You are on page 1of 19

KABANATA 9: ANG BAYAN

May isang karwaheng nakatigil sa


tapat ng bahay ni Kapitan
Tiyago.Ang nakasakay sa loob nito
ay si Tiya Isabel at hinihintay na
lamang na sumakay si Maria.
Tiyempong dumating si Pari
Damaso at tinanong ang mag-ale.
Sinabi nilang kukunin ni Maria ang
mga kagamitan nito sa Beaterio.
Ang ganito ay hindi
minabuti ng pari, bubulong-
bulong na nagtuloy siya sa
bahay ni Tiyago. Ang
pagbulung-bulong ng pari
ay inaakala ni Isabel na
mayroon itong
minimemoryang sermon.
Nahalata kaagad ni Kapitan
Tiyago ang pagbabagong anyo ng
Pari nang hindi nito iabot ang
kamay nang magtangka siyang
magmano rito. Sinabi ng pari na
kailangang mag-usap silang
sarilinan ni Kapitan
Tiyago.Pumasok sila sa isang silid
at isinarang mabuti ang pinto.
Sa kabilang dako, pagkaraang makapagmisa si
Pari Sibyla, kaagad na nagtuloy siya sa kumbento
ng mga Dominiko sa Puerta de Isabel II.
Dumiretso siya sa isang silid at tumambad sa
kanyang paningin ang anyo ng isang matandang
paring may sakit. Siniglahan siya ng matinding
pagkaawa rito. Ikinuwento ni Pari Sibyla sa paring
may-sakit ang tungkol sa naganap na
pagkakaalitan nina Pari Damaso at ni Ibarra.
Ipinaliwanag ni Pari Sibyla na si Ibarra ay taong
mabait at mabuting tao.
Ang dalawang pari ay nagpalitan ng
mga kuru-kuro tungkol sa
mayamang binata, kay Maria Clara
at kay Kapitan Tiyago. Sa kanilang
pagsusuri, ang mga ito ay lubhang
napakalaki ng maitutulong sa
ikasusulong ng kanilang
korporasyon at kapatiran ng
panahong iyon.
Sa paniniwala ng may sakit na pari, dahan-dahan
ng nawawala ang kanilang mga kayamanan lalo
na sa Europa dahil sa pagtaas ng buwis na
nagiging dahilan ng pagkawala ng kanilang mga
ari-arian. Hindi na nararapat, anya, ang
pagtataas ng buwis sa kanilang mga lupain
sapagkat ang Pilipino ay natututo ng mamili ng
lupa sa iba’t ibang lugar at lumilitaw na kasimbuti
rin ng sa kanila o higit pa.
Bago umalis si Pari Sibyla, naibalita
rin niya na ang Tinyente ay hindi rin
nagsumbong sa Kapitan-Heneral at
diumano, ito ay nakikiisa pa kay
Pari Damaso. Pero, nalaman din ng
kapitan ang buong pangyayari. Ito
ay naibalita ni Laruja sa isang
pahayagan. Si Pari Damaso ay
napalipat pa sa higit na mabuting
bayan.
Sa kabilang banda naman, natapos na rin ang
masinsinang pag-uusap nina Kapitan Tiyago
at Pari Damaso. Sinisi ni Pari Damaso si
Kapitan Tiyago dahil sa hindi nito
pagtatapat. Binalaan pa niya ang kapitan na
kailanman ay huwag itong magsinungaling sa
kanya sapagkat siya ang inaama ni Maria
Clara. Pag-alis ng Pari, kaagad na pinatay
niya ang mga ipinatulos na dalawang kandila
kay Maria na patungkol para sa
maluwalhating paglalakbay ni Ibarra
patungong San Diego.
KABANATA 10:ANG SAN
DIEGO
Ang San Diego ay isang karaniwang
bayan sa Pilipinas na nasa isang
baybayin ng isang lawa at may
malalapad na bukirin at palayan.
Karamihan sa nakatira rito ay mga
magsasaka. Dahil sa kanilang
kamangmangan, ang mga inaaning
produkto agrikultura ay naipagbibili nila
ng murang-mura sa Tsino.
Mula sa pinakamataas na bahagi ng
simboryo ng simbahan, halos
natatanaw ang kabuuan ng bayan. Sa
may itaas na bahagi, may kubo na
sadyang itinayo. Gayunman,
mapapansin sa pagtanaw sa kabuuan
nito ang isang tila pulong gubat na
nasa gitna mismo ng kabukiran.
Kagaya pa ng ibang bayan sa Pilipinas,
ang San Diego ay mayroong itinatagong
alamat. May isa umanong matandang
Kastila na dumating sa bayan. Ito ay
matatas magsalita ng Tagalog at
nanlalalim ang mga mata. Binili niya
ang buong gubat. Ang mga
pinambayad niya ay mga damit, alahas
at salapi. Hindi nagtagal ang matanda
ay nawala.
Isang araw ang mga nagpapastol ng
kalabaw ay nakaamoy ng masangsang na
amoy. Hinanap nila ang pinanggalingan ng
amoy at nakita nila ang nabubulok na
bangkay ng matanda na nakabitin sa isang
puno ng Baliti.
Dahil sa pagkamatay ng matanda, lalo
siyang kinatakutan sapagkat nung
nabubuhay pa siya, takot na takot sa
kanya ang mga babae sa pagkat bahaw
ang tinig nito, paimpit kung tumawa at
malalalim ang mga mata. Sinunog ng
ilan ang damit na galing sa matanda at
ang mga hiyas naman ay tinapon sa ilog.
Hindi nagtagal, isang batang
mistisong Kastila ang dumating at
sinabing siya ang anak ng
namatay. Ito ay may pangalang
Saturnino. Siya ay masipag at
mapusok. Sininop niya ang gubat.
Sa kalaunan, nakapag-asawa siya
ng isang babaeng taga-Maynila at
nagkaroon ng anak na tinawag
niyang Rafael o Don Rafael, na
siyang ama ni Crisostomo.
Si Don Rafael ay hindi malupit bagkus siya
ay mabait. Ito ang dahilan kung bakit
kinagiliwan siya ng mga magsasaka.
Napaunlad niya ang lugar, mula sa pagiging
nayon, ito ay naging bayan.
Nagkaroon ng isang kura Indiyo. Pero, nang
namatay si Padre Damaso na ang pumalit at
naging kura ng parehong bayan.

You might also like