You are on page 1of 17

ANG ANGKAN

nI ELIAS
Talasalitaan
 1.Natupok- nasunog
 2.Masaklap- masakit
 3.Naungkat- nabanggit
 4.Sisidlan- lalagyan
 5.Papanigan- kakampihan
Buod
 Ang mga Kaanak ni Elias Bago nagkahiwalay si Elias at
Ibarra, ikunuwento ng piloto ng Bangka ang kaniyang
buhay.Ang kaniyang nuno ay napagbintangang
nagsunog ng bahay-kalakal kung saan siya nagtrabaho.
Nahatulan siyang ilibot sa bayan at paghahagupit sa
daan. Ang kaniyang asawa ay natutong maghanap ng
hindi magandang trabaho para lamang sila mabuhay.
Dahil sa sama ng loob, nagbigti ang lalaki. Hindi ito
naipalibing ng asawa kaya pinarusahan ding paluin
pagkatapos niyang manganak. Tumakas ang babae
kasama ang mga anak, Ang kaniyang panganay ay
naging tulisan.
 Isang araw ay natagpuang patay ang babae kaya
magpasiya ang bunsong anak na lumayo. Siya ay
namasukang obrero sa isang mayamang angkan.
Nagsinop siya at akapagpundar ng kabuhayan.
Nakakilala siya ng isang dalaga na kaniyang niligawan.
Nabuntis ang babae na hindi pa sila kasal. Kambal ang
naging anak; si Elias at ang kapatid nitong babae.
Nakulong siya dahil sa mayaman ang magulang ng
dalaga. Ipinamulat sa kanila ng magulang ng kanilang ina
na patay na ang kanilang ama.Nag-aral si Elias sa mga
Heswita at sa Concordia naman ang kaniyang kapatid.
 Nang mamatay ang kanilang nuno, umuwi sila sa
lalawigan para asikasuhin ang naiwang kabuhayan.
Isang kamag-anak nila ang nagbunyag ng kanilang lihim
na pinatunayan ng matadang utusan. Ang utusan palang
ito ay ang kanilang ama. Ang kasintahan ng kapatid ni
Elias ay ipinakasal ng magulang sa iba. Naglayas ang
kapatid niya at lumipas ang ilang buwan, natagpuan itong
patay. Umalis si Elias sa kanilang lalawigan at
nagpagala-gala na lamang. Sa pagpapapalitan ng kuro-
kuro, sa huli ay nakiisa si Ibarra sa mga nangyari kay
Elias pero naniniwala siya ang sama ay hindi
napupuksa ng sama rin.
MGA PAGBABAGO
Talasalitaan
 1. Nauupos- lumiliit
 2. Gumagaralgal-nanginginig
 3.Napadpad- napunta
 4. Bumulaga-lumabas
 5. Tokang- inutusan
Buod
 Alam ni Linares na hindi nagbibiro ang Donya.
Kailangang hamunin niya ang alperes subalit sino naman
kaya ang papayag na maging padrino niya, ang kura
kaya o si Kapitan Tiyago. Pinagsisisihan niya ang
kanyang paghahambog at pagsisinungaling sa
paghahangad lamang na makapagsamantala. Labis
siyang nagpatianod sa kapritso ng Donya.
 Dumating si Padre Salvi at nagmano sa Kapitan Tiyago.
Masayang ibinalita niya ang tungkol sa sulat na padala
ng arsobispo tungkol sa pagalis ng excommunion kay
Ibarra kasabay ng kanyang pagpupuring and binata ay
kalugod lugod ngunit may kapusukan ng kauniti. Tanging
ang sagabal na lamang sa pagpapatawad ay si Pari
Damaso. Pero anya ay hindi makatanggi kung si Maria
ang kakausap sapagkat inaama niya ang pari. Narinig ni
Maria ang usapan at nagtungo ito sa silid kasama
si Dona Victoria.
 Sa bahaging iyon ng usapan ng pari at Kapitan Tiyago
pumasok si Ibarra na kasama si Tiya Isabael. Binata niya
ang kapitan at yumukod naman kay Linares. Si Padre
Salvi ay buong lugod na kumamay kay Ibarra at sinabi
