You are on page 1of 73

NOLI MI TANGERE

______________________________________________

KABANATA 1: Isang Handaan

Isang Handaan Isang marangyang salu-salo ang ipinag-anyaya ni Don Santiago de los Santos
na higit na popular sa taguring kapitan Tiago. Ang handaan ay gagawin sa kanyang bahay na
nasa daang Anluwage na karating ng llog-Binundok.

Ang paayaya ay madaling kumalat sa lahat ng sulok ng Maynila. Bawat isa ay gustong dumalo
sapagkat ang mayamang Kapitan ay kilala bilang isang mabuting tao, mapagbigay at laging
bukas ang palad sa mga
nangangailangan. Dahil dito, ang iba ay nababalino kung ano ang isusuot at sasabihin sa
mismong araw ng handaan.

Nang gabing iyon dagsa ang mga panauhin na gaya ng dapat asahan. Puno ang bulwagan.
Ang nag-istima sa mgta bisita ay si Tiya Isabel, isang matandang babae na pinsan ng may-
bahay. Kabilang sa mga bisita sina tinyente ng guardia civil, Pari Sibyla, ang kura paroko ng
Binundok, si pari Damaso na madaldal at mahahayap ang mga salita at dalawang paisano. Ang
isa ay kararating lamang sa Pilipinas.

Ang kararating na dayuhan ay nagtatanong tungkol sa mga asal ng mga katutubong Pilipino.
Ipinaliwanag niya na ang pagpunta niya sa bansa ay sarili niyang gastos. Ang pakay ng
kanyang paglalakbay ay upang magkaroon ng kabatiran tungkol sa lupain ng mga Indiyo.

Nagkaroon ng mainitang balitaktakan ng mabanggit ng dayuhan ang tungkol sa monopolyo ng


tabako. Nailabas ni Pari Damaso ang kanyang mapanlait na ugali. Nilibak niya ang mga Indiyo.
Ang tingin niya sa mga ito ay hamak at mababa. Lumitaw din sa usapan ang panlalait ng mga
Espanyol tungkol sa mga Pilipino noong mga nakalipas na araw. Mapanlibak si Pari Damaso.
Kung kaya't iniba ni Pari Sibyla ang usapan.

Napadako ang usapan tungkol sa pagkakalipat sa ibang bayan ni Padre Damaso pagkatapos
ng makapagsilbi sa loob ng 20 taon bilang kura paroko ng San Diego. Sinabi niya kahit na ang
hari ay hindi dapat manghimasok sa pagpaparusa ng simbahan sa mga erehe.

Pero, ito aytinutulan ng Tinyente ng Guardia Civil sa pagsasabing may karapatan ang Kapitan
Heneral sapagkat ito ang kinatawan ng hari ng bansa.

Ipinaliwanag pa ng tinyente ang dahilan ng pagkakalipat ni Pari Damaso. Ito, umano ang nag-
utos na hukayin at ilipat ang bangkay ng isang marangal na lalaki na napagbintangang isang
erehe ng pari dahil lamang sa hindi pangungumpisal.
Ang ginawa ay itinuturing sa isang kabuktutan ng Kapitan Heneral. Kung kaya inutos nito ang
paglilipat sa ibang parokya ang paring Pransiskano bilang parusa. Nagpupuyos sa galit ang pari
kapag naaalala niya ang mga kasulatang nawaglit.

Iniwanan na ni Tinyente ang umpukan, pagkatapos nitong makapagpaliwanag. Sinikap ni Pari


Sibyla na pakalmahin ang loob ni Pari Damaso. Lumawig muli ang talayan. Dumating ang ilan
pang mga bagong panauhin. Ilan sa mga ito ay ang mag-asawang sina Dr. de Espadaña at
Donya Victorina.

Tanong

Sino si Pari Damaso? Bakit niya tinawag na Indiyo ang mga Pilipino?

Sagot

Siya yung Paring may magaspang na pag-uugali na nanirahan sa San Diego ng halos 20 taon.
Dahil sa kasamaan ng ugali niya, ang mga tao ay hindi naibigan ang paring ito, kaya sila
tinawag na Indiyo.

_____________________________________________________________

KABANATA 2: Si Crisostomo Ibarra

Si Crisostomo lbarra

Dumating si Kapitan Tiyago at si lbarra na luksang-luksa ang kasuotan. Binating lahat ni


kapitan ang mga panauhin at humalik sa kamay ng mga pari na nakalimot na siya ay
bendisyunan dahil sa pagkabigla. Si Pari Damaso ay namutla ng makilala si lbarra.

Ipinakilala ni Kapitan Tiyago si lbarra sa pagsasabing ito ay anak ng kanyang kaibigang


namatay at kararating lamang niya buhat sa pitong taong pag aaral sa Europa. Malusog ang
pangangatawan ni lbarra, sa kanyang masayang mukha mababakas ang kagandahan ng ugali.
Bagamat siya ay kayumanggi, mahahalata rin sa pisikal na kaanyuan nito ang pagiging dugong
Espanyol.

Tinangkang kamayan ni Ibarra si Pari Damaso sapagkat alam niyang ito ay kaibigang matalik
ng kanyang yumaong ama. Ngunit, ito ay hindi inamin ng pari. Totoo, siya ang kura sa bayan.
Pero, ikinaila niyang kaibigan niya ang ama ni lbarra.

Napahiya si barra at iniatras ang kamay. Dagling tinalikuran niya ang pari at napaharap sa
tinyenteng kanina pa namamasid sa kanila. Masayang nag usap sina tinyente at lbarra.
Nagpapasalamat ang tinyente sapagkat
dumating ang binata ng walang anumang masamang nangyari. Basag ang tinig ng tinyente ng
sabihin niya sa binata na nasa ito ay higit na maging mapalad sa kanyang ama. Ayon sa
tinyente ang ama ni lbarra ay isang taong mabait. Ang ganitong papuri ay pumawi sa
masamang hinala ni lbarra tungkol sa kahabag-habag na sinapit ng kanyang ama.

Ang pasulyap ni Padre Damaso sa tinyente ay sapat na upang layuan niya ang binata. Naiwang
mag-isa si lbarra sa bulwagan ng walang kakilala.

Tulad ng kaugaliang Aleman na natutuhan ni Ibarra buhat sa kanyang pag- aaral sa Europa,
ipinakilala niya ang kanyang sarili sa mga nanduruong kamukha niyang panauhin. Ang mga
babae ay hindi umimik sa kanya. Ang mga lalaki lamang ang nagpapakilala rin sa kanya.
Nakilala niya ang isang binata rin na tumigil sa pagsusulat.

Malapit ng tawagin ang mga panauhin para maghapunan, nang lumapit si Kapitan Tinong kay
Ibarra para kumbidahin sa isang pananghalian kinabukasan. Tumanggi sa anyaya ang binata
sapagkat nakatakda siyang magtungo sa San Diego sa araw na naturan.

Tanong

Bakit biglang nabugnot at nagbago ng pakiramdam si Pari Damaso nang makitang magkasama
sina Kapitan Tiyago at Crisostomo lbarra?

Sagot

Nainis si Pari Damaso dahil ayaw niyang makita si lIbarra sapul nang mamatay ang ama nito.
May alam kasi siya sa naging kamatayan ng ama ni Ibarra.

_____________________________________________________________

KABANATA 3: Ang Hapunan

Ang Hapunan

Isa-isang nagtungo ang mga panauhin sa harap ng hapagkainan. Sa anyo ng kanilang mga
mukha, mahahalata ang kanilang pakiramdam. Siyang-siya si Pari Sybyla samantalang banas
na banas naman si Padre Damaso. Sinisikaran niya ang lahat ng madaanan hanggang sa
masiko niya ang isang kadete. Hindi naman umiimik ang tenyente. Ang ibang bisita naman ay
magiliw na nag-uusap at pinupuri ang masarap na handa ni Kapitan Tiyago. Nainis naman si
Donya Victorina sa tenyente sapagkat natapakan ang kola ng kanyang saya habang tinitignan
nito ang pagkakulot ng kanyang buhok.

Sa may kabisera umupo si lbarra. Ang magkabilang dulo naman ay pinagtatalunan ng dalawang
pari kung sino sa kanila ang dapat na lumikmo roon.
Sa tingin ni Pari Sibyla, si Pari Damaso ang dapat umupo roon dahil siya ang padre kumpesor
ng pamilya ni Kapitan Tiyago. Pero, si Pari Sibyla naman ang iginigiit ng Paring Pransiskano. Si
Sibyla ang kura sa lugar na iyon, kung kaya't siya ang karapat-dapat na umupo.

Anyong uupo na si Sibyla, napansin niya ang tinyente at nagkunwang iaalok ang upuan. Pero,
tumanggi ang tenyente sapagkat umiiwas siyang mapagitnaan nang dalawang pari.

Sa mga panauhin, tanging si lbarra lamang ang nakaisip na anyayahan si Kapitan Tiyago. Pero,
kagaya ng may karaniwang may pahanda, magalang na tumaggi ang kapitan sabay sabing
"huwag mo akong alalahanin."

Sinimulan ng idulot ang pagkain. Naragdagan ang pagpupoyos ng damdamin ni Pari Damaso,
ang ihain ang tinola. Paano puro upo, leeg at pakpak ng manok ang napunta sa kanya. Ang kay
Ibarra ay puro masasarap na bahagi ng tinola. Hindi alam ng pari, sadyang ipinaluto ng kapitan
ang manok para kay Ibarra.

Habang kumakain, nakipag-usap si lbarra sa mga ibang panauhin na malapit sa kinaroroonan


niya. Batay sa sagot ng binata sa tanong ni Laruja, siya ay mayroon ding pitong taong nawala
sa Pilipinas. Bagamat, wala siya sa bansa,
hindi niya nakakalimutan ang kanyang bayan. At sa halip, siya ang nakakalimutan ng bayan
sapagkat ni wala man lang isang taong nakapagbalita tungkol sa masaklap na sinapit ng
kanyang ama. Dahil sa pahayag na ito ni Ibarra, nagtumibay ang paniniwala ng tinyente na
talagang walang alam ang binata sa tunay na dahilan ng pagkamatay ng kanyang amang si
Don Rafael.

Tinanong ni Donya Victorina si Ibarra na bakit hindi man lang ito nagpadala ng hatid-kawad, na
kagaya ng ginawa ni Don Tiburcio nang sila ay magtaling- puso.

"Nasa ibang bayan ako nitong mga huling dalawang taon, tugon naman ni Ibarra.

Nalaman ng mga kausap ni lbarra na marami ng bansa ang napuntahan nito at marami ng wika
ang kanyang alam. Ang katutubong wikang natutuhan niya sa mga bansang pinupunntahan
niya ang ginagamit niya sa pakikipagtalastasan. Bukod sa wika, pinag-aaralan din niya ang
kasaysayan ng bansang kanyang pinupuntahan partikular na ang tungkol sa Exodo o hinay-
hinay na pagbabago sa kaunlaran.

Ipinaliwanag ni lbarra na halos magkakatulad ang mga bansang napuntahan niya sa tema ng
kabuhayan, pulitika at relihiyon. Pero, nangingibabaw ang katotohanang nababatay sa kalayaan
at kagipitan ng bayan. Gayundin ang tungkol sa ikaaalwan at ikapaghihirap nito.

Naudlot ang pagpapaliwanag ni Ibarra sapagkat biglang sumabad si Padre Damaso. Walang
pakundangan ininsulto niya ang binata. Sinabi niyang kung iyon lamang ang nakita o natutuhan
ni lbarra, siya ay nag-aksaya lamang ng pera sapagkat kahit na bata ay alam ang mga sinabi
nito. Nabigla ang lahat sa diretsang pagsasalita ng pari.
Kalmado lamang si Ibarra, ipinaliwanag niyang sinasariwa lamang niya ang mga sandaling
madalas na pumunta sa kanila si Pari Damaso noong maliit pa siya upang makisalo sa kanilang
hapag-kainan. Ni gaputok ay hindi nakaimik ang nangangatal na si Damaso.

Nagpaalam na si lbarra. Pinigil siya ni Kapitan Tiyago sapagkat darating si Maria Clara at ang
bagong kura paroko ng San Diego. Hindi rin napigil sa pag- alis si lbarra,. Pero, nangako siyang
babalik kinabukasan din.

Ngumakngak naman si Padre Damaso, nang umalis si lbarra. Binigyan diin niya na ang gayong
pagkilos ng binata ay tanda ng kanyang pagiging mapagmataas. Dahil dito, aniya, dapat na
ipagbawal ng pamahalaang kastila
ang pagkakaloob ng pahintulot sa sinumang Indio na makapag-aral sa Espanya.

Nang gabing iyon, sinulat ng binata sa kolum ng Estudios Coloniales ang tungkol sa isang
pakpak at leeg ng manok na naging sanhi ng alitan sa salu- salo; ang may handa ay walang
silbi sa isang piging at ang hindi dapat pagpapaaral ng isang Indio sa ibang lupain.

Tanong

Bakit ipinagbabawal ng pamahalaan ang pangingibang bansa ng Kabataang Pilipino?

Sagot

Ang mga mag-aaral na nangingibabang bansa ay nagiging palalo at mapagmataas kapag


nakakabalik nang muli sa kanilang tinubuang bayan.
_____________________________________________________________

KABANATA 4: Erehe at Pilibustero

Erehe at Pilibustero

Naglakad na si Ibarra na hindi batid ang destinasyon. Nakarating siya hanggang sa may
Liwasan ng Binundok. Sa maraming taong pagkakawala niya sa bayan,wala pa ring pagbabago
sa kanyang dinatnan.

Sa paggala-gala ng kanyang paningin, naramdaman niyang may dumantay na kamay sa


kanyang balikat. Si Tinyente Guevarra,na sumunod sa kanya upang paalalahanan na mag-ingat
din sapagkat nangangamba siyang baka matulad siya (lbarra) sa sinapit ng kanyang ama.
Nakiusap si lbarra na isalaysay ng tinyente ang tungkol sa buhay ng kanyang ama sapagkat
tunay na wala siyang nalalaman dito.
Sianbi ni lbarra na sumulat and kanyang ama sa kanya mayisnag taon na ang nakakalipas.
Nagbilin si Don Rafael(ama ni lbarra) na huwag nitong ikagugulat kung sakali mang hindi siya
makasulat sapagkat lubha siyang abala sa kanyang mga gawain.

Ganito ang salaysay ng tinyente: Si Don Ratael ay siyang pinakamayaman sa buong lalawigan.
Bagamat siya ay iginagalang, may ilan din namang naiinggit. Ang mga nuno nila ay mga
kastila.Ang mga kastila dahil sa kasawian ay hindi gumagawa ng mga nararapat. Ang
masasama sa Espanya ay nakakarating sa Pilipinas. Si Don Rafael ay maraming mga kagalit
na mga kastila at pari. Ilang buwan pa lamang nakakaalis sa Pilpinas si lbarra,si Don Rafael at
Pari Damaso ay nagkasira. Diumano, di nangungumpisal si Don Rafael.

Nabilanggo si Don Rafael dahil sa pagkakaroon ng mga lihim na kaaway. Pinagbintangan pa


siya ang pumatay sa isang mangmang at malupit na artilyerong naniningil ng buwis ng mga
sasakyan. Pero hindi naman totoo.

Isang araw may isang grupo ng mga bata na sinigawan ang artilyero ng ba be bi bo bu na labis
na ikinagalit nito.Pinukol ng kanyang tungkod ng artilyero ang mga bata. Isa ang sinampald na
tinamaan at nabuwal. Pinagsisipa niya ito. Napatiyempo namang nagdaraan si don Rafael.
Kinagalitan niya ang artilyero. Pero, ito ay lalong nagpuyos sa galit at si Don Rafel ang kanyang
hinarap. Walang nagawa si Don Rafael kung hindi ipagtanggol ang sarili.

Sa hindi malamang dahilan, bigla na lamang sumuray-suray ang artilyero at dahan-dahang


nabuwal. Terible ang kanyang pagkakabuwal sapagkat ang kanyang ulo ay tumama sa isang
tipak na bato. Nagduduwal ito at hindi nagkamalay hanggang sa tuluyang mapugto ang hininga.

Dahil dito, nabilanggo di Don Rafael. Pinagbintangan siyang erehe at pilibustero. Masakit sa
kanya ang ganito sapagkat iyon ang itinuturing na pinakamabigatna parusa.

Pero, lalong nadagdagan ang dagan sa kanyang dibdib. Pinaratngan din siyang nagbabasa ng
mga ipinagbabawal na aklat (El Correo de Ultramar) at diyaryo, nagtatago ng larawan ng paring
binitay, isinakdal sa salang pangangamkam ng lupain at nagbibigay ng tulong sa mga tulisan.

Gumawa siya (tinyente) ng paraan para tulungan si Don Rafael at sumumpang ito ay marangal
na tao. Katunayan, siya ay kumuha ng isang abugadong Pilipino na si G.A at G.M. Ito ay
pagkaraang lumitaw sa pagsusuri na ang ikinamatay ng artilyero ay nag pamumuo ng dugo sa
ulo nito.

Nang lumaon, ang katwiran ay nagtagumpay din. Nang si don Rafael ay malapit ng lumaya
dahil sa tapos nglahat ang mga kasong ibinintang sa kanya. Ang sapin-saping kahirapan ng
kalooban na kanyang dinanas ay hindi nakayanan ng kanyang pisikal na katawan.

Hindi na niya natamasa ang malayang buhay. Sa mismong loob ng bilangguan, nalagutan ng
hininga si Don Rafael.
Huminto sa pagsasalaysay na g tinyente. Inabot nito ang kanyang kamay kay Ibarra at sinabing
si Kapitan Tiyago na lamang ang bahalang magsalaysay ng iba pang pangyayari. Nasa tapat
sila ng kuwartel ng maghiwalay. Sumakay sa kalesa si lbarra.

Tanong

Bakit muhing-muhi si Padre Damaso kay Don Rafael gayong dati silang magkaibigan sa
simula?

Sagot

Maraming bagay na dapatikainggit si Padre Damaso kay Don Rafael, lalo ang pagiging
mayaman nito.
_____________________________________________________________

KABANATA 5: Pangarap sa Gabing Madilim

Pangarap sa Gabing Madilim

Sakay ng kalesa, dumating si lbarra sa Fonda deLala. (Ito ay isang uri ng panuluyan, na
tinutuluyan niya kapag siya ay nasa Maynial). Kaagad na nagtuloy si lbarra sa kanyang silid at
naupo sa isang silyon.. Sa sinapit ng ama, gulong-gulo ang isip nito. Maya-maya ginala ang
paningin sa kalawakan ng himpapawid.

Mula sa bintana, natanaw niya ang isang maliwanag na bahay sa kabila ng ilog. Naririnig niya
ang kalansing ng mga kubyertos at pinggan. Dinig din niya ang tugtugin ng orkestra.

Kung nagmasid lamang ng husto sabahay na iyon sí Ibarra, makikita niya kung sinu-sino ang
naroroon. May isang magandang binibini na nababalot ng manipis na habi,may suot na
diyamante at ginto. Sa likuran naman may mga anghel, pastol at dalagang nag-aalay ng
bulaklak. Ang mga umpukan naman ng mga Kastila, Pilipino, pari, intsik, militar ay nakatuon
lahat sa kagandahan ni Maria Clara. Giliw na giliw silang nakatingin sa dalaga, maliban sa isang
batang Pransiskano na payat at putlain. Iba ang kanyang nadarama. Si Pari Sibyla ay siyang-
siya sa pakikipag-usap sa mga dilag samantalang si Donya Victoria ay matiyagang inaayos ang
buhok ng dalagang hinahangaan ng lahat.

Dahil sa pagal ang isip at katawan ni lbarra sa paglalim ng gabi, madali siyang naktulog at
nagising kinabukasan na. Ang tanging hindi inabot ng antok ay ang batang Pransiskano.

Tanong

Sino ang pinapangarap sa gabing madilim?

Sagot
Walng iba kundi si Maria Clara.

Tanong

Sino ang palihim na nagmamanman sa dalaga?

Sagot

Si Pari Salvi ang panakaw-nakaw ng tingin at iba ang nararamdaman para sa Dalaga.

_____________________________________________________________

KABANATA 6: Si Kapitan Tiyago

Si Kapitan Tiyago

Ang katangian ni kapitan tiyago ay itinuturing hulog ng langit. Siya ay pandak, di kaputian at
may bilugang mukha. Siaya ay tinatayang nasa pagitan ng 35 taong gulang. Maitim ang buhok,
at kung hinde lamang nanabako at ngumanganga, maituturing na sya ay magandang lalaki.

Siya ang pinakamayaman sa binundok dahil sa marami siyang negosyo at iba pang klase ng
ari-arian. Tanyag din sya sa pampanga at laguna bilang asendero, hindi kataka-taka na parang
lubong hinihipan sa pagpintog ng kanyang yaman.

Dahil sa sya ay mayaman, siya ay isang impluwensyadong tao. Siya ay malakas sa mga taong
nasa gobeyerno at halos kaibigan nya lahat ng mga prayle. Ang turing niya sa sarili ay isang
tunay na kastila at hindi pilipino. Kasundo nya ang diyos dahil nagagawa niyang bilhin ang
kabalanan. Katunayan, sya ay nagpapamisa at nag papadasal tungkol sa kanyang sarili.
Ipinalalagay ng balana na siya ay nakapagtatamo ng kalangitan. lisipin na lamang na nasa
kanyang silid ang lahat ng mga santo at santong sinasmba katulad nina sta.lucia, san pascual
bailon, san antonio de padua, san francisco de asis, san antonio abad, san miquel, sto.
Domingo, hesukristo at ang banal na mag-anak.

Par kay kapitan tiyago kahit na ano ang itakda an mga kastila, yaon ay karapat-dapat at kapuri-
puri. Dahil sa kanyang pagpupula sa mga pilipino, sya ay naglilingkod bilang gobernadocillo.

Basta opisyal, sinusunod nya. Anumang reglamento o patakaran ay kanyangsinusonod. Sipsip


din sya sa mga taong nasa poder. Basta may okasyon na katulad ng kapanganakan at
kapistahan, lagi sya myroong handog na regalo.

Si kapitan tiyago ay tanging ng isang kuripot na mangangalakal ng asukal sa malabon. Dahil sa


kakuriputan ng ama, siya ay hindi pinag aral. Naging katulong at tinuruan sya ng isang paring
dominiko. Nang mamatay ang pari at ama nito, siya'y mag isang nangalakal. Nakilala nya si pia
alba na isang magandang dalagang taga sata cruz. Natulong sila sa pag hahanap-buhay
hangang sa yumaman ng husto at nakilala sa alta sosyedad.

Ang pag bili nila ng lupain sa san diego ang naging daan upang maging kaututang dila roon ang
kura na si padre damaso. Naging kaibigan din nila ang pinakamayaman sa boung san diego- si
don rafael ibarra, ang ama ni crisostomo ibarra. dahil sa anim na taon ng pagsasama sina
tiyago at pia at hnidi nagkaroon ng anak kahit na kung saan-saan sila namanata.

Dahil dito ipinayo ni padre damaso na sa oabando sila pumunta kina san pascal baylon at sta
clara at sa nuestra sr de salambaw.

Parang dininig ang dasal ni pia, siya ay nag lihi, gayuman nagiging masakitin si pia, nang siya
ay magdalangtao. Pag kapanganak nya sya ay namatay. Si padre damaso ang nag anak sa
binyag at ang anak in pia ay pinangalanang
maria clara bilang pag bibigay karangalan sa dalawang pintakasi sa obando, kay tiya esabel,
pinsan ni kapitan tiyago, ang natokang mag-aruga kay maria. Lumaki sya sa pag mamahal na
inukol ni tiya esabel, kanyang ama at mga prayle.

Katorse anyos si maria, nang sya ipinasok sa beaterio ng sta catalina. Luhaan sya nag paalam
kay pari damaso at sa kanyang kaibigan at kababatang si crisostomo ibarra, pag kapsok ni
maria sa umbento, si ibarra naman ay nag punta na ng europa upang mag aral.

Gayunman, nagkasundo sina don rafael at kapitan tiyago na maski nagkalayo ang kanilang
mga anak. Pag dating ng tamang panahon silang dalawa (maria at crisostomo) ay pag isahing
dibdib. Ito ay sa kanilang paniniwala na ang dalawa ay tunay na nag-iibigan.

_____________________________________________________________

KABANATA 7: SUYUAN SA ASOTEA

Suyuan sa Asotea

Kinabukasan, Maagang -maaga pa ay nagsimba na sina Maria at Tiya Isabel. Pagkatapos ng


misa, Nagyayang umuwi na si Maria.

Pagkaagahan ay nanahi si Maria upang hindi mainip sa paghihintay. Si Isabel ay ay nagwalis


ng mga kalat ng sinundang gabi. Si Kapitan Tiyago ay Binuklat naman ang mga itinatagong
kasulatan. Sumasasal sa kaba ang dibdib ni Maria tuwing may nagdaraang mga sasakyan.
Sapagkat medyo namumuutla siya, ipinayo ni Kapitan Tiyago na magbakasyon siya sa malabon
o sa San
Diego.

Iminungkahi ni Isabel na sa San Diego na gagawin ang bakasyon sapagkat bukod sa malaki
ang bahay roon ay malapit na ring ganapin ang pista.
Tinagubilin ni Kapitan Tiyago si Maria na sa pagkukuha ng kanyang mga damit ay magpaalam
na siya sa mga kaibigan sapagkat hinda na siya babalik sa beateryo.

Nanlamig at biglang nabitawan ni maria ang tinatahi ng may biglang tumigil na sasakyan sa
kanilang tapat. Nang maulinigan niya ang boses ni lbarra, karakang pumasok sa silid si Maria.
Tinulungan siya ni tiya Isabel na mag- ayos ng sarili bago harapin si lbarra.

Pumasok na sa bulwagan ang dalawa. Nagtama ang kanilang paningin. Ang pagkakatama ng
kanilang paningin ay nagdulot ng kaligayahan sa kanilang Puso.

Pamaya-maya, lumapit sila sa asotae upang iwasan ang alikabok na nililikha ni lsabel.
Tinanong Maria si lbarra, kung hindi siya nalimutan nito sa pangingibang bansa dahil sa
maraming magagandang dalaga roon. Sinabi ni Ibarra na siya ay hindi nakakalimot. Katunayan
anya, si Maria ay laging nasa kanyang alaala.

Binigyan din pa ni lbarra ang isinumpa niya sa harap ng bangkay ng ina na wala siyang ibigin at
paliligayahin kundi si Maria lamang. Si Maria man, anya, ay hindi nakakalimot kahit na
pinayuhan siya ng kanyang padre kompesor na limutin na niya si lbarra.

Binikas pa ni Maria ang kanilang kamusmusan, ang kanilang paglalaro, pagtatampuhan at


muling pagbabati, at pagkapatawa ni Maria ng tawaging mangmang ng kanyang ina si Ibarra.
Dahil dito si lbarra ay nagtampo kay Maria. Nawala lamang ang kanyang tampo nang lagyan ni
maria ng sambong sa loob na kanyang sumbrerong upang hinda maitiman.

Ang bagay na iyon ay ikinagalak ni lbarra, kinuha niya sa kanyang kalupi ang isang papel at
ipinakita ang ilang tuyong dahon ng sambong na nangingitim na. Pero, mabango pa rin. Inilabas
naman ni Maria ni Maria ang isang liham na ibinigay naman sa kanya ni lbarra bago tumulak ito
patungo sa ibang bansa. Binasa ito ni Maria ng pantay mata upang di makita ang kanyang
Mukha.

Nakasaad sa sulat kung bakit nais ni Don Rafael na papag-aralin si lbarra sa ibang bansa. Siya
anya ay isang lalaki at kailangan niyang matutuhan ang tungkol sa mga buhay-buhay upang
mapaglingkuran niya ang kanyang sinilangan. Na bagamat, matanda na si Don Rafael at
kailangan ni lbarra, siya ay handang magtis na ipaubaya ang pansariling interes alang-alang sa
kapakanang pambayan.

Sa bahaging iyon ng sulat ay napatayo si lbarra. Namutla siya. Napatigil sa pagbabasa si Maria.
Tinanong ni Maria ang binata. Sumagot siya "Dahil sayo ay nalimutan ko ang aking tungkulin.
Kailangan na pala akong umuwi dahil bukas ay undas na."

Kumuha ng ilang bulaklak si Maria at iniabot iyon kay ibarra. Pinagbilinan ni Kapitan Tiyago si
lbarra na pakisabi kay Anding na ayusin nito ang bahay nila sa San Diego sapagkat
magbabakasyon duon ang mag-ale. Tumango si Ibarra at umlis na ito.
Pumasok sa silid si Maria at umiyak. Sinundan siya ni Kapitan Tiyago at inutusan na magtulos
ng dalawang kandila sa mga manlalakbay na sina San Roque at San Rafael.

Tanong

Bakit hinangad ni Don Rafael na sa ibang bansa mag-aral si lbarra?

Sagot

Bilang lalaki nararapat lang na mapag-aralan niya ang ukol sa buhay-buhay nang
mapaglingkuran ang bayang sinilangan.

Tanong

Sinu-sino ang mga Santong pinipintakasi ng mga manlalakbay?

Sagot

Sina San Roque at San Rafael ang mga Santong dinadasalan sa tuwing naghahangad ng
matiwasay na paglalakbay.

