You are on page 1of 7

Kabanata 23

Isang
Bangkay

El Filibusterismo
EL FILIBUSTERISMO
Talasalitaan
Kumbento-simbahan
Dulaan-aktingan
Ipinagtataka-ikinamamangha
naguguluhan
Dinaratnan-naabutan
Apyan-isang uri ng halaman Himagsikan-
rebelyon pag aasal
Sa ikapito na gabi ay naroon na si
Simoun. Naroong umalis at
bumalik nang makalawa sa
kaniyang bahay na may kasamang
ibang tao. Naroong may
binabantayan sa isang daang
kalapit ng kumbento ng Sta. Clara
at naroong nakita si
Camaroncocido sa dulaan na may
kausap na mag aaral.
Tapat ang hangarin ni Basilio na
mapagaling ang kaniyang tagapag-ampon.
Ngunit ipinagtataka nito kung bakit sa
kaniyang panggagaling sa ospital ay
dinaratnan niya si Kapitan Tiago na tulog,
naglalaway, at namumutlang parang isang
patay. Hindi niya malaman kung sino ang
nagbibigay ng apyan gayung si Simoun at
Padre Irene lamang ang dumadalaw dito.
Nang gabing iyon ay nagsadya si Simoun sa
bahay ni basilio upang ipaalam ang gagawing
himagsikan noong gabing iyon. Nais ni Simoun
na pangunahan ang isang pulutong ng
manggigiba ng pinto ng kumbento upang
makuha si Maria Clara. Subalit huli na ang lahat
dahil si Maria Clara ay namatay ng hapon ding
iyon. Sa una ay di makapaniwala si Simoun
ngunit nani-wala lang ito nang may ipadala si
Padre Salvi kay Padre lrene upang ipaalam kay
Kapitan Tiago ang pagkamatay ng dalaga.
Halos sumabog ang puso ni Simoun sa
balitang natanggap dahil ito ang
dahilan ng kaniyang paghihimagsik.
Samantala’y naiwan si Basillong
awang-awa kay Simoun.

You might also like