You are on page 1of 20

Ang Buod ng “Noli Me Tangere”

Kabanata 1:
Isang Handaan

Isang marangyang salu-salo ang ipinag-anyaya ni Don Santiago de los Santos na higit na popular sa taguring Kapitan
Tiago. Ang handaan ay gagawin sa kanyang bahay na nasa daang Anluwage na karatig ng Ilog-Binundok. Ang
paayaya ay madaling kumalat sa lahat ng sulok ng Maynila. Bawat isa ay gustong dumalo sapagkat ang mayamang
Kapitan ay kilala bilang isang mabuting tao, mapagbigay at laging bukas ang palad sa mga nangangailangan. Dahil
dito, ang iba ay nababalino kung ano ang isusuot at sasabihin sa mismong araw ng handaan. Nang gabing iyon dagsa
ang mga panauhin na gaya ng dapat asahan. Puno ang bulwagan. Ang nag-iistima sa mgta bisita ay si Tiya Isabel,
isang matandang babae na pinsan ng may-bahay. Kabilang sa mga bisita sina Tinyente ng guardia civil, Pari Sibyla,
ang Kura paroko ng Binundok, si Padre Damaso na madaldal at mahahayap ang mga salita at dalawang Paisano. Ang
isa ay kararating lamang sa Pilipinas. Ang kararating na dayuhan ay nagtatanong tungkol sa mga asal ng mga
katutubong Pilipino. Ipinaliwanag niya na ang pagpunta niya sa bansa ay sarili niyang gastos. Ang pakay ng kanyang
paglalakbay ay upang magkaroon ng kabatiran tungkol sa lupain ng mga Indiyo. Nagkaroon ng mainitang balitaktakan
ng mabanggit ng dayuhan ang tungkol sa monopolyo ng tabako. Nailabas ni Pari Damaso ang kanyang mapanlait na
ugali. Nilibak niya ang mga Indiyo. Ang tingin niya sa mga ito ay hamak at mababa. Lumitaw din sa usapan ang
panlalait ng mga Espanyol tungkol sa mga Pilipino noong mga nakalipas na araw. Mapanlibak si Pari Damaso. Kung
kaya’t iniba ni Pari Sibyla ang usapan. Napadako ang usapan tungkol sa pagkakalipat sa ibang bayan ni Padre Damaso
pagkatapos ng makapagsilbi sa loob ng 20 taon bilang kura paroko ng San Diego. Sinabi niya kahit na ang hari ay
hindi dapat manghimasok sa pagpaparusa ng simbahan sa mga erehe. Pero, ito ay tinutulan ng Tinyente ng Guardia
Civil sa pagsasabing may karapatan ang Kapitan Heneral sapagkat ito ang kinatawan ng hari ng bansa. Ipinaliwanag
pa ng Yinyente ang dahilan ng pagkakalipat ni Pari Damaso. Ito, umano ang nag-utos na hukayin at ilipat ang
bangkay ng isang marangal na lalaki na napagbintangang isang erehe ng pari dahil lamang sa hindi pangungumpisal.
Ang ginawa ay itinuturing na isang kabuktutan ng Kapitan Heneral. Kung kaya inutos nito ang paglilipat sa ibang
parokya ang paring Pransiskano bilang parusa. Nagpupuyos sa galit ang pari kapag naaalala niya ang mga kasulatang
nawaglit. Iniwanan na ni Tinyente ang umpukan, pagkatapos nitong makapagpaliwanag. Sinikap ni Pari Sibyla na
pakalmahin ang loob ni Pari Damaso. Lumawig muli ang talakayan. Dumating ang ilan pang mga bagong panauhin.
Ilan sa mga ito ay ang mag-asawang sina Dr. de Espadaña at Donya Victorina.

Kabanata 2:
Si Crisostomo Ibarra
Dumating si Kapitan Tiyago at si Ibarra na luksang-luksa ang kasuotan. Binating lahat ni Kapitan ang mga
panauhin at humalik sa kamay ng mga pari na nakalimot na siya ay bendisyunan dahil sa pagkabigla. Si
Pari Damaso ay namutla ng makilala si Ibarra. Ipinakilala ni Kapitan Tiyago si Ibarra sa pagsasabing ito ay
anak ng kanyang kaibigang namatay at kararating lamang niya buhat sa pitong taong pag-aaral sa Europa.
Malusog ang pangangatawan ni Ibarra, sa kanyang masayang mukha mababakas ang kagandahan ng ugali.
Bagamat siya ay kayumanggi, mahahalata rin sa pisikal na kaanyuan nito ang pagiging dugong Espanyol.
Tinangkang kamayan ni Ibarra si Pari Damaso sapagkat alam niyang ito ay kaibigang matalik ng kanyang
yumaong ama. Ngunit, ito ay hindi inamin ng Pari. Totoo, siya ang Kura sa bayan. Pero, ikinaila niyang
kaibigan niya ang ama ni Ibarra. Napahiya si Ibarra at iniatras ang kamay. Dagling tinalikuran niya ang Pari
at napaharap sa Tinyenteng kanina pa namamasid sa kanila. Masayang nag-usap sina Tinyente at Ibarra.
Nagpapasalamat ang Tinyente sapagkat dumating ang binata ng walang anumang masamang nangyari.
Basag ang tinig ng Tinyente ng sabihin niya sa binata na nasa nito ay higit na maging mapalad sa kanyang
ama. Ayon sa Tinyente, ang ama ni Ibarra ay isang taong mabait. Ang ganitong papuri ay pumawi sa
masamang hinala ni Ibarra tungkol sa kahabag-habag na sinapit ng kanyang ama. Ang pasulyap ni Padre
Damaso sa tinyente ay sapat na upang layuan niya ang binata. Naiwang mag-isa si Ibarra sa bulwagan ng
walang kakilala. Tulad ng kaugaliang Aleman na natutuhan ni Ibarra buhat sa kanyang pag-aaral sa Europa,
ipinakilala niya ang kanyang sarili sa mga nanduruong kamukha niyang panauhin. Ang mga babae ay hindi
umimik sa kanya. Ang mga lalaki lamang ang nagpapakilala rin sa kanya. Nakilala niya ang isang binata rin
na tumigil sa pagsusulat. Malapit ng tawagin ang mga panauhin para maghapunan, nang lumapit si Kapitan
Tinong kay Ibarra para kumbidahin sa isang pananghalian kinabukasan. Tumanggi sa anyaya ang binata
sapagkat nakatakda siyang magtungo sa San Diego sa araw na naturan.

Kabanata 3:
Ang Hapunan

Sa tingin ni Pari Sibyla, si Pari Damaso ang dapat umupo roon dahil siya ang padre kumpesor ng pamilya ni
Kapitan Tiyago. Pero, tumanggi ang Tinyente sapagkat umiiwas siyang mapagitnaan nang dalawang pari. Sa
mga panauhin, tanging si Ibarra lamang ang nakaisip na anyayahan si Kapitan Tiyago. Hindi alam ng pari,
sadyang ipinaluto ng Kapitan ang manok para kay Ibarra. Bagamat, wala siya sa bansa, hindi niya
nakakalimutan ang kanyang bayan. At sa halip, siya ang nakalimutan ng bayan sapagkat ni wala man lang
isang taong nakapagbalita tungkol sa masaklap na sinapit ng kanyang ama. Nalaman ng mga kausap ni Ibarra
na marami ng bansa ang napuntahan nito at marami ng wika ang kanyang alam. Ipinaliwanag ni Ibarra na
halos magkakatulad ang mga bansang napuntahan niya sa tema ng kabuhayan, pulitika at relihiyon. Naudlot
ang pagpapaliwanag ni Ibarra sapagkat biglang sumabad si Padre Damaso. Kalmado lamang si Ibarra,
ipinaliwanag niyang sinasariwa lamang niya ang mga sandaling madalas na pumunta sa kanila si Pari Damaso
noong maliit pa siya upang makisalo sa kanilang hapag-kainan. Ni gaputok ay hindi nakaimik ang nangangatal
na si Damaso.

Kabanata 4:
Erehe at Pilibustero

Si Tinyente Guevarra, na sumunod sa kanya upang paalalahanan na mag-ingat din sapagkat


nangangamba siyang baka matulad siya (Ibarra) sa sinapit ng kanyang ama. Nakiusap si Ibarra na isalaysay
ng Tinyente ang tungkol sa buhay ng kanyang ama sapagkat tunay na wala siyang nalalaman dito. Sinabi ni
Ibarra na sumulat and kanyang ama sa kanya may isang taon na ang nakakalipas. Nagbilin si Don Rafael (ama
ni Ibarra) na huwag nitong ikagugulat kung sakali mang hindi siya makasulat sapagkat lubha siyang abala sa
kanyang mga gawain. Ang mga Kastila dahil sa kasawian ay hindi gumagawa ng mga nararapat. Si Don Rafael
ay maraming mga kagalit na mga Kastila at pari. Nabilanggo si Don Rafael dahil sa pagkakaroon ng mga lihim
na kaaway. Pinukol ng kanyang tungkod ng Artilyero ang mga bata. Gumawa siya (ang Tinyente) ng paraan
para tulungan si Don Rafael at sumumpang ito ay marangal na tao. Nang lumaon, ang katwiran ay
nagtagumpay din. Nang si Don Rafael ay malapit ng lumaya dahil sa tapos ng lahat ang mga kasong ibinintang
sa kanya. Ang sapin-saping kahirapan ng kalooban na kanyang dinanas ay hindi nakayanan ng kanyang
pisikal na katawan. Hindi na niya natamasa ang malayang buhay. Sa mismong loob ng bilangguan, nalagutan
ng hininga si Don Rafael. Huminto sa pagsasalaysay ang Tinyente. Inabot nito ang kanyang kamay kay Ibarra
at sinabing si Kapitan Tiyago na lamang ang bahalang magsalaysay ng iba pang pangyayari. Nasa tapat sila
ng kuwartel ng maghiwalay. Sumakay sa kalesa si Ibarra.

