You are on page 1of 20

Kabanata 3

KAGAMITANG PAMPAGTUTURO SA FILIPINO 10

Rasyonal

Ang kagamitang pampagtuturo ang siyang katuwang ng guro sa kanyang pagtuturo na nagsilbing

behikulo upang maitawid niya ang kaalaman patungo sa kanyang mga mag-aaral. Lingid sa kaalaman

ng lahat may iba at ibang estilo ang mga mag-aaral sa pagkatuto na kailangang tugunan ng guro kaya

dito pumapasok ang pagkamalikhain sa paghahanda ng mga kagamitang pampagtuturo.

Ang gagawing kagamitang pampagtuturo ay nakasentro o nakapokus sa wika at panitikan.

Minabuti ng mananliksik na gawin ito upang sa ikatatagumpay ng pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-

aaral.

Binaggit sa unahan na mahalaga talaga ang mga kagamitang pampagtuturo dahil ito ay

nagsisilbing tulay ng guro sa kanyang pagtuturo at ng pagakatuto ng mga mag-aaral sa paksang

tatalakayin. Lalo na sa panahon ngayon kailangang malikhain ang isang guro sa kanyang pagtuturo nang

sa gayon hindi mababagot ang mga mag-aaral bagkus magkaroon ng interes o kawilihan na matutunan

ang isang paksa.

Kapaki-pakinabang din sa mga mag-aaral ang gagawing kagamitang pampagtuturo dahil ito ay

gagabay sa kanila upang matutuhan ang paksang tinalakay ng guro lalo na kung ito ay nakatuon sa

akdang patula.
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 10

#1

I. Layunin ng Pagkatuto

Pangkaalaman

- Nakatutukoy sa mensaheng nais ipaabot ng tula sa kanyang mambabasa;

- Nakatitiyak sa sukat at tugmaan ng tula;

- Nakapaglalarawan sa estilo ng may-akda sa paghabi ng tula.

Pandamdamin

- Nakapagbibigay-reaksyon hinggil sa damdaming pinalulutang sa bawat

saknong ng tula;

- Nakapaghahambing sa kasalukuyang panahon ang mahahalagang kaisipan na

pinapalutang sa tula;

- Nakapagpapahayag sa mga suliraning kinakaharap ng may-akda sa

pagkagawa ng tula.

Pansaykomotor

- Nakapagtatanghal ng isang malikhaing pagsasadula mula sa mga piling

saknong ng tula;

- Nakapaglalahad ng isang awitin na ang paksa ay hinggil sa kalayaan ng isang

tao.

II. Paksang Aralin

Paksa: Republikang Basahan (tula)

Kagamitan: istrip ng salita, illustration board at kagamitang

pangkulay.

Oras na Ilalaan: Apat na oras sa loob ng isang linggo

Pagpapahalaga: Sariling Kalayaan, Pagmamahal sa Bayan


III. Pamamaraan:

A. Paghahanda(Preparation)

Ipapangkat ng guro ang klase sa apat na pangkat,pagkatapos ng pangkatan,

Iparirinig ng guro sa bawat pangkat ang awit na

“BAYAN KO”

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang iyong nararamdaman habang pinapakinggan ang awit na bayan ko?

2. Ano ang mensahe na nais ipaabot ng awitin sa inyo?

3. Anong simbolismo ang pinapagitaw sa awitin?

Ang bawat pangkat ay magbabahagi ng kanilang kasagutan mula sa katanungang

ibinigay ng guro.

Pagkatapos ng pagbabahaginan ng mga kasagutan, ipahihinuha ng guro ang

pamagat ng tulang tatalakayin.

REPUBLIKANG

BASAHAN

Ang mga mag-aaral ay magbabahaginan ng kanilang nalalaman tungkol sa

pamagat ng tula. Pagkatapos ng pagbabahaginan, ipababasa ng

Guro ang tulang “Republikang Basahan” sa kaparaanang

Dugtungang pagbabasa.
REPUBLIKANG BASAHAN
Ni Teodoro Agoncillo

Republika baga itong busabos


Ang tingin sa tanikala’y busilak ng kalayaan?

Kasarinlan baga itong ang bibig mo’y nakasusi?


Ang mata mong nakadilat ay bulag na di mawari,

Ang buhay mo’y walang patid na hibla ng pagtataksil


Sa sarili, lipi’t angkan, sa bayan mong dumaraing!

