You are on page 1of 7

SINAUNANG KABIHASNAN NG GRESYA (GREECE)

Greece
- Tinaguriang “Sinilangan ng Kanluraning Sibilisasyon”
- Ito ay isang Peninsula, bulubundukin na lupain na napapaligiran ng dagat na
nagsisilbing hangganan.
- Hangganan:
o Silangan – Aegean Sea
o Kanluran – Ionian Sea
o Timog – Mediterranean Sea
- Daan-daang pulo ang matatagpuan sa kanyang baybayin na animo ay mga batong
tuntungan papuntang sa bansang Greece.
- Malaking bahagi ng Greece ay bulubundukin, ang ganitong katangian ay na naging
sagabal sa pakikipagtalastasan sa iba’t-ibang Estado. Gayunpaman, sa ganitong
katangian, napanatili nito ang kanyang kultura.
- Karamihan sa kanila ay mangingisda, marino, mangangalakal at mahusay na
manlalakbay dulot ng malawak na anyong tubig na nakapalibot sa kanilang bansa.

Unang Kabihasnan ng Greece: Minoan


- Minoan
o Hinango ang Minoan sa kanilang Hari na si Minos, na pinaniniwalaan na
tagapagtatag.
o May maunlad itong sibilisasyon na pinaniniwalaan na kasintanda ng Egypt at
Mesopotamia.

- Crete
o Ito ay isang pinakamalaking pulo na kung saan sumibol ang unang kabihasnan.
o May estratehikong lokasyon para sa kalakalan at pangingisda, kung kaya’t
masigla ang kalakalan dito.
o Dito humihinto ang mga mangangalakal sa pagitan ng Europe at Africa.

- Arkitektura
o May labi sa mga palasyo na nagpapakita ng kahusayan nila sa larangang ito.
o Knossos ng kabisera ng kabihasnang Minoan na matatagpuan sa hilagang bahagi
ng pulo. Dito din matatagpuan ang kanilang palasyo na naging sentro ng
kaharian.a
o Ang palasyo ay maraming silid na nagsisilbing tirahan ng hari at iba pang
opisyales.
o May silid din para sa paggawa ng produkto at lalagyanan ng mga yaring
produkto.
o Sila ang unang nakagawa ng arena sa buong daigdig kung saan nagsasagawa ng
mga labanan sa boksing.
- Sining
o Tinataya noong 2500 BCE ang mga Minoan ay may nasusulat ng pagsulat.
o Ang fresco ay larawang mabilisan subalit bihasang ipininta sa mga dingding na
basa ng plaster upang kumapit nang husto sa pader ang mga pigment ng metal
at mineral na oxide. Madalas na inilalarawan nito ang ritwal na bull dancing.
o Naging mahusay ang kanilang mga artisan sa paglikha at paggawa ng kagamitan
mula sa ginto at tanso katulad ng palayok at alahas.
o Naging mahusay din silang manghahabi.
o Nakapokus ang kanilang sining sa kalikasan at palasyo.

- Teknolohiya
o Nagtataglay din ang Minoan ng maunlad na teknolohiya,
o Ang paggawa ng kanilang mga armas o sandata ay gawa sa copper at bronze.

- Agrikultura
o Sila ay nagpapastol at nag aalaga ng baka, tupa at kambing.
o Nagtatanim din sila ng ubas, trigo at barley.

- Pagbagsak ng Unang Kabihasnan


o Pagkaraan ng ilang taon, sumasalaky ang Mycenaean mula Peloponnesus, at
kanilang ginapi, sinakop at pinamahalaan ang Kabihasnang Minoan pagsapit ng
1400 BCE.

Ikalawang Kabihasnan ng Greece: Mycenaean


- Mycenaean
o Tinawag silang Mycenaean na hango sa kanilang lungsod na “Mycenae”
o Nagpalawak ng imperyo patungong Aegean ang hari ng Mycenae.
o Matatagpuan 16 kilometro ang layo sa aplaya ng Karagatang Aegean ang naging
sentro ng Sibilisasyong Mycenaean.
o Binubuo ng iba’t ibang lungsod ang Estado.
o Citadel ang nayon at sakahan ng mga mamamayan.

