Professional Documents
Culture Documents
BALANGKAS:
• Noong Huwebes bago lumubog ang araw ay nagtungo si
Isagani sa Paseo de Maria Cristina papunta sa Malecon upang
makipagkita kay Paulita at pag-usapan ang nakaraang gabi.
• Nakita ni Isagani ang dalawang heswita pero wala sa loob ang
kanyang pagbati sa mga ito. At nakita niya si Ben Zayb na
nakikipagusap sa isang tao.
• Sa gabing iyon ay pinagdadaraos ang piging sa pansiterya
dahil sa pagkamatay ng akademya sa kastila.
• May dumating na karwahe at dun niya na nakita si Paulita
kasama si Donya Victorina at si Juanito.
• Tinanong ni Donya Victorina kay Isagani kung buhay pa ba si
Don Tiburcio kung hindi ay magaasawa uli siya.
• Nahulog daw sa batuhan ang pamaypay ni Paulita dahil doon
ay nagkaroon na makapiling ni Donya Victorina si Juanito
Pelaez.
• Ipinagtapat ni Isagani kay Paulita na buhay pa si Don
Tiburcio.
• Nag-usap sila Isagani at Paulita tungkol sa mga pangarap ni
Isagani sa kanyang bayan.
• Nabalitaan ni Paulita para makarating sa bayan ni Isagani ay
kailangang nagdaan sa bundok.
• Sinabi ni Isagani kay Paulita na hindi magtatagal ay
magkakaroon ng daang bakal.
• Sumingit si Donya Victorina sa usapan at dun na umuwi sila
Paulita at kaniyang mga kasama.
• Inanyayahan ni Paulita si Isagani na sumakay sa karwahe at
sumama naman si Isagani.
MATALINGHAGANG PAHAYAG
"Sa aking pag-iisa sa kabundukan, malaya ako, malayang
tulad ng hangin, malayang tulad ng liwanag na naglalakbay
nang walang hadlang sa kalawakan!" -ISAGANI
SIMBOLISMO
DAANG BAKAL- Pag-unlad ng Pilipinas
ISAGANI- sumisimbolo sa pagiging bayani
ISYUNG TINATALAKAY
Magkakaibang pananaw ng mga kabataan.
KAISIPAN
Wag tayong maging makasarili at wag nating isipan ang
ating kapakanan. Kung gayon magiging maunlad ang ating
bayan.