Kalayaan! Republika! Ang bayani’y dinudusta


Kalayaan pala itong mamatay nang abang-aba!

Kasarinlan pala itong hindi mo masarili


Ang dangal ng tahanan mong ibo’t pugad ng pagkasi.

Malaya ka, bakit hindi? Sa bitaya’n ikaw’y manhik,


At magbigting mahinahon sa sariling lubid!

Kalayaan- ito pala’y mayron na ring tinutubo


Sa puhunang dila’t laway, at hindi sa luha’t dugo!

Humimbing kang mapayapa, mabuhay kang nangangarap,


Sa ganyan lang mauulol ang sarili sa magdamag.

Lumakad ka, huilain mo ang kadenang may kalansing,


Na sa taynga ng busabos ay musikang naglalambing!

Limutin mo ang nagdaan, ang sarili ay taglayin,


Subalit ang iniisip ay huwag mong bibigkasin!

Magsanay ka sa pagpukpok, sa pagpala at paghukay,


Pagkat ikaw ang gagawa ng kabaong kung mamatay

Purihin mo ang bayaning may dalisay na adhika,


Ngunit huwag paparisan ang kanilang gawi’t gawa
Republika na nga itong ang sa inyo’y hindi iyo,
Timawa ka at dayuhan sa lupain at bayan mo!

Kalayaan! Malaya ka, oo nga, bakit hindi?


Sa patak ng iyong luha’y Malaya kang mamighati!

Sa simoy ng mga hangin sa parang at mga bundok,


Palasapin mo ang sukal ng loob mong kumikirot.

Ksarinlan! Republika! Kayo baga’y nauulol,


Ang inyong kalayaa’y table na rin ng kabaong?

Bawat hakbang na gawin mo sa templo ng kalayaan


Ay hakbang na papalapit sa bunganga ng libingan!
Republika! Kasarinlan! Mandi’y hindi nadarama,
Ang paglaya’y sa matapang at sa kanyon bumubuga!

Ang paglaya’y nakukuha sa tulis ng isang sibat,


Ang tabak ay tumatalim sa pingki ng kapuwa tabak

Ang paglaya’y isang tining ng nagsamang dugo’t luha,


Sa saro ng kagitinga’y bayani lang ang tutunga.

Bawat sinag ng paglayang sa karimlan ay habulin,


Isang punyal sa dibdib mo, isang kislap ng patalim!

- (Mula sa Panitikan ng Pilipinas nina Pangiban at Panganiban. 1998)

B. Paglalahad(Presentation)

Malayang Talakayan hinggil sa tulang binasa ng bawat pangkat

Pangkatang Pagsusuri sa tula

Pangkat I- Suriin ang mensahe at damdamin ng tula at ang

elemento nito.

Pangkat II- Suriin ang pagkahabi ng tula batay sa estilo ng

Pagkagawa ng may-akda.

Pangkat III-- Gamit ang Venn Diagram , Ihambing ang mensahe

ng tula sa kasalukuyang panahon.

Bibigyan ng tatlumpung minuto ang mga mag-aaral na paghandaan

ang nasabing pangkatang gawain. Kung matapos ka agad

sisimulan agad ang paglalahad sa pangkatang

gawain.

Pagkatapos ng paglalahad sa lahat ng pangkat, tatalakayin ng guro


ang tayutay at ang morpo-sintaktikong kayariang pangwika

(kayarian ng salita, pagpapakahulugang pantalasalitaan, at

Kayarian ng pangungusap)

C. Pagsasanay(Practice)

Indibidwal na gawain:

Suriin ang tula kung anong mga pigyuratibong pahayag ang pinapagitaw.

Pigyuratibong Pahayag

Taludtod ng Tula Pakahulugan/Patunog

Ang tingin sa tanikala’y busilak ng


kalayaan.(saknong 1,taludtod 2)
Magsanay ka sa pagpukpok, sa pagpala at
paghukay, Pagkat ikaw ang gagawa ng
kabaong kung mamatay.(saknong
11,taludtod 22,23)
Ang paglaya’y isang tining ng nagsamang

dugo’t luha(saknong 20,talutod 40)

Kasarinlan baga itong ang bibig mo’y


nakasusi?
Ang mga mat among nakadilat ay bulag na di
mawari(saknong2, tal, 3-4)
Republika na nga itong sa inyo’y hindi iyo,

Timawa ka at dayuhan sa lupain at bayan

mo!(saknong 14,tal 27-28)

Pangkatang gawain:

Ipapangkat ang klase sa apat na pangkat upang suriin ang tula ayon sa

morpo-sintaktikong kayariang pangwika.

