You are on page 1of 54

c 



    

 

Ang mga kilalang tao sa San Diego ay magkaharap na nanananghalian sa isang malaking hapag.
Nakaluklok sa magkabilang dulo ng mesa sina Ibarra at ang alkalde. Nasa bandang kanan ni
Ibarra si Maria at nasa kaliwa naman ang eskribano. Sa magkabilang panig naman nakaluklok
sina Kapitan Tiyago, kapitan ng bayan, mga prayle, kawani at kaibigang dalaga ni Maria.
Ganadong kumain ang lahat ng makatanggap ng telegrama sina Kapitan Tiyago, siya͛y kaagad
na umalis. Darating ang Kapitan Heneral at magiging panauhin ni Kapitan Tiyago sa kanyang
bahay.

Hindi nasasabi sa kable, kung ilang araw na mananatili ang Kapitan Heneral sapagkat ito umano
ay mahilig sa bagay-bagay na kataka-taka. Kung saan napasuot ang usapan ng mga
kumakain.Ang hindi pag-imik ni Pari Salvi, ang hindi pagdating ni Padre Damaso, kawalan ng
kaalaman ng mga magbubukid ng kobyertos at kung anong kurso ang ipapakuha nila sa kanilang
mga anak.

Patapos na ang tanghalian nang dumating si Padre Damaso. Lahat bumati sa kanya, maliban kay
Ibarra. Umiinit na ang usapan noon sapagkat nagsisimula ng ilagay ang mga tsampan sa kopa.
Nahalata ng alkalde na panay ang pasaring ni Pari Damaso kay Ibarra. Sinikap na ibahin nito ang
usapan, pero patuloy ang pari sa pagsasaring. Walang kibo na lamang si Ibarra. Pero, nang
ungkatin ni Pari Damaso ang tungklol sa pagkamatay ng ama ni Ibarrang may kasamang pag-
aglahi. Sumulak ang dugo ni Ibarra. Biglang dinaluhong niya si Pari Damaso at sasaksakin nito sa
dibdib. Pero, pinigilan siya ni Maria. Gulo ang isip ni Ibarra na umalis at iniwan ang mga kasalo
sa pananghalian.

 


Ang kahalagahang-pantao na ipinakita rito ay ang katotohanan na ang pagtitimpi ay may


hangganan. Handang tapusin ni Rizal ang pangaalipusta ng mga Kastila (Padre Damaso) kahit na
sa pamamagitan ng dahas. Walang halagang mga tagapagturo ng simbahan ang mga prayle.
Karapatapat sila sa paghatol ng Diyos.

Sa kabanatang ito ang mga tagpo ay makikita sa isang lugar o bayan ng San Diego.
Maihahalintulad siya sa kapanahunan ni Hesus na ang huling hapunan gayang gaya na pati ang
pagkakaayos ng hapag kainan sa huling hapunan na nailalarawan dito kung paano namumuhay
ng masaya at disente pamumuhay ang mga Pilipino. Hindi nasasabi sa kable, kung ilang araw na
mananatili ang Kapitan Heneral sapagkat ito umano ay mahilig sa bagay-bagay na kataka-taka.
Kung saan napasuot ang usapan ng mga kumakain. Ang hindi pag-imik ni Pari Salvi, ang hindi
pagdating ni Padre Damaso, kawalan ng kaalaman ng mga magbubukid ng kobyertos at kung
anong kurso ang ipapakuha nila sa kanilang mga anak. Patapos na ang tanghalian nang
dumating si Padre Damaso. Lahat bumati sa kanya, maliban kay Ibarra. Umiinit na ang usapan
noon sapagkat nagsisimula ng ilagay ang mga tsampan sa kopa. Nahalata ng alkalde na panay
ang pasaring ni Pari Damaso kay Ibarra. Sinikap na ibahin nito ang usapan, pero patuloy ang pari
sa pagsasaring. Walang kibo na lamang si Ibarra. Pero, nang ungkatin ni Pari Damaso ang
tungklol sa pagkamatay ng ama ni Ibarrang may kasamang pag-aglahi. Sumulak ang dugo ni
Ibarra. Biglang dinaluhong niya si Pari Damaso at sasaksakin nito sa dibdib. Pero, pinigilan siya
ni Maria. Gulo ang isip ni Ibarra na umalis at iniwan ang mga kasalo sa pananghalian.
     


Pagkadating ng Kapitang-Heneral, ipinahanap niya kaagad si Ibarra. Samantala, kinausap muna


niya ang binatang Taga-Maynila na nagkamaling lumabas habang nagsesermon sa misa si Padre
Damaso. Ang paglabas ng binata sa simbahan ay ikinagalit ni Damaso. Namumutla at nginig ang
buong katawan ng binata ng pumasok siyang kausapin ng Heneral. Ngunit, ng lumabas na ito,
nakangiti na siya. Ito ay tanda ng mabuting ugali ng Kapitan-Heneral;. Mayroon siyang panahon
basta sa katarungan.

Pagkalabas ng binata, ipinapasok na ng kagawad ang mga reverencia na sina Pari Sibyla,Pari
Martin,Pari Salvi at iba pang mga prayle. Yumuko ang mga ito at nagbigay galang sa
Heneral͙Dahil hindi kasama si Padre Damaso, hinanap siya ng heneral. Sinabi nina Pari Sybila at
Pari Salvi na may sakit ang hinahanap. Ang sumunod na nagbigay galang sa heneral ay sina
kapitan tiyago at Maria.

Pinapurihan ng Heneral si Maria dahil sa ginawa nito sa pananghalian. Kung hindi dahil sa kanya
, maaring nautas na si Ibarra si Padre Damulag. Sinabi ng Heneral na kailangang tumanggap ng
gantimpala si Maria na kagyat namang tumutol.
Smantala, ipinahayag ng kagawad na dumating na si Ibarra at nakahanda na siyang humarap sa
Heneral. Napansin ng Heneral na medyo nabalisa si Maria, Kaya sinabi niyang nais itong
makaharap bago umaalis patungong Espanya. Sinabi naman niya sa alkalde na samahan siya
nito sa paglilibot.

Hindi matiis ni Pari Salvi na ipaalala sa Heneral na si Ibarra ay excomulgado. Pero,hindi siya
pinapansin nito at sa halip sinabi ng Heneral na ipaabot kay Padre Damaso ang
pangangamusata na gumaling ito kaagad. Napamaang ang mga reverencia at sabay sabay na
nagpaalam. Nakasalubong nila ang pagpabaog ni Ibarra! Ngunit hindi sila nagkakibuan. Utot
lamang ang nag-usap.

Pagkakita ng Heneral kay Ibarra mabilis niya itong kinamayan at sinabing tama lang ang
kanyang ginawa lalo na ang ginawang pagtatanggol sa ala-ala ng ama. Tiniyak niya na
kakausapin ang arsobispo tungkol sa pagkakaexcumulgado ni Ibarra.

Sa pagkukuwento, lumitaw na nagkapalad si Ibarra na makatagpo ang pamilya ng kapitan


Heneral noong siya nagpunta sa Madrid. Tinanong ng Heneral kung wala man lang liham na
tagubiling dala si Ibarra para sa kanya. Hindi na kailangan ito, ani Ibarra sapagkat lahat daw ng
mga Pilipino ay tinagubilin sa Heneral. Sa pagpapahayag ni Ibarra ng kanyang sariling pananaw
sa buhay, nagpamuni ng Heneral na matalino ang binata. Inamuki niya itong ipagbili ang lahat
lahat na ari-arian at sumama na sa kanya sa Espanya sapagkat hindi nababagay ang kanyang
kaisipan sa Pilipinas. Pero,sinasabi ni Ibarra na higit na matamis ang mamuhay sa bayang
sinilangan at pinamuhayan din ng mga magulang nito.

Pinahalagahan ng Heneral ang paninindigan ni Ibarrasapagkat inaakala niyang higit nga niyang
kilala ang Pilipinas kaysa sa kanya. Nang maalala niya si Maria, kaagad itong nagsalsal at sinabi
ng Heneral kay Ibarra na puntahan na niya ang kanyang kasintahan at itagubilinang paparoonin
sa kanya si kapitan tiyago.Ipinagugunita niya kay Ibarra na samahan siya sa pamamasyal.
Tumango si Ibarr at umalis na. Kapagdaka,tinawag ng Heneral ang mga kagawad at sumunod
ang alkalde. Sinabihan ng Heneral ang alkalde na hindi na kailangang maulit pa ang naganap na
pananghalian at ibigay ang lahat ng kaluwagan kay Ibarra sa pagsasakatuparan ng kanyang mga
mabubuting layunin. Huwag ding pakialaman si Ibarra, mariing pautos pa ng Heneral.
Tumango ang Alkalde sa tinuran ng Heneral. Nangako siyang pangangalagaan din ang kaligtasan
ni Ibarra. Nang dumating si tiyago kaagad na binati siya ng Heneral dahil sa pagkakaroon ng
kapuri-puring anak at marangal na manunungangin.Nagprisinta pa ang Heneral na maging
ninong sa kasal.

Samantala, kaagad na hinanap ni Ibarra sa Maria. Kumatok siya sa silid ni Maria sapagkat
naririnig niya ang boses nito. Pero, hindi binuksan ang pinto at sa halip ay si Sinang ang sumilip.
Sinabi ni Sinang na isulat na lamang ni Ibarra ang sasabihin sapagkat papunta sila sa dulaan.
Nagtaka si Ibarra.

 


Makatuwiran si Rizal. Naniniwala siya na sa bawat panlalahat ay may edukasyon. Inilarawan ni


Rizal ang pagpuri niya sa mga Kastilang may malawak na pag-iisip tulad ng Kapitan Heneral. Dito
napag-unawa na walang kinikilingan si Rizal. Sinasabi niya kung ano ang totoo lamang. Ang
tunay na dahilan ng paghihirap ng mga Pilipino sa ilalim ng parnumuno ng mga Kastila ay ang
pakikisangkot ng mga pari sa usaping panlipunan at pampulitika.

Sa kabanatang ito makikita natin ang mga personalidad na tao katulad ni Padre Damaso.
Maihahalintulad siya sa isang prayle na mali mali ang mga paratang sa mga Pilipino. Si Ibarra na
sa paglalarawan ay si Rizal sa katotohanan pangkasaysayan. Mahigit na magkakaaway si Padre
Damaso at si Ibarra si Maria naman ay nagsasalarawan kay Josephine Bracken. Si Kapitan
Heneral ay mailalarawan natin sa isang govenador silyo kung saan wala siya pinipili na tao ma
pa ilustrado pa kung may ginawa na mali pantay ang parusa sa batas. Nabanggit sa kabanatang
ito ang Madrid kung saan ay talagang pumunta ng ibang bansa si Rizal para dun magaral at
gumawa ng tula para maipamulat sa mga Pilipino na di dapat tayo nagpapaapi.
Pinahalagahan ng Heneral ang paninindigan ni Ibarrasapagkat inaakala niyang higit nga niyang
kilala ang Pilipinas kaysa sa kanya. Nang maalala niya si Maria, sinabi ng Heneral kay Ibarra na
puntahan na niya ang kanyang kasintahan at itagubilinang paparoonin sa kanya si kapitan
tiyago.Ipinagugunita niya kay Ibarra na samahan siya sa pamamasyal. Tumango si Ibarr at
umalis na. Kapagdaka,tinawag ng Heneral ang mga kagawad at sumunod ang alkalde. Sinabihan
ng Heneral ang alkalde na hindi na kailangang maulit pa ang naganap na pananghalian at ibigay
ang lahat ng kaluwagan kay Ibarra sa pagsasakatuparan ng kanyang mga mabubuting layunin.
Huwag ding pakialaman si Ibarra, mariing pautos pa ng Heneral.


  
c       

 

Pumasok sila, at sa kadilimang iyon ay naghanap sila ng isang maayos na lugar; di-natagalan ay
nakakita sila ng isang nicho at nag-upuan. Ang pinakamababa ay kumuha sa kanyang salakot ng
baraha at nagsindi ng posporo ang isa.Sa panadaliang liwanag ay nagtinginan silang dalawa,
ngunit sa kanilang mga mukha ay hindi sila magkakilala. Gayunman ay makikilala natin na ang
pinakamataas at may matigas na tinig ay si Elias, at ang maliit ay si Lucas dahil sa peklat sa
pisngi. ͞Hatiin ninyo!͟ ang sabi nito, na hindi inilalayo sa kaharap ang tingin. Inilayo ang ilang
buto na nasa ibabaw ng nitso at binatak ang isang alas at isang kabayo. Sunud-sunod na
nagsisindi ng posporo si Elias. ͞Sa kabayo!͟ ang sabi, at upang matandaan ang baraha ay
pinatungan ng isang buto. ͞Juego!͟ ang sabi ni Lucas, at sa ikaapat o ikalimang baraha ay
sumipot ang isang alas. ͞Natalo kayo,͟ ang dugtong, ͞ngayon ay bayaan ninyo akong
maghanap-buhay na mag-isa.͟ Hindi kumibo si Elias at nawala sa gitna ng kadiliman. Makaraan
ang ilang sandali ay tumugtog ang ikawalo sa orasan ng simbahan at itinugtog ng kampana ang
mga kaluluwa ng namayapa; ngunit walang hinamong sinuman si Lucas, hindi tinawagan ang
mga patay gaya nang sinasabi ng mga pamahiin, kundi ang ginawa ay nag-alis ng salakot at
bumulong ng ilang dasal, nag-antanda ng katulad ng ginagawa sa mga sandaling iyon ng pinuno
sa Cofradia de Santisimo Rosario.
 


