You are on page 1of 4

KYLE LEIGHZANDER M.

VICENTE LIFE AND WORKS OF RIZAL


BSEE – L21

Buod ng Noli Me Tangere:


Ang nobelang Noli Me Tangere o sa wikang tagalog ay Huwag Mo Akong
Salingin ay tumatalakay sa paglalapastangan ng mga kastila. Umikot ang
kwento ng nobela sa binatang si Crisostomo Ibarra, siya ay isang binata na
galing sa Europa upang magaral. Sa kanyang pag-uwi sa Pilipinas siya ay
pinaghanda ng pagsasalu-salo ni Kapitan Tiyago, kasama sa handaan ang
Pransiskanong Prayle na sina Padre Salvi at Padre Damaso.
Masamang balita ang natanggap ng binata ng malaman niya na ang
kanyang ama ay namatay sa kulungan, dahil sa pagpapahirap ni Padre
Damaso.
Ayon sa malapit na kaibigan ng kaniyang pamilya na si Tinyente
Guevarra, ang kanyang ama ay pinaratangan ng Erehe at Pilibustero. Dahil sa
pangyayari na yun ay tiniwalag ito ng simbahan at binilanggo. Dagdag ng
tinyente ay hindi pa nakuntento ang prayle at pinahukay ang mga labi ni Don
Rafael at inilipat sa libingan ng mga Intsik ngunit habang sa kanilang paglilipat
ay umulan ng malakas kung kaya’t itinapon na lang ito sa lawa.
Dahil sa kalagim-lagim na nalaman ng binata ay mas pinili na lamang
nitong manahimik at ipagpatuloy ang kanyang adhikain na makapagpatayo
ng isang paaralan.
Nagkaroon makapagkita si Ibarra at si Padre Damaso sa isang salu-salo.
Nagpasaring ng paulit-ulit ang prayle, pero sinubukan magpakumbaba ng
binata. Ngunit ng maisama na sa usapan ang kanyang ama ay hindi na
napigilan ng binata ang sarili at tinangka niya saksakin ang prayle.
Dahil sa pangyayari, itiniwalag ng simbahan si Ibarra. Sinamantala
naman ito ni Padre Damaso at sinabihan si Kapitan Tiyago na huwag ituloy
ang nalalapit na pagiisang dibdib ni Maria Clara at Ibarra. Nais kasi ipakasal
si Maria Clara kay Linares na ng panahon na iyon ay kakarating lang galing
ibang bansa.
Malapit na mapawalang bias ang pagkakatiwalag ni Ibarra ngunit
nagkaroon ng isedente ng pagsalakay sa kwartel ng Gwardya Sibil at
napagbintangan si Ibarra na kasama sa pagatake kaya siya ay dinakip at
inilagak sa kulungan.
Isang gabi, nagkaroon ng pagkakataon na makatakas sa kulungan si
Ibarra, habang sila Kapitan Tiyago naman ay may selebrasyon sa kanilang
tahanan. Noong gabi na yun ay ipinahayag ang kasunduan sa pagpapakasal
kay Maria Clara at Linares.
Bago tuluyang umalis si Ibarra ay nagawa pa nitong makipagkita kay
Maria Clara. Binatid ng binata na pinapalaya na niya si Maria Clara.
KYLE LEIGHZANDER M. VICENTE LIFE AND WORKS OF RIZAL
BSEE – L21

Ipinaliwanag ni Maria Clara na si Padre Damaso ang kanyang tunay na ama


ayon sa liham na mula kay Padre Salvi.
Sa tulong ni Elias, ay umalis na si Ibarra. Sumakay sila sa isang bangka
patungo sa Lawa ng Bay. Sa kasamaang palad, nakita sila ng mga Gwardya
Sibil at pinaghahabol sila. Upang makatakas si Ibarra, iniligaw ni Elias ang
mga Gwardya Sibil. Tumalon siya sa ilog at lumangoy papalayo. Pinaputukan
sila ng mga ito hanggang sa napuno ng dugo ang ilog.
Nalaman ni Maria Clara ang nangyari kay Ibarra at hiniling niya kay
Padre Damaso na ipasok na lang siya sa Kumbento.
Nagwakas ang kwento ng makarating si Elias sa kagubatan na
pagmamay-ari ng mga Ibarra. Siya ay may malalang sugat noon at siya at
natagpuan ni Basilio. Bago tuluyang mamatay si Elias, sinabi niya9 na hindi
na niya mapagmamasdan ang pamimitak ng araw sa kanyang mahal na
bayan.

