You are on page 1of 11

PANGKAT 5

MGA MIYEMBRO:
-JORAM EMILIO
-VALERIE DINGAS
-RHOVI CYRUS ESPE
-JOHN-REB LIGASPI
Kabanata 28: Sa Pagtatakipsilim
Sa lahat ng may handaan sa pista ng San Diego, isa kay Kapitan Tiyago ang pinakamalaki. Sinadya niyang higtan sa dami ng handa
ang mga taga lalawigan dahil kay Maria at Ibarra na kanyang mamanugangin. Dahil si Ibarra ay pinuri pa ng isang tanyag na diyaryo
sa Maynila sa pagsasabing siya ay bihasa at mayamang kapitalista, Kastilang-Pilipino at iba pa.

Bago pa mang dumating ang talagang pista, ilang araw nang dumarating ang sari-saring inumin at pagkaing galing sa Europa sa
tahanan ni Kapitan Tiyago. Sa pagdating ng Kapitan sa bisperas may pasalubong ito kay Maria na isang agnos na may brilyante at
esmeralda at kapirasong kahoy na mula sa bangka ni San Pedro.

Kalugod-lugod ang pagkikita nina Kapitan Tiyago at Ibarra. May mga ilang kaibigang dalaga si Maria na kinumbidang mamasyal si
Ibarra. Humingi ng pahintulot si Maria sa ama nito at siya ay pinahintulutan naman. Gayunman, nagbilin ang ama na kailangang
umuwi bago maghapunan si Maria sapagkat darating si Padre Damaso. Mahigpit na inanyayahan naman ni Kapitan Tiyago si
Ibarra na sa kanilang tahanan na siya maghapunan. Pero, nagdahilan si Ibarra na mayroon siyang hinihintay na bisita

Pumanaog na ng bahay si Ibarra kasunod ang mga dalaga. Si Maria ay napagitna kina Iday at Victoria at naglalakad siyang kasunod
si Tiya Isabel. Siyang-siya si Maria sapagkat nakadama siya ng kalayaan sa labas ng kumbento. Ang mga naglalakad ay napatapat
sa bahay ni Sinang. Nanaog kaagad ito at sila ay inimbitang pumanhik muna. May bumati kay Ibarra at pinuri naman si Maria.
Nakita ni Ibarra si Kapitan Basilio, na naging kaibigan at tagapagtanggol niya na sumama ito sa kanya kinagabihan.
Sinabi niyang maglalagay ng isang munting bangka sa monte si Padre Damaso. Napangiti lamang si Ibarra. Hindi masigurado
kung ano ang ipinahihiwatig ng ngiting yaon, kung oo, o hindi.
Nakarating sila sa liwasang bayan. Nakita nila ang isang ketongin na nakasalakot at umaawit sa saliw ng kanyang gitara.
Pinandidirihan at nilalayuan siya ng mga tao sapagkat natatakot silang mahawa ng sakit nito. Ang ketongin ay pinarusahan ng
maraming palo dahil lamang sa pagliligtas niya sa isang nahulog sa mababaw na kanal.

Pagkakita ni Maria sa ketongin, sinagilahan siya ng pagkahabag. Kinuha ni Maria ang suot na agnos at nilagay sa bakol ng ketongin,
sa pagtataka ng kanyang mga kasama. Kinuha ng ketongin ang agnos sa bakol at ito ay kanyang hinagkan. Sumunod ay lumuhod ito
sa may harap ni Maria at isinubsob ang ulo at hinagkan ang mga bakas ng yapak ni Maria. Nagtakip ng mukha si Maria at pinahid ng
ang lubhang namamalisbis sa mukha.

Kamukat- mukat ay biglang lumapit ang baliw na si Sisa at hinawakan sa bisig ang ketongin. Ipinatanaw ni Sisa sa ketongin ang
ilaw sa kampanaryo at sinabing naruroon ang anak niyang si Basilio na bumababa sa lubid. Itinuro rin niya ang ilaw sa kumbento
at sinabing nandoroon naman ang anak niyang si Crispin. Binitiwan ni Sisa ang ketongin at umalis na kumakanta. Umalis na rin
ang ketongin na dala ang bakol.

Sa gayong pangyayari, naibulong na lamang ni Maria na mayroon palang mga taong kulang-palad.
Tungkol Saan Ang Kabanata: 28-John-Reb

Dumako Naman Tayo Sa Susunod


Na Kabanata

Tungkol Saan Kaya Ang Susunod Na Kabanata?


Kabanata 29: Ilang Sulat
Inilathala sa isang malaganap na pahayagan sa Maynila ang tungkol sa pista. Ginawa ito upang malaman ng banyaga na
interesadong mabatid ang mga pamamaraan ng pagdaraos ng pista ng mga Pilipino. Nakasaad sa dyaryo na walang makakatulad
sa karangyaan ng pista ng pinangangasiwaaan ng mga paring Pransiskano, pagdalo ni Padre Hermando Sybila, mga kakilala at
mamamayang Kastila at ginoo ng gabinete, Batangas at Maynila.

Kabilang din sa balita ang pagkakaroon ng dalawang banda ng musiko noong bisperas ng pista. Ang pagsundo ng maraming tao
at at mga makapangyarihan sa Kura sa kumbento; ang paghahanda ng hapunan ng Hermana Mayor at at ang pagtungo sa tahanan
ng madasaling si Don Santiago De los Santos upang kaunin si Parde Salvi at Padre Damaso Verdolagas.
Nasabi din sa dyaryo ang pag-ganap sa dula ng mga balitang artistang sina Ratia Carvajal at Fernandez na kapwa hinahangaan ng
lahat pero dahil sa Kastila ang kanilang usapan, ang marurunong lamang ng Espanyol ang mga nakakaintindi sa palabas. Higit na
nasiyahan ang mga Pilipino sa komedyang Tagalog. Ang hindi pag dalo ni Ibarra naman ay ipinagtaka ng lahat.