nitong katatatapos pa lamang niyang papurihan ito.
Nagpapasalamat ang binata at lumapit kay sinang upang
itanong kung lumapit kay Sinang upang itanong kung
galit sa kanya si Maria. Ipinasasabi raw ni Maria ani
Sinang na limutin na siya ng binata ngunit sinabi ni Ibarra
ng gusto niyang makausap ng sarilinan ang kasintahan.
Di nagluwat, umalis na si Ibarra.
ANG
MASWERTENG
BARAHA
Talasalitaan
 1. Nagpapapigtal- nagpapabali
 2. Batay- ayon
 3. Mabigo- mabulilyaso
 4. Inunawa- inintindi
 5. Sumalampak- lumuhod
BUOD
 Madilim ang gabi at malamig ang ihip ng hangin
pumapaspas sa mga dahong tuyo at alikabok ng makipot
ng daang patungo sa libingan. May tatlong anino na
paanas na naguusap sa ilalim ng pinto ng libingan.
Itinanong ng isa kung nakausap na niya ng kaharap si
Elias. Hindi raw pero siguradong kasama ito sapagkat
nailigtas na minsan ni Ibarra ang buhay nito. Tumugon
ang unang anino na ito nga ay pumayag na sumama
sapagkat ipapadala ni Ibarra sa Maynila ang kanyang
asawa upang ipagamot. Siya ang sasalakay sa
kumbento upang makaganti siya sa kura.
 Binigyang diin naman ng ikatlong anino na kasama ng
lima lulusob sila sa kwartel upang ipakilala sa mga sibil
na kanilang ama ay may mga anak na lalaki. Isa pa,
sinabi ng alila ni Ibarra na sial ay magigng 20 na katao
na. Saglit na huminto sa pagaasanan ang mga anino
nang mabanaagan nilang may dumarating na isang
anino na namamaybay sa bakod.Pagdating sa lugar ng
tatlo, nagkakilala sila. Ipinaliwanag ng bagong dumating
na anino na sinusubaybayan siya kaya’t naghiwa-hiwalay
na sila at tinagubilinan ang mga dinatnan ng kinabukasan
ng gabi nila tatanggapin ang mga sandata kasabay ng
sigaw na "Mabuhay Don Crisostomo"! ang tatlong anino
ay nawala sa likod ng pader.
 Ang bagong dating naman ay naghintay sa sulok ng
pintuan.Nang dumating ang ikalawang anino, namasid ito
sa kanyang paligid. Umaambon palibhasa, sumilong ito
sa pintuan kaya’t nagkita sila ng unang sumilong.
Naisipan nilang magsugal at kung sinuman ang manalo
sa kanila ay maiiwan upang makipagsugal sa mga patay.
Pumasok sila sa loob ng libingan at sa ibabaw ng punto
ay umumpog magkaharap upang magsugal. Ang mataas
sa dalawa ay si Elias at ang may pilat sa mukha ay si
Lucas. Nagsimula na silang magsugal sapagkat sa isang
tao lamang ang nakikipagpagsugal ang mga patay.
 Natalo si Elias kaya umalis itong hindi kumikibo. Nilamon
siya ng kadiliman.Nang gabing iyonn dalawang sibil ang
naglalakad sa tabi ng simbahan. Pinaguusapan nila ang
tungkol sa paghuli kay Elias sapagkat sinumang
makahuli rito ay hindi mapapalo sa loob ng tatlong
buwan. Nakasalubong nila si Lucas at itinanong kung
saan ito pupunta. Sa simbahan ani Lucas upang
magpamisa. Pinabayaan nila sapagkat ayon sa alperes
walang pilat si Elias. Ilang saglit lamamg, si Elias mismo
ang nakasalubong ng mga sibil. Dinala siya sa liwanag
upang kilalanin. Sinabi ni Elias na hinahabol niya ang
lalaking may pilat sapagkat siyang bumugbog sa
kanyang kapatid. Ang mga sibil ay patakbong nagtungo
sa simbahang pinasukan ni Lucas.
Reporters:
Jaycell Joy Melo
Eloisa Ann Nabua

You might also like