_____________________________________________________________

KABANATA 8: Mga Alaala

Mga Alaala

Ang Kalesang sinasakyan ni lbarra ay masayang bumabagtas sa isang masayang pook sa


Maynila. Ang kagandahan ng sinag ng araw ay nakakapagpapawi sa kanyang kahapisang
nadarama. Sa pagmamasid niya sa kapaligiran, biglang bumangon sa kanyang nahihimlay na
diwa ang isang alaala.

Kabilang dito ang mga kalesa at karumatang hindi tumitigil sa pagbibiyahe, mga taong may ibat-
ibang uri ng kasuotan na katulad ng mga Europeo, Intsik, Pilipino, mga babaing naglalako ng
mga bungang-kahoy, mga lalakinh hubad na nagpapasan, mga ponda at restauran at pati ang
mga karitong hila ng mga makupad na kalabaw. Pati ang bilanggong patay sa ilalim ng kariton
at malapit sa dalawang bilanggo rin ay kanyang naalala.

Sa patuloy na pagsusuyod ng kanyang tingin, napansin niya na walang ipinagbago ang punong
Talisay sa San Gabriel. Ang Escolta naman sa tingin din niya ay lalong pumangit. Nakita din
niya ang mga magagandang karwahe na ang mga sakay ay mga kawaning inanatok pa sa
kanilang mga pagpasok sa mga tanggapan at pagawaan, mga tsino at paring walang kibo. Sa
mga paring nakasakay sa mga karwahe, namataan niya si Pari Damaso na nakakunot-noo. Si
Kapitan Tinong nuon na kasama ang asawa at dalawang anak na babae at nakasakay sa ibang
karwahe ay binati si Ibarra.

Napadaan din siya sa Arroceros (ngayon ay C.M. Recto) sa bahaging kinalalagyan ng


pagawaan ng tabako. Naalala niya na minsan na siyang nahilo dahil sa masamang amoy ng
tabako.

Nang madaan siya sa Hardin Butaniko saglit na napawi ang kanyang mga magagandang
gunita. Pumasok sa kanyang isip na ang hardin sa Europa ay nakakaakit at nakapag-aanyaya
sa mga ito upang iyon ay malasin. Itinuon niya ang tingin sa malayo at makita niya ang
matandang Maynila na naliligid ng makakapal at nilumot ng mga pader

Ang pagkakapatingin niya sa Bagumbayayn ay nagpabangon sa bilin ng kanyang naging guring


pari bago siya tumulak sa ibang bansa. Ang bilin ng pari ay (1) Ang karunungan ay para sa tao,
ngunit ito ay natatamo lamang ng mga may puso lamang. (2) Kailangang pagayamanin ang
karunungan upang maisalin ito sa mga susunod na salin-lahi at (3) ang mga dayuhan ay
nagpunta sa Pilipinas upang humanap ng ginto. Kung kaya't nararapat lamang na puntahan ang
lugar ng mga dayuhan upang kunin naman ni Ibarra ang ginto nila (dayuhan).

_____________________________________________________________

KABANATA 9: Mga Suliranin Tungkol sa Bayan

Mga Suliranin Tungkol sa Bayan May isang karwaheng nakatigil sa tapat ng bahay ni Kapitan
Tiyago. Ang nakasakay sa loob nito ay si Tiya Isabel at hinihintay na lamang na sumakay si
Maria. Tiyempong dumating si Pari Damaso at tinanong ang mag-ale.
Sinabi nilang kukunin ni Maria ang mga kagamitan nito sa Beaterio. Ang ganito ay hindi
minabuti ng pari, bubulong-bulong na nagtuloy na nagtuloy siya sa bahay ni Tiyago. Ang
pagbulung-bulong ng pari ay inaakala ni Isabel na mayroon itong minimemoryang sermon.

Nahalata kaagad ni Kapitan Tiyago ang pagbabagong anyo ng pari nang hindi nito iabot ang
kamay nang magtangka siyang magmano rito. Sinabi ng pari na kailangang mag-usap silang
sarilinan ni Kapitan Tiyago. Pumasok sila sa isang silid at isinarang mabuti ang pinto.

Sa kabilang dako, pagkaraang makapagmisa si Pari Sibyla, kaagad na nagtuloy siya sa


kumbento ng mga Dominiko sa Puerta de Isabel lI. Dumiretso siya sa isang silid at tumambad
sa kanyang paningin ang anyo ng isang matandang paring may sakit. Sinigilahan siya ng
matinding pagkaawa rito. Ikinuwento ni Pari Sibyla sa paring may-sakit ang tungkol sa naganap
na pagkakaalitan nina Pari Damaso at ni Ibarra. Ipinaliwanag ni Pari Sibyla na si Ibarra ay taong
mabait at mabuting tao. Ang dalawang pari ay nagpalitan ng mga kuru-kuro tungkol sa
mayamang binata, kay Maria Clara at kay Kapitan Tiyago. Sa kanilang pagsusuri, ang mga ito
ay lubhang napakalaki ng maitutulong sa ikasusulong ng kanilang korporasyon at kapatiran ng
panahong iyon.
Sa paniniwala ng may sakit na pari, dahan-dahan ng nawawala ang kanilang mga kayamanan
lalo na sa Europa dahil sa pagtaas ng buwis na nagiging dahilan ng pagkawala ng kanilang
mga ari-arian. Hindi na nararapat, anya, ang pagtataas ng buwis sa kanilang mga lupain
sapagkat ang Pilipino ay natututo ng mamili ng lupa sa iba't ibang lugar at lumilitaw na
kasimbuti rin ng sa kanila o higit pa.

Bago umalis si Pari Sibyla, naibalita rin niya na ang tinyente ay hindi rin nagsumbong sa
Kapitan-Heneral at diumano, ito ay nakikiisa pa kay Pari Damaso. Pero, nalaman din ng kapitan
ang buong pangyayari. Ito ay isang pahayagan. Si Pari Damaso ay napalipat pa sa higit na
mabuting bayan.

Sa kabilang banda naman, natapos na rin ang masinsinang pag-uusap nina Kapitan Tiyago at
Pari Damaso. Sinisi ni Pari Damaso si Kapitan Tiyago dahil sa hindi nito pagtatapat. Binalaan
pa niya ang kapitan na kailanman ay huwag itong magsinungaling sa kanya sapagkat siya ang
inaama ni Maria Clara. Pag-alis ng pari, kaagad na pinatay niya ang mga ipinatulos na
dalawang kandila kay Maria na patungkol para sa maluwalhating paglalakbay ni lbarra
patungong San Diego.

Tanong

Ano ang pinag-usapan nina Kapitan Tiago at Pari Damaso na ayaw iparinig sa Iba?

Sagot

Tutol si Pari Damaso na makipagmabutihan si Maria Clara kay Ibarra.

_____________________________________________________________

KABANATA 10: Ang San Diego

Ang San Diego

Ang San Diego ay isang karaniwang bayan sa Pilipinas na nasa isang baybayin ng isang lawa
at my malalapad na bukirin at palayan. Karamihan sa nakatira rito ay mga magsasaka. Dahil sa
kanilang kamangmangan, ang mga inaaning produkto agrikultura ay naipagbibili nila ng
murang-mura sa tsino.

Mula sa pinakamataas na bahagi ng simboryo ng simbahan, halos natatanaw ang kabuuan ng


bayan. Sa may itaas na bahagi, may kubo na sadyang itinayo. Gayunman, mapapansin sa
pagtanaw sa kabuuan nito ang isang tila gubat na nasa gitna mismo ng kabukiran.

Kagaya pa ng ibang bayan sa Pilipinas, ang San Diego ay mayroong itinatagong alamat. May
isa umanong matandang kastila na dumating sa bayan. Ito ay matatas magsalita ng tagalog at
nanlalalim ang mga mata. Binili niya ang buong gubat. Ang mga pinambayad niya ay mga
damit, alahas at salapi. Hindi nagtagal ang matanda ay nawala.

Isang araw ang mga nagpapastol ng kalabaw ay nakaamoy ng masangsang na amoy. Hinanap
nila ang pinanggalingan ng amoy at nakita nila ang nabubulok na bangkay ng matanda na
nakabitin sa isang puno ng baliti.

Dahil sa pagkamatay ng matanda, lalo siyang kinatakutan sapagkat nung nabubuhay pa siya,
takot na takot sa kanya ang mga babae sa pagkat bahaw ang tinig nito, paimpit kung tumawa at
malalalim ang mga mata. Sinunog ng ilan ang damit na galing sa matanda at ang mga hiyas
naman ay tinapon sa ilog.

Hindi nagtagal, isang batang mistisong kastila ang dumating at sinabing siya ang anak ng
namatay. Ito ay may pangalang Saturnino. Siya ay masipag at mapusok. Sininop niya ang
gubat. Sa kalaunan, nakapag-asawa siya ng isang babaeng taga-Maynila at nagkaroon ng anak
na tinawag niyang Rafael o Don Rafael, na siyang ama ni Crisostomo.

Si Don Rafael ay hindi malupit bagkus siya ay mabait. Ito ang dahilan kung bakit kinagiliwan
siya ng mga magsasaka. Napaunlad niya ang lugar, mula sa pagiging nayon. Ito ay naging
bayan.

Nagkaroon ng isang kura Indiyo. Pero, nang namatay si Padre Damaso na ang pumalit at
naging kura pareho ng bayan.

_____________________________________________________________

KABANATA 11: Ang mga Makapangyarihan

Ang mga Makapangyarihan

Bagamat Don Rafael, ang tawag sa ama ni lbarra. Hindi siya ang Kinikilalang makapangyarihan
kahit na siya ang pinakamayaman. Pero,siya ay iginagalang at halos lahat ng mga tao ay
mayroong pagkakautang sa kanya. Sa kabila ng kabusilakan ng kanyang damdamin, siya ay
kinalaban ng magkaroon ng usapin at ni wala pa ngang kakampi.

Si Kapitan Tiyago man, kahit na masalapi at sinasalubong ng banda ng musiko at hinahainan


ng masasarap na pagkain kapag nagpupunta sa bayan,siya ay nakatalikod, siya ay tinayawag
na Sakristan Tiyago.

Ang kapitan sa bayan ay hindi rin kabilang sa mga tinatawag na casiqueo makapangyarihan.
Ang kanyang puwesto ay nabili niya sa halagang P5,000. Madalas siyang sabunin at kagalitan
ng alkalde mayor.
Ang San Diego ay maihahalintulad sa Roma at Italya sa mahigpit na pag- aagawan sa
kapangyarihan pamunuan ng bayan. Ang mga ito ay sina Pare Bemardo Salvi, isang payat at
batang pransiskano at siyang pumalit kay Padre Damaso. Payat siya sapagkat mahilig siyang
mag-ayuno. Kung ihahambing siya kay Pari Damaso, siya ay mabait at maingat sa tungkulin. Si
Pari Salvi ay ang Alpares at ang kanyang asawa na si Donya Consolacion, isang Pilipina na
mahilig maglagay ng mga kolorete sa mukha. Ang alpares ang puno ng mga guwardiya sibil.
Ang pagkakapangasawa niya ay binubunton niya sa pamamagitan ng paglalasing, pag-uutos sa
mga sundalo na magsanay sa init ng araw o dili kaya ay sinasaktan ang kanyang eposa.

Bagama't may hidwaan ang alpares at Pari Salvi kapag sila ay nagkikita ay pareho silang
nagpaplastikan. Sila ay nagbabatian sa harap ng maraming tao at para walang anumang
namamagitan di pagkakaunawaan. Pero, kapag hindi na magkaharap gumagawa sila ng kani-
kanilang mga paraan para makapaghiganti sa isa't-isa.

Ang alpares at Pari Salvi ang tunay na makapangyarihan sa San Diego. Ang tawag sa kanila ay
mga casique.

_____________________________________________________________

KABANATA 12: Araw ng mga Patay

Araw ng mga Patay

Ang sementeryo ng San Diego ay nasa kalagitnaan ng isang malawak na palayan at may bakod
na lumang pader at kawayan. Lubhang napakakipot ng daang patungo rito. Ito ay maalikabok
kung tag-araw at nagpuputik naman kung tag-ulan.

Mayroong isang malaking krus na nasa gitna ng libingan. Ito ay mayroong nakatungtong na
bato at nakatitik ang INRI sa isang kuping lata na niluma na ng panahon. Masukal ang kabuuan
ng libingan.

Sa ibang bahagi ng libingan, may dalawang tao ang humuhukay ng paglilibingan na malapit sa
pader na parang babagsak na. Ang isa ay dating sepulturero at ang isa naman ay parang bago
sapagkat hindi siya mapakali, dura ng dura sa lupa at panay ang hitit ng sigarilyo.

Sinabi ng naninigarilyong lalaki sa sepulturero na lumipat na sila ng ibang lugar sapagkat sariwa
at dumudugo pa ang bangkay na kanyang hinuhukay. Hindi niya matagalan ang gayong
tanawin.

Sumagot ang kausap na siya raw ay napakaselan at marahil kung siya ang nasa kanyang
kalagayan na ipinahukay ang isang bangkay na may 20 araw pa lang nalilibing sa gitna ng
kadiliman ng gabi, kasalukuyang bumubuhos ang malakas na ulan at namatay ang kanyang
ilaw ay lalo siyang mandidiri at kikilabutan ang buong katawan.Ang bangkay anya ay kailangang
pasanin at ilibing sa libingan ng mga intsik.
Gayunman, dahil nga sa malakas ang buhos ng ulan at kabigatan ng bangkay, minarapat na
lamang na itapon niya ito sa lawa. Ito ay dahil sa utos ng malaking kura na si Padre Garrote.

_____________________________________________________________

KABANATA 13: Mga Unang Banat ng Unos

Mga Unang Banta ng Unos

Dumating si Ibarra sa libangan at hinanap ang puntod ng ama- si Don Rafael. Kasama niya ang
isang matandang utusan niya. Sinabi ng matanda kay Ibarra, na si Kapitan Tiyago ang
nagpagawa ng nitso ni Don Rafael. Ito anya ay tinaniman niya ng mga bulaklak ng adelpa at
sampaga at nilagyan ng krus.

Nakita nina Ibarra at matanda ang sepulturero. Sinabi nila ang palatandaan ng libingan ni Don
Rafael. Tumango ang tagapaglibing. Pero, nasindak si Ibarra ng ipagtapat ng sepulturero na
kanyang sinunog ang krus at itinapon naman ang bangkay sa lawa dahil sa utos ni Padre
Garrote. Higit umanong mabuti na mapatapon ang bangkay sa lawa kaysa makasama pa ito sa
libingan ng mga intsik.

Parang pinagtakluban ng langit at lupa si lbarra. Nasindak siya ng husto. Ang matanda naman
ay napaiyak sa kanyang narinig. Parang baliw na nilisan ni lbarra ang kausap hanggang sa
makasalubong niya si Pari Salvi na nakabaston na may puluhang garing.

Kaagad na dinaluhong ni lbarra si Pari Salvi. Bakas sa mukha ni lbarra ang nagalalatang na
poot at galit sa dibdib. Nararamdaman iyon ni Pari Salvi. Tinanong ni lIbarra si Pari Salvi kung
bakit nagawa nila ang malaking kalapastangan sa kanyang ama. Sumagot si Pari Salvi na hindi
siya ang may kagagawan niyon kundi si Padre Damaso na tinawag na Padre Garrote.

_____________________________________________________________

KABANATA 14: Si Pilosopo Tasyo

Si Pilosopo Tasyo

Si Pilosopo Tasyo ay dating Don Anastacio. Siya ay laging laman ng lansangan, walang tiyak
na direksyon ang kanyang paglalakad. Nang araw na iyon ay dumalaw din siya sa libingan
upang hanapin ang puntod ng nasirang asawa. Ang pagkakilala kay Tasyo ng mga mangmang
ay isang taong may toyo sa ulo o baliw.

Anak siya ng mayaman. Pero, dahil sa katalinuhan niya ay pinahinto sa pag aaral mula sa
dalubhasaan ng San Jose. Natatakot kasi ang kanyang ina, na dahil sa pagtatamo niya ng higit
na mataas na kaalaman, baka makalimutan niya ang Diyos. Isa pa, gusto ng kanyang ina na
siya ay magpare. Pero,hindi niya ito sinunod at sa halip ay nag-asawa na lamang siya.
Gayunman, pagkaraan ng isang taon, namatay ang kanyang asawa. Inukol na lamang ni Tasyo
ang sarili sa pagbabasa ng mga aklat hanggang sa mapabayaan niya ang kanyang mga
minanang kayamanan.

Bagamat nang hapong iyon mayroong babala na darating ang unos sapagkat matatalim na
kidlat ang gumuguhit sa nagdidilim na langit, masaya pa rin ang hitsura ni Pilosopo Tasyo. Ito
ang ipinagtaka ng mga taong nakakausap niya. Tinanong siya kung bakit, Diretso ang sagot
niya:"Ang pagdating ng bagyo ang tangi kong pag-asa sapagkat't ito ang magdadala ng mga
lintik na siyang papatay sa mga tao at susunog sa mga kabahayan. Sana magkaroon din ng
delubyo sapagkat may sampung taon na ngayon, isinuwestiyon ko sa bawat kapitan ang pagbili
nila ng tagahuli ng kidlat o pararayos ngunit ako'y pinagtawanan lamang ng lahat."

Ayon pa sa kanya, hindi binili ng mga kapitan ang kanyang pinabibili at sa halip ay mga paputok
at kuwitis ang kanilang binili at binayaran ang bawat dupikal ng kampana, gayong sa agham ay
mapanganib ang tugtog ng mga batingaw kapag kumukulog. Iniwanan ni Tasyo ang kausap at
nagtuloy ito sa simbahan. Inabutan niya ang dalawang bata sa pagsasabing ipinaghanda sila ng
kanilang ina ng hapunang pangkura. Tumanggi ang mga bata.

Lumabas ng simbahan si Tasyo at nagtuloy sa may kabayanan. Nagtuloy siya sa bahay ng


mag-asawang Don Filipo at Aling Doray. Masayang sinalubong ng mag-asawa at itinanong
kung nakita niya si Ibarra na nagtungo sa libingan. Sumagot siya ng oo sa pagsasabing nakita
niya itong bumaba sa karwahe. Naramdaman niya, anya, ang naramdaman ni Ibarra nang hindi
makita ang ibing ng ama. Ayon kay Tasyo isa siya sa anim na kataong nakipaglibing kay Don
Rafael.

Sa pag-uusap pa rin nila, nabanggit ni Aling Doray ang tungkol sa purgatoryo sapagkat nuon ay
undas nga. Sinabi ni Tasyo na hindi siya naninwala sa purgatoryo. Pero, sinabi niyang iyon ay
mabuti, banal at maraming kabutihan ang nagagawa nito sa tao upang mabuhay ng malinis at
dalisay na pamumuhay. Binigyang diin pa niya na ang purgatoryo ay siyang tagapag ugnay ng
namatay sa nabubuhay.

Pagkuwa'y nagpaalam na siya. Palakas ng palakas ang buhos ng ulan. Ito ay sinasalitan ng
matatalim na kidlat at kulog. Siyang-siya si Pilosopo Tasyo sa gayong pangyayari sapagkat
nakataas pa ang kanyang dalawang kamay at nagsisigaw habang naglalakad papalayo sa mag-
asawa.

_____________________________________________________________

KABANATA 15: Ang mga Sakristan

Ang mga Sakristan


Parang plegarya ang tunog ng kampanang binabatak ng magkapatid na sakristan na sina
Crispin at Basilio. Sila ang kausap kanina ni Pilosopo Tasyo at sinabihan ng sila ay hinihintay
ng kanilang inang si Sisa para sa isang hapunang pangkura. Sa anyo ng hitsura ng magkapatid
mapagsisino na sila ya hilahod sa hirap.

Sinabi ni Crispin kay Basilio ng kung kasama sila ni Sisa. Disin sana, siya ay hindi
mapagbibintangang isang magnanakaw. At kung malalaman ni ni Sisa na siya ay pinapalo,
tiyak hindi papayag ang kanilang ina. Ang anyo ng pangamba sa mukha ni Crispin ay
nababakas. Idinadalangin na sana magkasakit silang lahat. Ang suweldo lang kasi ni ay
dalawang piso sa isang buwan. Minultahan pa siya ng tatlong beses. Pero, hindi pumayag si
Basilio sapagkat walang kakainin ang kanilang ina. Isa pa ang katumbas ng dalawang onsa ay
P32.00. lubhang mabigat ito para kay Basilio.

Ipinakiusap ni Crispin na bayaran na lamang ni Basilio ang ibinibintang sa kanya. Pero, kulang
pa ang sasahurin ni Basilio kahit magbayad sila. Dahil dito, nasabi ni Crispin na mabuti pa
ngang magnanakaw na siya sapagkat maililitaw niya ito. At kung papatayin man siya sa palo ng
kura at siya'y mamamatay magkakaroon naman ng mga damit si Sisa at ang kapatid nasi
Basilio. Nasindak ang huili sa binanggit ng kapatid.

Nag-aalala pa si Basilio na kapag nalaman ng kanilang ina napagbintangang nagnakaw si


Crispin, tiyak na magagalit ito. Pero, sinabi ni Crispin na hindi maniniwala ang kanilang ina
sapagkat ipikikita niya ang maraming latay na likha ng pagpalo ng kura at ang bulsa niyang
butas-butas na walang laman kundi isang kuwalta na aginaldo pa niya noong paslo, na kinuha
pa sa kanya ng hidhid na kura.

Gulo ang isip ni Crispin dahil mahirap na gusot na napasukan nilang magkapatid. Gusto niyang
makauwi silang magkapatid upang makakain ng masarap na hapunan. Magmula ng
mapagbintangan siyang nagnakaw, hindi pa siya pinapakain hangga't hindi niya naisauli ang
dalawang onsa. Maliwanag sa mga pahayag ni Crispin na kaya siya napagbintangang
magnanakaw sapagkat ang kanilang ama ay mabisyo, lasenggero at Sabungero.

Habang nag-uusap ang magkapatid, ang sakristan mayor ay walang kilatis na nakapanhik sa
palapag na kinaroonan nila. Antimano, puyos ito sa galit Sinabi niya kay Basilio na ito ay
kanyang minumultahan dahil sa hindi tamang pagtugtog ng kampana. Kapagdaka, si Crispin
naman ang hinarap at sinabing hindi ito makakauwi hanggang hindi niya inilalabas ang
dalawang onsa na binibintang sa kanya. Tinangkang mangatwiran ni Basilio, pero sinanslaa
siya ng sakristan mayor sa pagsasabing kahit na siya ay hindi makakauwi hanggang hindi
sumasapit ang eksaktong ika-10 ng gabi. Gimbal si Basilio sapagkat ika-9 pa lamang ng gabi ay
wala ng puwedeng maglakad sa lansangan kung gabi. Makikiusap pa sana si Basilio, pero
biglang sinambilat ng sakristan mayor si Crispin sa bisig at kinaladkad na papanaog sa
hagdanan hanggang sa sila ay lamunin sa dilim. Dinig ni Basilio ang pagpapalahaw ng kapatid.
Pero, wala siyang magawa, naiwan itong parang tulala. Ang bawat pagsampal ng sakristan kay
Crispin ay sinusundan ng masakit na pagdaing. Nanlaki ang mata at nakuyom ni Basilio ang
kanyang palad sa sinapit ng kapatid. Pumasok sa isip na kung kailan siya maaaring magararo
sa bukid habang naririning niya ang paghingi ng saklolo ni Crispin. Mabilis na pumanhik siya sa
ikalawang palapag ng kampanaryo. Mabilis na kinalag niya ang lubid na nakatali sa kampana at
nagpatihulog na padausdos sa bintana ng kampanaryo. Nuon ang langit ay unti-unti ng
nagliliwanag sapagkat humihinto na ang ulan.

_____________________________________________________________

KABANATA 16: Si Sisa

Si Sisa

Ang kadiliman ay nakalatag na sa buong santinakpan. Mahimbing na natutulog ang mga taga-
San Diego pagkatapos na makapag-ukol ng dalanginsa kanilang mga yumaong mga kamag-
anak. Pero, si Sisa ay gising. Siya ay nakatira sa isang maliit na dampa na sa labas ng bayan.
May isang oras din bago narating ang kanyang tirahan mula sa kabayanan.

Kapuspalad si Sisa sapagkat nakapag-asawa siya ng lalaking iresponsable, walang pakialam


sa buhay, sugarol at palaboy sa lansangan. Hindi niya asikaso ang mga anak, tanging si Sisa
lamang ang kumakalinga kay Basilio at Crispin. Dahil sa kapabayaan ng kanyang asawa,
naipagbili ni Sisa ang ilan sa mga natipong hiyas o alahas nito nuong sila siya ay dalaga pa.
Sobra ang kanyang pagkamartir at hina ng loob. Sa madalang na paguwi ng kanyang asawa,
nakakatikim pa siya ng sakit ng katawan. Nananakit ang lalaki. Gayunaman, para kay Sisa ang
lalaki ay ang kanyang bathala at ang kanyang mga anak ay anghel.

Nang gabing iyon, abala siya sa pagdating nina Basilio at Crispin. Mayroong tuyong tawili at
namitas ng kamatis sa kanilang bakuran na siyang ihahain niya kay Crispin. Tapang baboy-
damo at isang hita ng patong bundok o dumara na hiningi niya kay Pilosopo Tasyo ang inihain
niya kay Basilio. Higit sa lahat, nagsaing siya ng puting bigas na sadyang inani niya sa bukid.
Ang ganitong hapunan ay tunay na pangkura, na gaya ng sinabi ni Pilosopo Tasyo kina Basilio
at Crispin ng puntahan niya ang mga ito sa simbahan.

Sa kasamaang palad, hindi natikman ng magkapatid ang inihanda ng ina sapagkat dumating
ang kanilang ama. Nilantakang lahat ang maga pagkaing nakasadya sa kanila. Itinanong pa
niya kung nasaan ang dalawa niyang anak. Nang mabundat ang asawa ni Sisa ito ay muling
umalis dala ang sasabunging manok at nagbilin pa siya na tirahan siya ng perang sasahudin ng
anak.

Windang ang puso ni Sisa. Hindi nito mapigilan na hindi umiyak. Paano na ang kanyang
dalawang anghel. Ngayon lamang siya ngluto, tapos uubusin lamang ng kanyang walang
pusong asawa.

Luhaang nagsaing siyang muli at inihaw ang nalalabing daing na tuyo sapagkat naalala niyang
darating na gutom ang kanyang mga anak. Hindi na siya napakali sa paghihintay. Upang
maaliw sa sarili, di lang iisang beses siya umawit nang mahina. Saglit na tinigil niya ang
pagaawit ng kunduman at pinukulan niya ng tingin ang kadilimang bumabalot sa kapaligiran.
Nagkaroon siya ng malungkot na pangitain. Kasalukuyan siyang dumadalangin sa Mahal Na
Birhen, ng gulantangin siya ng malakas na tawag ni Basilio mula sa labas ng bahay.

_____________________________________________________________

KABANATA 17: Si Basilio

Si Basilio

Napatigagal si Sisa nang dumating si Basiliong sugatan ang ulo. Dumadaloy ang masaganang
dugo. Ipinagtapat ni Basilio ang dahilan ng kanyang pagkakasugat. Siya ay hinabol ng mga
guwardiya sibil at pinahihinto sa paglakad. Pero siya ay kumaripas ng takbo sapagkat
nangangamba siyang kapag nahuli siya ay parurusahan siya at paglilinisin sa kuwartel. Dahil sa
hindi niya paghinto siya ay binaril. Dinaplisan siya ng punglo sa ulo. Sinabi din niya sa ina na
naiwan niya sa kumbento si Crispin. Nakahinga ng maluwag si Sisa. Ipinakiusap ni Basilio sas
ina, na huwag sabihin kanino man ang dahilan ng kanyang pagkakasugat sa ulo. At sa halip ay
sabihin na lamang na nahulog siya sa puno.

Tinanong ni Sisa kung bakit naiwan si Crispin. Sinabi ni Basilio na napagbintangan na


nagnakaw ng dalawang onsa si Crispin. Hindi niya sinabi ang parusang natikman ng kapatid sa
kamay ng sakristan mayor. Napaluha si Sisa dahil sa awa sa anak. Sinabing ang ma dukhang
katulad lamang nila ang nagpapasan ng maraming hirap sa buhay. Hindi nakatikim ng pagkain
si Basilio. Kaagad na sinayasat ng ang ina nang malaman na dumating ang ama. Alam niyang
pagdumarating ang ama tumitiking ng bugbog ang ina. Nito. Nabanggit ni Basilio na higit na
magiging mabuti ang kanilang kalagayan, kung silang tatlo na lamang. Hitsa puwera ang ama.
Ito ay pinagdamdam ni Sisa.

Sa pagtulog ni basilio siya ay binangungot. Sa panaginip niya, nakita niya ang kapatid na si
Crispin ay pinalo ng yantok ng kura at sakristan major hangang sa ito ay panawan ng malay
tao. Dahil sa kanyang malakas na pagungol, siya ay ginising ni Sisa. Tinanong ni Sisa kung ano
ang napanaginipan nito. Hindi sinabi ni Basilio ang dahilan at sa halip, kanyang sinabi kung ano
ang balak nito sa kanilang pamumuhay. Ang kaniyang balak ay (1) ihihinto na silang
magkakapatid sa pagsasakristan at ipapakaon niya si Crispin kinabukasan din, (2) hihilingin
niya kay lbarra na kunin siyang pastol ng kanyang baka at kalabaw at (3) kung malaki-laki na
siya, hihilingin niya kay lbarra na bigyan siya ng kapirasong lupa na masasaka.