Kabanata 5:
Pangarap sa Gabing Madilim

Sakay ng kalesa, dumating si Ibarra sa Fonda de Lala (ito ay isang uri ng panuluyan, na tinutuluyan niya
kapag siya ay nasa Maynila). Kaagad na nagtuloy si Ibarra sa kanyang silid at naupo sa isang silyon. Sa
sinapit ng ama, gulong-gulo ang isip nito. Maya-maya ginala ang paningin sa kalawakan ng himpapawid.
Mula sa bintana, natanaw niya ang isang maliwanag na bahay sa kabila ng ilog. Naririnig niya ang
kalansing ng mga kubyertos at pinggan. Dinig din niya ang tugtugin ng orkestra. Kung nagmasid lamang
ng husto sa bahay na iyon si Ibarra, makikita niya kung sinu-sino ang naroroon. May isang magandang
binibini na nababalot ng manipis na habi,may suot na diyamante at ginto. Sa likuran naman may mga
anghel, pastol at dalagang nag-aalay ng bulaklak. Ang mga umpukan naman ng mga Kastila, Pilipino, pari,
Intsik, militar ay nakatuon lahat sa kagandahan ni Maria Clara. Giliw na giliw silang nakatingin sa dalaga,
maliban sa isang batang Pransiskano na payat at putlain. Iba ang kanyang nadarama. Si Pari Sibyla ay
siyang-siya sa pakikipag-usap sa mga dilag samantalang si Donya Victoria ay matiyagang inaayos ang
buhok ng dalagang hinahangaan ng lahat. Dahil sa pagal ang isip at katawan ni Ibarra sa paglalim ng gabi,
madali siyang nakatulog at nagising kinabukasan na. Ang tanging hindi inabot ng antok ay ang batang
Pransiskano.

Kabanata 6:
Si Kapitan Tiyago

Dahil sa sya ay mayaman, siya ay isang impluwensyadong tao. Ang turing niya sa sarili ay isang tunay
na Kastila at hindi Pilipino. Iisipin na lamang na nasa kanyang silid ang lahat ng mga santo at santong
sinasamba katulad nina Sta. Lucia, San Pascual Bailon, San Antonio de Padua, San Francisco de Asis, San
Antonio Abad, San Miguel, Sto. Dahil sa kanyang pagpupula sa mga Pilipino, sya ay naglilingkod bilang
gobernadorcillo. Nang mamatay ang pari at ama nito, siya`y mag-isang nangalakal. Naging kaibigan din nila
ang pinakamayaman sa buong San Diego - si Don Rafael Ibarra, ang ama ni Crisostomo Ibarra. Dahil sa anim
na taon ng pagsasama sina Tiyago at Pia at hindi nagkaroon ng anak kahit na kung saan-saan sila namanata.
Si Padre Damaso ang nag anak sa binyag at ang anak ni Pia ay pinangalanang Maria Clara bilang pagbibigay
karangalan sa dalawang pintakasi sa Obando, kay Tiya Isabel, pinsan ni Kapitan Tiyago, ang natokang mag-
aruga kay Maria. Lumaki sya sa pagmamahal na inukol ni Tiya Isabel, kanyang ama at mga prayle. Gayunman,
nagkasundo sina Don Rafael at Kapitan Tiyago na maski nagkalayo ang kanilang mga anak.

Kabanata 7:
Suyuan sa Asotea

Tinagubilin ni Kapitan Tiyago si Maria na sa pagkukuha ng kanyang mga damit ay magpaalam na siya
sa mga kaibigan sapagkat hindi na siya babalik sa Beateryo. Nang maulinigan niya ang boses ni Ibarra,
karakang pumasok sa silid si Maria. Tinanong Maria si Ibarra, kung hindi siya nalimutan nito sa pangingibang
bansa dahil sa maraming magagandang dalaga roon. Si Maria man, anya, ay hindi nakakalimot kahit na
pinayuhan siya ng kanyang padre kompesor na limutin na niya si Ibarra. Ang bagay na iyon ay ikinagalak ni
Ibarra, kinuha niya sa kanyang kalupi ang isang papel at ipinakita ang ilang tuyong dahon ng sambong na
nangingitim na. Inilabas naman ni Maria ang isang liham na ibinigay naman sa kanya ni Ibarra bago tumulak
ito patungo sa ibang bansa. Binasa ito ni Maria ng pantay mata upang di makita ang kanyang mukha. Siya
anya ay isang lalaki at kailangan niyang matutuhan ang tungkol sa mga buhay-buhay upang mapaglingkuran
niya ang kanyang sinilangan. Pinagbilinan ni Kapitan Tiyago si Ibarra na pakisabi kay Anding na ayusin nito
ang bahay nila sa San Diego sapagkat magbabakasyon duon ang mag-ale. Sinundan siya ni Kapitan Tiyago at
inutusan na magtulos ng dalawang kandila sa mga manlalakbay na sina San Roque at San Rafael.

Kabanata 8:
Mga Alaala

Ang Kalesang sinasakyan ni Ibarra ay masayang bumabagtas sa isang masayang pook sa Maynila. Ang
kagandahan ng sinag ng araw ay nakakapagpapawi sa kanyang kahapisang nadarama. Sa pagmamasid
niya sa kapaligiran, biglang bumangon sa kanyang nahihimlay na diwa ang isang alaala. Kabilang dito ang
mga kalesa at karumatang hindi tumitigil sa pagbibiyahe, mga taong may ibat-ibang uri ng kasuotan na
katulad ng mga Europeo, Intsik, Pilipino, mga babaing naglalako ng mga bungang-kahoy, mga lalaking
hubad na nagpapasan, mga ponda at restauran at pati ang mga karitong hila ng mga makupad na kalabaw.
Pati ang bilanggong patay sa ilalim ng kariton at malapit sa dalawang bilanggo rin ay kanyang naalala. Sa
patuloy na pagsusuyod ng kanyang tingin, napansin niya na walang ipinagbago ang punong Talisay sa San
Gabriel. Ang Escolta naman sa tingin din niya ay lalong pumangit. Nakita din niya ang mga magagandang
karwahe na ang mga sakay ay mga kawaning inaantok pa sa kanilang mga pagpasok sa mga tanggapan at
pagawaan, mga Tsino at paring walang kibo. Sa mga paring nakasakay sa mga karwahe, namataan niya si
Pari Damaso na nakakunot-noo. Si Kapitan Tinong nuon na kasama ang asawa at dalawang anak na babae
at nakasakay sa ibang karwahe ay binati si Ibarra. Napadaan din siya sa Arroceros (ngayon ay C.M. Recto)
sa bahaging kinalalagyan ng pagawaan ng tabako. Naalala niya na minsan na siyang nahilo dahil sa
masamang amoy ng tabako. Nang madaan siya sa Hardin Butaniko saglit na napawi ang kanyang mga
magagandang gunita. Pumasok sa kanyang isip na ang hardin sa Europa ay nakakaakit at nakapag-
aanyaya sa mga ito upang iyon ay malasin. Itinuon niya ang tingin sa malayo at makita niya ang
matandang Maynila na naliligid ng makakapal at nilumot na mga pader.
Ang pagkakapatingin niya sa Bagumbayan ay nagpabangon sa bilin ng kanyang naging gurong pari bago
siya tumulak sa ibang bansa. Ang bilin ng Pari ay Ang karunungan ay para sa tao, ngunit ito ay natatamo
lamang ng mga may puso lamang. Kailangang pagyamanin ang karunungan upang maisalin ito sa mga
susunod na salin-lahi at ang mga dayuhan ay nagpunta sa Pilipinas upang humanap ng ginto. Kung kaya’t
nararapat lamang na puntahan ang lugar ng mga dayuhan upang kunin naman ni Ibarra ang ginto nila
(mga dayuhan).

Kabanata 9:
Mga Suliranin Tungkol sa Bayan

Ang ganito ay hindi minabuti ng pari, bubulong-bulong na nagtuloy siya sa bahay ni Tiyago. Ikinuwento
ni Pari Sibyla sa paring may-sakit ang tungkol sa naganap na pagkakaalitan nina Pari Damaso at ni Ibarra.
Ang dalawang pari ay nagpalitan ng mga kuru-kuro tungkol sa mayamang binata, kay Maria Clara at kay
Kapitan Tiyago. Bago umalis si Pari Sibyla, naibalita rin niya na ang Tinyente ay hindi rin nagsumbong sa
Kapitan-Heneral at diumano, ito ay nakikiisa pa kay Pari Damaso. Sa kabilang banda naman, natapos na rin
ang masinsinang pag-uusap nina Kapitan Tiyago at Pari Damaso. Sinisi ni Pari Damaso si Kapitan Tiyago dahil
sa hindi nito pagtatapat.

Kabanata 10:
Ang San Diego

Ang San Diego ay isang karaniwang bayan sa Pilipinas na nasa isang baybayin ng isang lawa at may
malalapad na bukirin at palayan. Karamihan sa nakatira rito ay mga magsasaka. Dahil sa kanilang
kamangmangan, ang mga inaaning produkto agrikultura ay naipagbibili nila ng murang-mura sa
Tsino.MMula sa pinakamataas na bahagi ng simboryo ng simbahan, halos natatanaw ang kabuuan ng
bayan. Sa may itaas na bahagi, may kubo na sadyang itinayo. Gayunman, mapapansin sa pagtanaw sa
kabuuan nito ang isang tila pulong gubat na nasa gitna mismo ng kabukiran. Kagaya pa ng ibang bayan sa
Pilipinas, ang San Diego ay mayroong itinatagong alamat. May isa umanong matandang Kastila na
dumating sa bayan. Ito ay matalas magsalita ng Tagalog at nanlalalim ang mga mata. Binili niya ang
buong gubat. Ang mga pinambayad niya ay mga damit, alahas at salapi. Hindi nagtagal ang matanda ay
nawala. Isang araw ang mga nagpapastol ng kalabaw ay nakaamoy ng masangsang na amoy. Hinanap nila
ang pinanggalingan ng amoy at nakita nila ang nabubulok na bangkay ng matanda na nakabitin sa isang
puno ng Baliti. Dahil sa pagkamatay ng matanda, lalo siyang kinatakutan sapagkat nung nabubuhay pa siya,
takot na takot sa kanya ang mga babae sa pagkat bahaw ang tinig nito, paimpit kung tumawa at malalalim
ang mga mata. Sinunog ng ilan ang damit na galing sa matanda at ang mga hiyas naman ay tinapon sa
ilog. Hindi nagtagal, isang batang mistisong Kastila ang dumating at sinabing siya ang anak ng namatay.
Ito ay may pangalang Saturnino. Siya ay masipag at mapusok. Sininop niya ang gubat. Sa kalaunan,
nakapag-asawa siya ng isang babaeng taga-Maynila at nagkaroon ng anak na tinawag niyang Rafael o Don
Rafael, na siyang ama ni Crisostomo. Si Don Rafael ay hindi malupit bagkus siya ay mabait. Ito ang dahilan
kung bakit kinagiliwan siya ng mga magsasaka. Napaunlad niya ang lugar, mula sa pagiging nayon, ito ay
naging bayan. Nagkaroon ng isang kura Indiyo. Pero, nang namatay si Padre Damaso na ang pumalit at
naging kura ng parehong bayan.