Waring hindi kumpleto o magiging buo ang pagkilos ng mga tauhan na ito kung hindi
nila kaalam o kasama si Elias. Parang pinaglaruan ng tadhana si Rizal, dahil bago sumiklab ang
Himagsikang Pilipino ng 1896 ay ipinaalam sa kaniya at pinilit siyang ibinabahagi ng mga
manghihimagsik sa gaganaping rebolusyon.

Mahihiwatigan na alam ni Pedro ang naganap sa kaniyang mga anak. Maging ang
kamatayan ng kaniyang anak na si Crispin, alam niya na sa loob ng kumbento naganap ang
kasawian g kaniyang sambahayan. Papaano niya nalaman ito?Si Pedro ay kabilang sa mga
sinawing maging naging latak ng lipunan ² may dinamismo ang mga tauhan na kabilang sa mga
sawimpalad na ito na hindi nakikita ng mga taong nabubuhay na kaayon ng lipunan ² at ito ay ang
malaman ang mga itinatagong baho ng mga mararangal na tao. Maaring may mga taong
marangal sa harapan ng lipunan, ngunit nakatago ang kaniyang mga kasamaan. Ang sirkulo na
kinapapalooban ni Pedro ay katulad lamang ng septic tank ng lipunan na nakaalam ng lihm na
baho ng mga mararangal na tao.

Hinihintay ang ikawalo ng gabi para makipagsugal sa mga patay isang paniniwala noon
na ang tugtog ng kampana sa ikawalo ng gabi ay nakaukol upang tawagin ang kaluluwa ng mga
namayapa, ito ang dahilan kung bakit ang magkapatid na Basilio at Crispin sa gabi ng Todos Los
Santos ay pinilit pang patugtugin ng kampana kahit sa kalakasan ng ulan. Sa kabanatang ito, ito
pinalalabas ni Lucas na dahilan kaya siya nasa simenteryo ay ito ang pinakamagandang
pagkakataon na makipagsugal sa kanila. Subalit ang sinabing pakikipagsugal ni Lucas sa mga
patay ay isa lamang pagdadahilan upang pagtakpan ang tunay niyang sadya sa loob ng
simenteryo. Si Elias ay nagkunwaring iyon din ang pakay, sapagkat ang tunay naman nitong
sadya ay ang magmanman sa magaganap sa sementeryo.

Sa kabanatang ito rin makikita ang isang bahagi ng pagkatao ni Lucas pansinin ang
ginamit ni Rizal na ang paraan ng kaniyang pag-aantanda na katulad ng ng Cofradia del
Santisimo del Rosario. Si Lucas ay isang tao na pinuno ng nabanggit na kapatiran sa ibang
bayan. Si Lucas ay isang tao na naniniwala na ang ipinagagawa sa kaniya ay hindi lamang para sa
tatamuhing salapi, kundi higit para sa kabanalan ng kaniyang makasalanang kaluluwa. Mula dito
ay masasapantahan na sa pagkakataong ito, si Lucas ay kumikilos na maliwanag na sa kaniyang
isipan, na si PadreSalvi ang nagpapagalaw ng mga pakana laban kay Ibarra.

Ang Pag-iilaw sa lansangan - sa panahong iyon ay laganap ang aktibidad ng mga tulisan,
at nagbabantang sumalakay sa mga bayan-bayan. Dahil dito ay naging kautusan sa mga
mamamayan na maglagay ng ilaw sa labas ng kanilang mga bahay, ang mga lugar na walang tao
ay ang pananagutan na palagyan ng ilaw ng mga pamahalaang lokal.

Ipinapakita ni Rzal na ang katalinuhan ay hindi isa sa mga katangian na dapat taglayin ng
isang guwardiya sibil. Nagmalaki pa ang guwardiya sibil na Tagalog ng sabihin na bago siya
naging guwardia sibil ay contrabandista/smuggler o nagpupuslit ng mga bagay na
ipinagbabawal ng batas. Sa pamamagitan nito ay inilalantad ni Rizal na walang sistema sa
pagpili ng maayos na kaugalian at pinagmulan ang mga nagiging guwardia sibil.
      
c  !"# 

 

Maagang-maaga pa lamang ay mabilis na kumalat sa bayan ang balita na sa nakalipas na gabi ay


may nakitang maraming ilaw sa simenteryo.[1] Ang pinuno ng V.O.T. ay nagbabalita ng mga
kandilang may dingas at tinutukoy ang kanilang mga laki at anyo, subalit hindi masabi nang
tiyak kung ilan, ngunit nabilang niyang mahigit sa dalawampu.[2] Hindi mapalampas ni Manang
Sipa, na kapatid ng Santisimo Rosario, na ang malaking katangian na makakita sa milagro ng
Diyos ay isang kalaban ng kanilang Kapatiran: si Manang Sipa, na kahit malayo sa simenteryo
ang tirahan ay nakarinig din ng mga daing at hinagpis, at parang kilala pa niya ang boses ng ilan
kataong noong araw ay kanyang͙ subalit dahil sa kanyang pagiging kristiyano pinatatawad niya,
at ipinagdarasal pa niya at inilihim ang kanilang pangalan, kaya ang lahat ay nagpapalagay na
siya ay banal.

 


Ipinakita ni Rizal sa kabanatang ito ang kabilisan ng pagkalat ng balita sa Pilipinas, lalo na
sa mga bagay na kababalaghan (lalo na ang milagrong pansimbahan), ngunit mapapansin na sa
mga balitang ito ay nababahiran na ng malabis na mga imbentong detalye at sa ganito ay hindi
na makatotohanan at mahirap ng mapatunayan.

Sa isang bahagi ng kabanatang ito, ang mga kapatiran sa loob ng simbahan ay


nagkakaroon naman ng labanan sa opinyon at pagpapagalingan ukol sa kaganapan sa
sementeryo. Isipin na ang tunay na naganap sa sementeryo ay ang sugal nina Elias at Lucas at
ang nakita lamang doon ay ang kiskis ng posporo ay nabigyan na ito ng pakahalugang may
kahalong pang-relihiyong kabalbalan.; Nakaharap kay Hermana Ruffa ang mga kaluluwa - nag-
iilusyon na siya ay banal at may kakayahan na pagkalooban ang iba mga kapatawaran sa mga
kasalanan. Isang pagtuya ni Rizal sa mga prayle karaniwang tao lamang sila na katulad ni
Manang Rufa, ang pagkakaiba ng una ay kinikilala ng mga tao ang kanilang pag-aangkin at ang
huli ay nag-aangkin lamang sa sarili.; Nagyabang sa pagsasabi na nakakita siya ng mga kandila at
pati ang laki at anyo, subalit hindi tiyak kung ilan. (Ito ay dahil posporo ang ginamit ni Elias).

Ginamit ni Rizal ang tatlong kakatwang tauhan na ito sa kabanata upang ipakita ang
ebolusyon ng maraming mga paniniwalang pangrelihiyon ng simbahan.

Pinuno ng relihiyon na nanghihingi ng tulong o limos dahilan sa mga obligasyong


pinansiyal. Napakapangit na makita na ang pinuno ng relihiyon ay nagpapalimos sa kaniyang
mga tagasunod lumilitaw kasi na pinagsasamantalahan niya ang kapanatikuhan ng
sumasampalataya sa kaniyang itinuturong paniniwala.

Mapapansin ang katotohanan ay walang bahagi kung ang nagsasalita ay bata o kaya ay
taong walang nakakaangat na katangian. Ginamit ni Rizal ang bata upang ipakita na mayroong
mga tao na kritikal at hindi naniniwala sa kabalbalan na ipinamamalita ng mga tagapagtaguyod
ng kolonyal na simbahan. Pansinin ang bintang sa bata nap aracmas o n at erehe.

Sa bahaging ito ng kabanata ay pagagong binanggit ang salitang freemason, ngunit


lumalabas na ito ay isang lihim na paghahanda ni Rizal sa muling magiging pag-uusap ng
kaniyang dalawang tauhang sina Pilosopo Tasyo at Don Filipo, sa susunod na talata.
Ipinapakita ni Rizal kung sino ang higit na kumikita ng malaki sa mga kuwento ukol sa
milagro. Ang mga panatiko ay maniniwala at ang mga alagad ng kolonyal na simbahan ang
makikinabang.

Tandaan sa una ay iminungkahi ni Pilosopo Tasyo kay Don Filipo na magbitiw dahilan sa
walang kabuluhan ang kaniyang tungkulin; ngunit pagkatapos ng gulo na ginawa ng mga
guwardiya sibil laban sa mga mamamayan ng San Diego ay kinakailangan na huwag magbitiw si
Don Filipo dahilan sa may kalaban ang taong bayan at sa panahon na may kalaban kailangan ng
bayan ng lider. Kailangan ng bayan ng pagkakaisa sa lahat ng mga hakbangin upang
magtagumpay tandaan na walang sinuman ang magtatagal sa kanilang pagsasamantala, kung
ang bayan ay nagkakaisa.

Gusto ni Pilosopo Tasyo na maging halimbawa si Don Filipo ng mga taga ibang bayan
maliban sa San Diego, kung papaano ang lumaban para sa kanilang mga karapatan.

Noong magbalik si Rizal sa Pilipinas mula sa Europa noong 1887- 1888, isa sa kanilang
naging suliranin ay ang usapin sa pagmamay-ari ng Hacienda ng Calamba, ang pamilyang Rizal
at iba pang mga kasama sa lupa na ´pag-aariµ ng mga Dominicano ay hindi nagbayad ng
kaukulang buwis sa lupa, upang ipamukha sa mga Dominicano ang kanilang hindi pagkilala sa
pagmamay-ari ng lupa na kanilang sinasaka. Nagkaroon ng ilang negosasyon ang mga prayle
para maayos ang usapin sa Calamba, ngunit ang pamilyang Rizal at ang ilang mga kasama ay
hindi nagpa-areglo. Masasabi na ang layunin ni Rizal sa ganitong paninindigan ay upang sila ay
gayahin ng iba pang mga kalapit bayan na ang lupaing taniman ay ´pag-aariµ ng mga
korporasyong pansimbahan.

MAARING NABIGO ANG MGA RIZAL NA MAIPRESERBA PARA SA KANILA ANG LUPANG
KANILANG SINASAKA SA CALAMBA, SUBALIT ANG KAWALAN NG KATARUNGAN NA IYON ANG
NAGSILBING GATONG SA ISIPAN NI RIZAL UPANG ISULAT ANG KASUNOD NA NOBELANG EL
FILIBUSTERISMO NA MAYROONG SAPAT NA INIT UPANG MAGPALIYAB NG HIMAGSIKAN.


  $ c $#c    % &c  # c 


 

Orasyon. Pahangos na patungo ang kura sa bahay ng alperes. Ang mga taong gustong humalik
sa kanyang kamay ay hindi niya pinapansin. Tuloy-tuloy na pumanhik ito ng bahay at malakas na
tinwag ang alperes. Lumabas agad ang alperes kasunod ang asawang si Donya Consolacion.
Bago makapag salita ang kura, inireklamo agad ng alperes ang mga kambing ng kura na naninira
sa kanyang bakod. Sinabi naman ng pari na nanganganib ang buhay ng lahat. Katunayan, anya
ay mayroong napipintong pag-aalsa na gagawin nang gabing iyon. Nalaman ito ng pari, anya sa
pamamagitan ng isang babae na nangumpisal sa kanya na nagsabi sa kanya na sasalakayin ang
kuwartel at kumbento. Dahil dito nagkasundo ang kura at alperes na paghandaan nila ang
gagawing paglusob ng mga insurektos. Humingi ang kura ng apat na sibil na nakapaisana ang
itatalaga sa kumbento. Sa kuwartel naman ay palihim ang pagkilos ng mga kawal upang mahuli
nang mga buhay ang mga lulusob. Layunin nito na kanilang mapakanta ang sinumang
mahuhuling buhay. Ika-walo ng gabi ang nakatakdang paglusob, kuna kaya nakini-kinita ng
alperes at kura ang pag-ulan ng kurus at bituin sapagkat ganap silang nakahanda.

Sa kabilang dako, isa naman lalaki ang mabilis na tumatakbo sa daan patungo sa tirahan ni
Ibarra. Mabilis na umakyat ng bahay at hinanap sa nakitang utusan ang amo nito na kaagad
naman itinuro na ito ay nasa laboratoryo. Pagkakita ni Elias kay Ibarra ipinagtapat niya kaagad
ang nakatakdang paglusob at batay sa kanyang natuklasan. Si Ibarra ang kapural at nagbayad
samga kalahok sa paglusob. Ipinasunog ni Elias kay Ibarra ang lahat ng mga aklat at kasulatan
nito sapagkat di na maiiwasan na siya ay mapasangkot at tiyak na siya ang isisigaw ng sinumang
mahuhuli ng mga sibil.

