You are on page 1of 5

EKONOMIYA NG THAILAND

Ang Kingdom of Thailand ang opisyal na katawagan sa Thailand na datiy kilala bilang Siam.
Kung ihahambing sa Myanmar, matatag at may kaayusan ang sistemang pulitikal ng Thailand. Makikita
ito hindi lamang sa pagkakaroon ng pamahalaang iginagalang ng mga Thai kundi sa pagkakaroon din
ng isang matatag na ekonomiya.
Ang uri ng pamahalaan ng Thailand ay konstitusyonal na monarkiya. Taong 1932 nang limitahan
ng kanilang Konstitusyon ang kapangyarihan ng hari ng Thailand. Sa ilalim ng sistemang pamahalaan
ng Thailand, ang hari ang pinuno ng estado habang ang lehislatura ay kinatawan ng National Assembly o
Pambansang Asembliya.
Si Haring Bhumidol Adulyadej ang kasalukuyang nanunungkulan bilang hari ng Tahiland mula
pa noong Hunyo 9, 1946. Kabilang kanyang katungkulan ang pagiging pinunong-kumander ng hukbong
sandatahan. Bagmat limitado ang kanyang direktang pamamahala, malakas ang impluwensya niya sa
lahat ng aspeto ng pamumuhay, partikular sa pulitika. Iginagalang siya ng lahat, sibilyan man o militar.
Samantala, ang Punong Ministro naman ang nangangasiwa sa pamahalaan. Mayroon din itong Gabinete
na pinapatakbo ng Council of Ministers.
Ang National Assembly o Rathasapha bilang Pambansang Kapulungan ay binubuo ng Senate o
Wuthisapha at House of Representatives o Sapha Phuthaen Ratsadon. Umaabot sa 200 ang kasapi ng
Senate na may terminong anim na taon. Samantala, 500 naman ang kasapi ng House of Representatives
na may termino naman na apat na taon. Ngunit ang termino ng huli ay maaring paikliin ng hari sa
pamamagitan ng pagbuwag ng asembliya sa anumang kadahilanan at pagpapatawag muli ng bagong
eleksyon.
Ang sistemang panghukuman ay nasa kamay ng San Dika (Supreme Court) bilang pinakamataas
na ahensyang pangkatarungan. Nagsisilbi rin ito bilang huling hantugan para sa pag-aapela ng mga
kasong criminal,sibil, at mga kaso na may kilanalaman sa pagkalugi. Nasa ilalim ng ahensyang ito ang
San Uthon (Court of Appeals) na humahawak ng mga inaapelang kaso. May iba ring korte na maaaring
dulungan ng mga provincial courts, at iba pang korte na may eksklusibong pangangasiwa sa lokalidad.
Hindi rin ligtas sa kudeta ang Thailand. Niyanig na ang bansa ng may 17 kudeta at 15 nilikhang
Konstitusyon. Bagamat pamahalaang militar din ang Thailand, higit na may kaluwagan pa rin ito sa
partido pulitikkal kung ihahambing sa China at Myanmar. Makikita ito sa pagdami ng mga partido
pulitikal sa bansa na maaaring bumatikos sa militar. Aktibo rin ang mga militar sa Thailand sa
pakikipag-ugnayang panlabas na makikita sa kanilangpakikilahok sa mga pandaigdigang samahan gaya
ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC), World Trade Organization (WTO), Association of
Southeast Asian Nations (ASEAN), at United Nations (UN).
Ang paglulunsad ng mga kudeta ng militar ay karaniwang nagaganap sa panahon ng kaguluhan.
Ang kudeta noong 1971 ay bunga ng kahirapan sa pamumuhay noon. Panahon ng Vietnam War at
nakaapekto sa ekonomiya ng Thailand ang paglisan ng mga Amerikano sa Timog Silangang Asya dahil