Sa pagsusuri ni Basilio sila ay uunlad sa kanilang pamumuhay dahil siya ay magsisipag sa


pagpapayaman at paglilinang sa bukid na kanyang sasakahin kung saka-sakali.

Si Crispin ay mag-aaral kay Pilosopo Tasyo at si Sisa ay titigil na sa paglalamay ng mga


tinatahing mga damit. Sa lahat ng sinasabi ni Basilio, si Sisa ay nasisiyahan. Ngunit lihim na
napaluha ito sapagkat hindi isinama ng anak sa kanyang mga balak ang kanilang ama.
_____________________________________________________________

KABANATA 18: Mga Kaluluwang Naghihirap

Mga Kaluluwang Naghihirap

Napuna ng mga manang na matamlay at tila may-sakit si Pari Salvi ng magmisa kinabukasan.
Naruon sa kumbento ang mga manang at manong upang isangguni sa kura kung sino ang
pipiliin niyang magsermon sa kapistahan ng bayan. Si Pari Damaso ba? Pari Martin o ang
coordinator? Sa kanilang paghihintay, naging paksa sa kanilang usapan ang tungkol sa
pagkakaroon ng "indulhernsiya plenarya, na siyang tanging kailangan ng mga kaluluwang
nagdurusa sa purgatoryo upang mahango roon. Ang isang karaniwang indulhensiya sa kanilang
pagkaalam ay katumbas na ng mahigit na 1,000 taong pagdurusa sa purgatoryo. Ang mga
manang na nag-uusap ay pinangungunahan ng isang batang-batang balo, Manang Rufa at
Manang Juana. Dahil sa kanilang kaabalahan sa pag-uusap, hindi nila napansin ang pagdating
ni Sisa.

Siya ay mayroong sunong na bakol na puno ng sariwang gulay na pinitas niya sa kanyang
halamanan. Mayroon din siyang halamang dagat na katulad ng pako, na paboritong gawing
salad ng kura. Suot niya ang kanyang pinakamagandang damit. Tulog pa si Basilio ng umalis
siya sa kanilang Dampa.

Dumiretso si Sisa sa kusina ng kumbento. Inaasahan niya na marinig ang tinig ni Crispin.
Ngunit hindi niya ito marinig. Binati niya ang nga sakristan at kawasi sa kumbento. Hindi siya
napansin ng mga ito. Kung kaya't siya na mismo ang nag-ayos sa mga dala niyang gulay sa
isang hapag.

Nakiusap si Sisa sa tagapagluto kung maari niyang makausap ang pari. Pero, sinabi sa
kanyang hindi sapagkat may sakit ito. Tinanong niya ang tagapagluto, Kung nasaan si Crispin.

Ang sagot sa kanyang tanong ay parang bombang sumabog sa kanyang pandinig: Si Crispin ay
nagtanan din pagkatapos na makapagnakaw ng dalawang onsa at pagkawala ng pagkawala ng
makapatid. Naipagbigay alam na ng alila sa utos ng kura ang pangyayari sa kwartel. Ang mga
guwardiya sibil ay maaring nasa dampa na nina Sisa upang hulihin ang magkapatid, pagdiin pa
ng alila.

Nangatal si Sisa. Naumid ang labi. Mabilis na tinakpan ang kanyang dalawang tainga nang
paratangan siya ng alila na isang inang walang turong mabuti sa mga anak dahil nagmana ito
sa ama.

Tuliro siyang nagtatakbong nilisan ang kumbento. Gulong-gulo ang isip.

_____________________________________________________________
KABANATA 19: Mga Suliranin ng Isang Guro

Mga Suliranin ng Isang Guro

Kahit na dumaan ang malakas na bagyo,ang lawa ay hindi gaanong nabagabag Palibhasa ito
ay napapaligiran ng mga bundok. Sa atbi ng lawa, nag-uusap sina lbarra at ang binatang guro.
Itinuro ng guro kay lbarra kung saang panig ng lawa itinapon ang labi ni Don Rafael. Sang-ayon
sa kanya, kasama si Tenyente Gueverra nuong itinapon ang bangkay. Wala siyang tanging
magawa nuon kundi makipaglibing.

Malaki ang utang na loob kay Don Rafael. Nuong bagong salta ito sa San Diego, ang Don ang
tumustos sa kanyang mga pangangailangan sa pagtuturo. Sinabi ng guro kay lbarra na ang
malaking suliranin niya at ng mga mag-aaral ay ang kakulangan ng magagastos.

Malaki ring problema anya, ang kawalan ng pagtutulungan ng mga magulang at mga taong
nasa pamahalaan. Lumilitaw na hindi ang lahat ng mga pangangailangan ng mga batang nag-
aaral na katulad ng mga libro na karaniwang nasusulat sa wikang Kastila at ang
pagmememorya ng mga bata sa mga nilalaman nito. Dahil din sa kakulangan ng mga bahay-
paaralan, ang klase ay ginaganap sa silong ng kumbento sa tabi ng karwahe ng kura.
Nasanay ang mga bata na bumasa ng malakas. Ito ay nakakabulabog sa kura, kaya
nakakatikim ng sigaw, at mura ang mga bata at guro.

Nabanggit din ng guro kay lbarra na dahil sa pagbabagong kanyang ginawa, madaling
natutuhan ng mga mag-aaral ang wikang kastila. Pero siya ay nilait ni Pari Damaso sa
pagsasabing ang wikang kastila ay hindi nababagay sa katulad niyang mangmang. Ang
kailangan lamang niyang matutuhan ay tagalog.

Ipinaris pa siya ni Pari Damaso kay Maestro Circuela, isang guro na di marunong bumasa
ngunit nagtayo ng eskwela at nagturo ng pagbasa sa kanyang mga estudyante. Labag man sa
kanyang kalooban, wala siyang magawa kundi sumunod kay Pari Damaso. Pero, nag-aral din
ang guro ng wikang kastila oara sa kanyang oansariling interes.

Sobra ang pakialam ni Pari Damaso sa guro. Nang huminto ang guro sa paggamit ng pamalo
sa pagtuturo. Siya ay ipinatawag ng kura upang ipabalik sa kanya ang pagagmit ng pamalo
saspagkat mabisa ito sa pagtuturo. Tumututol man sa kanyang kalooban, sumunod din siya
saspagkat mismong mga magulang ay napahinuhod ni Pari Damaso na ibalik ang pamalo sa
pagtuturo,. Dahil ssa naging sukal sa kalooban ang pagtuturo, nagkasakit ang guro. Nang ito ay
guamling at bumalik sa serbisyo, kakarampot na lamang ang kanyang tinuturuan. Sa kanyang
pagbabalik, nagkaroon ngbagong kura. Hindi na si Pari Damaso. Nabuhayarn siay ng pag-asa.
Sinikap niyang isalin sa wikang tagalog ang mga aklat na nasusulat sa wikang kastila.

Bukod dito, dinagdagan niya ang mga aralin sa katesismo,pagsasaka, kagandahang asal na
hango sa Urbanidad ni Hustensio at Felisa at sa Kasasysayan mg Pilipinas. Pero, sa lahat ng
mga araling ito dapat unahin ang pagtuturo ng relihiyon, ayon sa mga bagong kura nang
ipatawag niya ang guro. Nagkomit si lbarra na tutulungan niya ang guro sa pamamgitan ng
pulong sa tribunal na kanyang dadaluhan sa paanyaya ng tinyente mayor.

_____________________________________________________________

KABANATA 20: Ang Pulong sa Tribunal

Ang Pulong sa Tribunal

Ang tribunal ay isang malaking bulwagan na siyang pinagtitipunan at lugar na pulungan mga
may kapangyarihang mga tao sa bayan. Nang duting sina Ibarra at ang guro, nagsissimula na
ang pagpupulong. May dalawang
pangkat na nakapaqligid sa mesa. Ito ay binuo ng dalawang lapian sa bayan. Ang conserbador
ay pangkat ng mga matatanda. Ang isa naman ay pangkat ng mga liberal na binubuo ng mga
kabataan. Ito ay pinamumunuan ni Don
Felipo. Pinagtatalunan nila ang tungkol sa pagdaraos ng pista ng San Diego. May labing isang
araw na lamang ang nalalabi at pista na. Tinuligsa ni Don Felipo ang tinyente mayor at kapitan
dahil malabo pa ang mga paghahanda sa piyesta.

Kung saan-saan napunta ang kanilang pulong. Nagsalita pa si Kapitan Basilyoisang mayaman
na nakalaban ni Don Rafael. Walang binesa at walang kawawaan ang talumpati niya. Dahil
dito,isinahapag ni Don Felipo ang isang mungkahi at talaan ng mga gastos. Ang mungkahi niya
ay magtayo ng isang malaking tanghalan sa liwasang bayan at magtanghal ng komedya sa loob
ng isang linggong singkad. Ang dulaan ay nagkakahalaga ng P160.00 samantalang ang
komedya ay P1,400 na tig-P200. Bawat gabi. Kailangan din ang mga paputok na paglalaanan
ng P1,000. Binatikos si Don Felipo sa kanyang mga mungkahi, kung kaya't iniatras niya ang
mga ito.

Sumunod na nagpananukala naman ay ang kabisa na siyang puno ng mga matatanda. Ang
kanyang mungkahi (1) tipirin ang pagdiriwang (2) walang paputok (3) ang magpapalabas ng
komedya ay taga San Diego at ang paksa ay sariling ugali upang maalis ang mga masamang
ugali at kapintasan.

Nawalang saysay din ang panukala ng kabisa sapagkat ipinahayag ng kapitan na tapos na ang
pasya na kura na tungkol sa pista.Ang pasya ng kura ay ang pagdaraos ng anim na prusisyon,
tatlong sermon, tatlong misa mayor at komedya sa Tundo. Ito ang gusto ng kura, kaya sumang-
ayon na lamang ang dalawang pangkat.

Nagpaalam si lbarra sa guro at ipinaalam na siya'y pupunta sa ulumbayan ng lalawigan upang


lakarin ang isang mahalagang bagay.

_____________________________________________________________

KABANATA 21: Mga Pagdurusa ni Sisa


Mga Pagdurusa ni Sisa

Lito ang isip na tumatakbong pauwi si Sisa. Matinding bumabagabag sa kanyang isip ang
katotohanang sinabi sa kanya ng kawaksi ng kura. Para siyang tatakasan ng sariling bait sa
pag-isip kung paano maililigtas sina Basilio at Crispin sa kamay ng mga sibil. Tumindi ang sikdo
ng kanyang dibdib nang papalapit na siya sa kanyang bahay ay natanaw na niya nag dalawang
sibil na papaalis na. Saglit na nawala ang kaba sa kanyang dibdib. Hindi kasama ng mga sibil
ang isa man sa kanyang anak.

Gayunman, sa sumunod na sandali, muling sinakmal ng matinding pangamba si Sisa. Nang


makasalubong niya ang dalawang sibil. Pilit na tinatanong siya kung saan niya diumano itinago
ang dalawang onsang ninakaw ng kanyang anak. Pilit na pinaamin din siya tungkol sa paratang
ng kura. Kahit na magmamakaawa si Sisa, hindi rin pinakinggan ang kanyang pangangatwiran.
Hindi siya pinaniwalaan ng mga sibil. At sa halip pakaladkad na sinama siya sa kuwarter.

Muling nagsumamo si Sisa, pero mistulang bingi ang kanyang mga kausap. Ipinakiusap ni Sisa
na payagan siyang mauna ng ilang hakbang sa nga sibil habang sila ay naglalakad patungong
kuwartel kapag sila ay nasa kabayabnan na.

Pagdating nila sa bayan, tiyempong katatpos pa lamang ng misa. Halos malusaw sa kahihiyan
si Sisa. Kaagad na ipinasok siya sa kwartel. Nagsumiksik siyang parang daga sa isang sulok.
Nanlilimahid at iisa ang kanyang damit. Ang buhok naman ya daig pa ang sinabungkay nag
dayami. Gusot-gusot ito. Ang kanyang isip ay parang ibig ng takasan ng katinuan

Sa bawat paglipas ng sandali, nadagdagan ang kasiphayuan ni Sisa. Magtatanghali, nabagbag


ang damdamin ag Alperes. Iniutos na palayain na si Sisa. Ngunit hinang hina na siya. May
dalawang oras din siyang nakabalndra sa isang sulok.

Painot-inot na naglakad si Sisa hanggang sa muli siyang makarating sa kanyang bahay.


Dagling umakyat siya sa kabahayan. Tinawag ang pangalan ng mga anak. Paulit-ulit, parang
sirang plaka. Ngunit hindi niya ito makita, kahit na panhik panaog ang ginawa niya. Tinungo
niya ang gulod ,at sa may gilid ng bangin. Wala ang kanyang hinahanap. Ptakbo siyang bumalik
sa bahay.

Natapunan niya ng pansin, ang isang pilas ng damit ni Basilio na may bahid ng dugo. Hawak
ang damit, pumanaog siya ng bahay at tiningnan sa sikat ng araw ang pilas ng damit na
nababahioran ng dugo. Nilulukob ng matinding nerbiyos ang buong katawan. Ano na nag
nangyari sa kanyang mga anak. Hindi madulumat ang nararamdaman niyang kasiphayuan.

Naglakad-lakad siya kasabay ng pasaglit-saglit na pasigaw ng malakas. Ang banta ng


pagkabaliw ay unti unting lumalamon sa kanyang buong pagkatao.
Kinabukasan, nagpalaboy-laboy sa lansangan si Sisa. Ang malakas na pag iyak, hagulgol at
pagsigaw ay nagsasalit at kung minsan ay magkasabay na ipinakita ang kanyang kaanyuan.
Lahat ng mga taong nakakasalubong niya ay nahihintakutan sa kanya.

_____________________________________________________________

KABANATA 22: Liwanag at Dilim

Liwanag at Dilim

Magkasamang dumating si Maria at ang kanyang Tiya Isabel sa San Diego para sa pistang
darating. Naging bukambibig ang pagdating ni Maria sapagkat matagal na siyang hindi
nakakauwi sa bayang sinilangan. Isa pa, minamahal siya ng mga kababayan dahil sa
kagandahang ugali, kayumian at kagandahan. Labis na kinagigiliwan siya. Sa mga taga San
Diego, ang isa sa kinapapansinan ng malaking pagbabago sa kanyang ikinikilos ay si Padre
Salvi.

Lalong pinag-usapan si Maria, nang dumating si albarra at madalas na dalawin ito. Sinabi ni
lbarra kay Maria na handa na ang lahat para sa gagawin nilang piknik kinabukasan. Ikinatuwa
ito ni Maria sapagkat makakasama na naman niya sa pamamasyal ang kanyang dating
kababata sa bayan.

Ipinakiusap ni Maria sa kasintahan na huwag ng isama ang kura sa lakad nila sapagkat
magmula ng dumating siya sa bayan nilulukob siya ng pagkatakot sa tuwing makakaharap niya
ang kura. Malagkit kung tumingin ang kura kay Maria at mayroong ibig ipahiwatig ang mga titig
nito. Kung kaya, tuwirang hihingi ni Maria kay lbarra na huwag ng isama sa pangingisda si
Padre Salvi.

Pero, sinabi ni Ibarra na hindi niya mapagbibigyan ang kahilingan ni Maria sapagkat yaon ay
lihis sakagandahang-asal at kaugalian ng mga taga- San Diego.

Naputol ang kanilang pag-uusap ng biglang dumating si Padre Salvi. Humingi ng paumanhin si
Maria sa dalawa at iniwanan ang mga ito sa pagsasabing masakit ang kanyang-ulo.

Inanyayahan ni lbarra si Padre Salvi na sumama sa kanilang piknik. Inaasahan iyon ng kura,
kaya na kaagad na tinanggap niya ang paanyaya.

Laganap na ang dilim ng magpaalam si lbarra na uuwi na. Sa daan, nakasalubong niya ang
isang lalaki na dalawang araw ng naghahanap sa kanya. Hiningi ng lalaking nakasalubong ni
lbarra ang tulong nito tungkol sa kanyang problema sa asawa at mga anak.

At sabay na nawala sa pusikit na dilim sina lbarra at ang lalaki.


_____________________________________________________________

KABANATA 23: Ang Piknik

Ang Piknik

Madilim-dilim pa nagsigayak na ang mga na ang mga kabataan,kadalagahan at ilang


matatandang babae na patungo sa dalawang bangkay nakahinto sa pasigan. Ang mga
kawaksing babae ay mayroong sunung-sunong na mga bakol na kinalalagyan ng mga pagkain
at pinggan. Ang mga bangka ay nagagayakan ng mga bulaklak, mga iba,t-ibang kulay na
kagaya ng gitara, alpa,akurdiyon at tambuli.

Si Maria Clara ay kaagapay ang mga matatalik nitong kaibigan na sina Iday, Victorina, Sinang
at Neneng. Habang naglalakad masaya silang nagkukuwentuhan at nagbibiruan. Paminsan-
minsa ay binabawalan sila ng mga matatandang babae sa pangunguna ni Tiya Isabel. Pero,
sige pa rin ang kanilang kuwentuhan.

Nag-tigisang bangka ang mga dalaga sapagkat lulubog daw ang kanilang sinasakyan. Dahil
dito,mabilis na lumipat ang ilang kabinataan sa bangkang sinasakyan ng mga dalagang
kanilang pinipintuho. Si lbarra ay napatabi kay Marai. Si albino ay kay Victoria. Natameme sa
pagkakagulo ang mga dalaga.

Ang pilotoo ang sumasagwan sa dalawang bangkang para umusad sa tubig ay isang binatang
may matikas na anyo,matipuno ang pangangatawan, maitim,mahaba ang buhok at siksik sa
laman. Ito ay si Elias.

Habang hinihintay na maluto ang agahan. Si Maria ay umawit ng Kundiman. Balana ay hindi
nakaimik. Sinabi ni Andeng na nakahanda na ang sabaw para sa isisigang na isda.

Ang mga nagpipiknik ay nasa may baklad na ni Kapitan Tiyago. Ang magbibinatang anak ng
isang mangingisda ay namandaw sa baklad. Ngunit,kaliskis man ng isda ay walang nasalok.

Si Leon na katipan ni iday ang kumuha ng panalokm.Isinalok ito. Ngunit,wala ring nahuling isda.
Sinabi na ang kawalan ng isda sa lawa.sSgawan ang mga babae na baka mapahamak ito.
Pero, pinayapa sila ng ilang mga kalalakihan sa pagsasabing sanay si Elias na humuli ng
buwaya.

llang saglit lang, nahuli na ni Elias ang buwaya. Pero higit na malakas ang buwaya, nagagapi si
Elias. Dahil dito, kumuha ng isang punyal si lbarra at lumundag din sa lawa. Hindi hinimatay si
Maria Clara sapagkat ang mga 'dalaga noon ay hindi marunong mahimatay

Biglang umalimbukay ang pulang tubig. Lumundag pa ang isang anak ng mangingisda na may
tangang gulok. Pamayamaya'y lumitaw sin a lbarra at ang piloto o si Elias na dahil iniligtas siya
ni lbarra sa tiyak na kapahamakan, utang niya ang kanyang buhay dito.
Natauhan mula sa pagkapatda si Maria ng lumapit sa kanya si lbarra. Nagpatuloy ang mga
magkakaibigan sa pangingisda at nakahuli naman ngmarami. Nagpatuloy sila sa gubat na pag-
aari ni Ibarra. Nananghalian sila sa lilim ng mayatabong na punong- kahoy na tumutunghay sa
batisan.

_____________________________________________________________

KABANATA 24: Sa Kagubatan

Sa Kagubatan

Pagkatapos na makapagmisa ng maaga si Pari Salvi, nagtuloy ito sa kumbento upang kumain
ng almusal. May inabot na sulat ang kanyang8 kawaksi. Binasa niya ito. Kapagdaka'y nilamutak
ang liham at hindi na nag- almusal. Ipihanda niya ang kanyang kaerwahe at nagpahatid sa
piknikan.

Sa may di-kalayuan, pinahinto niya ang karwahe. Pinabalik niya sa kumbento. Namaybay siya
sa mga latian hanggang sa maulinigan niya si Maria na naghahanap ng pugad ng gansa.
Naniniwala ang mga dalaga na sinuman ang makakita ng pugad upang masundan niya at
makita parati si Ibarra nang hindi siya makikita nito.

Tuwang-tuwa si Pari Salvi sa panood sa papalayong mga dalaga. Nais niyang Sundan ang mga
ito. Pero, ipinasya niyang hanapin na lamang ang mga kasama nito. Nang punahin ng mga
kasama nito tungkol sa sa kanyang galos, sinabi niyang siya ay naligaw.

Pagkaraang makapananghali, napag-usapan nina Padre Salvi ang taong tumatampalasan kat
Padre Damaso na naging dahilan ng pagkakasakit nito. Kamala-mala, dumating si Sisa. Nakita
siya ni Ibarra, kaya kaagad na iniutos na pakainin ito. Ngunit, mabilis na tumalilis si Sisa.

Napunta ang usapan sa pagkawala nina Crispin at Basilio, mga sakristan ni Pari Salvi. Naging
maigting ang pagtatalo nina Pari Salvi tt Don Felipo sapagkat sinabi ng Don na higit pang
mahalaga sa kura ang paghahanap sa nawawalang onsa kaysa sa kanyang dalawang
sakristan.

Namagitan na si lbarra sapagakt magpapangana na ang dalawa. Sinabi niya sa mga kaharap
na siya na ang kukupkup kay Sisa. Kadagdaka'y nakiumpok na si lbarra sa mga
nagsisipaglarong biinata at dalaga na naglalaro ng Gulong Ng Kapalaran. Nagtanong si lbarra
kung magtatagumpay siya sa kanyang balak. Inihagis niya ang dais at binasa siya ang sagot na
tumama sa: "Ang pangarap ay nanatiling pangarap lamang" Ipinihayag niyang
nagsisinungaling ang aklat ng Gulong ng Kapalaran.
Mula sa kanyang bulsa, inilabaas niya ang isang kapirasong sulat na nagsasaad na pinatibay
na ang kanyang balak na magtayo ng bahay- paaralan. Hinati ni Ibarra ang sulat, ang kalahati
ay ibinigay kat Maria at ang natitirang kalahati ay kay Sinang na nagtamo ng pinakamasamang
sagot sa kanilang paglalaro. At iniwanan na ni lbarra sa pagalalaro ang mga kaibigan.

Dumating si ari Salvi. Walang sabi- sabing hinablot ang aklat at pinagpunit- punit ito. Malaking
Kasalanan, anya ang maniwala sa aklat sapagkat ang mga nilalaman nito'y pawang
kasinungalingan. Nabanas si Albino at sinaihan ang Kura na higit na malaking kasalanan ang
pangahasan ang hindi kanya at walang pahintulot sa pagmamay-ari nito. Hindi na tumugon ang
kura at sa halip ay biglang tinalikuran ang magkakaibigan at nagbalik na ito sa Kumbento.

Sa darating naman ang apat na sibil at ang sarhento. Hinahanap nila si Elias na siya umanong
tumampalasan kay Padre Damaso. Inusig nila si lIbarra dahil sa pag-aanyaya at pagkupkop sa
masamang tao. Pero, tinugon sila ni barra sa pagsasabing walang sinuman ang maaring
makialam sa mga taong kanyang inaanyayahan sa piging kahit na sinuman ang mga taong ito.
Ginagulad ng mga sibil at sarhento ang gubat upang hanapin si Elias na umano'y nagtapon din
sa labak sa alperes. Ni bakas ni Elias ay wala silang nakita.

Nagpasyang umalis na sa gubat ang mga dalaga at binat ng unti-unting lumalaganap ang dilim
sa paligid. Magtatakipsilim na.

_____________________________________________________________

KABANATA 25: Sa Tahanan ng Pilosopo

Sa Tahanan ng Pilosopo

Pagkaraang libutin ni lbarra, nagsadya ito sa bahay ni Mang Tasyo. Inabutan niya ito ng
nagsusulat ng heroglipiko sda wikang Pilipino. Abala ito, kaya ninais niyang huwag ng
gambalain ang matanda. Pero napuna nito ng siya ay papanaog na. Pinigilan si lbarra, Sinbi ni
Mang Tasyo na ang sinusulat niya ay hindi mauunawaan ngayon. Ngunit, ang mga susunod na
salin- lahi ay maiintidahan ito sapagkat ang mga ito ay higit na matalino at malamang hindi
nahihimbing sa panahon ng kanilang mga ninuno.

Ipinalagay ni lbarra na siya ay dayuhan sa sariling bayan at higit namang kilala si Mang Tasyo
ng mga tao.. Kung kaya't isinangguni niya ang kanyang balak tungkol sa pagpapatayo ng
paaralan. Pero, sinabi ng matanda na huwag siyang sangguniin sapagkat itinuturing siyang
baliw ni Ibarra, at sa halip ay kanyang itunuro sa binata ang Kura, ang kapitan ng bayan at ang
lahat ng mayayaman sa bayan. Ayoon pa rin sa kanya, ang mga taong kanyang tinutukoy ay
magbibigay ng masasamang payo subalit ang pagsangguni ay hiindi nangangahulugan ng
pagsunod. Sundin lamang kunwari ang payo at ipakita ni Ibarrang ang kanyang ginagawa ay
ayon sa mga pinagsangunian.
Tinugon ni Ibarra si Mang Tasyo na maganda ang kanyang payo peero mahirap gawin
sapagkat kinakailangan pa bang bihisan ng kasinungalingan ang isang katotohanan. Maagap
na tumugon din ang matanda na higit pa sa pamahalaan ang kapangyarihan ng isang uldog,
nagtagumpay lamang ang binata kung ito ay tutulungan at kung hindi naman. Ang lahat ng
kanyang mga pangarap ay madudurog lamang sa matitgas na pader ng simbahan.
Matindi ang paniniwala ni Ibarra na siya ay tutulungan kapwa ng bayan at pamahalaan.

Nagpatuloy na magkaroon ng tunggalian ng paniniwala sina Mang Tasyo at Ibarra. Ayon pa rin
kay Mang Tasyo ang gobyerno ay kasangkapan lamang ng simbahan. Na ito ay matatag
sapagkat nakasandig sa pader ng kumbento at ito ay kusang babagsak sa sandaling iwan ng
simbahan.

Sinabi ng binata na kasiyahan na niyang masasabi ang dipagdaing ng bayan. Ito ay hindi
naghihrap tulad ng sa isang bansa sapagkat dati - rati tinatangkilik tayo ng relihiyon at ng
pamahalaan. Pero, sinabi naman ni Mang Tasyo na pipi ang bayan kaya hindi dumaraing.
Katunayan, anya darating ang panahong magliliwanag ang kadiliman at ang mga tinimping
buntunghininga'y magsisiklab. Ang Bayan ay maniningil ng pautang at sa gayo'y isusulat sa
dugo ang kanyang kasaysayan.

Ipinaliwanag ng binata na ang Pilipinas ay umiibig sa Espanya at alam ng bayan na siya ay


tintangkilik. Kaya ang Diy0s, ang Gobyerno at ang relihiyon ay di- papayag na sapitin ang araw
na sinabi ni Mang Tasyo. Ikinatwiran naman ng matanda na tunay na mainam ang mga balak
sa itaas ngunit hindi natutupad sa ibaba dahil sa kasakiman sa yaman at sa kamangmangan ng
bayan. Sa palagay niya, ang dahilan ay sapat ang utos ng Hari ay nawawalang silbi sapagakat
walang nagpapatupad. Dahil dito, ang aatupagin ng pamahalaan rito kundi ang magpayaman
sa loob lamang ng tatlong taong panunukungkulan. Sa puntong ito, napuna ni Mang Tasyo na
lumalayo na sila ni ibarra sa usapan. Inungkat muli ni lbarra ang paghingi niya ng payo. Ang
payo ng matanda ay kailangang magyuko muna si lbarra ng ulo sa mga naghari-harian.

Hindi naatim ni Ibarra ang payo ng matanda at sa halip ayy sunod-sunod na tanong ang
kanyang pinakawalan.(1) Kailangan bang magyuko at mapanganyaya? (2) Kailangan bang
maapi upang maging mabutiing kriistiyano at parumihin ang budhi upang matupad ang isang
layunin? (3)Bakit ako mangangayupapa kung ako ay nakapagtataas ng ulo? Direkto sa punto
naman ang sagot ni Mang Tasyo na "Sapagakat ang lupang pagatatamanan ninyo ay hawak ng
inyong mga kaaway. Kayo ay mahina upang lumaban. Kailangang humalik muna kayo ng
kamay!" Mariing sinalungat naman ni lbarra ang pahayag na ito ng matanda sa
pagsasabing:"humalik pagkatapos nilang patayin ang aking ama at hukayin sa libingan. Ako'y
hindi naghihiganti sapagakat mahal ko ang aking relihiyon. Ngunit ang ank ay hindi nakaklimot!"

Sa sinabing ito ni lbarra, Inimungkahi ng matanda na habang buhay sa ala ala ng binata ang
sinapit ng kanyang ama ay limutin muna niya ang tungkol sa kanyang balak na papapatayo ng
paaralan. Kinakailangang gumawa na lamang siya ng ibang paraan na ikagagaling ng kanyang
mga kababayan.
Naunawaan ni lbarra ang payo ng matanda, pero kailangang gawin niya abng naipangakong
handog sa kasintahang si Maria. Humingi pa si Ibarra ng payo kay Mang Tasyo.