Kabanata 11:
Ang mga Makapangyarihan

Ang Kapitan sa bayan ay hindi rin kabilang sa mga tinatawag na casique o makapangyarihan. Ang mga ito ay
sina Pare Bemardo Salvi, isang payat at batang Pransiskano at siyang pumalit kay Padre Damaso. Si Pari Salvi
at ang Alperes at ang kanyang asawa na si Donya Consolacion, isang Pilipina na mahilig maglagay ng mga
kolorete sa mukha. Bagama`t may hidwaan ang Alperes at Pari Salvi kapag sila ay nagkikita ay pareho silang
nagpaplastikan. Ang Alperes at Pari Salvi ang tunay na makapangyarihan sa San Diego.

Kabanata 12:
Araw ng mga Patay

Ang sementeryo ng San Diego ay nasa kalagitnaan ng isang malawak na palayan at may bakod na lumang
pader at kawayan. Lubhang napakakipot ng daang patungo rito. Ito ay maalikabok kung tag-araw at
nagpuputik naman kung tag-ulan. Mayroong isang malaking krus na nasa gitna ng libingan. Ito ay
mayroong nakatungtong na bato at nakatitik ang INRI sa isang kuping lata na niluma na ng panahon.
Masukal ang kabuuan ng libingan. Sa ibang bahagi ng libingan, may dalawang tao ang humuhukay ng
paglilibingan na malapit sa pader na parang babagsak na. Ang isa ay dating sepulturero at ang isa naman
ay parang bago sapagkat hindi siya mapakali, dura ng dura sa lupa at panay ang hitit ng sigarilyo. Sinabi ng
naninigarilyong lalaki sa sepulturero na lumipat na sila ng ibang lugar sapagkat sariwa at dumudugo pa ang
bangkay na kanyang hinuhukay. Hindi niya matagalan ang gayong tanawin. Sumagot ang kausap na siya
raw ay napakaselan at marahil kung siya ang nasa kanyang kalagayan na ipinahukay ang isang bangkay na
may 20 araw pa lang nalilibing sa gitna ng kadiliman ng gabi, kasalukuyang bumubuhos ang malakas na
ulan at namatay ang kanyang ilaw ay lalo siyang mandidiri at kikilabutan ang buong katawan. Ang bangkay
anya ay kailangang pasanin at ilibing sa libingan ng mga Intsik. Gayunman, dahil nga sa malakas ang buhos
ng ulan at kabigatan ng bangkay, minarapat na lamang na itapon niya ito sa lawa. Ito ay dahil sa utos ng
malaking kura na si Padre Garrote.

Kabanata 13:
Mga Unang Banta ng Unos

Dumating si Ibarra sa libingan at hinanap ang puntod ng ama - si Don Rafael. Kasama niya ang isang
matandang utusan niya. Sinabi ng matanda kay Ibarra, na si Kapitan Tiyago ang nagpagawa ng nitso ni
Don Rafael. Ito anya ay tinaniman niya ng mga bulaklak ng Adelpa at Sampaga at nilagyan ng krus. Nakita
nina Ibarra at matanda ang sepulturero. Sinabi nila ang palatandaan ng libingan ni Don Rafael. Tumango
ang tagapaglibing. Pero, nasindak si Ibarra ng ipagtapat ng sepulturero na kanyang sinunog ang krus at
itinapon naman ang bangkay sa lawa dahil sa utos ni Padre Garrote. Higit umanong mabuti na mapatapon
ang bangkay sa lawa kaysa makasama pa ito sa libingan ng mga Intsik. Parang pinagtakluban ng langit at
lupa si Ibarra. Nasindak siya ng husto. Ang matanda naman ay napaiyak sa kanyang narinig. Parang baliw
na nilisan ni Ibarra ang kausap hanggang sa makasalubong niya si Pari Salvi na nakabaston na may
puluhang garing. Kaagad na dinaluhong ni Ibarra si Pari Salvi. Bakas sa mukha ni Ibarra ang nagalalatang
na poot at galit sa dibdib. Nararamdaman iyon ni Pari Salvi. Tinanong ni Ibarra si Pari Salvi kung bakit
nagawa nila ang malaking kalapastangan sa kanyang ama. Sumagot si Pari Salvi na hindi siya ang may
kagagawan niyon kundi si Padre Damaso na tinawag na Padre Garrote.

Kabanata 14:
Si Pilosopo Tasyo

Nang araw na iyon ay dumalaw din siya sa libingan upang hanapin ang puntod ng nasirang asawa. Pero, hindi
niya ito sinunod at sa halip ay nag-asawa na lamang siya. Inukol na lamang ni Tasyo ang sarili sa pagbabasa
ng mga aklat hanggang sa mapabayaan niya ang kanyang mga minanang kayamanan. Bagamat nang hapong
iyon mayroong babala na darating ang unos sapagkat matatalim na kidlat ang gumuguhit sa nagdidilim na
langit, masaya pa rin ang hitsura ni Pilosopo Tasyo.

Tinanong siya kung bakit, diretso ang sagot niya: Ang pagdating ng bagyo ang tangi kong pag-asa sapagka`t
ito ang magdadala ng mga lintik na siyang papatay sa mga tao at susunog sa mga kabahayan. Iniwanan ni
Tasyo ang kausap at nagtuloy ito sa simbahan. Sinabi ni Tasyo na hindi siya naniniwala sa purgatoryo. Siyang-
siya si Pilosopo Tasyo sa gayong pangyayari sapagkat nakataas pa ang kanyang dalawang kamay at
nagsisigaw habang naglalakad papalayo sa mag-asawa.

Kabanata 15:
Ang mga Sakristan

Sinabi ni Crispin kay Basilio na kung kasama sila ni Sisa. At kung malalaman ni Sisa na siya ay pinapalo, tiyak
hindi papayag ang kanilang ina. Pero, hindi pumayag si Basilio sapagkat walang kakainin ang kanilang ina.
Dahil dito, nasabi ni Crispin na mabuti pa ngang magnanakaw na siya sapagkat maililitaw niya ito. Nag-aalala
pa si Basilio na kapag nalaman ng kanilang ina napagbintangang nagnakaw si Crispin, tiyak na magagalit ito.
Pero, sinabi ni Crispin na hindi maniniwala ang kanilang ina sapagkat ipakikita niya ang maraming latay na
likha ng pagpalo ng Kura at ang bulsa niyang butas-butas na walang laman kundi isang kuwalta na aginaldo
pa niya noong Pasko, na kinuha pa sa kanya ng hidhid na Kura. Sinabi niya kay Basilio na ito ay kanyang
minumultahan dahil sa hindi tamang pagtugtog ng kampana. Kapagdaka, si Crispin naman ang hinarap at
sinabing hindi ito makakauwi hanggang hindi niya inilalabas ang dalawang onsa na binibintang sa kanya.
Makikiusap pa sana si Basilio, pero biglang sinambilat ng sakristan mayor si Crispin sa bisig at kinaladkad na
papanaog sa hagdanan hanggang sa sila ay lamunin sa dilim.
Kabanata 16:
Si Sisa
Ang kadiliman ay nakalatag na sa buong santinakpan. Mahimbing na natutulog ang mga taga-San Diego
pagkatapos na makapag-ukol ng dalangin sa kanilang mga yumaong mga kamag-anak. Pero, si Sisa ay
gising. Siya ay nakatira sa isang maliit na dampa na sa labas ng bayan. May isang oras din bago narating
ang kanyang tirahan mula sa kabayanan. Kapuspalad si Sisa sapagkat nakapag-asawa siya ng lalaking
iresponsable, walang pakialam sa buhay, sugarol at palaboy sa lansangan. Hindi niya asikaso ang mga
anak, tanging si Sisa lamang ang kumakalinga kay Basilio at Crispin. Dahil sa kapabayaan ng kanyang
asawa, naipagbili ni Sisa ang ilan sa mga natipong hiyas o alahas nito nuong sila siya ay dalaga pa. Sobra
ang kanyang pagkamartir at hina ng loob. Sa madalang na pag-uwi ng kanyang asawa, nakakatikim pa siya
ng sakit ng katawan. Nananakit ang lalaki. Gayunman, para kay Sisa ang lalaki ay ang kanyang bathala at
ang kanyang mga anak ay anghel. Nang gabing iyon, abala siya sa pagdating nina Basilio at Crispin.
Mayroong tuyong Tawilis at namitas ng kamatis sa kanilang bakuran na siyang ihahain niya kay Crispin.
Tapang baboy-damo at isang hita ng patong bundok o dumara na hiningi niya kay Pilosopo Tasyo ang
inihain niya kay Basilio. Higit sa lahat, nagsaing siya ng puting bigas na sadyang inani niya sa bukid. Ang
ganitong hapunan ay tunay na pangkura, na gaya ng sinabi ni Pilosopo Tasyo kina Basilio at Crispin ng
puntahan niya ang mga ito sa simbahan. Luhaang nagsaing siyang muli at inihaw ang nalalabing daing na
tuyo sapagkat naalala niyang darating na gutom ang kanyang mga anak. Hindi na siya napakali sa
paghihintay. Upang maaliw sa sarili, di lang iisang beses siya umawit nang mahina. Saglit na tinigil niya ang
pagaawit ng kundiman at pinukulan niya ng tingin ang kadilimang bumabalot sa kapaligiran. Nagkaroon
siya ng malungkot na pangitain. Kasalukuyan siyang dumadalangin sa Mahal na Birhen, nang gulantangin
siya ng malakas na tawag ni Basilio mula sa labas ng bahay.