Tinulungan ni Elias si Ibarra sa pagpili ng mga kasulatan. Sa mga kasulatan, nabasa niya ang
tungkol kay Don Pedro Eibarramendia at tinanong niya kay Ibarra kung ano ang relasyon nito sa
kanya. Halos nayanig ang buong pagkatao ni Elias nang sabihin ni Ibarra na iyon ang kanyang
nuno na ipinaikli lamang ang apilyido. Isa pa, ito ay isang Baskongado. Natagpuan na ng piloto
ang lahing lumikha ng matinding kasawian sa kanilang buhay. Biglang bumunot ng balaraw si
Elias at naisip niyang gamitin iyon kay Ibarra. Ngunit, saglit lang ang pagkadimlan ng kaisipan ng
biglang siyang matauhan. Binitiwan niya ang hawak na balaraw at tulirong tumingin ng tuwid
kay Ibarra at saka mabilis na pumanaog ng bahay. Nagtaka si Ibarra. Itinuloy ang pagsunog sa
mga mahahaagang papeles at dokumento.

 


Sa pamamagitan ng isang babae na nangumpisal sa isang pari, nalaman ng kura na


sasalakayin ang kuwartel at kumbento ng mga Pilipino. Pahangosnagtungo ang kura sa bahay ng
alperes at sinabing nanganganib ang buhay ng lahat. Dahil dito nagkasundo ang kura at alperes
na paghandaan nila ang gagawing paglusob ng mga insurektos.

Isa sa mga dahilan kung bakit hindi nagiging matagumpay ang isang plano ay dahil na
rin sa mga kasapi na hindi tapat . Ang katipunan ay binuo sa pagtutulungan ng mga dukha at ng
mga edukado. Binalangkas ito sa kapatiran ng masoneriya at pag-aanyaya ng mga kasapi ay
patago at sa pamamaraang inisasyon. Layunin ng Katipunan na bawiin ang kalayaan ng Pilipinas
sa pamamagitan ng pagpapatalsik sa mga prayle at ahente ng pamahalaan. Subalit nagkakaroon
din ng panloob na suliranin ang Katipunan. Nagkakaroon ng matinding alitan sa kanila dulot na
rin ng relihiyon. Masamang gamitin ang dahas para makamit ang kalayaan, ayon na rink ay
Rizal. Base sa Kabanata 54 ng Noli Me Tangere, ͞Lahat Ng Lihim Ay Nabubunyag At Walang Di
Nagkakamit Ng Parusa͟.
Sa kabilang dako, si Elias namanay mabilis na tumatakbo sa daan patungo sa tirahan ni
Ibarra. Agad nitong binalaan si Ibarra tungkol sa planong paglusob na nalaman na ng simbahan
at gobyerno. Kinolekta agad nila ang mga kasulatan na maaaring maging ebidensya laban kay
Ibarra, at kaagad nila itong sinunog. Sa paghahalungkat nila ay di sinasadyang Makita ni Elias
ang panagalan ni Don Pedro Eibarramendia at tinanong niya kay Ibarra kung ano ang relasyon
nito sa kanya. Halos nayanig ang buong pagkatao ni Elias nang sabihin ni Ibarra na iyon ang
kanyang nuno na ipinaikli lamang ang apilyido. Binalak nyang patayin si Elias ngunit natauhan
sya at umalis na lamang.

Ang pagsasamahan ng dalawang tao ay maaring masira dulot na rin ng mga pangyayari
sa nakaraan. Isa sa mga hindi magandang ugali ng mga Pilipino ang nabubuhay sa alaala ng
nakaraan. Maraming Pilipino ang nagalit at nagplano ng himagsikan noong napatay si Rizal.
Naghihiganti sila sa pamamagitan ng dahas. Sa kwentong ito ni Ibarra at Elias, inilalarawan
lamang na hindi tama na agad magpadala sa galit ng damdamin. Napigigilan ni Elias ang sarili na
patayin si Ibarra, bagkus umalis at nag-isip kung tama ba ang kanyang gagawin.


       

 

Oras ng hapunan pero nagdahilan si Maria na wala siyang ganang kumain. Kaya niyaya niya ang
kaibigan ni Sinangsa piyano. Nagbulungan silang dalawa habang palakad lakad si Pari Salvi sa
loob ng bulwagan. Hindi mapakali si si Maria sa paghihintay nilang magkaibigan ang pagdating
ni Ibarra. Kasalukuyan kumakain noon ang argos na si :Linares at isinadasal nilang umalais na
ang ͞multong͟ si Pari Salvi. Nakatakdang dumating sa ikawalo ng gabi si Ibarra. Ika-walo rin ng
gabi ang nakatakdang paglusob sa kumbento at sa kwartel. Nang sumapit ang ikawalo, napaupo
sa isang sulok ang pari samantalang ang magkaibigan ay hindi malaman ang gagawin. Nang
tumugtog ang kampana, silang lahat ay tumindig upang magdasal. Sya namang pagpasok ni
Ibarra na luksang luksa ang suot. Tinangkang lapitan ni Maria ang kasintahan ngunit biglang
umalingawngaw na lamang ang sunod sunod na putok. Napapatda si Ibara, hindi makapagsalita.
Ang Kura naman ay nagtago sa likod ng haligi. Ang mga tao sa bahay ni Kapitan Tiyago ay
nakakarinig ng puro putokan, sigawan at pinagbuhan sa may kumbento. At mga nagsisikain na
kumedor ay biglang pumasok at panay na ͚tulisan͙tulisan͙Si Tiya Isabal ay panay ang dasal
samantalang ang magkaibigan ang nagyakapan. Si Ibarra ay walang tinag sa kinatatayuan.
Nagpatuloy ang putukan atsilbatuhan kasabay ng pagsasara ng mga pintuan at bintana ng
biglaan.

Nang mawala ang putukan, pinapanaog ng alperes ang kura. Inakala ng mga nasa bahay na
nasugatan ng malubha sa pari Salvi. Tiniyak ng alperes na wala ng panganib kaya lumabas na sa
pinagtataguan ang kura, nanaog ito. Si Ibara ay nanaog din. Pinasok naman ni Tiya Isabel ang
magkaibigan sa silid. Hindi nagkausap si Ibarra at Maria, basta nagpatuloy nalamang sa
paglakad ng binata, mabilis. Napadaan siya sa hanay ng mga sibil na naka bayoneta pa. Sa may
bandang tribunal, nangingibabaw ang tinig ng alperes sa pagtatagubilin sa kapitan na wag
niyang pabayaan makatakas ang mga nahuling lumusob.

Pagdating ni Ibarra sa bahay, kaagad na inutusan ni Ibarra ang kanyang katulong na ihanda ang
kanyang kabayo. Tumuloy siya sa gabinete at isinilid nya ang kanyang maleta ang mga hiyas,
salapi, ilang mga kasukatan at larawan ni Maria. Nagsukbit siya ng isang balaraw at dalawang
rebolber. Ngunit aalis na lamang siya nakarinig sya ng malaks na pagputok sa pintuan. Tinig ng
isang kawal na kastila. Lalaban sana siya ngunit nagbago ang kanyang isip. Binitawan niya ang
kanyang baril at binuksan ang pinto. Dinakit siya ng Sarhento ng mga dumating na kawal.
Isinama.

Sa kabilang dako, gulong gulo ang isip ni Elias ng pumasok siya sa bahay ni Ibarra. Para siyang
sinusurot sa sariling budhi. Naalalala niya ang sinapit ng kanyang angkan, ang kanyang nuno, si
Balat, kapatid na babae at ang kanyang ama. Waring ang lahat ay tinatawag siyang duwag͙
isang duwag. Labis na pangingipospos ang kanyang damdmin. Hanggang sa maisip niyang
balikan ang bahay ni Ibarra. Dinatnan niya ang mga katulong ni Ibarra na hilong naghihintay sa
kanilang amo. Nang malaman niya ang nangyari kay Ibarra, nagkunwari itong umalis. Pero
lumigid lamang saka umakyat sa bintana na patungo sa gabinete. Nakita niya ang mga
kasulatan, mga aklat, alahas at baril. Dinampot niya ang baril at ang iba naman ay isinilid niya sa
sako at inihulog sa bintana. Nakita niyang dumating ang mga sibil. Kinuha ni Elias ang larawan ni
Maria at isinilid ito sa isang supot. Nagipon siya ng mga damit at papel, Binuhusan niya ito nga
mga gas at saka sinilaban.

Ang mga kawal ay nagpupumilit namang pumasok. Sinabihan sila ng matandang katulong ng
walang pahintolot sa may-ari, kaya hindi maa-ari silang pumasok. Naalaska ng husto ang
directocillo, sa isang hudyat niya tinabig ng kawal ang matanda at mabilis silang pumanik. Pero
sinalubong sila ng makapal na usok at ang apoy na nakarating na sa gabinete. Biglang
nagkaroon ng bmalalakas na pagsabog. Mabilis pa sa lintik na umatras at nanaog ng bahay ang
mga kawal kasama ang mga katulong ni Ibarra.

 


Nakatakdang dumating sa ikawalo ng gabi si Ibarra sa bahay nila Maria. Ika-walo rin ng
gabi ang nakatakdang paglusob sa kumbento at sa kwartel. Nang tumugtog ang kampana, silang
lahat ay tumindig upang magdasal. Sya namang pagpasok ni Ibarra na luksang luksa ang suot.
Tinangkang lapitan ni Maria ang kasintahan ngunit biglang umalingawngaw na lamang ang
sunod sunod na putok. Si Ibarra ay walang tinag sa kinatatayuan, nang mawala ang putukan ay
umalis na sya. Pagdating ni Ibarra sa bahay, kaagad na inutusan ni Ibarra ang kanyang katulong
na ihanda ang kanyang kabayo. Tumuloy siya sa gabinete at isinilid nya ang kanyang maleta ang
mga hiyas, salapi, ilang mga kasukatan at larawan ni Maria. Nagsukbit siya ng isang balaraw at
dalawang rebolber. Ngunit aalis na lamang siya nakarinig sya ng malaks na pagputok sa pintuan.
Hinuli sya ng mga kawal. Pagdating ni Elias sa bahay ay wala na si Ibarra, kinolekta nya ang
mahahalagang gamit at sinunog ang mga papeles at kaagad tumakas.

Sa tagpong ito, si Ibarra ay nagpakita sa bahay ni Maria Clara sa oras ng paglusob,


kaagad naman siyang tumakas ng hindi sila nakakapag-usap. Ngunit nadakip pa rin ng mga
kawal. Binalikan ni Elias si Ibarra, hindi upang maghiganti bagkus ay tulungan ang kaibigan. Sa
pangyayaring ito inilalarawan ang pagiging tapat ng Pilipino sa kanyang mga kasama sa kabila
ng masamang nakaraan. Nais ipahayag dito ni Rizal, na sa kahit anong paraan dapat tulungan ng
Pilipino ang kapwa Pilipino upang makamit ang kalayaan

  ' !    

 

Ang Diyos, sa wakas ay pinasikat din ang ang umaga sa natatakot na bayan. Ang daang
kinalalagyan ng kuwartel at ng tribunal ay tahimik pa at wala isa mang tao; sa mga bahay ay
parang walang palatandaan ng buhay. Gayunman, ang kahoy na dahon ng isang bintana ay
bumukas at dumungaw ang ulo ng isang bata, na tumingin-tingin, inihaba ang leeg at tumanaw
sa lahat ng dako͙ plas! ang lagapak ay nagpakilala ng pagtama ng isang katad sa isang katawan
ng tao; ang bibig ng bata͛y napangiwi, napapikit ang mga mata, nawala, at muling nasara ang
bintana.

Naibigay na ang halimbawa; ang pagbubukas at pagsasarang iyon ay parang nadinig nang iba,
sapagkat marahang nagbukas ang isa pang bintana at maingat na lumitaw ang ulo ng isang
matandang babae, na kulubot ang mukha at walang ngipin: siya si Manang Pute na
nambulahaw nang katakut-takot noong nagsesermon si Padre Damaso. Ang mga bata at
matatanda ang kinatawan ng mga usisero dito sa mundo; ang mga una ay dahil sa pagnanais na
mabatid ang lahat ng bagay, at ang mga huli ay upang maalaala ang kaganapan.


 



Ipinakita sa kabanatang ito ang ugali ng mga Pilipino na kapag nagkaroon ng gulo sa
kanilang lugar ay nagsasara ng bintana ang mga tao ang sinumang mangahas na magbubukas ay
mapapagalitan o masasaktan ng mga nakakatanda.Sa layer na ito ay mararamdaman din ang
parusa na ibinibigay sa isang indibidwal na pangahas na magbubukas ng bintana sa isang bayan
na napaghaharian ng takot.Papansinin ang bigat ng parusa sa pamamagitan ng pagpalo ng
katad/leather.
͞Minsan- minsang humihinto, at sa gayong paraan ay nakarating sa tapat ng tribunal.͟
Talagang ang mga Pilipino sa paglalarawan na ito ni Rizal ay katutubong usisero.
Mapapansin din na sa panahon ni Rizal ay mayroon ng kaalaman ang mga Pilipino sa
sistema ng imbestigasyon ito ay makikita sa hindi paggalaw ng bangkay hanggang hindi ito
nakikita ng mga maykapangyarihan.

Noon pa man ay palaging huling dumating ang mga alagad ngbatas sa pinangyarihan ng
krimen. Maging sa paraan ng inbestigasyon ay wala pa ring nagbago mga tanong na nakakalito
at may halong pananakot. Mapapansin na lumabas sa inbestigasyon na ang alilang babae ay
hindi pala nanghihingi ng gulay sa kabilang bakuran at kaya siya naroroon ay dahil mayroong
kinakatagpo. Ang lumitaw tuloy sa inbestigasyon ay hindi ukol sa krimen, kundi ang relasyon ng
alila sa kapwa alilang si Teo. Ito kaya ang dahilan upang mapagkamalan ng katulong na babae na
si Teo ang katawan na uugoy-ugoy sa halamanan.