sa napipintong pagkatalo nila sa Vietnam War. May base militar noon ang United States sa Thailand at
regular na puntahan ito ng mga sundalong Amerikano.
Sa naganap na kudeta, naghari ang militar bagamat sandaling isinalin ang pamahalaan sa sibilyan
noong 1974. Hindi nagtagal, inagaw na naman ng militar ang kapangyarihan. Kakaiba ang Thailand sa
dahilang ang pamahalaan ay pasalin-salin lamang sa sibilyan at militar. Nananatili ang pakikialam ng
militar sa pamahalaan maging sibilyan man ang namumuno.
Sa pagkabuo ng Konstitusyon noong 1978, naluklok sa kapangyarihan sa Prem Tinsulanonda.
Ang kanyang panunungkulan ang muling naglagay sa militar sa kapangyarihan. Noong 1988, pumalit si
Chatichai Choonhavan ngunit tinanggal naman siya sa pwesto ng militar noong 1992. Pagsapit ng 1992,
muli na naming bumuhos ang kilos-protesta dulot ng manipulasyon ng militar sa eleksyon. Isinigaw ng
mamamayan ang repormang demokratiko ngunit sila ay marahas na binuwag ng militar. Nakialam na si
Haring Bhumidol at napapanatag niya ang kalagayang pulitikal.
Nakikialam din ang militar sa pagpapatakbo ng ekonomiya ng Thailand. Marami sa mga pinuno
ng mga korporasyon ay dating mga heneral sa militar. Sa panunungkulan bilang punong ministro ni
Chuan Likphai noong 1992 hanggang kay Thaksin Shinawatra, nakamtan ng Thailand ang ibayong pagunlad sa ekonomiya. Kung ihahambing sa Myanmar, nakatulong ang militar sa Thailand upang
magkaroon ng matatag na pamahalaan at mapaunlad ang ekonomiya ng bansa.
Noong 2006, tinanggal sa kapangyarihan si Thaksin sa pamamagitan ng isang coup detat.
Inakusahan ng militar sa pangunguna ni Heneral Sonthi Boonyaratglin si Thaksin ng malawakang
katiwalian. Iniluklok ng militar si Heneral Surayud Chulanont bilang Primier.
Sa kasalukuyan, ayon sa pahayag ng Office of the National Economics and Social Development
Board (NESB) ng Thailand kahapon, inaasahang mapapanatili ang paglaki ng ekonomiya ng bansa ng
3.5 hanggang 4% ngayong taon, na mas mababa kaysa sa itinayang 3.5-4.5% na paglaki noong
nakaraang Mayo.
Ayon sa ulat, ang pagbaba sa pag-laki ng Gross Domestic Product (GDP) ay dahil sa pabagubagong presyo ng langis sa buong mundo, kawalan ng kasiguraduhan sa pagrekober ng ekonomiya ng
mundo lalong lalo na ng ekonomiya ng Estados Unidos at dahil na din sa walang kasiguraduhan sa utang
at iba pa ng Europa. Ang mga may kaugnayan sa merkado ng kapital, pabagu-bagong rate ng
pagpapalitan ng pera, ang siyang nagdudulot ng walang kasiguraduhan sa paglaki ng ekonomiya ng
Thailand.

BHUMIBOL ADULYADEJ

Si Haring Bhumibol Adulyadej (Thai: ); (IPA: pumipon adunjade); (Institusyong


maharlika: Phumiphon Adunyadet); ( pakinggan (tulongimpormasyon)) (ipinanganak Lunes, 5
Disyembre 1927 sa taon ng mga kuneho), ay ang kasalukuyang hari ng bansangThailand. Opisyal na
tinatawag bilang "the Great" (Thai: , Maharaja), siya ay kilala rin bilang Rama IX. Ang kanyang
pangalan, Bhumibol Adulyadej, ay nagkakahulugang tibay ng sangkalupaan, walang kahambing ang
kapangyarihan" ("Strength of the Land, Incomparable Power").[1] Nanunungkulan mula pa noong 9
Hunyo 1946, siya ay isa sa mga pinakamahabang panunungkulan sa mga hari sa kasaysayan ng buong
mundo.[2]
Datapwat si Bhumibol ay isang haring konstitusyonal, siya ay sa maraming pagkakataon, nagkaroon ng
mga desisyon na nagkaroon ng epekto sa politika ng Thailand, kasama na ang krisis pampolitika noong
taong 2005-2006. Siya ay itinuturing na susi sa pagbabagong demokratiko ng bansa noong dekada 90,
ngunit sa mas maagang panahon ng kanyang panunungkulan ay sinuportahan niya ang rehimeng militar.
Sa kasalukuyan, in-endorso niya ang military junta na nagpatalsik sa rehimen ni Thaksin
Shinawatra noong kudeta ng taong 2006. Isang bilyonaryo at isa sa mga pinakamayamang tao sa buong
mundo, ginamit ni Bhumibol ang ilang bahagi ng kanyang kayamanan upang pondohan ang mga
proyektong pampaunlad lalo na sa mga kabukiran. Siya ay popular sa buong Thailand at
pinaniniwalaang kalahating-banal (semi-divine) ng ilang Thai. Ang kanyang mga kritiko, na karamihan
ay nasa labas ng bansa, ay isinisisi ito sa supresyon o pagpigil ng kritisismo laban sa hari at ng kanyang
rehimen.[3]

THAKSIN SHINAWATRA

Si Thaksin Shinawatra (Thai: ; ipinanganak 26 Hulyo 1949), isang politikong Thai, ay


ang pinatalsik na punong ministro ng Thailand at ang pinuno ng partidong Thai Rak Thai. Noong 4 Abril
2006, pagkatapos ng mga protesta sa kanyang mga polisiya, mga bintang sa korupsiyon at isang
maagang halalan, ipininahayag niya na bababa siya sa puwesto bilang Punong Minstro, sa kabila ng
inuulat na pagkapanalo sa 54% ng mga boto sa halalan sa nagdaang tatlong araw.
Ngunit sa isang kudeta na isinagawa ng ilang kasapi ng militar sa Thailand na may katapatan sa hari ay
napatalsik si Thaksin habang ang huli ay dumadalo sa punong himpilan ng Nagkakaisang Bansa sa New
York City upang magtalumpati sa harap ng General Assembly nito nuong 19 Setyembre 2006.

MARIO MAURER

Mario Maurer ( )
Kapanganakan

Mario Maurer
4 Disyembre 1988(26 taong gulang)
Thailand

Hanapbuhay

Aktor, Modelo,mang-aawit

Mga taon ng kasiglahan

2004kasalukuyan

Pananampalataya

Katoliko Romano

Si Mario Maurer (Thai: , Pagbaybay sa Thai: [mar mawr], Pagbigkas sa


Aleman: [maio ma]; ipinanganak Disyembre 4, 1988) ay isang Thai-Aleman na modelo at aktor.

You might also like