You are on page 1of 22

Filipino 10 – Aralin 4.

Paksa:
Panunuring Pampanitikan

Tara ng pag-aralan ang iba’t ibang


teoryang pampanitikan…
Bakit mahalagang suriin ang
nilalaman ng nobelang “El
Filibusterismo”?
Ano ang PANUNURING
PAMPANITIKAN?
• Ang panunuring pampanitikan ay isang malalim na paghihimayhimay sa pamamagitan
ng paglalapat ng iba’t ibang uri ng dulog ng kritisismo para sa mabisang pag-unawa sa
malikhaing manunulat at katha. Sa araling ito, masusuri mo ang mga teoryang ginamit
sa nobelang El Filibusterismo.

• May iba’t ibang teorya na bumubuo sa nobela, dito mababakas ang iba’t ibang gamit
ng bawat isa sa pagpapahayag, maaaring ito ay “humanismo” kung saan tinatalakay
ang pagiging sentro ng tao ng daigdig, “sosyolohikal” na tumatalakay sa mga suliraning
panlipunan, “romantisismo” na tumutukoy sa pagtangis ng tao sa kapuwa, bagay at
bayan, “feminismo” na binibigyang-tuon ang pagsisiwalat sa kakayahan at kalakasan ng
babae o ang “kultural” na pagbabahagi ng karanasan, kasanayan at tradisyon at ang
“realismo” na tumatalakay sa tunay o repleksyon ng mga pangyayari sa lipunan
LAYUNIN:
•Nasusuri ang nobela batay sa
pananaw/teoryang: Romantisismo,
Humanismo, Naturalismo at iba pa
Pag-uugnay ng nobelang El Filibusterismo sa buhay ni Rizal.
Panggigipit ng korporasyon ng mga pari kay  Panggigipit ng mga prayle sa magsasaka at
Kabesang Tales. pamilya ni Jose Rizal sa Calamba.
 
Pagpapakasal ni Paulita Gomez sa iba  Pagpapakasal ng kasintahan ni Rizal na si Nelly
dahil sa magkaibang paniniwala nila ni Bousted sa iba dahil sa ayaw ng mga magulang
Isagani. nito dahil naghihirap sa buhay si Rizal at
maraming kaaway na mga prayle at awtoridad.
 
Pagbabalik ni Basilio sa kanyang bayan  Pagbabalik ni Rizal sa Pilipinas upang
upang makatulong sa panggagamot sa mga makapaglingkod sa mga kababayang maysakit
kababayang maysakit. at ang tahimik niyang pamumuhay sa Calamba
 
Ang pagkakasangkot ng mga kabataan sa  Pagkakasangkot ng nobela ni Rizal dahil sa
mga paskil sa unibersidad. nilalaman nitong Subersibo at pagiging erehe
 
Pagtanggi ni Basilio na sumapi sa kilusan at  Pagtatag ni Jose Rizal ng La Liga Filipina, na
pagpili ng karunungan sa paglilingkod sa may layuning maghangad ng reporma o
bayan. pagbabago ay hindi ang manghimagsik.
 
TEORYANG PAMPANITIKAN
1. Arketipo- gumagamit ng modelo o huwaran at binibigyang-diin ang mga
simbolismong ginamit sa akda
2. Eksistensiyalismo- nakapokus sa malayang pagpapasiya ng tao para sa kanyang
sarili
3. Feminismo-layunin ang labanan ang sistemang patriarkal na namamayani sa
lipunan. Ipinagtatanggol nito ang karapatan ng kakabaehan.
4. Klasismo- pinapahalagahan ang pagsusuri sa layon ng katotohanan, kabutihan
at kagandahan, marangal, tiyak at obhektibo
5. Humanismo- tao ang sentro ng daigdig, binibigyan ng pansin ang kakayahan at
katangian ng tao sa maraming bagay
6. Imahismo-nag-iiwan ng isang malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng
mambabasa.
7. Marxismo-ipinapakita ang tunggalian at paglalaban ng dalawang magkasalungat
ng puwersa, malakas at mahina, mahirap at mayaman.
TEORYANG PAMPANITIKAN
8. Moralistiko- tumatalakay sa pagpapahalagang moralidad at disiplina
9. Pormalismo- pinagtutuunan ng pansin ang mga estruktura at pagbuo ng
kabisaan ng pagkakagamit ng matatalinhagang pahayag.
10. Sosyolohikal- nahihinuha ang kalagayang panlipunan sa panahon na isinulat ang
akda.
11. Sikolohikal- masasalamin ang takbo ng isip ng may katha, antas ng buhay,
paninindigan, pinaniniwalaan at tumatakbo sa isipan ng may katha.
12. Romantisismo- tumatakas mula sa realidad o katotohanang nagpapakita ng
pagmamahal ng tao sa kapuwa at bayan.
13. Realismo- katotohanan ang binibigyang-diin at inilahad ang tunay na buhay.
Tagisan ng Magkapareha

LARO:
Isang Tanong – Isang Sagot.

Ano ang angkop na teoryang


maaring gamitin sa sumusunod na
bahagi ng nobela?
(1) Ang mga empleyado ng pamahalaan,
mga prayle at mahahalagang tao sa
lipunan ay nasa ibabaw ng kubyerta,

Samantalang ang mga karaniwang


pasahero ay nasa ilalim na bahagi ng
kubyerta, masikip, siksikan at maingay
ang ugong ng makina.