Buod ng El Filibusterismo:
Ang nobelang El Filibusterismo o sa wikang tagalog ay Ang Pilibustero
ay tumatalakay sa seryosong pagpuna sa pamahalaang Kastila. Nasabi din na
ito ay alay ni Dr. Jose Rizal sa GOMBURZA. Nag umpisa ang kwento sa
paglalakbay ng Bapor Tabo sa pagitan ng Laguna at Maynila. Lulan ng Bapor
ay ang nagbabalik na si Ibarra na nagbabalatkayong si Simoun.
Mula nang mamatay si Sisa ay naging isang estudyante si Basilio. Nang
minsan dalawin ni Basilio ang puntod ng kanyang ina ay nakita niya si Simoun
sa libingan ng mga Ibarra. Dito ay nabisto niyo na si Simoun at Ibarra ay iisa.
Nag dalawang isip patayin ni Simoun si Basilio. Hinikayat si Basilio na
sumama sa kanyang tinatangkang paghihiganti ngunit tumanggi ang binata
dahil abala ito sa kanyang pag-aaral.
Inayang muli ni Simoun si Basilio na maghiganti ay lumusob sa
kumbento kung saan nandun si Maria Clara. Ngunit huli na pala sa balita si
Simoun na yumao na ang kanyang iniibig.
Hiniling ng mga magaaral sa Kapitan Heneral na makapagpatayo ng
akademya sa wikang Kastila ngunit hindi ito napagbigyan dahil ang mga prayle
ang namumuno. Dahil sa pagkabigo, nagsalo-salo ang mag-aaral sa
Panciteria, mainit ang kanilang pasaring sa mga prayle.
Nalaman ng mga prayle ang sinabi ng mga mag-aaral dahil sa nagmasid
sa kanila. Gumawa ng patibong ang mga prayle, naglagay sila ng mga paskil
na may paghihimagsik at binintang sa mga mag-aaral. Napasama sa
napagbintangan si Basilio.
KYLE LEIGHZANDER M. VICENTE LIFE AND WORKS OF RIZAL
BSEE – L21

