You are on page 1of 2

FILIPINO

Halaw sa nobelang Desaparesidos ni Lualhati Bautista ang dula, kung saan tinatalakay ng dula ang
karahasan na naganap noong Batas Militar at sa mga taong sumunod rito sa isang personal at
makatotohanang paraan.

Isinasalaysay ng unang bahagi ng dula ang mga mararahas na karanasan noong panahon ng Batas
Militar at mga sulyap sa mga buhay ng bahagi ng kilusan. Sa unang bahagi ipapakilala ang mga kuwento
nina Anna, isang babaeng namatayan ng asawa at mapipilitang iwanan ang anak niya sa iba, Roy, isang
miyembro ng kilusan kung saan nababahagi rin si Anna, Jinky, isang miyembro ng kilusan na tinaguriang
taksil dahil ng kilusan dahil sinabi niya ang kanilang lokasyon sa mga sundalong naghahanap ng mga
miyembro ng NPA, at Karla, ang nagdadalang-tao asawa ni Jinky na iniwanan ni Anna ng kanyang anak.
Maghihiwa-hiwalay ang mga tauhan ng dula dahil sa ilang mga "raid" na magaganap, at makukulong sa
preso ang ilan sa kanila. Kasama si Anna at Roy sa mga nakulong, ngunit makakawala sila sa preso at
magsasama sila para hanapin ang nawawalang anak ni Anna.

Mangyayari ang ikalawang bahagi ng dula pagkatapos ng maraming taon kung saan natanggal na ang
Pilipinas mula sa Batas Militar at sa rehimeng Marcos. Mag-asawa na sina Anna at Roy, at mayroon
silang dalagang anak na si Lorena, ngunit nabubuhay pa rin ang mag-asawa sa takot at sakit sa
panahong iyon at nabubuhay si Lorena nang magkaiba sa kanyang mga magulang. Sa bahaging ito
magpapakita si Malaya, ang unang anak ni Anna, at kasama sa pagdating niya ang pagbabalik sa
nakaraan, kung saan makikita ang kuwento ni Jinky, kung bakit siya napilitan sabihin kung nasaan ang
mga kilusan, at ni Karla, na namatayan ng kanyang anak at buong buhay inalagaan ang anak ng iba. At
sa katapusan ng dula, makikitang magkasama si Malaya at si Lorena, ang dalawang anak ni Anna, na
tila'y isang imahen ng pagsasama ng nakaraan sa kasalukuyan.

ENGLISH

The play is an adaptation of Lualhati Bautista's Desaparesidos, where life during the Martial Law era and
the years following it are presented in a personal and truthful manner.

At first, the play discusses the experiences of the victims during the Martial Law and the lives of those in
rebel groups. We are introduced to the characters of Anna, a young widow who is forced to leave her
child in the care of another woman, Roy, a member of the guerrilla that Anna is also a member of, Jinky,
another member of the guerrilla who is pronounced a traitor because he gave their location to the
soldiers looking for members of the NPA, and Karla, Jinky's pregnant wife whom Anna left her child to.
Their characters, along with several others, are forced to separate because of several raids that occur,
and some of them are even imprisoned. Anna and Roy are also imprisoned, but manage to leave the
prison through different means, and together they begin to search for Anna's lost child.

Several years later, the Martial Law has been lifted from the Philippines and the Marcos regime has
fallen. Anna and Roy are now married and have a daughter named Lorena. However, the couple is still
living in the fear and the pain of that time, while Lorena feels as if she has no part in the life of her
parents. Later on, Anna's first child, Malaya, appears, and brings with her the memories of the past such
as the stories of Jinky, who has forced to disclose the location of the guerilla, and Karla, who lost her
child and cared for the child of another woman all her life. At the end of the play, Malaya and Lorena
will share a conversation, a symbolic image of the bringing together of the past and the present.

You might also like