Pangkat I— saknong 1-7

Pangkat II- saknong 8-15


Pangkat III- saknong 16-21

Morpo-Sintaktikong Kayariang Pangwika sa tulang “ Republikang Basahan”

Morpo-Sintaktikong Kayariang Pangwika


Pagpapakahulugang
Taludturan ng Pantasalitaan
Kayarian ng Denotasyon Konotasyon Kayarian ng
Tula
Salita Pangungusap

Ang buhay mo’y


walang patid na
hibla ng
pagtataksil
(saknong 3,tal5)

Purihin mo ang
bayaning may
dalisay na
adhika,ngunit
huwag paparisan
ang kanilang
gawi’t gawa.
(saknong 12.tal
21)
Limutin mo ang
nagdaan, ang
sarili ay taglayin,
Subalit ang
iniisip ay huwag
mong bibigkasin
(saknong10,tal
19-20)

Ilalahad ng bawat pangakat ang ginawang pagsusuri.

IV. Ebalwasyon

Pagsusuri sa sosyo-kultural na pangitain sa tula

Sosyo- Kultural na Pangitain na Pinalulutang sa Tulang


“Republikang Basahan”

Taludturan ng Tula Sosyo-Kultural na Pangitain

Republika baga itong busabos


Ang tingin sa tanikala’y busilak ng
kalayaan?(saknong 1, taludtod 2)
Kasarinlan baga itong ang bibig mo’y nakasusi?
Ang mat among nakadilat ay bulag na di mawari,
(saknong 2, taludtod 4)
Ang buhay mo’y walang patid na hibla ng
pagtataksil, Sa sarili,lipi’t angkan, sa bayan mong
dumaraing/ (saknong 3,talutod 6)
Kasarinlan pala itong hindi mo masarili
Ang dangal ng tahanan mong libo’t pugad ng
pagkasi.(sakong 5,taludtod 10)
Humimbing kang mapayapa, mabuhay kang
nangangarap, Sa ganyan lang mauulol ang sarili
sa magdamag(sakong 8,taludtod 16)
Limutin mo ang nagdaan, ang sarili ay taglayin,
Subalit ang iniisip ay huwag mong
bibigkasin.(saknong 10,taludtod 20)
Magsanay ka sa pagpukpok, sa pagpala ata
paghukay, Pagkat ikaw ang gagawa ng kabaong
kung mamatay(sakong 11, taludtod 22)
Purihin mo ang bayaning may dalisay na adhika,
Ngunit huwag paparisan ang kanilang gawi’t gawa
(saknong 12,taludtud 24)

Republika na nga itong ang sa inyo’y hindi iyo,


Timawa ka sa dayuhan sa lupain at bayan mo!
(saknong 13, taludtod 26)

V. Takdang Aralin:

Pangkatang Gawain:

Pumili ng saknong at gawan ng malikhaing pagsasadula. Itatanghal sa susunod na

pagkikita.

Indibidwal na gawain: Gumuhit ng larawang-diwa na sumasaklaw sa tula

Pangkatan g Gawain:

Lumikha ng isang awiting makabayan na pumapaksa sa kalayaan

Pamantayan:
Orihinalidad ng komposiyon— 40%
Musicality---- 40%
Kaangkupan sa Paksa---- 20%
________
100%
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 10

#2

I. Layunin:

Pagakatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

Pangkaalaman:

 Nakatutukoy sa mensahe at damdamin na pinalulutang sa bawat saknong ng

tula;

 Nakapaglilista sa mga salitang naglalarawan tungkol sa pag-ibig;

 Naiisa-isa ang mga taludtod ng tula na nagpapakita ng pagsasakripisyo ng

persona ng tula.

Pandamdamin:

 Nakapaglalarawan sa pag-ibig na tinukoy ng makata sa kanyang tula;

 Nakapagbibigay-reaksiyon hinggil sa kung paano ipinamamalas ng may-akda

ang masidhing pagmamahal sa kaniyang tula;

 Nakapagbabahagi hinggil sa naging karanasan sa tunay na kahulugan ng pag-

ibig.