Isinama ng matanda ang binata sa may tabi ng bintana. Ang ibinigay nitong payo ay mga
halimbawa. Itinuro ni Mang Tasyo kay Ibarra ang isang rosas na sa deami ng bulaklak ay
yumuyuko sa lakas ng hangin. Kung ito ay magpapakatigas ng tayo, ang tangkay niya ay tiyak
na mababali. Ang sinunod niyang itinuro ay matayog na puno ng makopa. Dati-rati, anya, ay
isang malit na puno ang itinanim. Ito ay tinukuran niya ng mga patpat hanggang sa kumapit ang
mga ugat nito sa lupa. Kung ang puno ay itinanim niya ito ng malaki ay hindi mabubuhay
sapagkat ibubuwal ng hangin. Ito ay ipinaparis niya kay lbarra na parang isang punong inilipat
sa isang lupaing mabato mula sa Europa. Kaya, kailangan nito ang sandalan. Isa pa, hindi
kaduwagan ang pagyuko sa dumarating na punlo. Ang masama ay sumalubosdfng sa punlong
iyon, upang hindi na muling makabangon.

Tinanong ng binata kung malilimot ng kura ang ginawa niya. Nag-aalala na baka pakitang -tao
lamang ang pagtulong sa kanya dahil sa ang pagtutujro ay magiging kaagaw ng kumbwento sa
kayamanan ng bayan.

Binigyan diin ni Mang Tasyo na hindi man magtatagumpay si lbarra, ito ay maroon ding
mapapala sapagkat tiyak na may lalabas na bagong pananim mula sa mga itinanim nito. At ang
binata ay magsisilbing isang mabuting halimbawa sa iba na natatakot lang magsimula.
Kinamayan ni lbarra si Mang Tasyo at sinabing kakausapin niya ang kura na marahil ay hindi
naman kastulad ng umusig sa jkanyang ama. Ipakikiusap din niya sa kura na
tangkilikin ang kaawa-awang balo at ang mga anak. llang saglit pa, tuluyang umalis na si lbarra.

_____________________________________________________________

KABANATA 26: Bisperas ng Pista

Ang Bisperas ng Pista

Ika-10 ng Nobyembre angn bisperas ng pista sa bayan ng San Diego. Naging masigla sa
paghahanda ang kilusan sa lahat ng dako.Ang mga bintana ng bahay ay napapalamutian ng
iba't-ibang dekorasyon. May nagpapaputok ng kuwitis at may nagtutugtugan ng mga banda ng
musiko.

Sa bahay ng mga nakakariwasa,nakaayos ang minatamis na bungang kahoy,may


nakahandang pagkain,alka na binili pa sa Maynila na katulad ng hamon at ng relyenong
pabo,serbesa,tsanpan at iba pang klase ng alak na inangkat pa mula sa Europa.Ang mga
pagkain ganito ay inuukol sa mga banyaga,kaibiganokaaway,at sa mga Pilipino, mahirap mano
mayamanupang masiyahan sila sa pista.
Ang mga ilawang globong kristal na minana pa sa kanilang mga kanununuan ay inilalabas
dinkabilang na ang kanyong binurdahan ng mga dalaga,belong

Ginansilyo,alpombra,bulaklak na gawang kamay, banehang pilak na lalagyan ng tabako,


sigarilyo,hitso at nganga.Dahil sa sobrang kintab ng sahig ay pwewdeng ng
makapanalamin.Puno ng kurtinang sutla ang mga pinto at at pati ang mga santo at imahen ay
nagagayakan din.

Ang mga masasayang lugar ng San Diego ay tinayuan ng arkong kawayan. Naglagay naman
ng malaking tolda at mayroong tukod sa may paligid ng tukod na kawayan upang makadan ang
prusisyon. Sa liwasang bayan naman ay itinayo ang magandang tanghalan siyang pagdarausan
ng komedya ng mga taga-Tundo.
Madalas na tinutogtug ang kampana kasdunod ang mga putok ng mgha kuwitis at bomba.

Lahat-lahat ay mayroong limang banda ng musiko at tatlong oirkestra ang inihanda sa para sa
pagdiriwang ng pista. Sina Kapitan Tiyago at Kapitan Juaquin na may dalawang 18,000, ang
intsik na si Carlos na siyang naglalagay sa sugal na liam-po at mga mamamayan buhat pa sa
Lipa,Tanauan,Batangas at Sta.Cruz ang inaasahang na darating. Batay sa mga balita Si Padre
Damaso ang magsesermon sa umaga at magiging bangkero naman pasgdating ng gabi. Ang
mag magbubukid at taga bundok ay naghahanda ng manok, baboy bungangkahoy at mga gulay
na dadalhin sa mayayamang may-ari na kanilang sinasaka.

Sa isang lugar naman na malapit sa bahay ni lbarra, tinatapos ng mga trabahador ang
katangang semento na siyang pagtatayuan ng bahay paaralan. Si Nol Juan, ang nangangasiwa
sa mga manggagawa. Habang abala ang mga manggagawa,ipinaliliwanag ni Juan ang kanilang
itatayo ay isang malaking paaralan. Ang isang panig ay para sa mga lalakiat ang ikalawa
naman ay para sa mga babae. Ang paaralan ay magiging kauri ng mga modernong paaralan sa
Alemenya. Batay sa planong ginawa ni Ginoong A, na siyang arkitekto ,ang tagiliran ng eskwela
ay tatamnan ng maraming puno at gulay, magkakaroon ng bodega at piitan para sa mga batang
tamad na mag- aral.

Sa proyekto ni lbarra ay naghandog ng tulong ang mga mayayaman samantalang ang kura ay
humiling na siya angn gawing padrino at magbabasbas sa paglalagay ng unang batosa huling
araw ng pista. Sa mga pag-alok ng pagtulong ay tumanggi si lbarra sapagkat hindi naman
simabahan ang kanyang ipinagagawa. Sasagutin niya ang klahat ng gastos.

Dahil dito,siya ay hinangaan ng mga binata at nag-aaral sa Maynila. Ginawa siyang huwaran,
ngunit karaniwan, ang atin lamang natutularan sa kanila ay maliliit na bagay na kanilang
ginagawa at ang mga kasiraan ay napupuna tulad ng ayos ng kurbata, tabas ng kuwelyong
damit, bilang ng butones ngtsaleko o amerikana. Nawala sa isipan ni lbarra ang mga natatakot
na hinala ni Mang Tasyo, at ito ay kanyang nasasbi ngunit tinugon siya nng matanda sa isang
aral ni Balagtas na "Kung ang isalubong sa iyong pagdating may masayang mukha't pakitang
gilliw, lalong pag-ingata't kaaway na lihim. siyang isaisip na kakabakahin.
_____________________________________________________________
KABANATA 27: Sa Pagtakip Salim

Sa Pagtakip Salim

Sa lahat ng may handaan sa pista ng San Diego, isa kay Kapitan Tiyago ang pinakamalaki.
Sinadya niyang higtan sa dami ng handa ang mga taga lalawigan dahil kay Maria at lbarra na
kanyang mamanugangin.Dahil si lbarra ay pinuri pa ng isang tanyag na diyaryo sa Maynila sa
pagsasabing siya ay bihasa at mayamang kapitalista, Kastilang-Pilipino at iba pa.

Bago pa mang dumating ang talagang pista,ilang araw nang dumarating ang sari-saring inumin
at pagkaing galing sa Europa sa tahanan ni Kapitan Tiyago. Sa pagdating ng Kapitan sa
bisperas may pasalubong ito kay Maria na isang agnos na may brilyante at esmeralda at
kapirasong kahoy na mula sa bangka ni San Pedro.

Kalugod-lugod ang pagkikita nina Kapitan Tiyago at lbarra. May mga ilang kaibigang dalaga si
Maria na kinumbidang mamasyal si lbarra. Humingi ng pahintulot si Maria sa ama nito at siya ay
pinahintulutan naman. Gayunman, nagbilin ang ama na kailangang umuwi bago maghapunan si
Maria sapagkat darating si Padre Damaso. Mahigpit na inanyayahan naman ni Kapitan Tiyago
si lbarra na sa kanilang tahanan na siya maghapunan. Pero, nagdahilan si Ibarra na mayroon
siyang hinihintay na bisita.

Pumanaog na ng bahay si lbarra kasunod ang mga dalaga. Si Maria ay napagitna kina lday at
Victoria at naglalakad siyang kasunod si Tiya Isabel. Siyang-siya si Maria sapagkat nakadama
siya ng kalayaan sa labas ng kumbento. Ang mga naglalakad ay napatapat sa bahay ni
Simang. Nanaog kaagad ito at sila ay inimbitang pumanhik muna. May bumati kay lbarra kay at
pinuri naman si Maria. Nakita ni lbarra si Kapitan Basilio, na naging kaibigan at tagapagtanggol
niya na sumama ito sa kanya kinagabihan. Sinabi niyang maglalagay ng isang munting bangka
sa monte si Padre Damaso. Napangiti lamang si Ibarra. Hindi masigurado kung ano ang
ipinahihiwatig ng ngiting yaon, kung oo, o hindi.

Nakarating sila sa liwasang bayan. Nakita nila ang isang ketongin na nakasalakot at umaawit sa
saliw ng kanyang gitara. Pinandidirihan at nilalayuan siya ng mga tao sapagkat natatakot silang
mahawa ng sakit nito. Ang ketongin ay pinarusahan ng maraming palo dahil lamang sa
pagliligtas niya sa isang nahulog sa mababaw na kanal.

Pagkakita ni Maria sa ketongin, sinagilahan siya ng pagkahabag. Kinuha ni Maria ang suot na
agnos at nilagay sa bakol ng ketongin, sa pagtataka ng kanyang mga kasama. Kinuha ng
ketongin ang agnos sa bakol at ito ay kanyang hinagkan. Sumunod ay lumuhod ito sa sa may
harap ni Maria at isinubsob ang ulo at hinagkan ang mga bakas ng yapak ni Maria. Nagtakip ng
mukha si Maria at pinahid ng panyo ang lubhang namamalisbis sa mukha.

Kamukat- mukat ay biglang lumapit ang baliw na si Sisa at hinawakan sa bisig ang ketongin.
Ipinatanaw ni Sisa sa ketongin ang ilaw sa kampanaryo at sinabing naruroon ang anak niyang
si Basilio na bumababa sa lubid. Itinuro rin niya ang ilaw sa kumbento at sinabing nandoroon
naman ang anak niyang si Crispin. Binitiwan ni Sisa ang ketongin at umalis na kumakanta.
Umalis na rin ang ketongin na dala ang bakol.

Sa gayong pangyayari, naibulong na lamang ni Maria na mayroon palang mga taong kulang-
palad.

_____________________________________________________________

KABANATA 28: Sulatan

Sulatan

Inilathala sa isang malaganap na pahayagan sa Maynila ang tungkol sa pista. Ginawa ito upang
malaman ng banyaga na interesadong mabatid ang mga pamamaraan ng pagdaraos ng pista
ng mga Pilipino. Nakasaad sa dyaryo na walng makakatulad sa karangyaan ng pista ng
pinangangasiwaaan ng mga paring pransiskano, pagdalo ni Padre Hermando Sybila, mga
kakilala at mamamayang Kastila at ginoo ng gabinete, Batanggas at Maynila.

Kabilang din sa balita ang pagkakaroon ng dalawang banda ng musiko noong bisperas ng pista.
Ang pagsundo ng maraming tao at at mga makapangyarihan sa kura sa kumbento; ang
paghahanda ng hapunan ng Hermana Mayor at at ang pagtungo sa tahanan ng madasaling si
Don Santiago De los Santos upang kaunin si Parde Salvi at Padre Damaso Verdolagas.

Nasabi din sa dyaryo ang pag-ganap sa sa dula ng mga balitang artistang sina Ratia Carvajal at
Fernandez na kapwa hinahangaan ng lahat pero dahil sa kastila ang kanilang usapan, ang
marurunong lamang ng espanyol ang mga nakakaintindi sa palabas. Higit na nasiyahan ang
mga Pilipino sa komedyang tagalog. Ang hindi pag dalo ni Ibarra naman ay ipinagtaka ng Lahat.

Alas once ng umaga, kinabukasan, idinaos ng birhen ang prusisyon ng birhen de la Paz.
Dumaan ito sa paligid ng simbahan, na kasama ang karong pilak nina Santo Domingo at San
Diego. Isinunod naman kaagad ang misa kantada sa saliw ng orkestra at awit ng mga artista
pag nagkatapos ng. Siyang-siya ang lahat sa sermon ni Padre Manuel Martin. Nagkaroon din
ng sayawan at ang pinakamaringal ay ang pagsayaw ni Kapitan Tiyago. Ang nakita kay Maria
na nakasuot mestisa at nagniningning sa brilyante ay humanga sa ganda.

Isang liham naman ni Kapitan Aristorenas kay Luis Chiquito ang nag-anyaya na ito'y dumalo sa
pista upang makipasya at makipag-laro ng monte sa mga batikan tahur na sina Kapitan Tiyago,
Pari damaso, Kapitan Juaquin, Kabesang Manuel at ang konsul.

Samantala, Tumanggap din ng lihan si lbarra na dinala ni Andeng. Anang liham:

Crisostomo:
llan araw na ng hindi tayo nagkita. Ikaw raw ay may sakit, kaya't ipinagdasal kita at ipinagtulos
ng kandila kahit sinabi ni itay na hindi naman malubha. Kagabi, pinilit nila akong tumugtog at
sumayaw kaya nayamot ako. May ganyan palang mga tao. Kung hindi lang talaga ako
kwinentuhan ni Padre Damaso ay talagang iiwan ko sila.

Ipaabot mo saakin ang kanyang kalagayan at ipapadalaw kita kay Itay.. Ipaubaya mo na kay
Andeng ang paglalagay ng iyong tsa, mahusay siya kaysa sa iyong katulong.

Maria Clara:

Habol:

Ako'y dalawin mo bukas, upang dumalo ako sa paglalagay ng unang bato sa paaralan. paalam
_____________________________________________________________

KABANATA 29: Ang Umaga

Ang Umaga

Maagang pumasiyo sa lasangan ang mga banda ng musiko. Nagising ang mga nututulog.
Muling narining ang tuong kampana at mga paputok.

Ang mga tao ay nagbihis na ng mga magara at ginamit ang mga hiyas na itinatago nila. Tanging
si Pilosopong Tasyo lamang ang hindi nagpalit ng bihisan. Binati siya ng tinyente mayor.
Sumagot ang Pilosopo na "Ang magsaya ay dinangangahulugan ng paggawa ng mga
kabaliwan." Ang pagsasaya, anya pagtatapon ng pera at tumatakip sa karaingan ng lahat. Si
Don Felipo at sumang-ayon sa pananaw na itoni Tasyo subalitwala siyang magawa sa
kagustuhan ng kapitan at ng kura.

Punong-puno ng tao ang patyo. Ang mga musiko ay walang tigil sa kalilibot. Binabatak naman
ng mga hermana mayor ang mga tao upang tumikim ng kanilang inihandang pagkain.

Dahil sa mga tanyang na tao, mga kastila at alkalde ang magsisimba ng araw na iyon, si Padre
Damaso, kaya nagpahiwatig siya na hindi makapagbibigay ng sermon kinabukasan. Pero, hindi
siya natatanggi sapagkat sinabi ng mga kasama niyang pari na walang ibang nakakaalamat
nakapag-aral sa buhay ni San Diego kundi tanging siya lamang. Dahil dito, siya ay ginagamot
ng babaing nangangasiwa sa kumbento.

Siya ay pinahiram ng langis sa leeg atdibdib, binalot ito ng pranela at hinilot Pagkaraan ay nag-
almusal si Padre Damaso ng ilang itlog na binati sa alak.

Eksaktong alas otso ng umaga, nang simula ang prisisyon. Ito ay dinaan sa ilalim ng tolda at
inilawan ng matatandang dalaga na kausap sa kapatiran ni San Francisco.
Naiiba ang prusisyon kaysa sa nagdaang araw sapagkat ang mga nagsisilaw ay nakaabitong
ginggon. Sa suot na abito ay kaagad na makikilala ang mayayaman at mahihirap.

Natatangi ang karo ni San Diego na sinusundan ng kay Francisco at ang Birheng de la Paz.
Maayos ang prusisyon, ang tanging nagbago lamang ay si Pari Salve ang nasa ilalim ng palyo
sa halip na si Pari Silyla. Ang prusisyon ay sinasabayan ng mga paputok ng kuwitis, awitin at
tugtuging pangsimbahan.

Huminto ang karong sinusudan ng palyo sa tapat ng bahay nina Kapitan Tiyago. Nakadungaw
sa bintana ang alkalde, si Kapintan Tiyago., si Maria,si Ibarra at ilan pang kastila. SiPadre Salve
ay hindi bumati sa mga kakilala. Ito ay nagtaas lamang ng ulo mula sa kanyang matuwid na
pagkakatayo.

_____________________________________________________________

KABANATA 30: Sa Simbahan

Sa Simbahan

Punong-puno ng tao ang simbahan. Bawat isa ay gustong makasawsaw sa agua bendita. Halos
hindi na humihinga ang mga tao sa loob ng simbahan. Ang sermon ay binayaran ng P250,
ikatlong bahagi ng ibinayad sa komedya na magatatanghal sa loob ng tatlong gabi. Naniniwala
ang mga tao na kahit na mahal ang bayad sa komedya, ang manonood dito ay mahuhulogsa
impierno ang kaluluwa. Ang mga nakikinig naman sa sermon ay tuloy-tuloy sa langit.

Habang hinihintay ang alkalde, walang tigil na nagpapaypay ng abaniko, sumbrero at panyo
ang mga tao. Nagsisigawan at nag-iyakan naman ang mga bata. Ang iba ay ina-antok sa may
tabi ng kumpisalan.

llang saglit lang dumating ang alkalde kasama ang kanyang mga tauhan. Ang suot niya ay
napapalamutian ng banda ni Carlos Ill at ng limang medalya sa dibdib. Inakala ng ilang tao na
ang alakalde ay osang sibil na nagsuot- komedyante.

Sinimulan ang pagmimisa ni Padre Damaso. Humandang makinig ang lahat. Ang pari ay
pinangungunahan ng dalawang sakristan sinusundan ng prayleng may hawak na kuwaderno.
Pumanhik sa pulpito si Pari Damaso at at Pari Sibyla. Pero, tanging palibak ang inukol niya kay
Pari Martin, na ang ibig sabihin ay higit na magaling ang isesermon niya kaysa kahapon.

Binalingan ni Padre Damaso ang kasamang prayle at pinabuksan ang kuwderno upang kumuha
ng tala.

_____________________________________________________________

KABANATA 31: Ang Sermon


Ang Sermon

Pinatunayan ni Padre Damaso na kaya niyang magsermon sa wikang kastila at Tagalog. Ang
pambungad na sermon ay hinalaw sa Aklat l1, Kabanata IX, Salaysay 20 mga salitang winika
ng Diyos sa pamamagitan ni Estres ng nagsasaad ng:lbinigay mo sa kanila ang iyong mabuting
espiritu upang silay'y turuan, hindi mo inaalis sa kanilang bibig ang iyong tinig at binigyan mo
sila ng tubig mapawi ang kanilang pagkauhaw"

Humanga si Pari Sibyla sa pagkabigkas ni Padre Damaso at si Padre Martin ay napalunok ng


laway dahil sa alam niyang higit na maagaling ang pambungad na iyon sa kanyang sariling
sermon.

Nagpugay ang ari sa mga nagsimba. Lumingon siya sa likod at itinuro ang pintong malaki.
Inakala ng sakristan yaon ay isang pagturo sa kanya upang isara ang lahat ng mga pintuan.
Nagalinlangan anp alperes, iniisip niyang tatayo at aalis na. Ngunit, hindi niya magawa
sapagkat nagsisimula ng magsalita ang predikador. Sinabi ni pari Damaso na kanyang binitiwan
ang mga pananalita ng diyos upang maging kapakikapakinabang na tulad ng isang binhing
umuusbong at lumalaki sa lupain ng banal na si francisco. Hinikayat niya ang mga makasalanan
na tularan ang mapagwaging si gideon, ang matapang na si David, ang mapagtagumpay na si
Roldan ng kakkristiyanuhan, ang guwardiya sibil ng langit.

Nakita ni ari Damaso na napakunot - no0 ang alperes sa kanyang tinuran. Kung kaya't sa
malakas na tinig, sinabi ni Damaso na "opo, ginoong Alperes, higit na matapang at
makapangyarihan bgamat walang armas kundi isang krus na kahoy lamang. Natatalo nila ang
mga tulisan ng kadiliman at lahat ng kampon ni Lucifer. Ang mga himalang likhang ito ay tulad
ng paglikha kay diego de Alcala."

Ang mga bahaging ito ng sermon ay ipinahayag ni Pari damaso sa wikang Kastila, kaya hindi
maiintiihan ng mga Indiyo. Ang tanging naunawaan ng karamihan ay ang salitang guwardiya
sibil, tulisan, San Diego at San Francisco. Umasim din ang muha ng alperes, kaya inakala ng
marami na pinagalitan siya ni Pari Damaso dahil sa hindi pagkakahuli nito sa mga tulisan.

_____________________________________________________________

KABANATA 32: Ang Panghugos

Ang Panghugos

Ipinakita ng taong madilaw kay Nor Juan kung paano niya mapapagalaw ang pampakilos ng
kalong ang kanyang itinayo. Aito ay mayroong walang metro ang taas, nakabaon sa lupa ang
apat na haligi. Sa haligi nakasabit ang malalaking lubid kayaq tila napakatibay ng pagkayari at
napakalaki. Ang bandang itaas naman ay mayroong banderang iba-iba ang kulay.
Tinignang mabuti ni Nor Juan kung paano ittinaas at ibinababa ang batong malaki na siyang
ilalapat sa ilalim sa pamamagitan ng pag-aayos ng kahit isang tao lamang. Hangganghanga
si.Juan sa taong madilaw. Nagbubulungan sa pagpuri ang mga taong nasa paligid nila.

Sinabi ng taong madilaw kay Nor Juan na natutuhan niya ang paggawa ng makinarya kay Don
Saturnino na nuno ni Don Crisistomo. Ito pa anya ay maraming nalalaman. Hindi marunong
mamalo at magbilad sa araw ang kanyang mga tauhan;marunong ding gumising ng mga
natutulog at magpatulog ng gising.

Sa kabilang dako, malakihan ang paghahanda ni lbarra sa pagbabaon ng panulukang-bato ng


bahay-paaralan. Sa ilalim ng maraming habong na itinayo ay pawang puno ng pagkain at
inumin aalmusalin ng mga panauhing isa-isang sinudo ng mga banda at musiko. Ang mga
naghanda sa almusal ay mga guro at mag-aaral.

Nagsimulang magbasbas si Pari Salvi sa pamamagitan ng pagbibihis ng damit na pang-


okasyon. Ang mga mahahalagang kasulatan naman pati na ang mga medalya, salaping pilak at
relikya ay inilulan na sa isang kahang bakal. Ang kahang bakalay ipinasok naman sa bumbong
na yari sa tingga.

Hindi kumukurap si Elias sa pagkakatitig sa taong madilaw na siyang may hawak ng lubid. Ang
lubid ay nakatali naman sa isang kalo na magtataas at magbaba ng batogn na ilalapat sa
nakatayong bato sa ibaba. May uka sa gitna ang bato, Sa ukang ito ilalagay ang bumbong na
tingga.

Bago simulan ang pagpapalitada, nagtalumpati muna sa wikang Kastila ang alkalde. Pagdaka' y
isa-isa ng bumaba ang kura, mga prayle, mga kawani, ilang mayayamang bisita at Kapitan
Tiyago para sa pasinaya. Dahil sa biro nio Kapitan Tiyago at amuki ng alkalde, napilitan ding
bumaba si lbarra. Hustong nasa ibaba ito, nang bigla na lamang humalagpos ang lubid sa kalo.
Nagiba ang buong balangkas at umalumbukay ang makapal na alikabok. Nang mapawi ang
usok, si lbarra ay nakitang nakatayo sa pagitan ng bumagsak na kalo at ng batongbuhay.

Ang taong madilaw ay tinanghal na isang bangkay. Ito'y natabunan ng mga biga na nasa
paanan ni lbarra. Gusto ng alkalde na ipahuli ang nangasiwa sa pagpapagawa, na walang iba
kundi si Nor Juan. Pero, nakiusap si labarra na siya na ang bahala sa lahat. Makaraang
ipagtanong niya si Maria, kaagad na umuwi si lbarra upang magpalit ng damit.

Isa si Pilosopong Tasyo sa nakasaksi sa maganap na pangyayari. Yaon daw ay isang


masamang simula.

_____________________________________________________________

KABANATA 33: Malayang Kaisipan

Malayang Kaisipan
Panauhin ni lbarra si Elias. Hiningi ni Elias sa binata na ipaglihim nito ang pagbibigay niya ng
babala sa kanya. Isapa, si Elias ay nagbabayad lamang ng utang na loob sa kanya.
Ipinaliwanag din niya na dapat pa ring mag-ingat si barra sapaglkat sa lahat ng dako ito ay
mayruong kaaway." Batas ng buhayang di pagkakasundo. Lahat tayo'y may kalaban, mula sa
pinakamaliit na kulisap hanggang sa tao; mula sa pinakadukha hanggang sa lalong mayaman
at makapangyarihan," pagdidiin pa ni Elias.

Ang mga kaaway ni lbarra ay naglilipana sa halos lahat ng lugar, dahil sa kanyang mga ninuno
at ama na nagkaroon don ng mga kagalit, dahil na rin sa kanyang balak na pagpapatayo ng
paaralan. Isa sa mga kaaway ni lbarra ay ang taong madilaw. Umano'y narinig ni Elias ang
taong madilaw ng sinundang gabi nakikipag-usap sa di kilalang tao at sinabing "hindi kakanin
ng isda ang isang ito (lbarra) tulad ng kanyang ama, makikita ninyo."

Ang ganitong natuklasan ni Elias ay kanyang ikinabahala sapagkat kahit na ipinagmamalaki ng


taong madilaw ang kaalaman sa trabaho. Hindi ito humingi ng mataas na sahod ng magprisinta
kay Nor Juan. Binanggit ni
Ibarra na nanghihinayang sa pagkamatay ng taong dilaw sapagkat marami pa sanang
mababatid 'buhat sa kanya. Pero, ikinatwiran ni Elias na maski na mabuhay ang taong madilaw
inakala niyang matatakasan ang pag-uusig ng bulag na hukuman ng tao. Subalit sa kamatayan
ng Diyos ang humatol at naging hukom.

Sinikap ni lbarra na tuklasin ang tunay na pagkatao ni Elias, kung ito ay nakapag-aral o hindi.
Ang sagot ni Elias ay: Napilitan akong maniwalang lubos sa Diyos sapagkat nawalan na ako ng
tiwala sa Diyos. Alam ni Elias na marami pa ang mga taong gustong kumausap kay lbarra kaya
nagpaalam na ito. Pero, nangako siyang anumang oras na kailangan siya ay babalik siya
sapagkat mayroon pa siyang tinatanaw na utang na loob kay lbarra.

_____________________________________________________________

KABANATA 34: Ang Pananghalian

Ang Pananghalian

Ang mga kilalang tao sa San Diego ay magkaharap na nanananghalian sa isang malaking
hapag. Nakaluklok sa magkabilang dulo ng mesa sina lbarra at ang alkalde. Nasa bandang
kanan ni lbarra si Maria at nasa kaliwa naman ang eskribano. Sa magkabilang panig naman
nakaluklok sina Kapitan Tiyago, kapitan ng bayan, mga prayle, kawani at kaibigang dalaga ni
Maria. Ganadong kumain ang lahat ng makatanggap ng telegrama sina Kapitan Tiyago, siya'y
kaagad na umalis. Darating ang Kapitan Heneral at magiging panauhin ni Kapitan Tiyago sa
kanyang bahay.

Hindi nasasabi sa kable, kung ilang araw na mananatili ang Kapitan Heneral sapagkat ito
umano ay mahilig sa bagay-bagay na kataka-taka. Kung saan napasuot ang usapan ng mga
kumakain. Ang hindi pag-imik ni Pari Salvi, ang hindi pagdating ni Padre Damaso, kawalan ng
kaalaman ng mga magbubukid ng kobyertos at kung anong kurso ang ipapakuha nila sa
kanilang mga anak.

Patapos na ang tanghalian nang dumating si Padre Damaso. Lahat bumati sa kanya, maliban
kay lbarra. Umiinit na ang usapan noon sapagkat nagsisimula ng ilagay ang mga tsampan sa
kopa. Nahalata ng alkalde na panay ang pasaring ni Pari Damaso kay lbarra. Sinikap na ibahin
nito ang usapan, pero patuloy ang pari sa pagsasaring. Walang kibo na lamang si Tbarra. Pero,
nang ungkatin ni Pari Damaso ang tungklol sa pagkamatay ng ama ni lbarrang may kasamang
pag-aglahi. Sumulak ang dugo ni lbarra. Biglang dinaluhong niya si Pari Damaso at sasaksakin
nito sa dibdib. Pero, pinigilan siya ni Maria. Gulo ang isip ni lbarra na umalis at iniwan ang mga
kasalo sa pananghalian.

