You are on page 1of 12

Kabanata 27

Takipsilim

Sadyang hinigitan ni Kapitan


Tyago ang paghahanda sa
kapistahan sapagkat ikinasisiya
niya ang mabangong pagtanggap
ng mga tao kay Ibarra na
kanyang mamanugangin, lalo na
at kahit sa Maynila ay tanyag na
tanyag ang binata. Sa ganitong
pagkakataon ay kasama siyang
mapupuri sa mga pahayagan.
Samu't saring pagkain at inumin
na inangkat pa mula sa ibang
bansa ang nasa kanyang tahanan.
Pinasalubungan din niya si Maria
ng mga kagamitang may
mamahaling bato. Nagkita sina
Ibarra at Kapitan Tyago ng
bandang hapon. Nagpa-alam
naman si Maria na mamasyal
kasama ang mga kaibigan nitong
dalaga, at kinumbida ng mga ito
si Ibarra, na pinaunlakan naman
ng huli. Inanyayahan ni Kapitan
si Ibarra na duon na maghapunan
sapagkat darating si Padre
Damaso, na magalang namang
tinanggihan ni Ibarra. Lumakad
na ang magkatipan kasama ang
mga kadalagahan. Napadaan sila
sa kanilang kaibigan na si
Simang at ito ay sumama rin sa
kanila na mamasyal. Nang
marating nila ang liwasang
bayan, sinalubong sila ng isang
ketongin na pinandidirihan ng
lahat. Nahabag naman si Maria at
binigay niya dito ang iniregalo
ng kanyang ama sa kabila ng
pagtataka ng kanyang mga
kasama. Lumapit naman ang
walang katinuan na si Sisa at
kinausap ang ketongin. Itinuro
nito ang kampanaryo at sinabing
anduon ang kanyang mga anak,
at pagkasabi nito ay umalis ng
pakanta-kanta. Lumisan na rin
ang ketong na dala ang bigay sa
kanya ni Maria. Napag-isip isip
ni Maria na marami pala ang mga
mahihirap at kapus-palad at iyon
ay naging lingid sa kanyang
kaalaman.
TAUHAN :
 Kapitan Tyago
 Maria Clara
 Crisostomo Ibarra
 Sisa
 Ketongin
TALASALITAAN :
 kinumbida  inimbita
 pinaunlakan  pumayag
 nahabag  naawa
 inangkat  pinadala
 ikinasisiya  apresyahin
Mensahe :
Inilantad ni Rizal ang kalupitan ng
gobyerno sa mga may kapansanan.
Nakita rin dito ang kabatirang
pangmedisina ng may akda na ang
ketong ay hindi nakakahawa. At
marami ang mga kapus-palad.

You might also like