Sa pagkakaroon ng dalawang lugar ng tao


sa bapor Tabo, makikita ang
diskriminasyon sa pamamagitan ng
paglalagay ng pamahalaan, mayayaman,
prayle, Kastila sa ibabaw na bahagi bilang
matataas na uri ng tao sa lipunan.
(1)
A.KLASISMO
B.IMAHISMO
C.MARXISMO
D.HUMANISMO
Makaraan ng ilang buwang paninilbihan kay Kapitan
(2) Tiyago, si Basilio ay pumasok na sa paaralan. Siya’y
marumi, nakabihis ng isang dukha at nakabakya kaya’t
walang pumapansin at nais na makipagkilala. Wala siyang
alam sa salitang Latin at madalas siyang dukhain at
pagtawanan. Hindi ito naging hadlang, nagsikap siya at
nag-aral ng mabuti at nakapasa sa pasalitang pagsusulit.

Namangha ang gurong Dominiko nang walang gatol at


walang pagkakamali niyang binigkas ang leksyon sa klase.
Kinindatan ng guro ang mga mag-aaral at tila nagwiwikang
“pagkatuwaan natin ito.” Subalit laking pagkakamali ng
guro dahil marunong na si Basilio ng wikang Kastila at
nakapagpapahayag ng mahusay.
(2)
A.KLASISMO
B.HUMANISMO
C.MORALISTIKO
D.ARKETIPO
(3) Pinagbayad ng korporasyon ng mga
paring Kastila ng buwis si Tales.

Sa paglago ng kanyang ani, ay patuloy na


itinaas ang buwis.

Nang umabot na sa 200 piso ang buwis


ay sukdulan na ang galit ni Tales. Tahasan
na siyang tumutol. Pinagbantaan siya ng
mga prayle na palalayasin sa lupang
sinasaka kung hindi magbabayad ng
buwis. Tinotoo ito ng mga pari, ipinasaka
ng mga pari ang lupain sa iba, dahilan ng
pagkakasakit at pangangayayat ni Tales.
(3)
A.HUMANISMO
B.EKSISTENSYALISMO
C.MARXISMO
D.SIKOLOHIKAL
Isa lamang ang ibinigay na payo kay Huli, ang lumapit kay
(4) Padre Camorra na sinasabing makapangyarihan at
maimpluwensyang prayle. Batid ni Hermana Bali na ayaw ni
Huli dahil tinagurian itong “Si Kabayo” dahil malikot sa babae.
Makailang ulit ng may nagpayo sa kanya noon na maililigtas
lamang niya si Kabesang Tales kung gagawa siya ng
“pagpapakasakit,” ngunit hindi niya ito ginawa.

Sa mga narinig ni Huli na baka ipabaril si Basilio, napilitan


siyang pumunta kay Hermana Bali upang humingi ng tulong
kay Padre Camorra subalit nagbago ang isip pagdating ng
kumbento at nanlaban pa kay Hermana Bali. Para kay Huli,
magigi siyang isang masamang anak kung gagawin niya iyon
para sa kasintahang si Basilio samantalang di niya ito nagawa
para sa ama. Kinagabihan, naging usap-usapan ang babaeng
tumalon sa bintana ng kumbento at bumagsak sa batuhan.
(4)
A.MORALISTIKO
B.PEMINISMO
C.HUMANISMO
D.KLASISMO
Isa pang patakarang ipinatupad
ng pamahalaang Espanyol ay ang
(5) polo y servicios o sapilitang
paggawa.

Sakop nito ang lahat ng


kalalakihang may 16 hanggang 60
taong gulang, na may kakayahang
magtrabaho at maglingkod sa
mga pagawaan at pamahalaang
Espanyol, gaya ng pagtatayo ng
tulay, simbahan at paggawa o
pagkukumpuni ng barkong
galyon.
(5)
A.HUMANISMO
B.EKSISTENSIYALISMO
C.MARXISMO
D.KLASISMO
Pag-uugnay sa mga Isyung Panlipunan
• Polo y Servicio o Sapilitang Pagpapatrabaho ng walang bayad
• Kalakalang Galyon
• Pang-aabuso ng Kababaihan
• Paniningil ng Mataas na buwis
• Mga Maling Turo ng Katolisismo
Bakit mahalagang pag-aralan ang iba’t ibang teorya sa pagsusuri
ng nilalaman at kaisipang nakapaloob sa nobelang El
Filibusterismo?
Halimbawa:
• Teoryang Sosyolohikal – para malaman ang kalagayang panlipunan sa
panahong nasulat ang nobela.
• Teoryang Sikolohikal – para matukoy ang mga kaisipang nais
palutangin ng manunulat
• Teoryang Arketipo – para higit na maunawaan ang kahulugan ng mga
simbolismo at pahiwatig sa akda.
Pagbuo ng pahayag.
Mahalaga ang panunuring pampanitikan upang mas
maunawaang mabuti ang nilalaman at kaisipang
nakapaloob sa isang akda. Ang paggamit ng iba’t
ibang teoryang pampanitikan sa pagsusuri ay
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
__________________________________.

You might also like