Nilagyan ni Rizal ng elemento ng pagbabalatkayo ang isa sa kaniyang pinakamahalagang


tauhan sa nobela hindi kaya ang kakayahan na iyon ng tauhan ay salamin ng pagkatao ng
nobelista. Maunawaan sana na ang sa pangalang Elias ay halos maisusulat ang salitang ISAL
wala lamang letrang R.
  (() *!  # c *


 # 
     #    & +

Ang kabanatang ito ay sumasalamin sa labis na pagpapahirap ng mga Kastila sa mga Pilipino ng

mga panahong iyon. Ang alperes ang siyang nagpahirap sa tauhan na si Tarsilo Alasigan. Sinabi

ng alperes sa kura na ito ang nagpatakas sa kanyang mga kasamahan sa bilangguan. Pinaaamin

din niya ang binata na si Ibarra ay kaalam sa nangyaring paglusob sa kumbento. Liban kay

Tarsilo isa pang bihag ang iniharap ng alperes sa kura. Ang dalawang ito na lamang ang

natitirang buhay sa mga nabihag.

Bago pahirapan at paaminin si Tarsilo dinala siya ng alperes sa lugar ng mga bangkay. Tinanong

siya ng alperes kung kilala ang mga limang bangkay na naroon. Mga bangkay na nasa isang

lumang kariton at natatakpang bahagya ng isang banig na putol at sira-sira. Gayunpaman, kahit

kilala ng binata ang mga naroon nagsawalang kibo na lamang ito.

Bilang higit na maisalarawan ang walang puso at labis na pang-aalipusta ng mga dayuhan

marapat lamang isalarawan ang anyo ng mga bangkay na naroon. Ang bangkay ni Bruno,

kapatid ni Tarsilo- tadtad ito ng saksak ng bayoneta sa buong katawan, ang asawa ng baliw ay

naroon at maging ang bangkay ni Lucas na may tali pang suga sa leeg. Ito ang kaanyuan ng

pagpatay sa mga Pilipino ng mga panahong iyon.

Maging si Tarsilo ay hindi nakaligtas sa pagpapahirap ng mga Kastila. Lumakad din siya sa landas

ng unti-unting kamatayan katulad ng mga nabanggit na bangkay. Yantok na bumabalatay


hanggat hindi nagsasalita- ito ang iniutos ng alperes. Labis na pagpalo ng isang sibil na hindi

alintana ang paliligo sa sariling dugo ng nakagapos na si Tarsilo. Maging ang asawa ng alperes ay

nagpataw din ng kanyang sariling panghuhusga. Ibinulong nito sa alperes na dalhin si Tarsilo sa

balong tapunan ng mga basura. Nakasusulasok ng sikmura ang amoy at doon paulit-ulit na

inilublob ang binata. At sa minsang pag-ahon nito ay wala na itong buhay. Nagawa pa ni Donya

Consolacion na daitan ng may sinding sigarilyo ang katawan ni Tarsilo upang matiyak na ito ay

patay na.

Ang isa pang natirang bilanggo ay nagpakilalang si Andong. Sinabing nagpunta lamang sa patyo

upang magbawas. At dahil sa kakatwang naging sagot ng bihag. Walang nagawa ang alperes

kundi yantukin ito at ibalik sa bilangguan.

Sa mga naunang pahayag at sa namamayaning kaisipan sa kabanatang ito. Mapapansin na

walang matibay na dahilan upang ikulong ang mga binihag ng mga Kastila. Gayunpaman, dahil

sila ang namamayani ng mga panahong iyon sila ay may kakayahan na gawin ang mga

kalapastanganan. Sila ang wala sa katarungan. Walang ebidensiya. Pulos pagpapa amin sa

mga taong walang kasalanan. Walang paglilitis.Walang karapatan ipagtanggol ang sarili.

Walang habas na pagpatay sa mga Pilipino. Sila na mga Kastila na nagpakilala ng

Kristiyanismo. Sila na nagsabing ang pagpatay ay kasalanan sa Diyos. Na ang pananakit sa

kapwa ay pagbabayaran sa itaas. Mga turo na nagbulag sa mga Pilipino. Mga katuruan na

mismong sila na mga Kastila ay hindi sinusunod. Hindi sila makatao. Tila hayop kung ituring ang

mga bilanggo ng mga panahong iyon. Ito ay ilan lamang sa nangibabaw na realidad ng mga
panahong iyon. Ang paglalarawan sa pagpapahirap sa mga bilanggo sa kabanatang ito ng Noli

ay marahil sinadya ni Rizal upang imulat ang mga Pilipino sa kaitiman na nagkukubli sa mga

puting damit ng mga taong simbahan at mga Kastila.

Sa pagkamatay ng mga bilanggong walang kasalanan, at marahil hindi na makakamit ang

katarungan sa kanilang kamatayan, ngunit may isang Diyos na tunay na hahatol sa lahat ng

nagkakasala.

  ,  

 

Madaliang kumalat sa bayan ang balitang ang mga bilanggo ay iaalis na; sa unang pagkabatid
nang balita ay nasindak ang lahat, at pagkatapos ay sinundan ng iyakan at panaghoy. Ang mga
kamag-anak ng mga bilanggo ay parang mga baliw na nagtakbuhan: lakad pabalik-balik sa
kumbento at kuwartel, sa kuwartel at sa tribunal, at dahil wala silang makitang anumang lunas
ay napuno ang paligid ng sigawan at iyakan. Ang kura ay nagkulong sa kanyang silid dahil may
sakit; nagpagdagdagdag ng bantay ang alperes na sumasalubong sa pamamagitan ng kulata ng
baril, ang mga babaeng nagma-makaawa; ang inutil na kapitan sa bayan ay para higit pang
naging walang kabuluhan kaysa dati. Sa harap ng bilangguan ay tumatakbong paikot-ikot ang
mga may lakas pa; ang mga pagod na ay nag-upuan sa lupa at tinatawag na lamang ang
pangalan ng kanilang mga minamahal.

 


Sa kabanata 1 ay binanggit ng nagsasaliksik na ang pagdating ni Ibarra ay itinaon ni Rizal


sa pag-uwi ni Gregorio Sancianco noong Oktubre 1882. Si Sancianco ay isa sa mga inaresto
dahilan sa naganap na ´rebelyonµ sa Santa Maria de Tayug, Pangasinan noong Mayo 1884. Sa
mga nasabing panahon ay halos pinasimulan pa lamang ni Rizal ang Noli.
Ilan sa mga naaresto na kasama ni Sancianco ay sina Felipe Buencamino,, Antonio
Crisostomo at ang tatlo ay nakagapos na dinala sa kapitolyo ng Pangasinan. Ilan pa sa mga
nakasama rito ay si Juaquin Luna de San Pedro (ama ng magkapatid na Juan at Antonio) ,
Bartolome Espiritu at Juaquin Sebastian. Ang dalawa ay ibinitin at hinagupit upang makakuha
ang mga maykapangyarihan ng konpesyon. Si Sebastian ay ay tumanggap ng pagkakasala sa
bintang sa pamamagitan ng pagpaparusa, ngunit ang kaniyang pag-amin ay hinaluan nito ng
pagpapatawa sa pamamagitan ng pagsasabit sa mga Espanyol, kabilang na ang arsobispo.
Sa pamamagitan ng pananalita ni Doray ay ipinakikita ni Rizal angkahalagahan ng isang
matalino at mayroong prinsipyong ama bilangtagapagturo ng anak na may kabuluhan ang
buhay para sa lipunan.
Tatlong binatang walang imik pero ang ini-una ni Rizal ay si Albino na semenarista. Sana
ay natatandaan pa ninyo ang tatlong bilanggo sa Kabanata 8 - na ang isa ay patay na at ang
dalawa naman ay nasa tabi.
Ipinapapansin sa ilang tagpo dito ni Rizal na maraming mga Pilipino ay handang
magbunton ng paninisi sa iba ng walang anumang malalim na pagsusuri. Ito ang kahinaan ng
kolonyal na hukbo - Kung kelan natapos na ang labanan, saka pa nag-armas ng todo-todo.
Dito rin ay mapapansin ang dalawang pananaw ang pinakamamangmang ang unang
higit na sumisisi kay Ibarra. Subalit sa kabilang dako ay ginagamit ni Rizal ang bahaging ito hindi
kay Ibarra, kundi sa prayle na nasa likod ng pakunwaring pag-aalsa sa bayan ng San Diego.
Napakagaling talaga ni Rizal na magtago ng pag-aalimura sa mga prayle na kaniyang
kinaiinisan. ͟Sumpain ka nawa!ang sabi ng isang matandang lalakeng sumunod sa kanya,
´sumpain nawa ang ginto na inipon ng iyong mga kaanak upang gambalain ang aming
katahimikan!µ Taksil! Taksil!͟

Inilarawan din ni Rizal ang mga taong nagtataglay ng malayang kaisipan na palaging
biktima ng mga panatiko binabato ng paninira, subalit sinasarili lamang ang sama ng loob.
Maaring si Sisa ang pinakapopular na ina sa kaisipang Pilipino, ngunit ipinakita ni Rizal sa
pamamagitan ni Sisa ang trahedya na inihahatid sa mga anak ng isang inang mahina at walang
sapat na kaalaman. Si Kapitana Maria ang nais ni Rizal na maging kaugalian ng mga ina ng
Pilipinas na matutunghayan sa kaniyang sulat sa mga kadalagahan ng Malolos, ngunit isang
kamalasan para kay Rizal na kakaunti lamang ang nakakabatid nito.
Ipinapakita ni Rizal na partisipasyon ng mga Pilipino ay pag-uusisa lamang at walang
panghihimasok. Ito ang trahedya ng ating pagiging bansa ang kawalan ng matalino at aktibong
pakikisangkot ng mga Pilipino sa mga usaping bayan ang dahilan kung bakit tayo
napagsasamantalahan ng mga mandarayang pulitiko, negosyante at maging ng mga dayuhang
mamumuhunan.
  -       
+

#        


   #   +

Pag-ibig sa Bayan o Kapakanang Pansarili. Ito ay mga opsiyon na marapat sagutin ng mga

tauhan sa panahong iyon. Si Kapitan Tinong na malabis na nag-aalala dahil baka siya ang

pagbalingan at usisain ng mga Kastila dahil sa kanyang kaugnayan sa nadakip na si Ibarra. Ang

mga banal daw ay siyang naparurusahan dahil sa mga makasalanan. Kayat minarapat ng

Kapitan na regaluhan ng singsing ang Heneral. Subalit, sa kabila nito ilang mag-anak ang

tumanggap ng paanyaya dala ng mga kawal. Ilang maginoong tanyag at mayayaman ang

magpaparaos ng ilang panahon sa Fuerza de Santiago na may bantay at makasasagap pa sila ng

malayang hangin. Isa sa mga ito si Kapitan Tinong.

Sa mga krimen laban sa pamahalaan, madalas na masangkot ang mga kaibigan at mga kamag-

anak ng kriminal- ito ang naging dahilan ng kabalisaan ni Kapitan Tinong at kanyang asawa. Ang

pagkakaroon nila ng ugnayan o pakikipagkaibigan nila kay Ibarra na pinaparatangan na

nagpatayo ng paaralan para sa mga Indiyo upang maging kuta na gagamitin sa paglaban sa mga

Kastila. Ang pagbibigay ng singsing sa heneral ni Kapitan Tinong ay sumasalamin sa katotohanan

na maging noong araw ang pagsuhol o pagreregalo upang maligtas sa kapahamakan ay parte na

ng sirkulasyon. Ang pagsuhol ay nagbibigay katotohanan sa pagmamahal ni Kapitan Tinong sa

sarili higit sa kanyang bayan. Ito ay upang mapawalan siya ng sala ngunit sa kabila ng pagsuhol

ay inanyayahan pa rin siya sa Fuerza de Santiago.


  './  
0


 

Dumating sa bahay ni Tiyago si Linares at ang mag-asawang de Espadaña na kapwa


itinuring na pangkat ng makapamahalaan. Sinarili ni Donya Virtorina ang usapan. Sinabi na kung
babarilin si Ibarra, iyon ang nararapat sapagkat siya ay isang pilibustero. Bagama͛t namumutla
at mahina si Maria, kanyang hinarap ang mga bisita. Humantong ang usapan tungkol sa
pagpapakasal nina Maria at Linares. Nagkayarian din na magpapapista si Tiyago. Sinabihan niya
si Tiya Isabel na kung ano ang nasa loob ni Maria tungkol sa napipinto nitong pakikipag-isang
dibdib. Sa wari, desidido na si Tiyago na ipakasal si Maria sapagkat nakini-kinita niyang siya͛y
maglalabas-masok sa palasyo sa sandaling maging manugang niya si Linares. Si Linares ang
tagapayo ng Kapitan Heneral, kaya͛t inaakala ni Tiyago na siya ay kaiinggitan ng mga tao.

 


Hanggang sa panahong ito hindi pa rin nawawala ang mga ͞arranged wedding͟ o yung
mga kasalang ipinagkasundo lamang. Kalimitan ay namamagitan ang kasunduan sa pagitan ng
magulang sa magulang. Nangyayari ang mga ito sa dahil halimbawa ang isang partido ay hindi
na maganda ang kalagayang pinansyal at nangangailangan ng ipakasal ang isa sa mga anak sa
isang anak ng mas may kayang pamilya upang maisalba ang kalagayan ng kanilang pamilya.
Hindi patas ito para sa mga taong nag ʹ iibigan at ang kanilang minamahal ay ipinagkasundo sa
iba.

