You are on page 1of 3

HEOGRAPIYA

 Galing sa dalawang salitang Griyego na


Geo – daigdig
Graphia – paglalarawan
 Tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig.
BATAYAN NG PAGHAHATING PANG HEOGRAPIKO NG MGA REHIYON SA ASYA
1. Katangiang Pisikal (Heograpikal)
2. Kultural
3. Pulitikal
4. Historikal

MGA SAKLAW NG PAG-AARAL NG HEOGRAPIYA


 Anyong Lupa
Hal. Bundok, Bulkan, Burol, Tangway, Talampas at Kapatagan
 Anyong Tubig
Hal. Karagatan, Dagat, Ilog,
 Likas na Yaman
Hal. Yamang-Lupa, Yamang-Tubig, Yamang-Gubat, Yamang-Mineral at Yamang-Tao,
 Klima at Panahon
Hal. Temperate, Tropical at Frigid
 Flora (Plant Life) at Fauna (Animal Life)
Hal. Tundra, Taiga, Grasslands, Highlands, Pampass, Savannah, Desert
 Distribusyon at Interaksyon ng tao at iba pang organismo sa kapaligiran

MGA DAHILAN NG PAGHAHATI NG ASYA SA LIMANG REHIYON


1. Lokasyon
2. Kultura at Tradisyon
3. Kasaysayan

ANG ASYA AY NAHAHATI SA LIMANG REHIYON:


1. Hilagang Asya o Gitnang Asya
Napapalibutan ito ng Russia sa hilaga, Turkey sa kanluran, Iran at Afghanistan sa timog, at Tsina at
Mongolia sa silangan
Mga Bansang Kabilang sa Hilagang Asya:
Armenia
Georgia
Azerbaijan
Kazakhstan
Kyrgyzstan
Uzbekistan
Tajikistan
Turkmenistan

(Siberia –before, now known as Russia but no part part of Ais but part of Europe.)

Pahina 1
2. Silangang Asya
-kilala bilang rehiyon ng mauunlad at industriyalisadong mga bansa
Mga Bansang Kabilang sa Silangang Asya
China
Taiwan
Mongolia
North Korea
South Korea
Macau
Hongkong
Japan

3. Timog-silangang Asya
Binubuo ng 11 bansang Timog-silangang Asya kabilang na ang Pilipinas. Ang Timor Leste ang huling naging
ganap na estado sa rehiyon. Nakamit nito ang kalayaan mula sa Indonesia noong ika-20 ng Mayo, 2002.
Tinatayang may kabuuang sukat na 4,360,000 km2 ang Timog-silangang Asya.
Pagdating sa mga heo-grapikal na hangganan, ang Timog-silangang Asya ay ihinihiwalay ng China at
Taiwansa hilaga, Indian Ocean at Australia sa timog, Bay of Bengal at Indian subcontinent sa kanluran, at
Pacific Ocean at Papua New Guinea sa silangan.
May dalawang paghahating heograpikal ang Timog-silangang Asya: ang pangkontinenteng Timog-silangang
Asya at ang pangkapuluang Timog-silangang Asya.
May klimang tropical ang Timog-silangang Asya sapagkat matatagpuan ito malapit sa equator. Ang mainam na
klima nito – na binubuo ng panahon ng tag-ulan at ng tag-araw – ang nagbibigay sa rehiyon ng biyaya ng
makakapal na tropical rainforest.
Mga Bansang Kabilang sa Timog- Silangang Asya
Indonesia
Malaysia
Myanmar
Brunei Darussalam
Pilipinas
Laos
Vietnam
Cambodia
Thailand
Timor Leste/ East Timor
Singapore

4. Timog Asya
May pitong bansa sa Timog Asya. Ang rehiyon ay may kabuuang sukat na umaabot sa 4,123,000 km 2 at
sumasakop sa halos 10% ng kalupaan ng Asya.
Nasa Indian subcontinent ang India, Bangladesh, Bhutan, Nepal, at Pakistan. Matatagpuan naman ang mga
bansang kapuluan na Sri Lanka at Maldives sa timog ng Indian subcontinent.
Ipinapalagay ng mga heograpo na ang kalupaan ng Timog Asya, kung saan ang malaking bahagi ay sakop ng
India, ay dating nakahiwalay sa pangkontinenteng Asya. Dahil sa patuloy na paggalaw ng lupa, unti-unting
dumikit ang kalupaan ng Timog Asya sa kontinente hanggang sa maging bahagi na ito ng pangkontinenteng
Asya. Ito ang isang paliwanag kung bakit tinagurian ang India bilang “Asia’s subcontinent.”
Ayon sa mga eksperto, ang bulubundukin ng Himalayas sa hilagang bahagi ng Timog Asya ang patunay sa
pagbangga ng India sa pangkontinenteng Asya. Ang Himalayas ang nagsisilbing hangganan ng Timog Asya
sa iba pang rehiyon ng kontinente.
Ang Timog Asya ang isa sa pinakamataong lugar sa buong daigdig. Umaabot sa 349 katao bawat kilometro
kuwadrado ang population density nito – halos pitong ulit na mas malaki kaysa sa population density ng
daigdig.
Mga Bansang Kabilang sa Timog Asya
India
Bangladesh
Sri lanka
Pakistan
Bhutan

5. Kanlurang Asya
Matatagpuan sa Kanlurang Asya ang 16 na bansa. Ito ang rehiyon ng Asya na may pinakamaraming bansa.
Ang Saudi Arabia at Iran ang pinakamalalaki sa mga ito. May tinatayang kabuuang sukat ang rehiyon na
6,811,000 km2 .
Kung mapapansin sa mapa, may dalawang tangway at tatlong malalaking anyong tubig ang Kanlurang Asya.
Ang pinakamalaking tangway ay ang Arabian Peninsula. Napaliligiran ito ng Red Sea sa kanluran, Persian
Gulf sa silangan, at Gulf of Aden at Arabian Sea sa timog. Malaking kalupaan ng Arabian Peninsula ang sakop
ng Saudi
Arabia. Nasa Timog na bahagi naman nito ang Yemen at Oman. Sa bandang silangan ay ang United Arab
Emirates (UAE) at Qatar.
Sa hilagang-kanlurang bahagi ng rehiyon matatagpuan ang Anatolian Peninsula. Tatlong dagat ang
nagsisilbing hangganan nito: ang Mediterranean Sea, Aegean Sea, at Black Sea. Sakop ng Turkey ang buong
tangway ng Anatolia.
May mainit na temperature ang Kanlurang Asya na umaabot sa 460C. Dahilan ito upang katagpuan ang
rehiyon ng malalawak na disyerto tulad ng Arabian Desert, Syrian Desert, at Negev Desert. May nagtataasang
talampas din ang rehiyon. Dalawa rito ang Plateau of Iran at Arabian Central Plateau.
Mga Bansang Kabilang sa Kanlurang Asya
Israel
Afghanistan
Jordan
Cyprus
Turkey
Kuwait
UAE
Oman
Lebanon
Syria

You might also like