You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF RIZAL
Rodriguez Sub Office
SOUTHVILLE 8C ELEMENTARY SCHOOL
SUMMATIVE TEST -1ST QUARTER
AP
Name: ________________________________________ Date: ___________ Score: _________
I. Basahin at unawain ang bawat katanungan. Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

1. Ilang elemento mayroon ang isang bansa?

A. 1 B. 2 C. 3 D. 4
2. Anong elemento ng bansa ang gumagawa ng mga adhikain nito at nagbibigay-serbisyo sa
mamamayan?
A. hukoman B. mamamayan C. pamahalaan D. soberanya
3. Ano ang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas?

A. Filipino B. Ingles C. Pilipino D. Tagalog


4. Alin sa mga sumusunod na elemento ang itinuturing na pangunahing yaman ng isang bansa?
A. mamamayan B. organisasyon C. pamahalaan D. soberanya
5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kasali sa mga elemento ng bansa?
A. Batas B. Mamamayan C. Pamahalaan D. Teritoryo
6. Sa mga sumusunod, alin ang pinakamataas na kapangyarihan ng bansa upang pamunuan ang mga
mamamayan?
A. Mamamayan B. Pamahalaan C. Saligang Batas D. Soberanya
7. Sa iyong palagay, maituturing ba na bansa ang Pilipinas? Bakit?

A. Oo, dahil ang Pilipinas ay may kalayaan.


B. Oo, dahil ang Pilipinas ay may sariling teritoryo.
C. Oo, dahil ang Pilipinas ay may mamamayan, pamahalaan, teritoryo at soberanya.
D. Oo, dahil ang Pilipinas ay may pamahalaan na pinamumunuan ng mamamayan.
8. Alin sa mga pangungusap ang TAMA tungkol sa isang bansa?

A. Teritoryo ang pinakamahalang elemento dahil ito ang nagtatakda ng hangganan ng lupain, karagatan at
himpapawid ng isang bansa.
B. Soberanya ang pinakamahalagang elemento sapagkat ito ang pinakamataas na kapangyarihan ng isang
bansa.
C. Ang isang bansa ay binubuo ng mamamayan na pinamumunuan ng pamahalaan sa sariling teritoryo.
D. Tao ang pinakamahalagang elemento sapagkat ito ang pangunahing yaman ng isang bansa.
9. Bilang isang mamamayan, ano ang dapat nating gawin upang maipakita ang pagmamahal sa sariling
bansa?

A. Sumunod sa batas trapiko bilang pagpapakita ng pagmamahal sa bayan.


B. Palaging magpasalamat sa pamahalaan sa lahat ng ginawa nito para sa bansa.
C. Igalang ang watawat ng Pilipinas at sumunod sa batas at lahat ng mubuting adhikain ng pamahalaan.
D. Igalang ang mga namumuno sa bansa at palaging sumunod sa ano mang naisin nila kahit labag ito sa
batas.
10. Kung nasakop ng ibang bansa ang Pilipinas, matatawag pa rin ba itong isang bansa?
A. Hindi, kailangan munang mabawi ang teritoryo sa ibang bansa upang maibalik ulit ang soberanya nito.
B. Oo, dahil ang teritoryo nito ay orihinal na pagmamay-ari ng bansa.
C. Hindi, dahil ang teritoryo ay isang pangunahing element ng isang lugar upang matawag na bansa.
D. Oo, dahil may pamahalaan, tao at soberanya pang natitirang elemento ang isang bansa

II. Basahin at unawain ang mga katanungan.

1. Saang bahagi ng Asya matatagpuan ang bansang Pilipinas?


A. Timog-silangan Asya
B. Timog-kanlurang Asya
C. Hilagang-kanlurang Asya
D. Hilangang-silangang Asya
2. Alin sa mga sumusunod na bansa ang makikita sa Silangang bahagi ng Pilipinas?
A. Indonesia B. Guam C. Malaysia D. Thailand
3. Ilang katubigan ang pumapalibot sa bansang Pilipinas na matatagpuan sa pangunahing direksiyon?
A. 1 B. 2 C. 3 D. 4
4. Aling bansa ang makikita sa Timog-kanlurang bahagi ng Pilipinas?
A. Hongkong B. Indonesia C. Laos D. Malaysia
5. Anong katubigan ang makikita sa Timog-silangang bahagi ng Pilipinas?
A. Bashi Channel B. Celebes Sea C. Philippine Sea D. Sulu Sea
6. Aling lokasyong bisinal ang nakapalibot sa Pilipinas ang HINDI kabilang sa pangunahing direksiyon?
A. Guam B. Indonesia C. Papua New Guinea D. Taiwan
7. Sa iyong palagay, bakit mahalagang tukuyin ang relatibong lokasyon ng isang bansa gamit ang
pangunahin at pangalawang direksiyon?
A. Malaman ang teritoryo ng isang bansa.
B. Maging makabuluhan ang paghahanap ng isang bansa.
C. Malaman na ang isang bansa ay mayroong katubigan at kalupaan.
D. Mapabilis ang paghanap sa kinalalagyan ng isang bansa at matukoy ang mga kalupaan at katubigang
pumapalibot dito.
8. Ano ang implikasyon ng pagkakaroon ng relatibong lokasyon ng bansa Pilipinas?
A. Mabilis ang pag-unlad ng bansa.
B. Magkakaroon ng maraming dayuhan ang bansa.
C. Matutulungan ang mga bansang nakapaligid sa Pilipinas.
D. Mabilis na matutukoy ang kinalalagyan ng bansa batay sa mga nakapalibot na kalupaan at katubigan
nito.
9. Batay sa araling napag-aralan, bakit mayroong pakinabang ang pagiging insular at bisinal ang Pilipinas?