  '1 


$

Habang mabilis na sumasagwan si Elias, sinabi niya kay Ibarra na itatago siya sa bahay ng
isang kaibigan sa Mandaluyong. Ang salapi ni Ibarra na itinago niya sa may puno ng balite sa
libingan ng ninuno nito ay kanyang ibabalik upang may magamit si Ibarra sa pagpunta nito sa
ibang bansa. Nasa ibang lupain daw ang katiwasayan ni Ibarra at hindi nababagay na manirahan
sa Pilipinas, dahil ang buhay niya ay hindi inilaan sa kahirapan. Inalok ni Ibarra na magsama na
lang sila ni Elias, tutal pareho na sila ng kapalaran at magturingan na parang magkapatid. Pero,
tumanggi si Elias.
  'c  
&# 


 

Umaga, hindi pansin ni Maria ang maraming regalo na nakabunton sa itaas ng hapag. Ang mga
mata niya ay nakapako sa diyaryong nagbabalita tungkol sa pagkamatay o pagkalunod ni Ibarra.
Pero, hindi naman binabasa ni Maria ang Diyaryo. Pamaya-maya dumating si Pari Damaso na
hinilingan kaagad ni Maria na sirain ang kasunduan ng kanyang kasal kay Linares at pangalagaan
ang kapakanan ng ama. Sinabi ni Maria na ngayong patay na si Ibarra walang sinumang lalaking
kanyang pakakasalan. Dalawang bagay na lamang ang mahalaga sa kanya, ang kamatayan o ang
kumbento.

Napagmuni ni Pari Damaso na pinaninindigan ni Maria ang kanyang sinabi, kaya humingi ito ng
tawad sa kanya. Napahagulgol pa ito ng malakas habang binibigyan diin niya ang walang
kapantay na pagtingin kay Maria. Wala siyang nagawa kundi pahintulutan na pumasok sa
kumbento si Maria kaysa piliin nito ang kamatayan. Umalis si Pari Damaso na sakbibi ng lumbay.
Tumingala ito sa lagit at pabulong na sinabing totoo ngang may Diyos na nagpaparusa. Hiniling
niya sa Diyos na siya ang parusahan at huwag ang walang malay niyang anak na
nangangailangan ng kanyang pagkalinga. Damdam na damdam ng pari ang kasiphayuang
dinaranas ni Maria.


 



Ang maling pagmamahal ay nagdudulot nang di mabuti. Sa pagdating ni Pari Damaso(ama
amahan ni Maria Clara) sa kanilang tahanan hiniling ng dalaga na sirain nito ang kasunduan ng
kanyang kasal kay Linares. Ngunit sa kadahilanan na walang magagawa ang pari, dalawa na
lamang ang nalalabi sa kanya... kamatayan o kumbento. Ang pagtutol ni Pari Damaso sa
kasintahang si Ibarra ay dahil sa pagkapoot niya sa mga magulang nito at inisip niyang maging
dahilan ng pagtangis ng dalaga sa hinaharap. Ang labis na pagmamahal ng pari kay Maria Clara
ay dahil sa nagkukubling katotohanan sa kanyang pagkatao. Na siya ay anak ni Dona Pia at Pari
Damaso.

Dahil sa pagkamatay ni Ibarra naging matigas si Maria Clara sa kanyang desisyon na pumasok sa
kumbento. Batid ng pari ang milagrong nagaganap roon at sa kabila ng pagpapaliwanag niya ay
nagdesisyon pa rin ang dalaga na pumasok sa kumbento. Tumangis ang pari na tila panaghoy,
wala itong nagawa upang iligtas ang anak sa kasawian. Hindi niya sinasadyang nahila ito sa
kapahamakan.

Ang pagtangis ni Pari Damaso ay sumasalamin sa kaganapan sa loob ng kumbento. Sinasabing


ilan lamang sa kababalaghang nagaganap roon ay ang paglapastangan sa puri ng kababaihan.
Ang katotohanang ito ay inihayag din ni Rizal sa El Filibusterismo kung saan ang tauhan na si Juli
ay nabaliw pagkaraan ng pagpasok nito sa kumbento.

  ' c )

 

Sa mataas na bahagi ng dalisdis ng isang bundok, sa tabi ng isang batis na inaagusan ng malakas
na tubig, ay nakatago sa mga punung-kahoy ang isang kubo, na balu-baluktot na sanga ang
gamit na kahoy. Sa ibabaw ng bubungang kugon ay malagong gumagapang ang kalabasa, na
maraming bunga at bulaklak; ang palamuti nito ay mga sungay ng usa, mga bungo ng baboy-
damo na ang ilan ay may mahahabang pangil. Doon nakatira ang isang mag-anak na Tagalog na
ang ikinabubuhay ay ang pangangaso at pangangahoy.Sa lilim ng isang puno ay ang lolo ay
gumagawa ng walis mula mga gulugod ng dahon ng niyog, habang ang isang dalaga ay
naglalagay sa isang buslo ng mga itlog, dayap at gulay. Dalawang bata, ang isa ay babae at ang
isa naman ay lalake ang naglalaro sa tabi ng isa pang batang lalake na maputla, malungkot,
malalaki ang mga mata at malalim kung tumitig, na nakaupo sa isang nakabuwal na puno. Sa
kanyang kaanyuang payat ay makikilala natin ang anak ni Sisa, si Basilio, na kapatid ni Crispin.
͞Kapag gumaling na ang paa mo,͟ ang sabi sa kanya ng batang babae, ͞ay maglaro tayo ng piku-
piko, taguan, ako ang taya.͟

͞Papanhik kang kasama namin sa itaas ng bundok,͟ ang dugtong ng batang lalake, ͞iinom ka ng
dugo ng usa na pinigaan ng katas ng dayap at tataba ka, at kung magaling ka na ay tuturuan kita
ng pagtalon sa mga bato sa batisan.͟

Malungkot na napangiti si Basilio, pinagmasdan ang sugat sa kanyang paa, at pagkatapos ay


itinataas ang mata sa araw na kumikinang nang buong ningning.

 


Nasa isang panig ng rehas na bakal na sina Don Filipo na liberal at Kapitan Basilio na
makaluma napakasimbolikal talagani Rizal dahilan sa ipinahihiwatig nito na magkakampi na sila
ng paniniwala ng makalumang si Don Basilio.

Makikita ang ingat ni Padre Salvi dahilan sa agad nitong sinamsamnito ang mga
kasulatan sa pagkatapos na matagpuang patay sacristan mayor.Maunawaan sana ng mga
mambabasa na mahilig sa pagsasaliksiksa kasaysayan, na mismong si Rizal sa kaniyang sulat kay
Mariano Ponce ay sinabing basahin ninyo ang mga isinulat ni Burgos, may mabibili kayo sa isang
aklatan sa Espanya, kung wala kayo ay mayroon ako, maraming marami.

Sa kasalukuyan ay wala ng anumang halos makikitang isinulat si Burgos at sa ilang pag-


aaral ay lumitaw na maraming mga naisulat na sinasabing kay Padre Burgos ay pinatutunayang
mga huwad lamang. Nagkaroon kaya ng sistematikong pagliligpit ng mga sinulat ni Burgos?
Maging ang mga arkibo ng mga matatandang institusyon sa Pilipinas, na minsang ang mga
alagad ay nakibahagi sa pagsasamantala sa bayan, maasahan kaya sila na maglalabas ng mga
matatandang dokumento na hindi papabor o mag-pipinta ng masama sa kanilang katayuan
bilang mga iginagalang na institusyon sa kasalukuyang panahon. Tandaan na alam ng mga
nangangasiwa ng mgaarkibo, ang kahalagahan ng pagkontrol ng kasaysayan, ang susi upang
manipulahin ang kasalukuyan at maging ang haharaping panahon.

Napakahalaga ng aklat sa pagsisinop at pagpapa-alam ng mga sistematikong kaalaman


ng mga pantas ang pagsunog ng mga aklat ni Pilosopo Tasyo ay nagpapakita ng pamamayani sa
mga tao ng pagkatakot at paghihinala sa mga bagong kaalaman ² kaisipan na ikinintal ng
simbahan sa panahong medyebal at nanatiling ipinapairal sa kapanahunan ni Rizal.

Sa kabila ng pagiging makaluma ni Kapitan Basilio ay mayroon siyang pagpapahalaga sa


mga aklat ng matandang kaalaman sa paglalarawan ito ng pagsunog ng mga aklat ni Pilosopo
Tasyo ay ipinakita ni Rizal ang kamangmangan ng mga Pilipino sa pagpapahalaga at pagsisinop
sa matandang kaalaman ng bayan ito ay repleksiyon nang sinasabing pagsunog ng mga
sinaunang prayle sa mga matatandang kasulatan ng mga Pilipino dahilan sa paniniwala nila na
ang mga ito ay gawa ng demonyo.

Ang bansang Pilipinas ay nagkaroon din ng trahedya katulad sa kabanatang ito, ngunit
hindi naman sinasadya ito ay naganap noong ´liberasyonµ ng Maynila, na maraming mga gusali
ang walang pakundangang winasak ng mga Amerikano para mapaalis ang mga nagtatagong
sundalong Hapones. Isa sa mga nawasak at nasunog ay ang matandang Aklatang Pambansa at
maging aklatan ng Unibersidad ng Pilipinas sa Maynila. Kung hindi sana nawasak at nasunog ang
nasabing gusali, sana ay mayroon tayong higit na malawak na pananaw sa kasaysayan ng ating
bansa. Ipinararamdam ni Rizal ang kahabag-habag na buhay ng mga mahihirap na inaapi ng
lipunan. Ito rin marahil ang nararamdaman ng mga taong naging biktima ng demolisyon.


  '  

Marami pa ang nabubuhay sa mga tao ng salaysay na ito, at dahil sa nawala sa aming paningin
ang iba, ay imposible na makagawa ng isang tunay na katapusan. Sa kagalingan ng mga taong-
bayan ay malugod naming pagpapapatayin ang lahat ng taong nabanggit dito; sisimulan kay
Padre Salvi at tatapusin kay Donya Victorina, ngunit imposibleng mangyayari ang gayon͙
mabuhay sila! Dahil kami rin naman, at ang bayan ang siyang magpapakain sa kanila͙


 


Sa kagalingan ng mga taong-bayan ay malugod naming pagpapapatayin ang lahat ng


taong nabanggit dito; sisimulan kay Padre Salvi at tatapusin kay Donya Victorina isang pabiro
ngunit malaman at mapag-udyok na pananalita. Imposibleng mangyari iyon, dahil sa nasa
kapangyarihan pa sila. Isa pang paraan ng pagpapakita ni Rizal na ang pangkat ng mga prayle at
mga mapagsamantalang mayayaman ay tulad sa sa mga parasitiko na pinapakain lamang ng
mga naghihirap na bayan, habang sila ay nabubuhay ay walang kagalingan ang bayan.

Makikita sa kabanatang ito ang hindi pagtitiwala ni Padre Damaso, pinilit niyang
manatili sa Maynila sa layunin na matunugan ang maaring masamang mangyari kay Maria Clara
sa loob ng klaustro. Talagang sinusuwerte si Padre Salvi dahilan sa nagkaroon siya ng mataas na
katungkulan (chaplain) sa kumbento ng Santa Clara kung saan nasa loob nito bilang monghe si
Maria Clara.Ito ang dahilan kung bakit ayaw na umalis na ng Maynila si Padre Damaso.

Ikinamatay ni Padre Damaso ang labis na sama ng loob dahilan sa ililipat siya sa
napakalayong lalawigan ang dahilan nito ay malalayo siya sa Maynila at hindi na niya
mababantayan ang kaniyang anak na si Maria Clara na maaring gawan ng masama ni Padre Salvi
na nabigyan ng importanteng tungkulin sa kumbento ng Sta. Clara. Sa pagtatalaga kay Padre
Damaso sa malayong lugar ay pinag-iisip tayo ni Rizal, kung ito ay dahil sa may namamagitang
hidwaan kina Padre Salvi at Padre Damaso.

Natagpuang patay si Padre Damaso sa kaniyang tulugan at nagtatalo- talo ang mga tao
kung ano ang kaniyang ikinamatay sabi ng iba ay high blood at ang iba naman ay bangungot ²
pero nilahukan ni Rizal ng katatawanan ang kasagutan sa tunay na sanhi ng kamatayan - sinabi
ng doktor na ang pagkamatay ni Padre Damaso ay biglaan. Maaring nagpapatawa si Rizal sa
mababaw na paraan ngunit mayroon siyang nais na ipakitang sikreto ang pagduda dahilan sa
maaring si Padre Damaso ay pinatay ng kaniyang kapwa pari sa loob ng kumbento.

