You are on page 1of 6

Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa buong mundo dahil may kabuuang sukat

ito na umaabot sa 17 milyong milya kuwadrado o humigit kumulang 44 milyong kilometro


kuwadrado. Ito ay may tiyak na lokasyon na humigit-kumulang 10 degrees timog hanggang
90 degrees hilagang latitud at mula
11 degrees hanggang 175 degrees silangang longhitud .Ang hugis ng Asya ay iregular.
Malapadang gawing sillangan ng Asya habang
makitid ang bandang kanlurang bahagi. Sa timog na bahagi naman ang nakausling bansa
na India. Malawak na lupain naman ng Siberia ang hilagang bahagi ng kontinente. At sa
timog-silangang bahagi naman matatagpuan ang mga pulo tulad ng Luzon, Borneo, Java,
Sumatra.
Ang Hilagang Asya ay isang rehiyon ng Asya. Ang Siberia lamang ang bumubuo nito na nasa
bahaging Asya ng bansang Rusya. Ang mga bansang napapabilang sa rehiyong ito ay
ang Kazakhstan, [[Kyrgyztan|
Kyrgyzstan], Tajikistan, Turkmenistan, Uzbekistan, Siberia, Georgia,at Armenia.

Kilala sa pagkakaroon ng malawak na

damuhan. Nahahati sa tatlong uri ang

grassland, ito ay ang steppe, prairie at savanna.

Dito din matatagpuan ang lake Baikal.

Malamig din ang klima dito


Ang Timog Asya o Katimugang Asya ay ang katimugang rehiyon ng kontinenteng Asya na
binubuo ng mga bansa sa timog ng Himalaya. Naghahanggan ang Timog Asya sa Karagatang
Indiyano sa timog, at sa kalupaan, nang mga rehiyon ng Kanlurang Asya, Gitnang Asya, Silangang
Asya at Timog-Silangang Asya.

Dito matatagpuan ang mga kabundukan ng


Himalayas at Hindu Kush.

Mabundok ang hilagang bahagi ng rehiyon, sa timog


naman ng mga kabundukan makikita ang Indo-
Gangentic Plain, Thar Desert sa kanluran nito habang
sa timog nito ay Deccan Plateau.
Ito din ay tawag na Land of mysticism.
Ang Silangang Asya ay isa sa mga rehiyon ng Asya na maaaring tumukoy sa paraang heograpikal
o kultural. Sa heograpiya, tinutukoy ito ang rehiyon na binubuo ng Republikang Popular ng
Tsina (kabilang ang Hong Kong at Macau), Hilagang Korea, Timog
Korea, Hapon, Mongolia at Taiwan.

Ang Silangang Asya ay binubuo ng mga lambak,


mababang talampas, steppes at kapatagan.
May mga disyerto din dito tulad ng Taklamakan sa
China at Gobi sa Mongolia.

Nahihiwalay naman sa rehiyon ang Japan na may


apat na malalaking isla ng Kyushu, Shikoku, Honshu
at Hokkaido.May katamtamang klima
Ang Timog-silangang Asya ay isang subrehiyon ng kontinenteng Asya, na binubuo ng mga
bansang heograpikal nasa timog ng Tsina, silangan ng Indiya, kanluran ng Bagong Guinea at hilaga
ng Australya. Ang klima sa rehiyong ito ay karaniwang tropikal, mainit at mahalumigmig sa loob ng
isang buong taon.

Kilala naman na Farther India at Little China ang rehiyon ito.


Ang ilan sa mga kapuluang dito ay kabilang sa Pacific Ring of
Fire.
Ang rehiyong ito ay may malawak at matabang kapatagan dahil
ito ay may klimang tropikal. Dagdag pa rito, ang klima ng
rehiyon ay naaapektuhan ng mga monsoon.
Ang Kanlurang Asya (tinatawag ding "Gitnang Silangan") ay ang timog-kanlurang bahagi ng Asya.
Ang katawagang Kanlurang Asya ay kadalasang ginagamit sa mga kasulatan tungkol sa
arkeolohiya ang huling bahagi ng prehistory ng rehiyon.

Ang Kanlurang Asya ay itinuturing na Moslem World at ikinakategorya bilang Arid Asya o
bahagi ng Asya kung saan matatagpuan ang malalawak na disyerto at tuyong lugar mula Jordan
tungong Arabia hanggang sa Iraq, Iran, at Afghanistan.

May tatlong katangian ang kapaligiran ng rehiyon, ito


ay ang Northern Tier, Arabian Peninsula at Fertile
Crescent.

You might also like