Kabanata 17:
Si Basilio
Napatigagal si Sisa nang dumating si Basiliong sugatan ang ulo. Dumadaloy ang masaganang dugo.
Ipinagtapat ni Basilio ang dahilan ng kanyang pagkakasugat. Siya ay hinabol ng mga guwardiya sibil at
pinahihinto sa paglakad. Pero siya ay kumaripas ng takbo sapagkat nangangamba siyang kapag nahuli siya
ay parurusahan siya at paglilinisin sa kuwartel. Dahil sa hindi niya paghinto siya ay binaril. Dinaplisan siya
ng punglo sa ulo. Sinabi din niya sa ina na naiwan niya sa kumbento si Crispin. Nakahinga ng maluwag si
Sisa. Ipinakiusap ni Basilio sa ina, na huwag sabihin kanino man ang dahilan ng kanyang pagkakasugat sa
ulo. At sa halip ay sabihin na lamang na nahulog siya sa puno. Tinanong ni Sisa kung bakit naiwan si
Crispin. Sinabi ni Basilio na napagbintangan na nagnakaw ng dalawang onsa si Crispin. Hindi niya sinabi
ang parusang natikman ng kapatid sa kamay ng Sakristan Mayor. Napaluha si Sisa dahil sa awa sa anak.
Sinabing ang mga dukhang katulad lamang nila ang nagpapasan ng maraming hirap sa buhay. Hindi
nakatikim ng pagkain si Basilio. Kaagad na sinayasat ng ang ina nang malaman na dumating ang ama.
Alam niyang pagdumarating ang ama tumitikim ng bugbog ang ina nito. Nabanggit ni Basilio na higit na
magiging mabuti ang kanilang kalagayan, kung silang tatlo na lamang. Hitsa puwera ang ama. Ito ay
pinagdamdam ni Sisa.
Sa pagtulog ni Basilio siya ay binangungot. Sa panaginip niya, nakita niya ang kapatid na si Crispin ay
pinalo ng yantok ng kura at sakristan major hangang sa ito ay panawan ng malay tao. Dahil sa kanyang
malakas na pag-ungol, siya ay ginising ni Sisa. Tinanong ni Sisa kung ano ang napanaginipan nito. Hindi
sinabi ni Basilio ang dahilan at sa halip , kanyang sinabi kung ano ang balak nito sa kanilang pamumuhay.
Ang kaniyang balak ay ihihinto na silang magkakapatid sa pagsasakristan at ipapakaon niya si Crispin
kinabukasan din, hihilingin niya kay Ibarra na kunin siyang pastol ng kanyang baka at kalabaw at kung
malaki-laki na siya, hihilingin niya kay Ibarra na bigyan siya ng kapirasong lupa na masasaka. Si Crispin ay
mag-aaral kay Pilosopo Tasyo at si Sisa ay titigil na sa paglalamay ng mga tinatahing mga damit. Sa lahat
ng sinasabi ni Basilio, si Sisa ay nasisiyahan. Ngunit lihim na napaluha ito sapagkat hindi isinama ng anak
sa kanyang mga balak ang kanilang ama.

Kabanata 18:
Mga Kaluluwang Naghihirap
Napuna ng mga manang na matamlay at tila may-sakit si Pari Salvi ng magmisa kinabukasan. Naruon sa
kumbento ang mga manang at manong upang isangguni sa kura kung sino ang pipiliin niyang magsermon
sa kapistahan ng bayan. Si Pari Damaso ba? Pari Martin o ang coordinator? Sa kanilang paghihintay,
naging paksa sa kanilang usapan ang tungkol sa pagkakaroon ng ‘indulhensiya plenarya,’ na siyang tanging
kailangan ng mga kaluluwang nagdurusa sa purgatoryo upang mahango roon. Ang isang karaniwang
indulhensiya sa kanilang pagkaalam ay katumbas na ng mahigit na 1,000 taong pagdurusa sa purgatoryo.
Ang mga manang na nag-uusap ay pinangungunahan ng isang batang-batang balo, Manang Rufa at
Manang Juana. Dahil sa kanilang kaabalahan sa pag-uusap, hindi nila napansin ang pagdating ni Sisa. Siya
ay mayroong sunong na bakol na puno ng sariwang gulay na pinitas niya sa kanyang halamanan. Mayroon
din siyang halamang dagat na katulad ng pako, na paboritong gawing salad ng Kura. Suot niya ang
kanyang pinakamagandang damit. Tulog pa si Basilio ng umalis siya sa kanilang dampa. Dumiretso si Sisa
sa kusina ng kumbento. Inaasahan niya na marinig ang tinig ni Crispin. Ngunit hindi niya ito marinig.
Binati niya ang mga sakristan at kawasi sa kumbento. Hindi siya napansin ng mga ito. Kung kaya’t siya na
mismo ang nag-ayos sa mga dala niyang gulay sa isang hapag. Nakiusap si Sisa sa tagapagluto kung maari
niyang makausap ang Pari. Pero, sinabi sa kanyang hindi sapagkat may sakit ito. Tinanong niya ang
tagapagluto, kung nasaan si Crispin. Ang sagot sa kanyang tanong ay parang bombang sumabog sa
kanyang pandinig: Si Crispin ay nagtanan din pagkatapos na makapagnakaw ng dalawang onsa at ng
pagkawala ng makapatid. Naipagbigay alam na ng alila sa utos ng kura ang pangyayari sa kwartel. Ang
mga guwardiya sibil ay maaring nasa dampa na nina Sisa upang hulihin ang magkapatid, pagdiin pa ng
alila. Nangatal si Sisa. Naumid ang labi. Mabilis na tinakpan ang kanyang dalawang tainga nang
paratangan siya ng alila na isang inang walang turong mabuti sa mga anak dahil nagmana ito sa ama.

Kabanata 19:
Mga Suliranin ng Isang Guro
Kahit na dumaan ang malakas na bagyo,ang lawa ay hindi gaanong nabagabag. Palibhasa ito ay
napapaligiran ng mga bundok. Sa tabi ng lawa, nag-uusap sina Ibarra at ang binatang guro. Itinuro ng
guro kay Ibarra kung saang panig ng lawa itinapon ang labi ni Don Rafael. Sang –ayon sa kanya, kasama si
Tenyente Gueverra nuong itinapon ang bangkay. Wala siyang tanging magawa nuon kundi makipaglibing.
Malaki ring problema anya, ang kawalan ng pagtutulungan ng mga magulang at mga taong nasa
pamahalaan. Lumilitaw na hindi ang lahat ng mga pangangailangan ng mga batang nag-aaral na katulad
ng mga libro na karaniwang nasusulat sa wikang Kastila at ang pagmememorya ng mga bata sa mga
nilalaman nito. Dahil din sa kakulangan ng mga bahay-paaralan, ang klase ay ginaganap sa silong ng
kumbento sa tabi ng karwahe ng Kura. Nasanay ang mga bata na bumasa ng malakas. Ito ay
nakakabulabog sa kura, kaya nakakatikim ng sigaw, at mura ang mga bata at guro. Nabanggit din ng guro
kay Ibarra na dahil sa pagbabagong kanyang ginawa, madaling natutuhan ng mga mag-aaral ang wikang
Kastila. Pero siya ay nilait ni Pari Damaso sa pagsasabing ang wikang Kastila ay hindi nababagay sa katulad
niyang mangmang. Ang kailangan lamang niyang matutuhan ay Tagalog. Ipinaris pa siya ni Pari Damaso
kay Maestro Circuela, isang guro na di marunong bumasa ngunit nagtayo ng eskwela at nagturo ng pagbasa
sa kanyang mga estudyante. Labag man sa kanyang kalooban, wala siyang magawa kundi sumunod kay
Pari Damaso. Pero, nag-aral din ang guro ng wikang kastila para sa kanyang pansariling interes. Sobra ang
pakialam ni Pari Damaso sa guro. Nang huminto ang guro sa paggamit ng pamalo sa pagtuturo, siya ay
ipinatawag ng kura upang ipabalik sa kanya ang pagagmit ng pamalo saspagkat mabisa ito sa pagtuturo.
Tumututol man sa kanyang kalooban, sumunod din siya saspagkat mismong mga magulang ay napahinuhod
ni Pari Damaso na ibalik ang pamalo sa pagtuturo. Dahil sa naging sukal sa kalooban ang pagtuturo,
nagkasakit ang guro. Nang ito ay gumaling at bumalik sa serbisyo, kakarampot na lamang ang kanyang
tinuturuan. Sa kanyang pagbabalik, nagkaroon ng bagong Kura. Hindi na si Pari Damaso. Nabuhayan siay
ng pag-asa. Sinikap niyang isalin sa wikang Tagalog ang mga aklat na nasusulat sa wikang Kastila.

Kabanata 20:
Ang Pulong sa Tribunal

Ang tribunal ay isang malaking bulwagan na siyang pinagtitipunan at lugar na pulungan ng mga may
kapangyarihang mga tao sa bayan. Nang dumating sina Ibarra at ang guro, nagsissimula na ang
pagpupulong. May dalawang pangkat na nakapaligid sa mesa. Ito ay binuo ng dalawang lapian sa bayan.
Ang conserbador ay pangkat ng mga matatanda. Ang isa naman ay pangkat ng mga liberal na binubuo ng
mga kabataan. Ito ay pinamumunuan ni Don Felipo. Pinagtatalunan nila ang tungkol sa pagdaraos ng pista
ng San Diego. May labing isang araw na lamang ang nalalabi at pista na. Tinuligsa ni Don Felipo ang
Tinyente Mayor at Kapitan dahil malabo pa ang mga paghahanda sa piyesta. Kung saan-saan napunta ang
kanilang pulong. Nagsalita pa si Kapitan Basilyo,isang mayaman na nakalaban ni Don Rafael. Walang
binesa at walang kawawaan ang talumpati niya. Dahil dito,isinahapag ni Don Felipo ang isang mungkahi at
talaan ng mga gastos. Ang mungkahi niya ay magtayo ng isang malaking tanghalan sa liwasang bayan at
magtanghal ng komedya sa loob ng isang linggong singkad. Ang dulaan ay nagkakahalaga ng P160.00
samantalang ang komedya ay P1,400 na tig-P200 bawat gabi. Kailangan din ang mga paputok na
paglalaanan ng P1,000. Binatikos si Don Felipo sa kanyang mga mungkahi, kung kaya’t iniatras niya ang
mga ito.