_____________________________________________________________

KABANATA 35: Mga Usap-usaoan

Mga Usap-usapan

Ang mga pangyayaring namagitan kina Ibarra at Padre Damaso ay madaling kumalat sa buong
San Diego. Sa mga usapan, hindi matukoy kung sino ang may katwiran sa dalawa. Nagkakaisa
ang lahat na kung naging matinpi si lbarra, hindi sana nangyari ang gayon. Pero, ikinatwiran ni
Kapitan Martin na walang makapigil kay lbarra sapagkat wala itong kinatatakutang awtoridad.
Handa ang binata na dungisan ang kamay nito sa sinumang lumapastanganan sa kanyang
ama. Dahil sa maagap na pagsansala ng kanyang itinanggi at minamahal na si Maria. Kaya,
hindi niya itiniloy ang balak na kitlan hininga si Padre Damaso.

Ipinapalagay naman ni Don Filipo na hinihintay daw ni lbarra na tulungan siya sa taumbayan
bilang pagtanaw ng utang na loob sa kabutihang nagawa niya at ng kanyang ama. Nanindigan
naman ang kapitan ng bayan na wala silang magagawa sapagkat laging nasa katwiran ang
mga prayle. Ang ganito, anang Don Flipo ay nangyayari sapagkat hindi nagkakaisa at watak-
watak ang mga taumbayan samantalang ang mga prayle at mayayaman ay
nagkakabuklod-buklod.

Sa kabilang dako, karamihan naman sa mga babae ay takot na mawalay sa grasya ng


simbahan. Tanging si Kapitana Maria lamang at pumili kay lbarra at sinabing karangalan niya
ang magkaroon ng anak na magtatangol at
mangangalaga sa sagradong alaala ng yumaong ama. Sakmal naman ng matinding pagkatakot
ang mga magsasaka na hindi matuloy ang pagpapatayo ng paaralan sapagkat bawa't isa sa
kanila ay naghahangad ng anak na makatapos ng pag-aaral. May nagsabing hindi na matutuloy
ang pagpapatayo ng simbahan sapagkat tinawag na pilibustero ng prayle si lbarra. Hindi naman
maintindihan ng mga magsasaka ang kahulugan ng
Pilibustero.
_____________________________________________________________

KABANATA 36: Ang Unang Suliranin

Ang Unang Suliranin

Isang malaking gulo ang nangyayari sa bahay ni Tiyago dahil sa hindi inaasahang pagdating ng
Kapitan-Heneral. Si Maria ay panay ang pagtangis at hindi pinakikinggan ang payo ng kanyang
ale at ni Andeng. Paano nga, pinagbawalan si Maria ng kanyang ama na makipag-usap kay
lbarra habang hindi pa inaalis ang eskomonyon sa binata.

Saglit na umalis si Kapitan Tiyago sapagkat pinapupunta ito sa kumbento. Pinatuloy na inaalo
naman ni Tiya Isabel si Maria sa pagsasabing susulat sila sa Papa at magbibigay ng malaking
limos. Madali namang mapapatawad si Ibarra sapagkat nawalan lamang ng ulirat si Padre
Damaso. Si Andeng ay nagboluntaryong gagawa ng paraan para magkausap ang
magkasintahan.

Nasa gayon silang pag-uusap nang bumalik si Kapitan Tiyago. Sinabi nito na inutusan siya ng
pari na sirain ang kasunduan ng pag-iisang dibdib ng magkasintahan. Si Pari Sibyla ay nagsabi
naman na huwag tanggapin si Ibarra sa kanyang tahanan at ang utang ni Kapitan Tiyago na
P50,000 sa binata ay huwag ng pabayaran kundi mawawala ang kanyan buhay at kaluluwa.

Inalo ni Kapitan Tiyago si Maria sa pagsasabing ang ina raw nito ay nakita lamang niyang
umiyak nang ito'y naglilihi. Isa pa, anito, may kamag-anak si Padre Damaso sa nakatakdang
dumating mula sa Europa at siyang inilalaan ng maging panibagong katipan ni Maria. Sindak
ang mga kausap ni Kapitanlalo na si Maria na napailing lamang, umiyak at tinakpan ang mga
taynga. Pati si Isabel ay nagalit at sinabihan ang Kapitan na ang pagpapalit ng katipan ay hindi
parang nagpapalit lamang ng baro.

Dahil kaibigan ni Kapitan Tiyago ang Arsobispo. Iminungkahi ni Tiya Isabel na sulatan ito. Pero,
sinabi ng Kapitan na mawawalang kabuluhan lamang sapagkat ang arsobispo ay isang prayle
rin at walang ibang paunlakan kundi ang mga kapwa prayle. Pagkarrang pagsabihan ng Kapitan
si Maria na tumigil na ito sa kangangalngal at baka mamugto ang mga mata. Hinarap na niya
ang paghahanda sa bahay.

Pamaya-maya dumating na nga ang Kapitan-Heneral. Ang buong kabahayan ni Kapitan Tiyago
ay nagsimula ng mapuno ng mga tao. Si Maria naman ay tumakbo sa silid at nagdasal sa
Mahal na Birhen. Nasa ganito siyang kalagayan ng pumasok ang kanyang Tiya Isabel at
sinabing gusto siyang makausap ng Kapitan-Heneral. Mabigat man sa loob ay unti-unti na
siyang Nag-ayos ng katawan.

_____________________________________________________________

KABANATA 37: Ang Kapitan-Heneral


Ang Kapitan-Heneral

Pagkadating ng Kapitan-Heneral, ipinahanap niya kaagad si lbarra. Samantala, kinausap muna


niya ang binatang Taga-Maynila na nagkamaling lumabas habang nagsesermon sa misa si
Padre Damaso. Ang paglabas ng binata sa simbahan ay ikinagalit ni Damaso. Namumutla at
nginig ang buong katawan ng binata ng pumasok siyang kausapin ng Heneral. Ngunit, ng
lumabas na ito, nakangiti na siya. Ito ay tanda ng mabuting ugali ng Kapitan- Heneral. Mayroon
siyang panahon basta sa katarungan.

Pagkalabas ng binata, ipinapasok na ng kagawad ang mga reverencia na sina Pari Sibyla,Pari
Martin, Pari Salvi at iba pang mga prayle. Yumuko ang mga ito at nagbigay galang sa
Heneral.Dahil hindi kasama si Padre Damaso, hinanap siya ng heneral. Sinabi nina Pari Sybila
at Pari Salvi na may sakit ang hinahanap. Ang sumunod na nagbigay galang sa heneral ay sina
kapitan tiyago at Maria.

Pinapurihan ng Heneral si Maria dahil sa ginawa nito sa pananghalian. Kung hindi dahil sa
kanya, maaring nautas na si lbarra si Padre Damaso. Sinabi ng Heneral na kailangang
tumanggap ng gantimpala si Maria na kagyat namang Tumutol.

Samantala, ipinahayag ng kagawad na dumating na si lbarra at nakahanda na siyang humarap


sa Heneral. Napansin ng Heneral na medyo nabalisa si Maria, Kaya sinabi niyang nais itong
makaharap bago umaalis patungong Espanya. Sinabi naman niya sa alkalde na samahan siya
nito sa paglilibot.

Hindi matiis ni Pari Salvi na ipaalala sa Heneral na si Ibarra ay excomulgado. Pero,hindi siya
pinapansin nito at sa halip sinabi ng Heneral na ipaabot kay Padre Damaso ang
pangangamusata na gumaling ito kaagad. Napamaang ang mga reverencia at sabay sabay na
nagpaalam. Nakasalubong nila ang pagpanaog ni lbarra. Ngunit hindi sila nagkakibuan. Mata
lamang ang nag-usap.

Pagkakita ng Henaral kay Ibarra mabilis niya itong kinamayan at sinabing tama lang ang
kanyang ginawa lalo na ang ginawang pagtatanggol sa ala-ala ng ama. Tiniyak niya na
kakausapin ang arsobispo tungkol sa pagkakaexcumulgado ni lbarra.

Sa pagkukuwento, lumitaw na nagkapalad si lbarra na makatagpo ang pamilya ng kapitan


Heneral noong siya nagpunta sa Madrid. Tinanong ng Heneral kung wala man lang liham na
tagubiling dala si lIbarra para sa kanya. Hindi na kailangan ito, ani lbarra sapagkat lahat daw ng
mga Pilipino ay tinagubilin sa Heneral. Sa pagpapahayag ni lbarra ng kanyang sariling pananaw
sa buhay, nagpamuni ng Heneral na matalino ang binata. Inamuki niya itong ipagbili ang lahat
lahat na ari-arian at sumama na sa kanya sa Espanya sapagkat hindi nababagay ang kanyang
kaisipan sa Pilipinas. Pero,sinasabi ni Ibarra na higit na matamis ang mamuhay sa bayang
sinilangan at pinamuhayan din ng mga magulang nito.
Pinahalagahan ng Heneral ang paninindigan ni lbarrasapagkat inaakala niyang higit nga niyang
kilala ang Pilipinas kaysa sa kanya. Nang maalala niya si Maria, sinabi ng Heneral kay lbarra na
puntahan na niya ang kanyang kasintahan at itagubilinang paparoonin sa kanya si kapitan
tiyago.lpinagugunita niya kay Ibarra na samahan siya sa pamamasyal Tumango si Ibarr at
umalis na. Kapagdaka,tinawag ng Heneral ang mga kagawad at sumunod ang alkalde.
Sinabihan ng Heneral ang alkalde na hindi na kailangang maulit pa ang naganap na
pananghalian at ibigay ang lahat ng kaluwagan kay Ibarra sa pagsasakatuparan ng kanyang
mga mabubuting layunin. Huwag ding pakialaman si lbarra, mariing pautos pa ng Heneral.

Tumango ang Alkalde sa tinuran ng Heneral. Nangako siyang pangangalagaan din ang
kaligtasan ni lbarra. Nang dumating si tiyago kaagad na binati siya ng Heneral dahil sa
pagkakaroon ng kapuri-puring anak at marangal na manunungangin. Nagprisinta pa ang
Heneral na maging ninong sa kasal.

Samantala, kaagad na hinanap ni Ibarra sa Maria. Kumatok siya sa silid ni Maria sapagkat
naririnig niya ang boses nito. Pero, hindi binuksan ang pinto at sa halip ay si Sinang ang
sumilip. Sinabi ni Sinang na isulat na lamang ni lIbarra ang sasabihin sapagkat papunta sila sa
dulaan. Nagtaka si Ibarra.
_____________________________________________________________

KABANATA 38: Ang Prusisyon

Ang Prusisyon

Ang nakakatulig na paputok at sunod-sunod na pagdupikal ng mga batingaw ay nagbabadyang


inilabas na ang prusisyon. Ang mga binata na halos lahat ay mayroong dalang sinding parol.
Kasamang naglalakad ni Kapitan Heneral ang mga kagawad, si Kapitan Tiyago, ang alkalde,
ang alperes at si Ibarra at patungo sa bahay ng kapitan. Nagpatayo ang kapitan ng isang kubol
sa harap ng kanyang bahay upang pagdausan ng pagbigas ng tulang papuri o loa sa pintakasi
ng bayan. Kung hindi lamang sa imbitasyon ng Kapitan Heneral, mas gusto ni lbarra na manatili
na lamang sa tahanan ni Kapitan Tiyago upang makasama niya si Maria.

Nangunguna sa prusisyon ang taltong sakristan na may hawak na mga seryales na pilak.
Kasunod nila ang mga guro, mag-aaral at mga batang may dala-dalang parol na papel. Ang
mga agwasil at tinitini naman ay may dalang mga pamalo upang gamitin sa sinumang maniksik
o humiwalay sa hanay. Mayroon din silang kasama na namimigay ng libreng kandila para
gamiting pang-ilaw sa prusisyon.

Ang mga santong pinuprusisyon ay pinangungunahan ni San Juan Bautista. Sumunod si San
Francisco, Santa Maria Magdalena, San Diego De Alcala at ang pinakahuli ay ang Mahal na
Birhen. Ang karo ni San Diego ay hinihila ng anim na Hermano Tercero.

Inihinto ang mga karo at andas ng mga santo sa tapat ng kubol sa pagdadarausan ng loa. Mula
sa tabing may isang batang lalaking may pakpak, nakabotang pangabayo, nakabanda at may
bigkis ang lumabas. Pagkatapos na bumigkas ng papuri ang bata sa wikang Latin, Kastila at
Tagalog ay pinagpatuloy ang prusisyon hanggang sa mapatapat sa bahay ni Kapitan Tiyago.
Ang lahat ay natigilan sa magandang pag-awit ni Maria Claria ng Ave Maria ni Gounod sa saliw
ng kanyang sariling piyano. Kung napatigil si Padre Salvi sa ganda ng tinig ni Maria Clara. Higit
na nakadama ng kalungkutan si lbarra. Nadarama niya ang mensahe ng tinig ng kasiphayuan
ng kasintahan. Saglot na naputol ang pagmuni-muni ni Ibarra nang palalahanan siya ng kaptian
Heneral tungkol sa imbitasyon nitong makasalo sa pagkain upang pag-usapan ang pagkawala
nina Basilio at Crispin.

_____________________________________________________________

KABANATA 39: Si Donya Consolacion

Si Donya Consolacion

Kahit na napatapat ang prusisyon sa bhay ni Donya Consolacion ay pinid na pinid. Nang
umagang iyon, ang asawa na alperes at paraluman ng mga guwardiya sibil ay hindi
nakapagsimba. Paano hindi siya pinayagang lumabas ng kanyang asawa. Ikinahihiya ng
alperes ang katawa-tawang pagdadamit nito. Ang kanya namang amoy katulad ng kalaguyo ng
mga guwardiya sibil. Pero, para sa sarili ni Donya Consolacion siya ay higit pa ngang maganda
kaysa kay Maria Clara.'

Ang ipinagpuputok pa ng damdamin ng Donya bukod sa siya ay hindi pinayagang lumabas ng


bahay ay ang pangyayaring sobra kung alipustain at murahin siya ng alperes. Suklam na
suklam ang Donya at iniisip kung paano makapaghiganti. Ang pagdili-dili niya ay nakapagbigay
sa kanyang ng ibayong ngitngit.

Nang araw ngang iyon, bago dumaan ang prusisyon, ipinasara niya sa bantay ang lahat ng mga
bintana at nagpasindi pa ng ilaw. Inutusan din nitong huwag magpapasok maski sinuman.
Pinakandado niyang mabuti pati pintuan. Habang nag-isip ang Donya narinig niyang umaawit si
Sisa na dalawang araw ng nakukulong sa kwartel. Pinapaakyat ng Donya si Sisa upang
pakantahin. Palibhasa, sa wikang kastila ang utos ng Donya, hindi ito maunawaan ni Sisa. Isa
pa hindi matino ang isip, isa na siyang baliw.

Kinuha ng Donya ang latigo ng alperes at muling inutos na kumanta si Sisa. Pero, hindi
sumunod si Sisa. Dahil dito, inutusan ng Donya ang sundalo na sabihin kay Sisa ang gusto
nitong mangyari. Kumanta si Sisa ng Kundiman ng Gabi. Ang awit ay tumalab sa damdamin ng
Donya at nakapagsalita ng Tagalog. Napamaang ang sundalo, hindi niya sukat akalain na
marunong ng Tagalog ang Donya. Napansin ng Donya ang pagkamaang ng kawal, kaya galit
na pinaalis ito. Binalingan ng Donya si Sisa at sa pilipit na pangangastila ay inutusan itong
magbaile o sumayaw.
Nang hindi sumunod si Sisa, pinalo niya ito sa binti at paa. Nabuwal si Sisa at nagisi ang
manipis nitong damit kasabay ng paglabas ng dugo mula sa nabakbak na sugat. Nasisiyahan
ang Donya sa gayong tanawin. Ang kanyang galit ay naibunton niya kay Sisa.

Hindi napansin ng Donya ang pagdating ng alperes na pasikad na binuksan ang nakasarang
pintuan. Pagkakita ng alperes kay Sisa, sinagilahan ito ng pangangatal ng katawan sa galit at
namutla. Bumalasik ang kanyang mukha. Ngunit, parang walang anuman ito sa Donya.
Tinanong pa niya ang alperes kung bakit hindi man lang daw
bumati ito sa kanya. Hindi sumagot ang alperes. Inutusan niya ang bantay na bigyan ng damit
at pagkain si Sisa. Kailangang gamutin din ang mga sugat nito, bigyan ng magandang higaan at
huwag lalapastanganin. Ang dahilan si Sisa ay nakatakdang ihatid sa tahanan ni Ibarra
kinabukasan din.

Sa kabilang dako, kung magkaroon man ng kagaspangan ng ugali si Donya Consolacion yaon
ay bunga ng kanyang kawalan ng sapat na edukasyon. Siya ay dating labandera lamang ng
mga sundalo na mapangasawa niya ang alperes na nuon ay isa lamang kabo. Ito ang dahilan
kung may plastik na pag-uugali. Pilit siyang nag-aastang may pinag-aralan, marunong ng kastila
at may ugaling Europeo.

_____________________________________________________________

KABANATA 40: Ang Karapatan at Lakas

Ang Karapatan at Lakas

Mag-ikasampu na ng gabi ng paisa-isang sindihan ang mga kuwitis. Ang huling pailaw ay
parang bulkan habang ang daan ay naliliwanagan ng luces de Bengala' na siyang nagsisilbing
ilaw sa mga taong naglalakad patungo sa liwasang bayan.

Malaki ang entabladong pagdarausan ng dula. Ang nangasiwa sa palabas ay ang Tinienti
Mayor na si Don Filipo sapagkat ang Kapitan ay nasa sugalan. Kausap ng Tiniente si
Pilosopong Tasyo at nakasentro ang kanilang pag-uusap na nagbibitaw na ang Don sa kanyang
tungkulin. Danga't nalamang hindi tinanggap ng alkalde ang pagbibitiw nito. Saglit naputol ang
pag-uusap ng dalawa ng dumating si Maria Clara kasama ang mga kaibigan. Kasunod nilang
dumating ang kura at ilang kastila. Isa-isa silang inihatid sa upuan ng tiniente.

Nagsimula na ang palabas sa pamamagitan ng tambalang tinig nina Chananay at Marianito


ng'Crispino dela Comare. Ang pansin ng lahat ay nasa entablado maliban kay Pari Salvi na
walang kurap na nakatitig kay Maria Clara.

Taposna na ang unang bahagi ng dula nang pumasok si Ibarra. Umugong ang bulungan, pero
hindi ito pinansin ni lbarra. Malugod na binati niya ang kasintahan at ang mga kasama nito.
Tumindig si Pari Salvi o ang Kura at hiniling kay Don Filipo na paalisin si Ibarra. Ngunit, hindi
sumunod ang Don at sinabing hindi niya magagawa ang gayon sapagkat nag-abuloy ng malaki
si lbarra. Isa pa, anang Don hindi siya natatakot sa gagawin ng kura sapagkat maghapong kau-
kausap ng Kapitan Heneralat ng AIkalde ng lalawigan si lbarra. Kaya, wala itong dapat
ipangamba. Napilitan umalis ang Kura at ang mga kasama nito.

May ilang tao na lumapit kay Ibarra at sinabing huwag pansinin ang paglisan ng kura, sapagkat
ang mga ito ang nagsasabing si lbarra ay eskumulgaldo. Dahil dito, naitanong ni Ibarra na sila
ay nasa panahon pa ng edad Media.

Nilapitan ni lbarra ang mga dalaga at nagpaalam na ilang sandali siyang mawawala sapagkat
mayroong nalimutang tipanan. Pinigilan siya ni Sinang subalit nangakosi Ibarra na babakik na
lamang siya. Papalabas na si Yeyeng upang sumayaw, nang lumapit ang dalawang sibil kay
Don Filipo at ipinatitigil ang palabas dahil hindi raw makatulog sa ingay ang alperes at si Donya
Consolacion. Pero, hindi pinagbigyan ang kahilingan ng mga sibil at natapos na ang dula. Pero,
bigla na lang nagkagulo.

May dalawang sibil na hinagad ang mga musikero upang pigilin ang palabas pero ang mga ito
ay nahuli ng mga kuwadrilyero na katulong ni Don Filipo. Tiyempo namang nakabalik na si
lbarra. Kaagad na hinanap niya si Maria. Kumapit na sa bisig ni lbarra ang mga nasindakna
dalaga. Walang tigil naman sa kauusal ng letania sa latin si Tiya Isabel. Ang mga sibil na
inihatid ng mga kuwaddrilyero sa tribunal ay pinagbabato ng mga tao. May mga pulutong ng
mga kalalakihan na nagbabalak ng masama sa mga sibil. Pero, pinakiusapan sila ni Don Filipo
na huwag ng palalain pa ang pangyayari. Ngunit, hindi siya pinansin. Kaya kay Ibarra siys
nakiusap. Sinabi ng binata na wala siyang magagawa. Pinakiusap ni Ibarra si Elias na puntahan
ang mga kalalakihang nagbabalak ng masama. Napahinuhod naman ng piloto ang mga lalaki
na huwag ng ituloy ang kanilang mga binabalak. Isa-isa ng nagsialisan ang mga tao.

Mula naman sa kinaroroonan ni Parī Salvi, nakita niya ang buong pangyayari sa liwasan.
Dumating din ang kanyang utusan na nagbalita rin tungkol sa nangyaring kaguluhan.

Bigla na lamang nakita ni Pari Salvi sa kanyang pangitain na si Mari Clara ay walang malay-tao,
pangko ni lbarra at nawala sila sa kadiliman. Halos nagkandahulog siyang bumaba sa
kumbento at nagtuloy sa liwasan. Ngunit, wala ng tao. Binubulyawan siya ng mga kastila, pero
hindi niya alumana. Mabilis na tinungo niya ang bahay ni Kapitan Tiyago. Sa nakapinid na
durungawan nabanaagan niya ang mga anino nina Maria Clara at Tiya Isabel. Ang pagkabahala
sa dibdib ng pari ay unti-unting nawala. Ligtas sa kapahamakan si Maria. Bumalik na sa
kumbento si Pari Salvi.

_____________________________________________________________

KABANATA 41: Dalawang Dalawa

Dalawang Dalawa
Dahil sa nangyari hindi dalawin mg antok si lbarra, kaya naisipan nitong gumawa sa kanyang
laboratoryo. Pamaya-maya pumasok ang kanyang utusan at sinabing mayroon siyang
panauhing taga-bukid. Pinapatuloy niya ito ng hindi man lamang lumilingon. Ang kanyang
panauhin ay si Elias.

Tatlo ang pakay ni Elias sa pagpunta niya kay lbarra. Una, ay upang ipaalam na nilalagnat o
may sakit si Maria Clara. Ikalawa, magpapaalam na siya kay Ibarra sapagkat nakatakda siyang
magtungo sa Batangas at ikatlo, itatanong niya sa binata kung wala itong ipagbibilin sa kanya.
Hinangad ni lbarra ang maluwalhating paglalakbay ni Elias.

Hindi nakatiis si lbarra kung paano napatigil ni Elias ang kaguluhan nangyari sa liwasan. Sinabi
ni Elias na kilala niya ang magkapatid na namumuno sa panggugulo. Ang mga ito ay mga sibil.
Ang ama ng magkakapatid na patayin sa palo ang mga sibil na nanggulo sa liwasan. Pero dahil
sa may utang na loob ang magkapatid kay Elias, sila ay madaling napakiusapan nito. Hindi na
kumibo si lbarra, kaya nagpaalam na si Elias.

Nagbihis at nanaog na si Ibarra habang sinisisi ang sarili sa pagkakasakit ng kasintahan.


Tutungo siya sa bahay ni Kapitan Tiyago. Sa daan nakasalubong niya ang isang maliit na
lalaking nakaitim at may pilat sa kaliwang pisngi. Ito ay si Lucas at kapatid ng taong madilaw na
namatay sa paghuhugos ng unang bato sa paaralan. Nabanas ng husto si Ibarra sa pangungulit
ni Lucas na kung magkano raw ang ibabayad sa pamilya ng kanyang kapatid. Sinabi ni lbarra
na magbalik na lamangsi Lucas dahil dadalaw ito sa isang maysakit. Ska na nila pinag-usapan
ang tungkol sa pagbabayad. Mauubos na ang pagtitimpi ni lbarra, kaya tinalikuran niya kaagad
si Lucas.

Sinundan ng masamang tingin ni Lucas si Ibarra sabay bulong sa sariling si barra ay apo nga
talaga ng nagbilad sa init sa kanyang ama at iisa ang dugong nananalaytay sa kanilang mga
ugat... ubalit kapag ito (lbarra) ay mahusay magbayad ng mataas, sila ay magiging mabuting
kaibigan.

_____________________________________________________________

KABANATA 42: Ang Mag-asawang De Espadaña

Ang Mag-asawang De Espadaña

Malungkot sa bahay ni Kapitan Tiyago sapagkat may sakit si Maria. Pinag- uusapan ng
magpinsang Tiya Isabel at Kapitan Tiyago kung alin ang mabuting bigyan ng limos, ang krus sa
Tunasan na lumaki, o ang krus sa Matahong na nagpapawis. Nais malaman ni Tiyago kung alin
sa dalawang ito ang higit na mapaghimala. Napagdesisyonan na parehong bigyan ng limos ang
dalawang ito upang gumaling kaagad ang karamdaman ni Maria. Natigil ang pag-uusap ng
magpinsan nang mayroong tumigil sa harap ng bahay. Ang dumating ay sina Dr. Tiburcio de
Espadana, na inaanak ng kamag-anak ni Pari Damaso at tanging kalihim ng lahat ng ministro
sa Espanya.
Inaasahan ni Tiyago ang mga dumating na panauhin. Pagkatapos na maipakilala ni Victorina si
Linares, sinamahan sila ni Tiyago sa kani-kanilang silid.

Sa biglang tingin, aakalain na si Donya Victorina ay isang Orofea. Siya ay isang ginang na may
edad na 45, pero ipinamamalitang siya ay 32 taong gulang lamang. Nuong bata at dalaga pa
siya at kapani-paniwalang maganda ito. Kaya, hindi siya nagpasilo sa mga lalaking Pilipino at
ang pinangarap niyang mapangasawa ay isang dayuhan. Isa siyang social climber at ibig na
mapabilang sa mataas na antas ng lipunan. Ngunit, ang bitag na inihanda niya ay walang
nasilo. Nalagay siya sa pangangailangan na kailangang makapangasawa siya ng dayuhan.
Napilitan siyang masiyahan sa isang maralitang Kastila na taga-Espanya itinaboy ng bayang
Extremadura at ipinadpad ng kapalaran sa Pilipinas. Ang kastilang ito ay Tiburcio de Espanada
na may 35 taong gulang.ngunit mukha pang matanda kay Donya Victorina.

Nakarating siya sa Pilipinas sakay ng barkong Salvadora. Sa barko dumanas siya ng katakot-
takot na pagkahilo at nabalian pa ng paa. Nahihiya na siyang magbalik sa Espanya, dahil
ipinasya na niyang manatili sa Pilipinas. Eksaktong 15 araw siya sa bansa nang matanggap
siya sa trabaho dahil sa tulong ng mga kababayang Kastila. Sapagkat hindi naman siya nag-
aral pinayuhan siya ng mga kababayan na humanap nang magandang kapalaran sa mga
lalawigan at magpanggap na isang mediko na ang tanging puhunan ay ang pagiging kastila.
Ayaw sana niyang sumunod dahil nahihya siya, pero dahil sa gipit na gipit na siya,wala siyang
mapagpipilian kundi sumunod sa Payo.

Siya ay dating nagtatrabaho sa pagamutan ng San Carlos bilang tagapagbaga ng mga painitan
at tagapaspas ng alikabok sa mga mesa at upuan pero wala talagang kaalam-alam sa
panggagamot. Sa una mabana ang singil. Lumalaon pataas ng pataas, sinamantala niya ng
husto ang pagtitiwala ng mga Indio. Dahil dito, umaasa siya na tuloy-tuloy na ang kanyang
pagyaman. Ngunit, nagsumbong ang mga tunay na mediko sa Protomediko de Manila na siya
ay pekeng doktor. Nawalan na siya ng pasyente. Babalik na sana siya sa pamamalimos sa mga
kakilala't kababayan subalit napangasawa nga niya si Donya Victorina.

Pagkakasal, lumipat sila sa Santa Ana at dito idinaos ang kanilang pulut-gata. llang araw ang
nagtagal bumili ng aranya at karomata si Donya Victorina at matutuling kabayo mula sa Albay at
Batangas para sa gamit nilang mag- asawa. Binihisan din niya ng husto ang asawa para
magmukhang kagalang- galang. Ang Donya ay nagsimulang maging ilusyunada bilang isang
Orofea. Nagpusod-Espanyola at naglagay ng mga palamuti sa katawan. Ilang buwan ang
lumipas, Ipinamalita niyang siya ay naglilihi at sa Espanya manganganak sapagkat ayaw
ipanganak ang anak na tatawaging rebolusyunario. Ang kanyang pangalan ay dinagdag din ng
de, kayat nakalimbag sa mga tarheta nito ang Victorina delos Reyes de Espanada.

