You are on page 1of 37

IKALAWANG LINGGO

PANULAANG PILIPINO – MGA


URI, SANGKAP KATANGIAN AT
BALANGKAS SA PAGSUSURI
NG TULA

GED117 - GREAT BOOKS (MGA PILING BASA)


PAGBABALIK-ARAL SA UNANG LINGGO:
MAIKLING KASAYSAYAN NG PANULAANG PILIPINO

-Panahong Pre-Kolonyal
lipunan
-Panahong Kolonyal
ekspresyon pagsasalin
-Panahon ng Propaganda at
Himagsikan
-Panahon ng Amerikano
PANITIKAN -Panahon ng Hapon
-Panahon ng Kalayaan
-Panahon ng Bagong
institusyon kakayahan Lipunan
Pag-iisip
-Panahong Kontemporaryo
KAHULUGAN AT KAANYUAN NG TULA

Ang TULA ay pagsasama-sama ng mga piling salita na may tugma,


sukat, talinghaga at kaisipan. Ang sumusulat o humahabi ng tula ay
tinatawag na makata. Ang makata ay punong-puno ng imahinasyon,
may matayog na damdamin at kaisipan.

ANYO NG TULA
• TRADISYUNAL – Tugma, sukat, talinghaga, kaisipan
• MALAYANG TALUDTURAN –Talinghaga, kaisipan
MGA SANGKAP NG TULA

ako
ang damdamin
ang larawan
Mga Sangkap ng Tula ang buhay
-tugma damdamin
larawan
-sukat buhay
-paksa o kaisipang taglay ng tula
ako
tula IV
-talinghaga ako
ang daigdig
-imahen o larawang diwa sa tula
-tono ako
ang daigdig
-persona ng tula
Ako
-Alejandro Abadilla
MGA SANGKAP NG TULA
❖ Sa tula, ang sukat ay tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat ako
taludtod. Maaaring magkaroon ito ng walo, labindalawa, labing-anim, o ang damdamin
labingwalong pantig. ang larawan
ang buhay
❖ Makatutulong sa pag-unawa sa tula ang pagtukoy sa kaisipan nito. Ang
damdamin
kaisipan ay ang mensahe ng tula. larawan
buhay
tula
❖ Ang tono ng tula ay tumutukoy sa damdaming nalilikha ng tula depende sa kung ako
paano pinili at ginamit ang salita; kung paano pinagsama-sama ang mga imahen; at
kung ano ang pananaw o saloobin ng manunulat sa paksa (masaya, malungkot,
IV
seryoso, mapagbiro, mapangutya, at iba pa) ako
ang daigdig
sa tula
❖ Sa simpleng pakahulugan, ang persona ang nagsasalita sa ako
tula. Maaaring matukoy ang katangian ng persona sa diksiyon at ang daigdig
sa mga i’maheng ginamit sa tula. ng tula
Ako
-Alejandro Abadilla
MGA HALIMBAWA NG MGA KAISIPAN O MENSAHE NG TULA
MGA HALIMBAWA NG MGA KAISIPAN O MENSAHE NG TULA
MGA SANGKAP NG TULA
❖ Isa pa sa mahahalagang sangkap ng tula ang tugmaan o ang
pagkakapareho ng tunog ng huling pantig sa bawat dulo ng
bawat linya, bagaman hindi naman ito kahingian kapag
magsusulat ng malayang taludturan.