Sumunod na nagpananukala naman ay ang Kabesa na siyang puno ng mga matatanda. Ang kanyang
mungkahi (1) tipirin ang pagdiriwang (2) walang paputok (3) ang magpapalabas ng komedya ay taga San
Diego at ang paksa ay sariling ugali upang maalis ang mga masamang ugali at kapintasan. Nawalang saysay
din ang panukala ng Kabesa sapagkat ipinahayag ng Kapitan na tapos na ang pasya ng Kura na tungkol sa
pista. Ang pasya ng Kura ay ang pagdaraos ng anim na prusisyon, tatlong sermon, tatlong misa mayor at
komedya sa Tundo. Ito ang gusto ng Kura, kaya sumang-ayon na lamang ang dalawang pangkat.
Nagpaalam si Ibarra sa guro at ipinaalam na siya’y pupunta sa ulumbayan ng lalawigan upang lakarin ang
isang mahalagang bagay.

Kabanata 21:
Mga Pagdurusa ni Sisa
Lito ang isip na tumatakbong pauwi si Sisa. Matindi ang bumabagabag sa kanyang isip, ang katotohanang
sinabi sa kanya ng kawaksi ng Kura. Para siyang tatakasan ng sariling bait sa pag-iisip kung paano
maiililigtas sina Basilio at Crispin sa kamay ng mga Sibil. Tumindi ang sikdo ng kanyang dibdib nang
papalapit na siya sa kanyang bahay ay natanaw na niya nag dalawang Sibil na papaalis na. Saglit na
nawala ang kaba sa kanyang dibdib. Hindi kasama ng mga sibil ang isa man sa kanyang anak.

Gayunman, sa sumunod na sandali, muling sinakmal ng matinding pangamba si Sisa. Nang makasalubong
niya ang dalawang Sibil. Pilit na tinatanong siya kung saan niya diumano itinago ang dalawang onsang
ninakaw ng kanyang anak. Pilit na pinaamin din siya tungkol sa paratang ng Kura. Kahit na
magmamakaawa si Sisa, hindi rin pinakinggan ang kanyang pangangatwiran. Hindi siya pinaniwalaan ng
mga Sibil. At sa halip pakaladkad na sinama siya sa kuwartel. Muling nagsumamo si Sisa, pero mistulang
bingi ang kanyang mga kausap. Ipinakiusap ni Sisa na payagan siyang mauna ng ilang hakbang sa nga
Sibil habang sila ay naglalakad patungong kuwartel kapag sila ay nasa kabayanan na. Sa bawat paglipas ng
sandali, nadagdagan ang kasiphayuan ni Sisa. Magtatanghali, nabagbag ang damdamin ng Alperes. Iniutos
na palayain na si Sisa. Ngunit hinang hina na siya. May dalawang oras din siyang nakabalandra sa isang
sulok. Painot-inot na naglakad si Sisa hanggang sa muli siyang makarating sa kanyang bahay. Dagling
umakyat siya sa kabahayan . Tinawag ang pangalan ng mga anak. Paulit-ulit, parang sirang plaka. Ngunit
hindi niya ito makita, kahit na panhik panaog ang ginawa niya. Tinungo niya ang gulod ,at sa may gilid ng
bangin. Wala ang kanyang hinahanap. Patakbo siyang bumalik sa bahay. Natapunan niya ng pansin, ang
isang pilas ng damit ni Basilio na may bahid ng dugo. Hawak ang damit, pumanaog siya ng bahay at
tiningnan sa sikat ng araw ang pilas ng damit na nababahiran ng dugo. Nilulukob ng matinding nerbiyos
ang buong katawan. Ano na nag nangyari sa kanyang mga anak. Hindi madulumat ang nararamdaman
niyang kasiphayuan. Kinabukasan, nagpalaboy-laboy sa lansangan si Sisa. Ang malakas na pag-iyak,
hagulgol at pagsigaw ay nagsasalit at kung minsan ay magkasabay na ipinakita ang kanyang kaanyuan.
Lahat ng mga taong nakakasalubong niya ay nahihintakutan sa kanya.

Kabanata 22:
Liwanag at Dilim
Magkasamang dumating si Maria at ang kanyang Tiya Isabel sa San Diego para sa pistang darating. Naging
bukambibig ang pagdating ni Maria sapagkat matagal na siyang hindi nakakauwi sa bayang sinilangan. Isa
pa, minamahal siya ng mga kababayan dahil sa kagandahang ugali, kayumian at kagandahan. Labis na
kinagigiliwan siya. Sa mga taga San Diego, ang isa sa kinapapansinan ng malaking pagbabago sa kanyang
ikinikilos ay si Padre Salvi. Ipinakiusap ni Maria sa kasintahan na huwag nang isama ang Kura sa lakad nila
sapagkat magmula ng dumating siya sa bayan nilulukob siya ng pagkatakot sa tuwing makakaharap niya
ang Kura. Malagkit kung tumingin ang kura kay Maria at mayroong ibig ipahiwatig ang mga titig nito. Kung
kaya, tuwirang hihingi ni Maria kay Ibarra na huwag ng isama sa pangingisda si Padre Salvi. Pero, sinabi ni
Ibarra na hindi niya mapagbibigyan ang kahilingan ni Maria sapagkat yaon ay lihis sa kagandahang-asal at
kaugalian ng mga taga- San Diego. Naputol ang kanilang pag-uusap ng biglang dumating si Padre Salvi.
Humingi ng paumanhin si Maria sa dalawa at iniwanan ang mga ito sa pagsasabing masakit ang kanyang-
ulo. Inanyayahan ni Ibarra si Padre Salvi na sumama sa kanilang piknik. Inaasahan iyon ng Kura, kaya na
kaagad na tinanggap niya ang paanyaya. Laganap na ang dilim ng magpaalam si Ibarra na uuwi na. Sa
daan, nakasalubong niya ang isang lalaki na dalawang araw ng naghahanap sa kanya. Hiningi ng lalaking
nakasalubong ni Ibarra ang tulong nito tungkol sa kanyang problema sa asawa at mga anak. At sabay na
nawala sa pusikit na dilim sina Ibarra at ang lalaki.

Kabanata 23:
Ang Piknik
Madilim–dilim pa nagsigayak na ang mga na ang mga kabataan,kadalagahan at ilang matatandang babae
na patungo sa dalawang bangkay nakahinto sa pasigan. Ang mga kawaksing babae ay mayroong sunung-
sunong na mga bakol na kinalalagyan ng mga pagkain at pinggan. Ang mga bangka ay nagagayakan ng
mga bulaklak, mga iba’t-ibang kulay na kagaya ng gitara, alpa, akurdiyon at tambuli. Si Maria Clara ay
kaagapay ang mga matatalik nitong kaibigan na sina Iday, Victorina, Sinang at Neneng. Habang naglalakad
masaya silang nagkukuwentuhan at nagbibiruan. Paminsan-minsan ay binabawalan sila ng mga
matatandang babae sa pangunguna ni Tiya Isabel. Pero, sige pa rin ang kanilang kuwentuhan. Nagtig-
isang bangka ang mga dalaga sapagkat lulubog daw ang kanilang sinasakyan. Dahil dito,mabilis na lumipat
ang ilang kabinataan sa bangkang sinasakyan ng mga dalagang kanilang pinipintuho. Si Ibarra ay napatabi
kay Maria. Si Albino ay kay Victoria. Natameme sa pagkakagulo ang mga dalaga . Ang piloto o ang
sumasagwan sa dalawang bangkang para umusad sa tubig ay isang binatang may matikas na anyo,
matipuno ang pangangatawan, maitim, mahaba ang buhok at siksik sa laman. Ito ay si Elias. Habang
hinihintay na maluto ang agahan, si Maria ay umawit ng Kundiman. Balana ay hindi nakaimik. Sinabi ni
Andeng na nakahanda na ang sabaw para sa isisigang na isda. Ang mga nagpipiknik ay nasa may baklad na
ni Kapitan Tiyago. Ang magbibinatang anak ng isang mangingisda ay namandaw sa baklad. Ngunit, kaliskis
man ng isda ay walang nasalok. Si Leon na katipan ni Iday ang kumuha ng panalok. Isinalok ito. Ngunit,
wala ring nahuling isda. Sinabi na ang kawalan ng isda sa lawa ay dahil sa buwaya. Agad na lumundag si
Elias. Sigawan ang mga babae na baka mapahamak ito. Pero, pinayapa sila ng ilang mga kalalakihan sa
pagsasabing sanay si Elias na humuli ng buwaya. Ilang saglit lang, nahuli na ni Elias ang buwaya. Pero higit
na malakas ang buwaya, nagagapi si Elias. Dahil dito, kumuha ng isang punyal si Ibarra at lumundag din sa
lawa. Hindi hinimatay si Maria Clara sapagkat ang mga ‘dalaga noon ay hindi marunong mahimatay.’

Kabanata 24:
Sa Kagubatan
Pagkatapos na makapagmisa ng maaga si Pari Salvi, nagtuloy ito sa kumbento upang kumain ng almusal.
May inabot na sulat ang kanyang kawaksi. Binasa niya ito. Kapagdaka’y nilamutak ang liham at hindi na
nag-almusal. Ipinahanda niya ang kanyang kaerwahe at nagpahatid sa piknikan. Sa may di–kalayuan,
pinahinto niya ang karwahe. Pinabalik niya sa kumbento . Namaybay siya sa mga latian hanggang sa
maulinigan niya si Maria na naghahanap ng pugad ng gansa. Naniniwala ang mga dalaga na sinuman ang
makakita ng pugad upang masundan niya at makita parati si Ibarra nang hindi siya makikita Namagitan na
si Ibarra sapagkat magpapangana na ang dalawa. Sinabi niya sa mga kaharap na siya na ang kukupkup
kay Sisa. Kadagdaka’y nakiumpok na si Ibarra sa mga nagsisipaglarong biinata at dalaga na naglalaro ng
Gulong ng Kapalaran. Nagtanong si Ibarra kung magtatagumpay siya sa kanyang balak. Inihagis niya ang
dais at binasa siya ang sagot na tumama sa: Ang pangarap ay nanatiling pangarap lamang. Ipinihayag
niyang nagsisinungaling ang aklat ng Gulong ng Kapalaran. Mula sa kanyang bulsa, inilabaas niya ang isang
kapirasong sulat na nagsasaad na pinatibay na ang kanyang balak na magtayo ng bahay-paaralan. Hinati ni
Ibarra ang sulat, ang kalahati ay ibinigay kay Maria at ang natitirang kalahati ay kay Sinang na nagtamo ng
pinakamasamang sagot sa kanilang paglalaro. At iniwanan na ni Ibarra sa paglalaro ang mga kaibigan.
Dumating si Pari Salvi. Walang sabi-sabing hinablot ang aklat at pinagpunit-punit ito. Malaking kasalanan,
anya ang maniwala sa aklat sapagkat ang mga nilalaman nito’y pawang kasinungalingan. Nabanas si Albino
at sinabihan ang Kura na higit na malaking kasalanan ang pangahasan ang hindi kanya at walang pahintulot
sa pagmamay-ari nito. Hindi na tumugon ang Kura at sa halip ay biglang tinalikuran ang magkakaibigan at
nagbalik na ito sa kumbento. Dumating naman ang apat na Sibil at ang Sarhento. Hinahanap nila si Elias na
siya umanong tumampalasan kay Padre Damaso. Inusig nila si Ibarra dahil sa pag-aanyaya at pagkupkop
sa masamang tao. Pero, tinugon sila ni Ibarra sa pagsasabing walang sinuman ang maaring makialam sa
mga taong kanyang inaanyayahan sa piging kahit na sinuman ang mga taong ito. Ginagulad ng mga Sibil
at Sarhento ang gubat upang hanapin si Elias na umano’y nagtapon din sa labak sa Alperes. Ni bakas ni
Elias ay wala silang nakita.

