You are on page 1of 2

TIMOG ASYA

 May anyong hugis tatsulok, ito ay may hangganang Idian Ocean sa timog, at
sa hilaga nito ay matatagpuan ang kabundukan ng Himalayas.
 Ang topograpiya ng rehiyon ay mabundok.
 Sa gawing kanluran ay matatagpuan ang Afghanistan, Pakistan, at India, sa
silangan ay Bangladesh, sa dakong hilaga ay ang Nepal at Bhutan, at mga pulo
ng Sri Lanka at Maldives sa timog.
MGA BANSA SA ASYA
1) India-ay isang subkontinenteng matatagpuan sa Timog Asya na ang kabisera
ay New Delhi at napapaligiran ng mga bansang Bhutan at Nepal sa hilaga,
Bangladesh at Myanmar sa silangan, Sri Lanka sa timog, at Pakistan sa
kanluran. Ito'y may lawak na 3,185,018.83 km o 5,124,695.29747 milya. Ito'y
napahiwalay sa kabuuang Asya dahil sa Bulubundukin ng Himalayas at sa
Talampas ng Tibet. Ang coastline ng India ay 7,517 milya.
2) Maldives- ay isang bansang pulo sa Karagatan ng Indiya, na binubuo ng mga
atoll. Ang kapital ng Maldives ay Malé at ito ay matatagpuan sa timog
asya(south asia).Masagana din ito sa pangisdaan.
3) Afghanistan- ay isang bansa sa Timog Asya na ang kabisera ay ang Kabul.
Ito ay pinalilibutan ng Iran sa kanluran, Pakistan sa timog at silangan,
Turkmenistan, Uzbekistan at Tajikistan sa hilaga, at Tsina sa pinakasilangang
bahagi ng bansa. Ito ay isa sa pinakamahirap na bansa sa mundo. Ang
kahulugan ng salitang Afghanistan ay Lupain ng mga Afghan.
4) Pakistan- ay isang bansa sa Timog Asya na sinasakop ang bahagi ng Gitnang
Silangan at Gitnang Asya. Napapaligiran ito ng India, Afghanistan, Iran
(dating Persia), Tsina at ng Dagat Arabo Ang Pakistan ay humiwalay sa India
sa kadahilanan na maraming Hindu sa India.
5) Nepal- ay nag-iisang kahariang Hindu sa buong daigdig at ang kabisera nito
ay Kathmandu. Matatagpuan ito sa timog Asya, sa pagitan ng Tsina at India.
Pagkatapos ng 240 taon, isang republika na ang Nepal, at nakilala bilang
Demokratikong Republikang Pederal ng Nepal.
6) Bangladesh- ay isang bansa sa Timog Asya na binubuo ng silangang bahagi
ng lumang bahagi ng lumang rehiyon ng Bengal. Nangangahulugang literal
ang Bangladesh bilang "Ang Bansa ng Bengal". Matatagpuan ito sa hilaga ng
Look ng Bengal at napapaligiran ng India at Myanmar, at kalapit na
kapitbahay ng Tsina, Nepal at Bhutan.
7) Bhutan- ay isang bansang walang pampang na nasa mga bundok ng
Himalayas, sa pagitan ng India at Tsina sa Timog Asia. Druk Yul ang lokal
na pangalan ng bansa. Ang kabisera nito ay ang Thimphu.
8) Sri Lanka- ay isang tropikal na pulong bansa sa may timog-silangang
baybayin ng subkontinenteng Indiano. Ang kabisera nito ay Colombo

Himalayas
-ay isang bulubundukin sa Asya, na hinihiwalay ang subkontinenteng
Indiyano mula sa Talampas ng Tibet. Sa pagpapahaba, ito rin ang pangalan
ng malawak sistemang bundok na kinabibilangan ng Karakoram, ang Hindu
Kush, at ibang maliliit na bulubundukin na umaabot sa Pamir Knot.

Hindu Kush
-ay isang silang na may habang 500-milya na nakalatag sa pagitan ng
hilagang-kanlurang Pakistan at silangan at sentro ng Afghanistan. Ang
pinakamataas na lugar sa Hindu Kush ay ang Tirich Mir (7,708 m o 25,289
ft) sa rehiyon ng Chitral ng Lalawigan ng North-West Frontier sa Pakistan.

Ang Bundok Everest ay ang pinakamataas na bundok sa Daigdig, kapag


sinusukat ang taas ng tutok higit sa kapatagan ng dagat. Nasa hangganan sa
pagitan ng Nepal at Tsina ang mga palupo ng tutok ng Everest. Inaakalang
tumataas ang tuktok ng Everest sa tulin na mga 4 milimetro bawat taon.
Kasagutan:
3. Nepal
4. 8,848 metro, (29,028 talampakan), Unang pinakamataas
5.Leo Oracion

You might also like