❖ Ang imahen ito ay tumutukoy sa salita at pahayag na nag-


iiwan ng kongkreto at malinaw na larawan sa isipan ng
mga mambabasa

❖ Talinghaga - Sinasalamin at inililitaw ang kakayahang


pangkaisipan, ang kalidad ng kaisipan, ang pagiging pihikan ng
damdamin, ang sigla ng guniguni, ang yaman ng wika….
Ang Pagtula ay isang patuloy at dinamikong
proseso ng pagtatalaban ng tradisyon, mga
impluwensiya, at inobasyon tungo sa pagkalikha
ng isang organikong kabuuan na may talinghaga
at pagkakakilanlan.
MGA URI NG TULA

Ang Tula ay may apat na uri at bawat isa


sa mga uring ito ay may kaniya-kaniyang
bahagi.Ang mga uri ng tula ay ang
sumusunod.Tulang Liriko o Tulang
Damdamin, Tulang Pasalaysay, Tulang
Patnigan at Tulang Pantanghalan o Padula.

Halimbawa ng Tula
MGA URI NG TULA

Mga Uri ng Tula


1. Tulang Liriko
- Awit (damdamin, Karaniwan itong maymalungkot na paksa)
- Soneto (binubuo ng 14 na taludtod, aral sa buhay)
- Elehiya (nagpapahayag ng panimdim sa isang minamahal na namatay)
- Oda (Paghanga o papuri sa isang bagay)
- Dalit (papuri sa Diyos o santo)
2. Tulang pasalaysay - mga pangyayari sa araw-araw na buhay
- Epiko
- Awit - Florante at Laura -12 sukat
- Korido (Ibong Adarna – 8 sukat)
3. Tulang Patnigan
-Balagtasan (Tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng tula)
-Duplo (Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa husay sa pagbigkas at pangangatwiran nang patula)
4. Tulang Pantanghalan o Padula
Naglalarawan ito ng mga tagpong lubhang madula na maaaring makatulad ng, o dili kaya’y naiiba sa nagaganap sa pang-
araw-araw na buhay.
ILANG MGA HALIMBAWA AT PAGSUSURI:
TULANG LIRIKO -ELEHIYA

Elehiya para kay Renato Constatino

Lahat ng akda mo ay tungkol sa Lipunan


Ilaw na nagbukas sa daming pintuan
Ang pinasok nami’y bulwagan ng araw
Sumanib sa amin ang Kaliwanagan

Itong Sambayanang itinanikala


Binigyan ng dila’t pinagpagsalita
Kanilang himagsik at mithiing paglaya
Bingyan ng puwang ng diwa mo’t salita
ILANG MGA HALIMBAWA AT PAGSUSURI:
TULANG LIRIKO - ELEHIYA

Sino nga ba si Renato Constatino?


ILANG MGA HALIMBAWA AT PAGSUSURI:
TULANG LIRIKO - ODA
ILANG MGA HALIMBAWA AT PAGSUSURI:
TULANG LIRIKO - ODA
Bakit may paghanga sa Pag-asa? Bakit may
pagpupugay sa Pag-asa?
TULANG LIRIKO – DALIT
BALANGKAS SA PAGSUSURING PAMPANITIKAN

I. Pamagat at May-akda
II. Paksa ng Tula
III. Uri, Estilo at Simbolismo ng Akda
a. Uring Pampanitikan
b. Estilo ng Paglalahad
c. Simbolismong Ginamit
IV. Mensahe ng Tula
V. Pananalig Pampanitikan/Teorya
Halimbawa ng Pagsusuri ng Tula: KANINO KO IBUBULONG NI
ROGELIO ORDONEZ
PAGSUSURI NG TULA

PAMAGAT NG AKDA: KANINO KO IBUBULONG


PAKSA NG TULA:
Ang tula ay umiikot sa iba’t ibang karanasan ng persona at
paghahanap ng kasagutan batay sa kanyang pinagdaraanan
tulad na lamang ng kahirapan na isa sa kalagayan ng mga
Pilipino sa kanyang Panahon.
MENSAHE NG TULA:
Una, ang pagtrato ng lipunan sa mga mahihirap
Ikalawa, ang paghahanap sa Lipunang Mapagkalinga
Ikatlo, ang patuloy na pagkakaroon ng prinsipyo at paninindigan
sa kabila ng hindi magandang kalagayan ng Pilipino
MGA TEORYA/DULOG SA PANUNURING PAMPANITIKAN:
REALISMO
TEORYA/DULOG PAGPAPALIWANAG

REALISMO Katotohanan kaysa Kagandahan

Mga Simulain o Prinsipyong nais ipahatid sa tao ng realista:

Katotohanan 1. Walang hangganan ang pagbabago.