Kabanata 25:
Sa Tahanan ng Pilosopo
Pinigilan si Ibarra, sinabi ni Mang Tasyo na ang sinusulat niya ay hindi mauunawaan ngayon. Ipinalagay ni
Ibarra na siya ay dayuhan sa sariling bayan at higit namang kilala si Mang Tasyo ng mga tao. Pero, sinabi ng
matanda na huwag siyang sangguniin sapagkat itinuturing siyang baliw ni Ibarra, at sa halip ay kanyang
itunuro sa binata ang Kura, ang Kapitan ng bayan at ang lahat ng mayayaman sa bayan. Ayon pa rin sa
kanya, ang mga taong kanyang tinutukoy ay magbibigay ng masasamang payo subalit ang pagsangguni ay
hindi nangangahulugan ng pagsunod. Tinugon ni Ibarra si Mang Tasyo na maganda ang kanyang payo pero
mahirap gawin sapagkat kinakailangan pa bang bihisan ng kasinungalingan ang isang katotohanan. Maagap na
tumugon din ang matanda na higit pa sa pamahalaan, ang kapangyarihan ng isang uldog, nagtagumpay
lamang ang binata kung ito ay tutulungan at kung hindi naman, ang lahat ng kanyang mga pangarap ay
madudurog lamang sa matitgas na pader ng simbahan. Pero, sinabi naman ni Mang Tasyo na pipi ang bayan
kaya hindi dumaraing. Ikinatwiran naman ng matanda na tunay na mainam ang mga balak sa itaas ngunit
hindi natutupad sa ibaba dahil sa kasakiman sa yaman at sa kamangmangan ng bayan. Ang payo ng matanda
ay kailangang magyuko muna si Ibarra ng ulo sa mga naghari-harian. Hindi naatim ni Ibarra ang payo ng
matanda at sa halip ay sunod-sunod na tanong ang kanyang pinakawalan: (1)Kailangan bang magyuko at
mapanganyaya? Sa sinabing ito ni Ibarra, inimungkahi ng matanda na habang buhay sa alaala ng binata ang
sinapit ng kanyang ama ay limutin muna niya ang tungkol sa kanyang balak na papapatayo ng paaralan.
Naunawaan ni Ibarra ang payo ng matanda, pero kailangang gawin niya abang naipangakong handog sa
kasintahang si Maria. ang puno ay itinanim niya ito ng malaki ay hindi mabubuhay sapagkat ibubuwal ng
hangin. Binigyan diin ni Mang Tasyo na hindi man magtatagumpay si Ibarra, ito ay maroon ding mapapala
sapagkat tiyak na may lalabas na bagong pananim mula sa mga itinanim nito. Kinamayan ni Ibarra si Mang
Tasyo at sinabing kakausapin niya ang Kura na marahil ay hindi naman kasingtulad

Kabanata 26:
Ang Bisperas ng Pista
Ika-10 ng Nobyembre angn bisperas ng pista sa bayan ng San Diego. Naging masigla sa paghahanda ang
kilusan sa lahat ng dako. Ang mga bintana ng bahay ay napapalamutian ng iba’t-ibang dekorasyon. May
nagpapaputok ng kuwitis at may nagtutugtugan ng mga banda ng musiko. Sa bahay ng mga nakakariwasa,
nakaayos ang minatamis na bungang kahoy, may nakahandang pagkain, alka na binili pa sa Maynila na
katulad ng hamon at ng relyenong pabo, serbesa, tsanpan at iba pang klase ng alak na inangkat pa mula sa
Europa. Ang mga pagkain ganito ay inuukol sa mga banyaga, kaibigan o kaaway, at sa mga Pilipino, ahirap
man o mayaman upang masiyahan sila sa pista. Ang mga ilawang globong kristal na minana pa sa kanilang
mga kanununuan ay inilalabas din kabilang na ang kanyong binurdahan ng mga dalaga, belong ginansilyo,
alpombra, bulaklak na gawang kamay, banehang pilak na lalagyan ng tabako, sigarilyo, hitso at nganga.
Dahil sa sobrang kintab ng sahig ay pwedeng nang makapanalamin. Puno ng kurtinang sutla ang mga pinto
at at pati ang mga santo at imahen ay nagagayakan din. Ang mga masasayang lugar ng San Diego ay
tinayuan ng arkong kawayan. Naglagay naman ng malaking tolda at mayroong tukod sa may paligid ng
patyo ng simbahan. Ang tolda ay mayroong tukod na kawayan upang makadaan ang prusisyon. Sa
liwasang bayan naman ay itinayo ang magandang tanghalan siyang pagdarausan ng komedya ng mga taga-
Tundo. Madalas na tinutogtug ang kampana kasunod ang mga putok ng mgha kuwitis at bomba. Lahat-
lahat ay mayroong limang banda ng musiko at tatlong orkestra ang inihanda sa para sa pagdiriwang ng
pista. Sina Kapitan Tiyago at Kapitan Juaquin na may dalawang 18,000, ang intsik na si Carlos na siyang
naglalagay sa sugal na liam-po at mga mamamayan buhat pa sa Lipa, Tanauan, Batangas at Sta. Cruz ang
inaasahang na darating. Batay sa mga balita, si Padre Damaso ang magsesermon sa umaga at magiging
bangkero naman pagdating ng gabi. Ang mag magbubukid at taga bundok ay naghahanda ng manok,
baboy, bungangkahoy at mga gulay na dadalhin sa mayayamang may-ari na kanilang sinasaka. Sa isang
lugar naman na malapit sa bahay ni Ibarra, tinatapos ng mga trabahador ang katangang semento na siyang
pagtatayuan ng bahay paaralan. Si Nol Juan, ang nangangasiwa sa mga manggagawa. Habang abala ang
mga manggagawa, ipinaliliwanag ni Juan ang kanilang itatayo ay isang malaking paaralan. Ang isang panig
ay para sa mga lalaki at ang ikalawa naman ay para sa mga babae. Ang paaralan ay magiging kauri ng
mga modernong paaralan sa Alemenya. Batay sa planong ginawa ni Ginoong A, na siyang arkitekto ,ang
tagiliran ng eskwela ay tatamnan ng maraming puno at gulay, magkakaroon ng bodega at piitan para sa
mga batang tamad na mag-aral.

Kabanata 27:
Sa Pagtakip-Silim
Sa lahat ng may handaan sa pista ng San Diego, isa kay Kapitan Tiyago ang pinakamalaki. Sinadya niyang
higtan sa dami ng handa ang mga taga lalawigan dahil kay Maria at Ibarra na kanyang mamanugangin.
Dahil si Ibarra ay pinuri pa ng isang tanyag na diyaryo sa Maynila sa pagsasabing siya ay bihasa at
mayamang kapitalista, Kastilang-Pilipino at iba pa. Ang pagkikita nina Kapitan Tiyago at Ibarra. May mga
ilang kaibigang dalaga si Maria na kinumbidang mamasyal si Ibarra. Humingi ng pahintulot si Maria sa ama
nito at siya ay pinahintulutan naman. Gayunman, nagbilin ang ama na kailangang umuwi bago
maghapunan si Maria sapagkat darating si Padre Damaso. Mahigpit na inanyayahan naman ni Kapitan
Tiyago si Ibarra na sa kanilang tahanan na siya maghapunan. Pero, nagdahilan si Ibarra na mayroon
siyang hinihintay na bisita. Pumanaog na ng bahay si Ibarra kasunod ang mga dalaga. Si Maria ay
napagitna kina Iday at Victoria at naglalakad siyang kasunod si Tiya Isabel. Siyang-siya si Maria sapagkat
nakadama siya ng kalayaan sa labas ng kumbento. Ang mga naglalakad ay napatapat sa bahay ni Sinang.
Nanaog kaagad ito at sila ay inimbitang pumanhik muna. May bumati kay Ibarra at pinuri naman si Maria.
Nakita ni Ibarra si Kapitan Basilio, na naging kaibigan at tagapagtanggol niya na sumama ito sa kanya
kinagabihan. Sinabi niyang maglalagay ng isang munting bangka sa monte si Padre Damaso. Napangiti
lamang si Ibarra. Hindi masigurado kung ano ang ipinahihiwatig ng ngiting yaon, kung oo, o hindi.
Nakarating sila sa liwasang bayan. Nakita nila ang isang ketongin na nakasalakot at umaawit sa saliw ng
kanyang gitara. Pinandidirihan at nilalayuan siya ng mga tao sapagkat natatakot silang mahawa ng sakit
nito. Ang ketongin ay pinarusahan ng maraming palo dahil lamang sa pagliligtas niya sa isang nahulog sa
mababaw na kanal. Pagkakita ni Maria sa ketongin, sinagilahan siya ng pagkahabag. Kinuha ni Maria ang
suot na agnos at nilagay sa bakol ng ketongin, sa pagtataka ng kanyang mga kasama. Kinuha ng ketongin
ang agnos sa bakol at ito ay kanyang hinagkan. Sumunod ay lumuhod ito sa sa may harap ni Maria at
isinubsob ang ulo at hinagkan ang mga bakas ng yapak ni Maria. Nagtakip ng mukha si Maria at pinahid ng
panyo ang lubhang namamalisbis sa mukha. Kamukat- mukat ay biglang lumapit ang baliw na si Sisa at
hinawakan sa bisig ang ketongin. Ipinatanaw ni Sisa sa ketongin ang ilaw sa kampanaryo at sinabing
naruroon ang anak niyang si Basilio na bumababa sa lubid. Itinuro rin niya ang ilaw sa kumbento at
sinabing nandoroon naman ang anak niyang si Crispin. Binitiwan ni Sisa ang ketongin at umalis na
kumakanta. Umalis na rin ang ketongin na dala ang bakol. Sa gayong pangyayari, naibulong na lamang ni
Maria na mayroon palang mga taong kulang-palad.