Dumaan ang tatlong buwan, ang inaasahang pagbubuntis ng Donya ay naunsyami kayat wala
siyang magawa kundi ang manatili sa "lupaing ito ng mga salvaje." Ang ginawa niya ay
nagpatingin sa mga hilot at manggagamot, ngunit wala ring nangyari. Hindi siya nagkaanak.
Dahil siguro nadisperada ang Donya sa hindi pagkakaroon ng anak, naibunton niya ang
kanyang ngitngit sa asawa nito. Parang maamong kordero ang Don, kahit na ano ang gawin ng
Donya hindi ito nakakarinigan ng reklamo, kapag nagagalit ang Donya, nilalabnot niya ang
pustiso ng asawa at kung minsan nama'y hindi niya ipinapahintulutan lumabas ng Bahay.

Isang araw, naisip ng Donya na ang asawa ay dapat na maglagay ng titulong medicina at
cirugia. Tumutol ang Don sapagakat pamemeke na naman ang gagawin niyang panggagamot.
Ngunit, wala siyang magawa at sumunod na lamang sa Donya. Tunay na amini't hindi, siya ay
Ander de Saya.

Nagpaukit sa marmol ang Donya ng karatulang may nakasulat na: DOCTOR DE ESPADAÑA,
ESPECIALISTA EN TODA CLASE DE ENFERMEDADES at ito ay ikinabit sa kanyang bahay.

Naisip din ng Donya na kumuha ng tagapangasiwang kastila sa kanyang mga ari-arian


sapagkat hindi niya pinagkakatiwalaan ang mga Pilipino. Ipinakaon naman ng Don ang
pamangkin si Linares na nag-aaral ng pagkamananggol, sa gastos ng Donya.

Samantala sila ay nagmimiryenda ay dumating si Pari Salvi. Dati ng kakilala ng mag-asawa ang
pari, kaya si Linares na lamang ang kanilang ipinakilala. Kaagad sinabakan na ni Donya
Victorina ang pamimintas sa mga tag- lalawigan at pinangalandakan na kaututang dila nila ang
alkalde at ng iba pang nasa mataas na poder sa estado.

Pero, namangha ang Donya nang sabihin ni Tiyago na kadadalaw lamang ng Kapitan- Heneral
sa kanilang tahanan. Halos hindi makapaniwala ang Donya. Gayunpaman, dahil sa wala na
siyang magawa sinabi na lamang na nanghinayang siya at hindi kaagad nagkasakit si Mari disin
sanay'y nakadaupang palad nila ang Henerl.

Nang matapos ang kanilang pag-uusap, pinuntahan nila si Maria na noon ay nakahiga sa isang
kamagong na nakaukurtinahan ng husi at pinya. Ang ulo ni Maria ay may taling panyo na basa
ng agua colonia at nakakumot ng puti. Nasa tabi ang dalawang kaibiganng babae at si Andeng
na may hawak ng punpon ng azucena.

Naitanong naman ni Linares kay Pari Salvi kung saan si Padre Damaso, sapagakat may dala
itong sulat-tagubilin para rito. Sinabi ni Salvi na dadalaw ito kay Maria kaya napanatag ang loob
ni Linares.

Pinulsuhan ng Don si Maria, tiningnan ang dila at sinabing may sakit ito, ngunit mapapagaling.
Ang iniresetang gamot niya ay: Sa Umaga ay liquen at gatas, Jarabe de altea at dalawang
pildoras de Cinaglosa. Sinamantala ito ng Donya at ipinakilala si Linarez na nabigla sapagkat
nakatoun ang kanyang mga mata at isip kay Maria na lubhang nagagandahan.

Saglit nanautol ang walang kurap na pagkakatitig ni Linarez sa magandang mukha ni Maria
nang sabihin ni Pari Salvi na dumating na si Pari Damaso. Ang pari ay kagagaling lamang niya
sa sakit, siya ay putlain mabuway kung lumakad, payat at hindi masalita. Ang una niyang
ginawa ay dumalaw nga kay Maria Clara.

_____________________________________________________________

KABANATA 43: Mga Balak o Panukala

Mga Balako Panukala

Tuloy-tuloy si Padre Damaso sa kamang kinahihigan ni Maria at luhaang sisnabi sa "Anak ko,
hindi ka mamamatay."Nagtaka si Maria sa nakitang anyo ng pari. Ang mga nakakakilala sa
prayle ay halos hindi rin makapaniwala na ang paring may magaspang na ugali at matipunong
anyo ay mayroon palang gayong kalambot na damdamin ng pari. Tumindig si Pari Damaso at
nagpunta sa silong ng balag sa ilalim ng balkkonahe at umiyak na parang batang ibunulalas
ang lahat ng sama ng loob. Dahil dito, nasabi ng lahat na talagang mahal na mahal ng pari ang
inaanak na si Maria.

Nang kumalma na ang damdamin ng pari, ipinakilala ni Donya Victorina si Linares. Sinabi ni
Linares na siya ay anaanak ng bayaw ni Damaso na si Carlicos. Ibinigay ni Linares ang sulat sa
pari na binasa naman niya. Lumitaw na si Linares ay nangangailangan ng trabho at
mapapangasawa. Ayon kay Damaso madali niyang maihanap ng trabaho ang binata sapagkat
ito ay tinanggap na abogado sa Universidad Central. Tungkol naman sa pag- aasawa, sinabi ni
Damaso na kakauapin nila si Tiyago.

Naiwan si Pari Salvi na malungkot at nagmumuni-muni. Nagitla na lamang siya nang batiin ni
Lucas, na hinihingi umano ng payo tungkol sa pagkamatay ng kanyang kapatid. Nagdrama ng
husto si Lucas, pilit na nagpapatulo siya ng luha nan isalysay niya ang pakikipagkita niya kay
lbarra at binigyan lamang ng P500.00 para sa pagkamatay ng kanyang kapatid. Nagalit ang pari
sa kadramahan ni Lucas, kaya pinagtabuyan niya ito at pasalamat siya't hindi siya ipinabilanggo
ni Ibarra. Umalis na bumubulong-bulong si Lucas.

_____________________________________________________________

KABANATA 44: Pagsusuri sa Budhi

Pagsusuri sa Budhi

Nabinat si Maria pagkatapos na makapagkumpisal. Sa kanyang pagkahibang walang


sinasabing pangalan kundi ang pangalan ng kanyang inang hindi man lamang nakikilala. Siya
ay binabantayang mabuti ng kanyang mga
kaibigang dalaga. Si Tiyago naman ay nagpamisa at nangako na magbibigay ng tungkod na
ginto sa Birhen ng Antipolo. Unti-unti namang bumaba ang lagnat ni Maria.
Takang-taka naman si Don Tiburcio sa naging epekto ng gamot na inireseta niya sa dalaga. Sa
kasiyahan ni Donya Victorina hindi niya nilabnot ang pustiso ng asawa.

Isang hapon napag-usapan ang nakatakdang pag lipat ng parokya ni Pari Damaso sa Tayabas.
Sinabi ni Kapitan Tiyago na ang ganitong pagkakalayo ng pari ay labis na daramdamin ni Maria
sapagkat para na rin niya itong ama. Ipinaliwanag din niya na ang pagkakasakit ng dalaga ay
bunga ng mga pangyayari noong pista. Sinabi naman ng kura na mabuti nga ang di pag
papahintulot ng kapitan na mag kausap ang anak at si lbarra. Pero, tinutulan ng Donya ang
ganitong pananaw ng dalaga sapagkat matibay ang kanyang paniniwala, na si Don Tiburcio ang
nakapagpagaling kay Maria.

Hindi pinansin ni Pari Salvi ang Donya at sa halip sinabi niya na malaki raw ang nagawa ng
pangungumpisal sapagkat daig ng isang malinis na budhi ang lahat namga gamot na gaya ng
pinatutunayan na ng maraming pagkakaton. Dahil dito, nabanas ang Donya at iminungkahi niya
kay Pari Salvi na gamutin ng kanyang kumpisal Si Donya Consulation na asawa ng alperes.

Hindi umimik ang pari at sa halip ay tinagubilinan niya si Kapitan Tiyago na ipahanda kay Tiya
Isabel si Maria sa isang pangungumpisal muli sa gabing iyon at bibigyan nniya ng viatico
kinabukasan upang tuloy-tuloy na ang kanyang paggaling

Samantala,pinainom ni Sinang si Maria ng isang pildoras na mula sa bumbong na kristal at bilin


ng doktor ay itigil ito kaag nakakaramdam siya ng pamimingi. Itinanong ni Maria kay Silang
kung hindi sumulat si lbrra Sumagot si sinang na abala si lbarra sa pag-aasikaso na mapatawad
ng arsobispo ang kanyang ekskumunyon. Saglit na natigil ang kanilang pagluusap sapagkat
siyang pagpasok ni Tiya Isabel upang ihanda muli si Maria na sulatan niya si lbarra at sabihing
limutin na niya ito. Di nakapag tanong si Sinang dahil nagsisimula na si Tiya Isabel, si Maria
naman ay nag isip ng mga kasalanan. Binasa ni Tiya lsabel ang sampung utos. Pagkaraan ay
nagtulos ng isang malaking kandila sa harap ng altar ng mahal na Birhen.

Nagtagal ang kumpisalan sa gabing iyon. Napansin ni Tiya Isabel na sa halip na makinig ang
pari sa sinasabin ni Maria, tila ba binabasa ang nasa isip ng dalaga. Nung lumabas ng silid si
Pari Salvi, ito ay namumutla at nakapangagat labi, kunot ang nuo at pawisan. Sa malas, siya
ang kinumpisalan na di nagtamo nag patawad.

_____________________________________________________________

KABANATA 45: Ang mga Pinag-uusig

Ang mga Pinag-uusig Nagpunta sa Kagubatan si Elias at hinanap si Kapitan Pablo. Siya ay
sinamahan ng isang lalaki sa yungib na tila nasa ilalim ng lupa. Nag makita ni Elias ang
Matandang Pablo natatalian ang ulo ng isang bigkis na kayong may bahid ng dugo. Kayat na
nagkilala silang dalawa. May anim na buwan na nang huli silang magkita. Noon, ayon Kay
matandang Pablo siya ang naaawa Kay Elias. Subalit, ngayon nagkapalit sila ng puwesto. Si
Elias ay malakas samantalang ang matanda ay sugatan at lugami sa hirap ng katawan at
kalooban. May 15 araw na araw na naibalita kay Elias ang sinapit ni Kapitan Pablo. Katunayan,
pinaghanap siya nito sa kabundukan ng dalawang lalawigan. At ngayon nga ay kanyang
natagpuan.

Ipinaliwanag ni Elias sa Kapitan na nais niya itong isama sa lupain ng mga di- binyagan upang
doon na manirahan nang payapa kahit na malayo sa sibilisasyon, yaman din lamang daw
walang nangyari sa kanyang paghahanap sa angkang nagpahamak sa kanyang pamilya.
Binigyang diin ni Elias na magturingan na lamang silang dalawa bilang mag-ama yayamang
pareho na silang nag-isa sa buhay. Umiilig lamang ang matanda sa kahilingan ni Elias at
sinabing wala siyang dahilan para magpanibagong buhay sa ibang lupain. Kailangan niyang
maipaghiganti ang kalupitang sinapit o pagkamatay ng kanyang dalawang anak na lalaki at
isang babae sa kamay ng mga buhong. Nuon anya, siya ay isang duwag ngunit, dugo at
kamatayan ang isinisigaw ng kanyang budhi dahil sa kaapihang kanyang natamo. Karumal-
dumal ang sinapit ng kanyang mga anak kaya ganito na lamang ang kanyang pagpupuyos.

Ang kanyang anak na dalaga ay pinagsamantalahan at inilugso ang kapurihan ng isang alagad
ng simbahan. Dahil dito, nagsiyasat ang dalawa niyang anak na lalaki. Pero, nagkaroon ng
nakawan sa kumbento at ang isa niyang anak ay sinuplong. Ang anak niyang ito ay ibinitin sa
kanyang buhok at narinig niya ang sigaw, daing at pagtawag sa kanya, pero siya ay nasanay sa
buhay na tahimik ay naging duwag at hindi nagkaroon ng lakas ng loob na pumatay o
magpakamatay. Ang paratang na pagnanakaw sa kanyang anak ay di napatunayan, isa lamang
malaking kasinungalingan. Ang kurang nagparatang ay inilipat sa ibang lugar.Pero ang kanyang
anak ay namatay sa sobrang pahirap na dinanas.

Ang isa naman niyang anak ay hindi duwag at pingambahan na siya ay maghihiganti dahil sa
sinapit ng dalawamg kapatid. Ito ay hinuli ng mga awtoridad dahil nakalimutan lamang niyang
magdala ng sedula. Ito ay pinahirapan din hanggang sa magpatiwakal na lamang. Ngayon,
wala ng nalalabi sa kanya kundi bababa ng bayan upang maghimasik at makapaghiganti. Hindi
naman siya nag-isa, marami siyang kaanib na kapwa rin pinag-uusig ng awtoridad. Ang mga ito
ang bumubuo sa kanyang pangkat na pinamumunuan. At sila ay naghihintay lamang na tamang
tiyempo at araw upang lumusob.

Naunawaan ni Elias ang paninindigan ni kapitan Pablo, siya man daw ay tulad nito na sa
pangambang makasugat nang walang kinalaman, kinalimutan niya ang paghihiganti. Pero, para
sa kapitan, ang paglimot ay lubhang napakahirap. Kaya ang ganang kay Elias ay napakadali
sapagkat siya ay bata pa, hindi namatayan ng mga anak at hindi nawawalan ng pag asa.
Nangako ang matanda na hindi rin siya susugat sa sinumang walang kasalanan tulad ng
ginawa nitong pagkakasakit na naging sanhi ng kanyang pagkakasugat at huwag lamang ang
isang kuwadrilyong tumutupad lang naman ng kanyang tungkulin.

Ipinahayag ni Elias Kay Matandang Pablo na siya ay nagkapalad na makilala at makatulong sa


isang binatang mayaman, matapat, may pinag-aralan at nag-iisang anak ng isang taong
marangal na hinamak din ng isang pari, maraming kaibigan sa Madrid kabilang na ang Kapitan-
Heneral. Bilang pagbibigay diin, tiniyak ni Elias sa matanda na makakatulong daw ang binatang
ito sa kanilang pagnasang maipaabot sa heneral ang mga hinaing ng bayan. Tumango ang
matanda. Dahil dito, ipinangako ni Elias na malalaman ni Kapitan Pablo ang magiging resulta
ng kanyang lakad o pakikipag-usap sa binata (si lbarra) sa loob ng apat na araw. Sa mga
tauhan ng kapitan ang kakatagpuin niya sa may baybayin ng San Diego at sasabihin niya ang
sagot. Kapag pumayag ang binata, may maasahan at makakapagtamo sila ng katarungan at
kung hindi naman, si Elias ang unang kasama niyang maghahadog ng buhay.

_____________________________________________________________

KABANATA 46: Ang Sabungan

Ang Sabungan

Katulad din ng iba pang bayan ng Pilipinas, may sabungan din sa San Diego. Ito ay nahahati sa
tatlong bahagi. May pasukan ito sa pinto na binabantayan ng isang babaeng naniningil ng
bayad sa pagpasok. Nakahanay naman sa magkabilang daraanan na mga tao ang mga tindera
na nagtitinda ng kung anu-ano na katulad ng pagkain, gamit na maliliit sa bahay, sigarilyo at iba
pa. Kalapit ito ng isang may kalakihan ding lugar na kinaroroonan ng mga tahur, magtatari at
mga sobra ang hilig sa sabong. Dito nagpapalipat-lipat nang mabilis ang kuwarta sa kamay ng
mga tao at pakikipagsunduan. Ang tawag sa lugar na ito ay ulutan. Ang ikatlong bahagi naman
ng sabungan ay tinatawag na ruweda. Dito dinaraos ang mga sultada. Makikita sa lugar na ito
ang mga taong may matataas na tungkulin, mayayaman, ang mga tahur at sentensyador.

Nasa loob ng sabungan sina Kapitan Pablo, Kapitan Basilio at Lucas. Nagtanong si Kapitan
Basilio tungkol sa manok na isasabong ni Kapitan Tiyago samantalang papasok ito sa
sabungan na kasunod ang dalawang alalay o utusan na may dalang isang lasak na manok at
isang malaking putting tinali. Bulik naman ang manok ni Kapitan Basilio. Nagkaroon muna ng
batian tungkol sa pagkakasakit ni Maria Clara, pagkaraan nagkasundo ang dalawa na
paglabanin ang bulik at ang lasak sa pustang P 3,000. Parang apoy na kumalat ang paglalaban.
Nagkaroon ng pustahan ang mga sabungero. Lumilitaw na dehado ang pula at llamado naman
ang puti.

Habang hindi magkamayaw sa pagpusta ang ilang sabungero sa gagawing pagsusultada, ang
dalawang binatang magkapatid na sina Tarsilo at Bruno ay naiinggit sa mga pumupusta. Sila ay
matamang pinagmamasdan ni Lucas.Pamayamaya ay lumapit ang pinakabata sa dalawa kay
Lucas at nakiusap na pautangin ito ng pera para may maipusta. Sina Bruno at Tarsilo ay may
masaklap na karanasan sa mga sibil, ang kanilang ama ay pinatay sa
palo ng mga ito.

Tinanong ni Lucas ang magkapitd kung payag na sila sa kondisyong kanyang ibinigay. Ayaw ng
nakatatanda. Dahil dito, sinabi ni Lucas na kahit kilala man niya ang magkapatid na ayaw
ipaghiganti ang pagkamatay ng kanilang ama, hindi niya mapapautang ang mga ito ng perang
hindi niya pag-aari. Ang Pera, anya ay kay Don Cisostomo Ibarra. Gayunman, kung papayag
sila sa kanilang amuki, madali niyang mabibigyan ng pera ang mga ito. Ikinatwiran ng dalawa,
na kundi lamang sa kanilang kapatid na babae ay matagal na siguro silang nabitay. Pero,
sinagot sila ni Lucas na mga nabibitay ay mga duwag lamang, walang salapi at mahihina at
kung sakali ay malapit lamang ang bundok.

Samantala, pinagsalpuk na ang dalawang manok, na ilang sandali lang ay kapwa sugatan. Pero
matindi ang sa puti. May tarak ito sa dibdib samantalang ang sa pula naman ay sa pakpak
lamang. Gayunman, unang bumulagta ang puit na nagkikisay at sumunod naman ang pula na
ipinipikit ang mga mata. Ang nanalo sa labanan ay ang pula. Hiyawang umaatikabo ang
sumunod.

Nanghinayang sina Tarsilo at Bruno at hindi sila nakapusta disin sana'y nanalo ng tig-P100
bawat isa. Sa di kalayuan, nakita nila si Pedro, ang asawa ni Sisa na binibilangan ng pera ni
Lucas. Naisip nilang pumusta sa sususnod na laban.

Tiyempo namang ang isusunod na paglalabanin ay ang bulik ni Kapitan Basilio at ang lasak ni
Kapitan Tiyago. Nakalimutan ng magkapatid ang tungkol sa kanilang kapatid na babae. Naisip
nilang walang mangyayari sa kanila kung kukunin nila ang inaalok na pera ni Lucas sapagkat si
Crisostomo ay kaibigang matalik ng heneral at kasama pa nito sa pamamasyal.

Nang lumapit ang magkapatid kay Lucas, hindi sila nabigo. Sila ay binigyan ng tig- P30.00 sa
kasunduang sasama sila sa pagsalakay sa kuwartel. Kapag sila ay nakapagsama pa, tig-
sasampu uli sa bawat maisama nila. Kapag nagtagumpay sila sa gagawing pagsalakay, may
tig-P100 at ang mga kasama nila at sila naman ay tig-P200 ang tatanggapin. Tumango sila
pareho sa lahat ng kondisyon. Kaagad na tinanggap ang perang hinihingi nila.Tinagubilinan ni
Lucas ang magkapatid na kinabukasan ay darating ang mga sandatang padala ni lbarra. Sa
ikawalo naman ng gabi sa makalawa ay kailangan magtungo sila sa libingan upang tumanggap
ng utos. Ito lamang at naghiwalay na sil;ang tatlo. Tuloy ang sabong.
_____________________________________________________________

KABANATA 47: Ang Dalawang Senyora

Ang Dalawang Senyora

Habang nakikipaglaban ang lasak ni Kapitan Tiyago, magkaakbay naman na namamasyal sina
Donya Victorina at Don Tiburcio upang malasin ang bahay ng mga Indio. Ayon sa Donya pangit
ang mga bahay ng mga Indio. Sa kanilang paglakad, nababanas siya ng husto kapag hindi
nagpupugay sa kanila ang mga nakakasalubong. Dahil dito, inutos niya sa Don na mamalo ng
sumbrero. Pero, tumanggi ang Don bunga raw ng kanyang kapansanan.

Nang mapadaan ang Donya sa tapat ng bahay ng alperes nagkatama ang kanilang mga
paningin. Parehong matalim. Tiningnan ng alperes ang Donya mula ulo hanngang paa,
ngumuso at dumura sa kabila. Sinugod ng Donya ang alperes at nagkaroon ng mainitang
pagtatalo..Binanggit ng Donya ang pagiging labandera ng alperesa samantalang
pinagdidikdikan naman ng huli ang pagiging pilay at mapagpanggap na asawa ng Donya.
Puyos sa galit, Habang hawak na mahigpit ang latigo ng alperes na nanaog si Donya
Consolacion, upang daluhugin si Donia Victorina. Pero, Bago mag-pang-abot ang dalawa,
dumating ang alperes. Umawat si Don Tiburcio. Ang pangyayari ay sinaksihan ng maraming tao
na nakatawag pansin ng kanilang Pagtatalakan.

Dumating ang kura at pinatitigil ang dalawa, ngunit pasinghal na binulyawan siya ng alperes
kasabay sa pagtawag ditong 'mapagbanal-banalang Carliston'. Nagalit naman ng husto si
Victorina at sinabi kay tiburcio na kailangan hamunin niya ang alperes sa pamamagitan ns
sabeloo rebolber. Tumanggi ang Tiburcio, kaya nahablot na naman ng di oras ang kanyang
pustiso ng nagtatalak na asawa.

Pagdating sa bahay ng mag-asawa, inabutan nilang kausap ni Linares si Maria at ang mga
kaibigan nito. Kay Linares nabaling ang atensyon ng Donya, inutusan nito na siya ang
humamon sa Alperes sa pamamagitan ng baril o sable at kung hindi ibubulatlat nito sa madla at
kay Kapitan Tiyago ang tunay nitong pagkatao. Namutla si Linares at humingi ito ng paumanhin
sa Donya.

Siya namang pagdating ni Kapitan Tiyago na lugo-lugo sapagkat natalo ang kangyang lasak.
Hindi pa nakapagpapahinga si Tiyago, Tinaltalan kaagad siya ng Donya. Sinabi niya sa Kapitan
na hahamunin ni Linares ang alperes at kapag hindi niya ito nagawa, di dapat itong magpakasal
kay Maria. Sapagkat ang duwag ay hindi nababagay sa inyong anak, pagdidiin pa ng Donya.
Dahil sa narinig nagpahatid si Maria sa kanyang silid.

Kinagabihan, bago umalis sina Donya Victorina at Don Tiburcio iniwan nila ang kuwenta sa
paggagamot kay Maria at ito'y umaabot sa kung ilang libong piso. Naiwan naman si Linares na
nasa gipit na kalagayan.

_____________________________________________________________

KABANATA 48: Ang Talinhaga

Ang Talinhaga

Dumating kinabukasan si lbarra na gaya ng pagkakabalita ni Lucas sa magkapatid na Tarsilo at


Bruno. Ang unang sinadya ng binata ay ang tahanan ni Kapitan Tiyago upang ibalita na siya ay
hindi escomulgado at dalawin si Maria. May dala siyang sulat mula sa arsobispo na ibinigay nito
sa kura at nagsasaad na inaalis na ang excomunion. Tuwang- tuwa si Tiya Isabel, sapagkat
boto siya kay Ibarra at ayaw din niyang mapangasawa ng kanyang pamangkin si Maria ang
kastilang si Linares. Tinawag ni lsabel si Maria at pinatuloy si lbarra.

Ngunit biglang naumid ang dila ng binata sapagkat nakita niyang kalapit ng kasintahan si
Linares na nasa balkon. Nakasandig sa silyon si Maria at may hawak na abaniko. Sa may
paanan nito ay nandoroon si Linares na nagkukumpol ng rosas at sampaga. Namulat si Linares
ng makita si Ibarra samantalang si Maria ay namula at hinayaang malaglag na lamang ang
tangang pamaypay. Sinikap nitong tumayo, pero hinang-hina siya dahil nga sa pagkakasakit. Si
Linares ay waring napapatda at hindi makapagsalita.

Sinabi ni Ibarra sa kasintahan ang dahilan ng kanyang diipinasabing pagdalaw. Nakatingin


lamang sa kanya si Maria na parang inuunawa ang bawat katagang namutawi sa kanyang labi.
Malungkot si Maria, kaya nakuro ni Ibarra na bukas nalamang siya dadalaw.Tumango ang
dalaga. Umalis si Ibarra na ang puso ay ginugutay ng matinding pag-aalinlangan, gulo ang
kanyang isip. Sa paglakad niya, humantong siya sa ipinapagawang paaralan. Binati siya ni Nol
Juan at mangagawang dinatnan niyang abalang gumagawa. Binigyang diin ni lbarra sa mga
dinatnan na wala ng dapat ipangamba sa kanya ng sinuman sapagkat siya ay hindi na
excomugaldo. Pero, tinugon siya ni Nol Juan na hindi nila pinapansin ang excommunion
sapagkat silang lahat ay pawang excomulgado.

Nakita ni Ibarra si Elias na kasama ang mga manggagawa. Yumukod si Elias at ipinahiwatig sa
pamamagitan ng tingin na mayroon siyang gustong sabihin sa kanya. Dahil dito, inutusan ni
lbarra si Nol Juan na kunin at ipakita sa kanya ang talaan nito ng mga obrero upang kanyang
tignan. Nilapitan ni Ibarra si Elias na nag-iisang nagkakarga ng bato sa isang kariton. Sinabi ni
Elias na nais niyang makausap ang binata nang ilang oras. Ipinakiusap nitong mamangka sila
sa baybay ng lawa sa bandang hapon upang pag- usapan ang isang napakahalagang bagay.
Tumango lamang si lbarra nang makitang papalapit na sa kanila si Nol Juan. Si Elias naman ay
lumayo na. Nang tignan ng binata ang talaan ng mga obrero, wala ang pangalan ng pilotong si
Elias.

_____________________________________________________________

KABANATA 49: Ang Tinig ng mga Pinag-uusig

Ang Tinig ng mga Pinag-uusig

Nang lumulan si lbarra sa bangka ni Elias, waring ito ay hindi nasisiyahan. Kaya, kaagad na
humingi ng paumanhin si Elias sa pagkagambala niya sa binata. Sinabi ni lbarra ang dahilan,
nakasalubong niya ang alperes at gusto nitong muli na magkausap. Dahil nag-aalala siyang
makita si Elias, nagdahilan na lamang siya. Nanghinayang naman ang binata ng sabihin ni Elias
na di siya matatandaan ng alperes. Saglit na napabuntonghininga si Ibarra sapagkat biglang
pumasok sa kanyang isip ang kanyang pangako kay Maria.

Hindi na nag-aksaya ng panahon si Elias sinabi niya kaagad kay lbarra na siya ang sugo ng
mga sawimpalad. Ipinaliwanag niya ang napagkasunduan ng puno ng mga tulisan (Si Kapitan
Pablo) na hindi na binanggit pa ang mga pag-aalinlangan at pagbabala. Ang kahilingan ng mga
sawimpalad, ani Elias ay (1) humingi sila ng makaamang pagtangkilik sa gobyerno na katulad
ng mga ganap na pagbabago sa mga kawal na sandatahan, sa mga prayle, sa paglalapat ng
katarungan at sa iba pang pangangasiwa ng gobyerno (2) pagkakaloob ng kaunting karangalan
sa pagkatao ng mga tao, ang kanilang kapanatagan at bawasan ang lakas at kapangyarihang
taglay ng mga sibil na madalas na nagiging puno't dulo ng paglapastangan sa karapatang
pantao.

Tumugon si lbarra na anumang pagbabago na sa halip na makakabuti ay lalo pang


makakasama. Sinabi nitong maaari niyang pakilusin ang kanyang mga kaibigan sa Madrid sa
pamamagitan ng salapi at pati na ang Kapitan-Heneral ay kanyang mapapakiusapan, ngunit
lahat sila ay walang magagawa. Siya man ay hindi gagawa ng anumang pagkilos ukol sa mga
bagay na iyon sapagkat kung may kasiraan man ang korporasyon, ay matatawag naman nilang
masasamang kailangan.

Nagtaka si lbarra, hindi niya sukat akalaing ang isang tulad ni lbarra ay naniniwala satinatawag
na masamang kailangan na para bang nais palabasin nito na kailangang gumawa muna ng
masama upang makapagdulot ng mabuti. Naniniwala siya na kapag ang sakit ay malala,
kailangang gamutin ng isang mahapding panlunas. Ang sakit ng bayan ay malubha kaya't
kailangan ang kaparaanang marahas kung ito ay makakabuti. Ang isang mabuting
manggagamot, anya ay sinususri ang pinagmulan ng sakit at hindi ang mga at hindi ang mga
palatandaan nito na sinisikap na bigyan ng lunas. Katulad ng mga sibil na sa pagnanais daw na
masugpo ang kasamaan, ito'y iniinis sa pananakot, paggawa ng marahas at walang habas na
paggamit ng lakas. At kapag pinahina ang guwardiya sibil ay malalagay naman sa panganib
ang katahimikan ng bayan. Paano raw magkakagayon gayong 15 taon nang may mga sibil,
ngunit ang mga tulisan ay patuloy pa rin sa pandarambong. Ang mga sibil ay walang naidudulot
na kabutihan sa bayan sapagkat kanilang pinipigil at pinahihirapan ang isang tao kahit na
marangal dahil lamang sa nakalimutan ang cedula personal, at kapag kailangang malinis ang
kanilang mga kuwartel, ay manghuhuli sila ng
mga kaawa-awang mamamayan na walang lakas na tumutol.