A. Nagpapalakas ng loob sa mga dayuhang mangangalakal.


B. Nakakapagbuklod sa mga bansa sa Timog-silangang Asya.
C. Pinag-aagawan ng mga bansang nakapalibot sa Pilipinas.
D. Pinagkukunan ng pangunahing pangangailangan ng mga mamamayang Pilipino at nagsisilbing pasyalan
ang mga magagandang tanawin nito.
10. Si Maki ay isang OFW na kasalukuyang nagtatrabaho sa bansang Borneo. Mula sa Borneo, paano kaya
niya masasabi ang tiyak na lokasyon ng Pilipinas?
A. Ang Pilipinas ay nasa Hilaga ng bansang Borneo.
B. Ang Pilipinas ay nasa Timog ng bansang Borneo.
C. Ang Pilipinas ay nasa Silangan ng bansang Borneo.
D. Ang Pilipinas ay nasa Kanluran ng bansang Borneo.

III. Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ilang kilometro kuwadrado ang kabuuang lawak ng bansang Pilipinas?


A. 300 000 B. 400 000 C. 500 000 D. 600 000
2. Ilang kilometro ang haba ng Pilipinas mula hilaga patungong timog?
A. 1 831 B. 1 841 C. 1 851 D. 1 861
3. Ano ang tawag sa sukat ng lupaing sakop ng isang bansa kasama na ang katubigan at kalawakang
katapat nito?
A. mapa B. soberanya C. tao D. teritoryo
4. Ilang kilometro ang hangganan ng Pilipinas sa bansang Taiwan?
A. 150 B. 160 C. 170 D. 180
5. Ano ang kabuuang lawak ng baybaying nasakupan ng bansang Pilipinas?
A. 17 450 kilometro B. 18 450 kilometro C. 19 450 kilometro D. 20 450 kilometro
6. Alin sa mga sumusunod na sukat ang hangganan ng Pilipinas patungong baybayin ng bansang Vietnam?
A. 1 167 kilometro B. 1 267 kilometro C. 1 367 kilometro D.1 467 kilometro
7. Sa iyong palagay, bakit mahalaga ang probisyong nakapaloob sa Atas ng Pangulo 1596?
A. Pagpapalawak ng teritoryo ng bansa.
B. Pag-iingat sa mga likas na yaman ng bansa.
C. Pag-aaangkin ng Pilipinas sa Pulo ng Kalayaan.
D. Nagbibigay ng karapatan sa Pilipinas na pamahalaan at pangasiwaan ang kanyang teritoryo.
8. Ang Pilipinas ay napapaligiran ng katubigan, paano nakatutulong sa mamamayang Pilipino ang
baybaying nakapaloob sa Exclusive Economic Zone ng bansa?
A. Nagpapalawig sa teritoryo ng isang bansa.
B. Nakatutulong sa impraestraktura ng bansa.
C. Nagsisilbing proteksyon sa mga dayuhang mangingisda.
D. Pinagkukunan ng mga isda, kabibe, korales at iba pang yamang dagat na ikinabubuhay ng mga Pilipino.

9. Bilang mag-aaral sa ikaapat na baitang, paano mo matutukuyin ang hangganan at lawak ng isang bansa?

A. Pagmamasdan ang mapa ng isang bansa.


B. Alamin ang kalupaan at katubigan ng isang bansa.
C. Pagmamasid sa mga kalupaan, katubigan at mga pulo na nakapalibot sa isang bansa.
D. Sa tulong ng mapa alamin ang kabuuang lawak ng kalupaan at katubigang nakapaloob sa teritoryo ng
isang bansa.
10. Ang mag-anak na Kadong ay isang mangingisda, tumungo sila sa baybayin malapit sa South China Sea
upang makapanghuli ng isda ngunit sa kanilang paglalayag ay lumampas sila sa itinakdang Exclusive Economic
Zone ng Pilipinas. Ano ang kanilang gagawin?
A. Hayaan lamang at magpatuloy sa pangingisda.
B. Tumungo sa kalupaan ng China at doon manirahan.
C. Bumalik sa itinakdang Exclusive Economic Zone ng bansa at doon lamang manghuli ng isda.
D. Tawagin ang mga mangingisda at makipagpaligsahan sa paghuhuli ng mga malalaki at maliliit na isda.

I. II. III.

You might also like