Kabanata 28:
Sulatan
Inilathala sa isang malaganap na pahayagan sa Maynila ang tungkol sa pista. Ginawa ito upang malaman
ng banyaga na interesadong mabatid ang mga pamamaraan ng pagdaraos ng pista ng mga Pilipino.
Nakasaad sa dyaryo na walang makakatulad sa karangyaan ng pista ng pinangangasiwaaan ng mga paring
Pransiskano, pagdalo ni Padre Hermando Sybila, mga kakilala at mamamayang Kastila at ginoo ng gabinete,
Batangas at Maynila. Kabilang din sa balita ang pagkakaroon ng dalawang banda ng musiko noong bisperas
ng pista. Ang pagsundo ng maraming tao at at mga makapangyarihan sa Kura sa kumbento; ang
paghahanda ng hapunan ng Hermana Mayor at at ang pagtungo sa tahanan ng madasaling si Don Santiago
De los Santos upang kaunin si Parde Salvi at Padre Damaso Verdolagas. Nasabi din sa dyaryo ang pag-
ganap sa dula ng mga balitang artistang sina Ratia Carvajal at Fernandez na kapwa hinahangaan ng lahat
pero dahil sa Kastila ang kanilang usapan, ang marurunong lamang ng Espanyol ang mga nakakaintindi sa
palabas. Higit na nasiyahan ang mga Pilipino sa komedyang Tagalog. Ang hindi pag dalo ni Ibarra naman
ay ipinagtaka ng lahat. Alas once ng umaga, kinabukasan, idinaos ng birhen ang prusisyon ng birhen de la
Paz. Dumaan ito sa paligid ng simbahan, na kasama ang karong pilak nina Santo Domingo at San Diego.
Isinunod naman kaagad ang misa kantada sa saliw ng orkestra at awit ng mga artista pag nagkatapos ng.
Siyang-siya ang lahat sa sermon ni Padre Manuel Martin. Nagkaroon din ng sayawan at ang pinakamaringal
ay ang pagsayaw ni Kapitan Tiyago. Ang nakita kay Maria na nakasuot mestisa at nagniningning sa
brilyante ay humanga sa ganda. Isang liham naman ni Kapitan Aristorenas kay Luis Chiquito ang nag-
anyaya na ito’y dumalo sa pista upang makipasya at makipag-laro ng monte sa mga batikan tahur na sina
Kapitan Tiyago, Pari Damaso, Kapitan Juaquin, Kabesang Manuel at ang Konsul. Samantala, Tumanggap din
ng liham si Ibarra na dinala ni Andeng.

liham:
Crisostomo:

Ilang araw na ng hindi tayo nagkita. Ikaw raw ay may sakit, kaya’t ipinagdasal kita at ipinagtulos ng kandila kahit
sinabi ni itay na hindi naman malubha. Kagabi, pinilit nila akong tumugtog at sumayaw kaya nayamot ako. May
ganyan palang mga tao. Kung hindi lang talaga ako kwinentuhan ni Padre Damaso ay talagang iiwan ko sila. Ipaabot
mo sa akin ang kanyang kalagayan at ipapadalaw kita kay Itay. Ipaubaya mo na kay Andeng ang paglalagay ng iyong
tsa, mahusay siya kaysa sa iyong katulong.

Maria Clara

Habol: Ako’y dalawin mo bukas, upang dumalo ako sa paglalagay ng unang bato sa paaralan. Paalam.

Kabanata 29:
Ang Umaga
Maagang pumasiyo sa lasangan ang mga banda ng musiko. Nagising ang mga nututulog. Muling narining
ang tuong kampana at mga paputok. Ang mga tao ay nagbihis na ng mga magara at ginamit ang mga hiyas
na itinatago nila. Tanging si Pilosopong Tasyo lamang ang hindi nagpalit ng bihisan. Binati siya ng
Tinyente Mayor. Sumagot ang Pilosopo na Ang magsaya ay dinangangahulugan ng paggawa ng mga
kabaliwan. Ang pagsasaya, anya pagtatapon ng pera at tumatakip sa karaingan ng lahat. Si Don Felipo at
sumang-ayon sa pananaw na ito ni Tasyo subalit wala siyang magawa sa kagustuhan ng Kapitan at ng
Kura. Punong-puno ng tao ang patyo. Ang mga musiko ay walang tigil sa kalilibot. Binabatak naman ng
mga Hermana Mayor ang mga tao upang tumikim ng kanilang inihandang pagkain. Dahil sa mga tanyang na
tao, mga Kastila at Alkalde ang magsisimba ng araw na iyon, si Padre Damaso, kaya nagpahiwatig siya na
hindi makapagbibigay ng sermon kinabukasan. Pero, hindi siya natatanggi sapagkat sinabi ng mga kasama
niyang pari na walang ibang nakakaalam at nakapag-aral sa buhay ni San Diego kundi tanging siya lamang.
Dahil dito, siya ay ginagamot ng babaing nangangasiwa sa kumbento. Siya ay pinahiram ng langis sa leeg at
dibdib, binalot ito ng pranela at hinilot. Pagkaraan ay nag-almusal si Padre Damaso ng ilang itlog na binati
sa alak. Naiiba ang prusisyon kaysa sa nagdaang araw sapagkat ang mga nagsisilaw ay nakaabitong
ginggon. Sa suot na abito ay kaagad na makikilala ang mayayaman at mahihirap. Natatangi ang karo ni
San Diego na sinusundan ng kay Francisco at ang Birheng de la Paz. Maayos ang prusisyon, ang tanging
nagbago lamang ay si Pari Salvi ang nasa ilalim ng palyo sa halip na si Pari Silyla. Ang prusisyon ay
sinasabayan ng mga paputok ng kuwitis, awitin at tugtuging pangsimbahan. Huminto ang karong sinusudan
ng palyo sa tapat ng bahay nina Kapitan Tiyago. Nakadungaw sa bintana ang Alkalde, si Kapintan Tiyago,
si Maria, si Ibarra at ilan pang Kastila. Si Padre Salvi ay hindi bumati sa mga kakilala. Ito ay nagtaas
lamang ng ulo mula sa kanyang matuwid na pagkakatayo.

Kabanata 30:
Sa Simbahan
Punong-puno ng tao ang simbahan. Bawat isa ay gustong makasawsaw sa agua bendita. Halos hindi na
humihinga ang mga tao sa loob ng simbahan. Ang sermon ay binayaran ng P250, ikatlong bahagi ng
ibinayad sa komedya na magtatanghal sa loob ng tatlong gabi. Naniniwala ang mga tao na kahit na mahal
ang bayad sa komedya, ang manonood dito ay mahuhulog sa impierno ang kaluluwa. Ang mga nakikinig
naman sa sermon ay tuloy-tuloy sa langit. Habang hinihintay ang alkalde, walang tigil na nagpapaypay ng
abaniko, sumbrero at panyo ang mga tao. Nagsisigawan at nag-iiyakan naman ang mga bata. Ang iba ay
ina-antok sa may tabi ng kumpisalan. Ilang saglit lang dumating ang Alkalde kasama ang kanyang mga
tauhan. Ang suot niya ay napapalamutian ng banda ni Carlos III at ng limang medalya sa dibdib. Inakala
ng ilang tao na ang Alkalde ay osang sibil na nagsuot-komedyante. Sinimulan ang pagmimisa ni Padre
Damaso. Humandang makinig ang lahat. Ang pari ay pinangungunahan ng dalawang sakristan sinusundan
ng prayleng may hawak na kuwaderno. Pumanhik sa pulpito si Pari Damaso at at Pari Sibyla. Pero, tanging
palibak ang inukol niya kay Pari Martin, na ang ibig sabihin ay higit na magaling ang isesermon niya kaysa
kahapon. Binalingan ni Padre Damaso ang kasamang prayle at pinabuksan ang kuwderno upang kumuha ng
tala.

Kabanata 31:
Ang Sermon
Pinatunayan ni Padre Damaso na kaya niyang magsermon sa wikang Kastila at Tagalog. Ang pambungad
na sermon ay hinalaw sa Aklat II, Kabanata IX, Salaysay 20 mga salitang winika ng Diyos sa pamamagitan
ni Estres ng nagsasaad ng: Ibinigay mo sa kanila ang iyong mabuting espiritu upang sila’y turuan, hindi mo
inaalis sa kanilang bibig ang iyong tinig at binigyan mo sila ng tubig mapawi ang kanilang pagkauhaw.
Humanga si Pari Sibyla sa pagkabigkas ni Padre Damaso at si Padre Martin ay napalunok ng laway dahil sa
alam niyang higit na magaling ang pambungad na iyon sa kanyang sariling sermon. Nagpugay ang pari sa
mga nagsimba. Lumingon siya sa likod at itinuro ang pintong malaki. Inakala ng sakristan yaon ay isang
pagturo sa kanya upang isara ang lahat ng mga pintuan. Nag-alinlangan ang Alperes, iniisip niyang tatayo
at aalis na. Ngunit, hindi niya magawa sapagkat nagsisimula ng magsalita ang predikador. Sinabi ni Pari
Damaso na kanyang binitiwan ang mga pananalita ng Diyos upang maging kapaki-pakinabang na tulad ng
isang binhing umuusbong at lumalaki sa lupain ng banal na si Francisco. Hinikayat niya ang mga
makasalanan na tularan ang mapagwaging si Gideon, ang matapang na si David, ang mapagtagumpay na si
Roldan ng ka-kristiyanuhan, ang guwardiya sibil ng langit. Nakita ni Pari Damaso na napakunot – noo ang
Alperes sa kanyang tinuran. Kung kaya’t sa malakas na tinig, sinabi ni Damaso na opo, ginoong Alperes,
higit na matapang at makapangyarihan bagamat walang armas kundi isang krus na kahoy lamang. Natatalo
nila ang mga tulisan ng kadiliman at lahat ng kampon ni Lucifer. Ang mga himalang likhang ito ay tulad ng
paglikha kay Diego de Alcala. Ang mga bahaging ito ng sermon ay ipinahayag ni Pari Damaso sa wikang
Kastila, kaya hindi maiintiihan ng mga Indiyo. Ang tanging naunawaan ng karamihan ay ang salitang
guwardiya sibil, tulisan, San Diego at San Francisco. Umasim din ang muha ng Alperes, kaya inakala ng
marami na pinagalitan siya ni Pari Damaso dahil sa hindi pagkakahuli nito sa mga tulisan.