Napag-usapan pa nila na bago itatag ang guardia civil nanunulisan ang mga tao dahil sa
matinding pagkagutom. Binigyang diin naman ni Elias na ang mga sawimpalad na hinihingi ng
bayan ang pagbabago sa mga palakad ng mga prayle at ng isang pagtangkilik laban sa
korporasyon. Pero, sinabi naman ni lbarra na may utang na loob na dapat tanawin ng bayan sa
mga paring pinagkakautangan ng pananalig at patangkilik noon laban sa mga pandarahas ng
mga may-kapangyarihan.

Lumitaw sa pagpapalitan ng kuro-kuro ng dalawa na kapwa nila mahal ang bayan. Pero, hindi
napahinuhod ni Elias si lbarra tungkol sa pakiusap ng mga sawimpalad. Kaya, ipinahayag niya
kay lbarra na sasabihin na lamang daw niya sa mga ito na ilipat na sa Diyos o sa kanilang mga
bisig ang pagtitiwala na sa kapwa tao na di magtatamong-pala.

_____________________________________________________________

KABANATA 50: Ang mga Kaanak ni Elias

Ang mga Kaanak ni Elias


Isinalaysay ni Elias ang kanyang kasaysayan kay lbarra upang malaman nito na siya ay
kabilang din sa mga swimpalad.May 60 taon na ang nakakalipas, ang kanyang nuno ay isang
tenedor de libros sa isang bahay- kalakal ng kastila. Kasama ng kanyang asawa at isang anak
na lalaki, ito ay nanirahan sa Maynila.Isang gabi nasunog ang isang tanggapang
pinaglilingkuran niya. Isinakdal ang kanyang nuno sa salang panununog. Palibhasay maralita at
walang kayang ibayad sa abogado, siya ay nahatulan. Ito ay ipinaseo sa lansangan na
nakagapos sa kabayo at pinapalo sa bawat panulukan ng daan. Buntis noon ang asawa,
nagtangka pa ring humanap ng pagkakakitaan kahit na sa masamang paraan para sa anak at
asawang may sakit. Nang gumaling ang sugat ng kanyang nuno, silang mag-anak ay
namundok na lamang.

Nanganak ang babae, ngunit hindi nagtagal namatay ito. Hindi nakayanan ng kanyang nuno
ang sapin-saping pagdurusang kanilang natanggap. Nagbigti ito. Hindi ito naipalibing ng babae.
Nangamoy ang bangkay at nalaman ng mga awtoridad ang pagkamatay ng asawa.Nahatulan
din siyang paluin. Pero, ito ay hindi itinuloy at ipinagpaliban sapagkat dalawang buwan siyang
buntis nuon. Gayunman, pagkasilang niya, ginawa ang hatol.

Nagawang tumakas ng babae mula sa malupit na kamay ng batas, lumipat sila sa kalapit na
lalawigan. Sa paglaki ng anak na panganay, ito ay naging tulisan. Gumawa siya ng panununog
at pagpatay upang maipaghiganti nila ang kaapihang natamo. Nakilalasiya sa tawag na balat.
Ang lahat ay natakot sa kanyang pangalan. Ang ina ay nakilala naman sa tawag na
haliparot,delingkuwente at napalo at ang bunso dahil sa mabait at tinawag na lamang anak ng
ina.

Isang umaga, nakagisnan na lamang ng anak ang ina na patay na. Ito ay nakabulagta ssa ilalim
ng isang puno at ang isang ulo ay nakatingala sa isang bakol na nakasabit sa puno. Ang
kanyang katawan ay ibinaon samantalang ang mga paa,kamay ay ikinalat. Ang ulo naman ay
siyang dinala sa kanyang ina. Walang nalalabing paraan sa nakakabata dahil sa kalunos-lunos
na pangyayaring ito kundi ang tumakas. Siya ay ipinadpad ng kapalaran sa Tayabas at
namasukang obrero sa isang mayamang angkan. Madali naman siyang nakagiliwan sapagkat
nagtataglay nga ito ng magandang ugali.

Siya ay masikap at ng nagkaroon ng puhunan, napaunlad niya ang kanyang kabuhayan


hanggang sa makakilala siya ng isang dalagang taga-bayan na kanyang inibig ng tapat.
Gayunman sinasagilahan siya ng matinding pangamba na mamanhikan. Nangangambasiyang
matuklasan ang tunay niyang pagkatao. Mahal palibhasa ang babae, minsan ay nailugso nito
ang puri at desidido siyang panindigan ang nagawa. Ngunit, dahil sa mayaman ang ama ng
babae at wala siyang kayang ipagtanggol ang sarili. Siya ay nakulong sa halip na makasal siya
sa babae.

Bagamat hindi nagsama ang magkasuyo, ang kanilang pagtatampisaw sa dulot ng pag-ibig ay
nagkaroon ng bunga. Ang babae ay nanganak ng kambal, isang babae at isang lalaki. Ang
lalaki ay si Elias. Bata pa sila ay iminulat sa kanilang patay na ang kanilang ama. Naniniwala
naman sila sapagkat musmos pa lamang ay namatay ang kanilang ina. Nang magkaroon ng
sapat na isip, palibhasa'y may kaya ang nuno si Elias ay nag-aral sa mga Heswitas
samantalang ang kapatid na babae ay sa Concordia.
Nagmamahalan silang magkapatid at ang pag-igkas ng panahon ay hindi nila namamalayan.
Namatay ang kanilang nuno kaya't umuwi silang magkapatid upang asikasuhin ang kanilang
kabuhayan.

Maganda ang kanilang hinaharap, ang kanyang kapatid na babae ay nakatakdang ikasal sa
binatang nagmamahyal sa kanya, ngunit ang kanilang kahapon ang nagwasak sa kanilang
kinabukasan. Dahil sa kanyang salapi at ugaling mapag-mataas, isang malayong kamag-anak
ang nagpamukha sa kanilang kahapong nagdaan. At ito ay pinatunayan ng isang matandang
utusan nila. Iyon pala ang kanilang ama. Namatay na naghihinagpis ang kanilang ama dahil sa
pag-aakalang siya ang naging dahilan ng kasawian nilang magkapatid. Pero, bago ito namatay
naipagtapat niyang lahat ang kahapon ng magkakapatid.

Lalong binayo ng matinding kalungkutan ang kapatid ni Elias nang mabalitaan niyang ikinasal
sa iba ang kanyang kasintahan. Isang araw nawala na lamang ito't sukat. Lumipas ang anim na
buwan nabalitaan na lamang ni Elias na mayroong isang bangkay ng babaing natagpuan sa
baybayuin ng Calamba na may tarak sa dibdib. Ito ang kanyang kapatid. Dahil dito siya ay
nagpagala-gala sa iba't+-ibang lalawigan bunga ng iba't ibang pagbibintang tungkol sa kanya
na hindi naman niya ginagawa. Dito natapos ang salaysay ni Elias.

Nagpalitan pa ng iba't-ibang pananaw ang dalawa hanggang sa sabihin ni Ibarra kay Elias na
sabihin niya sa mga sumugo sa kanya na siya (1lbarra) ay taus-pusong nakikiisa sa kanilang
mga damdaming. Lamang, wala kundi ang maghintay pa sapagkat ang sama ay di-nagagamot
ng kapwa sama rin. Dagdag pa rito, sa kasawian ng tao siya man ay matroong kasalanan din.
Nang makarating na sila sa baybayin, nagpaalam na si lbarra at sinabi kay Elias na siya ay
limutin na at huwag babatiin sa anumang kalagayang siya ay makita nito. Nagtuloy si Elias sa
kuta ni Kapitan Pablo at sinabi sa kapitan na siya kung di rin lamang mamamatay ay tutupad sa
kanyang pangako na aanib sa kanila sa sandaling ipasiya ng pinuno na dumating na ang oras
ng pakikibaka sa mga Kastila.

_____________________________________________________________

KABANATA 51: Mga Pagbabago

Mga Pagbabago

Sakmal ng pagkabalisa at di pag-igmik si Linares sapagkat nakatanggap siya ng liham mula kay
Donya Victorina na nagsasaad ng ganito:

Mahal kong pinsan,


Sa loob ng tatlong ara, kailangang malaman ko kung kayo ay magtuos ng alperes at naglaban.
Kapag natapos na ang taning na ito at hindi mo pa siya nakakalaban ay, ipababatid ko kay
kapitan Tiyago na ikaw ay di naging kalihim, hindi mo nabibiro si Canovas at hindi nakakasama
ni Heneral Martinez sa anumang kasayahan. Ibubunyag ko rin ang iyong lihim kay Clarita
(Maria) at hindi rin kita bibigyan ng salapi. Lahat ng magustuhan mo ay ibibigay ko basta
kalabanin mo lamang ang alperes. Ako ay hindi tatanggap ng anumang paumanhin o dahilan.

Ang pinsan mong nagmamahal sa iyo ng buong puso,

VICTORINA DE LOS REYES ESPADANA


Sampaloc, Lunes ika-7 ng gabi

Alam ni Linares na hindi nagbibiro ang Donya. Kailangang hamunin niya ang alperes subalit
sino naman kaya ang papayag na maging padrino niya, ang kura kaya o si Kapitan Tiyago.
Pinagsisisihan niya ang kanyang paghahambog at pagsisinungaling sa paghahangad lamang
na makapagsamantala. Labis siyang nagpatianod sa kapritso ng Donya.

Dumating si Pari Salvi at nagmano sa Kapitan Tiyago. Masayang ibinalita niya ang tungkol sa
sulat na padala ng arsobispo tungkol sa pagalis ng excommunion kay lbarra kasabay ng
kanyang pagpupuring and binata ay kalugod lugod ngunit may kapusukan ng kauniti. Tanging
ang sagabal na lamang sa pagpapatawad ay si Pari Damaso. Pero anya ay hindi makatanggi
kung si Maria ang kakausap sapagkat inaama niya ang pari. Narinig ni Maria ang usapan at
nagtungo ito sa silid kasama si Victoria.

Sa bahaging iyon ng usapan ng pari at Kapitan Tiyago pumasok si lbarra na kasama si Tiya
Isabael. Binata niya ang kapitan at yumukod naman kay Linares. Si Pari Salvi ay buong lugod
na kumamay kay lbarra at sinabi nitong katatatapos pa lamang niyang papurihan ito.
Nagpapasalamat ang binata at lumapit kay sinang upang itanong kung lumapit kay Sinang
upang itanong kung galit sa kanya si Maria. Ipinasasabi raw ni Maria ani Sinang na limutin na
siya ng binata ngunit sinabi ni lbarra ng gusto niyang makausap ng sarilinan ang kasintahan. Di
nagluwat, umalis na si Ibarra.

_____________________________________________________________

KABANATA 52: Ang Baraha ng Patay at ang mga Anino

Ang Baraha ng Patay at ang mga Anino

Madilim ang gabi at malamig ang ihip ng hangin pumapaspas sa mga dahong tuyo at alikabok
ng makipot ng daang patungo sa libingan. May tatlong anino na paanas na naguusap sa ilalim
ng pinto ng libingan. Itinanong ng isa kung nakausap na niya ng kaharap si Elias. Hindi raw
pero siguradong kasama ito sapagkat nailigtas na minsan ni lbarra ang buhay nito. Tumugon
ang unang anino na ito nga ay pumayag na sumama sapagkat ipapadala ni lbarra sa Maynila
ang kanyang asawa upang ipagamot. Siya ang sasalakay sa kumbento upang makaganti siya
sa kura. Binigyang diin naman ng ikatlong anino na kasama ng lima lulusob sila sa kwartel
upang ipakilala sa mga sibil na kanilang ama ay may mga anak na lalaki. Isa pa, sinabi ng alila
ni Ibarra na sial ay magigng 20 na katao na. Saglit na huminto sa pagaasanan ang mga anino
nang mabanaagan nilang may dumarating na isang anino na namamaybay sa bakod.

Pagdating sa lugar ng tatlo, nagkakilala sila. Ipinaliwanag ng bagong dumating na anino na


sinusubaybayan siya kaya't naghiwa-hiwalay na sila at tinagubilinan ang mga dinatnan ng
kinabukasan ng gabi nila tatanggapin
ang mga sandata kasabay ng sigaw na "Mabuhay Don Crisostomo"'! Ang tatlong anino ay
nawala sa likod ng pader. Ang bagong dating naman ay naghintay sa sulok ng pintuan.

Nang dumating ang ikalawang anino, namasid ito sa kanyang paligid. Umaambon palibhasa,
sumilong ito sa pintuan kaya't nagkita sila ng unang sumilong. Naisipan nilang magsugal at
kung sinuman ang manalo sa kanila ay maiiwan upang makipagsugal sa mga patay. Pumasok
sila sa loob nglibingan at sa ibabaw ng punto ay umumpog magkaharap upang magsugal. Ang
mataas sa dalawa ay si Elias at ang may pilat sa mukha ay si Lucas. Nagsimula na silang
magsugal sapagkat sa isang tao lamang ang nakikipagpagsugal ang mga patay. Natalo si Elias
kaya umalis itong hindi kumikibo. Nilamon siya ng kadiliman.

Nang gabing iyonn dalawang sibil ang naglalakad sa tabi ng simbahan. Pinaguusapan nila ang
tungkol sa paghuli kay Elias sapagkat sinumang makahuli rito ay hindi mapapalo sa loob ng
tatlong buwan. Nakasalubong nila si Lucas at itinanong kung saan ito pupunta. Sa simbahan ani
Lucas upang magpamisa. Pinabayaan nila sapagkat ayon sa alperes walang pilat si Elias. Ilang
saglit lamamg, si Elias mismo ang nakasalubong ng mga sibil. Dinala siya sa liwanag upang
kilalanin. Sinabi ni Elias na hinahabol niya ang lalaking may pilat sapagkat siyang bumugbog sa
kanyang kapatid. Ang mga sibil ay patakbong nagtungo sa simbahang pinasukan ni Lucas.

_____________________________________________________________

KABANATA 53: Ang Mabuting Araw ay Nakikilala sa Umaga

Ang Mabuting Araw ay Nakikilala sa Umaga

Kinabukasan ng umaga, kumalat ang balita tungkol sa mga ilaw na nakita sa libingan ng
nakaraang gabi. Sa paniniwala ng mga puno ng mga kapatiranh ni San Francisco, may 20 ang
nakita niyang kandila na sinindihan. Panaghoy at pahikbi naman ang narinig ni Ermana sipa
kahit na malayo ang kanyang bahay sa libinga. Sa pulpito, binigyang diin naman ng kura sa
kanyang sermon ang tungkol sa kaluluwa sa purgartoryo.

Ang usapan ay hindi nakaligtas sa matalas na paningin nina Don Filipo at Pilosopong Tasyo na
ilang araw na ilang araw ngt naghihina. Nasabi ni Don na tinaggap ng alkade ang kanyang
pagbibtiw sa tungkulin. Hindi namn mapakali si Tandang Asyo sapagkat naniniwala siyang ang
pagbibitiw ay hindi nararpat at napapanahon. Sa panahon ng digmaan, anya, ang puno ay
dapat na manatili sa kanyang tao. Sa pagisip ni Pilosopong Tasyo. Ayon sa kanya, nag iba ang
bayan na di na katulad noon na may 20 na taon na ang nakalipas. Ang nakaraan ay nagbigay
ng aralin. Namamalas na nag naging bunga ng pagdayo sa Pilipinas ng mga Europeo at ang
pagdayo naman ng mga kabataan sa Europa ay nadadma na rin.

Ang mga kabataang nakapag aral sa Europa ay nagkaroon ng malawak na kaalaman tungkol
sa kaysayan, Matematika, Agham, wika at iba pang uri ng kaalamn na itutring na enerhiya
noong una. Kaya na ng tao na pangasiwaan ang malawak na daigdig na kanyang ginagalwan at
tinatahanan. Sa panitikan, nagsimula na ring lumitaw ang mga makatang nagpapahayag ng
malaya at mga makaagham ng pagsubok. Hindi na rin kayang sawatain ng kumbento ang
paglaganap ng mga modernong kabihasnan.

Nagkaroon pa ng palitan ng katwiran ang dalawa tungkol sa bayan, sa relihiyon, sa


kahihinatnan ng bayan, ugali ng mga binata at dalaga ang ng mga naglilingkod sa Simbahan
hanggang sa tanungin ni Don Filipo si Tandang Tasyo kung hindi nangangailangan ng mga
gamot sapagkat napansin nitong hinang-hina na sya. Pero tinugon sya ni Tandang Tasyo na
ang mga mamamatay ay hindi na nangangailangan ng gamot at sa halip ang mga maiiwan ang
mangangailangan. Ipinakiusap din niya sa Don na sabihin kay lbarra na makipagkita sa kanya
sa loob ng ilang araw sapagkat malapit na siyang yumao. Sa kabila ng karamdaman ni
Tandang Tasyo ang kapakanan ng bayan ang kanyang inaalagata. Matibay ang kanyang
paniniwala ng ang Pilipinas ay tumatahak parin sa karimlan. Hindi nagluwat, nagpaalam na si
Don Filipo.

_____________________________________________________________

KABANATA 54: Lahat ng Lihim ay Nabubunyag at Walang Di Nagkakamit ng Parusa

Lahat ng Lihim ay Nabubunyag at Walang Di Nagkakamit ng Parusa

Orasyon. Pahangos na patungo ang kura sa bahay ng alperes. Ang mga taong gustong humalik
sa kanyang kamay ay hindi niya pinapansin. Tuloy-tuloy na pumanhik ito ng bahay at malakas
na tinwag ang alperes. Lumabas agad ang alperes kasunod ang asawang si Donya
Consolacion. Bago makapag salita ang kura, inireklamo agad ng alperes ang mga kambing ng
kura na naninira sa kanyang bakod. Sinabi naman ng pari na nanganganib ang buhay ng lahat.
Katunayan, anya ay mayroong napipintong pag-aalsa na gagawin nang
gabing iyon. Nalaman ito ng pari, anya sa pamamagitan ng isang babae na nangumpisal sa
kanya na nagsabi sa kanya na sasalakayin ang kuwartel at kumbento. Dahil dito nagkasundo
ang kura at alperes na paghandaan nila ang gagawing paglusob ng mga insurektos. Humingi
ang kura ng apat na sibil na nakapaisana ang itatalaga sa kumbento. Sa kuwartel naman ay
palihim ang pagkilos ng mga kawal upang mahuli nang mga buhay ang mga lulusob. Layunin
nito na kanilang mapakanta ang sinumang mahuhuling buhay. Ika- walo ng gabi ang
nakatakdang paglusob, kuna kaya nakini-kinita ng alperes at kura ang pag-ulan ng kurus at
bituin sapagkat ganap silang nakahanda.
Sa kabilang dako, isa naman lalaki ang mabilis na tumatakbo sa daan patungo sa tirahan ni
lbarra. Mabilis na umakyat ng bahay at hinanap sa nakitang utusan ang amo nito na kaagad
naman itinuro na ito ay nasa laboratoryo. Pagkakita ni Elias kay lbarra ipinagtapat niya kaagad
ang nakatakdang paglusob at batay sa kanyang natuklasan. Si lbarra ang kapural at nagbayad
sa mga kalahok sa paglusob. Ipinasunog ni Elias kay Ibarra ang lahat ng mga aklat at kasulatan
nito sapagkat di na maiiwasan na siya ay mapasangkot at tiyak na siya ang isisigaw ng
sinumang mahuhuli ng mga Sibil.

Tinulungan ni Elias si lbarra sa pagpili ng mga kasulatan. Sa mga kasulatan, nabasa niya ang
tungkol kay Don Pedro Eibarramendia at tinanong niya kay barra kung ano ang relasyon nito sa
kanya. Halos nayanig ang buong pagkatao ni Elias nang sabihin ni lbarra na iyon ang kanyang
nuno na ipinaikli lamang ang apilyido. Isa pa, ito ay isang Baskongado. Natagpuan na ng piloto
ang lahing lumikha ng matinding kasawian sa kanilang buhay. Biglang bumunot ng balaraw si
Elias at naisip niyang gamitin iyon kay lbarra. Ngunit, saglit lang ang pagkadimlan ng kaisipan
ng biglang siyang matauhan. Binitiwan niya ang hawak na balaraw at tulirong tumingin ng tuwid
kay Ibarra at saka mabilis na pumanaog ng bahay. Nagtaka si Ibarra. Itinuloy ang pagsunog sa
mga mahahaagang papeles at dokumento.

_____________________________________________________________

KABANATA 55: Ang Pagkakagulo

Ang Pagkakagulo

Oras ng hapunan pero nagdahilan si Maria na wala siyang ganang kumain. Kaya niyaya niya
ang kaibigan ni Sinangsa piyano. Nagbulungan silang dalawa habang palakad lakad si Pari
Salvi sa loob ng bulwagan. Hindi mapakali si si Maria sa paghihintay nilang magkaibigan ang
pagdating ni barra. Kasalukuyan kumakain noon ang argos na si :Linares at isinadasal nilang
umalais na ang "multong" si Pari Salvi. Nakatakdang dumating sa ikawalo ng gabi si Ibarra. Ika-
walo rin ng gabi ang nakatakdang paglusob sa kumbento at sa kwartel. Nang sumapit ang
ikawalo, napaupo sa isang sulok ang pari samantalang ang magkaibigan ay hindi malaman ang
gagawin. Nang tumugtog ang kampana, silang lahat ay tumindig upang magdasal. Sya namang
pagpasok ni lbarra na luksang luksa ang suot. Tinangkang lapitan ni Maria ang kasintahan
ngunit biglang umalingawngaw na lamang ang sunod sunod na putok. Napapatda si Ibara, hindi
makapagsalita. Ang Kura naman ay nagtago sa likod ng haligi. Ang mga tao sa bahay ni
Kapitan Tiyago ay nakakarinig ng puro putokan, sigawan at pinagbuhan sa may kumbento. At
mga nagsisikain na kumedor ay biglang pumasok at panay na 'tulisan.. tulisan..Si Tiya Isabal ay
panay ang dasal samantalang ang magkaibigan ang nagyakapan. Si Ibarra ay walang tinag sa
kinatatayuan. Nagpatuloy ang putukan atsilbatuhan kasabay ng pagsasara ng mga pintuan at
bintana ng biglaan.
Nang mawala ang putukan, pinapanaog ng alperes ang kura. Inakala ng mga nasa bahay na
nasugatan ng malubha sa pari Salvi. Tiniyak ng alperes na wala ng panganib kaya lumabas na
sa pinagtataguan ang kura, nanaog ito. Si Ibara ay nanaog din. Pinasok naman ni Tiya Isabel
ang magkaibigan sa silid. Hindi nagkausap si lbarra at Maria, basta nagpatuloy nalamang sa
paglakad ng binata, mabilis. Napadaan siya sa hanay ng mga sibil na naka bayoneta pa. Sa
may bandang tribunal, nangingibabaw ang tinig ng alperes sa pagtatagubilin sa kapitan na wag
niyang pabayaan makatakas ang mga nahuling lumusob.

Pagdating ni lbarra sa bahay, kaagad na inutusan ni Ibarra ang kanyang katulong na ihanda
ang kanyang kabayo. Tumuloy siya sa gabinete at isinilid nya ang kanyang maleta ang mga
hiyas, salapi, ilang mga kasukatan at larawan ni Maria. Nagsukbit siya ng isang balaraw at
dalawang rebolber. Ngunit aalis na lamang siya nakarinig sya ng malaks na pagputok sa
pintuan. Tinig ng isang kawal na kastila. Lalaban sana siya ngunit nagbago ang kanyang isip.
Binitawan niya ang kanyang baril at binuksan ang pinto. Dinakit siya ng Sarhento ng mga
dumating na kawal. Isinama.

Sa kabilang dako, gulong gulo ang isip ni Elias ng pumasok siya sa bahay ni Ibarra. Para siyang
sinusurot sa sariling budhi. Naalalala niya ang sinapit ng kanyang angkan, ang kanyang nuno,
si Balat, kapatid na babae at ang kanyang ama. Waring ang lahat ay tinatawag siyang duwag.
isang duwag Labis na pangingipospos ang kanyang damdmin. Hanggang sa maisip niyang
balikan ang bahay ni lbarra. Dinatnan niya ang mga katulong ni lbarra na hilong naghihintay sa
kanilang amo. Nang malaman niya ang nangyari kay Elias ang larawan ni Maria at isinilid ito sa
isang supot. Nagipon siya ng mga damit at papel, Binuhusan niya ito nga mga gas at saka
sinilaban.

Ang mga kawal ay nagpupumilit namang pumasok. Sinabihan sila ng matandang katulong ng
walang pahintolot sa may-ari, kaya hindi maa-ari silang pumasok. Naalaska ng husto ang
directocillo, sa isang hudyat niya tinabig ng kawal ang matanda at mabilis silang pumanik. Pero
sinalubong sila ng makapal na usok at ang apoy na nakarating na sa gabinete. Biglang
nagkaroon ng bmalalakas na pagsabog. Mabilis pa sa lintik na umatras at nanaog ng bahay ang
mga kawal kasama ang mga katulong ni lbarra.

_____________________________________________________________

KABANATA 56: Ang mga Sabi at Kuro-Kuro

Ang mga Sabi at Kuro-kuro

Hanggang sa kinabukasan sakmal pa rin ng takot ang buong bayan ng San Diego. Ni isa mang
tao ay walang makitang naglalakad sa gitna ng daan. Tahimik na tahimik ang buong paligid.
Pamaya-maya, isang bata ang naglakas loob na magbukas ng bintana at inilibot ang paningin.
Dahil sa ginawa ng bata, nagsisunod ang mga iba na magbbukas ng bintana. Ang mga
magkakapit-bahay ay nagbalitaan. Lubhang kalagim-lagim daw ang nagdaang gabi tulad noong
mandambong si Balat. Sa kanilang pag-uusap, lumilitaw na si Kapitan Pablo raw ang
sumalakay. Ipinapalagay naman ng iba na ang mga kuwadrilyero raw kaya dinakip si Ibarra.
Ang mga lalaki ay nagpunta naman sa kuwartel at sa may tribunal. Lumitaw pa sa usapan ng
mga tao na tinangka raw ni Ibarra na itanan ang kasintahang si Maria upang hindi matuloy ang
pakikipag-isang dibdib niya kay Linares. Kaya lang sinansala ni Kapitan Tiyago ang kanilang
pagtatanan sa tulong ng mga sibil.

Samantala, nakausap ni Hermana Pute ang isang lalaking kagagaling lamang sa tribunal.
Sinabi nitong nagtapat na si Bruno. Pinatunayan nito ang balita tungkol sa magkasintahang sina
lbarra at Maria. Sa ngitngit daw ni lbarra, pati simbaha'y nais niyang paghigantihan, mabuti na
lamang at nasa bahay ni Kapitan Tiyago si Pari Salvi. Ang mga sibil daw ang sumunog sa
bahay ng binata. May isang utusang babae naman ang nagpahayag na nakita niyang nakabitin
sa ilalim ng puno ng santol si Lucas.

_____________________________________________________________

KABANATA 57: Vae Victus! Sa Aba Ng Mga Manlulupig

Vae Victus! Sa Aba ng Mga Manlulupig

Balisa ang mga sibil na nasa kwartel. Panay ang kanilang pagbabanta sa mga batang sumisilip
sa puwang ng mga rehas upang tingnan ang mga nadakip. Naroroon ang alperes, direktorsillo,
Donya Consolation at nag kapitan na halatang malungkot. Bago mag-ikasiyam dumating ang
kura at wala sa loob na naitanong niya sa alperes sina lbarra at Don Filipo. Kasunod niya ang
isang parag batang umiiyak at duguan ang salawal. Hinarap sa kura ang dalawang tanging
buhay na nabihag ng mga sibil.

Tarsilo Alasigan ang tunay na pangalan ni Tarsilo. Pilit siyang tinatanong kung kaalam si lbarra
sa nasabing paglusob. Ngunit, iginigiit din niyang walang kamalay-malay si Ibarra sapagkat ang
ginawa ay upang ipaghiganti ang kanilang amang pinatay sa palo ng mga sibil. Dahil dito,
iniutos ng alperes na dalhin si Tarsilo sa limang bangkay, ito ay umiling. Nakita niya ang
kanyang kapatid na si Bruno sa tadtad ng saksak, si Pedro na asawa ni Sisa at ang kay Lucas
na may tali pang Lubid sa leeg. Dahil sa patuloy itong walang immik kahit sa sunod-sunod ang
pagtatanong sa kanya. Nagpuyos sa galit ang alperes. Iniutos na paluin ng yantok si Tarsilo
hanggang sa magdugo ang buong katawan nito.

