You are on page 1of 3

Kabanata 1:

Isang Handaan
(Ang Buod ng “Noli Me Tangere”)

sang marangyang salu-salo ang ipinag-anyaya ni Don Santiago de los Santos na higit na popular sa taguring
Kapitan Tiago. Ang handaan ay gagawin sa kanyang bahay na nasa daang Anluwage na karatig ng Ilog-
Binundok.

Ang paayaya ay madaling kumalat sa lahat ng sulok ng Maynila. Bawat isa ay gustong dumalo sapagkat
ang mayamang Kapitan ay kilala bilang isang mabuting tao, mapagbigay at laging bukas ang palad sa mga
nangangailangan. Dahil dito, ang iba ay nababalino kung ano ang isusuot at sasabihin sa mismong araw ng
handaan.

Nang gabing iyon dagsa ang mga panauhin na gaya ng dapat asahan. Puno ang bulwagan. Ang nag-iistima
sa mgta bisita ay si Tiya Isabel, isang matandang babae na pinsan ng may-bahay. Kabilang sa mga bisita
sina Tinyente ng guardia civil, Pari Sibyla, ang Kura paroko ng Binundok, si Padre Damaso na madaldal at
mahahayap ang mga salita at dalawang Paisano. Ang isa ay kararating lamang sa Pilipinas.
Ang kararating na dayuhan ay nagtatanong tungkol sa mga asal ng mga katutubong Pilipino. Ipinaliwanag
niya na ang pagpunta niya sa bansa ay sarili niyang gastos. Ang pakay ng kanyang paglalakbay ay upang
magkaroon ng kabatiran tungkol sa lupain ng mga Indiyo.

Nagkaroon ng mainitang balitaktakan ng mabanggit ng dayuhan ang tungkol sa monopolyo ng


tabako. Nailabas ni Pari Damaso ang kanyang mapanlait na ugali. Nilibak niya ang mga Indiyo. Ang
tingin niya sa mga ito ay hamak at mababa. Lumitaw din sa usapan ang panlalait ng mga Espanyol tungkol
sa mga Pilipino noong mga nakalipas na araw. Mapanlibak si Pari Damaso. Kung kaya’t iniba ni Pari
Sibyla ang usapan.
Napadako ang usapan tungkol sa pagkakalipat sa ibang bayan ni Padre Damaso pagkatapos ng makapagsilbi
sa loob ng 20 taon bilang kura paroko ng San Diego. Sinabi niya kahit na ang hari ay hindi dapat
manghimasok sa pagpaparusa ng simbahan sa mga erehe.
Pero, ito ay tinutulan ng Tinyente ng Guardia Civil sa pagsasabing may karapatan ang Kapitan Heneral
sapagkat ito ang kinatawan ng hari ng bansa.

Ipinaliwanag pa ng Yinyente ang dahilan ng pagkakalipat ni Pari Damaso. Ito, umano ang nag-utos na
hukayin at ilipat ang bangkay ng isang marangal na lalaki na napagbintangang isang erehe ng pari dahil
lamang sa hindi pangungumpisal.

Ang ginawa ay itinuturing na isang kabuktutan ng Kapitan Heneral. Kung kaya inutos nito ang paglilipat sa
ibang parokya ang paring Pransiskano bilang parusa. Nagpupuyos sa galit ang pari kapag naaalala niya ang
mga kasulatang nawaglit.

Iniwanan na ni Tinyente ang umpukan, pagkatapos nitong makapagpaliwanag. Sinikap ni Pari Sibyla na
pakalmahin ang loob ni Pari Damaso. Lumawig muli ang talakayan. Dumating ang ilan pang mga bagong
panauhin. Ilan sa mga ito ay ang mag-asawang sina Dr. de Espadaña at Donya Victorina.
Kabanata 3:
Ang Hapunan
(Ang Buod ng “Noli Me Tangere”)

Isa-isang nagtungo ang mga panauhin sa harap ng hapagkainan. Sa anyo ng kanilang mga mukha,
mahahalata ang kanilang pakiramdam. Siyang-siya si Pari Sybyla samantalang banas na banas naman si
Padre Damaso. Sinisikaran niya ang lahat ng madaanan hanggang sa masiko niya ang isang kadete. Hindi
naman umiimik ang Tinyente. Ang ibang bisita naman ay magiliw na nag-uusap at pinupuri ang masarap na
handa ni Kapitan Tiyago. Nainis naman si Donya Victorina sa Tinyente sapagkat natapakan ang kola ng
kanyang saya habang tinitignan nito ang pagkakulot ng kanyang buhok.
Sa may kabisera umupo si Ibarra. Ang magkabilang dulo naman ay pinagtatalunan ng dalawang pari kung
sino sa kanila ang dapat na lumikmo roon.

Sa tingin ni Pari Sibyla, si Pari Damaso ang dapat umupo roon dahil siya ang padre kumpesor ng pamilya ni
Kapitan Tiyago. Pero, si Pari Sibyla naman ang iginigiit ng Paring Pransiskano. Si Sibyla ang kura sa lugar
na iyon, kung kaya’t siya ang karapat-dapat na umupo.

Anyong uupo na si Sibyla, napansin niya ang tinyente at nagkunwang iaalok ang upuan. Pero, tumanggi ang
Tinyente sapagkat umiiwas siyang mapagitnaan nang dalawang pari.