 Nakasusuri sa mga pigyuratibong pahayag na ipinamamalas sa bawat saknong

ng tula;

 Nakasusuri sa morpo-sintaktikong kayariang pangwika ang ginamit sa

kabuuan ng tula.

Pansaykomotor:

 Nakaguguhit ng larawang-diwa na sumasaklaw sa kabuuan ng tula;

 Nakapaglalahad ng isang pagtatalo o debate hinggil sa paksang pag-ibig;

 Nakapaglalapat ng tunog sa tulang tinalakay upang makapagtanghal ng isang

awitin.
II. Paksang Aralin:

A. Paksa: “Ang Aking Pag-ibig” (tula)

B. Kagamitan: istrip ng salita, cassette,micropono at mga kagamitang pangkulay

C. Oras na Ilalaan: Apat na oras sa loob ng isang lingo

D. Pagpapahalaga: Ang Kahiwagaan ng Pag-ibig, Pagmamahal sa sarili at kapwa.

III. Pamamaraan:

A. Paghahanda

Ipaparinig ng guro sa kanyang mga mag-aaral ang awiting pinamagatang

“PUSONG BATO” habang pinapakinggan ng mga mag-aaral ang awitin, ang

guro ay may ipinaskil sa pisara na gabay na tanong.

GABAY NA TANONG:

1. Ano ang mensahe ng awitin o kanta?

2. Tungkol saan ba ang kanta?

3. Anong damdamin kaya ang nagingibabaw mula s asimula hanggang sa

katapusan ng awit?

4. Anong salita ang inyong mahihinuha sa kanta?

Ang mga mag-aaral ay magbabahaginan ng kanilang nalalaman o naiintindihan sa

awiting napakinggan. Pagkatapos ng pagbabahaginan ipahihinuha ng guro sa

kanyang mga mag-aaral ang hugis na puso:

PAG-IBIG

Gabay na Tanong:

1. Ilarawan ang salitang nasa loob ng hugis puso

2. Mahalaga ba ang salitang ito sa buhay ng tao?

3. Paano mo ipamamalas ang salitang ito sa iyong kapwa at sa bayan?


Ang mga mag-aaral ay magbabahaginan ng kanilang kasagutan mula sa

gabay na tanong na ibinigay ng guro.Pagkatapos ipababasa ng guro ang

tulang “Ang Aking Pag-ibig ni Elizabeth Browning na salin sa Filipino ni

Alfonso Santiago.

ANG AKING PAG-IBIG


( Halaw sa How Do I Love Thee-Sonnet XLIII ni Elizabeth Browning, Isinalin sa Filipino ni
Alfonso O. Santiago)

Ibig mong mabatid , ibog ming malaman


Kung paano kita pinakmamahal?
Tuturan kong lahat ang mga paraan,
Iisa-isahin, ikaw ang bumilang.

Iniibig kita nang buong taimtim,


Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.

Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay


Ng kailangan mong kaliit-liitan,
Laging nakahandang pag-utus-utusan,
Maging sa liwanag, maging sa karimlan.

Kasinlaya ito ng mga lalaking


Dahil sa katwira’y hindi paaapi,
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.

Pag-ibig ko’y isang matinding damdamin,


Tulad ng lumbay kong di makayang bathin
Noong ako’y isang musmos pa sa turing
Na ang pananalig ay di masusipil.

Yaring pag-ibig ko, ang nakakabagay


Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal,
Na nang mangawala ay parang nanamlay
Sa pagkabigo ko at paghihinayang.
Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,
Ngiti, luha,buhay at aking hininga!
At kung sa diyos naman na ipagtalaga
Malibing ma’y lalong iibigib kita.

B. Paglalahad (Presentation)

Pagtatalakay sa Tula

Sagutin ang gabay na tanong:

ANG AKING PAG-IBIG


Sukat Tugma Simbolo Talinghga Tono

1. Suriiin ang binasang tula batay sa elemento nito. Sundin ang grapiko sa itaas.

2. Ano ang pag-ibig na tinukoy ng makata sa tula?

3. Ayon sa tula, paano ipinamalas ng makata ang masidhing pagmamahal?

4. Tukuyin ang magiging bunga ng pagkakaroon ng tunay na pag-ibig.

C. Pagsasanay(Practice)

Pagsusuri sa pigyuratibong pahayag at morpo-sintaktikong kayariang pangwika

na pinapagitaw sa tula.

