at kayarian nito
C. Naihahambing ang dalawang tula batay sa pagkakatulad at pagkakaiba ng mga ito

I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto

A. Naiaantas ang ga salita ayon sa sidhi ng damdaming ipinahahayag ng bawat isa


B. Nasusuri ang tula batay sa mga element at kayarian nito
C. Natutukoy ang matatalinghagang pananalitang ginamit sa tula

II. Proseso ng Pagkatuto

A. Panimulang Gawain

Pagpaparinig sa isang awiting madalas na ipinanghehele ng ina sa kaniyang


anak.

Ugoy ng Duyan ni Aiza Seguerra

 Ano ang mensahe ng narinig na awitin?


B. Paglinang ng Talasalitaan

Panuto: Iranggo ang mga salita ayon sa kasidhian ng damdamin

1. tumatawa, nguningiti, humahalakhak

________________
3
_______________
2.
______________
1.

2. paghamak, pag-alipusta, pang-aalipin

________________
3
_______________
2.
______________
1.

3. pagpapakasakit, pagpapakahirap, pagdurusa

________________
3
_______________
2.
______________
1.

C. Pagbasa sa akda

Hele ng Ina sa kanyang Panganay


Tula Mula sa Uganda
Isinalin sa Filipino ni Bb. Mary Grace A. Tabora
Salin sa Ingles ni Jack H. Driberg ng
A song of a Mother To her Firstborn
D. Pagtalakay sa akda

1. Bakit maingat sa pagpapangalan ng anak ang mga tribong Didinga at Lango ng


Uganda
2. Paano ipinakita sa tula ang kultura ng Didinga at Lango ng Uganda?
3. Ipaliwanag ang pangarap ng ina sa anak.
4. Sa iyong palagay, paano nakatulong sa paglaki ng anak ang pagkakaroon ng malapit
na ugnayan sa ina mula sa sanggol pa lamang.
5. Ano ang mga napansin ninyo sa tula?

E. Pagbibigay-input ng guro

Alamin mo…

Elemento ng Tula

1. Sukat - tumutukoy ito sa bilang ng pantig sa bawat taludtod

2. Tugma - pagkakapare-pareho ng tunog sa huling pantig ng mga huling salita sa bawat


taludtod na maaaring patinig o katinig

3. Kariktan - tumutukoy sa pagtataglay ng tula ng marikit na salita upang mapukaw ang


damdamin at kawilihan ng mambabasa

4. Talinghaga - sangkap o element ng tula na may kinalaman sa natatagong kahulugan o di


tiyakang tinutukoy ang nais sabihin o nais iparating

Tula ayon sa Kayarian

1. Tulang Tradisyunal - binubuo ng mga taludtod na may sukat at tugma. Ito ang
katutubong layunanin ng tulang tagalog.
2. Malayang Taludturan( free verse) - Ito’y makabagong kayarian ng tulang walang sukat at
walang tugma, lalong nababagay sa maikling tulang masagisag at madadalumat
F. Pagbasa at pag-unawa sa nilalaman ng talata sa bawat hanay.

1. Pakikinig sa isang awiting inaalay sa ating mga dakilang ina.

Iingatan Ka
Sa buhay kong ito Sanay di na magising
Tanging pangarap lang Kung nangangarap mandin
Ang iyong pagmamahal Kung ang buhay na makulay
Ay makamtan Ang tatahakin

Kahit na sandal Minsan ay madarapa, minsan din ay luluha


Ikaw ay mamasdan Di ka na manirimdim
Ligaya’y tila ba Pagkat sa buhay mo
Walang hanggan Ay may nagmamahal parin

 Ibigay ang nais ipahiwatig ng awitin.

2. Pagbasa at pag-unawa sa nilalaman ng tulang “Isang Dipang Langit” ni Amado V.


Hernandez.

