You are on page 1of 5

KABANATA 23

Isang Bangkay
Noong ika-pito ng gabi ay makalawang beses
umalis at dumating si Simoun sa bahay na may
iba’t ibang taong kasama. Nang mag-iikawalo na
ay nakita siya ni Makaraig sa may daang Ospital
malapit sa kumbento ng Sta. Clara. Nakita
naman siya ni Camarroncocido sa may dulaan
nang mag-iikasiyam na may kausap na tila
estudyante.

Hindi rin pumunta sa teatro si Basilio dahil siya


ay papunta sa San Diego. Pupunta siya sa bahay
ni Kapitan Tiyago upang gamutin ito.
Nagbilin naman sina Simoun at si Padre Irene kay Basilio na pagalingin ang
may sakit at pagtiisan ito sa pag-aalaga.

Sa pagrerepaso ni Basilio ay dumating si Simoun. Noon lamang sila muling


nagkaharap mula nang huli silang magkita sa San Diego.

Kinamusta ni Simoun si Kapitan Tiyago. Ibinalita naman ni Basilio na malubha


na ang lagay ng Kapitan dahil kalat na ang lason sa katawan nito.

Muling hinimok ni Simoun si Basilio na makiisa sa himagsikan laban sa


pamahalaang Kastila. Ang hindi raw kasi kakampi sa kanila ay ituturing nilang
kaaway na dapat patayin.
Si Basilio daw ang magtatakas kay Maria Clara sa kumbento ni Sta. Clara
habang nagkakagulo ang buong lungsod.

Ngunit huli na daw ang lahat, ani Basilio. Nalaman niyang nagpakamatay na
raw si Maria Clara dahil naroon daw siya sa kumbento upang makibalita kaya
niya nalaman ang nangyari.
Nang bumalik siya ay nakita
niya ang liham na padala ni
Padre Salvi kay Padre Irene Aral
na siyang nagpabasa kay
Kapitan Tiyago na nag-iiyak
nang mabatid na patay na
ang anak. Ang pagtalikod sa
Nagulat si Simoun sa narinig pakikipaglaban na
niyang balita ngunit ayaw
niyang maniwala na totoo ito walang katiyakan ay
at pinipilit na buhay pa si hindi isang kaduwagan
Maria Clara. o kahinaan. Matalino at
Nang huminahon na ay umalis matapang ang mga tao
agad siya ng silid. Naririnig ni na mayroong ganitong
Basilio ang mga sigaw ng
hinagpis ni Simoun habang pananaw sa buhay.
paalis ito.
Nawala na sa isip ni Basilio
ang pag-aaral at sa halip
inisip ang kasalukuyang
kalagayan ni Simoun.
Salamat Po!!

You might also like