You are on page 1of 11

Mga Kapalaran ng Isang

Guro Kabanata 19

Buod ng Noli Me Tangere


Filipino
Talasalitaan
Nagmasid-masid – tumitingin-tingin
Kinahinatnan – kinahantungan
Balakid – sagabal
Pananaw – pagkakaunawa
Manghihimasok – pakikialam
Bulwagan – silid
Alkalde – mayor

https://youtu.be/MfwzCvrCyCA
2
Mga Tauhan
Ibarra
Guro
Tinyente Guevarra
Don Rafael
Padre Damaso

https://youtu.be/MfwzCvrCyCA
3
Kahit na dumaan ang malakas na bagyo,ang lawa
ay hindi gaanong nabagabag. Palibhasa ito ay
napapaligiran ng mga bundok. Sa tabi ng lawa,
nag-uusap sina Ibarra at ang binatang guro.
Itinuro ng guro kay Ibarra kung saang panig ng
lawa itinapon ang labi ni Don Rafael. Sang-ayon sa
kaniya, kasama si Tenyente Gueverra noong
itinapon ang bangkay. Wala siyang tanging
magawa noon kundi makipaglibing.

https://youtu.be/MfwzCvrCyCA
Malaki ang utang na loob kay Don Rafael.
Noong bagong salta ito sa San Diego, ang
Don ang tumustos sa kaniyang mga
pangangailangan sa pagtuturo. Sinabi ng
guro kay Ibarra na ang malaking suliranin
niya at ng mga mag-aaral ay ang kakulangan
ng magagastos.

https://youtu.be/MfwzCvrCyCA
Malaki ring problema anya, ang kawalan ng pagtutulungan
ng mga magulang at mga taong nasa pamahalaan.
Lumilitaw na hindi ang lahat ng mga pangangailangan ng
mga batang nag-aaral na katulad ng mga libro na
karaniwang nasusulat sa wikang Kastila at ang
pagmememorya ng mga bata sa mga nilalaman nito. Dahil
din sa kakulangan ng mga bahay-paaralan, ang klase ay
ginaganap sa silong ng kumbento sa tabi ng karwahe ng
kura. Nasanay ang mga bata na bumasa ng malakas. Ito ay
nakakabulabog sa kura, kaya nakakatikim ng sigaw, at mura
ang mga bata at guro.

https://youtu.be/MfwzCvrCyCA
Nabanggit din ng guro kay Ibarra na dahil sa pagbabagong
kaniyang ginawa, madaling natutuhan ng mga mag-aaral
ang wikang kastila. Pero siya ay nilait ni Padre Damaso sa
pagsasabing ang wikang kastila ay hindi nababagay sa
katulad niyang mangmang. Ang kailangan lamang niyang
matutuhan ay tagalog.
Ipinaris pa siya ni Padre Damaso kay Maestro Circuela,
isang guro na di marunong bumasa ngunit nagtayo ng
eskwela at nagturo ng pagbasa sa kaniyang mga estudyante.
Labag man sa kaniyang kalooban, wala siyang magawa
kundi sumunod kay Padre Damaso. Pero, nag-aral din ang
guro ng wikang kastila oara sa kaniyang oansariling interes.
https://youtu.be/MfwzCvrCyCA
Sobra ang pakialam ni Padre Damaso sa guro. Nang huminto
ang guro sa paggamit ng pamalo sa pagtuturo. Siya ay
ipinatawag ng kura upang ipabalik sa kaniya ang pagagmit ng
pamalo saspagkat mabisa ito sa pagtuturo. Tumututol man sa
kaniyang kalooban, sumunod din siya saspagkat mismong mga
magulang ay napahinuhod ni Padre Damaso na ibalik ang
pamalo sa pagtuturo,. Dahil ssa naging sukal sa kalooban ang
pagtuturo, nagkasakit ang guro. Nang ito ay guamling at
bumalik sa serbisyo, kakarampot na lamang ang kaniyang
tinuturuan. Sa kaniyang pagbabalik, nagkaroon ng bagong kura.
Hindi na si Padre Damaso. Nabuhayan siay ng pag-asa. Sinikap
niyang isalin sa wikang tagalog ang mga aklat na nasusulat sa
wikang kastila.
https://youtu.be/MfwzCvrCyCA
Bukod dito, dinagdagan niya ang mga aralin sa
katesismo,pagsasaka,kagandahang asal na hango
sa Urbanidad ni Hustensio at Felisa at sa
Kasasysayan mg Pilipinas. Pero, sa lahat ng mga
araling ito dapat unahin ang pagtuturo ng
relihiyon , ayon sa mga bagong kura nang
ipatawag niya ang guro. Nagkomit si Ibarra na
tutulungan niya ang guro sa pamamagitan ng
pulong sa tribunal na kaniyang dadaluhan sa
paanyaya ng tenyente mayor.
https://youtu.be/MfwzCvrCyCA
Narito ang mga aral at mahahalagang kaisipan na
maaaring mapulot sa Kabanata 19 ng Noli Me Tangere
Ang kabanatang ito ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng edukasyon at ang
mga balakid na kinakaharap nito sa panahon ng kolonyalismong Espanyol.
Ipinapakita rin nito ang malaking papel ng simbahan sa pagpapatupad ng
edukasyon at ang pakikialam ng mga pari sa mga bagay na wala naman sa
kanilang sakop, gaya ng pagtuturo.
Natutunan din natin ang kahalagahan ng pagkakaisa sa pagtataguyod ng
edukasyon. Hindi lamang ang mga guro, kundi maging ang mga magulang,
ang simbahan, at ang gobyerno ay dapat magtulungan upang matugunan
ang mga pangangailangan ng edukasyon at maiangat ang kalidad nito.
Kailangan ding maging bukas ang bawat isa sa pagbabago at pag-unlad, at
isaalang-alang ang kapakanan ng mga bata sa lahat ng oras.

https://youtu.be/MfwzCvrCyCA
10
Maraming
Salamat!
Vanz Koenen H. Mendoza

9 - Andromeda

You might also like