You are on page 1of 7

Kabanata 48:

ANG TALINGHAGA
Noli Me Tangere
Tauhan:
Crisostomo.
Kapt. Tiyago
Maria Clara.
Tiya Isabel
Nol Juan
Linares
Elias
Tagpuan: Bahay ni Kapt. Tiyago
Dumating kinabukasan si Ibarra na gaya ng pagkakabalita ni Lucas sa
magkapatid na Tarsilo at Bruno. Ang unang sinadya ng binata ay ang tahanan
ni Kapitan Tiyago upang ibalita na siya ay hindi escomulgado at dalawin si
Maria. May dala siyang sulat mula sa arsobispo na ibinigay nito sa kura at
nagsasaad na inaalis na ang excomunion. Tuwang- tuwa si Tiya Isabel,
sapagkat boto siya kay Ibarra at ayaw din niyang mapangasawa ng kanyang
pamangkin si Maria ang kastilang si Linares. Tinawag ni Isabel si Maria at
pinatuloy si Ibarra.
Ngunit biglang naumid ang dila ng binata sapagkat nakita niyang kalapit ng
kasintahan si Linares na nasa balkon. Nakasandig sa silyon si Maria at may
hawak na abaniko. Sa may paanan nito ay nandoroon si Linares na
nagkukumpol ng rosas at sampaguita. Namulat si Linares ng makita si Ibarra
samantalang si Maria ay namula at hinayaang malaglag na lamang ang
tangang pamaypay. Sinikap nitong tumayo, pero hinang-hina siya dahil nga
sa pagkakasakit. Si Linares ay waring napapatda at hindi makapagsalita.
Sinabi ni Ibarra sa kasintahan ang dahilan ng kanyang diipinasabing
pagdalaw. Nakatingin lamang sa kanya si Maria na parang inuunawa
ang bawat katagang namutawi sa kanyang labi. Malungkot si Maria,
kaya nakuro ni Ibarra na bukas nalamang siya dadalaw.Tumango ang
dalaga. Umalis si Ibarra na ang puso ay ginugutay ng matinding pag-
aalinlangan, gulo ang kanyang isip. Sa paglakad niya, humantong siya
sa ipinapagawang paaralan. Binati siya ni Nol Juan at mangagawang
dinatnan niyang abalang gumagawa. Binigyang diin ni Ibarra sa mga
dinatnan na wala ng dapat ipangamba sa kanya ng sinuman sapagkat
siya ay hindi na excomugaldo. Pero, tinugon siya ni Nol Juan na hindi
nila pinapansin ang excommunion sapagkat silang lahat ay pawang
excomulgado.
Nakita ni Ibarra si Elias na kasama ang mga manggagawa. Yumukod
si Elias at ipinahiwatig sa pamamagitan ng tingin na mayroon siyang
gustong sabihin sa kanya. Dahil dito, inutusan ni Ibarra si Nol Juan na
kunin at ipakita sa kanya ang talaan nito ng mga obrero upang
kanyang tignan. Nilapitan ni Ibarra si Elias na nag-iisang nagkakarga
ng bato sa isang kariton. Sinabi ni Elias na nais niyang makausap ang
binata nang ilang oras. Ipinakiusap nitong mamangka sila sa baybay
ng lawa sa bandang hapon upang pag-usapan ang isang
napakahalagang bagay. Tumango lamang si Ibarra nang makitang
papalapit na sa kanila si Nol Juan. Si Elias naman ay lumayo na. Nang
tignan ng binata ang talaan ng mga obrero, wala ang pangalan ng
pilotong si Elias
Talasalitaan:
Excomunion-ay ang kalagayan kung
saan itinitiwalag o itinatakwil mula
sa relihiyon,
Ekskumolgado- taong itiniwalag
Diyan po nagtatapos ang kabanata
48 (=

JM Delin

You might also like