Isa sa historikal na kaganapan ng pamamaslang sa loob ng kumbento ay naganap na


tangkang pagpatay ni Padre Oscariz at ng kaniyang kasama kay Padre Vicente de Supulveda una
ay sa pamamagitan ng paglalagay ng lason sa iniinom na tsokolate ng huli, ngunit hindi ito
namatay sa unang pagtatangka. Ang ikalawang pagtatanggka ay ang paglalagay ng pinong-
pinong bubog sa gulaman na kakainin sana ni Padre Vicente, subalit ito ay unang nakain ng
utusan. Nagkaroon lamang ang kaganapan ang pamamaslang noong Agosto 17, 1617 sa
pamamagitan ng pagsakal at pagbali sa leeg ni Padre Vicente. Para sa kabuuang detalye ay
maaring basahin ang aklat na Romance and Adventure in Old Manila na inihanda ni Percy Hill at
ipinalathala ni Walter Robb noong 1928.

Ang biglaang pagbabago ng anyo ni Kapitan Tiyago ay hindi maipapalagay na dahilan


lamang sa pagpasok ni Maria Clara sa kumbento pansinin ang nakasulat na walang tiwala sa
kaninuman mula rito ay maaring ipalagay na nalaman na niya na hindi niya tunay na anak si
Maria Clara. Makikita rin ito sa kaniyang naging kagawian na mamuhay ng mag-isa at pagkawala
niya ng pananalig sa simbahan. Nagawang maipakita ni Rizal ang pangit na mukha ng isang
taong sugapa sa ipinagbabawal na gamot na noon pa mang kapanahunan niya ay nagsisimula
ng maramdaman sa Pilipinas. Sa panahon ng Espanya sa Pilipinas ay pinapayagan ang paghitit
ng opyo dahilan sa kumikita ng malaking pera ang pamahalan mula dito


2  
# 

      

Pinauwi na ng mga ina ang kanilang mga anak na nag-aaral, para sa madibdibang
bakasyon o pagsasaka sa kanilang lupain upang maiwas sa gulo na nangyari. Sa unibersidad
naman ay maraming bumagsak at bihira ang pumasa sa mga eksamen at kurso. Si Pecson ay
napatawang bobo na lamang at papasok nalang na kawani sa kahit sang hukuman. Ang
paglalakwatsa naman ni Tadeo ay nagwakas at pinrangalan ang sarili sa pamamagitan ng
pagsunog ng mga aklat. Si Juanito Pelaez naman ay binigyan ng almasen at pinamahala na sa
negosyo ng ama. Si Makaraig ay naglakbay patungong Europa. Si Isagani ay pumasa sa
asignatura ni Padre Fernandez at bumagsak naman sa iba. Samantalang si Sandoval ay hinilo
ang tribunal sa kanyang mga talumpati.

Sa kabilang bahagi si Basilio ay hindi bumagsak at hindi pumasa, dahil ito ay namalagi pa rin sa
piitan. Na kung saan kada tatlong araw ay iniinterogate, yun at yun pa rin ang mga itinatanong
iba-ibang tao lamang ang nagtatanong. Ang tanging bumibisita sa kanya ay si Sinong, binalita
nito sa kanya ang tungkol sa nangyari kay Juli.

Napabalita sa buong bayan ang ang malaking pagdiriwang na gagawin ni Simoun. Ito diumano
ay dahil sa kanyang paggaling at pamamaalam sa bansang nagpalago sa kanyang kayaman.
Kuro-kuro sa bayan na pinipilit ni Simoun ang Kapitan Heneral na manatili pa at humingi ng
palugit sa hari, pero hindi siya pinapakinggan ng Kapitan Heneral. Hindi na masyadong nakikita
si Simoun at malimit na itong makisalamuha at usap sa mga tao.

Sinabi nila na gugulatin na lang ang lahat sa pagdiriwang na gaganapin nito. Dahil sa walang
sariling bahay si Simoun, gaganapin sa bahay ni Don Timoteo ang pagdiriwang. Napabalita na
din ang magiging kasalan ng anak ni Don Timoteo na si Juanito kay Paulita Gomez. Marami ang
nagsasabi na napakaswerte ni Don Timoteo, una ay nakabili daw ito ng bahay na mura,
pangalawa ay nabenta niya ang kanyang mga yero sa magandang halaga, pangatlo ay nagging
kasosyo si Simoun, at ang panghuli ay ang pagpapakasal ng kanyang anak sa isang mayamang
eredera.
Nang maalala ni Simoun ang tungkol sa kasalan ni Juanito at Paulita, napaisip siya na diba daw
si Isagani ang kasintahan ni Paulita, bakit biglang kay Juanito ito magpapakasal?Naisip niya na
naging praktikal lang si Paulita. Bakit ba hindi niya pipiliin si Juanito, na ito ay mautak, bihasa,
masaya, pilyo, anak ng mayamang negosyante, at isang mestisong espanyol kung ikukmpara kay
Isagani na isang probinsyano na nangangarap sa kanyang gubat na tingib ng linta, nanggaling sa
napag-aalinlangang pamilya, at may amain na klerigo na ayaw sa luho at sayawan na siyang
gustong-gusto ng dalaga. Natural daw na pinili ni Paulita si Juanito, at ihinambing sa teorya ni
Darwin na pinili ng babae ang lalaking higit na nababagay sa kanya at marunong makibagay
kung saan namumuhay.

Lumipas na ang kuwaresma, semana santa, mga prusisyon, at mga seremonya. Ang tanging
napabalita sa mga panahong ito ay ang pag-aalsa ng mga artilyero na hindi pinaalam ang
dahilan. Giniba ang mga bahay na yari sa mahinang materyales. Buwan na ng Abril at nalimot na
ang mga pangamba, ang tanging nasa isip ng mga tao ay ang malaking pagdiriwang na
mangyayari. Ninong daw ang Kapitan Heneral at si Simoun ang mag-aayos at maghahanda nito.
Pati nag daw ang mga maybahay ay inaaway ang kanilang mga bana, dahil pinipilit nito na
makipagkaibigan kay Don Timoteo o kay Simoun upang maimbitahan sa naturang pagdiriwang.


     

 

Araw ng pag-alis ni Simoun. Sasama na siya sa Kapitan Heneral. Nakahanda na ang kanyang
dadalhing mga alahas at lahat na. Paniwala ng marami na hindi makapangahas magpaiwan si
Simoun. Maaring paghigantihan siya ng mga galit sa kanya o pag-uusigin siya ng kahaliling
Heneral.

Nagkulong si Simoun sa kanyang silid. Wala raw dapat tanggaping bisita kundi si
Basilio.Dumating ang binata. Pinatuloy siya sa utusan. Kay laki ng ipinagbago ni Basilio. Payat na
payat, gusot ang buhok at walang ayos ang pananamit. Wala ang dating kaamuan sa kanyang
mga mata.Matalim na ang mga iyon. Para siyang bangkay na nabuhay. Maging si Simoun ay
nagulumihan sa anyo ng kababayan. Sinabi ni Basilio kay Simoun na siya ay naging masama na
anak at kapatid na nilimot niya ang pagkapatay ng kapatid kaya siya ay pinarusahan ng Diyos.
Siya ngayon ay nakahanda ng gumanti ng samasama. Sinabi niya na ang pag-iwas niya sa gulo
na tulad ng pakikiisa kay Simoun ay nagbunga lamang ng kanyang pagkabilanggo Sasanib na raw
siya kay Simoun.
Noon lamang nagsalita si Simoun . Nasa sa panig daw pala niyang talaga ang katwiran. Ang
kanyang usapin ay siyang usapin ng mga sawimpalad na tulad ni Basilio.

Tumindig si Basilio na maaliwalas na ang mukha. Sinabi niyang matutuloy na ang himagsikan
dahil hindi na siya nag-aatubili. Sinabi ni Simoun na ang mga ating mapayapa at ayaw ng gulo
ang siyang nagtulak sa kanya upang ipagtuloy ang kanyang mga balak. Kung noon sana͛y
nagkatulungan na ang mga nasa sa mataas na lipunan at ang mga nasa ibaba ang gawain sana
ay mapagkawanggawa at hindi madugo at buktot.Sa mga imbi niya natagpuan ang kanyang mga
katulong. Kung sila man ay hindi makagawa ng makinis na estatuwa sapat nang simulan nila ang
paglilok at bahala na ang mga susunod sa kanila.

Di maunawaan ni Basilio si Simoun. Nagtuloy sila sa laboratoryo. Sa mesa roon ay may isang
kakaibang ilawan. Ang pinakalalagyan ay anyong Granada, may bitak at naiino pa ang mga tila
buto nito. Tinanggal ni Simoun ang mitsa. Bakal na may dalawang sentimetro ang kapal na
sisidlan na may isang litrong gas. Binuhusan ito ni Simoun ng likido. Nabasa ni Basilio ang
nakatitik sa lalagyan ng likido ʹ nitroglisirina.

Tumango si Simoun. Ipinaliwanag niya na ang granada ay hindi isang payak na dinamita. Iyon
daw ang mga tinipon na luha ng mga api na siyang panglaban nila sa lakas at dahas. Noon
lamang nakakita ng dinamita si Basilio.Hindi makakibo ang estudyante. Tinurnilyuhan ni Simoun
ang isang masalimuot na kasangkapang inilagay sa ilawan.Sinabi ni Simoun na ang ilawan ay
gagamitin sa isang pista. Pagkaraan ng 20 minuto ang liwang nito͛y mangungulimlim at kapag
ginalaw ang mitsa ay sasabog ang Granada kasunod ang mga supot ng pulbura sa kainan at
walang makaliligtas sa mga bisita ng kapistahan.

Nabigo ang pagkakagulong katulong sana ang mga artilyero dahil sa kawalan ng
pangangasiwa.Ngayon kailangan niya si Basilio upang mangunguna sa labanan. . Kukunin nila sa
tindahan ni Quiroga ang mga baril at patayin ang lahat ng kalaban at ayaw sumama at patayin.
Hindi na sinuri ni Basilio ang narinig. Binulag na siya ng tatlo͛t kalahating buwang
pagkabilanggo.Nais niyang maghiganti.
 


Nagkita si Simoun at Basilio, kay laki ng ipinagbago ni Basilio. Payat na payat, gusot ang buhok
at walang ayos ang pananamit. Wala ang dating kaamuan sa kanyang mga mata.Matalim na ang
mga iyon. Para siyang bangkay na nabuhay. Maging si Simoun ay nagulumihan sa anyo ng
kababayan. Sinabi ni Basilio kay Simoun na siya ay naging masama na anak at kapatid na nilimot
niya ang pagkapatay ng kapatid kaya siya ay pinarusahan ng Diyos. Siya ngayon ay nakahanda
ng gumanti ng samasama. Sinabi niyang matutuloy na ang himagsikan dahil hindi na siya nag-
aatubili. Sinabi ni Simoun na ang mga ating mapayapa at ayaw ng gulo ang siyang nagtulak sa
kanya upang ipagtuloy ang kanyang mga balak. Ipinakita ni Simoun ang lampara at ipinaliwanag
kay Basilio ang kanyang plano.

Sa tagpong ito, ay nagkaisa si Simoun at Basilio, dahil sila ay may iisang paniniwala. -Si
Simoun at Basilio ay kapuwa uhaw sa paghihganti. Nais nilang maipaghiganti ang sariling
kaapihan.Tulad ng mga Pilipino noong panahon ni Rizal, ang mga edukado pati na ang mga
dukha ay nakiisa sa himagsikan.Sa mga dukha at api nagsisimula ang paghihimagsik. Bihira ang
nanggagaling sa mga maruruning at mayayaman. Ito͛y pinatutunayan ng kasaysayan.

Naipon sa kanila ang galit at poot sa kanilang mga dibdib. Sa kabanatang ito inlalarawan
ang himagsikan na balak ng mga Pilipino sa pamamagitan ng lampara. Sa lamparang iyon
naipon ang luha at hinanakit ng mga Pilipino sa mga prayle at gobyerno. Si Simoun ay may
paniniwalang ang nilalayon ang nagbibigay katuwiran sa pamamaraan. Hindi baling masama
ang pamamaraan, mabuti lamang ang layunin. Nalimutan niyang ito͛y labag sa alituntunin ng
kagandahang-asal.






    

Hinanap sa kung saan-saan ni Basilio Isagani. Pinuntahan niya ito sa kanilang bahay pero
hindi niya talaga ito Makita. Bigla niyang inimagine ang sarili kung ano ang magaganap at
mararamdaman niya pagkatapos ng himagsikan. Magkakaroon daw sa wakes ng katarungan
ang pagkamatay ng kanyang ina at kapatid. Ang higpit lamang na tugon ni Simuon sa kanya ay
lumayo siya sa kalye Anloage. Hindi na tinukoy ni Simoun kung anong pagdiriwang at kung saan
ito gaganapin, basta ang alam ni Basilio ito ay isang malaking pagdiriwang na gaganapin sa isa
sa mga bahay sa kalye Anloage. Pumunta ni Basilio sa bahay ni Kapitan Tiago upang kumuha ng
mga ilang gamit. Marami siyang karwahe na nakita na nakaprada sa kalye, at napansin niya ang
bahay na puno ito ng mga palamuti at mga nakabitin na mga kung anu-ano at doon niya
napagtanto na ang pagdiriwang na tinutukoy ni Simoun ay ang gaganapin sa dating bahay ni
Kapitan Tiago. Biglang may dumaan na karwahe na sakay si Juanito Pelaez at isang babae na
nakabelo. Ang pagdiriwang pala ay para sa pag-iisang dibdib ni Juanito kay Paulita Gomez?
Biglang nalito si Basilio dahil sa kanyang pagkakaalam ay si Isagani ang kasintahan ng dalaga,
naawa siya kay Isagani.