Pigyuratibong Pahayag

Taludturan ng Tula Pakahulugan Patunog

Pag-ibig ko’y isang matinding


damdamin,
Tulad ng lumbay kong di makayang
bathin(saknong5,taludtod 17-20)
Kasinlaya ito ng mga lalaking dahil sa
katwira’y hindi
paapi(saknong4,taludtod 13-14)

Kasingwagas ito ng mga bayaning


marunong umingos sa mga papuri.
(saknong 4, taludtod 15-16)
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
ang dulo ng hindi maubos-isipin(saknong
3,taludtod 7-8)

Susuriin ng mga mag-aaral ang mga saknong sa tula kung alin dito ang

nagtataglay ng pigyuratibong pahayag


Susuriin ng mga mag-aaral ang morpo-sintaktikong kayariang pangwika ang

ginamit sa tula.

Morpo-Sintaktikong Kayariang Pangwika sa tulang “Ang Aking Pag-ibig”

Morpo-Sintaktikong Kayariang Pangwika


Pagpapakahulugang
Taludturan ng Tula Pantasalitaan
Kayarian ng Denotasyon Konotasyon Kayarian ng

Salita Pangungusap

Tuturan kong lahat


ang mag paraan,
Iisa-isahin, ikaw ang
bumilang.(saknong
1,tal 3-4)
Lipad ng kaluluwang
ibig na marating, Ang
dulo ng hindi
maubos-
isipin(saknong
2,tal7-8)
Iniibig kita nang
buong taimtim, Sa
tayog at saklaw ay
walang kahambing
(saknong 2, tal 5-6)
Laging nakahandang
pag-utus-utusan,
Maging sa liwanag,
maging sa karimlan.
(saknong 3,tal 11-12)

IV. Ebalwasyon:

Pagsusuri sa sosyo-kultural na Pangitain

Sosyo- Kultural na Pangitain na Pinalulutang sa Tulang


“Ang Aking Pag-ibig”

Taludturan ng Tula Sosyo-Kultural na Pangitain

Ibig mong mabatid, ibig mong malaman


Kung paano kita pinakamamahal?(sakong 1,taludtod
1,2)
Tuturan kong lahat ang mga paraan, Iisahin, ikaw ang
bumilang(sakong 1.taludtod 3,4)

Iniibig kita nang buong taimtim, Sa tayog at saklaw ay


walang kahambing,(sakong 2,taludtod 5,6)
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.(sakong 2,taludtod 7,8)
Yaring pag-ibig ko’y katugon,kabagay
Ng kailangan mong kaliit-liitan,
Laging nakahandang pag-utus-utusan, Maging sa
liwanag, maging sa karimlan(sakong 3,taludtod 9-12)
Kasinlaya ito ng mga lalaking
Dahil sa katwira’y hindi paapi, Kasingwagas ito ng mga
bayaning Marunong umingis sa mga papuri(saknong
4,taludtod 13-16)
Yaring pag-ibig ko, ang nakakabagay, Ay ang pag-ibig
ko sa maraming banal, Na nang mangawala ay parang
nanamlay, Sa pagkabigo ko at paghihinayang.
(saknong 6,taludtod 21-24)
Yaring Pag-ibig ko ay siyang lahat na,
Ngiti, luha,buhay at aking hininga!
At kung sa Diyos naman na ipagtala
Malibing ma’y lalong iibigin kita.(saknong 8,taludtod
25-28)

V. Takdang Aralin:

Gumuwa ng collage na nagpapakita ng pagmamahal sa bayan.

A. Pagguhit ng larawang-diwa sa tulang tinalakay

Pamantayan sa Pagmamarka:

Orihinalidad ng Disenyo- 50%


Paggamit ng Kulay— 25%
Kaangkupan sa Paksa----- 25%
-------------------
100%

B. Paglapat ng tunog sa tula upang makapagtanghal ng awitin

Musicality---- 50%

Orihinalidad— 30%

Presenya sa Entablado—20%
_________
100%
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 10

#3

I. Layunin:

Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:

Pangkaalaman:

- Nakatutukoy sa mensaheng nais ipaabot ng tula sa kanyang mambabasa;

- Nakatitiyak sa sukat at tugmaan ng tula;

- Nakapaglalarawan sa estilo ng may-akda sa paghabi ng tula.

