You are on page 1of 8

ASYA: PAGKAKAISA SA GITNA NG PAGKAKAIBA( GRADE

7 REVIEWER)

ASYA-isa sa pitong kontinente ng daigdig


Kontinente-tawag sa pinakamalaking dibisyon ng lupain sa
daigdig
Latitude-distansyang angular na natutukoy sa hilaga o
timog ng equator
Longitude-distansyang angular na natutukoy sa silangan
at kanluran ng prime meridian
Prime meridian-zero degree longitude
Equator-zero degree latitude at humahati sa globo sa hilaga
at timog na hemisphere
Asya- pinakamalaking kontinente sa daigdig
5 rehiyon sa Asya
 Hilaga
 Kanluran
 Timog
 Timog-Silangan
 Silangang Asya
Hilagang Asya-binubuo ng bansang dating Soviet Central
Asia(Kazakhstan, Kyrgyzstan, Tajikistan, Azerbaijan,
Turkmenistan, Uzbekistan, Georgia, Armenia)Mongolia at
Siberia
Kanlurang Asya- dito nakalatag ang mga bansang
Arabo(Saudi Arabia, Lebanon, Jordan, Syria, Iraq at
Kuwait), Gulf States(Yemen, Oman, United Arab Emirates,
Qatar, at Bahrain), Iran, Israel, Cyprus at Turkey
Timog Asya- India, Afghanistan, Pakistan, Bangladesh,
Nepal, Bhutan, Sri Lanka at Maldives
Timog Silangang Asya- minsang binansagang Father India
at Little China
Sub-regions:mainland Southeast Asia(Myanmar,
Thailand, Vietnam, Laos, Cambodia) at insular Southeast
Asia (Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Brunei, Singapore, East
Timor)
Silangang Asya- binubuo ng China, Japan, North Korea,
South Korea, Taiwan
Baybay – Ilog na nagsilbing lundayan ng sinaunang
kabihasnan
 Tigris at Euphrates
 Indus
 Huang Ho