Kabanata 32:
Ang Panghugos
Ipinakita ng taong madilaw kay Nor Juan kung paano niya mapapagalaw ang pampakilos ng kalong ang
kanyang itinayo. Ito ay mayroong walong metro ang taas , nakabaon sa lupa ang apat na haligi. Sa haligi
nakasabit ang malalaking lubid kaya tila napakatibay ng pagkayari at napakalaki. Ang bandang itaas naman
ay mayroong banderang iba-iba ang kulay. Tiningnang mabuti ni Nor Juan kung paano itinaas at ibinababa
ang batong malaki na siyang ilalapat sa ilalim sa pamamagitan ng pag-aayos ng kahit isang tao lamang.
Hanggang hanga si Juan sa taong madilaw. Nagbubulungan sa pagpuri ang mga taong nasa paligid nila.
Sinabi ng taong madilaw kay Nor Juan na natutuhan niya ang paggawa ng makinarya kay Don Saturnino na
nuno ni Don Crisistomo. Ito pa anya ay maraming nalalaman. Hindi marunong mamalo at magbilad sa
araw ang kanyang mga tauhan; marunong ding gumising ng mga natutulog at magpatulog ng gising. Sa
kabilang dako, malakihan ang paghahanda ni Ibarra sa pagbabaon ng panulukang-bato ng bahay-paaralan.
Sa ilalim ng maraming habong na itinayo ay pawang puno ng pagkain at inumin aalmusalin ng mga
panauhing isa-isang sinudo ng mga banda at musiko. Ang mga naghanda sa almusal ay mga guro at mag-
aaral. Nagsimulang magbasbas si Pari Salvi sa pamamagitan ng pagbibihis ng damit na pang-okasyon. Ang
mga mahahalagang kasulatan naman pati na ang mga medalya, salaping pilak at relikya ay inilulan na sa
isang kahang bakal. Ang kahang bakalay ipinasok naman sa bumbong na yari sa tingga. Hindi kumukurap
si Elias sa pagkakatitig sa taong madilaw na siyang may hawak ng lubid. Ang lubid ay nakatali naman sa
isang kalo na magtataas at magbaba ng batong na ilalapat sa nakatayong bato sa ibaba. May uka sa gitna
ang bato, sa ukang ito ilalagay ang bumbong na tingga. Ang taong madilaw ay tinanghal na isang bangkay.
Ito’y natabunan ng mga biga na nasa paanan ni Ibarra. Gusto ng Alkalde na ipahuli ang nangasiwa sa
pagpapagawa, na walang iba kundi si Nor Juan. Pero, nakiusap si Ibarra na siya na ang bahala sa lahat.
Makaraang ipagtanong niya si Maria, kaagad na umuwi si Ibarra upang magpalit ng damit.

Kabanata 33:
Malayang Kaisipan
Panauhin ni Ibarra si Elias. Hiningi ni Elias sa binata na ipaglihim nito ang pagbibigay niya ng babala sa
kanya. Isa pa, si Elias ay nagbabayad lamang ng utang na loob sa kanya. Ipinaliwanag din niya na dapat
pa ring mag-ingat si Ibarra sapagkat sa lahat ng dako ito ay mayroong kaaway. Batas ng buhay ang di
pagkakasundo. Lahat tayo’y may kalaban, mula sa pinakamaliit na kulisap hanggang sa tao; mula sa
pinakadukha hanggang sa lalong mayaman at makapangyarihan, pagdidiin pa ni Elias.
Ang mga kaaway ni Ibarra ay naglilipana sa halos lahat ng lugar, dahil sa kanyang mga ninuno at ama na
nagkaroon don ng mga kagalit, dahil na rin sa kanyang balak na pagpapatayo ng paaralan. Isa sa mga
kaaway ni Ibarra ay ang taong madilaw. Umano’y narinig ni Elias ang taong madilaw ng sinundang gabi
nakikipag-usap sa di kilalang tao at sinabing hindi kakanin ng isda ang isang ito (Ibarra) tulad ng kanyang
ama, makikita ninyo. Ang ganitong natuklasan ni Elias ay kanyang ikinabahala sapagkat kahit na
ipinagmamalaki ng taong madilaw ang kaalaman sa trabaho. Hindi ito humingi ng mataas na sahod ng
magprisinta kay Nor Juan. Binanggit ni Ibarra na nanghihinayang sa pagkamatay ng taong dilaw sapagkat
marami pa sanang mababatid buhat sa kanya. Pero, ikinatwiran ni Elias na maski na mabuhay ang taong
madilaw inakala niyang matatakasan ang pag-uusig ng bulag na hukuman ng tao. Subalit sa kamatayan ng
Diyos ang humatol at naging hukom. Sinikap ni Ibarra na tuklasin ang tunay na pagkatao ni Elias, kung ito
ay nakapag-aral o hindi. Ang sagot ni Elias ay: Napilitan akong maniwalang lubos sa Diyos sapagkat
nawalan na ako ng tiwala sa Diyos. Alam ni Elias na marami pa ang mga taong gustong kumausap kay
Ibarra kaya nagpaalam na ito. Pero, nangako siyang anumang oras na kailangan siya ay babalik siya
sapagkat mayroon pa siyang tinatanaw na utang na loob kay Ibarra.

Kabanata 34:
Ang Pananghalian
Ang mga kilalang tao sa San Diego ay magkaharap na nanananghalian sa isang malaking hapag.
Nakaluklok sa magkabilang dulo ng mesa sina Ibarra at ang Alkalde. Nasa bandang kanan ni Ibarra si Maria
at nasa kaliwa naman ang Eskribano. Sa magkabilang panig naman nakaluklok sina Kapitan Tiyago, kapitan
ng bayan, mga Prayle, kawani at kaibigang dalaga ni Maria. Ganadong kumain ang lahat ng makatanggap
ng telegrama sina Kapitan Tiyago, siya’y kaagad na umalis. Darating ang Kapitan Heneral at magiging
panauhin ni Kapitan Tiyago sa kanyang bahay. Hindi nasasabi sa kable, kung ilang araw na mananatili ang
Kapitan Heneral sapagkat ito umano ay mahilig sa bagay-bagay na kataka-taka. Kung saan napasuot ang
usapan ng mga kumakain. Ang hindi pag-imik ni Pari Salvi, ang hindi pagdating ni Padre Damaso, kawalan
ng kaalaman ng mga magbubukid ng kobyertos at kung anong kurso ang ipapakuha nila sa kanilang mga
anak. Patapos na ang tanghalian nang dumating si Padre Damaso. Lahat bumati sa kanya, maliban kay
Ibarra. Umiinit na ang usapan noon sapagkat nagsisimula nang ilagay ang mga tsampan sa kopa. Nahalata
ng Alkalde na panay ang pasaring ni Pari Damaso kay Ibarra. Sinikap na ibahin nito ang usapan, pero
patuloy ang Pari sa pagsasaring. Walang kibo na lamang si Ibarra. Pero, nang ungkatin ni Pari Damaso
ang tungklol sa pagkamatay ng ama ni Ibarra ng may kasamang pag-aglahi, sumulak ang dugo ni Ibarra.
Biglang dinaluhong niya si Pari Damaso at sasaksakin nito sa dibdib. Pero, pinigilan siya ni Maria. Gulo ang
isip ni Ibarra na umalis at iniwan ang mga kasalo sa pananghalian.

Kabanata 35:
Mga Usap-usapan
Ang mga pangyayaring namagitan kina Ibarra at Padre Damaso ay madaling kumalat sa buong San Diego.
Sa mga usapan, hindi matukoy kung sino ang may katwiran sa dalawa. Nagkakaisa ang lahat na kung
naging matimpi si Ibarra, hindi sana nangyari ang gayon. Pero, ikinatwiran ni Kapitan Martin na walang
makapigil kay Ibarra sapagkat wala itong kinatatakutang awtoridad. Handa ang binata na dungisan ang
kamay nito sa sinumang lumapastanganan sa kanyang ama. Dahil sa maagap na pagsansala ng kanyang
itinangi at minamahal na si Maria. Kaya, hindi niya itiniloy ang balak na kitlan ng hininga si Padre Damaso.
Ipinapalagay naman ni Don Filipo na hinihintay daw ni Ibarra na tulungan siya sa taumbayan bilang
pagtanaw ng utang na loob sa kabutihang nagawa niya at ng kanyang ama. Nanindigan naman ang
Kapitan ng Bayan na wala silang magagawa sapagkat laging nasa katwiran ang mga prayle. Ang ganito,
anang Don Filipo ay nangyayari sapagkat hindi nagkakaisa at watak-watak ang mga taumbayan
samantalang ang mga prayle at mayayaman ay nagkakabuklod-buklod. Sa kabilang dako, karamihan naman
sa mga babae ay takot na mawalay sa grasya ng simbahan. Tanging si Kapitana Maria lamang at pumili kay
Ibarra at sinabing karangalan niya ang magkaroon ng anak na magtatangol at mangangalaga sa sagradong
alaala ng yumaong ama. Sakmal naman ng matinding pagkatakot ang mga magsasaka na hindi matuloy
ang pagpapatayo ng paaralan. Sapagkat bawa’t isa sa kanila ay naghahangad ng anak na makatapos ng
pag-aaral. May nagsabing hindi na matutuloy ang pagpapatayo ng paaralan sapagkat tinawag na
pilibustero ng prayle si Ibarra. Hindi naman maintindihan ng mga magsasaka ang kahulugan ng Pilibustero.

You might also like