Pandamdamin

- Nakapagbibigay-reaksyon hinggil sadamdaming pinalulutang sa bawat

saknong ng tula;

- Nakapaghahambing sa kasalukuyang panahon ang mahahalagang kaisipan na

pinapalutang sa tula;

- Nakapagpapahayag sa mga suliraning kinakaharap ng may-akda sa

pagkagawa ng tula.

- Nakasusuri sa mga tayutay na ginamit sa mga piling saknong ng tula;

- Nakasusuri sa morpo-sintaktikong kayariang pangwika na ipinamamalas sa

tulang tinalakay.

Pansaykomotor

- Nakapagtatanghal ng isang malikhaing pagsasadula mula sa mga piling

saknong ng tula;

- Nakapaglalahad ng isang awitin na ang paksa ay hinggil sa kadakilaan ng ina.

II. Paksang Aralin

A. Paksa: Hele ng Ina sa Kanyang Panganay(Tula)

B. Kagamitan: istrip ng salita, kagamitang pangkulay, cassette

C. Oras na Ilalaan: apat na oras sa isang lingo

D. Pagpapahalaga: Ang pagmamahal ng ina sa kanyang mga anak, kadakilaan

ng ina
III. Pamamaraan:

A. Paghahanda

A.1 Ipapangkat ng guro ang kanyang mga mag-aaral sa apat na pangkat,

pagkatapos ng pangkatan ipaparinig ng guro sa kanyang mga mag-aaral ang awit

ni Carol Banawa na pinamagatang “AWIT KAY INAY”

Pamprosesong tanong:

1. Ano ang pamagat ng awiting napakinggan?

2. Ano ang paksa ng awitin?

3. Paano pinahahalagahan ng awitin ang isang ina?

4. Paano inilalalrawan ang isang ina sa kanta?

Ilalahad ng mga mag-aaral sa harap ng klase ang kanilang mga kasagutan batay sa

katanungang ibinigya ng guro.

A.2 Indibidwal na Gawain:

Ilalarawan ng mga mag-aaral ang larawan ng kanilang ina na dala nila.

Ilalahad ang katangian ng kanilang ina.

Pagkatapos ng gawain sa paglalarawan, ipababasa ng tahimik ng guro ang

tulang “ Hele ng Ina sa Kanyang Panganay” sa kaparaanang dugtungang pagbabasa

HELE NG INA SA KANYANG PANGANAY


(A Song of A Mother to Her Firstborn salin sa Ingles ni Jack H. Driberg, Isinalin
sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora)

Mangusap ka, aking sanggol na sinisinta.


Mangusap ka sa iyong namimilog at nagniningning na mga mata,
Wangis ng mata ng bisirong-toro ni Lupeyo.

Mngusap ka, aking musmos na supling.


Ang iyong mga kamay nna humahaplos sa akin.
Na puno ng tibay at tatag bagaman yari’y munsik.
Magiging kamay ito ng mnadirigma, aking anak.
Tingnan mo’t nananabik na ako’y sapulin:
Nagbabalak nang humawak ng panulag na matalim.

Aking giliw, ngalan ng mandirigma sa’yo ilalaan,


at mamumuno sa kalalakihan.
At ika’y hahalikan sa yapak ng mga kaapo-apohan,
Kahit pa malaon nang naparam sa sanlibutan.
Ngunit lagi kong maaalala ang pagkapit mo sa akin,
Maging ang paghimlay mo sa aking dibdib,
At ang pagsulyap-sulyap sa akin.
Kapag ika’y itinanghal na gererong marangal,
Ako’y malulunod sa luha ng paggunita.

Munting mandirigma, paano ka namin pangangalanan?


Masdan ang pagbubuskala sa pagkakakilanlan.
Hindi hamak na ngalan sa iyo’y ibibigay,
Hindi ka rin ipapangangalan sa iyong amang si Nawal sapagkat ika’y panganay.
Higit kang pagpalain ng poon at ang iyong kawan.
Ikaw ba’y tatawaging “ Hibang” o “ Kapusugan?”
Ikaw bay tatawaging waring dumi ng baka na “ anak ng kamalasan?”
Ang poo’y di marapat na pagnakawan,
Sa iyo’y wala silang masamang pinapagimpan.
Ika’y kanilang pinaliguan at dinamitan ng kagandahan.
Ika’y binyagan ng mga matang naglalagablab.
At ang pambihirang pangungunot ng iyong kilay
Ay hindi ba palatandaan na ika’y maingat nilang pinanday?
Yaman ni Zeus at Aphrodite sa iyo’y kanilang inalay.
At ang katalinuhang nagungusap sa iyong mga mata,
Maging sa iyong halakhak.
Paano ka pangangalanan, aking inakay?
Ikaw ba’y lahi ng iyong lahi o naiibang nilalang?

