You are on page 1of 2

Dahil sa pagpapatupad ng Martial Law ni Dating pangulong

Ferdinand Marcos, bumuo ng rebolusyon ang mga hindi sang-ayon


dito. Ang New People’s Army o NPA ay binubuo ng mga Pilipinong
hindi gusto ang pagpapalakad ni Pangulong Marcos. Sina Anna at
Nonong ay dalawa sa maraming miyembro ng NPA. Nahuli si
Nonong ng mga sundalo. Sinaktan at pinatay si Nonong ng mga
sundalo at ito ay nabalitaan ni Anna. Pumunta si Anna sa mga
magulang ni nonong upang magmakaawa na kunin ang bangkay
nito. Si Tatay Dencio ay ama ni Nonong. Hiniling niya sa mga
sundalo na kung puwede ay makuha ang bangkay ng kanyang
anak pero pinahirapan at walang awa na pinatay din ng mga
sundalo si Tatay Dencio.

Dahil sa pagkamatay ni Nonong, naiwan si Anna sa


pagpapalaki ng kanilang limang buwan na anak na si Malaya.

Dahil na rin sa payo kay Anna, nag-desisyon siya na ipaubaya


ang pagpapalaki kay Malaya kina Jinky at Karla para na rin sa
kaligtasan ni Malaya.
Si Rolindo Ibanag o kilala rin bilang Roy ay isa din sa mga
miyembro ng NPA. Isa rin siyang biktima ng pagmamalupit. Ang
kanyang ama na si Mang Manuel at kanyang kapatid na si Nene
ay pinatay din ng mga sundalo. Ang kanilang bahay ay sinunog
pagkatapos silang patayin.
Sa di inaasahang pagkakataon, dinakip ng mga sundalo sina
Anna at Jinky bago pa sila makadalaw kina Karla at Malaya. Kahit
na binugbog at ginahasa si Anna upang siya ay magbigay ng
impormasyon tungkol sa kanyang mga kasamahan, walang
nakuhang detalye mula sakanya.
Kabaligtaran ni Anna, si Jinky ay nakipagugnayan sa mga
sundalo at nagturo sa kanilang mga kasamahan.
Dahil sa lumalalang sitwasyon, tumulong ang Amerika para
matapos na ang Martial Law. Napalaya ang lahat ng mga
nakakulong.
Naging malapit sa isat-isa sina Anna at Roy kung kaya naman
nagbunga ito. Nagkaroon sila ng anak na ang pangalan ay Lorena.
Sa tulong ng mga Pilipinong pagod na sa kalupitan ng Martial
Law, nagkaroon ng People Power at napaalis ang mga Marcos.
Ang mga Marcos ay tumakas at pumunta ng Hawaii.
Pagkatapos makalaya ni Anna, pumunta siya sa mga
magulang ni Jinky para maibalik sa kanya si Malaya. Sinabihan
siya ng ina ni Jinky na umalis si Karla kasama si Malaya papuntang
Canada.
Wala ng nagawa si Anna kung hindi maging malungkot at
umasa na lamang. Habang siya ay nagtatrabaho sa opisina,
naramdaman niyang may nakatingin sakanya. Nakita niya na si
Malaya ang nakatingin sakanya. Kay Malaya nalaman ni Anna na
namatay ang pinagbubuntis ni Karla dahil sa pagkasunog ng
kanilang dating bahay.
Nagkakilala na ang magkapatid na si Malaya at Lorena. Si
Malaya ay kinasal na rin. Sa huli, naging buo ang kanilang pamilya.

You might also like