You are on page 1of 1

Kabanata 27: Ang Prayle at ang mga Pilipino

Ipinatawag ni Padre Fernandez si Isagani sa kanyang tanggapan


upang kausapin. Pinag-uusapan nila ang mga bagay na may kinalaman sa
mga kabataang lumalaban sa mga prayle.

Sa isang banda ay tila nagtatalo sila. Sinabi ni Isagani na ang mga


prayle ang may kasalanan kung bakit naging ganoon ang pakikitungo ng
mga ilang estudyante nila: nakangiti pag nakaharap, nang aalipusta pag
nakatalikod ang mga pari. Nang tanungin ni Padre Fernandez si Isagani
kung ano ang ibig nilang gawin ng mga estudyanteng Pilipino, ang
isinagot ni Isagani ay ang tuparin nila ang kanilang mga sinumpaan.

Naging napakatalim din ng mga salita ni Isagani nang sabihin niyang


hinahadlangan ng mga prayle ang pag-aaral ng mga estudyante dahil
hindi nila itinuturo ang nararapat bagkus ay itinuturo nila ay taliwas sa
pag-unlad.

Sinabi rin ni Isagani na kaya may mga taong walang karakter at


moralidad ay dahil na rin sa kagagawan nilang mga prayle. Ginamit ni
Padre Fernandez ang “pamahalaan” bilang pananggalang nang kanyang
maisip na natatalo na siya sa usapan. Sinabi niya na ang gobyerno ay
maraming magandang plano para sa bayan ngunit hindi inaasahang
nagkaroon ng mga kalungkot-lungkot na resulta. Sinabi ni Isagani na ang
mga prayle, pati ang gobyerno ay linilibak ang mga Indio at pinagkakaitan
ng karapatan dahil sa kamangmangan.

Matapos ang usapan nila ay nagtungo si Isagani sa gobyerno sibil.

You might also like