Munting mandirigma, sinong anito sa iyo’y nananahan?


Kaninong mapagpalang kamay ang sa aking dibdib dumadantay?
Sinong yumuyungyong sa iyo’t nagpasigla ng buhay?
Ikaw ba’y kanlong ng kapayapaan?
Ngunit ika’y tila leopardong nasa palumpong at tumatanaw.
Hayaan, sa araw na yao’y iyong ibubuyangyang.
Aking supling, ngayon ako’y nasa kaluwalhatian.
Ngayon, akoy ganap na asawa.
Hindi na isang nobya, kundi isang ina.
Maging maringal, aking supling na ninanasa.
Maging mapagmalaki kaparis ng aking pagmamalaki.
Ika’y magbunyi kaparis ng aking pagbubunyi.
Ika’y irugin kaparis ng pagliyag na aking nadarama.
Anak, na ibinunga ng pag-ibig ng matipunong kabiyak.
Sa wakas, ako’y kahati ng kaniyang puso, ina ng kaniyang unang anak.
Ang kaniyang kaluluwa’y ligtas sa iyong pag-iingat,

Aking supling, ako, ako na sadyang sa iyo’y humulma.

Samakatuwid, ako’y minahal.


Samakatuwid, ako’y lumigaya.
Samakatuwid, ako’y kapilas ng buhay.
Samakatuwid, ako’y nagtamasa ng dangal.

Iingatan mo ang kaniyang libingan kung siya’y nahimlay.


Tuwinang gugunitain yaring kaniyang palayaw.
Aking supling, mananatili siya sa iyong panambitan,
Walang wakas sa kaniya’y daratal mula sa pagsibol ng ‘yong kabataan.
Ikaw ang kaniyang kalasag at sibat, pag-asa’t kaligtasan sa hukay.
Sa iyo’y siya’y muling mabubuhay tulad ng suwi sa kalupaan.
At ako ang ina ng kaniyang panganay.
Ika’y mahimbing, supling ng leon, nyongeza’t nyumba.
Ika’y mahimbing,
Ako’y wala nang mahihiling.

B. Pagtatalakay:

Talakayin sa loob ng klase ang iyong sagot sa mga sumusunod na

katanungan:

1. Sino ang persona sa tula? Ano ang kanyang pangarap?

2. Masining ba ang tulang tinalakay? Patunayan ang sagot.

3. Sa ano-anong bagay inihambing ang isang sanggol? Bakit ito ang mga

ginamit sa paglalarawan sa katangiang taglay niya?

4. Anong kaugalian at kultura ng mga taga- Uganda ang lumutang sa tula?

Ibigya ang iyong pananaw ukol dito?

5. Alin sa mga kaugaliang ito ang naiiba sa kaugalian ng mga Pilipino?


6. Anong bisang pangkaisipan at bisang pandamdamin ang natutuhan

pagkatapos basahin ang akda?

C. Pagsasanay

Pangkatang Gawain:

Pangkat I—Suriin ang tula ayon sa pigyuratibong pahayag na ginamit sa

bawat saknong

Taludturan ng Tula Uri ng Pigyuratibong kahulugan


pahayag

Pangkat II--- Piliin ang mga salitang nagtataglay ng dalawang kahulugan

Salita Konotatibo Denotatibo

Pangkat III- Pagsusuri sa kayarian ng salita at pangungusap

Taludturan ng Tula Kayarian ng Salita Kayarian ng

Pangungusap

IV. Ebalwasyon

Pagsussuri sa Kultural na Pangitain sa Tulang “Hele ng Ina sa Kanyang

Panganay”
Taludturan ng Tula Sosyo-Kultural na Pangitain

V. Takdang Aralin:

Pagtatanghal ng isang malikhaing pagsasadula mula sa mga piling saknong ng tula;

Paglalahad ng isang awitin na ang paksa ay hinggil sa kadakilaan ng ina.

You might also like