- Haring Agamemnon
o Ang naging pinuno ng lungsod na siyang pinakamakapangyarihan at
pinakamayamang hari sa sinaunang Greece.

- Arkitektura
o Maraming magagarbong palasyo ang napatayo sa kabihasnang ito.
- “Panahong Homer”
o Nakikilala din ang kanilang panahon bilang panahong Homer.
o Dahil maraming kaalalaman ang mababasa rito.
o Ang mga kaalamang ito ay pinatunayan ng mga labi nahukay sa Troy, tulad ng
inilarawan sa Epiko.
o Si Homer ay isang bulag na makata na nabuhay noong ikawalong siglo sa Asia
Minor.

- Pangkabuhayan
o Pagtatanim ng trigo, barley, oliba, ubas at pagpapastol ng hayop.
o Nagtataglay din sila ng industriya ng pagpapanday ng bronze, ginto at paghahabi
ng tela, paglikha ng mga palayok at paggawa ng mga pabango.

- Sining
o Hinriram nila ang sistema ng pagsulat mula sa mga Minoan.
o Hinango din nila mula sa mga Minoan ang mga disensyo sa kanilang ipinintang
Prescos at alahas.
o Noong 1876, base sa mga nahukay na mga labi, ang mga Mycenaean ay
nagsusuot na ng mga alahas, gumagamit ng sandatang tanso at iba pang
kasangkapan yari sa ginto, pilak at tanso.

- Paniniwala
o May paniniwala sa isang makapang-yarihang diyos, si Zeus, na naghahari sa
isang pamilya ng mga diyos at diyosa.

- Paghina ng Kabihasnang Mycenaean o Panahon ng Kadiliman


o Nagsimula ito nooong nanirahan ang mga Griyegong Dorian sa Peloponnesus na
nagmula sa Hilagang Greece.
o Nagkaroon ng digmaan na humantong sa pagkasira ng pamayanan at paglikas ng
mga tao sa iba’t ibang lungsod.
o Tumigil ang pakikipagkalakan sa panahong ito.

Klasikal na Greece
- Umusbong ito, pagsapit ng 800 BCE at kadalasang tinatawag itong Panahong Hellenic.
- Ang tawag ng mga Greek sa kanilang sarili ay Hellenes. Ito ay hango sa salitang Hellas,
na tumutukoy sa kabuoang lupain ng sinaunang Greece.
- Nabuo ng ilan sa mahahalagang bahagi ng lungsod-estado sa Kabihasnang Greek.
o Polis o lungsod-estado ay ang mga unang pamayanan sa Greece. Karani-wang
binubuo ng 5000 na kalala-kihan dahil noon ay sila lamang ang nailalagay sa
opisyal na talaan ng populasyon ng lungsod-estado.
o Acropolis ay tawag sa pinaka-mataas na lugar sa lungsod-estado.
Ditomatatagpuan ang mga matatayog na palasyo at templo kaya ito ang naging
sentro ng pulitika at relihiyon ng mga Griyego. Ito ay matatagpuan sa matatas na
lugar kagaya ng bundok o burol na napapalibutan ng pader.
o Agora ay pamilihang bayanna nasa gitna ng lungsod ay isang bukas na lugar
kung saan maaaring magtinda o magtipun-tipon ang mga tao. Tinitirahan ito ng
mahigit 20,000 na mamamayan.

- Iba’t ibang sistema ng pamamahala sa bawat Polis.


o Monarkiya na kung saan ang soberanya at kapangyarihang pampulitika ay
nakasalalay sa isang solong tao: ang monarka, na tinatawag ding Hari o
Emperor.
o Aristokrasya, ang mga pamayanan na nakabatay sa ganitong Sistema ay
pinamahalaan ng maliliit na pamilyang Maharlika na nagmamay-ari ng lupain.
o Tiranya ay isa sa mga anyo ng pamamahala na sumibol sa Greece, ang ganitong
sistema ay hindi namamana, bagkus nagmumula ito sa personal na lakas.

- Hoplite
o Sandatang lakas ng mga Polis. Sila ya mabubuting sundalo na itinuturing na ang
pagiging sundalo ay isang karangalan lumaban para sa kanilang lungsod-estado.