Inasikaso ng mga kamag-anak ng ibang mag-aaral upang makalaya


habang si Basilio naman ay naiwan sa kulungan. Gumawa ng paraan si Juli at
nakiusap ito kay Padre Camorra ngunit wala itong nagawa. Tinangkang
gahasain ni Padre Camorra si Juli at ito ay nahulog sa bintana ng kumbento
na naging dahilan ng itong pagkasawi.
Matapos ang dalawang buwan ng pagtitiis sa bilangguan ay nakalabas
na rin si Basilio sa tulong ni Simoun. Bilang kapalit sa pagtulong ni Simoun
kay Basilio ay sasanib ito sa kanyang mga plano.
Agad ipinaalam ni Simoun kay Basilio ang kanyang mga plano. Kabilang
ditto ang ginawa niyang pampasabog o bomba na nakaanyo sa isang lampara.
Ihahandog ni Simoun ang lamparang pampasabog sa gaganaping kasal nina
Juanito Pelaez at Paulita Gomez.
Ayon kay Simoun, ipapalagay niya ang lampara sa gitna ng isang
kiyosko na pinasadya niya ang pagkakagawa. Ayon sa kanya, tatagal ang
liwanag ng lampara ng dalawampung minute at pagkaraan ay lalabo.
Kapag daw ito ay tinangkang pailawan muli ay puputok ang kapsula sa
loob, kasabay nito sasabog ang granada at mawawasak ang kiyoskong
kinalalagyan nito. Kapag sumabog ang lampara ay walang sinuman sa loob
ng pinagdarausan ang makakaligtas. Magiging hudyat iyon ng paghihimagsik
ng mga inaapi sa pangunguna ni Simoun.
Sa mismong araw ng kasal, nandoon sa labas ng pagdarausan si Basilio.
Habang si Simoun naman ay agad bumaba mula sa bahay at lumisan dahil
alam niya na nandun ang lampara na ilang sandal ay sasabog na.
Dumating si Isagani, at pilit ito pinapaalis ni Basilio ngunit hindi ito
nakikinig sa kaniya. Sinabi ni Basilio ang plano kay Isagani ngunit hindi pa rin
ito nakinig sa sinabi ni Basilio.
Maya-maya ay humina ang liwanag ng lampara. Hindi mapakali ang
Kapitan Heneral kaya ipinakiusap niya kay Padre Irene na pakitaas ang mitsa.
Nagbaliktanaw kay Isagani ang sinabi ni Basilio kaya naman agad niya kinuha
ang lampara, nagtungo siya sa Asotea at inihagis sa ilog upang doon sumabog.
Nabigo ang plano ni Simoun at hindi natuloy ang planong paghihimagsik.
Dali-Daling tumakas si Simoun dahil sa planong hindi natuloy. Pumanta
siya sa bahay ni Padre Florentino. Nagtungo siya sa daungan at naglayag
papuntang karagatang pasipiko. Agad nakatakas si Simoun ngunit siya ay
sugatan. Dumating si Simoun sa bahay ni Padre Florentino ng sugatan.
Ipinaliwanag niya na ang mga sugat niya ay bunga ng kanyang hindi
pagiingat. Nang pumasok ang pari sa silid ni Simoun upang kausapin, nalaman
niyang uminom na pala ng lason si Simoun. Tinangka pa ng Pari na agapan
ang lason ngunit tumanggi si Simoun.
KYLE LEIGHZANDER M. VICENTE LIFE AND WORKS OF RIZAL
BSEE – L21

Dito ay ipinagtapat ni Simoun ang kanyang tunay na pagkatao.


Isinalaysay ni Simoun ang kaniyang naging buhay. Maya-maya ay nalagutan
na ng hininga si Simoun. Hinagis ni Padre Florentino ang mga alahas ni Simoun
sa dagat.

Analisasyon:
Kung titignan maigi ang dalawang nobela ay makikita ang pagkaugnay
nito hindi dahil sa iisa lamang ang may akda ngunit sa nilalalaman nito ay
nakikita ang pagkakatulad. Sa dalawang nobela makikita na may mga tauhan
na naulit mula sa Noli Me Tangere patungo sa El Filibusterismo. Sa Noli Me
Tangera umikot ang kwento sa isang binata na si Ibarra, sa El Filibusterismo
naman ay si Simoun na kung titignan maigi siya ay si Ibarra din. Nagtapos
ang Noli Me tangere sa pagkamatay ng isang mahalagang tao at ganon din sa
El Filibusterismo. Ang pinaglalaban ni Ibarra sa Noli Me Tangere ay ang
pagkamatay ng kanyang ama at si Maria Clara. Sa pagbabalik niya sa El
Filibusterismo and pinaglalaban naman niya ay ang kanyang bayan sinalangan
at si Maria Clara. Pinakita sa dalawang nobela ang masamang pamamahala
ng mga kastila sa panahon na iyon. Pinakita ni Rizal ang koneksyon sa
dalawang nobela sa pamamagitan ng mga balik tanaw sa El Filibusterismo na
nangyari sa Noli me Tangere.

Layunin:
Ang pinakalayunin ng dalawang nobela ay gisingin ang natutulog na
diwa at pagkamakabayan ng mga Filipino. Gusto ni Dr. Jose Rizal na magising
ang kanyang mga kababayan at ipaglaban ang kanilang karapatan. Layunin
ng dalawang nobela na mapuksa ang pagmamaltaro ng mga kastila sa Filipino.
Layunin din nito na magkaroon ng pagkapantay-pantay na pagtingin sa
Filipino ang mga Kastila. At ang pinakalayunin ay mapuna ng korte sa kastila
ang dalawang nobela at magkaroon ng sariling representasyon ang ating
bansa sa “Spanish Cortes”.

You might also like