Ikinulong ako sa kutang malupit Sintulin ng kidlat ang mata ng tanod


Bato, bakal, punlo, balasik ng bantay; Sa pintong may susi’y walang makalapit
Lubos na tiwalag sa buong daigdig Sigaw ng bilanggo sa katabing moog
At inuring buhay man ay patay Anaki’y atungal ng hayop sa yungib

Sa munting dungawan, tanging abot-malas Ang maghapo’y tila isang tanikala


Ay sandipang langit na puno ng luha Na kala-kaladkad ng pang madugo
Maramot na birang ng punong may sugat Ang buong magdamag ay kulambong
Watawat ng aking pagkariwara luksa
Ng kabaong waring lungga ng bilanggo

 Pagtalakay sa teksto

1. Ilarawan ang kinalalagyan ng persona sa tula.

2. Patunayang may diwang mapanghimagsik ang nagsasalita sa tula

G. Pagsusuring Gramatikal

1. Piliin ang bahagi ng tulang may ipinahiwatig o di laantad ang nais ipakahulugan.
2. Isa-isahin naman ang mga bagay at kaisipang ginamit sa tula na may sinasagisag o
nais tukuyin. ( Ipakahulugan)
3. Paano nakatulong ang mga ito sa ikagaganda ng tula?
H. Pagbibigay ng Input ng guro

Tandaan mo…

Ang matatalinghagang pananalita ay may malalim o hindi hantad ang kahulugan. Malaki ang
maitutulong ng mga salitang ginamit upang mabatid ang nais sabihin. Ang kagandahan at
pagkamalikhain ng anumang wika ay masasalamin sa paggamit nito.
Makatutulong ang paggamit ng mga tayutay upang maging matalinghaga ang isang tula.
Mabibigyan ang mga mambabasang mag-isip sa mga kaisipang nais ipahiwatig sa tula.

Halimbawa:
Kung tatanawin mo sa malayong pook
Ako’y tila isang nakadipang kurus
Sa napakatagal na pagkakaluhod
Tila hinahagkan ang paa ng Diyos

Ang simbolismo naman ay naglalahad ng mga bagay at kaisipan na maaaring maging sagisag sa
nais tukuyin o katawanin sa mga binabanggit sa tula.

Halimbawa:
Organong sa loob ng simbahan
Ay nananalangin sa kapighatian
Habang ang kandila ng sariling buhay
Magdamag na tanod sa aking libingan

I. Pagsagot sa Pagsasanay

Sagutan sa hiwalay na papel ang pagsasanay 1 - 3 Modyul sa Filipino 10 pp. 285

Pagwawasto sa ginawang pagsasanay.

J. Sintesis

Pagbibigay sa pangkalahatang kaisipan mula sa akdang tinalakay.


III. Kasunduan

Sumipi ng isang tulang Malaya at di-malaya


Bumuo ng tulang nais ialay sa kaarawan ng iyong dakilang ina.

Pangkat 2 – Magsaliksik at magsuri

Magsaliksik ng iba pang tulang may matatalinghagang pananalita o


simbolismong ginamit. Suriin ang bawat saknong ng nasabing tula.

Pamagat ng Tula May-akda Matalinghagang/simbolismong


ginamit

Pangkat 3 - News TV

Batay sa napanood na sabayang pagbigkas sa video (iparinig sa klase)

Gumawa ng pag-uulat sa klase batay sa mga sumusunod:

a. Kasiningan ng tulang binigkas


b. Kahusayan sa pagbigkas

Pangkat 4 -

Bumuo ng dalawang saknong ng tula. Isaalang-alang ang natutuhan sa element


ng tula, matatalinghagang pananalita at simbolismo. Gawing paksa ang tungkol
sa kulturang Africa at Persia at iugnay sa kulturang Pilipino.

Pangkat 1 – Thinking Map

Gamit ang isang makabuluhang organizer sagutin ang sumusunod na tanong.

a. Paano naiiba ang tulang Malaya sa tradisyunal?


b. Paano masasalamin ng tula ang kultura ng bansang pinagmulan nito?
c. Paano nakatutulong ang paggamit ng simbolismo at matatalinghagang
pananalita sa pagiging masining sa pagbuo ng tula?
BAITANG 10 – Abad BAITANG 10 – De BAITANG 10 –
Santos Jesus Lakan Dula
BAITANG 10 – BAITANG 10 – BAITANG 10 –
Mabini Lim Ponce