- Phalanx
o Ito ang dikit dikit na pagkahilera ng mga sundalo na nagging sanhi kung bakit
kintakutan ang mga Griyego noong panahong ito.

- Athens
o Isa mga pinakatanyag na lungsod-estado ng Greece na matatagpuan sa Timog-
Silangan ng Greece, sa may Kapatagan ng Attica.
o Naging sentro ng kalakalan at kultura sa Greece.
o Nakilala sa pagtatagtag ng pamamahalang Demokrasya.
o Draco
 Nagpasimula at humubog sa Draconian Code
o Solon
 Umaayos sa mga suliranin ng mga magsasaka at naging makatwiran sa
pag aayos ng sigalot.
 Nagtatag din siya ng Council of the Four Hundred.
 Inalis niya ang mga pagkakautang ng mga mahihirap at ginawang ilegal
ang pagkaalipin nang dahil sa utang.
o Pisistratus
 Tumulong sa pagpapalago ng demokrasya sa Athens.
 Sa kanyang panahon, pinagbuti ng ang pagsasaka, pag-aayos ng
irigasyon at pagpapatyo ng gusali at templo.
 Ipinagtanggol ang katayuan ng mahihirap at ipinamahagi ang mga lupain
at ari-arian ng mayayaman sa mahihirap at walang lupa.
o Cleisthenes
 Tinutulan niya ang pagpapangkat ng tao base sa kanilang kayamanan.
 Nakikilala din ang Patakarang Ostrasismo na kung saan pinahintulutan
ang mga mamamayan na palayasin ang sinumang opisyal na sa kanilang
paniniwala ay mapanganib para sa Athens.

- Sparta
o Isa din sa pinakatanyag na lungsod-estado ng Greece na matatagpuan sa
Katimugang Bahagi ng Poloponnesus, sa isang lambak.
o Nanatili itong isang oligarkiya at isang estadong mandirigma. Sa lahat ng mga
lungsod-estado, ang Sparta lamang ang hindi umasa sa kalakalan.
o Ito ay may magandang klima, sapat na patubig at matabang lupa na angkop sa
pagsasaka.
o May tatlong pangkat ng Lipunan
 Spartiate – pinakamahalagang pangkat, nagmamay-ari sila ng lupa at
mga opisyales ng pamahalaan.
 Perioeci – hindi sila mamamayan ng Sparta, ngunit Malaya sila.
 Helot – pinakamababang antas sa lipunan. Bawal sila humawak ng kahit
anong posisyon sa pamahalaan. Pinapatay sila kung may karamdaman sa
isip at pisikal na katawan.
o Spartan
 Ang mga batang lalaki edad pito (7) ay dinadala na sa mga kampo-
militar upang sumailalim sa mahigpit na disiplina at sanayin sa serbisyo
militar. Malakas na pangangatawan, katatagan, kasanayan sa
pakikipaglaban, at katapatan ang ilan sa pangunahing layunin ng
pagsasanay.
 Dalawampung (20) taon – ang mga kabataang lalaki ay magiging
sundalong mamamayan at ipinapadala na sa mga hangganan ng labanan.
 Tatlumpung (30) taon – maaari na silang mag-asawa ngunit dapat na
kumain at manirahan pa rin sa kampo, kung saan hahati na sila sa gastos.
 Animnapung (60) taon – sila ay maaari nang magretiro sa hukbo.

- Nasangkot ang Greece sa mga Digmaan


o Sinakop ni Haring Cyrus ang Asia Minor at iba pang lungsod-estado sa Greece.
o Samantala, hinikayat naman ni Haring Darius na kilalanin siya bilang hari, may
mga lungsod-estado na tumatangkilik, ngunit hindi ang Athens at Sparta. Kung
kaya nagkaroon ng digmaan laban sa mga hukbo ng Haring Darius at ng mga
Athens.

- Alyansang Delian
o Nagtatag ng alyansa ang Sparta at Athens na ang layunin ay paghandaan ang
Persia kung sakali sila ay muling lulusob o sumalakay.

