You are on page 1of 11

Anyong Lupa at Anyong Tubig

ng Asya

Matatagpuan sa Asya ang lahat ng uri


ng anyong lupa at anyong tubig. Ang
malawak na kontinente ay
nagtataglay ng maraming kalupaan at
katubigan na may malaking
pakinabang sa mga Asyano.
Tanyag na Anyong Lupa na Matatagpuan sa
Asya

1. Bundok
Everest – pinakamataas na bundok sa daigdig na umaabot sa
29,035 talampakan; matatagpuan sa pagitan ng Nepal at Tibet.

2. Bulubundukin
Himalayas – may habang umaabot sa 2600 kilometro; katatagpuan
ng siyam na pinaka-mataas na bundok sa daigdig kabilang ang Mt.
Everest.
Karakoram – hanay ng mga bundok mula hilagang Pakistan hanggang
timog-kanlurang China.
3. Pulo
ay isang bahagi ng lupa na higit na maliit sa kontinente at
higit na malaki sa bato na napaliligiran ng tubig.
a. Borneo – nasa Timog-silangang Asya; pinakamalaking pulo
sa Asya na may sukat na umaabot sa 757,050 km2 ;
pinaghahatian ng Brunei, Indonesia, at Malaysia.
b. b. Sumatra – bahagi ng Indonesia; pangalawa sa
pinakamalaking pulo sa Asya.
c. c. Honshu, Hokkaido, Kyushu, at Shikoku – mga
pangunahing pulo sa Japan.
4. Kapuluan
ay isang lupon ng mga pulo o kaya'y katubigan na
naglalaman ng mga malalaki o maliliit na pulo.

a. Indonesia – pinakamalaking kapuluan sa daigdig; may


sukat na 1,904,569 km2 ; may humigit-kumulang 17,000
pulo.
b. Japan – matatagpuan sa Silangang Asya; may sukat na
372,801 km2 ; May humigit-kumulang 6,500 pulo.
c. Pilipinas – nasa Timog-silangang Asya; may kabuuang
sukat na 300,000 km2 ; may humigit-kumulang 7100 pulo
d. Bahrain –matatagpuan sa Persian Gulf; binubuo ng 33
pulo.
5. Bulkan
ay isang uri ng anyong lupa na naglalabas ng mainit
na "lava" tuwing pagputok. Ang isang bulkan ay
maaring maging di-aktibo o dormant (di nagkakaroon
ng pagputok) o aktibo (may panahon ng pagputok).
a. Kerinchi – matatagpuan sa gitnang Sumatra,
Indonesia; pinakamataas na bulkan sa bansa
b. Tambora, Sumeru, Rinjani, at Agung – nasa
Indonesia.
c. Fuji, Ontake, at Unzen – matatgpuan sa Japan.
d. Mayon, Taal, at Pinatubo – nasa Pilipinas
6. Disyerto
Ito ay isang lugar na walang masyadong
halaman ang tumutubo at mainit ang temperatura .
a. Rub’ al Khali – kilala bilang Empty Quarter;
pinakamalaking disyertong buhangin sa daigdig;
bahagi ng Arabian Desert.
b. Gobi Desert – nasa hilagang China at Timog
Mongolia.
c. Thar Desert – matatagpuan sa hilagang – kanlurang
India at silangang Pakistan.
7. TALAMPAS
Talampas o Kapatagan sa Taas ng Bundok • Tibetan
Plateau – Pinakamataas na talampas sa mundo. (16,000
talampakan) – Roof of the World. • Deccan Plateau – nasa
katimugang bahagi ng Indo- Gangentic Plain ng India.
8. TANGWAY o PENINSULA
Lupain ng mga tangway o anyong lupa na nakausli sa
karagatan. • Tinatayang nasa tatlong milyong milya kuwadrado
ang sukat. • India • Korea • Yamal • Arabia.

9. KAPATAGAN
Halos sangkapat ( ¼ ) na bahagi ng lupain ng Asya ay
kapatagan. Ang Indo- Gangentic Plain at ang malaking bahagi ng
Timog- Silangang Asya ay bahagi nito.
10. Anyong Lupa

Pangunahing lugar panirahan • Nakapagdulot sa ng


malaking impluwensiya sa kultura at pamumuhay. • Likas
natanggulan o depensa – bundok • Taglay ang mga yamang-
mineral • Pagsasaka , Pastulan • Materyales, herbal na
gamot, bunga • Panirahan ng mga hayop • Ambag sa
paghubog ng uri ng pamumuhay o kabihasnan.
Tanyag na Anyong Tubig na Matatagpuan
sa Asya
• Karagatan- ay katawang tubig na halos nakapaligid sa mga
lupain ng daigdig. Ito ang pinakamalawak at pinakamalalim na
anyong-tubig.
• Dagat – Ang dagat ay malawak na anyong-tubig na mas maliit
lamang ang sukat sa karagatan. Maalat na katubigan na bumubuo
sa malaking bahagi ng daigdig.May hangganan itong mga lupain o
nakapaloob sa isang lupain.
• Ilog- ay isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos
patungong dagat. Nagmula ito sa maliit na sapa o itaas ng bundok
 o burol.
Ilog Yangtze- ang pinakamahabang ilog sa Asya, at ang ikatlong
pinakamahabasa buong mundo.
• Baybay-Ilog -  Ito ay isang malaking likas na
daanang tubig. Maaaring pinagkukunan nito ang
isang lawa, isang bukal o pagtitipon ng maliit na
mga batis, kilala bilang agos.

• Lawa- ay isang anyong tubig na pinapalibutan ng lupain.


Karamihan sa mga lawa sa daigdig ay tubig tabang, at halos
lahat ay matatagpuan sa Hilagang Hemispero.
  Caspian Sea- pinakamalaking lawa sa mundo.
Lake Baikal- pangalawa sa pinakamaalat na anyong tubig sa
buong daigdig.
• ANYONG TUBIG

Nagsisilbing likas na depensa • Rutang


pangkalakalan at paggagalugad • Pinagkukunan ng
yamang dagat at yamang mineral • Ilog- nagsilbing
lundayan ng mga unang kabihasnan • Pangkabuhayan •
Naghuhubog sa uri ng pamumuhay ng mga taong
nakatira.

You might also like