You are on page 1of 4

ULAT NG BUOD

KAPULUAN O ARKIPELAGO - Marami sa Asya ang Bansang binubuo ng mga kapiluan


o mga Bansang marami ang isla. Halimbawa nito ay ang Indonesia na syang may
pinakamaraming pulo na umaabot sa Labing tatlong Libo (13,000).
PULO - Ang Pulo sa Asya ay maykabuoang sukat na umaabot sa Isang Milyon Syam Na
Raang Syam Na Put-Apat Na Libo’t Tatlong Daang Kilometro kuwadrado (1,994,300 〖km
〗^2).
TANGWAY O PENINSULA - Lupain din o parte din ng tangway ang mga islang naka usli
sa paligid nito o ng isang bansa. Tinatayang nasa Pitong Milyong Pitong Daan at Pitongput
Libong Kilometo Kwadrado (7,770,000 〖km 〗^2).
KAPATAGAN - Halos Sangkapat (1/4) nabahagi ng Lupain ng ASYA ay kapatagan. Ang
INDO-GANGETIC PLAIN at malaking bahagi ng Timog- Silangang Asya ay bahagi nito.

ANG ANYONG LUPA SA ASYA


Bukod sa nagsisilbing tirahan natin ang mga biyayang anyong lupa. Ito rin ang siyang
humuhubog at nagbibigay ng malaking impluwensya sa ating mga kultura ayon sa uri ng
anyong lupa mayruon ang bawat lugar. Ang mga anyonng Lupa tulad ng DISYERTO,
BAYBAY-GILID, at KABUNDUKAN sa ibat-ibang bahagi ng Asya ay nagsisilbing
pangunahing kuhaan ng mga yamang mineral tulad ng ibat ibang uri ng METAL, DI-
METAL, at GAS. Ang BULUBUNDUKIN ay nagsisilbing panangga sa mga sakunang
dumadating sa isang lugar katulad ng malakas na bagyo. Tinataniman ng mga tao at tinitirhan
din ng ilang mga hayop ang bawat anyong Lupa. Ang anyong Lupa ay nakapag bigay ng
malaking ambag sa pamumuhay ng mgatao at ng kabihasnan.

ANYONG TUBIG SA ASYA


Ang Kontinente ng Asya ay halos napalilibutan ng mga karagatan, ilog, at lawa.
KARAGATAN
 Ang mga karagatan ay nagsilbing likas na depensa, rutang pangkalakalan at,
pinagkukunan ng iba’t ibang yamang dagat.
ILOG
 Ang mga baybay-ilog ng Tigris at Euphrates, Indus at Huang Ho ay ang nagsilbing
lundayan ng mga sinaunang kabihasnan hindi lamang ng mga taga Asya at patuloy na
nagiging kapanipakinabang sa mga tao.
 Ang mga ilog ng Lena, Ob, Irtysh, Yenisey Angara, Yan, Indigirka at kolima na
pawang nasa bahagi ng Russia at umaagos sa Arctic Ocean ay lubhang
kapakipakinabang sa lahat.
 Ang mga ilog naman patungong Pacific Ocean na Anadyr at Amur sa Russia; Huang
Ho, Yamh tze, at Hal sa China; Song Hoinan at Mekong sa Vietnam at Chae Phraya
sa Thailand ay masaganaring nakakatulong sa mga mamamayang malapit dito.
 Sa Indian Ocean naman dumadaloy ang mga ilog ng Irrawaddy sa Myanmar; Gangas
sa Bangladesh; at Hilagang India; Indus sa Pakistan; Shatal-Arab sa Timog Iraq,
 Ang Salween sa Timog Silangang Asya, Brahumaputra na umaagos naman sa Timog
Asya.
 Ang Amu Darya na pinakamahabng ilog sa Gitnang Asya na umabot sa 2,620
kilometro; Syr Darya na umaagos sa Kayrgystan, Uzbekistan, at Kazakhstan; Chu sa
Kyrgyztan; Tedzhan sa Turkmenistan; at Gilmend sa Afghanistan ay ang ilan sa mga
ilog na matatagpuan sa Hilaga o Gitnang Asya.
LAWA
APAT NA KATANGITANGING LAWA SA ASYA
1. Caspian Sea na may sukat na 371,000 Kilometro kwadrado (Pinakamalawak na
Lawa sa Mundo)
2. Lake Baikal na may sukat na 31,500 Kilometro kwadrado (Pinaka malalim na
Lawa)
3. Dead Sea na may sukat na 1,049 Kilometro kwadrado (Ika-lawa sa Pinaka maalat
na anyong tubig
4. Aral Sea na may sukat na 64,750 Kilometro kwadrado (Pinakamalawak na Lawa
sa Asya)