Napaisip na naman siya, na ano kaya siya kung hindi siya nabilanggo at nakilahok? Malamang ay
nakapagtapos na siya ng medisina, nanggagamot na siya at malamang ay nag-asawa na din.
Naalala niya si Juli, ang kawawang si Juli, biglang nagtiim ang kanyang bagang at napuno ng
poot ang kanyang damdamin, dapat niya ding ipagtanggol ang nangyari sa kanyang kasintahan.
Nakita niya si Sinong na nagmamaneobra ng karwahe na sakay si Simoun. Puno na ang bahay.

Ang pinakamapanpansin sa loob ng bahay ay ang pagkagalak ni Don Timoteo, feeling fulfilled
diumano sa mga kaswertehan at karangyaan na nararanasan nito ngayon. Lahat ng gamit sa
bahay ni Kapitan Tiago ay pinalatan, hindi na sana ginalaw ni Simoun ang mga litograpiya ng
mga santo pero pilit itong pinapalitan ni Don Timoteo ng mga matitingkad na kulay ng kromo.
Nilalait ni Don Timoteo ang gawa ng mga Pilipino dahil higit na maganda ang mga bagay na yari
sa Europa.
Ang mesa na pinasadya ni Simoun ay wala sa loob ng bahay, ito ay nasa asotea at dito
nakalaang uupo ang mga pinakamamalaking Diyoses ng bayan.

    


 

Unang dumating sa pagtitipon ang mga mababang bathala ng bayan. Nagsidatingan ang
mga empleado ng gobyerno. Bati doon bati dito si Don Timoteo, may nagkomento na tuwang-
tuwang daw nag matanda at para nang papet! Tsaka dumating ang magnobya. Sadyang
mapansin na nasisikip na ang frak na suot ng pilyong si Juanito. Hindi na daw ito makapaghintay
hanggang mamyang gabi at mapag-isa na ang dalawa. Napagod din si Don Timoteo sa kababati
sa mga taong dumalo at ito ay naipin dahil hindi pa dumadating ang Kapitan Herenal. Dumating
na ang matataas na Diyoses, sina Padre Irene, Padre Salvi, at iba pang mga pari. May pumansin
sa mga kromong nilagay ni Don Timoteo, hindi daw ito nababagay at minamantsahan lamang
ang mga dingding ng bahay. Nagalit ang Don, at minungkahing nanggaling sa iyon sa Europa,
napakamahal, at walang mabibiling ganun sa Maynila. Natigil nalang si Don Timoteo nang
dumating ang Kapitan Heneral, nataranta siya kung ano ang gagawin, kung siya ba ang unang
kakamay o hihintayin niyang iabot ng Kapitan Heneral ang mga kamay nito sa kanya. Tinugtog
ang Marcha Real. Malungkot ang Kapitan Heneral sapagkat ito ay aalis na. Napaisip siya sa
pagpipilit ni Simoun na magtagal pa, pero sabi niya sa sarili na delikadesa muna bago ang lahat.

Nasa harap ng bahay ni Kapitan Tiago si Basilio, minamasdan ang mga taong pumapasok sa
pagdiriwang, nagdalawang isip siya dahil sa dami ng madadamay na mga inosenteng buhay.
Nakita niyang bumaba sa karwahe si Padre Salvi at Padre Irene, at naisip niya na pabayaang
magbayad ang mga mabuti kasama ang mga makasalanan. Dumating si Simoun na hawak ang
lampara, na sadyang napakaganda at kaayaaya, sumond dito ang pagdating ng Kapitan Heneral.
Naawa ulit si Basilio at tinangkang pumasok sa bahay ngunit hindi siya pinapasok,dahil sa
napakaaba ng kanyang bihis. Pinigilan siya at binalaan na tatawagin ang isang pares ng
beterana, pag pinagpilitan niya pang pumasok sa pagdiriwang. Malugod na tinanggap an
lampara na hawak ni Simoun, lahat ay manangha at pinuri ang lampara. Nasunod sa plano ito
ay nilagay sa gitna ng mesa na pinsadya ni Simoun. Hinay-hinay na umalis si Simoun na hindi na
napansin ng mga tao sa loob dahil sa pagkamangha sa lampara. Makaraan ang ilang minuto
lumabas si Simoun na bahagyang namumutla. Parang tinutukoy nito na wala na itong
magagawa dahil ͞tapos na ang pagtaya͟ o :͟Alea Jecta Est͟. Sa pagsakay niya sa karwahe ay
sinabi niya na bilisan ang pagpunta sa Escolta. Dahil doon naisip ni Basilio ang kanyang
kaligtasan, naglakad-takbo papalayo si Basilio sa bahay, nababangga ang sino mang
makasalubong sa daan. Bigal siyang nabunggo kay Isagani at itoy niyaya niya papalayo sa bahay.
Sinagot naman siya ni Isagani na bakit daw ito aalis, pag pinatagal niya mag-iiba na si Paulita
bukas. Sinabi ni Basilio na may malaking sakuna ang darating, mamaya niya ikukuwento ang
detalye, ang importante ay mapalayo sila sa bahay ni Kapitan Tiago. Pero pinagpilitan pa rin ni
Isagani ang tumuloy sa pagdiriwang. Mabilis na umalis at naglakad papalayo si Basilio. Matapos
nun, at napaisip si Isagani at napagtagpi-tagpi ang, mga sinabi ni Basilio. Nawala sa isip niya ang
pag-aalinlangan, at selos, at tanging nasa isip niya ay ang maisalba ang buhay ng kanyang
minamahal, si Paulita.

Sa loob pala ng pagdiriwang ay may isang papel ang pinasapasa na may nakasulat na ͞Mane
thecel phares͟ at sa ilalim nito ang pangalan at lagda ng isang nagngangalang Juan Crisostomo
Ibarra. Nagtanong ang Kapitan Heneral kung sino ito, at sinagot naman siya na ito nga ay
matagal ng patay, isang pilibustero. Nagpatuloy ang kasiyahan. Napaisip si Don Custodio sa
mensahe ng sulat, kamatayan ng lahat sa gabing ito? Bigla niyang nabitawan ang kanyang
hawak na kubyertas, baka sila ay lalasunin sa pagkain.

Namatay ang ilaw ng lampara, nagkagulo at inutos ng Kapitan Heneral na itaas ang mitsa uoang
magkailaw ulit. Ngunit biglang may taong kumuha sa lampara at dalian itong tumalon palabas
ng bahay patungong ilog. Nagsigawan ang mga nakakita, at nagkagulo ulit dahil may
magnanakaw daw! Hindi na nila ito nakilala dahil dalian itong tumalon sa ilog.




  '    3 


 
SI Ben Zayb ay dali-daling umuwi sa kanilang bahay at nagsulat ng ukol sa nangyari sa kasalan.
Sa kanyang mabulaklak na salaysay ay kung anu-ano ang mga kasinungaling inilagay at ginawa.
Ipinakita ang pagkabayani daw ng Kapitan Heneral at ang katapangan ni Padre Irene sapagkat
ito ay dumaan sa ilalim ng mesa sa paghahabol sa nagnakaw ng lampara. Nagsulat, nagbura,
nagdagdag at nagkinis si Ben Zayb upang lumabas na dakila ang kanyang sulatin at pawang
katotohanan lamang. Kinabukasan sa kanyang pgakamangha ay ibinalik sa kanya ang kanyang
lathala at hindi naimprinta sapagkat ayaw daw ng Kapitan Heneral na may lumabas na kahit
anong balita ukol sa nangyari ng nakaraang gabi sa kasalan. Ito ay lubhang ikinalungkot ni Ben
Zayb at ayon sa kanya maihahantulad daw ito sa pagpatay sa isang anak na maganda at
matapang na dalaga! Ang gayong karaming paghihirap ay hindi pwedeng walang gantimpala sa
Diyos kung kaya͛t wala pang isang araw at mayroon na namang isang balita siyang tinanggap na
pwedeng isulat at malathala! Ang balita : ͞Ang mga tulisan ay lumusob at nakakuha ng mahigit
sa dalawang libong piso at sinugatan ang pari at dalawa pang alila. Ang kura ay nagkasira-sira
ang kamay sa paggamit ng isang silya bilang pananggol!͟. Ang itinala naman ni Ben Zayb ay
͞apatnapu o limampung tulisan sa paraang pataksil,l mga rebolber, itak, eskopeta, pistola,
leong nananandata, silya, mga tatal, sinugatan ang walang kaawa-awa͙sampung libong piso͙͟.
Hindi pa nakontento si Ben Zayb sa narinig kung kaya͛t pumunta sya sa pinangyarihan ng
krimen at doon ay napag-alaman na si Padre Camorra ay nasugatan lamang ng munti sa kamay
at isang bukol sa ulo, ang tulisan ay tatlo lamang at pawang itak ang ginamit, ang halagang
ninakaw ay limampung piso! Ang mga tulisan ay nahuli at sinabi na ang may pakana ng lahat ay
isang lalaking kamukha ni Simoun sa kanilang pagkakalarawan. Noong una ay hindi
makapaniwala ang mga maykapangyarihan at mga pari subalit ng mapansing nawawala nga si
Simoun ay naniwala na din at sya ay ipinahahanap sa mga guardia sibil.v Makikita natin si Ben
Zayb na isang walang kwentang tao at nagpapanggap na matalino subalit hindi naman.
Ipinapahiwatig dito ni Rizal ang kamangmanagan at pagbabalatkayo ng mga Espanol noong
panahon na iyon at dahil sa kanilang mabulaklak na pananalita ay napapaniwala ang mga indio.
At makikita din natin na sa kabanatang ito unang nalaman ng mga maykapangyarihan na si
Simoun ang ulo ng mga tulisan.

 



Sa kabanatang ito ng El Filibusterismo binigyan ng pagkakakilanlan ang katauhan ni Ben
Zayb. Si Ben Zayb ay isang kritikong hangal. Walang kaalaman sa sining ngunit nagdudunung-
dunungan. Siya͛y mapanganib dahil marami siyang maihahawang hangal ding mambabasa
sapagkat siya͛y manunulat at manunudling.

Pagkatapos malaman ni Ben-Zayb ang pangyayari ng pagkakanakaw ng lampara sa


piging ay nagmadali na siyang umuwi upang magsulat tungkol dito. Ang ideya ng paglalathala
tungkol sa naganap na kaguluhan at palabasin na bayani ang Kapitan Heneral ang kanyang
naging pangunahing dahilan. Sa kanyang pagsusulat ay pinalabas niyang bayani hindi lamang
ang Kapitan ngunit maging sina Pari Irene, Don Custodio at Pari Salvi. Nagbawas at nagdagdag
siya ng mga detalye ukol sa nangyari at pinadala ang lathala sa patnugot subalit dahil na rin sa
utos ng Heneral na huwag nang pag-usapan ang pangyayari ibinalik kay Ben Zayb ang kanyang
obra at nagawa niyang ikumpara ito sa pagkamatay ng isang anak. Dahil sa nangyari naging higit
na desperado si Ben Zayb at humiling na magkaroon ng isang krimen na siya nga na naganap.
Nagkaroon ng panloloob sa bahay liwaliwan sa baybayin ng ilog Pasig. Gayunpaman, ang narinig
na kwento ni Ben Zayb ay ginawan niya ng sariling bersiyon na higit na malayo sa katotohanan.
Sinabi niya na 10 000 piso ang nakuha ngunit ang kanyang narinig ay 2 000 piso lamang at ang
katotohanan ay 50 piso lamang ang nakuha ng mga nanloob. Isa lamang ito sa mga halimbawa.
Iba pang detalye ng pangyayari ay ginawan niya ng pagmamanipula.

Ito ang representasyon ni Ben Zayb bilang isang manunulat. Noon pa hiniling ni Rizal ang
malayang pamamahayag upang malinawan ang mga tao at nang sa ganoon ay makapaghain ng
matalinong opinyon pabor man o laban sa Kastila. At sa kadahilanang ito mismo nagkait ang
maraming pamahalaan sa ating kasaysayan para magkaroon ng malayang pamamahayag. Ang
pagkontrol at pagsupil sa midya ang susi ng bawat tirano at diktador upang maghari sa
nasasakupan. Bilang tagpagpalaganap ng katotohanan, kaakibat na gawain ng midya ang
maging kritiko ng pamahalaan at ng mga namumuno nito. Kinatatakutan ang midya dahil sa
pagsasabi nito ng totoo. Ngunit ang higit na malaking usapin ay kung ang kinatatakutan nga
bang midyang ito ay nagsasabi ng ͞totoo͟ nang walang halong pabor. Ang pagiging manunulat
ni Ben Zayb ng mga panahong iyon ay taliwas sa idea ni Rizal ng papel ng midya sa buhay ng
mga Pilipino. Ang pagmamanipula sa katotohanan at pagkakaroon ng kinikilingan ay ilan lamang
sa katotohanan na namamayani sa mga manunulat noong ika-19 na siglo. Nangyari ang mga
bagay na ito na kung saan ang mga katulad niyang manunulat ay nanghawa ng kamangmangan
sa mga tao sa lipunan.
    