- Alexander the Great


o Anak ni Haring Philip ng Macedonia, sa edad na 21 ay itinuring na siya bilang
magaling mandirigma at isang henyo sa larangang militar.
o Naging magaling isyang manlalaro at madalas magsanay ng gymnastics.
o Si Aristotle, na dakilang Griyegong pilosopo, ang kinuha ni Haring Philip upang
maging kanyang guro para mahubog ng husto ang kaisipan ni Alexander.
o Naging hari si Alexander the Great ng Greece mula noong nilusob at nagapi niya
ang Asia Minor, Persia, Syria, Egpyt at Babylon.
o Dahil sa pagpapalaganap niya ng Kulturang Griyego, nag resulta ito ng
pagsasama sama ng Kulturang Griyego, Egyptian, Persian at Indian.
o Sa panahon ni Alexander the Great, napalaganap pa ang ang Kulturang Griyego.
At nagbigay daan sa bagong yugto ng sibilisasyon na tinawag na Panahong
Hellenistiko.

- Pilosopiya
o Ptolemy
 Pinaghusay niya ang sining at agham sa Alexandria
 Nakilala din siya dahil sa pinakatanyag niyang silid-aklatan
 Naging sentro ng pananaliksik ang silid-akltan noong panahong
Hellenistiko dahil sa taglay nitong kalahating milyon na payrus scrolls,
nna naglalaman ng tala tungkol sa unang kabihasnan.
o Socrates
 Ayon sa kanya “The unexamined life is not worth living” at “know
thyself”
o Aristotle
 May-akda ng “Politics”, kung saan tinalakay ang iba’t ibang uri ng
pamahalaan.
o Plato
 May-akda ng “The Republic” kung saan inilalarawan niya ang isang
ideyal na estado
o Euclid
 Ama ng matematika at geometry
o Pythagoras
 Nagpakilala ng Pythagorean Theorem
o Archimedes
 Tinantiya ang pagsukat ng circumference ng isang bilog.
 Natuklasan ang prinsipyo ng specific gravity
o Hippocrates
 Nagtatag ng isang paaralan para sa pag-aaral ng medisina.
 Ayon sa kanya, bawat sakit ay may likas na sanhi. Ang kanyang estilo ng
pagaggamot ay nakatulong upang alisin ang pamahiin at paniniwala sa
salamangka.
 Itinataas ng ang antas ng paggagamot sa pamamagitan ng paggamit ng
alituntunin. Ang mga ito ay tumatayong batayan ng Hipprocatic Oath. Ito
ay ang sinumpaang pangako ng lahat ng mga nagtatapos sa pag-aaral ng
medisina.
o Herophilus
 Ama ng Anatomiya
o Erasistratus
 Ama ng Physiology
o Herodotus
 Ama ng Kasaysayan

- Arkitektura
o Venus De Milo istatwa na ginawa ni Alexandros mula Antioch.
o Parthenon ay isa sa mga pinakatanyag na templong Greek.
o Kasama din sa mg mahuhusay na gusali na naitayo ang mga teatro, pamilihan, at
stadium.

- Sining
o Sa pagpipinta, pinakita ng mg Griyego ang kanilang husay sa mga palayok.
o Ang kanilang karaniwang disenyo ay ang kanilang pang araw-araw na buhay
kagaya ng pagkanta, pagsayaw at pagligo.
o Ang disenyo ay maaaring itim samantalang ang palibot na kulay ay pula.

- Pananampalataya
o Tradisyonal na pananampalataya sa Greece na pagsamba sa iba’t-ibang diyos sa
pangunguna ni Zeus.
o Pinaniniwalaan ng mga Griyego na naninirahan sa Mount Olympus ang mga
diyos at diyosa sa paraang may mga nilalang na anyo at damdamin.
o Naniniwala din sila na maaaring sagutin ng mga diyos at diyosa ang kanilang
mga katanungan sa pamamgitan ng mga pari.
o Maaari din isangguni ng mga Griyego ang kanilang kinabukasan sa mga oracle.
Ang pinakatanyag na oracle ay matatagpuan sa Delphi.
o Pinarurusahan ng mga diyos ang tao sa pamamagitan ng taggutom, lindol, sakit
at pagkatalo sa digmaan.

You might also like