2. Katotohanan ang una’t huling hantungan ninuman.
kaysa 3. Hindi magaganao ang palsipikasyon ng tao sa
realidad ng lipunan.
Kagandahan 4. Nagtatala ng iba’t ibang mukha ang
buhay.
HALIMBAWA

Hindi na tuloy katakataka kung bakit saranggola pa lamang ang kaya nating
gawin, gayong nagmamanupaktura na ng sarili nilang mga eroplano ang China,
Japan at Korea; rebentador at dinamita ang kaya nating gawin, samantalang
bomba atomika ang nalikha ng India; may ballistic missile ang Hilagang Korea,
ngunit tayo'y kuwitis pa rin magpahanggang ngayon na hindi pa sumasagitsit
paitaas kung minsan; kung may cosmonaut at astronaut ang Rusya at Amerika,
mayroon daw naman tayong mga aswang at manananggal; kung gumagawa na't
nagbebenta ng mga bus at kotse ang Korea at Japan, tagapulot naman tayo ng
basurang mga makina at piyesa mula sa ibang bansa para lagyan ng kaha at
gawing behikulong pamasada, at kahit sagana ang bansa sa mina ng bakal at
asero, hindi pa tayo makagawa ng simpleng pako o karayom, lagari kaya, pait,
katam at martilyo. Anak ng kuwago't kabayo!
HALIMBAWA
HALIMBAWA NG REALISMO
MGA TEORYA/DULOG SA
PANUNURING PAMPANITIKAN
TEORYA/DULOG PAGPAPALIWANAG
HISTORIKAL Pagsusuri ng teksto na nakabatay sa mga aspektong
nagpapalutang sa isang akda: talambuhay ng may-
akda, at ang tradisyon at kombensyong nagpapalutang
sa akda.Mahalaga ang papel ng mga institusyon –
lipunan, edukasyon, pamilya, relihiyon, ekonomiya o
gobyerno.
PARAAN NG PAGSULAT (PANAHON NG KASTILA)
SALITAAN SA PANYO

• Ihaplos sa mga labi – Ibig cong Pagpapaualang halaga


maquipagsulatan • Pilipitin ng camay na canan – may ibang
• Ihaplos sa mata – Lubhang nalulungcot aco iniibig aco
• Ihaplos sa caliuang camay- Icao ay • Pilipitin ng camay na caliua – Pagpasial co,
qinapopootan co ayao cong makialam sa iyo.
• Ihaplos sa dalawang pisngi- iniibig quita • Ibuhol sa hintuturo – Mayroong casintahan
• Bayaang malaglag- Tayo, I , magcacaibigan aco
• Ipatong sa pisguing canan – Oo • Ibuhol sa susuotang singsing – Mayroong
• Ipatong sa pisquing kaliwa – Hindi asawa aco
• Ihaplos sa balicat – sumunod ca sa aquin • Ibuhol sa buong camay – Aco ay sa iyo
• Ihaplos sa dalawang mata – lubha cang • Paglaroan ang panyo – Pinaualan quitang
ualang aua halaga
• Ticlopin – ibig cong maquipagusap sa iyo
• Ticlopin ang mga dulo – hintayin mo aco
• Pilipitin ng dalawang camay –
PARAAN NG PAGSULAT (PANAHON NG KASTILA)
SALITAAN SA PAMAYPAY