Alas once ng umaga, kinabukasan, idinaos ng birhen ang prusisyon ng birhen de la Paz. Dumaan ito sa paligid ng simbahan, na kasa
ang karong pilak nina Santo Domingo at San Diego. Isinunod naman kaagad ang misa kantada sa saliw ng orkestra at awit ng mga
artista pag nagkatapos ng. Siyang-siya ang lahat sa sermon ni Padre Manuel Martin. Nagkaroon din ng sayawan at ang
pinakamaringal ay ang pagsayaw ni Kapitan Tiyago. Ang nakita kay Maria na nakasuot mestisa at nagniningning sa brilyante ay
humanga sa ganda.
Isang liham naman ni Kapitan Aristorenas kay Luis Chiquito ang nag-anyaya na ito’y dumalo sa pista upang makipasya at makipag-la
ng monte sa mga batikan tahur na sina Kapitan Tiyago, Pari Damaso, Kapitan Juaquin, Kabesang Manuel at ang Konsul.
Samantala, Tumanggap din ng liham si Ibarra na dinala ni Andeng. Anang liham:
Crisostomo:
Ilang araw na ng hindi tayo nagkita. Ikaw raw ay may sakit, kaya’t ipinagdasal kita at ipinagtulos ng kandila kahit sinabi ni itay na
hindi naman malubha. Kagabi, pinilit nila akong tumugtog at sumayaw kaya nayamot ako. May ganyan palang mga tao. Kung hind
lang talaga ako kwinentuhan ni Padre Damaso ay talagang iiwan ko sila.

Ipaabot mo sa akin ang kanyang kalagayan at ipapadalaw kita kay Itay. Ipaubaya mo na kay Andeng ang paglalagay ng iyong tsa,
mahusay siya kaysa sa iyong katulong.

Maria Clara

Habol:

Ako’y dalawin mo bukas, upang dumalo ako sa paglalagay ng unang bato sa paaralan. Paalam.
Tungkol Saan Ang Kabanata: 29 At Ilang Sulat Ang
Nabanggit At Sino Sino Ang mga Nagsulat ng Mga
Sulat ?-Valerie

Dumako Naman Tayo At Talakayin Ang Susunod Na Kabanat


Kabanata 30: Kapistahan
Maagang pumasiyo sa lasangan ang mga banda ng musiko. Nagising ang mga nututulog. Muling narining ang tuong kampana
at mga paputok.

Ang mga tao ay nagbihis na ng mga magara at ginamit ang mga hiyas na itinatago nila. Tanging si Pilosopong Tasio lamang ang hindi
nagpalit ng bihisan. Binati siya ng tenyente mayor. Sumagot ang Pilosopo na "Ang magsaya ay dinangangahulugan ng paggawa ng
mga kabaliwan." Ang pagsasaya, anya pagtatapon ng pera at tumatakip sa karaingan ng lahat. Si Don Filipo at sumang-ayon sa
pananaw na itoni Tasyo subalitwala siyang magawa sa kagustuhan ng kapitan at ng kura.

Punong-puno ng tao ang patyo. Ang mga musiko ay walang tigil sa kalilibot. Binabatak naman ng mga hermana mayor ang mga
tao upang tumikim ng kanilang inihandang pagkain.

Dahil sa mga tanyang na tao, mga kastila at alkalde ang magsisimba ng araw na iyon, si Padre Damaso, kaya nagpahiwatig siya na
hindi makapagbibigay ng sermon kinabukasan. Pero, hindi siya natatanggi sapagkat sinabi ng mga kasama niyang pari na walang
ibang nakakaalamat nakapag-aral sa buhay ni San Diego kundi tanging siya lamang. Dahil dito, siya ay ginagamot ng babaing
nangangasiwa sa kumbento.

Siya ay pinahiram ng langis sa leeg at dibdib, binalot ito ng pranela at hinilot. Pagkaraan ay nag-almusal si Padre Damaso ng ilang
itlog na binati sa alak.
Eksaktong alas otso ng umaga, nang simula ang prisisyon. Ito ay dinaan sa ilalim ng tolda at inilawan ng matatandang dalaga na
kausap sa kapatiran ni San Francisco. Naiiba ang prusisyon kaysa sa nagdaang araw sapagkat ang mga nagsisilaw ay nakaabitong
ginggon. Sa suot na abito ay kaagad na makikilala ang mayayaman at mahihirap.

Natatangi ang karo ni San Diego na sinusundan ng kay Francisco at ang Birheng de la Paz. Maayos ang prusisyon, ang tanging
nagbago lamang ay si Padre Salvi ang nasa ilalim ng palyo sa halip na si Padre Sibyla. Ang prusisyon ay sinasabayan ng mga
paputok ng kuwitis, awitin at tugtuging pangsimbahan

Huminto ang karong sinusudan ng palyo sa tapat ng bahay nina Kapitan Tiago. Nakadungaw sa bintana ang alkalde, si Kapitan Tiago,
si Maria, si Ibarra at ilan pang kastila. Si Padre Salvi ay hindi bumati sa mga kakilala. Ito ay nagtaas lamang ng ulo mula sa kaniyang
matuwid na pagkakatayo.
Tungkol Saan Ang Kabanata:30 At Ano Ang Ganap Rito
-Rhovi

Wakas

You might also like