Sa mga panauhin, tanging si Ibarra lamang ang nakaisip na anyayahan si Kapitan Tiyago. Pero, kagaya ng
may karaniwang may pahanda, magalang na tumanggi ang Kapitan sabay sabing huwag mo akong
alalahanin.
Sinimulan ng idulot ang pagkain. Naragdagan ang pagpupuyos ng damdamin ni Pari Damaso nang ihain
ang Tinola. Paano puro upo, leeg at pakpak ng manok ang napunta sa kanya. Ang kay Ibarra ay puro
masasarap na bahagi ng tinola. Hindi alam ng pari, sadyang ipinaluto ng Kapitan ang manok para kay
Ibarra.

Habang kumakain, nakipag-usap si Ibarra sa mga ibang panauhin na malapit sa kinaroroonan niya. Batay sa
sagot ng binata sa tanong ni Laruja, siya ay mayroon ding pitong taong nawala sa Pilipinas. Bagamat, wala
siya sa bansa, hindi niya nakakalimutan ang kanyang bayan. At sa halip, siya ang nakalimutan ng bayan
sapagkat ni wala man lang isang taong nakapagbalita tungkol sa masaklap na sinapit ng kanyang ama. Dahil
sa pahayag na ito ni Ibarra, nagtumibay ang paniniwala ng tinyente na talagang walang alam ang binata sa
tunay na dahilan ng pagkamatay ng kanyang amang si Don Rafael.
Tinanong ni Donya Victorina si Ibarra na bakit hindi man lang ito nagpadala ng hatid-kawad, na kagaya ng
ginawa ni Don Tiburcio nang sila ay magtaling-puso.

Nasa ibang bayan ako nitong mga huling dalawang taon, tugon naman ni Ibarra.
Nalaman ng mga kausap ni Ibarra na marami ng bansa ang napuntahan nito at marami ng wika ang kanyang
alam. Ang katutubong wikang natutuhan niya sa mga bansang pinupuntahan niya ang ginagamit niya sa
pakikipagtalastasan. Bukod sa wika, pinag-aaralan din niya ang kasaysayan ng bansang kanyang
pinupuntahan partikular na ang tungkol sa Exodo o hinay-hinay na pagbabago sa kaunlaran.
Kabanata 2:
Si Crisostomo Ibarra
(Ang Buod ng “Noli Me Tangere”)

Dumating si Kapitan Tiyago at si Ibarra na luksang-luksa ang kasuotan. Binating lahat ni Kapitan ang mga
panauhin at humalik sa kamay ng mga pari na nakalimot na siya ay bendisyunan dahil sa pagkabigla. Si Commented [DS1]:
Pari Damaso ay namutla ng makilala si Ibarra.

Ipinakilala ni Kapitan Tiyago si Ibarra sa pagsasabing ito ay anak ng kanyang kaibigang namatay at
kararating lamang niya buhat sa pitong taong pag-aaral sa Europa. Malusog ang pangangatawan ni Ibarra,
sa kanyang masayang mukha mababakas ang kagandahan ng ugali. Bagamat siya ay kayumanggi,
mahahalata rin sa pisikal na kaanyuan nito ang pagiging dugong Espanyol.

Tinangkang kamayan ni Ibarra si Pari Damaso sapagkat alam niyang ito ay kaibigang matalik ng kanyang
yumaong ama. Ngunit, ito ay hindi inamin ng Pari. Totoo, siya ang Kura sa bayan. Pero, ikinaila niyang
kaibigan niya ang ama ni Ibarra.
Napahiya si Ibarra at iniatras ang kamay. Dagling tinalikuran niya ang Pari at napaharap sa Tinyenteng
kanina pa namamasid sa kanila. Masayang nag-usap sina Tinyente at Ibarra. Nagpapasalamat ang Tinyente
sapagkat dumating ang binata ng walang anumang masamang nangyari. Basag ang tinig ng Tinyente ng
sabihin niya sa binata na nasa nito ay higit na maging mapalad sa kanyang ama. Ayon sa Tinyente, ang ama
ni Ibarra ay isang taong mabait. Ang ganitong papuri ay pumawi sa masamang hinala ni Ibarra tungkol sa
kahabag-habag na sinapit ng kanyang ama.
Ang pasulyap ni Padre Damaso sa tinyente ay sapat na upang layuan niya ang binata. Naiwang mag-isa si
Ibarra sa bulwagan ng walang kakilala.

Tulad ng kaugaliang Aleman na natutuhan ni Ibarra buhat sa kanyang pag-aaral sa Europa, ipinakilala niya
ang kanyang sarili sa mga nanduruong kamukha niyang panauhin. Ang mga babae ay hindi umimik sa
kanya. Ang mga lalaki lamang ang nagpapakilala rin sa kanya. Nakilala niya ang isang binata rin na
tumigil sa pagsusulat.
Malapit ng tawagin ang mga panauhin para maghapunan, nang lumapit si Kapitan Tinong kay Ibarra para
kumbidahin sa isang pananghalian kinabukasan. Tumanggi sa anyaya ang binata sapagkat nakatakda siyang
magtungo sa San Diego sa araw na naturan.

You might also like