IKATLONG ARAW

PAGNILAY
AN AT
UNAWAIN/
ILIPAT

I. Mga Kasanayang Pampagkatuto:

A. Nasusuri ang wastong gamit ng simbolismo at matatalinghagang pahayag sa isang tula


B. Nakabubuo ng kaisipn tungkol sa tulang Malaya at tulang tradisyunal maging
sa kulturang nakapaloob dito
C. Nakasusulat ng tulang pinapaksa ang ina

II. Proseso ng Pagkatuto:

A. Panimulang Gawain

Sagutin ang tumutukoy sa bawat bilang

1. Uri ng tula na may sukat at tugma


2. Uri ng tula na walang sukat at tugma
3. Ito ang pagkakapare-pareho ng tunog sa huling pantig ng huling salita sa bawat
taludtod
4. Pagtataglay ng tula ng maririkit na salita upang maukaw ang damdamin
5. Bilang ng pantig sa bawat taludtod.

 Ano ang tinatalakay ng mga tanong/sagot sa bawat bilang?


B. Pangkatang Gawain

Pangkat 2 – – Magsaliksik at magsuri

Magsaliksik ng iba pang tulang may matatalinghagang pananalita o


simbolismong ginamit. Suriin ang bawat saknong ng nasabing tula.

Pamagat ng Tula May-akda Matalinghagang/simbolismong


ginamit

Pangkat 3 - News TV

Batay sa napanood na sabayang pagbigkas sa video (iparinig sa klase)

Gumawa ng pag-uulat sa klase batay sa mga sumusunod:

a. Kasiningan ng tulang binigkas


b. Kahusayan sa pagbigkas

Pangkat 4 - Sumulat Ka!

Bumuo ng dalawang saknong ng tula. Isaalang-alang ang natutuhan sa element


ng tula, matatalinghagang pananalita at simbolismo. Gawing paksa ang tungkol
sa kulturang Africa at Persia at iugnay sa kulturang Pilipino.

Pangkat 1 – Score Mo! Ishow Ko!

DIMENSYON NAPAKAHUSAY ( 3 ) MAHUSAY ( 2 ) KATAMTAMAN ( 1 )


Akibong nakilahok ang lahat Aktibong nakilahok ang Aktibong nakilahok
Pagkakaisa ng kasapi. nakararami ang ian

Lubhang malinaw ang Naging malinaw ang Di-gaanong malinaw


Pagsasalita at
pagbigkas at paghatid ng paghatid ng mensahe ang mensahe
Pagbigkas
mensahe
Lubos na nagpamalas ng Naging malikhain sa Di-gaanong naging
Pagkamalikhain pagkamalijhain at paghahanda malikhain sa
paghahanda paghahanda
C. Pagbibigay ng input ng guro

Unawain mo….

Nakadaragdag sa kagandahan ng katha ang hindi karaniwang paggamit ng mga


salita. Kaya naman ang tula ay mayaman sa mga tayutay na nakatutulong upang
maging mabisa at kaakit-akit ang akda. Maliban sa tayutay, nagagamit din sa
pagkakaroon ng kaiktn ng tula ang mga simbolismo at matatalinghagang pananalita.

Ang matatalinghagang pahayag o pananalita - sinasalamin nito ang kagandahan


at pagkamalikhain ng anumang wika.

D. Pagsulat/Paglikha

G - Makabuo ng isang tula


R - Tagagawa/tagakatha ng tula
A - Kamag-anak, ina
S - Nahilingang kumatha ng tula sa araw ng mga ina
P - Makasulat ng tula na nagsasalaysay ng dakilang pag-aaruga ng ina.
S - Tiyaking magagamit mo ang mga pamantayan

a. Kahusayan ng tula (kasiningan at talinghaga ) 5 puntos


b. Himig o melodiya ( tinig ) 5 puntos
c. Kabuuang Pagtatanghal ( Presentasyon ) 5 puntos
Kabuuan 15 puntos

E. Pagpapabasa sa ilang natapos na gawain

F. Paglilikom ng mga awtput

G. Sintesis

Ibigay ang iyong naramdaman mula sa natapos na gawain. Isulat sa loob ng


puso.

-----------------------
--------------------
--------------

III. Kasunduan
 Magsaliksik ng mga kaalaman ukol kay Barbara Kimenye

You might also like