You are on page 1of 4

KABANATA 27: ANG PRAYLE AT ANG FILIPINO

Mga Tauhan
 Isagani
 Padre Fernandez
Tagpuan
 Sa tanggapan o silid ni Padre Fernandez.
Talasalitaan
 ilugmok = ibagsak Pagbabalatkayo= pagkukunwari
 Siniil= ginipit
 babatikusin= pupunahin
 tumindig = tumayo
 ipinunla = itinanim
 nagparatang = nagbintang
 hinahadlangan= nagipit
 taglay= angkin
 nasukol= hinarang
 umaalinsunod= sumasang –ayon

Buod
Maapoy na nagtatalumpati si Isagani ng lumapit sa kanya ang isang
estudyante na nagsasabing gusto daw siyang makausap ni Padre Fernandez,
nasupresa si Isagani sapagkat para sa kanya ay si padre Fernandez ang
bukod-tanging kura na modelo sa mabuting pag-uugali dahil para sa kanya
ang bawat paring naka abito ay dapat isumpa at batlikusin upang magtanda
Ayon kay Padre Fernandez na hindi daw maikakaila na mayroong mga
komintaryo laban sa mga kasama kung kura ang ilan sa mga estudyante ko
sa eskwela pero nakaharap na ang pinupuna ay parang santong niluluhuran
nila ang kasamahan kung kura, Totoo daw na merong mga tumatraydor sa
kanila ng talikuran subalik humahalik naman sa aming mga kamay kung
harapan ano ang gusto mong isipin sa mga pakitang tao na aming
napapansin. Pero ayon kay Isagani hindi lang daw dapat sa kabataan isisi ang
lahat ang Malaki ang kasalanan ay ang mga nagtuturo sa kanila na maging
impokrito. Bilang isang estudyanteng Pilipino, Hayaan ninyong bigyang
pansin ko ang mga obligasyon ninyo sa mga kabataang katulad ko, Bilang
tagapagtaguyod ng edukasyon obligasyon ng mga kurang katulad ninyo na
paunlarin ang mga kabataan sa mga larangan ng pisika, intelektuwal, at
moral, marapat lamang na akayin ninyo kami upang marating naming ang
tagumpay, ang tagumpay naming ay nagumpay nyo rin pero ginagawa nba
ninyo ang obligasyon ninyo? Dahil ayon parin kay Isagani sa halip daw na
mapaunlad pa ang kaisipan ng mga bata ang mga kura pa ang nagbabaon sa
kanila sa kumunoy ng kamangmangan, dahil siguro nais ng mga kura na
manatili kaming mangmang at di naming matagpuan ang liwanag ng
karunungan,

Humanga si padre Fernandez sa mga pahayag ni Isagani, ngunit nag-aalala


siya sa maaring kahinatnan ng isang katulad ni Isagani mayroong
paninindigan

Suliranin
Ang suliranin sa kabanata 27 na pinanagatang 'Ang prayle at ang
Pilipino' ay tungkol sa pagkakait ng mga prayle sa mga kabataan ng
sapat na kaalaman at karunungan. Tinuturuan man sila ng mga prayle
ngunit ito ay nakalilimita lamang sa lumang kaisipan, mga lisyang
simulaing kasalungant ng pagsulong sa kamalayan, ayon pa kay Isagani.
ARAL
Ang tinuturo ng mga prayle sa mga estudyanteng Pilipino ay ang
karunungan na lipas na at kasalungat ng pagsulong. Pinapatay ng mga
prayle ang sigla at sigasig sa pag-aaral.

Ang dahilan kung bakit gusto ng mga Pilipino na mag-aral ay dahil


kinukutya ng mga prayle ang pagiging kamangmangan ng mga Pilipino
at pinagkakaitan ng karapatan.

Wala sa edad o katayuan sa buhay ang pagiging tama o nasa


katuwiran. Hindi naibibigay ng edad ang pagkamulat bagkus ang mga
karanasan at pinaniniwalaan ang siyang ugat ng pagiging matuwid.

Richelle Ann F. Garin


Grade 10 - Pili

You might also like