Hindi maoakanta si Tarsilo, kaya ito ay ibinalik sa bulwagan. Nadatnan niya ang isang bilanggo
ring nagpapalahaw sa iyak at tumatawag sa mga santo. Ipinasino kay Tarsilo ang dinatnan.
Sinabi niyang nuong lamang niyua nakita. Dahil dito, muli siyang pinalo hanggang sa mabalot
ng dugo ang buong katawan. Hindi nakayanan ng kura ang gayong tanawin kaya lumabas siya
sa bulwagan na namumutla. Nakita ng kura ang isang dalagang parang nagbibilang ng mga
naririnnig sa loob ng tribunal, humahalinghing at nanananghoy ng malakas. Ang babaing ito ay
ang kapatid na dalaga nina Bruno at Tarsilo. Samantala, nang di mapansin si Tarsilo, lalong
nagngitngit ang alperes. Binulungan pa siya ni Donya Consolacion na lalong pahirapan ang
binata. Pero, hiningi na lamang ni Tarsilo na madaliin ang kanyang kamatayan. Walang
makuhang anumang impormasyon at di mapaamin si Tarsilo kaya ito ay itinimba sa isang
balong nakakabaligtad ng sikmura angtubig at amoy. Kung ilang bese ibinulusok ang katawan
ni Tarsilo sa balon. Hindi niya natagalan ang pagpapahirap hanggang sa takasan siya ng
hininga sa gayong uri ng kalupitan. Nang matiyak na patay na si Tarsilo ang binalingan naman
ay ang isa pang bilanggo.

Ang pangalan diumano ng bilanggong ito ay Andong luko-luko at kaya napapunta sa patyo ay
upang magbawass sapagkat pinapakain ng bulok ng biyenan nito. Inaantok ang alperes sa
naging sagot ng bilanggo, kaya iniutos itong ipasok na muli sa karsel.

_____________________________________________________________

KABANATA 58: Ang Sinumpa

Ang Sinumpa

Tuliro at balisa ang mga pamilya ng mga bilanggo. Sila ay pabalik-balik sa kumbento, kuwartel
at tribunal. Ngunit, hindi sila makapagtamo ng luna sa kanilang mga inilalakad. Palibhahsa wala
silang kilalang malakas at makakapitan na makakatulong upang palayain ang kanilang kaanak
na bilanggo. May sakit ang kura at ayaw na lumabas ng kanyang silid at ayaw daw itong
makipag-usap kahit kanino. Ang alperes naman ay nagdagdag ng mga bantay upang kulahatin
ang mga babaingh nagsusumamo sa kanaya. Ang kapitan naman ay lalong nawalan ng silbi.

Nakakapaso ang sikat ng araw, ngunit ang mga babae ay ayaw umalis. Palakad-lakad umiiyak
ang mag-ina ni Don Filipo. Inusal-usal naman ni Kapitana Tinay ang pangalan ng kanyang anak
na si Antonio. Si Kapitana Maria naman ay pasilip-silip sa rehas upang tignan ang kambal
niyang anak. Ang biyenan ni Andong ay nanduroon din at walang gatol na ipinagsasabio na
kaya raw hinuli si Andong ng mga sibil ay dahil sa bago nitong salawal. Amy isang babae
naman ang halos mangiyak-ngiyak na nagsabing si lIbarra ang may pakana at kasalanan ng
lahat. Ang suro ng paaralan ay kasama- sama rin ng mga tao. Samantalang si Nol Juan ay
nakaluksa na sapagkat ipinalagay niyang wala ng kaligtasan si lbarra.

Mag-iikalawa ng hapon ng dumating ang isang kariton na hila ang isang baka. Tinangka ng mga
kaanak ng mga bilanggo na sirain at kalagan ang mga hayop na humihila sa kariton. Pero,
ipinagbawalan sila ni Kapitana Maria at sinabing kapag ginawan nila iyon, mahihirapan sa
paglakad ng kanilang ka- anak ng bilanggo.

Pamaya-maya, lumabas ang may 20 kawal at pinaligiran ng kariton. Ang sinunod na ilaban ay
mga bilanggo sa pangunguna ni Don Filipo na nakuha pang batiin ng naka ngiti ang kanyang
asawang si Doray ng yakapin ang asawa, pero hinadlangan siya ng dalawang sibil. Nang
makita naman si Antonio ng inang si Kapitana Tinay binirahan ito ng katakot takot na hagulgol.
Si Andong ay napaiyak din ng makita ang biyenan na may pasari ng kanyang pagkakakulong.
Katulad ng kambal na anak ni Kapitana Maria, and seminaristang si Albano ay naka gapos na
mabuti. Ang huling lumabas ay si Ibarra na walang gapos ngunit nasa pagitan ng dalawang
kawal. Ang namumutlang si lbarra ay pasuyod na tinignan ng mga maraming tao at
naghahanap ng isang mukhang kaibigan.

Pagkakita kay Ibarra ng mga tao, biglang umugong ang salitaan na kung sino pa ang may sala
ay siya pa itong walang tali. Dahil dito ay inutusan ni Ibarra na gapusin siya ng mga kawal ng
abot-siko. Kahit na walang utos ang kanilang mga pinuno ang mga sibil sumunod sin sila sa
utos ng binata. Ang alperes ay lumabas na naka-kabayo at batbat ng sandata ang katawan.
Kasunod ay may 15 ng kawal na umaalalay sa kanya.

Sa kalipunan ng mga bilanggo, tanging kay Ibarra lamang na walang tumatawag sa kanyang
pangalan sa halip siya ang binubuntunan ng sis at tinwag na siyang duwag. Pati ang kanyang
mga nuno at magulang ay isinumpa ng mga tao hanggang siya ay tinawag ng erehe ng dapat
mabitay. Kasunod nito ay pinagbabato si Ibarra. Naalala niya ang kwento ni Elias tungkol sa
babaeng nakakita ng ulong nasa bakol at nakabitin sa punongkahoy. Ang kasay sayan ng piloto
ay parang biglang naglaro sa kanyang pangitain.

Waring walang ibig dumamay kay Ibarra. Pati si Sinang ay pinagbawalan umiyak ni Kapitan
Basilio. Kahit na nasa gipit at abang kalagayan ang binata. Walang naawa sa kanya. Doon nya
nadama ng husto ang mawalan ng inang bayan, pag-ibig, tahanan kaibigan at magandang
kinabuhasan.

Mula sa isang mataas na lugar, maamang nagmamasid si Pilosopong Tasyo na pagod na


pagod at naka balabal ng makapal na kumot. Sundan nya ng tingin a ng papalaong kariton na
sinakyan ng bilanggo. Ilang sandali pa ipinasiya na niyang umuwi. Kinabukasan, nagisnan ng
isang pastol patay na si Tasyo sa may ointuan ng kanyang bahay.

Malapit ng mabanas ng husto SI Tinong sa kakulitan ng asawa nang dumating ang kanilang
pinsan si Don Primitivo. Ito ay isng lalaking may edad at mahilig magsasalita ng Latin. Siya ay
ipinasundo ni Tinchang upang hingan ng payo sapagkat marunong itong mangatwiran. Kaagad
na nag- umpisa ng pagsasalita si Tinchang pagkakita sa pinsa. Ayon sa kanya, pinakain ni
Tinong si lIbarra sa kanilang bahay at niyukuran pa niya ito nang makita sa may tulay ng
Espanya sa gitna ng maraming tao at sinabing sila Magkaibigan.

Sinabi ni Don Primitivo na dapat napakilala si Tinong kay Ibarra pagkat ang mga mabubuti raw
ay napaparusahan dahil sa mga masasama. Kaya't walang ibang nalalabing paraan kundi ang
gumawa ng huling habilin si Tinong. Nawalan ng malay ng di oras si Tinong dahil sa payo. Nang
bumalik ang kanyang ulirat, dalawang payo ang ibinigay ni Don Primitivo: (1) magbigay sila ng
regalo sa heneral ng kahit anong alahas at idahilan na ito ay pamasko at (2) sunuging lahat ng
mga kasilulatan na maaaring makapagpahamak kay Tinong, na katulad ng ginawang
pagsunong ni lbarra sa kanyang mga kasulatan.

Boto silang lahat sa payo.


Sa kabilang dako sa isang pagtitipon sa Intramuros na dinaluhan ng mga dalaga, mga asawa at
mga anak ng kawani ang tema ng kanilang pag-uusap ay ang tungkol din sa naganap na pag-
aalsa. Ayon sa isang lalaking komang galit na galit daw ang heneral kay lbarra sapagkat naging
napakabuti pa nito sa binata. Sinabi naman ng isang ginang na talagang walang utang na loob
ang mga indiyo kaya't di dapat silang ituring na mga tunay na tao. Kahit na araw ang itatayong
paaralan ay isang pakana lamang sapagkat ang tunay na layunin ni lbarra ay gawin lamang
itong kuta na gagamitin niya sa kanyang pansariling pangangailangan. Sumabad naman ang
isa pang babae at ipinaliwanag na is Tinchang daw ay nagregalo ng isang singsing na puno ng
brilyante sa heneral. Napalingon ang lalaking komang at tiniyak kung totoo ang balita.
Nagdahilan ang pingkok at nanaog na ng bahay.

llang oras pa ang nakalipas, ang ilang mag-anak sa Tundo ay tumanggap ng mga paanyaya ng
pamahalaan sa pamamagitan ng mga kawal. Ang imbitasyon ay tungkol sa pagtulog ng ilang
mayayaman at tanyag na tao sa Fuerza de Santiago na may bantay pa. Si Kapitan Tinong ay
kasama sa mga inimbita.

_____________________________________________________________

KABANATA 59: Pag-Ibig Sa Bayan

Pag-ibig sa Bayan

Ang ginawang pagluson ng mga naapi o sawimpalad ay nakarating at napalathala sa mga


diyaryo sa Maynila. Iba rin ang balitang nagmula sa kumbento. lab-iba ang estilo ng mga
balitang lumaganap. At ang pang- unawa sa mga ito ay batay sa talas ng isip, kuro-kuro,
damdamin at paniniwala. Ang mga tauhan ng kumbento ay higit na naliligalig. Ang mga
provincial ay palihim na nagdadalawan at gumagawa ng mga pagpapanayam hinggil sa
nangyari. Ang ilan naman ay nagpunta sa palasyo at naghahandog ng tulong sa pamahalaang
nasa panganib. Nabanggit pa nga na na maging ang munting heneral o generalillo daw MAG-
AGUERO ay napagkuro ang kahalagahan ng korporasyon. Samantala, ipinagbubunyi naman si
Pari Salvi at sinabing ito ay karapat-dapat na bigyan ng isang mitra.

Sa ibang kumbento naman ay iba ang pinag-uusapan. Ang mga nag-aaral daw sa mga heswita
sa Ateneo ay lumalabas na nagiging pilibustero. Sa isang bahay naman sa Tundo, hindi
mapakali si Kapitan Tinong dahil minsan ito ay nagpakita ito ng kagandahang loob kay lbarra.
Kaya panay ang sisi sa kanya ng asawang si kapitana Tinchang. Ang kanilang dalawang anak
na dalaga ay sa isang tabi lamang at di umiimik. Nasabi pa ni Tinchang na kung siya ay naging
lalaki lamang, disin sana ay haharap siya sa Kapitan-Heneral at ihahandog nito ang kanyang
paglilingkod laban sa mga manghihimagsik.

_____________________________________________________________

KABANATA 60: Ikakasal na si Maria Clara


Ikakasal na si Maria Clara

Tuwang-tuwa si Kapitan Tiyago sapagkat hindi siya nahuli o natanong man lamang. Hindi rin
siya nakuryente o nabilanggo sa ilalim ng lupa. Dahil dito, siya ay nagpamisa sa Mahal na
Birhen sa Antipolo, Birhen del Rosario at sa Birhen del Carmen. Kung hindi naimbita si Kapitan
Tiyago ng pamahalaan, masamang kapalaran naman ang dumapo kay Kapitan Tinong. Tulad
ng karamihan siya ay inimbitahan ng pamahalaan. Di nakabuti ito sa kanya ang paglalakbay' sa
ibat-ibang tanggapan nito sapagkat ng siya ay lumabas. Siya ay may sakit, putlain, namamanas
at di palaimik. Hindi na rin siya bumaba ng bahay, dahil nangangamba itong baka batiin siya ng
isang pilibustero. Alam ni Tiyago ang ganitong sinapit ni Tinong

Dumating sa bahay ni Tiyago si Linares at ang mag-asawang de Espadaña na kapwa itinuring


na pangkat ng makapamahalaan. Sinarili ni Donya Virtorina ang usapan. Sinabi na kung
babarilin si lbarra, iyon ang nararapat sapagkat siya ay isang pilibustero. Bagama't namumutla
at mahina si Maria, kanyang hinarap ang mga bisita. Humantong ang usapan tungkol sa
pagpapakasal nina Maria at Linares. Nagkayarian din na magpapapista si Tiyago. Sinabihan
niya si Tiya Isabel na kung ano ang nasa loob ni Maria tungkol sa napipinto nitong pakikipag-
isang dibdib. Sa wari, desidido na si Tiyago na ipakasal si Maria sapagkat nakini-kinita niyang
siya'y maglalabas-masok sa palasyo sa sandaling maging manugang niya si Linares. Si Linares
ang tagapayo ng Kapitan Heneral, kaya't inaakala ni Tiyago na siya ay kaiinggitan ng mga tao.

Kinabukasan, ang bulwagan ni Tiyago ay puno ng mga bisitang kastila at intsik. Nangunguna sa
mga ito si Pari Salvi, Pari Sibyla, ilang pransiskano at dominikano, ang alperes na ngayon ay
tinyente at may grado ng komandante, ang mag-asawang de Espadaña, sí Linares na
nagpatihuli ng dating at si tenyente Guevarra ng mga sibil.

Mangyari pa, ang paksa ng mga babae ay si Maria na kahit malungkot siya ay magalang na
tinanggap ang mga bisita. Sinabi ng isang babae na maganda nga raw si Maria, pero ito raw ay
tanga naman. Kayamanan lang daw habol ni Linares. Sinabi rin na marunong daw siya sa
buhay sapagkat kaya siya ikakasal dahil bibitayin ang unang katipan ni lbarra. Sa narinig ni
Maria lalo siyang nasaktan at naghirap ang kalooban. Iniwan niya ang mga babaing Nag-uusap.

Sa pulutong ng mga lalaking nag-uusap naman, lumitaw na ang kura ay lilipat na ng Maynila
samantalang di tiyak ng alperes kung saan ito madedestino. Ipinaliwanag ni Guevarra na hindi
mabibitay si lbarra na katulad ng mga nangyari kina GOMBURZA at sa halip ito ay ipatatapon
lamang. Binanggit din niya ang tungkol sa kaso ng binata at pagkaraan ay binati niya si Maria.
Ito raw ay nakakatiyak ng magandang kinabukasan. At nagpaalam na ang tinyente.

Nagtungo sa asotea si Maria. Nakita niya ang bangkang pasadsad sa may sadsaran ng bahay
ni kapitan Tiyago. Puno ng damo ang ibabaw ng bangka at may lulan itong dalawang lalaki.
Bumaba ang isa sa lulan ng bangka at pinanhik siya, si lbarra. Nakatakas siya sa tulong ni
Elias. Dumaan lamang8 ang binata upang ipaalam ang damdamin nito at tuloy bigyan ng laya
ang kasintahan tungkol sa kanilang kasunduan. Inilahad ni Maria ang tunay na kasaysayan at
pagkatao nito. Napilitan umano itong talikuran ang kanilang pag-iibigan alang-alang sa kanyang
inang namayapa at sa dalawang amang nabubuhay pa. Pero wala siyang tanging pag-ibig
kundi si lbarra lamang. Mahigpit na niyapos at pinupog ng halik ni lbarra si Maria. Matagal.
Pagkaraan, lumundag muli ito sa pader at sumakay sa bangka. Nag-alis ng sumbrero si Elias at
yumukod kay Maria. Sumagwang papalayo sa lumuluhang si Maria.

_____________________________________________________________

KABANATA 61: Ang Barilan sa Lawa

Ang Barilan sa Lawa

Habang mabilis na sumasagwan si Elias, sinabi niya kay lbarra na itatago siya sa bahay ng
isang kaibigan sa Mandaluyong. Ang salapi ni lbarra na itinago niya sa may puno ng balite sa
libingan ng ninuno nito ay kanyang ibabalik upang may magamit si Ibarra sa pagpunta nito sa
ibang bansa. Nasa ibang lupain daw ang katiwasayan ni lbarra at hindi nababagay na
manirahan sa Pilipinas, dahil ang buhay niya ay hindi inilaan sa kahirapan. Inalok ni lbarra na
magsama na lang sila ni Elias, tutal pareho na sila ng kapalaran at magturingan na parang
magkapatid. Pero, tumanggi si Elias.

Nang mapadaan sila sa tapat ng palasyo, napansin nilang nagkakagulo ang mga bantay.
Pinadapang mabuti ni Elias sí Ibarra at tinakpan ng maraming damo. Nang mapadaan sila sa
tapat na polvorista, sila'y pinatigil at tinanong ng bantay si Elias kung saan ito nanggaling.
Ipinaliwanag ni Elias na siya'y galing ng Maynila at rarasyunan niya ng damo ang hukom at ang
kura. Kumbinsido ang bantay sa paliwanag ni Elias kaya ipinatuloy niya ito sa pagsasagwan at
pinagbilinan na huwag magpapasakay sa bangka sapagkat katatakas pa lamang ng isang
bilanggo. Kung mahuhuli raw ito ni Elias, siya ay bibigyan ng gantimpala. Inilarawan ng bantay
ang bilanggong tinutukoy ay nakalebita at mahusay magsalita ng Kastila. Nagpatuloy sa
pagsasagwan si Elias. Lumihis sila ng landas. Pumasok sila sa may ilog-Beatang inawit ni
Balagtas upang akalaing siya ay taga-Peñafrancia.

Itinapon ni Elias ang mga damo sa pampang, kinuha ang isang mahabang kawayan at ilang
bayong at sumige sa pagsagwan. Nagkuwentuhan muli sina Elias at lbarra. Nakalabas na sila
sa ilog-Pasig

At nakarating sa may Sta. Ana. Napadaan sila sa tapat ng bahay-bakasyunan ng mga heswitas
kaya hindi maiwasang manariwa sa isip ni Elias ang masasayang araw na tinamasa niya, may
magulang, kapatid at maganddang kinabukasan. Namuhay nang masagana at mapayapa.
Sumapit sila sa malapad na bato at nang makitang inaantok na bantay na wala siyang kasama
at mahihingi, pinaraan niya si Elias.

Umaga na ang sapitin nila ang lawa. Pero sa di-kalayuan nabanaagan nila ang isang palwa ng
mga sibil na papalapit sa kanila. Pinahiga ni Elias si lbarra at tinakpan niya ito ng bayong.
Nahalata ni Elias na hinahadlangan sila sa baybayin. Kaya sumagwan itong patungo sa may
Binangonan, ngunit nagbago rin ng direksyon ang palwa. Tinawag sila. Inisip ni Elias na
magbalik sa bunganga ng llog-Pasig. Nakuro ni Elias na napagtatalikupan sila at walang
kalaban-laban. Isa pa wala silang dala ni isa mang sandata. Mabilis na naghubad ng damit si
Elias. Sinabi niya kay lbarra na magkita na lamang sila sa noche buena sa libingan ng nuno ni
lbarra. Tumayo si Elias at tumalon sabay sikad sa bangka.

Ang atensyon ng mga sibil sa palwa at nakasakay sa bangka ay natuon kay Elias. Pinaulanan
nila ng punglo ang lugar na pinagtalunan nito. Kapag lumilitaw si Elias pinapuputukan ito. Nang
may 50 dipa na lamang ang layo ni Elias sa may pampang, nahapo na ang humahabol sa
kanya sa kasasagwan. Makalipas ang tatlong oras ay umalis na ang mga sibil sapagkat
napansin nilang may bahid ng dugo sa tubig ng baybayin ng pampang.

_____________________________________________________________

KABANATA 62: Ang Pagtatapat ni Padre Damaso

Ang Pagtatapat ni Padre Damaso

Umaga, hindi pansin ni Maria ang maraming regalo na nakabunton sa itaas ng hapag. Ang mga
mata niya ay nakapako sa diyaryong nagbabalita tungkol sa pagkamatay o pagkalunod ni
lbarra. Pero, hindi naman binabasa ni Maria ang Diyaryo. Pamaya-maya dumating si Pari
Damaso na hinilingan kaagad ni Maria na sirain ang kasunduan ng kanyang kasal kay Linares
at pangalagaan ang kapakanan ng ama. Sinabi ni Maria na ngayong patay na si lbarra walang
sinumang lalaking kanyang pakakasalan. Dalawang bagay na lamang ang mahalaga sa kanya,
ang kamatayan o ang kumbento.

Napagmuni ni Pari Damaso na pinaninindigan ni Maria ang kanyang sinabi, kaya humingi ito ng
tawad sa kanya. Napahagulgol pa ito ng malakas habang binibigyan diin niya ang walang
kapantay na pagtingin kay Maria. Wala siyang nagawa kundi pahintulutan na pumasok sa
kumbento si Maria kaysa piliin nito ang kamatayan. Umalis si Pari Damaso na sakbibi ng
lumbay. Tumingala ito sa lagit at pabulong na sinabing totoo ngang may Diyos na nagpaparusa.
Hiniling niya sa Diyos na siya ang parusahan at huwag ang walang malay niyang anak na
nangangailangan ng kanyang pagkalinga. Damdam na damdam ng pari ang kasiphayuang
dinaranas ni Maria.

_____________________________________________________________

KABANATA 63: Ang Noche Buena

Ang Noche Buena

May isang kubo na yari sa balu-baluktot na sanga ng kahoy ang nakatayo sa libis ng isang
bundok. Sa dampa ay mayroong nakatirang mag-anak na tagalog na nabubuhay dahil sa
pangangaso at pangangahoy. Sa lilim ng isang puno mayroong isang matanda na gumagawa
ng walis. Sa isang tabi naman mayroong isang dalaga na naglalagay ng mga itlog ng manok,
gulay at dayap sa isang bilao. Sa di-kalayuan, may isang batang lalaki at batang babae ang
naglalaro sa tabi ng isang payat at putlain. Ang batang nakaupo sa nakabuwal na kahoy ay si
Basilio, may sugat ito sa paa. Inaaliw siya ng dalawang batang naglalaro. Nang utusan ng
matanda ang apong dalaga na ipagbili ang mga nagawang walis, sinabi niya kay Basilio na may
dalawang buwan na ang nakakaraan nang ito ay kanilang matagpuang sugatan at kalingain
pagkatapos. Isinalaysay naman ang tungkol sa buhay nilang mag anak. Kaya, nang ito ay
magpaalam na uuwi na sa kanila, siya ay pinayagan ng matanda at ipinagbaon pa niya ng
pindang na usa para sa kanyang inang si Sisa.

Samantala, noche buena na, ngunit ang mga taga-San Diego ay nangangatog sa ginaw bunga
ng hanging amihan na nagmumula sa hilaga. Hindi katulad ng nakaraan na masayang-masaya
ang mgat tao. Ngunit ngayon lungkot na lungkot ang buong bayan. Wla man lamang nakasabit
na mga parol sa bintana ng bahay. Kahit na sa tahanan ni Kapitan Basilio ay wala ring kasigla-
sigla. Kausap ng kapitan si Don Filipo na napawalang sala sa mga bintang na laban dito nang
mamataan nila si Sisa na isa ng palaboy. Pero, hindi naman nananakit ng kapwa.

Ang pinsan nitong si Victoria at si lday. Si sinang ay tumanggap ng liham buhat kay Maria
subalit hindi niya ito binubuksan sa takot na malaman ang nilalaman. Habag na habag ang
magkakaibigan sa magkasintahang Maria at Ibarra. May kumalat namang balita na ang
pagkakaligtas ni Kapitan Tiyago mula sa bibitayin ay utang niya kay Linares.

Nakarating na si Basilio sa kanilang tahanan. Pero, wala ang kanyang ina. Paika-ika niyang
tinalunton ang landas patungo sa tapat ng bahay ng alperes. Nanduon ang ina, umaawit ng
walang katuturan. Inutusan ng babaing nasa durungawan ang sibil na papanhikin si Sisa.
Subalit nang makita ni Sisa ang tanod, kumaripas ito ng takbo. Takot. Hinabol ni Basilio ang ina,
pero binato siya ng alilang babaing nasa daan. Nasapol sa ulo si Basilio pero hindi ito tumigil sa
pagsunod sa inang tumatakbo. Nakarating sila sa may guabat. Pumasok sa pinto ng libingan ng
matandang kastila si Sisa. Ito ay nasa tabi ng punong baliti. Pilipt na binubuksan ito ni Basilio.
Nakita niya ang isang sanga ng baliting nakakapit sa kinaroroonan ng ina. Kaagad niya itong
niyakap at pinaghahagkan hanggang sa mawalan ng Ulirat.

Nang makita naman ni Sisa ang duguang ulo si Basilio, unti-unting nagbalik ang katinuan ng
kanyang isip. Nakilala rin niya ang anak. Napatili ito ng malakas at biglang napahandusay sa
ibabaw ng ank. Nawalan ng malay. Nang magbalik naman ng ulirat si Basilio at nakita ang ina,
kumuha ito ng tubig at winisikan sa mukha. Dinaiti niya ang kanyang taynga sa dibdib ni Sisa.
Sinakmal ng matinding pagkasindak si Basilio. Patay na ang kanyang ina. Buong higpit na
niyakap niya ang malamig na bangkay ng ina at napahagulgol ng malaks, pasubsob sa ina.
Nang mag-angat siya ng ulo, nakita niya ang isang taong nagmamasid sa kanya. Tumango si
Basilio nang tanungin siya ng tao kung anak siya ng namatay.

Hinang-hina ang lalaking sugatan, hindi niya matutulungan si Basilio na mailibing si Sisa. Sa
halip pinagbilinan niya si Basilio na mag-ipon ng maraming tuyong kahoy at ibunton sa bangkay
ng kanyang ina at pagkaraan sila ay silaban hanggang sa maging abo ang kanilang katawan.
Itinagubilin rin ng lalaki kay Basilio ang malaking kayamanan na nakabaon sa may puno ng
balite. Kay Basilio na raw ito kung walang ibang dumating na tao upang gamitin niya sa pag-
aaral. Ang lalaking sugatan na kausap ni Basilio na dalawang araw ng hindi kumakain at sa wari
ay malapit ng mamamatay ay si Elias. At lumakad na si Basilio upang manguha ng panggatong.
Si Elias ay tumanaw naman sa dakong silangan at nagwikang higit pa sa isang dalangin. Siya
ay babawian ng buhay nang di nakikita ang pagbubukang-liwayway ng bayang kanyang
minamahal. Sa mga mapalad, huwag lamang daw limutin nang ganap ang mga nasawi sa dilim
ng gabi. Sa pagkakatingala niya sa langit, kumibot hanggang sa unti-unting nabuwal sa lupa.

Nang magmamadaling-araw, namalas ng buong bayan ng San Diego ang isang malaking siga
na nagmumula sa may lugar na kinamatayan ni Sisa at Elias. Sinisi pa ni Manang rufa ang
gumawa ng siga na hindi raw marunong mangilin sa araw ng pagsilang ni Hesus.

_____________________________________________________________

KABANATA 64: Katapusan

Katapusan

Magmula ng pumasok sa kumbento si Maria, nanirahan na si Padre Damaso sa Maynila. Di


nagtagal, aiya ay inilipat ng padre provincial sa isang malayong probinsiya. Kinabukasan, siya
ay nakitang bangkay sa kanyang higaan. Sa pagsusuri ng doktor, sama ng loob o bangungot
ang sanhi ng kanyang ikinamatay.

Sa kabilang dako, si Pari Salvi habang hinihintay niya ang pagiging obispo ay nanungkulan
pansamantala sa kumbento ng Sta. Clarang pinasukan ni Maria Clara. Kasunod nito ay umalis
na rin sa San Diego at nanirahan na sa Maynila.

llang linggo naman bago naging ganap na mongha si Maria, si Kapitan Tiyago ay dumanas ng
sapin-saping paghihirap ng damdamin, nangayayat ng husto, naging mapag-isip at nawalan ng
tiwala sa mga kainuman. Pagkagaling niya sa kumbento, sinabihan niya si Tiya Isabel na umuwi
na ito sa Malabon o sa San Diego sapagkat gusto na lamang mabuhay mag-isa. Ang lahat ng
mga santo at santang kanyang pinipintakasi at nalimot na niya. Ang kanyang inaatupag ay ang
paglalaro ng liyempo, sabong at paghitit ng marijuana. Madalas tuwing takip-silim ay makikita
siya sa tindahan ng intsik sa Sto. Cristo. Di nagtagal, napapayaan niya ang kanyang katawan at
kabuhayan. Ang kanyang dating marangyang tahanan ay mayroong nakasulat sa pintuan na:
Fumadero Publico de Anfion. Ganap na siyang nalimot ng mga tao. Wala ni isa mang
nakakaalala sa kanya, siya na isang tanyag at dating iginagalang.

Nagdagdag ng mga kulot sa ulo si Donya Victorina upang mapagbuti ang pagbabalatkayo
niyang siya'y taga-Andalucia. Siya ngayon ang nangungutsero. Si Don Tiburcio ay hindi na niya
pinakikilos. Nagsasalamin na ito. Hindi na rin siya natatawag bilang "doktor" para mag-gamot.
Wala na rin siyang ngipin.

You might also like