ANG MGA VEGETATION COVER NG ASYA


Ang VEGETARIAN o uri o dami ng mga halaman sa isang lugar tulad ng
pagkakaroon ng kagubatan o damuhan ay epekto ng klima nito. Sa Hilagang Asya, ang
katangiang pisikal ng kapaligiran nito ay ang pagkakaroon ng malawak na damuhan o
grasslands na nahahati sa tatlong uri: ang steppe, prairie, at savanna. Ang mga tao sa mga
lugar na ito ay kadalasang nakatuon sa pagpappastol at pag-aalaga ng mga hayop tulad ng
baka at tupa na pinagkukunan ng karne, laria, at gatas.
 STEPPE - Uri ng Lupang may damuhang mabababaw ang ugat o shallow rooted
short grasses. Maliliit ang damuhan sa lupaing ito dahil tumatanggap lamang ito ng
10-30 pulgada ng ulan.
 PRAIRIE - Uri ng Lupang may damuhang matataas at malalalim ang ugat o deeply-
rooted tall grasses.
 SAVANNA - Ang savanna ay magkahalong kakahuyan at damuhan na ekosistema na
karaniwang may mga puno na may mga sapat na puwang para ang canopy (o mga
korona ng mga puno) ay hindi magsasara.
TUNDRA - Sa bahagi ng Russia at Serbia matatagpuan ang Tundra/ Treeless Mountain Iract.
Kakaunti ang mga halamang tumatakip at halos walang mga puno sa lupaing ito dahil sa
malamig na klima. Ang lupaing malapit sa baybayin ng Arctic Ocean ang saklaw ng
behetasyong ito.
TORMID ZONE - Ang Timog-Silangan Asya at sa mga bansang nasa zone na ito ang
nabiyayaan ng Tropical Rainforest dahil sa mainam na klima nito na halos may pantay na
panahon ng tag-ulan at tag-araw.

ANG MGA KLIMA NG ASYA


HILAGANG ASYA
 Sentral Kontinental
 Mahaba ang Taglamig (Tumatagal ng 6 na buwan)
 Maigsi ang tag-init
 May i-ilang lugar na mataba ang kalidad ng lupa
 May i-ilang lugar na hindi matirhan dahil sa sobrang lamig ng klima
KANLURANG ASYA
 Hindi palagi ang pag babago ng klima
 Bihira at halos hindi makaranas ng tag-ulan
 Kung umulan, ang ulan ay bumabagsak lamang malapit sa dagat
TIMOG ASYA
 Iba-iba ang klima sa loob ng isang taon
 Mahalumigmig mula Hunyo hanggang Setyembre
 Taglamig mula Desyembre hanggang Pebrero
 Tag-init at tagtuyot naman sa Marso hanggang Mayo
SILANGAN ASYA
 Mosoon Climate (Sobrang maulan o Mainit) ang klima
 Mainit na panahon sa bandang latitude
 Malamig o nag yeyelo sa ibang parte
TIMOG SILANGAN ASYA
 May klimang Tropical ang halos lahat ng bansa sa rehiyon
 Nakakaranas ng Tag-init, Taglamig, Tag-araw, at Tag-ulan

ANG KATANGIAN NG KLIMA


Ang karaniwang panahon o average weather na nararanasan ng isang lugar sa loob ng
mahabang panahon ay tinatawag na klima. Kinapapalooban ito ng mga elemento tulad ng
temperature, ulan, at hangin. Maraming salik ang nakakaapekto sa klima ng isang lugar. Ilan
dito ay ang lokasyon, topograpiya, uri o dami ng mga halaman at distansya sa mga anyong
tubig. Dahil sa lawak ng Asya, matatagpuan ditolahat ng uri ng klima at panahon. Samantala
ang mga Monsoon o mga hanging nagtataglay ng Ulan ay isang bahagi ng klima na may
matinding epekto sa lipunan at iba pang salik ng pamumuhay lalo’t yaong higit na nasa
Silangan at Timog Silangang Asya depende sa lakas ng bugso nito. Ito ay maaaring magdulot
ng kapakinabangan o kapinsalaan.

ANG PACIFIC RING OF FIRE


Ang Pilipinas, kasama ang ilang mga bansa sa rehiyong Asya Pasipiko, ay nakalatag
sa isang malawak na sona na kung tawagin ay Ring of Fire, o Circum-Pacific Seismic Belt.
Ang mga lugar na ito ay nagtataglay ng maraming hanay ng mga bulkan, kasama na ang mga
Bulkang Mayon, Pinatubo, Taal, Kanlaon at Krakatoa. Ang pagsabog na mga bulkan ay
kadalasang nagdudulot ng pag-lindol o paggalaw ng lupa na nagbubunsod naman ng mga
pagbabago sa pisikal na porma ng anyong lupa at anyong tubig. Tinatayang 81% ng
pinakamalakas na lindol sa mundo ay nagaganap dito.

You might also like