4 na katangi tanging lawa na matatagpuan sa Asya


 Caspian Sea
 Lake Baikal- pinakamalalim na lawa sa Asya
 Dead Sea
 Aral Sea-pinakamalaking lawa sa Asya
Vegetation- uri o dami ng mga halaman sa isang lugar tulad
ng pagkakaroon ng kagubatan o damuhan
3 uri ng damuhan o grasslands
 steppe
 prairie
 savanna
Steppe-uri ng damuhang may ugat na mabababaw o
shallow-rooted short grasses
Prairie- ang lupaing may damuhang matataas na malalalim
ang ugat o deeply-rooted tall grasses
Savanna-lupain nang pinagsamang mga damuhan at
kagubatan
Boreal forest o taiga (rocky mountainous terrain)
Tundra o treeless mountain tract
Pilipinas- nakalatag sa isang malawak na sona na kung
tawagin ay Ring of Fire o Circum-Pacific Seismic Belt
Biodiversity- ang pagkakaiba-iba at katangi- tanging anyo
ng lahat ng buhay na bumubuo sa natural na kalikasan
Desertification- Tumutukoy sa pagkasira ng lupain sa mga
rehiyong bahagyang tuyo o lubhang tuyo na kapag lumaon
ay hahantong sa permanenting pagkawala o pagkawala ng
kapakinabangan o productivity
Salinization- sa prosesong ito, lumilitaw sa ibabaw ng lupa
ang asin o kaya naman inaanod ng tubig papunta sa lupa.
Ito ay nagaganap kapag mali ang isinagawang proseso ng
irigasyon
Habitat- tirahan ng mga hayop at iba pang mga bagay
Hinterlands- malayong lugar, malayo sa mga urbanisadong
lugar ngunit apektado ng pangyayari sa teritoryong sakop
ng lungsod
Ecological Balance- balanseng ugnayan sa pagitan ng mga
bagay na may buhay at ang kanilang kapaligiran
Deforestation- pagkaubos at pagkawala ng mga
punogkahoy sa mga gubat
Siltation- parami at padagdag na deposito ng banlik na dala
ng umaagos na tubig sa isang lugar
Red Tide- ito ay sanhi ng dinoflagellates na lumulutang sa
ibabaw ng dagat
Global Climate Change- pagbabago ng pandaigdigan o
rehiyonal na klima na maaring dulot ng likas na pagbabago
sa daigdig o ng mga Gawain ng tao
Ozone layer- isang suson sa stratosphere na naglalaman ng
maraming konsentrasyon ng ozone
Dalawang kategorya ng wika sa Asya:
 tonal- kung saan ang kahulugan ng salita at
pangungusap ay nagbabago batay sa tono ng pagbigkas
nito
 stress o non-tonal language- ang pagbabago sa tono
ng salita at pangungusap ay hindi nagpapabago sa
kahulugan ng salita at pangungusap
Acid Rain- polusyong dulot ng sulfur dioxide at nitrogen
oxide na pumapailanlang sa himpapawid at sumasama sa
water vapor at bumagsak sa anyong ulan, hamog o niyebe
Archipelago/ kapuluan- pangkat ng mga pulo
Bulkan- bundok na may butas sa pinakatuktok na
nilalabasan ng mainit na bato, lava, putik, lahar at abo
Bulubundukin- hanay ng mga bundok na magkakadikit
Bundok- mataas na anyong lupa na nagtataglay ng mga
bato at lupa
Coniferous- tumutukoy sa mga punong cone-bearing
Demography- pag-aaral sa antas ng populasyon na
nakatuon sa kapanganakan, pag-aasawa, kamatayan at
mga sakit
Disyerto- rehiyong may malawak na tuyong lupa at
buhangin
Diverse Habitat- iba ibang panahanan o tirahan
Ecosystem- masalimuot na Sistema ng interaksyon sa
pagitan ng mga bagay na may buhay na walang buhay sa
pisikal na kapaligiran
Etnisidad- mistulang kamag-anakan
Etnolingguwistiko- tumutukoy sa pagkakapareho at
pagkakaiba ng mga tao sa isang bansa ayon sa kultura, wika
at etnisidad
Kapatagan- malawak na lupang pantay o patag
Khyber Pass- landas na matatagpuan sa kabundukan ng
Hindu Kush na sa loob ng libu libong taon ito ay tinahak at
ginamit ng mangangalakal at manlalakbay sa kasaysayan
upang makarating sa India
Klima- ang karaniwang panahon o average weather na
nararansan ng isang lugar sa loob ng ilang buwan, ng isang
taon, o mahaba habang panahon na kinapapalooban ng mga
element tulad ng temperature, ulan at hangin
Monsoon-mga hanging nagtataglay ng ulan
Oasis- lugar sa disyerto na nagtataglay ng matabang lupa at
tubig na maaring makabuhay ng mga halaman at hayop
Overgrazing-sanhi ng pagkasira ng lupa at vegetation na
nagaganap kung ang kapasidad ng damuhan ay hindi sapat
sa laki ng kawan ng hayop
Pacific ring of fire- isang malawak na sona na nagtataglay
ng maraming hanay ng mga bulkan
Peninsula/tangway- bahagi ng pulo o kontinenteng
nakaungos sa tubig
Populasyon- tumutukoy sa kabuuang bilang ng tao sa
takdang lugar at panahon
Pulo- masa ng lupang napapaligiran ng tubig
Reproductive Health Bill- isang panukalang batas na
naglalayong magbigay ng serbisyong pangreproduktibo para
sa lahat, kabilang ang family planning o pagpaplano ng
pamilya, para sa mga mag-asawa lalo nan ang mahihirap
Sturgeon- malalaking isdang likas sa Hilagang Asya na
pinagkukunan ng caviar(itlog)na isa sa mga produktong
panluwas ng rehiyon
Taiga-mataas na kagubatang coniferous at mabato na
matatagpuan sa Hilagang Asya particular sa Siberia
Talampas- mataas na lupang patag na patag sa ibabaw
Think Tank-pangkat ng mga dalubhasa na nagpupulong
upang gumawa ng pagsusuri sa isang suliranin at
magmungkahi ng pamamaraan sa paglutas nito
Tonle Sap- lawa sa Cambodia na nakararanas ng siltation
Tundra- lupaing kadalasang walang puno na matatagpuan
sa Russia, malapit sa baybayin ng Arctic Ocean
Urbanisasyon- pagsasa- lungsod ng isang lugar o paglipat
ng malaking bahagdan ng populasyon sa mga lungsod
upang ditto mamuhay at manirahan

KABIHASNANG SUMER( 3,500 BCE)


Mesopotamia(Iraq sa kasalukuyan)-kinilala bilang cradle of
civilization dahil dito umusbong ang unang sibilisadong
lipunan ng tao
 sa lugar na ito matatagpuan ang ilog ng Tigris at
Euprates
Fertile Crescent- isang arko ng matabang lupa na nagging
tagpuan ng ibat ibang grupo ng tao mula sa Persian Gulf
hanggang sa dalampasigan ng Mediterranean Sea
Cuneiform- unang nabuong sistema ng panulat. Isa itong
uri ng pictograph na naglalarawan ng mga bagay na
ginagamitan ng may 600 pananda sa pagbuo ng mga salita
o ideya

Akkadian(Circa 2,700-2,230 BCE)

Haring Sargon- isang mananalakay buhat sa Akkad ay


nagtatag ng lungsod-estado para magkaisa ang
mamamayan. Pinalawak niya ang teritoryo ng Akkad bilang
pinuno sa pamamagitan nang pagsakop sa mga digmaan

You might also like