• Dalhing nacabitin sa camay na canan – ibig cong magcanovio


• Dalhing nacabitin sa camay na caliua – mayroong casintahan aco
• Ipaypay na madalas – malaqui ang pag-ibig co sa iyo
• Ipaypay na marahan – ualang halaga ca sa aquin
• Iticlop na bigla – Quinapopootan quita!
• Bayaang malaglag – aco, i, tapat ang loob sa iyo
• Tacpan ang calahating mucha – Sumunod ca sa aquin
• Bilangan ang mga tadyang – Ibig cong magsalita sa iyo
• Paglaroan ang horlas – umiibig aco sa iba at iniibig naman aco
• Huag dalhin o ilagay sa bulsa – ayao cong maquipagligawan
MGA TEORYA/DULOG SA PANUNURING PAMPANITIKAN:
IMAHISMO
TEORYA/DULOG PAGPAPALIWANAG
IMAHISMO Mailarawan nang ganap ang isang paksa, mailahad
nang walang pagkiling at malayang makapamili ng
mga larawang maikikintal sa isip ng mambabasa.

Layunin ng panitikan ay gumamit ng


mga imahen na higit na maghahayag
sa mga damdamin, kaisipan, ideya,
saloobin at iba pang nais na ibahagi
ng may-adka na higit na madaling
maunawaan kaysa gumamit lamang
ng karaniwang salita
MGA TEORYA/DULOG SA PANUNURING PAMPANITIKAN:
KLASISISMO
TEORYA/DULOG PAGPAPALIWANAG

KLASISISMO Pinaniniwalaan ng dulog na ito na dahil walang


katapusan ang diwa at espiritu ng tao kung kaya’t ibig
nitong makalaya sa kinabibilangang daigdig. Katangian
ng Akdang Klasiko: Pagkamalinaw, Pagkamarangal,
Pagkapayak, Pagkamatimpi, Pagkaobhetibo,
Pagkakasunud-sunod, Pagkakaroon ng hangganan.
MGA TEORYA/DULOG SA PANUNURING PAMPANITIKAN:
FEMINISMO
TEORYA/DULOG PAGPAPALIWANAG
FEMINISMO Ang sistemang pangkababaihan bilang mga
indibidwal na di-kapantay ng kalalakihan.
MGA TEORYA/DULOG SA PANUNURING PAMPANITIKAN:
HUMANISMO
TEORYA/DULOG PAGPAPALIWANAG
HUMANISMO Ang pokus ng dulog na ito ay ang tao-
ang humuhubog at lumilinang dito.
MGA TEORYA/DULOG SA PANUNURING PAMPANITIKAN:
BAYOGRAPIKAL
TEORYA/DULOG PAGPAPALIWANAG
BAYOGRAPIKAL Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang
karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-
akda.
MGA TEORYA/DULOG SA PANUNURING PAMPANITIKAN:
SOSYOLOHIKAL
TEORYA/DULOG PAGPAPALIWANAG
Kalagayan ng mga panlipunang insitusyon gaya
SOSYOLOHIKAL ng pamahalaan, pamilya, paaralan at iba pang
mga nasasangkot sa lipunan.
“Ang Igorota sa Bagiuo” ni Fausto Galauran
“Walang Sugat” ni Severino Reyes
“Landas sa Bahaghari” ni Benjamin Pascual
“Isang Dipang Langit” ni Amado V. Hernandez
“Bangkang Papel” ni Genoveva Edroza
Matute “Ang Kalupi” ni Benjamin P. Pascual
“Luha ng Buwaya” ni Amado V. Hernandez
“Tata Selo” ni Rogelio Sikat
“Sa mga Kuko ng Liwanag” ni Edgardo M.
Reyes
MGA TEORYA/DULOG SA PANUNURING PAMPANITIKAN:
ROMANTISISMO
TEORYA/DULOG PAGPAPALIWANAG
ROMANTISISMO
Inspirasyon ang tanging kasangkapan ng
mga romantisista para mabatid ang
nakakubling katotohanan, kabutihan at
kagandahan.

You might also like