Ang lugar ay sa bahay ng pamilya Orenda, mayamang mag-aalahas. Narito ang ama ng
tahanan na si Kapitan Toringgoy, ang totoong ngalan ay Domingo, ay kanyang asawang si
Kapitana Loleng, ang kanilang mga anak na dalaga na sina Tinay, Sensia at Binday. Narito din sa
kanilang tahanan ang kasintahan ni Sensia na si Momoy at si Isagani na dumalaw sa bahay na
iyon. Ang pinakasentro sa mga tauhan ay si Chichoy na siyang pinapakinggan ng lahat sapagkat
ikinukwento niya ang nangyari sa kasalan ng nakaraang gabi at kung sino ang may pakana ng
lahat ng kaguluhan. Lahat ng tainga ay nakikinig sa kanya habang sinasabi nya ang sako-sakong
pulbura na natagpuan sa buong bahay at mabuti na lamang at walang nanigarilyo kundi sabog
sana ang buong bahay at patay ang lahat ng tao at mga bisita maging ang mga prayle at ang
Kapitan Heneral. Sinabi din ni Chichoy na ang may kagagawan ng lahat ay walang iba kundi si
Simoun na nagpapanggap na kaibigan ng Kapitan Heneral at ngayon ay pinaghahanap na siya ng
kinauukulan. Hindi makapaniwala ang lahat ng nakarinig at si Kapitana loleng ay nag-alala
sapagkat lahat daw ng kanilang pinautang ay nasa kasalang iyon at maging ang isa pa nilang
bahay ay nasa tabi ng bahay na pinagdausan ng nasabing kasalan.

Sa kabanatang ito ay makikita natin kung gaano kabilis lumaganap ang usapan sa buong bayan
(gaya ng paglaganap ng usapan sa paghahanda ni Kapitan Tiago sa pagdating ni Ibarra sa Noli at
sa mga usap-usapan sa pag-aaway ni Ibarra at Padre Damaso). Makikita din natin dito na may
pagkatsismoso ang mga Pilipino at may iba na walang inisip kundi ang kanilang kayamanan.
Dulot na din siguro ng kahirapan dati kung kaya͛t sa oras na nagkaroon ng pera ay lubha ng
kumakapit dito ang mga Pilipino.
  , 

Ipinakita sa kabanatang ito ang mag-amang Tales at Tano at ang kanyang lolo na si Tandang
Selo. Si Kabesang Tales ay isa ng kilabot na tulisan at tinatawag ng Matanlawin. Si Tano ay isa ng
Guardia Sibil at mas kilala sa ngalang Carolino at si Tandang Selo ay isa na ding tulisan. Makikita
natin dito si Tano/Carolino at kasama pa ang ibang indiong guardia sibil na nagpapahirap sa
mga bihag nilang pinaghihinalaang tulisan. Walang awa nilang pinapalakad sa ilalaim ng init ng
araw ang mga ito ng walang saplot sa paa at uhaw na uhaw at di man lang maabutan ng tubig.
Si Carolino sapagkat mabait ay pinagalitan ang kanyang kasamahang si Mautang sa
paghahagupit sa mga bilanggo kapag natutumba at di na makayanang maglakad. Sinabi ni
Carolino na maawa ito sapagkat tao din naman ang mga bilanggong iyon at katulad din nila,
subalit hindi sya pinakinggan ni Mautang. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay may mga tulisang
lumusob sa kanilang paglalakbay sa gilid ng gubat na iyon at nagkaroon ng palitan ng putok,
namatay si Mautang at iba pa nitong kasamang guardia sibil. Nang may isang tao silang nakita
sa itaas ng bato sa bundok ay iniutos kay Carolino na ito ay barilin sapagkat tulisan din iyon. At
ginawa nga ni Carolino. Nang matapos ang putukan, tinignan nila ang mga tulisang nagkamatay
din at doon ay nakita ni Carolino ang isang mukhang hindi nya maaring kalimutan, at iyon ay
walang iba kundi ang kanyang Lolo Selo. Siya ang nakapatay sa kanyang Lolo Selo. At si Tano ay
parang nawalan ng lakas at imik.

Makikita natin dito ang irony ng buhay nila Tandang Selo, Kabesang Tales at Tano.Sila ay
nagkahiwa-hiwalay ng landas sapagkat sila ay napilitan. Ito ay hindi nila kagustuhan! Dahil sa
paghihirap at kasamaang dinulot sa kanila ng mga prayle ay nawalan sila ng kabuhayan at
nagkahiwa-hiwalay. Dahil dito ay napilitan silang maghigante sa kanilang sari-sariling paraan. At
si Tano ay nagdurusa sa kanyang trabaho. Makikita din natin na sa kabanatang ito huling
binanggit si Kabesang Tales at Carolino at sila ay nanatili pa ring tulisan at guardia sibil. Walang
klarong paglalahad kung ano talaga ang nangyari sa kanila.
  -   

Malungkot na tumugtog ng kanyang armonyum si Padre Florentino. Kaaalis ni Don Tiburcio de


Espadana na nag-akalang siya ang Kastilang tinutukoy sa telegrama na darakpin daw sa gabing
iyon. Inakalang siya͛y natunton na ni Donya Victorina.

Ang telegrama ay pinabasa ng tenyente ng guwardiya sibil sa bayan kay Padre Florentino sa
ngalan ng pagkakaibigan. Anang telegrama: ͞Espanyol escondido casa Padre Florentino cojera
remitara vivo muerte͟.

Ang totoo, si Simoun ang Kastilang tinutukoy sa telegrama. Sugatang dumating doon si Simoun
may dalawang araw na. Di man lamang siya inusisa ay tinanggap siya ng pari. Hindi pa
nakabalita ang pari ng nangyari sa Maynila. Inakala ng pari na dahil wala na ang Kapitan Heneral
ay may nagtangkang maghiganti kay Simoun. Ang sugat niya͛y buhat daw sa kawalang-ingat,
ayon sa mag-aalahas. Nagkasiya ang pari sa mga palagay. At nakatulong ang hinala ng pari na si
Simoun ay tumakas samga kawal na tumutugis nang tanggapin nito ang telegrama.

Si Simoun ay tumangging paggamot pa sa mediko sa kabesera. Pumayag siyang paalaga kay Dr.
de Espadana lamang. Malubha ang mga sugat ni Simoun.
Tumigil sa pagtugtog si Padre Florentino. Iniisip ng pari ang kahulugan ng pakutyang ngiti ni
Simoun nang mabatid nito ang tungkol sa telegrama at sa ikawalo ng gabi ang dating mga
darakip. Naisip ni Padre Florentino na isang taong palalo si Simoun. Dati͛y makapangyarihan,
ngayo͛y kahabag-habag. Nguni͛t bakit sa kanya pinili ni Simoun na makituloy? At darakpin na
lamang nang patay o buhay ay nakukuha pang ngumiti nang pakutya. Inisip ni Padre Florentino
kung paano maililigtas ng isang paring Pilipino si Simoun gayong noong kapanahunan nito ay
humamak sa kanyang pagkamahabang-uri ng pagkapari at pagka-indiyo.

Di pinansin ni Simoun ang pakisuyo ni Padre Florentino may dalawang buwan ang nakalilipas
upang tulungang makalaya si Isagani sa piitan. Si Simoun ang gumawa ng mga kaparaanan
upang mapadali ang pagaasawa ni Paulita kay Juanito na lubos na ipinagdamdam ni Isagani at
ikinalalayo nito sa mga kapwa tao. Nilimot ni Padre Florentino ang lahat. Wala siyang inisip
kundi ang pagliligtas kay Simoun. Nguni͛t parang walang pagnanasang mailigtas ni Simoun ang
sarili.

Pumasok si Padre Florentino sa silid ni Simoun. Wala nang mapangutyang anyo sa mukha ni
Simoun. Waring isang lihim na sakit ang noon ay tinitiis ng mag-aalahas.

Napaghulo ng pari na uminom ng lason si Simoun. Nabaghan ang pari.

Tinangka ni Padre Forentino na ihanap ng lunas si Simoun. Pasigaw na sinabi ng mag-aalahas na


huwag na silang mag-aksaya ng panahon dahil mamatay siyang dala niya ang kanyang lihim.
Ang pari ay lumuhod sa kanyang reclinatorio (luhuran sa pagdarasal) at nanalangin sa paanan
ng imahen ni Hesukristo at pagkatapos ay buong kabanalang kanyang inilapit ang isang silyon sa
maysakit, at tumalagang makinig.

Ipinagtapat ni Simoun ang tunay niyang pangalan. Halos nasindak ang pari. Malungkot na
ngumiti ang maysakit. Tinakpan ng pari ng panyo ang mukha at tumungo upang makinig.
Isinalaysay ni Simoun ang kanyang buhay. Labintatlong taon siya sa Europa. Nagbalik siyang
puno ng pangarap at pag-asa.Pinatawad ang mga nagkasala sa kanyang ama pabayaan lamang
siyang mabuhay nang payapa. Ngunit mahiwagang mga kamay ang nagtulak sa kanya sa isang
kaguluhang gawa-gawa at ang lahat ay nawala sa kanya.: pangalan, yaman, pag-ibig,
kinabukasan, kalayaan at naligtas lamang siya sa kamatayan sa tulong ng isang kaibigan. Tinika
niyang maghiganti.Nangibang bansa siya dala ang bahagi ng kayamanan ng kanyang magulang
at siya͛y nangangalakal. Nakilahok siya sa himagsikan sa Kuba. Nakilala niya roon ang kapitan
heneral na noon ay kumandante pa lamang. Pinautang siya. Naging kaibigan matalik dahil sa
kawalanghiyaan ng kapitan na si Simoun ang nakaalam. Sa tulong ng salapi ay nakuha niyang
maging kapitan heneral ang kaibigan at naging sunud-sunuran sa kanya dahil sa katakawan sa
salapi.Inupatan niya ang kapitan sa paggawa ng maraming kabuktutan.

Mahaba ang pagtatapat ni Simoun at gabi na nang matapos. Sandaling naghari ang
katahimikan. Inihingi ng tawad ng pari ang mga pagkukulang ni Simoun at hiniling niya kay
Simoun na igalang ang kalooban ng Diyos Mahinahong nagtanong si Simoun kung bakit hindi
siya tinulungan ng Diyos sa kanyang layunin. Ang sagot ng pari ay dahil masama ang kanyang
pamamaraan.Hindi maililigtas ng krimen at kasamaan ang mga dinumihan ng krimen at
kasamaan.Ang poot ay walang nalilikha kundi mga panakot ; ang krimen ay mga salarin ang
nalilikha. Pag-ibig lamang ang nakagagawa ng mga bagay na dakila. Ang katubusan ay
kabutihan; ang kabutihan ay pagpapasakit, ang pagpapasakit ay pag-ibig.

Tinanggap ni Simoun ang lahat na sinabi ng pari. Inamin niyang siya ay nagkamali.ngunit
naitanong niya ng dahil ba sa magkakamaling iyon ay ipagkait na ng Diyos ang kalayaan ng isang
bayan at ililigtas ang napakaraming higit pang salarin kaysa sa kanya. Ang matatapat at
mababait ay nararapat na magtiis nang ang mga adhika nila ay makilala at lumaganap.Ang
nararapat na gawin ay magtiis at gumawa ang tugon ng pari.

Napailing si Simoun. Ang magtiis at gumawa ay madaling sabihin sa mga hindi pa nakaranas ng
pagtitiis at paggawa. Anong klaseng Diyos ang humingi ng ganoon kalaking pagpapasakit. Sinabi
ng pari ay ito raw ang isang Diyos na makatarungan.Diyos na nagpaparusa sa kakulangan natin
ng pananalig at sa mga gawa nating masama.Pinabayaan natin ang kasamaan kaya͛t katulong
tayo sa paglikha nito. Ang kalayaan ay di natin dapat tuklasin sa tulong ng patalim. Tuklasin
natin ito sa tulong ng nagpapataas ng uri ng katwiran at karangalan ng tao.. Gumawa tayo ng
mabuti , tapat at marangal hanggang mamatay tayo dahil sa kalayaan.

Pinisil ni Simoun ang kamay ng pari. Naghari ang katahimikan.Dalawang pisil


pa.Nagbuntunghininga si Simoun. Higit na mahabang katahimikan.

Nang mapunang hindi umiimik ang maysakit ay pabulong na nagwika si Padre Florentino;
͞Nasaan ang kabataang naglalaan ng magagandang sandali, ng kanilang mga pangarap at
kasiglahan alang-alang sa ikabubuti ng kanilang bayan ?Saan naroon ang handang
magpakamatay upang hugasan ng dugo ang napakaraming pagkakasala?Upang karapatdapat
ang pagpapakasakit ito͛y kailangang malinis at busilak. Nasaan ang kabataang may lakas na
tumanan na sa aming mga ugat, ng kalinisan ng diwa na narumihan na sa amin, ng apoy ng sigla
na patay na sa aming puso? O kabataan, kayo͛y aming hinihintay!͟

Nangilid ang luha sa mga mata ng pari. Binitawan ang kamay ni Simoun. Lumapit sa
durungawan. May kumatok na utusang nagtanong kung magsisindi na ng ilawan. Sa tulong ng
isang lampara ay tinanglawan si Simoun. Hinipo ito; nabatid na ito ay patay na.Lumuhod at
nanalangin si Padre Florentino.

Tinawag ang mga utusan, pinaluhod at pinagdasal. Umalis sa silid si Padre Florentino Kinuha
ang takbang bakal ni Simoun. Dinala ito sa talampas na laging inuupuan ni Isagani upang sisirin
ng tingin ang kalaliman ng dagat. Doon ay inihagis ng pari ang mga takba ng brilyante at alahas
ni Simoun. Nilulon ng dagat ang kayamanang yaon.

You might also like